You are on page 1of 36

Nahihinuha ang kaalaman at motibo/

pakay ng nagsasalita batay sa


napakinggan.
Naibubuod ang tekstong binasa sa tulong
ng pangunahin at mga pantulong na
kaisipan.
Naipaliliwanag ang kahulugan ng salitang
nagbibigay ng hinuha.
( ILISTA MO!)
Bawat pangkat ay magIilista ng mga bagay na
hinihingi ng pahayag. Ibabahagi ito sa klase.
a.Gaano kahalaga sa inyo ang
mga bagay na inyong inilista?

b.Alin sa mga bagay na ito ang


higit ninyong dapat naisin?
Bakit?
Ano-ano ang mga
mahahalagang konseptong
nakapaloob sa sanaysay na
“Ang Ningning at ang Liwanag”?
(WHAT’S THE WORD?)
Ibibigay ang hinuha sa mga
salitang makikita sa akdang
tatalakayin.
(WORD NETWORK)
Magbibigay ng hinuha a ukol sa
pahayag na nakasulat gamit ang
word network o pagbibigay ng
iba pang salitang may
kaugnayan dito.
(ATING KILALANIN!)
Bukod sa pagiging manunulat ay higit na nakilala si Emilio Jacinto bilang
bayani noong panahon ng himagsikan. Siya ay sumapi sa Katipunan sa edad na
labinsiyam.

Siya ay tinaguriang Utak ng Himagsikan sapagkat tumayo siyang kanang


kamay ni Bonifacio at naging tagapayo, kalihim at piskal ng KKK. Siya ang
nagtatag at naging punong patnugot ng pahayagan ng Katipunan na Kalayaan.
Ginamit niya ang mga sagisag na Dimas-Ilaw at Pingkian.

Namatay siya sa edad na 23 bunga ng sakit na malaria at mahinang


katawan dahil sa tinamong sugat, sakit at hirap sa pakikipaglaban para sa
kalayaan ng bansa noong Abril 16, 1899 sa Magdalena Laguna.
ANG NINGNING
AT ANG LIWANAG
Emilio Jacinto
Ang ningning ay nakasisilaw at
nakasisira sa paningin. Ang liwanag ay
kinakailangan ng mata, upang mapagwari
ang buong katunayan ng mga bagay-bagay.
Ang bubog kung tinatamaan ng nag-
aapoy na sikat ng araw ay nagniningning;
ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak
na dumampot.
Ang ningning ay maraya.

Ating hanapin ang liwanag;


tayo’y huwag mabighani sa
ningning.
Sa katunayan ng masamang kaugalian:
Nagdaraan ang isang karuwaheng maningning
na hinihila ng kabayong matulin. Tayo’y
magpupugay at ang isasaloob ay mahal na tao
ang nakalulan. Datapua’y marahil naman ay
isang magnanakaw, marahil sa isang malalim ng
kaniyang ipinatatanghal na kamahalan at mga
hiyas na tinataglay ay natatago ang isang
sukaban.
Nagdaraan ang isang maralita na
nagkakanghihirap sa pinapasan. Tayo’y
napapangiti, at isasaloob.
Saan kaya ninakaw? Datapua’y
maliwanag nating nakikita sa pawis ng
kaniyang noo at sa hapo ng kaniyang
katawan na siya’y nabubuhay sa sipag
kapagalang tunay.
Ay! Sa ating naging ugali ay lubhang nangapit
ang pagsamba sa ningning at pagtakwil sa liwanag.
Ito nga ang dahilan kung kaya ang mga loob na
inaakay ng kapalaluan at ng kasakiman ay
nagpupumilit na lumitaw na maningning, lalong-
lalong na nga ang mga pinuno na pinagkatiwalaan
ng ikagiginhawa ng kanilang mga sakop at walang
ibang nasa kundi ang mamalagi sa kapangyarihan
sukdang ikainis at ikamatay ng bayan na
nagbibigay sa kanila ng kapangyarihan.
Tayo’y mapagsampalataya sa ningning, huwag
nating pagtakhan ang ibig mabuhay sa dugo ng ating
mga ugat at magbalat-kayong maningning.

Ay! Kung ang ating dinudulugan at hinahainan


na puspos na galang ay ang maliwanag, ang
magandang asal at matapat na loob, walang
magpapaningning pagka’t di natin pahahalagahan.
At ang mga isip at akalang ano pa man ay hindi
hihiwalay sa maliwanag na banal na landas ng
katuwiran.
Ang kaliluhan at ang katampalasanan ay
humahanap ng ningning upang hindi mapagmalas
ng mga matang tumatanghal ang kanilang
kapangitan; nguni’t ang kagalingan at ang pag-ibig
na dalisay ay hubad sa ningning, mahinhin, at
maliwanag na mapatatanaw sa paningin.

Ang mahabang panahong lumipas ay isang labis


na nagpapatunay ng katotohanan nito. Mapalad ang
araw ng liwanag!
Ay! Ang Anak ng Bayan, ang kapatid
ko, ay matututo kaya na kumuha
ng halimbawa at lakas sa
pinagdaanang mga hirap at binatang
mga kaapihan?
(IBUOD NATIN)
Ibubuod ang sanaysay na “Ang Ningning at ang
Liwanag” sa tulong ng graphic organizer.
(JUST DO IT!)
Pipili ang bawat pangkat ng paksang
kanilang tatalakayin tungkol sa
sanaysay na binasa sa tulong ng mga
mungkahing estratehiya.
1.Ano ang pangunahing layunin ni Emilio
Jacinto sa pagsulat ng sanaysay?
2.May pagkakaiba ba ang ningning at liwanag
batay sa sanaysay? Ano ito? Alin ang higit na
mabuti sa dalawa para sa iyo? Ipaliwanag.
3.Sa iyong palagay, bakit maraming tao ang
labis na nagpapahalaga sa ningning o kinang
ng kapangyarihan at kasikatan?
4.Bakit maituturing na sanaysay ang
akdang binasa? Sa anong uri ng
sanaysay ito nabibilang? Bakit?
5.Paano mo magagamit sa personal
mong buhay ang mga gintong aral na
iyong nakuha sa sanaysay?
(THINKING BALOON)
Pupunan ang Thinking Balloon ng mga
hakbang hinggil sa mga bagay na
maaari mong gawin upang maging
ganap na liwanag ang mga bagay na
nasa loob nito.
(NINGNING O LIWANAG?)
Ilalagay sa liwanag ang mga
konseptong may kaugnayan sa
aralin at sa ningning ang walang
kaugnayan.
1.Ang sanaysay ay isang uri ng panitikang nasusulat sa anyong
tuluyan na karaniwang pumapaksa sa mga kaisipan at mga
bagay bagay na kapupulutan ng aral sa mga mambabasa. Bakit
isang sanaysay ang akdang “Ang Ningning at Liwanag”?
a.Ang mga pangyayari sa akda ay nagpapahalaga sa
pinagmulan ng isang bagay.
b.Ang nilalahad sa akda ay opinyon ng manunulat tungkol
sa mga isyung panlipunan.
c.Ipinakita ang tagpong tulad ng sa maikling kuwento kung
saan tumatalakay sa isang momentum lamang.
d.Nagpapakita ito ng mga balitang nagaganap sa araw-araw
sa isang partikular na lugar.
2.Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng ningning?
a.Mahilig bumili at magsuot ng magagandang damit si
Jackielou upang magpahanga sa marami niyang mga kaibigan na
kasama sa pasyalan.
b.Nakita ni Roland na tama ang naging pasya ng kanyang
kaibigang si Aldrin na humanap ng trabaho sa malayong lugar
para makatulong sa kanyang pamilya.
c.Si Jackie ay maganda na, mabait at masipag pa. Nag-aaral
siya sa isang pampublikong paaralan bagama’t may kaya sa
buhay
d.Nag-aaral at nagsisikap si John upang maging isang
doktor ng kanilang bayan.
3.Alin naman sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita
ng liwanag?
a.Si Ferdie ay isang politiko na magaling magsalita at mangako sa
mamamayan ngunit nauuna naman ang sariling kapakanan.
b.Si Ana ay nagsusumikap na maghanap ng trabaho kahit hindi
nakatapos.
c.Si Aling Dolores ay nagdasal sa loob ng simbahan ngunit nang
may nanghingi ng limos paglabas niya ay galit na galit niya itong
itinaboy.
d.Ang mga Pilipino ay madaling maniwala sa mga bagay na panlabas
kaya’t hindi malayong mangyari na ang mga taong nais
magsamantala sa atin ay magpapanggap na dalisay ang kanilang
hangarin.
4.Ating hanapin ang liwanag, tayo’y huwag
mabighani sa ningning. Ano ang nais ipakahulugan
ng pahayag na ito?
a.Hindi lahat ng bagay na kumikinang ay tunay at
totoo.
b.Marami ang nahuhumaling sa mga bagay na
nagniningning.
c.Madalas nadadaya ang tao ng mga bagay na
kumikinang.
d.Lahat ng nabanggit.
5.Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi
nagpapakita ng mensahe ng sanaysay na binasa?
a.Huwag magpadala sa mga kinang at ganda ng mga
bagay na panlabas lamang.
b.Sikaping mamuhay sa liwanag at ilantad ang mga
gawa ng kasinungalingan at kapalaluan.
c.Ang ningning at liwanag ay magkatulad lamang.
d.Mamuhay tayo sa liwanag upang ang
pagkahumaling sa kinang ng sanlibutan ay
mapagtagumpayan.
1. 2. 3. 4. 5.
BACDD
1.Magsaliksik ng isang halimbawa ng
sanaysay at ibigay ang pangunahing
kaisipan at pantulong na ideya na
binabanggit dito.
2.Ano- ano ang mga pahayag na
ginagamit sa paghinuha? Isa-isahin ito.

You might also like