You are on page 1of 3

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG PABULA

AESOP
-> nabuhay noong 620-560 BK
-> Aliping Griyego mula sa isla ng Samos
-> Pangit, kuba at may kapansanan sa pandinig mula pagkabata
-> Mahigit 200 na pabula ang naisulat
-> Ama ng Sinaunang Pabula
Dahil sa taglay niyang katalinuhan, sipag at katapatan ay binigyan siya ng kalayaan ng kanyang amo. Hinayaan siyang
maglakbay at makilahok sa mga tao sa bayan. Dahil nang mga panahong iyon, walang karapatan ang isang alipin na
lumabas at makihalubilo sa mga tao. Sumulat siya ng mga pabula tungkol sa buhay at kalikasan ng tao, at ang kalagayan
ng lipunan sa kanyang kapanahunan. Tinuruan niya ang mga ito ng tamang pag-uugali at pakikitungo sa kapwa. Pinuna
niya ang mga maling gawi ng mga tao sa lipunan. Ginamit niya ang mga hayop bilang mga tauhan sa kanyang mga
isinusulat.
JATAKAS
-> Kalipunan ng mga pabula sa India na ipinalalagay na lumaganap noong 500 BK.
-> Ito ay ikinabit ng mga Budhista sa mga kuwentong nauukol sa muling pagkabuhay ni Gautama Buddha.
Ayon sa pag-aaral nina Ellen C. Babbit at Marie Shedlock, sa 547 kuwentong Jatakas, 30 lamang ang maaaring pambata.
PANCHANTARA
-> Kalipunan ng mga pabula sa India na sinulat ni Kashmir noong 200 BK.
-> Ang mga kuwentong ito ay nagsasalaysay ng mga buhay ng mga itinuturing nilang dakilang tao.
Pero, makalipas ang maraming taon, patuloy na lumaganap ang pabula ngunit nagkaroon ng pagbabago sa mga paksa.
Hindi na ito tungkol sa mga dakilang tao kundi mga kuwento na rin na naglalayong maturuan ang mga tao tungkol sa
moralidad at wastong pamumuhay.
BIDPAI
-> Sumulat ng dalawang aklat ng mga pabula na ang mga pamagat ay buhat sa pangalan ng dalawang lobo (jackals):
Kalilab at Dimab.
Iba pang Manunulat ng Pabula Pagkamatay ni Aesop :
1. Babrias
2. Phaedrus
3. Romulus
4. Hesiod
5. Socrates
6. Phalacrus
7. Planudes
8. Odon ng Cheriton noong 1200
9. Marie de France noong 1300
10. Jean La Fountaine noong 1600

11. G.E. Lessing noong 1700


12. Ambrose Bierce noong 1800
Samantalang ang mga pabula ni Aesop ay tinipon ni Milo Winter noong 1989 at ipinalathala ang The Aesop for Children.

Ano ang kaligirang kasaysayan ng pabula?


(ancient pables) noong panahong 620-560 BC (Bago Dumating si Kristo). Isa siyang kuba at
may kapansanan sa pandinig sapul sa pagkabata. Lumaki siyang alipin sa isla ng Samos, subalit
dahil sa kanyang sipag, katapatan at talino ay binigyan siya ng kalayaan ng kanyang amo.
Hinayaan siyang maglakbay at makilahok sa
mga tao sa bayan. (Nang mga panahong iyon, walang karapatan ang isang alipin na lumabas at
makihalubilo sa mga tao.)
Hindi lamang tinipon ni Aesop ang mga sinaunang pabula, Sumulat din siya ng mga pabula
tungkol sa buhay at kalikasan ng tao, at ang kalagayan ng lipunan sa kanyang kapanahunan.
Pinuna niya ang mga maling gawi ng mga tao sa lipunan. Tinuruan niya ang mga ito ng tamang
pag-uugali at pakikitungo sa kapwa. Ginamit niya ang mga hayop bilang mga tauhan sa kanyang
mga isinulat dahil bilang isang alipin, wala siyang karapatang punahin ang mga tao, lalo't ang
mga ito'y nabibilang sa mataas na uri ng lipunan. At noon pa man ayaw na ng mga tao na
pinangangaralan nang tuwiran.
Tinatayang nakalikha si Aesop nang mahigit 200 pabula bago siya namatay.
Pagkatapos ni Aesop, maraming manunulat ng pabula ang nakilala. Ilan rito sina Babrias,
Phaedrus, Romulus, Hesiod, Socrates, Phalacrus at Planudes. Kabilang din sa nagpalaganap ng
pabula
sa daigdig ang mangangaral na si Odon ng Cheriton noong 1200; si Marie de France noong
1300; si Jean La Fountaine noong 1600; si G.E. Lessing noong 1700 at si Ambrose Bierce noong
1800.
Ang mga pabula ay patuloy na lumaganap sa iba't ibang bansa hanggang sa makarating sa ating
kapuluan bago pa man dumating ang mga Espaol. Nakalikha ng mga katulad na kuwento ang
ating mga ninuno. Ginamit din nila ang mga ito upang turuan ang mga tao ng tamang paguugali at pakikitungo sa kapwa.
Tulad ng iba pang kuwentong-bayan, sa simula ang mga pabula ay nagpasalin-salin lamang sa
bibig ng ating mga ninuno. Subalit nang matutuhan nila ang sistema ng panulat, ilan sa mga ito
ay nagawa nilang maiukit sa malalaking bato, balat ng mga punongkahoy, talukap ng niyog at
mga dahon ng halaman. Ginamit nilang panulat ang matutulis na kahoy, bato at bakal. Mayroon
ding naisulat sa mga papel, na sa paglipas ng panahon ay naimprenta, lumaganap hanggang sa
kasalukuyan, kabilang ang
pabulang "Ang Matsing at Ang Pagong" na isinakomiks ni Dr. Jose P. Rizal.

My Summer Vacation
By Justin
I have fun plans for the summer. I will swim in my backyard. We will eat barbecue. My
favorite part will be going to Lake Shelbyville.
I like to swim. My mom cleans out the pool so I can swim. My mom and my sister swim with me.
I play with my toy boat in the water.
I like barbecued hot dogs. My dad cooks the food. We eat inside, not outside. We eat
barbecued hamburgers too.
I am happy we are going to Lake Shelbyville. We go with our family. I will go on a boat ride and
go swimming. The lake is pretty. We stay in a log cabin close to the campsite.
I am excited about my summer vacation. I will have a good time swimming and eating barbecued
hot dogs. My favorite part is going to Lake Shelbyville.

You might also like