You are on page 1of 2

Itay, Tatay, Papa, Ama, Daddy, Dad, Papsy ilan lamang yan sa kadalasang tawag sa ating haligi

ng tahanan. Haligi ng tahanan kung ituring ang mga ama. Mga ama na sa simula pa lamang ay
andiyan na para tayo ay alagaan at bantayan. Sila yung mga tao na sabik na sabik pa kaysa sa
ina sapagkat sa wakas ay matatawag na silang ama.

Mula pagkabata ay hindi ko na madalas makausap ang aking ama. Bagamat laging kasama sa
bahay pero ni konting salita ay hindi man lang marinig mula sa sakanya. Lumaki ako na hindi
malapit ang loob sa ama bagamat puno ng suporta pinansiyal at sa mga kagamitan mula
sakanya hindi naman buo ang suporta kung walang medalya na nakasabit sa leeg sa tuwing
sasapit ang pagtatapos ng bawat taon sa pag aaral. Madalas wala si ama, nagtatrabaho,
kumakayod para daw sa pamilya. Hanggang pati si ina nagtravaho sa ibang bansa para may
pantustos sa pangangailangan ng lumalaking pamilya.

Ang ama ang haligi ng tahanan, ngunit paano kung dumating ang araw ang haligi ay unti unti
nang nawawala. Ang dating haligi na minsang pinupunan ni ama ay ikaw nang panganay ang
kailangang pumuna. Masakit para sa isang panganay na makitang si ama hindi na masaya sa
pamilya. Ang dating hinahanap na pag aaruga ng ama tila ba napalitan ng hinagpis at galit na
minsan ng kumawala.

"AMA", salitang minsan ko nang piniling kalimutan. Salitang pag nrinig ko bigla nalang
nagngingitngit na galit ang nadarama. Pero gaano man kasama ang kanyang nagawa ay
nananatiling siya ay aking ama. Walang magawa kundi sa panalangin nalang umasa. Hanggang
sa isang araw dininig ng Amang nasa langit ang aking kahilingan, na sana bumalik na si ama. Si
ama na sitang mag aaruga sa buong pamilya, si ama na muling titindig bilabg haligi sa pamilya.
At ngayon si ama ay nagbalik na. Hinahabol ang mga sandaling nalipasan, binabawi ang sakit na
minsan niyang pinaramdam, binubuo at inaayos ang pamilyang minsan niyang oiniling talikuran.

"AMA", salitang minsan ko mang piniling kalimutan ngunit ngayon ay salitang pinipiling mahalin
at isalba. Sa aking ama na minsang mang nagkasala, pinapatawad na kita. Kalimutan na natin
ang kahapong minsang sumira sa pamilya, may panahon pa para muling sumaya ang buong
pamilya.Maligayang Araw ng nga Haligi ng Tahanan. Mahal na mahal kita.

You might also like