You are on page 1of 4

Babasahin

ILANG GRUPO SA PILIPINAS NA MAY NATATANGING KULTURA

3.1. ANG MGA RIZALIAN SA LUNGSOD DAPITAN

Ang mga Rizalian ay kilala sa pagiging magaling sa pagmamasahe at pagboboluntaryong


pagtulong sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ng parke ng Rizal Srine. Sila ay mga nakadamit na
puti kung kaya misteryoso sila sa mga mata ng mga taong bago pa lamang sila nakita. Isang samahan
sila na makikita sa Lungsod Dapita. Sila ay mga tagasunod at naniniwala kay Dr. Jose Rizal bilang
Diyos.
May sarili silang bersyon ng kasaysayan ng buhay ni Rizal na hindi nakasaad sa mga aklat.
Naniniwala silang si Hesus at si Rizal ay iisa lamang dahil pumasok kay Rizal ang espiritu nito. Sina
Hesus at Rizal lamang ang kanilang pinaniniwalaan at hindi ang Holy Trinity.

3.2 . GOSPEL MINISTRY OF SALVATION

( Mula sa pananaliksik nina Angelica Dumasapal, Fatima M. Jamali, Jose Marie M. Labis at Princess
L. Tado na nasa aklat na Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan )

Isang puting palasyong bahay na makikita sa Barangay Pala-o, Iligan City sa Lanao del Norte sa
Mindanao. Si Dr. Salvacion Legaspi o kilala bilang “Majesty” ang nagmamay-ari sa Kingdom Filipina
Hacienda. Nakabase sa bahay na ito ang isang Monarchy Government na tinaguriang pinakaopisina
nito. ang gobyernong ito ay tinatawag na Gospel Ministry of Salvation .

3.3. ILAGA: ANG MGA MILITANTENG KRISTIYANO SA MINDANAO

( Isinalin sa Filipino ng may-akda ng aklat na Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan mula sa


internet sa panayam kay Dennis Arcon, News 5, 2013. )

Ang terminong Ilaga sa Visayas ay nangangahulugang daga sa Filipino. Subalit, sa Mindanao,


ang Ilaga na nagsisimula sa malaking titik ay mga militanteng grupong Kristiyano na ang karamihan ay
mga magsasaka sa simula na nakapaglaban sa mga Morong ekstrimist o Islamist.

3.4. ANG MGA MONCADISTA

(Isinalin ng may-akda ng aklat na Wila at Kultura sa Mapayapang Lipunan mula sa Ethnic


Group of the Philippines , 2016).

Makikita sa gulpo ng Davao ang napakagandang isla ng Samal. Kilala ito bilang
napakaganda dahil sa kulay asul nitong karagatan na may puting buhangin. Noong panahon ng
Komonwelt ang lugar na ito ay naging mas kilala nang bumuo si Hilario Moncado ng isang
sektong panrelihiyon na tinatawag na Filipino Crusaders World Army (FCWA). Moncadista
ang tawag sa mga kasapi nito na sinisunod ang katuturan ng kanilang ispiritwal na lider.
Babasahin

3.5. PHILIPPINE BENEVOLENT MISSIONARIES ASSOCIATION

( Isinalin ng may-akda ng aklat na Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan )

Noong 1965 , itinatag ni Ruben Edera Ecleo Sr ang Philippine Benevolent


Missionaries Association, Inc. sa Isla ng Dinagat sa Pilipinas. Nang mamatay si Ecleo Sr.
noong 1987, humalili ang kanyang anak na si Ruben B. Ecleo Jr. Ang asosasyong ito ay may
humigit kumulang na milyong miyembro na nasa sentral at dakong Timog ng Pilipinas at sa
ibang bansa. Ito ay narehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC) sa Makati,
Philippines noong Oktubre 19, 1965 sa ilalim ng Rehistrasyon bilang. 28042. Sa San Jose sa
probinsya ng Isla ng Dinagat matatagpuan ang pinakaopisina nito.
Babasahin

KULTURA AT LIPUNAN NG ILANG PANGKAT AT LUGAR SA


PILIPINAS

LUZON

7.1 ANG MGA ILOKANO


( Ni : Teresita I. Abrea mula sa aklat na Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan )

Ang mga Ilokano ay kilala bilang masisigasig at matitipid, na ang bawat sentimo ay pawang
mahalagang bagay na para sa kanila. Ang bawat segundo, minuto, oras at araw sa paggawa ng
anumang trabaho ay kanilang pinahahalagahan , sapagkat dito sila kumikita at nabubuhay. Ang badyet
sa isang taong konsumo ay para sa pagkain at sa iba pang pangangailangan. Mahilig silang magtabi ng
pera para magagamit nila sa mga hindi inaasahang paggagastusan (emergency needs). Kapag may
pagkakataon na sila’y kinakapos, hangga’t maaari ay gagawa sila ng paraan para matugunan ang
kanilang pangangailangan. Ito ang mangingilan-ngilang katangian ng mga Ilokano. Sa Ilocos makikita
ang karamihan sa kanila.

7.2. ILANG PANINIWALA NG MGA KALAHAN


( Ni : Lyd Fer Gonzales mula sa aklat na Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan )

Nasa mataas na lugar ng Acacia, Kahel at Kayapa, Nueva Vizcaya ang pook na pinaninirahan o
kinanalgyan ng mga Kalahan. Ang pook na ito ay mataas at buhat sa tuktok ng bundok ay buong
paghangang namamalas nang nakatayo ang kaakit-akit na kapaligirang iginuhit ni Bathala. Ang mga
Kalahan ay isa sa mga pangkat-etniko na naninirahan sa kabundukan ng Nueva Vizcaya. Gaya ng ibang
pangkat, ang grupong ito ay may kakantahan din. Kung pananamit ang pag-uusapan, hindi rin sila
pahuhuli sapagkat ang kanilang mga kasuotan ay katulad din sa kasuotang sinusuot ng mga katutubo sa
Baguio, bagamat ang iba’y gumagamit na rin ng mga kasuotang karaniwang nakikita sa kabayanan.

7.3. MGA KAUGALIAN SA PAG-AASAWA SA IBAAN, BATANGAS


( Ni : Maria Bondoc-Ocampo mula sa aklat ng Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan )

Ang kasal para sa mga dalagang Ibaan ay isang tunay na kanilang pinapangarap . Ang pangkat na
ito ay matatagpuan sa Batangas. Ang pangarap nilang maikasal ay marahil dulot ng kakaibang tradisyon
nito na hanggang ngayon ay sinusunod ng mamamayan lalo na ng mga tagabaryo. Sa mga kababaihan,
ito ay isang pangarap, subalit para sa mga lalaki, ito ay masasabing bangungot lalo na kung iisipin nila
ang malaking halaga na kanilang magagastos sa kasal.
7.4. ILANG MGA KATANGIAN NG MGA KANKANA-EY
( ni Florencia C. Victor mula sa aklat na Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan)

Ang Benguet ay isa sa mga lalawigan ng bulubundukin sa bahaging norte ng Luzon. Ito ay may
labintatlong munisipalidad tulad ng Bakon, Kibungan, Manyakan, Bugnias, Kapangan, Bukod, Tublay,
Itugon, La Trinidad, Sablan, Tuba, Atok, Kabayan at Siyudad ng Baguio. Ang lugar ng Benguet ay isang
tahimik at may napakagandang klima dahil sa malamig na klima nito. Tahimik ang mga tao dito at sila
ay mapagmahal sa kapayapaan. Bukod dito, ang Benguet ay binansagang “Salad bowl of the
Philippines” sapagkat makikita rito ang iba’t ibang uri ng gulay na pampalusog. Dahil sa klima rito,
sagana ang mga berries na gaya ng strawberries, mulberries at blueberries. Mayaman sa mina ang mga
bundok dito gaya ng tumbaga o tanso, plata at ginto. Kankana-ey din ang tawag sa kanilang wika.
Babasahin

7.5. ANG PAGKAKANYAO


( ni Edgar Daniel mula sa aklat na Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan)

May mga dahilan kung bakit naisasagawa ang pagpadit o pagkakanyao. Una ay ang
pagpapasalamat sa pagkakaroon ng kayamanan at ang ikalawa ay bunga ng kahilingan ng isang patay na
miyembro ng pamilya na naipababatid sa pamamagitan ng panaginip o kapag ang isang karamdama’y
matagal na sa isang miyembro ng pamilya ay hindi mapagagaling ng mga gamut , sa gayo’y tumatawag
na sila ng nakaalam sa gawaing ito na kilala sa katawagang hi-bok o anop para malaman kung
magpapadit ang pamilya.

7.6. MGA ITA SA BUNDOK NG ZAMBALES


( ni Ligaya T. Rubin mula sa aklat na Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan)

Ang Ita ayon sa kasaysayan ng Pilipinas ay itinuturing na kauna-unahang mga pangkat ng tao na
naninirahan sa bansang ito. Ang mga Ita ay itinaboy ng sibilisasyon kaya ang kanilang pangkat ay
matatagpuan sa kabundukan na walang kaalaman. Sila ay patuloy na nagpapalipat-lipat na kung saan
sila mabubuhay.

Ang dalawang baryo na Napucol at Naguisguis ay mga baryo na kung saan matatagpuan ang
karamihan sa mga Ita. Ito ay matatagpuan sa kalagitnaan ng mga bulubundukin ng Zambales. Ang mga
Ita ay walang ulam-ulam kung sila’y kumakain, kanin lamang ang kanilang kinakain at kung minsa’y
nilagang kamote lang. Ang kanilang pisikal na pangangatawan ay : kulot na kulot ang buhok, sunog na
sunog ang balat, pandak na pandak, sarat ang ilong at makapal na makapal ang labi.

You might also like