You are on page 1of 2

Pangalan: Ma. Angela Mayumi M.

Samson
Pangkat: AB Psych 1-A

Gawain : Indibidwal na Gawain.


Pagkatapos mapanoofd at mapakinggan ang ginawang pagtalakay sa pelikulang nabanggit, sagutan ang
sumusunod na mga katanungan.

I. Pamagat:
Ang pamagat na “Hello, Love, Goodbye” ay nirerepresent nito ang mismong takbo ng
istorya kung saan ang mga pangunahing tauhan an sina Joy at Ethan ay nagkatagpo,
nagmahalan at sa kalaunan ay kailangan nilang lisanin ang isa’t isa. Ang napiling
pamagat na ito ay naaangkop sa tema at paksa ng pelikula.

II. Mga Tauhan:


Ang mga tauhan ng pelikula na sina Joy (Kathryn Bernardo) at Ethan (Alden Richards)
ay nagbigay buhay sa karakter ni Joy at Ethan. Kahit na unang beses nilang maging
partner bilang maging isang magkasintahan sa isang pelikula hindi iyon naging sagabal
sa pagpapakita nila ng kanilang galing sa pag-arte at ginawa nila iyong makatotohanan.

III. Buod ng Pelikula:


Isa itong love story ng dalawang Filipino na nagtatrabaho sa Hongkong. Si Joy bilang
domestic helper at si Ethan bilang bartender. Nais ni Joy na makapag-aral sa Canada kaya
kahit mahirap na mawala'y sa pamilya ay tiniis niya upang matustusan rin ang
pangangailangan nila. Nagkakilala sila Ethan at Joy noong nagkaroon ng double job si
Joy sa isang bar kahit na bawal ito sa Hongkong. At dahil rito, araw-araw na kinukulit ni
Ethan si Joy hanggang maging malapit ang kanilang loob sa isa't-isa. Batid ni Ethan na
aalis si Joy upang tuparin ang kaniyang pangarap na makapag-aral sa Canada ngunit
gumawa siya ng paraan para mapabago ang isip nito, gumawa siya ng sarili nyang bar.
Ngunit, pinili pa rin ni Joy na tuparin ang kaniyang pangarap.

IV.         Banghay ng mga Pangyayari (story grammar):

a.    Tagpuan: Hongkong
c.    Antagonista: Kahirapan
d.    Suliranin:
Mabigat sa loob ni Ethan na aalis si Joy kung kaya’t gagawa siya ng paraan para hindi na
umalis ng Hongkong si Joy. Mamimili si Joy kung aalis ba siya para tuparin ang kaniyang pangarap o
mananatili siya para sa kaniyang minamahal.

e.    Mga Kaugnay na Pangyayari o Mga Pagsubok sa Paglutas ng Suliranin:


Nagtayo ng sariling bar si Ethan para sa kanilang dalawa ni Joy bilang isang alternatibo upang
hindi na umalis si Joy.

f.     Mga ibinunga:
Pinili pa rin ni Joy ang kaniyang sarili at pangarap kaysa sa pagmamahal.
IV. Paksa o Tema:
Ang pelikulang Hello, Love, Goodbye ay hindi lamang umikot sa pagmamahalan ng isang
domestic worker at bartender. Ipinakita rin dito ang bawat pangarap ng mga OFWs na
magkaroon ng magandang buhay para sa kanilang pamilya at higit sa lahat ang
pagsasakripisyo ng isang tao na unahin ang kaniyang pamilya bago ang sarili.

VI.         Mga Aspektong Teknikal:


a.    Sinematograpiya:
Ang mga anggulo sa pelikula ay naaangkop sa pelikula at sa bawat eksenang ipinapakita.
Napakaganda ng ginawang editing, at ang ipinakitang galing ng mga lighting directors. Dagdag pa
rito ay ang magagandang kuha ng kamera sa mga tauhan at lokasyon. Kuhang kuha nito ang
kagandahan ng Hongkong. Naging malikhain ang pagpapakita ng mga eksena at malinaw naipakita
ditto ang mga emosyon ng mga karaktrer

b.    Musika:
Ang mga ginamit nilang OSTs o Orignila Sound Tracks ay nakapagdagdag sa pagbibigay ng
emosyon at mensahe sa kabuuan ng pelikula.

c.    Visual effects:
Naging malinaw ang karakter ng mga pangunahing tauhan gamit ang visual effects. Makikita
s unang parte ng pelikula na simpleng pananamit at hindi gaanong maayos ang histura ni Joy para
irepresenta at bigyang diin ang hirap na pinagdaraanan ng mga OFWs sa iba’t ibang bansa.
d.    Set Design:

VII.       Kabuuang Mensahe ng Pelikula:

Hindi mali at hindi magiging mali na piliin ang sarili kaysa sa iba. Walang mali na mas
mahalin ang sarili. Ipinakita rin sa pelikula ang pagsasakripisyo para sa minamahal.

You might also like