You are on page 1of 3

GAWAIN 3

REPLEKSIYONG PAPEL

Sa libro ng Young Critics Circle (Flores & YCC, 2009, p. 23), naihanay ang mga
sumusunod na tanong:

1. Paano nagkakaugnay ang iba’t ibang element ng pelikula? Pumili ng isang


pelikula at suriin ito ayon sa mga elementong tinalakay.
2. Ipaliwanag kung bakit ang pelikula ay hindi isang teknikal na usapin lamang.
Paano halimbawa nagiging makabuluhan ang sinematograpiya at editing sa
paglahad ng saysay ng isang pelikula?
3. Tumukoy ng isang paboritong eksena sa pelikula o di kaya’y paboritong artista.
Tuklasin kung bakit naantig ang damdamin kapag naaalala o natutunghayan ito.

Sagutin ang isa sa mga tanong na ito.

“Paano nagkakaugnay ang iba’t ibang element ng pelikula? Pumili ng isang pelikula at
suriin ito ayon sa mga elementong tinalakay”

HELLO LOVE, GOODBYE (2019)

Idinirek ni: Cathy Garcia-Molina

Scriptwriter: Carmi Raymundo

Pinagbibidahan Nina: Kathryn Bernardo at Alden Richards

Ang pelikulang “Hello Love, Goodbye” ay ang kasalukuyang may hawak ng titulo
bilang pelikulang may pinakamataas na kinita sa buong bansa. Masasabing mahusay
ang pagdederehe ni direk cathy sapagkat ang kwento ng pelikula ay tumatak sa mga
manunuod dala narin ng pagiging eksperto sa ganitong uri ng pelikula. Gayundin ang
mga linya sa buong pelikula ay masasabing pinag-aralan ng mabuti at hinabi upang
maging angkop sa bawat eksena ng pelikula. Parehas na kilala sa industriya sina direk
Cathy Garcia Molina at ang scriptwriter na si Carmi Reymundo at madalas din silang
magkasama sa paggawa ng mga pelikula.

Naging matagumpay din ang sinematograpiya at disenyong biswal ng buong


pelikula. Mula sa damit ng mga gumanap, mga anggulo ng pagkuha at maging sa mga
lugar kung saan ito kinuha ay nagdala ng malaking tagumpay sa pelikula. Maraming
eksena sa pelikula ang kinuha sa gabi ngunit mas naging kaaya-aya at angkop ito
lalong lalo na sa ilang mga ispisipikong eksena kung saan nag-uusap ang dalawang
pangunahing karakter sa tabing dagat. Mahusay din ang paglalapat ng tunog at maging
ang editing ng pelikula. Tugmang tugma at tama ang lapat ng mga tunog at effects sa
mga eksena. Ang paglapat ng mga themesong sa mga pangmalakasang eksena ay lalo
pang nagpalakas ng impak ng eksena sa mga manunuod.

Ang kuwento ay tungkol kay Joy Fabregas, ang karakter na OFW breadwinner at
may mataas na pangarap sa pamilya na siyang ginampanan ni Kathryn Bernardo at ni
Ethan, isang lalaki na happy go lucky na ginampanan naman ni Alden Richards.
Patungkol ito sa kuwento ni Joy na isang Nurse graduate pero nagtrabaho bilang isang
domestic helper sa Hongkong. Ipinakilala si Joy bilang isang matatag na babae na may
mataas na pangarap para sa pamilya. Pangarap ni Joy na makalipat sa Canada upang
magtrbaho bilang nurse at kalaunan ay isama ang kanyang pamilya upang doon
manirahan. Pumapasok siya sa iba’t ibang trabaho upang makaipon ng peracpara sa
pag-alis niya. Ngunit nawalan ng pagkikitaan ang kanyang amo kaya naman napilitan
siyang maghanap ng iba pang trabaho at dito ay nakilala niya si Ethan. Si Ethan na
isang happy go lucky ay nagkainteres kay Joy at dito nag-umpisang tulungan ni Ethan
si Joy upang mas madaling makaipon ng pera para sa kanyang pangarap. Kasabay ng
paglipas ng mga araw ay ang paglalim ng kanilang samahan. Nahulog ang loob nila sa
isa’t isa at ditto nagsimula ang kanilang pagmamahalan. Ngunit dumating araw na
hinihintay ni Joy, ang araw ng katuparan ng kanyang mga pangarap ngunit nagdala ito
ng kaunting komplikasyon sa sa relasyon ng dalawa. Ayaw nang paalisin ni Ethan si
Joy papuntang Canada. Dito makikita ang pagdedesisyon ng dalawa na siyang
magdadala sakanila sa kanilang hinaharap. Hindi kayang isuko ni Joy ang kanyang
pangarap para sa kanyang pamilya kapalit ng pag-ibig. Minsan lamang gagawa si Joy
ng desisyon para sa kanyang sarili sapagkat buong buhay niya ay desisyon para sa
pamilya ang kanyang isinasa alang-alang. Nang una ay hindi ito matanggap ni Ethan
kaya naman hinimok niya si Joy na huwag ng umalis, ngunit mas naging matimbang
ang matagal ng pinapangarap ni Joy. Ipinaintindi niya kay Ethan an kahalagahan ng
pangarap. Ipinaintindi rin niya kung gaano niya kamahal si Ethan di kalauna’y sumang-
ayon din si Ethan sa desisyon ng kanyang minamahal. Kanya itong sinuportahan
bagama’t hindi sila magkikita ng mahabang panahon ay nangako silang mananatili ang
pag-ibig nila habang tinutupad ang kanilang pangarap at kung dumating man ang isang
araw na sila’y muling pagtagpuin ng tadhana dala pa rin nila ang pagmamahal sa isa’t-
isa. Iyan lang naman ang ginampanan na karakter ni Kathryn Bernardo at Alden
Richards. Kung susumain ay napakahirap gampanan ng karakter na binigay sakanila
lalo na’t ito ang kanilang unang pagtatambal sa pelikula ngunit hindi ito naging dahilan
para hindi magampanan ng maayos ang kani-kanilang karakter. Binigay nila ang
pinakamahusay na pangganap sa mga karakter. Dahil narin sa matagumpay na
pangganap nila at sa masining na pagdidirek at talaga naming napakahusay na
pagsulat, nagbunga ito ng isang masasabi kong obra maestro. At saksi ang mga
manunuod sa kahusayan ng mga taong parte ng pelikulang ito. Hindi ako
nagdadalawang-isip kung paano nga ba ito naging patok sa mga manunuod at kung
paano nito nakuha ang titulong Top Grossing Film sa buong Pilipinas.

You might also like