II. Direksyon – Si Cathy Garcia-Molina ang direktor ng pelikula na ito. Isang matagumpay at mahusay ang kanyang nagawang pelikula sapagkat ang kwento niyo ay napapanahon. Ang pelikula ay may paksa patungkol sa pag-ibig at pagsasakripisyo ng dalawang nagmamahalan. III. Buod- Ito ay kuwento tungkol sa dalawang taong nagmamahalan na nag ngangalang Joy at Ethan. Si Joy ay masipag at isang taong may mataas na pangarap. Siya ay isang domestic helper sa ibang bansa ngunit dahil sa isang pagkakamali ay pinapaalis siya ng kanyang amo. Siya ay hindi tumigil at naghanap ng ibang mapapasukan kung saan pumasok siyang bilang isang illegal waitress sa isang bar. Dito niya nakilala si Ethan, isang barista. Nahulog ang loob nila sa isa’t Isa at habang tumatagal ay nalalaman nila ang sikreto ng isa’t isa. Si Joy ay tutungo ng Canada upang ipagpatuloy ang kanyang pangarap ngunit sa kasamaang palad ay hindi maaaring sumama si Ethan. Ipinagpatuloy ni Joy ang kanyang pag alis papuntang Canada upang tuparin ang kanyang pangarap habang si Ethan ay nanatili sa kanyang lugar. IV. Karakterisasyon ng mga Tauhan Pangunahing Tauhan Kathryn Bernardo as Joy Marie Fabregas: Alden Richards as Ethan Del Rosario Katuwang na Tauhan Kakai Bautista as Sally Daraga Lito Pimentel as Mario Del Rosario Joross Gamboa as Jihim Maymay Entrata as Mary Dale Fabregas Lovely Abella as Gina Marikit Jameson Blake as Edward Del Rosario William Lorenzo as Celso Fabregas Anthony Jennings as Eric Del Rosario Wilbert Ross as Joey Fabregas Aliyah Billote as Liezel Fabregas Angela Poliquit as Annie Jon Go as Wayne Poon Po Lun Lilac as Lin (Annie’s mother) V. Teoryang Pampanitikan/Pampelikula Ang pelikulang ito ay may teoryang Romantisismo na tumutukoy sa pagkabigo sa pag-ibig sapagkat ang mga pangunahing tauhan sa pelikula ay nagkahiwalay ng landas upang ipagpatuloy ang kanilang mga pangarap. VI. Sinematograpiya Napakahusay ng pag gamit ng ilaw at anggulo ng kamera sa pelikulang ito. Maayos nilang naipakita at naiparamdam sa mga manunuod ang bawat eksena dahil sa mahuhusay na anggulo. Dagdag pa dito ang pagkuha sa bawat magandang Lugar at pag gamit ng ilaw. VII. Disenyong Pamprudaksyon A. Ang pelikulang ito ay gumamit ng mga props katulad sa eksena sa isang bar kung saan gumagamit sila ng mga kasangkapan tulad ng baso at mga gamit sa pagluluto. Sa pamamagitan nito, mas tumatatak sa nanunuod ang eksena. B. Ang bawat tauhan ay gumagamit ng magkakaibang kasuotan at make-up upang maireprisinta ang kanilang karakter. Si Joy ay nakapambihis babae at damit pantrabaho. Siya din gumamit ng make-up habang si Ethan naman ay nakapambihis lalaki at pang bartender upang maireprisinta ang kanyang karakter. C. Ang tagpuan ay sa bansang HongKong kung saan ito ay nagtutugma sa hinihinging sitwasyon ng pelikula. Ang sitwasyong hinihingi ay ang pagiging OFW ng dalawang pangunahing tauhan. VIII. Bisa sa Isip at Damdamin Ang pelikulang ito ay nagbigay ng kilig at kirot puso ng manunuod. Napakahusay ng kwento at bawat eksena ay dapat abangan. Napagtanto ko na ang mga OFW ay isang bayani sapagkat gusto nila na gumanda ang buhay ng kanilang pamilya kapalit man niyo ay ang kanilang pansariling kasiyahan. IX. Konklusyon at Rekomendasyon Napakahusay ng pelikulang ito at hindi nakakasawa panuodin. Ang bawat eksena ay tumatatak at ito ay nagbibigay ng iba’t-ibang damdamin sa manunuod. Hindi maitatanggi na marami ang nahumaling sa pelikulang ito lalo na’t ito ay ginagampanan ng mga mahuhusay na artista. Ang mairerekomenda ko lang ay magkaroon ng panibagong yugto ang kwentong ito sapagkat bitin o di kaya hindi maayos ang paghihiwalay ng dalawang pangunahing tauhan sa kwento.