You are on page 1of 9

ANYO NG PANITIKAN

I. PANIMULANG GAWAIN:

Panuto: Manood ng isang Spoken Poetry (Youtube o anomang social media) at Ibuod ang
sinasabi ng tumula.

Malaya (Spoken Poetry) ni: Mark Ravina

Minsan kahit hindi natin naisin kailangan natin maging malaya

Kahit hindi natin gustuhin kailangan nating magparaya

Kung alam na natin na ito ang tama ay kailangan natin itong sundin

Kailangan nating hanapin at unahin ang kapakanan ng ating sarili

Dahil sa pag ibig, nakalimutan na natin ang ating sarili

Naging sunud sunuran tayo sa ating nararamdaman

Nabulag tayo sa katotohanan at nakalimutan nating mahalin ang ating sarili

Bagamat mahirap, bagamat masakit at minsan mararanasan pa nating bumalik sa dati ay


kailangan na nating palayain ang ating sarili

Sa pagmamahal dapat nating isama ang ating sarili

Wag nating hayang sa sobrang pagmamahal ay makalimutan natin ang pagmamahal sa ating
sarili.

III. PANAPOS NA GAWAIN:

Panuto: Tunghayan ang pahayag ni Kim Chu sa youtube hinggil sa isyu ng ABS CBN
https://www.youtube.com/watch?v=o3OlCxCmSwc
“Sa classroom, may batas. Bawal lumabas. O, bawal lumabas, pero pag sinabi, pag nag-comply
ka na bawal lumabas. Pero may ginawa ka sa pinagbabawal nila inayos mo yung law ng
classroom niyo at sinubmit mo uli, ay puwede na pala ikaw lumabas.”

Ipaliwanag kung paanong umabot ang pahayag niyang ito na mula sa anyong tuluyan ay naging
isang awit o anyong patula. Ikuwento ang naging pag-unlad ng simpleng pahayag na ito at
nagkaroon ng sampung milyong views sa youtube. Talakayin.

Nagsimula ito ng magbigay ng pahayag si Kim Chui tungkol sa isyu ng pagpapasara sa Abs-cbn.
Dala narin ng lungkot, galit dahil sa pangyayari ay nakapagbitaw siya ng mga salita na hindi
malinaw kung ano nga ba ang tunay na mensahe. Dahil narin sa Internet naging mabilis ang
pagkalat nito sa social media at ito ay nagmitsa ng katanungan na kung ano nga ba ang nais
iparating ng kanyang pahayag. Hanggang sa nagbunga ito ng pambabatikos, ang iba naman ay
napansin ang nabuong tugma sa kanyang binitawang pahayag. Isinalin sa tula ng mga may
kakayahan sa pagkagawa ng tula hanggang sa ginawang liriko sa kanta at ngayon ay ginawan na
nga ng sayaw. Kilala ang mga Pilipino sa pagkakaroon ng malikhaing kaisipan na siya namang
naging dahilan ng pagkakaruon ng tula at kanta mula sa dating simpleng pahayag. At mabilis
itong tinangkilik ng madla kaya naman mabilis ding tumaas ang bilang ng mga nanuod ng video
nito sa youtube. Lalong lalo ang mga kabataan na sunod lamang sa kung ano ang uso o trend.
DISPENSASYON NG PANITIKANG PILIPINO

I. PAUNANG GAWAIN:

Panuto: Ibigay ang iyong reaksyon halimbawang may nag post sa twitter, FB o anomang social
media ng ganitong uri ng Panitikan na tumutuligsa sa mga namumuno sa simbahan.

Amain Namin

Marcelo H. Del Pilar

Amain naming sumasaconvento ka,

sumpain ang ngalan mo,

malayo sa amin ang kasakiman mo,

quitlin (kitilin) ang liig mo dito sa lupa para nang sa langit

Saulan mo cami (kami) ngayon nang aming kaning iyong inaraoarao(inaraw-araw)

at patauanin (patawanin) mo kami sa iyong pagungal (pag-ungol)

para nang pagpapataua (pagpapatawa) mo kung kami nacucualtahan (nakukuwartahan);

at huag (huwag) mo kaming ipahintulot sa iyong manunukso

at iadya mo kami sa masama mong dila.

Reaksyon:
Bagamat ang kanyang akda ay tumutligsa sa isang namumuno ay hindi mali ang kaniyang
ginawa. Sapgkat tayo ay nasa demokratikong bansa na may kalayaang magpahayag ng ating
saloobin. Bagamat pambabatikos man ang nilalaman ng kanyang akda ay hindi ito pambabastos
kung ang kanyang ay ilabas lamang ang kanyang saloobin ukol sa pangyayari. Ngunit bagamat
tayo ay may kalayaang magpahayag o gumawa ng mga akdang manghihikayat sa iba ay idaan
natin ito sa maayos at kahit papano ay matiwasay na pamamaraan. Kailangan parin nating mag
ingat sa mga salitang ating gagamitin sa ating akda. Dahil maaaring iba ang pagkakaintindi ng
iba sa ating akda at maaaring ito ay magmitsa ng isang di pagkakaunawaan at maging masama
ang kalabasan. Sa ating paggawa ng akda ay lagi nating isa alang alang kung sino ba ang ating
magiging mambabasa, dahil isang katangian ng isang magaling at responsableng awtor ang
kilalanin ang kanyang mga mambabasa at iinterpret ang magiging dating o Impak ng kanyang
akda sa kanyang mga mambabasa.

Tama ang maging mulat at may kaalaman sa mga isyung nagaganap sa ating kapaligiran ngunit
dapat nating isipin na sa tuwing tayo ay gagawa ng akda o mensahe patungkol sa mga ito ay
dapat tayo maging responsable at matalino. Sapagkat ang ating akda ay may hatid na mensahe
sa mga makakabasa nito.

III. PANAPOS NA GAWAIN:

Panuto: Mula sa mga tinalakay hinggil sa dispensasyon ng Panitikang Pilipino ay mapapansing


nagbabago ang paksa at anyo ng mga panitikan depende sa pangangailangan ng sambayanan.
Halimbawang ikaw ay nabuhay sa isa sa mga panahong ito (maliban sa kasalukuyan), sumulat
ng isang akda (maaring nasa anyong patula o tuluyan) na aakma sa pangangailangan ng
panahong iyon.

LUMABAN, PARA SA KALAYAAN

ni: Sherwin Castillo


Sigaw man ng puso'y abot langit

Ngunit mga mata'y tila nakapikit

Pagmamalabis ng mananakop ay iginigiit

Kalayaang nais, paano makakamit

Edukasyo'y kanilang ipinagkait

Upang mapanatili ang ating sarafing isip

Ngunit sino ang magsasalba

Sa ating bayang tinatawag nilang kanila

Kapahamakan ay ang siyang nagbabadya

Sa sinumang nais tumingala

Ngunit paano makakalaya

Kung pagmamahal sa bayan unti unting nawawala

Mga kapwa ko Pilipino

Nasaan ang puri mo

Hahayaan bang silang kamkamin ang ating bayan

O tayo'y lalaban para sa ating Kalayaan


IMPLUWENSYA NG PANITIKAN

I. PANIMULANG GAWAIN:

Panuto: Mag browse sa internet o anomang libro at tunghayan ang iba’t ibang uri ng gobyerno
o relihiyon mayroon ang iba’t ibang bansa. (limitahan lamang sa 10)

1. China - Communism

2. Saudi Arabia - Monarchy

3. Belgium - Democracy

4. Austria - Democracy

5. Spain - Monarchy

6. North Korea - Communism

7. Qatar - Monarchy

8. Canada - Democratic

9. Kuwait - Monarchy

10. Italy - Democracy

III. PANAPOS GAWAIN:

Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan.

1. Paano naiimpluwensiyahan ng mga akdang pampanitikan ang bawat tao?


Ang mga akdang panitikan ay pumupukaw sa damdamin at paniniwala ng isang mambabasa.
Bawat akda ay may hatid na mensahe na maaring kumintal sa isipan ng mambabasa na siyang
nagiging dahilan ng kanilang pang sang ayon sa gumawa ng akda.

2. Paano mo mailalarawan ang panitikan bilang instrumento sa pagbabagong bihis ng mga


pamahalaan o pananampalataya?

Ang panitikan ay nagmumulat sa mga tao sa kanilang katayuan. Ang mga akdang nagsisilbing
instrumento at pumupukaw sa loob ng mga mambabasa ay nagsisilbing aral at kaalaman na
siyang nagiging dahilan ng pagbabago sa paniniwala at pronsipyo ng nga tao.

3. Magtala ng mga bansang may mga akdang pampanitikan na hindi pinahihintulutan


makapasok o makarating sa kanilang lugar. Ano-ano ang mga kaparusahang ipinapataw dito?

The Grapes of Wrath ni John Steinbeck sa Turkey. Ang sinumang maglimbag at


magtitinda ng akdang ito ay mahaharap sa isa hanggang anim na buwang
pagkakakulong. Ipinagbawal ito sapagkat ito raw ay nagpapakalat ng propaganda na
taliwas sa estado ng kanilang bansa. Gantong uri rin ng kaparusahan ang sinumang
maglilimbag, magbebenta o magtuturo ng akdang For Whom The Bell Trolls ni Ernest
Hemingway sa parehas na bansa. Ang mga librong ito rin ay ipinagbawal na ituro sa
ilang mga paaralan.

4. Kung ihahambing mo sa mga kasaysayan ng Korea, China at mga bansa sa Europe ang
preserbasyon ng kanilang kultura at pananampalataya batay sa mga panitikan ng kanilang
bayan, masasabi mo bang mahalagang balikan at halukayin ang ating mga sinaunang panitikan
bilang tunay na pagkakakilanlan ng lahing Pilipino? Ipaliwanag.

Napakahalagang malaman natin ang ating pinagmulan. Ang ating sinaunang panitikan na siyang
natabunan dahil narin sa pananakop ng mga dayuhan. Lalong lalo na noong mga panahong
pinasunog at ikinbli saatin ng mga kastila ang ating mga katutubong panitikan. Dahil ang
kattubong panitikan ay siyang maituturing natin na sariling atin sapagkat walang halong kolonya
o banyagang paniniwala. Sa pamamagitan nito ay makikilala natin ang ating tunay na
pinagmulan. Bagamat sa hanggang panahon natin ngayon ay may mga naisalbang sinaunang
panitikan mahalaga parin na halukayin at balikan natin ang katotohanang bubuo sa ating lahing
Pilipino.

5. Sumulat ng iyong refleksiyong sanaysay hinggil sa kahalagahan ng Preserbasyon ng


Panitikang Pilipino para sa sambayanang Pilipino.

Ang panitikan ay ang pagkakakilanlan ng isang bayan. Kilala ang ating bansa bilang isa sa mga
bansang may mayayamang panitikan. Mula pa sa panahon ng mga katutubo hanggang sa mga
kastila at maging sa pagdating pa ng ibang mga dayuhan. Ang panitikan ay karapat dapat lang
na ating ingatan. Nagpasalin-salin pa mula sa ating mga ninuno hanggang sa panahong maaari
nang ilimbag at ipakalat. Mayaman ang ating panitikan sa mga kwento ng ating mga bayani,
mga bayaning nakipaglaban para sa ating kalayaang matagal na inasam. Ang ating panitikan ang
siyang nagpapakilala sa ating katauhan bilang isang Pilipino. Mga kwento na nagpapakita ng
ating katapangan at pagiging mayaman sa kultura. Kaya naman napakahalagang maisalin pa sa
mga susunod pang henerasyon. Kasama ng pagkakaroon ng mayamang panitikan ang ating
obligasyong siguraduhin ang preserbasyon nito. Anong silbi ng ating lahi kung walang
pagkakakilanlan? Bagamat nahaluan ng mga banyagang kaalaman ay huwag nating hayaang
matabunan ang matatawag nating sariling atin. Gayun na lamang kaya naman kasama sa
kurikulum ng ating edukasyon ang pag-aaral sa ating sariling panitikan at kung paano ito
nagsimula hanggang sa kung paano yumabong at yumaman. Nakakalungkot lang isipin na sa
kasalukuyan ang mga kabataan sa ating bansa ay mas nahuhumaling pa sa mga banyagang
panitikan kagaya ng k-drama at iba pang asia-nobela at ang iba ay ikinukumpara sa ating sariling
panitikan at minamaliit at mas mababa ang tingin sa panitikang Pilipino. Kaya naman sa
panahon ngayon ay mas alam pa nila ang panitikang banyaga kaysa sa sariling atin. Ito ang
dapat nating aksyunan, hindi naman masama ang humanga sa panitikang makabanyaga ngunit
dapat ay igalang natin ang sa atin. Nararapat lamang na alam natin ang ating ssriling panitikan
sapagkat ito ang nagpapatunay sa makulay at mayamang kaisipan meron ang ating lahing
Pilipino.

You might also like