You are on page 1of 19

2. Gumuhit ng isang mahalagang tagpo sa pelikula.

Ito ang
magsisilbing poster. Gawing makulay ito. Gumamit ng isang
bong paper para dito.

Ang poster na aking


--
iginuhit ay isang retrato ni Heneral Goyo
at kinulayan ko ito ng naayon sa kulay ng
Uniporme Suldado y Heneral ni
Heneral Antonio Luna. Puti at Dilaw
para sa sumbrero, Ginto para sa mga tali
sa katawan, at mas mapusyaw na kulay
Dilaw para naman sa mismong
Uniporme.
Mga hakbang sa Paggawa ng Suring Pelikula

1.) Manood ng isang pelikulang pilipino.

-- Ang pelikula na naitakda sa


amin at ipinapanood sa amin ng aming
guro ay ang pelikulang GOYO: Ang
Batang Heneral. Ang pelikulang ito ay
ang pagpapatuloy ng Pelikulang
Heneral Luna at sumasalamin sa
talambuhay at mga laban, at ang
mapait na kamatayan ng itinuturing
na pinkabatang Heneral ayon sa
kasaysayan ng Pilipinas, si Heneral
Gregorio “Goyo” del Pilar.
3. Suriin ito batay sa:

1. Istorya:

Goyo: The Boy General (Tagalog: Goyo:


Ang Batang Heneral), na kilala rin bilang Goyo,
ay isang 2018 Philippine historical epic film na
pinagbibidahan ni Paulo Avelino bilang titular na
"Boy General", Gregorio del Pilar, na namatay sa
makasaysayang Labanan ng Tirad Pass sa
panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Ito
ay isinulat, nakadirekta, na-edit, at minarkahan ni
Jerrold Tarog, at isang sumunod na pangyayari
sa 2015 film na Heneral Luna, na nagpahitit sa
buhay ni Antonio Luna. Ang mga karagdagang
miyembro ng ensemble cast ay kinabibilangan
nina Carlo Aquino, Mon Confiado, Epy Quizon,
Gwen Zamora, Empress Schuck, Alvin Anson, at
Rafa Siguion-Reyna. Ipinalabas ito noong
Setyembre 5, 2018.
A.)Masasabi ko na ang istorya ng pelikula ay kakaiba dahil
sa paglalagay ng iba’t ibang twist at pagbabago sa totoong
talambuhay ni Heneral Goyo, kung kaya’t naging mas
kapanapanabik at mas naging nakakaaliw kaysa sa totoong
talmbuhay.

B.) Sumasang ayon ako sa napakarami na nating kababayang


nakapanood na ng pelikulang ito, Maganda at Maraming
Matututunan at higit sa lahat, Kakaiba. Msasabi ko ring kakaiba ito
dahil nga sa ilang twists at pagbabago nito tulad nalang ng mga
nakatutuwang eksena.
C.)Hindi ko naman masasabing kakaiba sya di tulad sa ibang
pelikula ng kasaysayan, pero mababanggit ko na mas maganda
talaga ito kesa sa orihinal na istorya.
2. Pagganap

A. Ang mga Artista at ang kanilang ginampanang karakter:


(sa kasunod sunod ng paglabas):

 PAULO AVELINO -Hen. Gregorio del Pilar


 GWEN ZAMORA - Remedios Nable Jose
 GABBY PADILLA - Dolores Nable Jose
 EMPRESS SHUCK- Felicidad Aguinaldo
 CHE RAMOS - Hilaria Aguinaldo
 PERLA BAUTISTA - Dona Trinidad Aguinaldo
 STEPHANIE SOL- Clara/ Matanglawin
 JOJIT LORENZO - Miguel Laureliano
 RONNIE LAZARO - Lt. Garcia
 ART ACUNA - Manuel Bernal
 ALVIN ANSON- Hen. Alejandrino
 MIGUEL FAUSTHMAN -Hen. Arthur Mc Arthur
 E.A ROCHEA- Hen. Otis

Masasabi ko rin na bagay sa kanila ang mga karakter lalo na


kay Paulo Avelino na ginampanan si Hen. Goyo at para sa lahat,
napakahusay ng pagkakaganap, at walang pangit na pagkakaganap.
3. Sinematograpiya at Disenyong
pamproduksyon

A.) Maraming lugar sa mga eksena ang talaga naman aakalain


mong nasa panahon ka pa ng unang republika. Nariayan ang laban
sa Kakarong , ang huling laban ni Goyo sa Tirad pass, na kinunan
mismo sa lugar kung saan ito nangyari noong Disyembre 2, 1899.
Iniangkop din nila ang ilang siyudad gaya ng Vigan, na ibinagay
nila sa lumang siyudad sa Ermita, Maynila.

B.) Kung titingnan ang 240-milyong budget ng pelikula, masasabi


ko papo bang natipid ito?

C.) Kung ganda lang naman ang pagbabasehan, maraming lugar


ang “nakamkam” ng Goyo at inihabi ito sa kanilang pelikula.
Masasabi ko rin na kahit mukhang parepareho ang mga lugar, iba
iba ang ginawa nila upang iangat ang ganda ng bawat eksena, pati na
ang bawat lugar.
4. Musika at tunog

A. ) Lahat ng ginamit na mga awitin sa pelikulang


ito ay talaga namang nakakabagbag damdamin lalo na’t kung
isasabay mo sa mga eksena. Nariyan ang Bato sa Buhangin ni
Glaiza de castro na tungkol sa 3 babaeng inibig ni Goyo, ang Susi ng
BenxBen na espesyal para sa sayaw ni Goyo at ni Remedios, at ang
official soundtrack nito na mapapansing Kalmado at Malumanay,
gaya ng ugali ni Goyo sa lahat ng laban na iatang sa balikat nya.

B.) Nakatulong ito, lalo na sa “ facing” ng pelikula at


nakadagdag sa emosyon ni Goyo.

C.) Mas nakatulong ang official soundtrack ng pelikula ng


mangyari ang eksena kung saan nabaril si Goyo at nailibing na.
Nakatulong din ito nang isinusulat na ni Joven, isang karakter
imahinasyon ng Trilogo, kung sakali mang iapalbas ang Quezon :
Ang ikalawa, ang buhay at pagiging sunod sunuran ni Goyo kay
Presidente Miong.
5. Pag iilaw at editing

A.) Kung pag uusapan naman ang mga tagpo gaya


ng tagpo sa Gabi, mga Selda, mga daan na walang ilaw, gumanda
ang paningin ng manonood at nagkakaroon sila ng ideya kung ano
ang hitsura ng mga gabi noon, at ngayon.

B.) May pangit po bang eksena? Wala. Lahat


ng eksena ay eksakto sa tema ng pelikula, maayos ang “Blocking” at
perpekto ang pagpupuwesto ng mga karakter. Lahat ng anggulo
kinunan at pumili lamang sila ng talaga nmang napakaperpektong
kuha at perspektibo ng pelikula.

C.) Sang ayon ako sa bola ng direktor na si


Jerrald Tarog, walang makatutulog sa ganda! Kahit sa loob man ng
sinehan, o sa kwartong madilim ninyo lang po panoorin, hindi kayo
aantukain, dahil sabay sa mga eksena, nariyan ang pagkukuwento ni
Joven at ang pag daloy ng musiko.
6. Wakas ng pelikula

A.)Nagwakas lamang si Goyo nang magyari na nga ang


kinakatakutan ni Remedios at g dalawa pang babae sa buhay ni Goyo,
ang kaniyang kamatayan. Ang hindi ko lamang inaasahan ay
mayroon palang kasma si Goyo noong panahong nabaril sya. Akala
kasi ng marammi ay mag isa sya noong sya ay nabaril. Dito na
pinatugtog ang Official soundtrack nila at sinabayan pa ng tilaok
ng Agila habang kausap n Goyo si Henreal Luna, sabay sabing, tapos
ka narin pala ,hijo, lika’t sabay tayong magkape (Ang bahagi ni
henral luna dito ay kathang isip ko po lamang… hindi po talaga
nangyari rio sa kwento…)
7. Pangkalahatang puna.

Sa aking loob looban, magaling at maayos na ginampanan ng


direktor na si Jerrold Tayog ang kaniyang papel, at maging nang
lahat ng staff at mga artistang gumanap , lalo na si Paulo Avelino.

Kung may aral man po akong napulot na aral


kay Heneral Goyo,ito ay nang ipinakita sa amin ng pelikula bilang
mga bata na nagsisikap na labanan ang isang digmaang ng
matandang lalaki. Nagpakita si Goyo sa amin ng isang bagay na
takot nating aminin - na inilalagay natin ang ating sariling interes
kaysa sa bansa. Ito ay isang nakakatakot na mensahe dahil sa
nangyayari sa kasalukuyang panahon ng Pilipinas, mayroon ba
talagang pagkakaiba? Mahirap sabihin iyon sapagkat lahat tayo ay
nakakakita ng iba't ibang mga katotohanan, at samakatuwid, lahat
tayo ay may iba't ibang mga kasagutan, ngunit ang isang bagay ay
sigurado, 119 taon na ang lumipas mula sa totoong mga kaganapan sa
pelikula, at nahahati pa tayo bilang isang bansa.
/B.Poster
Talaan ng nilalaman

A. Poster

B. Panimula

C. Pagsusuri ng pelikula:

1.)Istorya
2.)Pagganap
3.)Sinematograpiya at disenyong pamproduksyon
4.)Musika at tunog
5.)Pag iilaw at editing
6.)Wakas ng pelikula
7.)Pangkalahatang Puna
Suring pelikula

Pangalan:
Baitang at seksyon:
Guro:

You might also like