You are on page 1of 9

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT

Grado 7
P A K I K I N I G

I. LAYUNIN: F7PN-Id-e-3 Nakikilala ang katangian at damdamin ng tauhan batay


sa tono at paraan ng pananalita.
Panuto: Pakingggan ang tono at paraan ng pagkakabasa ng guro sa mga
pahayag sa bawat bilang. Pagkatapos ay tukuyin kung ano ang katangian ng
tauhan o kaya’y ang damdaming namayani sa bawat pahayag. Piliin ang titik
ng tamang sagot.

1. “Nakakahiya, ngunit totoong ang ating panahon ay henerasyon na ng


panggagaya, panghuhuwad, panloloko, krimen, pagsasamantala...”

A. pagkadismaya C. paghanga
B. pagkainggit D.pagkabagabag

2. “Tuwinig mangingibang-bansa ka’y nagiging hungkag at tuyot ang buhay naming


mag-iina. Kailangan nating subaybayan ang mga bata sa kanilang paglaki.”

A. pangungulila C. pagbabanta
B. pagmamahal D. pagkadismaya

3. “Hindi ko naman inaasahang maging Rizal ka, o Bonifacio, o Magsaysay ka;


ngunit isipin mong maliit mang kandila’y nakapagbibigay rin ng liwanag. Anak,
nangangapa na ang marami sa lumalaganap na kadiliman!”

A. pagpapaalala C. pagmamalaki
B. pagkainis D. pagyayabang

4. “Sa harap ng mga kasalukuyang pangyayari, hindi ko maubos-isipin kung paano


‘muling dadakila’ ang Pilipinas”

A. maawain sa sarili C. nawawalan ng pag-asa


B. mapagmalaki D. mapagmahal

5. “Hindi ko na masikmura ang mga kabuluka’t katiwaliang aking nakikita,


nadarama, nababasa. Sayang at hindi ako naging nobelista o mandudula, kung
nagkatao’y baka isang Noli na rin o isang Kahapon, Ngayon at Bukas ang
masusulat ko.”

A. natatakot C. nalulungkot

Ikaapat na Markahan | 136


B. nadidismaya D. nagbabanta

P A G B A S A

A. PANITIKAN
I. LAYUNIN: F7PB-Ic-d-2 Natutukoy at naipaliliwanag ang mahahalagang
kaisipan sa binasang akda.
Panuto: Basahing mabuti ang talata sa ibaba. Pagkatapos sagutin ang mga
sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot. Titik lamang ang
isusulat sa sagutang papel.
Hango sa Kuwentong “ANG ASO AT ANG UWAK”
Isang araw makikita si Kulasang Uwak na lilipad-lipad sa kalawakan,
hanggang may napansin siya sa ibaba na malaking tipak ng karne. “Hayun may
pagkain na ako...” Dali-dali niyang tinuka ang karne at lumipad na muli at
dumapo sa sanga ng isang kahoy.
Sisimulan na sana niyang kainin ang karne nang may narinig siyang tinig.
”Kaygandang uwak, mala-prinsesa ang kagandahan niya,” wika ng tinig na tila
hangang-hanga sa nakita. Nagpaling-linga siya at nakita niya ang isang aso sa
ibaba na tila buong paghangang nakatingala sa kanya.
Bago nakapagsalita si Kulasang Uwak ay nagbigay puri na naman ang aso.
”Ngayon lang ako nakakita ng uwak na napakaganda, makintab at itim na itim
ang balahibo na tila kaylambot nito, at mapupungay rin ang iyong mga mata,
mamula-mula ang iyong mga tuka, kay palad kong nakakita ng ibong
singganda mo!”
Halos lumiyad ang dibdib ni Kulasang Uwak sa narinig na papuri. “Marahil
hindi lamang panlabas na anyo ang kagandahan mo, siguro may maganda ka
ring tinig, kaya pagbigyan mo naman ako ng isang matamis na awitin.
Pakiusap, umawit ka na Prinsesa ng Kagandahan.”
Hindi na nga napigilan ng uwak na bumuka ang kanyang bibig at nang
marinig na ng aso ang kanyang tinig subalit kasabay nito ang karneng nakaipit
sa kanyang tuka ay tuloy-tuloy na bumagsak sa bibig ng nakangangang aso.
“Hahaha... akin na ngayon ang iyong karne! Uto-uto ka kasi!” ang sabi ng
nakangising aso na kumakaripas na ng takbo palayo sa natigilang uwak.

6. Ayon sa kuwento, sino ang pangunahing tauhan na mapanlinlang at tusong


maituturing?

A. Aso C. Malaking ibon


B. Kulasa D. Uwak

7. Sa palagay ninyo, bakit panay ang papuri ng aso kay Kulasang uwak?

A. Nagandahan siya sa kanyang natanaw sa kalawakan.


B. Namangha siya at nakakita ng ganitong maitim at malaking ibon
C. Nais niyang magkaroon ng pagkain dahil siya ay nagugutom na

Ikaapat na Markahan | 137


D. Nakahiligan na talaga ng aso na purihin ang mga nakikita niya.
8. Halos lumiyad ang dibdib ni Kulasang Uwak sa mga papuring narinig niya sa
aso. Ano ang kahulugan ng payahag na may salungguhit?

A. lumaki ang ulo C.nagmamagaling


B. nagmamalaki D. nasisiyahan

9. Ang ginawang pagpuri ng aso kay Kulasang Uwak ay isang


__________________________.

A. paghanga C. patibong
B. pagkutya D. pakunwari

10. Ano ang mensahe ng binasang pabula?

A. Maging tapat at ‘wag manloko ng kapwa.


B. Ang ayaw mong gawin sa iyo, ‘wag gawin sa iba.
C. Magpakumbaba sa tuwina.
D. Maging matalino sa lahat ng bagay.

II. LAYUNIN: F7PB-If-g-4 Naiisa-isa ang mga elemento ng maikling kuwento.


Panuto: Basahin ang akda sa ibaba. Sagutan ang mga katanungang may
kaugnayan dito. Piliin ang titik ng tamang sagot.
Halaw Mula sa Epikong Maranao na BANTUGAN

Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali ng Kaharian ng


Bumbaran. Dahil sa kanyang katapangan, totoong walang mangahas na
makipagdigma sa Bumbaran. Bukod sa pagiging matapang ni Bantugan, siya
pa rin ang tunay na naghahari sa puso ng mga kadalagahan. Dahil sa inggit sa
kanya ng kanyang kapatid na si Haring Madali, ipinag-utos nito na walang
makikipag-usap kay Bantugan at ang sinumang makikipag-usap sa kanya ay
parurusahan ng kamatayan.

11. Batay sa akda, saan ang naging tagpuan sa kwento?


A. Bumbaran C. Daliran
B. Kasiguran D. Mawayanan

12. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?


A. Lam-ang C. Bantugan
B. Madali D. Pagtuga

13. Ang taglay na katangian ng pangunahing tauhan sa akda ay


_________________________.

Ikaapat na Markahan| 138


A. kabutihan C. kasipagan
B. katapangan D. kaguwapuhan
Hango sa Maikling Kwentong “Sa Lupa ng Sariling Bayan” ni Rogelio
Sikat

Namatay ang kanyang ina noong siya’y 5 taong gulang. Di naglipat taon,
sumunod na namatay ang kanyang ama. Siya’y inampon ng isang amain.
Dalawang pera lamang ang hiningi niya noon sa kanyang tata Indo ay
kailangang pa niyang maghapong umiyak. Sa ganitong pangungusap malimit
ilarawan ni Ama ang kakuriputan at kabagsikan ng amang nag-ampon kay
Layo.

14. Anong damdamin ang mahihinuha sa sinalungguhitang pahayag?


A. naghihimagsik C. nagmamakaawa
B. naghihinanakit D. nangingimi

Panuto: Basahin ang akda sa ibaba at tukuyin kung anong elemento ng akda ang
may salungguhit. Piliin ang titik ng tamang sagot.

A. TAUHAN B. TAGPUAN C. BANGHAY D. MENSAHE


Noong araw, may isang 15. batang lalaking tinatawag na Sinungaling.
Isa siyang matalinong bata, ngunit gaya ng sinasabi ng kanyang pangalan,
madalas ay ginagamit niya ang kanyang katalinuhan sa pagsisinungaling. 16.
Nasisiyahan siyang lokohin ang ibang tao sa paligid niya. Lahat ay nagiging
biktima ng kanyang kasinungalingan, maging ang kanyang tiya at tiyo na
nagpalaki sa kanya pagkamatay ng kanyang magulang. 17. Habang
naghihintay sa hawla si Sinungaling, isang bulag na lalaki ang nagdaan sa may
18. pampang ng ilog.

III. LAYUNIN: F7PT-Ia-b-1 Naibibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na


kahulugan ng salita ayon sa gamit sa pangungusap.
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

19. Lumalabas ang mag-asawa tuwing takipsilim upang mangaso. Ano ang
kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap?

A. Hatinggabi C. Madaling-araw
B. Katanghaliang tapat D. Papalubog na ang araw

20. Kitang-kita sa kanya ng pagiging tuso. Ano ang kasalungat ng salitang tuso?

Ikaapat na Markahan | 139


A. taksil C. traydor
B. mabuti D. sukab
IV. LAYUNIN: F7PS-Id-e-4 Naisasalaysay nang maayos at wasto ang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Panuto: Ang mga sumusunod na pangungusap ay magkakaugnay at
tumutukoy sa iisang paksa. Basahin at unawaing mabuti ang mga ito at isulat
ayon sa wastong pagkakasunud-sunod ng kaisipan. Isulat ang letrang A, B, C,
D, E.

21. Maingat din ako sa aking pananalita lalo na kapag ako’y nangangatwiran
sapagkat ayaw kong makasakit ng damdamin ng aking kapwa.

22. Sa kasalukuyan, nililimi kong mabuti ang maaaring mangyari bago ako
magpasya.

23. Anupa’t malaki ang pagbabagong naganap sa aking katauhan.

24. Noong ako’y bata pa, nagsasalita ako, nag-iisip at nangangatwirang tulad ng
bata.

25. Ngayong ako’y mayroon nang sapat na gulang, iniwan ko na ang asal bata.

B. GRAMATIKA

V. LAYUNIN: F7WG-Ia-b-1 Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa


pagbibigay ng mga patunay.
Panuto: Kilalanin at isulat sa patlang ang P kung ang pangungusap ay
nagbibigay ng patunay. Lagyan naman ng DP kung hindi ito nagpapatunay.

26. Pinatutunayan ng mga dokumentaryong ebidensya na ang Pilipinas ay bansang


pinakalantad sa mga bagyo, dahil sa kinalalagyan nito ay sa mahigit pitong
libong islang lantad sa hangin at ulang dala ng mga bagyo.

27. Katunayan, sa bawat taon ay may 8-9 na bagyo ang pumapasok sa ating PAR o
Philippine Area of Responsibility.

28. Malungkot makita ang ilang nating kababayang nawawalan ng mga mahal sa
buhay at ari-arian.

29. Pinatutunayan ng datos mula sa National Economic and Development Authority


na kakailanganin natin ng 361 bilyong piso para sa muling pagbangon ng mga
lugar na labis na nasalanta ng bagyong Yolanda.

Ikaapat na Markahan| 140


30. Kaya naman, magkaisa at magtulungan tayong lahat para sa ikabubuti ng lahat
ng mga Pilipino lalo na ang mga nasalanta.

VI. LAYUNIN: F7WG-I-cd-2 Nakikilala ang mga ekspresyong naghahayag ng


posibilidad. (maaari, baka, at iba pa)
Panuto: Kilalanin ang salita o mga ekspresyong nagsasaad ng posibilidad sa
bawa bilang. Itala/Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

31. Maaari nga kayang maglaho o maubos na ang mga lahi ng hayop na ginagamit
na tauhan sa pabula?

32. Sa tingin mo, makakikita pa ba ng panibagong pagkain si Kulasang Uwak


matapos makuha ni Aso ang kanyang tangay-tangay na pagkain?

33. Siguro’y dapat nag-iisip muna nang mabuti ang isang tao bago magpasya sa
isang desisyon.

34. Sa palagay ko’y mas makatutulong kung hindi mo agad huhusgahan ang iyong
kapuwa.

35. Puwede kayang mas unahin natin pahalagahan ang kapakanan ng iba bago
isipin ang ating sarili?

VII. LAYUNIN: F7WG-If-g-4 Nakikilala ang mga retorikal na pang-ugnay na


ginamit sa akda.
Panuto: Basahin ang teksto sa ibaba. Tukuyin kung anong uri ng retorikal na
pang-ugnay ang mga salitang nakasulat nang madiin. Isulat lamang ang titik
ng tamang sagot.
A. PANG-ANGKOP B. PANG-UKOL C. PANGATNIG

MAGANDANG MUKHA NG BUHAY


Kung may mukha ng kasamaan ang buhay ay mayroon din itong magandang mukha –
ang maging mayaman, matalino at magkaroon ng magandang(36) pag-uugali. Ang karunungan
at salapi ay kapwa magandang instrumento na maaaring magamit sa pag-unlad ng buhay
ngunit (37) ang pagkakaroon ng mabuting pag-uugali ay magiging basehan upang magamit
nang wasto at(38) maging kapaki-pakinabang ang mga ito.
Ilan sa magagandang ugaling dapat taglayin ng tao ay ang pagkakaroon ng tiwala sa(39)
sarili, ang pagiging masipag, produktibo at pagiging tapat at mapagkakatiwalaan sa lahat ng
bagay.
Ang pagtitiwala sa sariling kakayahan ay ang paniniwala ng tao sa kanyang katangian
upang maabot ang kanyang mga pangarap sa buhay. Ayon sa(40) karanasan ng marami,
magkaroon man ng maraming karunungan o salapi ang isang tao kundi(41) naman niya ito
magagamit dahil sa(42) kawalan ng paniniwala sa sariling kakayahan ay mawawala lamang
itong parang bula sa kanyang mga kamay.
Samantalang(43) ang pagiging tapat at mapagkakatiwalaan ang maaaring maging
puhunan ng(44) tao upang magkaroon ng magandang relasyon sa kapwa. Nagkakaroon ng
maraming kaibigan ang tao kapag(45) siya ay tapat at mapagkakatiwalaan. Siya ay nakatatagpo
ng tunay na kaibigang nagiging karamay niya at tagapagtanggol sa oras ng pangangailangan.
Ikaapat na Markahan | 141
Mula sa Pinagyamang Pluma 9, p. 85
B. LAYUNIN: F7WG-Ih-i-5 Naiisa-isa ang mga uri ng pangungusap na walang
paksa.
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pangungusap na walang paksa ang mga
pangungusap sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot.

A B
46. Hoy! A. Sambitla
47. Pasko na. B. Pormularyong Panlipunan
48. Walang anuman. C. Pamanahon
49. Kainis! D. Padamdam
50. Asus! E. Panawag

P A G S A S A L I T A

LAYUNIN: F7PS-Ic-d-2 Naibabahagi ang sariling pananaw at saloobin sa pagiging


karapatdapat/ di karapatdapat ng paggamit ng mga hayop bilang mga tauhan sa
pabula.
Panuto:Ibigay ang sariling opinyon batay sa paksang:“Angkop bang gamitin ang
mga hayop bilang tauhan sa akdang pampanitikang tulad ng pabula?” Gumamit
ng mga ekspresyong naghahayag ng posibilidad. Gawing batayan ang rubriks. (5
PUNTOS)

ISKOR PAMANTAYAN MAHUSAY KAINAMAN MAHINA


P 3 Kaisahan Tiyak ang Hindi masyadong Hindi natukoy ang
pagtukoy tiyak ang pagtukoy paksa. (0)
paksa. (3) sa paksa. (2)
2 Kalinawan May pokus/ Hindi masyadong Walang pokus/tuon sa
tuon sa nakapokus sa ideyang nais ipabatid.
ideyang nais ideyang nais (0)
ipabatid. (2) ipabatid. (1)
5
A G S U L A T
LAYUNIN: F7PU-If-g-4 Nakasusulat ng isang sanaysay tungkol sa isang paksa.
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa paksang “Ano ang mga hakbang
na maaari mong gawin upang matupad mo ang iyong pangarap”. Gumamit ng
mga retorikal na pang-ugnay. (5 puntos)

ISKOR PAMANTAYAN MAHUSAY KAINAMAN MAHINA


3 Kaisahan Tiyak ang Hindi masyadong Hindi natukoy ang
pagtukoy tiyak ang pagtukoy paksa. (0)
paksa. (3) sa paksa. (2)
2 Kalinawan May pokus/ Hindi masyadong Walang pokus/tuon sa
tuon sa nakapokus sa ideyang nais ipabatid.
ideyang nais ideyang nais (0)
ipabatid. (2) ipabatid. (1)
5 Ikaapat na Markahan| 142
TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
G7 FILIPINO

BLG. NG ARAW

AYTEMKINALALAGYAN NG
LAYUNIN

COMPREHENSION
BLG. NG ITEM

APPLICATION
KNOWLEDGE

EVALUATION
SYNTHESIS
ANALYSIS
%
I.F7PN-Id-e-3
Nakikilala ang katangian at damdamin ng
3 10 5 1-5 1-5
tauhan batay sa tono at paraan ng
pananalita.
II. F7PB-Ic-d-2
Natutukoy at naipaliliwanag ang 3 10 5 6-10
6-
mahahalagang kaisipan sa binasang 10

akda.
III. F7PB-If-g-4
13- 11-
Naiisa-isa ang mga elemento ng maikling 4 33 8 11-18 18
kuwento mula sa Mindanao.
IV. F7PT-Ia-b-1
Naibibigay ang kasingkahulugan at
6.67 18-20
kasalungat na kahulugan ng salita ayon 2 2 18-20

sa gamit sa pangungusap.
V. F7PS-Id-e-4
Naisasalaysay nang maayos at wasto ang 10 21-25
3 5 21-25
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

VI. F7WG-Ia-b-1
Nagagamit nang wasto ang mga pahayag 2
6.67
5 26-30
26-30
sa pagbibigay ng mga patunay.
VII. F7WG-I-cd-2
Nakikilala ang mga ekspresyong 6.67
naghahayag ng posibilidad. (maaari, 2 5 31-35 31-35

baka, at iba pa).


VIII. F7WG-If-g-4
13.3
Nakikilala ang mga retorikal na pang- 4 3 10 36-45 36-45
ugnay na ginamit sa akda.
IX. F7WG-Ih-i-5
Naiisa-isa ang mga uri ng pangungusap 3
10
5 46-50
na walang paksa.
X. F7PS-Ic-d-2
Naibabahagi ang sariling pananaw at
saloobin sa pagiging karapatdapat/ di 2 6.67 5 51-55 51-55
karapatdapat ng paggamit ng mga hayop
bilang mga tauhan sa pabula
XI.F7PU-If-g-4
Nakasusulat ng isang kuwento ng
karanasang hindi malilimutan nang 2 6.67 5 56-60 56-60
maayos at may kaisahan ang mga
pangungusap
100
30 60 60 7 10 8 5 10 20
%
KABUUAN:
SUSI NG PAGWAWASTO
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
Ikaapat na Markahan | 143
G7 FILIPINO

1. A 26. P
2. A 27. P
3. A 28. DP
4. C 29. P
5. B 30. DP
6. A 31. Maaari
7. C 32. Sa tingin mo
8. B 33. Siguro
9. C 34. Sa palagay ko
10. A 35. Puwede
11. A 36. A
12. C 37. C
13. B 38. C
14. B 39. B
15. A 40. B
16. C 41. C
17. C 42. C
18. B 43. C
19. D 44. B
20. B 45. C
21. D 46. E
22. E 47. C
23. B 48. B
24. A 49. D
25. C 50. A

Ikaapat na Markahan| 144

You might also like