You are on page 1of 33

a _______ _______

ama
_______ _______ n _______ _______ s k _______ _______ _______ _______
Ningas kugon
b _______ _______ _______ _______ _______ i _______ _______ _______ _______ _______
balat-sibuyas
_______ n _______
ina
_______ _______
_______ w _______ _______ _______ a
kuwarta
Halimbawa ng Teksto

Uwian na subalit napakalakas ng buhos ng ulan kaya


naman hindi ako makaalis kahit gusto, may payong
naman ako pero ewan parang ayaw ko talagang
lumabas pero kahit ayaw kong lumabas kailangan ko
namang umuwi hay, buhay parang life, pero parang
may nakalimutan yata ako ano kaya yon? Bahala na
nga, patuloy akong naglakad sa kabila ng malakas na
buhos ng ulan hanggang makarating ako sa labas ng
gate" kung saan may tumawag sa akin.
Halimbawa ng Teksto
Nagising ako sa mga mabangong amoy ng bulaklak sa'king tabi habang
ikaw nama'y nakasandal sa isang upuan at tahimik na natutulog.

Katulad ng ibang mga eksena sa'king panaginip ay kasama pa rin kita,


masaya't patuloy na umiikot ang mundo para sa'ting dalawa.

I was hoping na totoo ito at hindi panaginip pero matagal ko ng alam


na wala ka na... at 'di na muling babalik pa. Kaya heto ako bumubuo ng
panibagong mundo kung saan malaya kitang nakakausap, nakikita't
nakakasama.
DIKSYON

• Ang diksyon ay tumutukoy sa wika at


salitang ginamit ng may-akda. Ito ay antas
ng wikang ginagamit ng may-akda.
Mahalaga na malaman ang antas ng wika na
ginamit ng may-akda sa kadahilanang
nakatutulong ito sa pagbuo ng pananaw at
persepsyon ng mga mambabasa.
PORMAL
• Ang pormal na antas ng wika ay
tumutukoy sa mga salitang istandard na
kinikilala, tinatanggap, at ginagamit ng
higit na nakararami lalo na ng mga
nakapag-aral ng wika. Kibilang dito ang
mga sumusunod.
PAMBANSA

• Ito ay mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika o


pambalarila.
HALIMBAWA
Ang panitikan, gaya ng walang kamatayang Noli at El Fili
ni Rizal, ay dapat magsilbing tagapagmulat ng
mamamayan laban sa pananamantala at pang-aapi ng mga
naghaharing-uri. Ito ay dapat magsilbing maningning na
sulo sa kadiliman at matalas na sandata upang
maipagtanggol ang mga karapatang pantao. Higit sa lahat
dapat magsilbi ang panitikan sa kilusang mapagpalaya at
sa pagsasarili ng mga bansa laban sa di-litaw na
pananamantala ng mga dayuhang monopoly-kapitalismo.
PAMPANITIKAN O PANRETORIKA
• Ito naman ang mga salitang ginagamit
ng mga manunulat sa kanilang mga
akdang pampanitikan. Ito ang mga
salitang karaniwang matayog,
malalim, makulay at masining.
Pag-aalay
“O, Birheng kaibig-ibig
Ina naming nasa langit
Liwanagin yaring isip
Nang sa layo’y di malihis
Ako’y isang hamak lamang
Taong lupa ang katawan.
Mahina ang kaisipan.
At maulap ang pananaw”.
-halaw sa “Pag-aalay”
IMPORMAL
• Ang impormal na antas ay tumutukoy sa mga salitang
karaniwan, palasak, at pang-araw-araw na madalas nating
gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalasan sa mga
kakilala at kaibigan.
LALAWIGANIN
Ang lalawiganin na ginagamit ng mga tao sa tiyak na lugar. Maaari
ding lumipas ang mga salitang ginagamit dito kung hindi bihira nang
gamitin.

Ito rin ang mga bukabularyong diyalektikal. Ginagamit ang mga ito sa
mga partikular na pook o lalawigan lamang, maliban kung ang mga taal
na gumagamit nito ay magkikita sa ibang lugar dahil na natural na ito
ang kanilang bukambibig. Makikilala rin ito sapagkat mayroong
kakaibang tono o ang tinatawag na punto, ang bawat isa.
Pambansa Lalawiganin
SABONG SABONG

• isang uri ng madugong • bulaklak


paglalaban o "madugong
palaro" sa pagitan ng dalawang
tandang na pansabong
NALAYLAY A SABONG
Maysa nga agsapa nagpaspasiarak Isang umaga ako’y namasyal
Uneg hardin adu a masmasetas Sa loob ng hardi’y maraming halaman
Kadagiti sabsabong a nasarsarakak Sa mga bulaklak na aking nakita
Martin G. Galiza Maysa kadakuada ti indaddadumak. isa lamang ang aking itinangi

Gaput’ banglona a di agressat Dahil sa bango n’yang di kumukupas


Pinuros man ‘toy dua a dakulap Pinitas nitong dalawang palad
Kaungan ‘toy pusok ti nangidulinak Sa kaibuturan ng puso’y itinago
Ta sabong la ngarud nga indaddadumak Sapagkat bulaklak nga na itinatangi

Tinagtagibik, dinungdungok, inil-ilalaak Inalagaan, minahal, pinakaingatan


Sinibsibugak ‘ti lulua ni ragsak Dilinigan ko ng luha ng kaligayahan
Agkakasam-it nga agekko impaayak Matatamis na halik ko’y ibinigay
Ayatko la a sudinat’ di marsaak. sa Kagustuhan kong kagandaha’y di masira

Ngem unayen ta di banglo nga aginnakbay Datapwat ang bango nitong ‘di nawawala
A mangted kaniak iti ragsak ken murmuray Na nagbibigay sa akin ng saya’t …
Pinarnuayna kaniak ti nasaem a liday Ibinigay sa aki’y matinding lungkot
Ta iti dayti a nagmalem naglaylay. Dahil sa maghapong iyo’y namatay
KOLOKYAL
Ito ang mga pang-araw-araw na salita na ginagamit sa mga
pagkakataong impormal. Maaaring may kasangkapan nang kaunti ang
mga salitang ito ngunit maaari din itong maging maayos ayon sa kung
sino ang nagsasalita nito. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang
salita, lalo na sa mga pasalitang komunikasyon, ay mauri din sa antas
nito.
Halimbawa:

nasa’n nasaan
pa’no paano
sa’akin sa akin
sa’yo sa iyo
kelan kailan
meron mayroon
HISTORY 101
Ang Katipunan ay ang fraternity ni Master Andres na naglalayong
mapalaya ang Pilipinas sa kamay ng Espanya. Para makasali ka sa
Kataastaasan Kagalang-galangang Katipunan ng mga anak ng Bayan
(Katipunan, for short), ang kailangan mo lang ay mag-recruit ka rin
ng dalawa pang miyembro na hindi magkakilala (parang networking),
tapos magbabayad ka ng entrance fee (parang disco) na real fuerte
(25 cents) at monthly due na medyo (12 cents). May initiation din,
pero sa palagay ko walang pina-paddle at mamamatay sa bugbog. At
palagay ko rin, hindi ka pipila ng pagkahaba-haba at pagkatagal-tagal
gaya ng sa mga government offices na puno ng red tape.
HISTORY 101
Itinatag ang Katipunan sa mismong gabi ng pagkakatapon kay Rizal
sa Dapitan. Naisip yata ni Bonifacio na kailangang rumesbak. Pero
low profile ‘tong si Ka Andres dahil kahit alam n’yang s’ya ang bida
sa pelikula, hindi siya ang nagging president ng samahan. Ipinaubaya
n’ya muna ito kina Deodato Arellano at Roman Basa. Tsaka lang s’ya
namuno nung hindi na s’ya nakuntento sa dalawa pagkaraan ng ilang
taong paninilbihan. (Kung mabubuhay si Bonifacio ngayon, tiyak,
mamamatay din s’ya sa kunsumisyon dahil sa klase ng mga
pamunuan natin. Pero balik muna sa kuwento…)
HISTORY 101
Siyempre pa, pag ganito ka-”cool” ang barkada, meron kayong protocols
at mga secret codes. Pero higit sa apat na beses nagpalit ng codes sila
Bonr dahil magaling mag-decipher ang mga Kastila. (Hackers?)
Sa sinasakyan kong jeep, dati, may nakasabay na dalawang kolehiyalang
sarap na sarap sa kwentuhan!
“Yeah, so hirap na talaga. So nakakabanas”.
“Pa-barrow nalang your notebook.”
“Basta you make soli, ha!”
“Oo, me pa, know mo naman ako.”

-Halaw sa Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?


ni Bob Ong
3. Karaniwan o Lingua Franca

Ang karaniwan o Lingua Franca ay mga salitang


kilala at higit na ginagamit sa pook na sentro ng
kalakalan tulad ng Lungsod ng Maynila kung saan
ang Lingua Franca rito ay Tagalog.
4. Balbal o Panlansangan
Ito ang tinatawag sa Ingles na slang. Sa mga pangkat-pangkat
nagmumula ang mga ito upang magkaroon sila ng sariling
code na nagbibigay sa kanila ng pagkakakilanlan.
PORMAL IMPORMAL

PAMBANSA PAMPANITIKAN LALAWIGANIN BALBAL

ina inang

babae binibini girlalu

praning

tiningnan sinilayan nakita Seen-zoned

pera

Napintas/magana adanagam

bana wifey

Aalis na Yayao na
PORMAL IMPORMAL

PAMBANSA PAMPANITIKAN LALAWIGANIN BALBAL

ina Ilaw ng tahanan inang ermat

babae binibini babayi girlalu

baliw Nasisiraan ng bait Balla praning

tiningnan sinilayan nakita Seen-zoned

pera salapi kuwarta Erap, datung

maganda Mala-diyosa ang kariktan Napintas/magana adanagam

asawa Katuwang sa buhay, bana wifey


maybahay
Aalis na Yayao na Umalisen/pumanawen gorabells
MGA TEKNIK SA PAGGAMIT NG WIKA
SA MALIKHAING PAGSULAT

1. Pagpili ng Target Audience.


2. Pagbuo ng mga imahe.
3. Paggamit ng mga matatalinhagang pananalita.
4. Paggamit ng mga salitang naglalarawan sa mga pandama.

Nagulat si inang sa kanyang nakita. Lalo kaming namangha nang sa pagtingala naming ay may makita sa
kisameng malaking bungo na nakaguhit. Sabay-sabay naming tinungo ang pinto subalit nawalan ng koryente. Sa
halip na buksan namin ang pinto ay ikinandado naming. Naningkit kami sa takot, habang naririnig naming ang
maraming kaluskusan at mga yabag sa sala.
Mula sa “Kulang sa Pito, Sobra sa Walo” Editha Angeles
MGA TEKNIK SA PAGGAMIT NG WIKA
SA MALIKHAING PAGSULAT

4. Maaaring gumamit ng paghahambing at


pagtutulad.
5. Iwasan ang paulit-ulit na salita o pahayag.

You might also like