You are on page 1of 3

Pangalan: Jerome M.

Abonero BSED-4

PANUNURI SA PELIKULA

I. Pamagat: “Goyo: Ang Batang Heneral” Ang pelikulang Goyo: Ang Batang Heneral ay tumatalakay
sa naging buhay ng isa sa ating mga bayani na si Gregorio Del Pilar. Sa pamagat pa lamang,
tinutukoy na agad nito na ang kwento ay iikot sa buhay ng pinakabatang naging Heneral sa
panahong iyon. Sa edad na 23 taong gulang, naipamalas na agad ni Gregorio Del Pilar ang
kanyang husay sa pamumuno at pakikipaglaban. Para sa aking palagay, masasabing simple
lamang ang pamagat ng pelikula ngunit napupukaw nito ang atensyon ng nakararami lalong lalo
na kaming mga kabataan. Hindi na ito gumamit pa ng mga palaisipan na pamagat, diretso at
payak lamang. Naipahiwatig na agad sa pamagat kung saan tatakbo ang kwento ng pelikula.

II. Direcktor: “Jerrold Tarog” isang Filipino Film direcktor, isa ring screenwriter, prodyuser, editor
at isang composer at mas nakilala siya bilang direcktor ng pelikulang “Goyo: Ang Batang Heneral.

III. Kuwento ng Pelikula: Ang istorya ng pelikulang “Goyo” ay masasabi kong nasa ibang lebel kung
ikukumpara ito sa mga nauna ng pelikula na itinatanghal tungkol sa ang ating mga bayani.
Katulad na lang na mas binibigyan prayoridad at importansya nito ang mga totoong nangyari o
historya kesa sa pagbibigay diin sa dramatiko ng palabas. Pati na rin ang pagbibigay linaw nito
sating mga Pilipino, lalo na sa tulad naming mga estudyante, patungkol sa buhay ni Gregorio Del
Pilar. Katulad na lamang sa pagkilos o pagarte ni Goyo, dahil siya ay bata pa lamang, ganon din
ang kanyang pagiisip na mas inuuna pa ang pambababae at kasiyahan kesa sa pakikipaglaban.
Gayunpaman, naipakita padin ang kanyang kahusayan sa pagiging batang heneral noong naisip
niya ang “labanan sa Tirad Pass”. Ipinapakita din sa istorya ng Goyo, kung paano magisip ang
ating mga opisyales noon at pati na ang ating mga ninunong sundalo, kung paano nila pinapakita
ang pagmamahal sa sariling bansa o sa kanilang mga sarili lamang. Ang Pelikulang “Goyo” ay
umikot talaga sa buhay ng batang heneral, tahimik at kaunti lamang ang ipinakitang labanan.
Ang pagbuo ng pelikula na ito ay isang mabisang estratehiya upang mas malaman at mas
maunawaan ng mga Pilipino ang nangyari sa panahon ni Emilio Aguinaldo. Malinaw na naipakita
ang mga pangyayari at koneksyon ng mga naunang pelikula at ng kasalukuyan. Dito mas lalong
magiging interesado magbasa ang mga tao lalo na ang mga estudyante tungkol sa kasaysayan ng
Pilipinas. Mas magiging interesado rin sila panoorin ang mga susunod pang pelikula kaugnay
nito.
IV. Tema ng pelikula: Ayon sa aking obserbasyon sa pelikula, masasabi ko na mayroong puso ang
aming pinanood na pelikula dahil ipinapakita nito kung paano ipinaglaban ng mga Pilipino ang
ating bansa laban sa mga mananakop. Ipinakita rin sa pelikula kung gaano kamahal ni Goyo ang
kanyang bansa sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa mga Amerikano. Ang kaisipang tumatak
saming manonood sa eksenang ito ay sa hindi pagsuko ni Goyo sa kanyang bansa. Masasabi
nating magiting at matapat si Goyo sa kanyang bansang minamahal dahil hindi niya inurungan
ang mga Amerikano. Nag iwan ang pelikulang ito ng malungkot na eksena dahil hindi sila
nagtagumpay at nang iwan ng walang sabi ang dating president na si Presidente Emilio
Aguinaldo.
V. Mga tauhan sa Pelikula:
 PAULO AVELINO – Hen. Gregorio del Pilar
 GWEN ZAMORA – Remedios Nable Jose
 GABBY PADILLA – Dolores Nable jose
 EMPRESS SHUCK – Felicidad Aguinaldo
 CHE RAMOS – Hilaria Aguinaldo
 PERLA BAUTISTA – Dona Trinidad Aguinaldo
 STEPHANIE SOL – claral matanglawin
 JOJIT LORENZO – Miguel laurelanio
 RONNIE LAZARO – Lt. garcia
 ART ACUNA – manuel bernal
 ALVIN ANSON – Hen. Alenjandro
 MIGUEL FAUSTHMAN – Hen. Arthur Me Arthur
 EA ROCHEA – Hen. Otis
Masasabi ko na bagay sa kanila ang mga karakter na kanilang ginampanan lalo
na kay Paulo avelino na ginampanan ni si Hen. Goyo at para sa lahat, napakahusay ng
pagkakaganap, at walang pangit na pagkakaganap lahat mahusay at maganda.
I. Diyalogo ng mga tauhan: Ang pelikulang "Goyo: Ang Batang Heneral" ay naganap noong 1899.
Kakapalaya pa lamang sa atin ng mga Espanyol ng kinupkop tayo ng mga Amerikano na siyang
hindi tumatanggap sa Republika ng Pilipinas. Sa taong rin ito, ipinaglalaban ng mga Pilipino ang
karapatan nating magkaroon ng sariling gobyerno. Dahil sa kakapalaya pa lamang sa atin ng mga
Espanyol, hindi maiwawaksi na ang ibang tao sa panahon na iyon ay nag sasalita pa din sa
lenggwahe ng mga Espanyol. Makikita ito sa karakter ni Heneral Jose Alejandrino at sa isa sa
mga sundalong kasama ni Goyo na sumabak sa labanan na naganap sa Pasong Tirad. Makikita
din sa pelikula ang paggamit ng salitang Ingles. Ito ay dahil nasa ilalim tayo ng mga Amerikano
noong panahong iyon. Halimbawa na lamang ang pakikipag usap nila Heneral Alejandrino at ng
kanyang kasama kila General Otis, na isang Amerikano. Si Heneral Alejandrino ay nagsasalita
gamit ang Espanyol. Isinasalin ito ng kasama nya sa Ingles para maunawan ni General Otis ang
kanilang nais ipahiwatig. Bukod sa dalawang lenggwaheng nabanggit, hindi mawawala ang
salitang Filipino. Halos karamihan ng pag uusap sa pelikula ay purong Filipino. Hindi ito ganoon
kalalim para maintindihan ng mga nanood. Tama lamang ang mga salitang ginamit ng mga
karakter. Maganda ang salitang ginamit at naayon ang mga ito sa mga eksenang nagagana. May
mga bulgar na salita na ginamit ang mga karakter ngunit mas lalo pa nitong binigyang buhay ang
istorya. Ang mga bulgar na salitang ito ang naging paraan ng mga karakter upang mas maging
makatotohanan ang kanilang pagganap.
II. Musika: Lahat ng ginamit na mga awitin sa pelikulang ito ay talaga namang nakakabagbag
damdamin lalo na’t kung isasabay mo sa mga eksena. Nariyan ang Bato sa Buhangin ni Glaiza de
castro na tungkol sa 3 babaeng inibig ni Goyo, ang Susi ng Ben and Ben na espesyal para sa
sayaw ni Goyo at ni Remedios, at ang official soundtrack nito na mapapansing Kalmado at
Malumanay, gaya ng ugali ni Goyo sa lahat ng laban na kanyang kinaharap. Nakatulong ito, lalo
na sa “facing” ng pelikula at nakadagdag sa emosyon ni Goyo. Mas nakatulong ang official
soundtrack ng pelikula ng mangyari ang eksena kung saan nabaril si Goyo at nailibing na.
III. Sinematograpiya: Maraming lugar sa mga eksena ang talaga naman aakalain mong nasa
panahon ka pa ng unang republika. Nariyan ang laban sa Kakarong , ang huling laban ni Goyo sa
Tirad pass, na kinunan mismo sa lugar kung saan ito nangyari noong Disyembre 2, 1899.
Iniangkop din nila ang ilang siyudad gaya ng Vigan, na ibinagay nila sa lumang siyudad sa Ermita,
Maynila. Kung ganda lang naman ang pagbabasehan, maraming lugar
ang nakamkam ng Goyo at inihabi ito sa kanilang pelikula. Masasabi ko rin na kahit mukhang
parepareho ang mga lugar, ibaiba ang ginawa nila upang iangat ang ganda ng bawat eksena, pati
na ang bawat lugar.

You might also like