You are on page 1of 2

BAUTISTA NATIONAL HIGH SCHOOL

Bautista, Pangasinan
Banghay Aralin sa Filipino 8
Pakitang-turo

I. Mga Layunin:

Nailalahad ang damdaming namamayani sa mga tauhan batay sa napakinggan (F8PN-IVg-h-37);


Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa napakinggang aralin ;( F8PN-IVc-d-34 );
Naisasagawa ang isang madulang pagbasa ng mga piling mag-aaral sa araling “Tinig ng Karanasan ; at
Naisasagawa ang isang debate.

II. Paksang-Aralin:
A. Paksa: TINIG NG KARANASAN
B. Sanggunian: Florante at Laura ni Franisco Balagtas, pahina 119-121,
Copyrigth,2014 by AKLAT ANI Publishing and Educational
Trading Center
C. Kagamitan: Powerpoint Presentation, laptop, TV,

III. Pamamaraan:
A. Pagbabalik-aral
 Bakit isinasaad ni Floranteng makamandag na liham ang tinanggap niya?
 Ano ang masasabi mo sa mga lalaking nagpipilit pigilin ang pagluha sa oras ng matinding pagdaramdam?

B. Pagganyak
Panuto : Magpapalaro ang guro ng “The boat is sinking”. Mula rito ay susukatin ng guro kung gaano nga ba kalapit
ang mga magkakaibigan sa klase na kanilang kinabibilangan. Sila ba ang mga kaibigan na handang iwanan dahil
buo na ang kanilang bilang? O, isa sila sa mga taong piiliin upang sila ay makumpleto?

C. Paglalahad ng Aralin:
a. PAGPAPAKILALA SA MGA TAUHAN
 Florante – ay anak nina Duke Briseo at Reyna Floresca. Siya ang magiting na heneral ng hukbo ng
Albanya at nagpabagsak sa 17 kaharian bago siya nalinlang ni Adolfo at naipatapon sa gubat.
 Menandro – mabuting kaibigan ni Florante. Naging kaklase niya sa Atenas. Naging matapat na kanang
kamay ni Florante.
 Maestro Antenor – ang mabuting guro nina Florante, Adolfo, at Menandro habang sila’y nag-aaral sa
Atenas. Siya ang gurong gumabay at agturo ng maramig bagay kay Florante.
b. TALASALITAAN
 Linamnam – sarap
 kalatas – liham
 basilisko – isang reptilyang sinasabing may paningin at hiningang nakamamatay
 Kakabakahin – kalalabanin
 Tarok – unawa
 Bumalisbis – umagos; dumaloy
 Kaliluhan – kataksilan
 Tinulutang – pinayagan
 Himutok – hinagpis
 Nagsipatnubay – nagsipaggabay

D. Pagtatalakayan
Sunod-sunod na trahedya sa buhay ni Florante ang dumating. Isa na nga roon ang pagkamatay ng kanyang
ina, kinailangan niyang umuwi para harapin ang mga trahedyang ito na magdudulot ng labis na kalungkutan sa
buhay niya. Sa mga susunod na saknong mararamdaman mo ang pait ng sunod-sunod na trahedya sa buhay ni
Florante.
Mamimili ng mga mag-aaral ang guro upang isagawa ang isang madulang pagbasa ng mga piling
mag-aaral sa araling “Tinig ng Karanasan”.

E. Paglalahat
Mga gabay na Tanong
1. Kung ikaw si Menadro, sasama ka rin ba kay Florante na kaibigan? Sa tingin mo ano ang mararamdaman
niya kung hindi siya pinayagan ng kaniyang amain na sumama ka Florante?
2. Sinasabing ang tunay na kaibigan ay napagkikilala sa kagipitan. Magsalaysay ng magkaibigang
nagtulungan sa tawag ng pangangailangan.
3. Ano ang tagubilin ng maestro ni Florante sa kanya? Bakit kaya gayon na lamang kahigpit ang bilin ng
maestro na siya’y mag-ingat sa kanyang pagbalik sa Albanya?
4. Kung ikaway matalik na kaibigan ni Florante, ano ang ibibilin mo sa kanya bago siya umuwi sa Albanya?

F. Ebalwasyon :
‘Di ba ‘teh
Panuto : Basahin ang mga sumusunod na mga pahayag upang maging gabay sa debate.
1. Papangkatin ang klase sa anim. Magbibilang ang bawat mag-aaral ng isa hanggang anim.
2. Pagkatapos ay pipili ang bawat miyembro ng pangkat ng isang pinuno na gagabay sa kanilang grupo.
3. Bubunot ang bawat lider ng pagkat mula isang kahon para malaman ang panig at kanilang argumento pati
na rin ang grupo na kanilang makakatunggali.
4. Sa debate, pipili ng tagapamagitan ang guro mula ibang grupo na hindi kabilang sa magpares na pangkat.
5. Ang argumento ay tatagal lamang ng dalawang minuto bawat grupo. Tatlumpong segundo ang nakalaan sa
bawat miyembro at pagkatapos ng kanilang oras ay sasagutin ng kabilang grupo, hanggang sa dalawang
panig na lamang ang matira upang maglaban.
6. Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng ‘di kanais-nais na mga salita. Ang mahuhuling gagamit ng
mga salitang ito ay babawasan ng oras ng pagdedepensa para sa kanilang argumento.
7. Ang pagsang-ayon sa argumento ng kabilang panig ay nangangahulugang pagatalo.

Pamantayan 1 2 3 Pangkat
Walang mainam na kaisipang May naipahayag na 2 Lubhang malinaw at
Paksa/Kaisipan ipinahayag tungkol sa paksa. hanggang 3 kaisipan ang maayos ang kaisipang
nabanggit tungkol sa paksa. naipahayag. May 4 o higit
pang kaisipan ang nabanggit
tungkol sa paksa.

Pangangatwiran Walang sapat na katibayan ng Walang gaanong iniharap na May sapat na katibayang
pangangatwiran pangangatwiran iniharap sa pangangatwiran.

Pagpapahayag/ Mahina at hindi maunawaan Mahina ang pagkakapahayag Maayos na maayos ang
Pagsasalita ang sinasabi. ngunit may pang-akit sa pagkakapahayag na may
nakikinig ang boses o pang-akit sa nakikinig ang
pagsasalita boses o pagsasalita.

Pagtuligsa Walang naipahayag tungkol sa May isa o dalawang May 3 o sapat at malinaw
sinabi ng kabilang panig. malinaw na pahayag tungkol na pahayag tungkol sa
sa ipinahayag ng kabilang ipinahayag ng kabilang
panig. panig.
Tiwala sa Sarili Hindi maayos ang pagsasalita May mahinang Lubusang naipahayag nang
dahil sa kaba kaya’t pagpapahayag dahil malinaw at naipabatid ang
nabubulol. naipabatid nang kaunti ang katanggap-tanggap na
layunin ng panig. layunin ng panig.
KABUUANG
PUNTOS

IV. Takdang-aralin:

Panuto: Isulat sa iyong journal notebook ang iyong sagot sa tanong na ito.
 Sa mga magkakamag-anak na matagal nang di nagkikita, karaniwang napapansin ang pagmamano,
paghalik sa pisngi o pagyakap. Alin sa tatlo ang dapat panatilihin?

Inihanda ni: iwinasto ni: Ipinagtibay:

SANIATA C. ORIÑA BERNARDITA T. LOHAN EDUARDO B. CASTILLO


Guro sa Filipino Head Teacher III-Filipino Pricipal IV

You might also like