You are on page 1of 15

La Salle University

College of Teacher Education

Final Teaching Demonstration

Lesson Plan

Florante at Laura:

Ang Pagwawakas

Danica Ophelle M. Caliao

BSEd-Filipino

Noted:

AQUISAH O. ABDUL

Cooperating Teacher,FILIPINO

Approved:

MARY GRACE O. DAGA-ANG ESTER F. VIERNES

BSEd- Intern Adviser Jose Lim Ho NHS, Principal


I.Mga Layunin:Sa katapusan ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang makamit ang mga

sumusunod na kakayahan:

A.mapanuring nakikinig upang matalinong makalahok sa mga diskusiyon sa

klase;(F8PN-IVi-j-38)

B.nakapepresenta sa mga mahahalagang pangyayari ng aralin sa pamamagitan

ng isang larawang buhay;

C.nakatatalakay sa kahalagahan ng matagumpay na buhay.

II.Paksang-Aralin:Florante at Laura:Ang Pagwawakas

A.Aklat: Baisa-Julian et.,al (2014) Pinagyamang Pluma 8 pp.657-658

B.Sanggunian:www.geocities.ws/vingalliahpalao/Paalam,BayanngAlbanya.

html

www.floranteatlaurasummary.blogspot.com

C.Kagamitan:ppt,mga nakalimbag na papel at larawan,video clip

III. Pamamaraan: 3Is

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A.Introduksyon

1. Pagbabalik-Aral

Klas,noong nakaraang tagpo ay


tinalakay natin ang tungkol sa
Pagtatagumpay Laban sa Kasamaan

Ngayon,para masukat ko ang lawak ng


inyong kaalaman ay magkakaroon tayo ng
gawain.

Panuto: Sasayaw ang mga mag-aaral habang


tumutugtog ang musika at kapag tumigil ito
ay hihinto sila. Kung sino man ang
mahuhuli na gumalaw ang siyang sasagot sa
tanong. Sasabihin lamang ang salitang
Wow! Magic. kung tama ang pahayag at
Hay,naku! naman kung mali.
Opo Ma’am! Magaling!
Nakuha ba ang panuto klas?
Inaasahang sagot:
1. Nagkita muli ang magkasintahang Florante
at Laura. 1.Wow! Magic.

2. Ginunita ng dalawang dalaga ang kanilang


mga karanasan. 2.Wow! Magic.

3.Hay,naku!
3. Pinana ni Menandro si Adolfo kaya ito’y
namatay.
4.Hay,naku!
4. Ikinasal si Flerida sa ama ni Aladin.
5.Wow! Magic.
5. Nalaman nina Florante at Aladin na ang
babaeng nag-uusap ay kanila palang mga
sinisinta.

(Ginawa ang Roller Coaster Clap)


Dahil diyan kayo ay nakakuha ng 5
Puntos.Nararapat lamang na bigyan ng Roller
Coaster Clap ang bawat isa.

3.Pagganyak

Ngayon klas,may ipaparinig akong musika


sa inyo at nais kong pakinggan niyo ito nang
mabuti. (Pakikinggan ang musika)

(Ipapatunog ang musika) Batay sa musika na aming narinig ang


pamagat nito ay “Ikaw”.
Klas, batay sa napakinggan niyong
musika, ano ba ang pamagat nito?

Tama! Maririnig namin ito madalas sa mga kasalan.

Saan niyo naman ito madalas maririnig?

Eksakto!

Ngayon klas,alam niyo ba na isa sa mga Hindi po.


aralin ng Florante at Laura ay tinalakay rin dito
ang kasalan ng dalawang magkasintahan?
Opo!

Nais niyo ba itong malaman?

4.Paglalahad ng Paksang-Aralin at Mga Layunin

Kung gayon, sa hapong ito ay tatalakayin


natin ang huling aralin ng Florante at Laura.
Ito ay “Ang Pagwawakas.”

Nais kong makinig at makilahok ang bawat


isa dahil sa katapusan ng talakayan kayo ay
inaasahang makamit ang mga sumusunod na
kakayahan:

a. mapanuring na nakikinig upang matalinong


makalahok sa mga diskusiyon sa klase;
(F8PN-IVi-j-38)

b. nakapepresenta sa mga mahahalagang


pangyayari ng aralin sa pamamagitan ng
isang larawang buhay;

c. nakatatalakay sa kahalagahan ng Opo Ma’am.


matagumpay na buhay.

Maliwanag ba ang ating mga layunin klas?

Mabuti naman.

B. Interaksyon

Klas, sa pagbabasa natin ay may


makasasalubong tayong mga mahihirap na
salita at para hindi tayo mahirapan sa pag-
intindi ay bibigyang kahulugan natin ito.

1.Talasalitaan

Panuto: Isuot ang singsing sa tamang kamay


upang matukoy ang kahulugan ng
mga nakasalungguhit na salita. Mahusay!
Inaasahang sagot:
1.ehersito - hukbo
2.mahinusay -matiwasay
3.nauwi -bumalik
4.napipighati -nasasaktan
1. Umuwi si Menandro na kasama ang 5.minumutya -sinisinta
kanyang ehersito.

2. Naging mahinusay ang samahan ng


magkasintahan.

3. Sa pamamahala ni Florante ay nauwi ang


kapayapaan.

4. Napasatuwa ang napipighating damdamin.

5. Kasama ni Florante ang kanyang


minumutyang Laura sa pamumuno. (Ginawa ang Coca Cola Clap)

Dahil diyan,kayo ay nakakuha ng 5 puntos


kaya nararapat lamang na bigyan ng Coca Cola
Clap ang bawat isa.

Ngayon klas,para magabayan naman tayo


sa ating talakayan ay babasahin muna natin ang
mga gabay na tanong.

2.Gabay na Tanong

1.Ano ang nangyari sa kaharian ng Albanya


nang sina Florante at Laura na ang
namumuno rito?

2.Sa iyong palagay, bakit kaya pumayag sina


Aladin at Flerida na maging Kristiyano?

3.Paano niyo ba mailalarawan ang katangian


ng mga pangunahing tauhan matapos ang
mga pagsubok na dumating sa kanilang
buhay? Opo Ma’am

4.Kung ikaw si Florante, paano mo ba


pamumunuan ang iyong kaharian?

Maliwanag ba ang mga gabay na tanong?

Mabuti naman.

Para maunawaan natin ang ating paksang-


aralin ay magkakaroon tayo ng gawain.
3. Gawain 1

ISHARE MUNA YAN!

Mekaniks:
1. Hahatiin sa 4 na pangkat ang klase.
2. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng mga
saknong mula sa aralin.Susuriin ito sa
pamamagitan ng mga gabay na tanong at
larawan.
3. Magtalaga ng isang reperesentante na
siyang magbabahagi sa bawat
pangkat.Pagkatapos magbahagi ng
representante ay ibabahagi naman ng
ibang miyembro ang tungkol sa kanilang
nakatalagang saknong.
4. Bibigyan lamang ng 3 minuto sa
pagsusuri at 1 minuto at 30 segundo sa
bawat pagbabahagi.

*Unang Pangkat
Inaasahang Sagot:
1.Dumating si Menandro sa gubat at hinanap
niya si Adolfo.

2. Nadatnan ni Menandro si Florante sa gubat.

Tanong:
1.Sino ang dumating sa gubat at sino rin
ang kanyang hinanap?

2.Sino ang nadatnan ni Menandro sa


gubat?

*Pangalawang Pangkat

1.Ang nagpabinyag ay sina Aladin at


Flerida,habang ang ikinasal naman ay sina
Florante,Laura,Aladin at Flerida.
2.Bumalik sila sa Persiya dahil namatay na si
Sultan Ali-Adab.

Tanong:
1. Sino-sino ang nagpabinyag at ikinasal?

2. Bakit bumalik sa siyudad ng Persiya


sina Aladin at Flerida?
1.Nanumbalik ang kapayapaan dahil
nagtulungan sila upang sugpuin ang
*Pangatlong Pangkat kasamaan.

2.Ang damdaming nagingibabaw sa kaharian


ng Albanya nang bumalik si Florante ay
masaya.

Tanong:
1. Bakit nanumbalik ang kapayapaan sa
Albanya?

2. Ano ang damdaming nagingibabaw sa


kaharian ng Albanya nang bumalik si
Florante?
1.Nagtagumpay sina Florante at Laura dahil
sila’y may pananalig sa kanilang sarili at sa
Panginoon.
*Pang-apat na Pangkat
2.Sapat ang kanilang pinagdaanan para sa huli
ay maging masaya sila sapagkat halos lahat
nito ay problema at nagbubunga ng hinanakit
kung kaya nararapat na magtagumpay ang
kabutihan kaysa sa kasamaan.
Tanong:
1. Bakit nagtagumpay sina Florante at
Laura? (Ginawa ang Let’s Go Clap)

2. Sapat ba ang kanilang


pinagdaananpara sa huli ay maging
masaya sila? Ipaliwanag.
Ibinalita ni Menandro na sila’y nagtagumpay
sa digmaan at kasama niya ang kanyang
hukbo sa pagkamit nito.
Mahusay! Dahil nakilahok ang bawat isa,
nararapat lamang na bigyan ng Let’s Go
Clap ang lahat.
Sila ay tuwang-tuwa pagkat nagsama-sama na
silang muli.
Klas,batay sa inyong ginawa kanina, ano
ang ibinalita ni Menandro nang makarating
na siya sa kaharian ng Albanya?

Tumpak! Naging masaya si Menandro nang makita


niya muli si Florante dahil akala niya ay patay
Ngayon, ano naman ang naramdaman ng na ito.
muling magkasama ang mga magkasintahang
sina Florante at Laura at sina Aladin at
Flerida? Dinala nila ito sa kaharian ng Albanya.

Magaling!

Bakit naman kaya naging masaya rin si Ang ginawa nina Aladin at Flerida sa
Menandro nang makita niyang muli si kaharian ni Florante ay nagpabinyag sila para
Florante? maging Kristiyano.
Eksilente!
Pumayag sina Aladin at Flerida na maging
Saan naman kaya dinala nina Florante at Kristiyano dahil mas gusto nila ang
Laura sina Aladin at Flerida? pamumuhay nina Florante.
Tama!

Ano naman ang ginawa nina Aladin at Pumayag sina Aladin at Flerida na maging
Flerida rito? Kristiyano dahil naniniwala sila na kahit
magkaiba man ang kanilang paniniwala ay
Mahusay! iisa parin ang Diyos na pinagmulan nila.
Sa iyong palagay,bakit naman kaya Ikinasal sina Florante at Laura at ganoon din
pumayag sina Aladin at Flerida na maging sina Aladin at Flerida.
Kristiyano?

Magaling!

Ano pa? Ang hinirang na hari at reyna sa Albanya ay


sina Florante at Laura.

Matapos ang ginawang pagbibinyag sino- Naging maayos at payapa na ang kaharian ng
sino naman ang ikinasal? Albanya nang sina Florante at laura na ang
namuno rito.
Eksakto!

Nang umalis na ang magkasintahang


Aladin at Flerida, sino naman ang hinirang Sina Florante at Laura ay mabuti at may
na hari at reyna ng Albanya? matuwid na pamamaraan bilang pinuno kaya
naging maayos ang kanilang pamamalakad.
Tama!

Ano naman ang nangyari sa kaharian ng


Albanya nang sina Florante at Laura na ang
namumuno rito? Kung ako si Florante, pamumunuan ko ang
aking kaharian sa pamamagitan ng pagiging
Tumpak! matapat at pantay sa mga taong aking
pinamamahalaan.
Dahil naging maayos na ang kaharian ng
Albanya, paano niyo ba mailalarawan sina
Florante at Laura bilang bagong pinuno? Kung ako si Florante, pamumunuan ko ang
aking kaharian sa pamamagitan ng pagtulong
Eksakto! sa mga lubos na nangangailangan at bigyan
ng sapat na serbisyo.
Kung ikaw si Florante, paano mo ba
pamumunuan ang iyong kaharian?
Nagtapos ito sa pamamagitan ng pagbabalik
ng matiwasay na kaharian ng Albanya.
Mahusay!

Ano pa?

Magaling! Sila po ay matatag sapagakat nalampasan nila


ang mga pagsubok sa buhay.
Ngayon klas, paano naman nagtapos ang
araling ito?

Eksilente! Nagtapos ang aralin nang


bumalik na sa payapa at masaya ang kaharian
Sila po ay may sariling pananalig at sa higit
ng Albanya.
sa lahat nanalig sila sa Diyos.
Dahil naging maganda ang pagtatapos ng
aralin, paano niyo ba mailalarawan ang
katangian ng mga pangunahing tauhan
matapos ang mga pagsubok na dumating sa
kanilang buhay?
Wala na po Ma’am.
Tama!
Ano pa?

Mahusay!

Sila ay may pananalig sa Diyos at sa


kanilang sarili kaya nalampasan nila ang mga
pagsubok sa buhay.

Ngayon klas, may mga katanungan ba


hinggil sa ating tinalakay?

Mabuti naman kung ganun.

C. Integrasyon

Upang malaman ko kong naiintindihan


ninyo ang ating tinalakay ay magkakaroon
tayo ng gawain.

1.Gawain 2

1,2,3 FREEZE!

Mekaniks:

1. Hahatiin ang klase sa 4 na pangkat.

2. Bawat pangkat ay magpepresenta


ngmahahalagang pangyayari ng araling
isasaad ng tagapagsalita sa pamamagitan ng
larawang buhay.

3. Ang pinakaakmang mabubuong larawan ay


siyang makakapuntos. Bibigyan lamang ng
1 minuto sa bawat sitwasyon.

4. Ang pangkat na may pinakamataas na


puntos ang siyang hihirangin na panalo.
(Ginawa ang WOW! Magic Clap)
Pamantayan Puntos
1. Kalinawan ng larawang buhay 5
2. Kooperasyon 5
3. Emosyon 5 Nakamit nila ang tagumpay dahil sila po ay
Kabuuan 15 naging matatag at positibo sa buhay.
5-napakahusay 4-mahusay
3-katamtaman 2-di-mahusay
1-maraming kakulangan
Masasabi ko na sila ay matatag dahil kahit
maraming problema o suliranin ang kanilang
Magaling! Dahil naging aktibo ang bawat kinakaharap ay di pa rin sila sumuko at hindi
isa,kung kaya bigyan ng WOW! Magic Clap nawalan ng pag-asa na makakamtan din ang
ang lahat. tagumpay.

*Pagpapahalagang Pangkatauhan
Nakamit nila ang matagumpay buhay dahil
Sa iyong palagay klas,bakit kaya nakamit sila’y naging matatag.
nina Florante,Laura,Aladin at Flerida ang
tagumpay?
Napakahalaga na makamit natin ang
Tama! matagumpay na buhay dahil magiging
mapayapa ang ating pakiramdam sapagkat
Bakit niyo naman nasabi na sila ay nakamit na natin ang ating mga ninanais.
matatag?

Tumpak!

Dahil naging matatag sila klas, anong


klaseng buhay ba ang kanilang nakamit?

Mahusay! Opo Ma’am.

Bakit naman kaya mahalaga na makamit


natin ang matagumpay na buhay?

Magaling!
Laging tandaan klas, na ang pagiging
matatag ay susi upang maging matagumpay
ang ating buhay at maabot natin ang ating
mga pangarap. Ngunit huwag nating
kalimutan na hindi tayo magkakaroon ng
lakas kung wala ang Panginoon. Dapat na
kumuha tayo ng lakas sa kanya at humingi ng
gabay sa lahat ng desisyong gagawin natin.

Maliwanag ba klas?

IV. Ebalwasyon:
Panuto: Batay sa napakinggang diskusyon,sumulat ng isang talata na binubuo ng limang (5)
pangungusap hinggil sa iyong karanasan na kung saan naging matatag ka sa iyong
buhay. Ilagay ito sa isang kalahating papel. (15 pts.)

V. Takdang-Aralin:

Panuto:Sa isang short bondpaper,gumawa ng isang islogan batay sa aral na nakuha sa


akdang Florante at Laura at ipaliwanag ito sa loob lamang ng 3 pangungusap. Ipasa
bukas,ika-13 ng Marso taong 2018.

Pagbabatayan ng Puntos:

Nilalaman ng slogan- 7 puntos

Pagpapaliwanag -8 puntos

Kabuuan -15 puntos

Organisadong Gawaing Pampisara

I.Layunin: A.Mapanuring nakikinig upang matalinong makalahok sa mga diskusiyon sa

klase;(F8PN-IVi-j-38)

B.Nakapepresenta sa mga mahahalagang pangyayari ng aralin sa pamamagitan ng

isang larawang buhay;

C.Nakatatalakay sa kahalagahan ng pagiging matatag sa kabila ng mga pagsubok sa

buhay.

II.Talasalitaan:
1. ehersito - hukbo

2. mahinusay -matiwasay

3. nauwi -bumalik

4. napigpighati -nasasaktan

5. minumutya -sinisinta

III.Gabay na Tanong:

1.Ano ang nangyari sa kaharian ng Albanya nang sina Florante at Laura na ang namumuno

rito?

2.Sa iyong palagay, bakit kaya pumayag sina Aladin at Flerida na maging Kristiyano?

3.Paano mo ba mailalarawan ang katangian ng mga pangunahing tauhan matapos ang

mga pagsubok na dumating sa kanilang buhay?

4.Kung ikaw si Florante, paano mo ba pamumunuan ang iyong kaharian?

IV. Ilustrasyon:

Larawan Larawan Larawan Larawan

You might also like