You are on page 1of 6

A.

PAMAGAT NG PELIKULA
The Mistress ito ay ipinamagat sa pelikula dahil ang isang babae ay
nakipagrelasyon sa isang matandang lalaki na mayroon ng pamilya dahil sa
utang na loob dito na kalaunay natutunan niya na ring mahalin.
B. DIREKTOR
Olivia M. Lamasan
C. PRODUCER
Elma S. Medusa
(Star Cinema)
D. PANGUNAHING TAUHAN
John Lloyd Cruz bilang Frederico "JD / Eric" Torres Jr., ay ang nag- iisang
tagapagmana ng kompanya at anak ng isang mayamang negosyante.
Mapagmahal sa ina ngunit suklam na suklam sa kinikilalang ama dahil sa

pangangaliwa nito.
Bea Alonzo bilang Rosario "Sari" Alfonso, isang mapagmahal at
maalagang anak, kapatid, tita, at apo. Siya ang nag- iisang inaasahan sa

pamilya.
Ronaldo Valdez bilang Frederico "Rico" Torres, ang matandang lalaking

natutunang ibigin ni Sari.


Hilda Koronel bilang Regina Torres, ang asawa ni Rico Torres at ina ni

Eric/ JD Torres.
Anita Linda bilang Lola Lina, ang nag- alaga at nag- aruga kay Sari at sa

mga kapatid nito noong silay iniwan ng kanilang ina.


Carmi Martin bilang Marrion Alfonso, ang ina ni Sari Alfonso.
Clarence Delgado bilang Mamon, walong taong bata na may gusto kay

Sari.
Tony Mabesa bilang Maestro Emil, ang amo ni Sari sa tailoring shop.
K Brosas bilang Rosa, katrabaho ni Sari sa tailoring shop.
Minnie Aguilar bilang Olga
Gabe Mercado bilang Mr. Zarate

E. TEMA
Ang pelikula ay tungkol sa isang pangkaraniwang dalaga na nagngangalang Sari
na naging kabit o kerida ni Rico Torres na isang mayamang negosyante. Si JD o Eric
naman ay ang step son ni Rico na naghahanap sa kerida ng kinikilalang ama. Sila ay
pinagtagpo sa isang pagkakataon na kapwa di nila ginusto. Si Sari ay nasuong sa
ganitong sitwasyon dahil sa utang na loob at sa sobrang kabaitan sa kanya ni Rico

Torres. Si Rico naman ay dahil sa di niya matanggap ang minsang pagkakamali ng


kanyang asawa na kung saan ito ay nangaliwa at ang masakit pa ay nagkaroon ito ng
anak (na si JD) sa kalaguyo. At si JD o Eric na sa paghahanap sa kerida ng amain ay
nahulog at umibig sa kabit nito.
F. BUOD NG PELIKULA
Si Sari (Bea Alonso), isang master cutter sa isang tailoring shop sa Maynila,
ay querida ni Rico, isang mayamang negosyanteng asawa ni Regina (Hilda Koronel)
at amain ni JD (John Lloyd Cruz). Hindi batid ni JD na kerida ng amain niya si Sari, at
wala ring kamalay-malay si Sari na amain pala ni JD si Rico. Mabibighani si JD at
liligawan nito si Sari. Matiyagang manligaw si JD, at kalaunay makakagaanan na niya
ng loob ang binata. At sa katunayan ay ipagtatapat niya dito ang kanyang kalagayan
bilang isang kerida. Napakalaki na diumano ang naitulong ni Rico kay Sari at sa
kanyang pamilya na sa kanya lamang umaasa sa ikabubuhay at ipangtutustos sa pagaaral, kayat tanggap na niya ang ganoong buhay. Ngunit matindi ang panunuyo ni JD
kay Sari, lalo nat nang malaman nito na ang tinutukoy na kalaguyo ni Sari pala ay
walang iba kundi ang kinamumuhian niyang ama. Nag-imbestiga ang kanyang anak na si
Eric/JD, ngunit sa di maipaliwanag na atraksyon at kabaitan ni Sari ay maging siya ay nagkagusto sa
kerida ng kanyang ama. Naging kumplikado ang sitwasyon sapagkat si Rico ay may asawa
at si Sari ay nagkagusto rin kay Eric ngunit natutunan na rin niyang ibigin ang amain nitong si
Rico. Hanggang isang araw ay inatake sa puso si Rico Torres dahil sa pag- aaway ng
dalawa at hindi nagtagal ito ay pumanaw. Ang pangyayaring ito ay nagdulot ng
pagbabago sa plano, isip at pamumuhay ng mag- inang Torres at ng kerida ng matanda
na si Sari. Ipinagpatuloy ni JD ang pangangasiwa sa kompanyang ibinilin at iniwan ng
kanyang amain samantalang si Sari ay nagpursige sa pagtatrabaho upang patuloy na
suportahan ang mga taong umaasa sa kanya.
ASPEKTONG TEKNIKAL
A. MUSIKA
Ang musikang ginamit ay angkop na angkop sa bawat eksenang nangyayari sa
pelikula, kapag ang eksena ay masaya ang musikang ginamit ay nababagay din sa

eksena nito at kapag iyakan naman ay malungkot na musika din ang ginagamit. Ang
mga mensahe ng musika ay nababagay din sa tema ng eksena.
B. SINEMATOGRAPIYA
Ang bawat eksena ay nasa ayos at maganda ang pagkakakuha kayat ang
dating nito ay naging makatotohanan. Ang kalinawan nito sa bawat senaryo ay
napakasimple ngunit talagang damang- dama. Kitang-Kita ang lahat ng pagkilos ng
mga tauhan.
C. PAGKAKASUNOD-SUNOD NG PANGYAYARI
Maayos ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari kaya lang may isang eksena
doon na medyo nalilito kami sa umpisa kung bakit agad na nagalit si JD kay Sari
dahil nalaman nito na si Sari Alfonso ang kabit ng amain nito gayong hindi pa
naman naipakita sa eksena. Iyon pala ay inilagay sa flashback. Ngunit maganda ang
takbo ng kwento.
D. PAGGANAP NG MGA ARTISTA
Mahusay ang pagganap ng mga pangunahing artista. Naging kapanipaniwala ang mga tauhang ginampanan nila, lalo na ni Alonso. Sa iyakang
eksina ay mapapaluha at madadala ka sa kani-kanilang emosyon, maging sa
malalaswang eksina ay todo-bigay, parang totoo na bilang isang manonood ay
parang kadiri at napaka-awkward isipin na si Bea Alonso ay nakipaghalikan
sa isang matanda, minsan may mga katanungan sa aming isipan, ano kaya ang
reaksyon nila pagkatapos,? awkward din kaya?
E. TAGPUAN
Ang tagpuan ay sa isang tailoring shop kung saan nagtatrabaho si Sari,
opisina ni Rico Torres, riles ng tren kung saan natagpuan ang lola ni Sari noong
nawala ito, simbahan sa loob ng Callao Cave, bahay nina Sari at ng pamilya nito,
bahay nina Rico Torres at Sari kung saan sila nagkikita tuwing Huwebes, bahay
nina JD, park at marami pang iba na ginaganapan ng kanilang ibat ibang eksina.
KAHALAGAHANG PANTAO

A. PAGLALAPAT NG TEORYA
Ang teoryang nakapaloob sa pelikulang The Mistress ay ang teoryang
Romantisismo sapagkat ipinapakita rito ang pag-iibigan ng isang babae sa
isang matandang lalaki na may asawa na at sa anak nito.
Nakapaloob din dito ang Teoryang Naturalismo na binibigyang-diin ang
namana at pisikal na katangiang likas ng tao kaysa katangiang moral o
rasyunal sapagkat kahit alam na ng babae na masama ang ginagawa niya na
makipagrelasyon sa taong may pamilya ay ginawa parin nya.
B. MGA ARAL NA NATUTUNAN
Ang aral na natutunan namin sa pelikula ay ang isang kerida o kabit ay
isang kasalanan sa mata ng Diyos at maging ng tao. Nakakasira ito ng
pamilya, nagdadala ng kahihiyan at nakakawala ng respeto. At ang pag-ibig o
pagmamahal ay nararamdaman ng isang tao na kayang tanggapin kung ano
ka, naglalaan ng panahon para makasama ka at kayang ibigay at
magsakripisyo para mapasaya ka.
Ngunit kung ating iisipin, matatawag bang pagmamahal kung kaya mong
ibigay ang iyong sarili at pagkatao sa isang taong tumulong at sumuporta
sayo sa panahong walang-wala ka? Siguro hindi pagmamahal ang tawag
doon kundi utang na loob, dahil sa utang na loob ay ibinigay ni Sari ang
pagkatao niya dahil sa pagsusuporta ng pangangailangan at gastusin niya.
Para sa amin hindi naman siguro masama ang tumanggap ka ng tulong sa
isang tao na handa rin tumulong sa'yo ngunit hindi naman ibig sabihin noon
na dahil sa utang na loob ay ibibigay mo na rin ang sarili mo at
makikipagrelasyon sa taong may asawa na dahil nakakasira ka ng pamilya at
kahit na anuman ang rason mo, at kahit sabihin pang minahal mo siya ay
kasalanan parin iyon sa mata ng tao at ng Diyos.
Maraming aral ang natutunan namin sa bawat eksena ng pelikula na
nagpupukaw at nagpapaalala sa bawat isa. Katulad na lamang sa eksena ni
Sari at ng kanyang lola na ulyanin na at sa paglayas nito sa kanilang bahay ay

sobrang alalang-alala si Sari. Kahit wala na sa tamang pag-iisip ang kanyang


lola at sobrang matanda na ay hindi pa rin siya tumigil sa pagmamahal at
pag-aalaga nito. Siya pa ang nagpapaligo, nagpapakain, nagbibihis sa tuwing
umiihi at dumudumi sa kanyang salawal. Kaya dapat ilagay atin sa ating
isipan na hindi sa lahat ng panahon ay mananatiling malakas ang ating mga
magulang, darating ang araw na tatanda rin sila at uugud- ugod at darating
ang araw na tayo na rin ang mag- aalaga sa kanila, magpapakain, magbibihis,
at iintindi sa kanila. Katulad ng kanilang ginagawa noong tayo ay maliit pa.
Habaanpa natin ang ating pasensya sa tuwing may gagawin silang di
maganda at panatilihin natin ang pagpaparamdam sa kanila na mahal natin
sila.
Sa eksena rin ni Sari at ng kanyang kostumer na nagpapatahi sa kanya ng
mga damit nito, si Sari ay nanatiling kalmado at may respeto dahil alam
niyang may karapatan ang kostumer na magalit at magreklamo lalo na kung
hindi tama ang pagkakagawa ng damit na kanilang ipinapatahi rito. Kahit na
palagi siyang pinagagalitanng kostumer niyang iyon, handa pa rin siyang
gawin ang lahat para maayos ang problemang kinakaharap niya. Tayo rin,
dapat mayroon tayong mas mahabang pasensya sa pag- iintindi at pagaasikaso sa mga taong ating sineserbisyohan at nakakasalamuha araw- araw.
Dapat handa tayong tanggapin ang ating pagkakamali at bawat reklamo na
maaaring ibato sa atin.
Para naman sa mga magulang, huwag natin ipilit ang isang bagay kung
saan ayaw ng ating mga anak. Respetuhin natin ang kanilang desisyon dahil
alam naman nila ang kanilang kapasidad at kung karapat- dapat o kaya
nilang gawin ang bagay na ipinagagawa sa kanila. Kagaya nalang ni Rico
Torres, pinipilit niyang papasukin at gawing tagapamahala ng kompanya si
JD kahit ayaw naman nito. Dahil ayon nga kay JD, hindi siya karapat- dapat
sa posisyong ibinibigay sa kanya sapagkat wala siyang alam sa pagpapatakbo
ng negosyo dahil siya ay hindi isang negosyante kundi isang arkitekto.

Sa mga taong palamunin, palaasa, hindi marunong maawa at tumulong sa


pamilya, dapat din nating isipin ang pagsisikap at pagsasakripisyo ng taong
nagkakandaugaga sa pagtatrabaho para lamang maiahon, mapakain, at
mabuhay kayo. Huwag nating iasa ang lahat sa isang miyembro ng pamilya
ang mga gastusin at responsibilidad lalo na't kayo ay pamilyado na. Bago
natin gawin ang mga bagay- bagay, isipin muna natin ng paulit- ulit ang
maaaring kahinatnan at kung makakatulong o makakasama ba ito. Dahil mas
giginhawa ang ating pamumuhay kung bawat isa ay magtutulungan at
magkakaisa.
Sa mga ilaw ng tahanan gaya na lamang ng ina ni Sari, dapat huwag
nating takasan at ipasa sa iba ang mga responsibilidad na dapat ikaw ang
gumawa. Dapat munang isipin at isaalang- alang ang damdamin at magiging
buhay ng mga anak na iniwan sa iba.
C. KABUUANG PANANAW
Para sa amin, hindi naman masama ang umibig, ngunit ang tunay na pag-ibig ay
kabutihang loob, hindi mapanibugho, di mayabang, di mapagsubok,di mapang-lait, di
mapanuri at hindi mapagmalabis. Ito ay maunawain, may tiwala,matiisin, matiyaga at
laging may pag-asa. Ang pag-ibig sa kapwa kapag ating naibigay, naipakalat at
naipadama sa lahat sa sandaigdigan, tiyak ang maghahari ang katahimikan sa
sansinukuban at ang buong pusong pagmamahal sa kapwa.
Ngunit mali rin na sobra-sobrang pag-ibig ang ibibigay mo. Ang pagiging
mistress o kabit ay hindi na bago sa lipunan ngayon kaya't hindi na kataka-taka na sa
bawat pelikulang mapapanood natin ay may mga eksinang ganito. Pero sa aming
pananaw gusto lamang sigurong ibahagi nito sa lipunan ang iba't-ibang dahilan o rason
ng mga kerida kung bakit sila nasadlak sa ganitong kalagayan at bigyan din ng
pakakataon ang mga keridana maintindihan ang kanilang panig, pero magkagayon
paman hindi pa rin katanggap-tanggap ang ganitong pagsasamasapagkat nakakasira ito
ng masayang pagsasamang isang pamilya at nakakadagdag ng pagkasira naman sa
pamilyang nagkalabuan na.

You might also like