You are on page 1of 7

TAUHAN:

Jona- Masayahin,matulungin at makulit, mahilig siyang tumulong sa mga nangangailangan kahit na mas siya ang dapat
na tulungan. 3rd yr Education student

Charles- Tahimik at ayaw makipaghalubilo sa kapwa, nahihirapang solusyonan ang problema sa pamilya. 3 rd yr Marine
Biology

Mama at Papa ni Jona - High School lang ang natapos ng dalawa, nahihirapan na masolusyonan ang pang araw-araw na
pangangailangan, nadagdagan pa ng mga bisyo ng ama. Palagi nilang pinag-aawayang mag-asawa ang mga bisyo nito
kaya nauuwi sa pambubugbog.

Papa ni Charles - nakagawa ng maling desisyon dahil sa sobrang kapos sa buhay, isa siyang maalalahaning ama.
Nagkasakit ang kaniyang anak at gusto niyang bayaran ang pangpaospital nito pero dahil sa kahirapan ay naakit siyang
gumawa ng masama at iyon ay ang pagnanakaw.

Bagong araw, bagong simula ng mga mag-aaral dahil nga pasukan na naman at magandang balita kasi nagkaroon na ng
limited face to face ang paaralan na pinapasukan.

Isang araw mabilis na tumatakbo si Jona upang makahabol sa unang subject niya sa umaga kaya naisipan niyang
sumakay nang tricycle. Sa pagsakay niya ay nabangga niya ang sanay pasakay na ,na si Charles. Nagsorry si Jona ngunit
tiningnan lang siya ng bahagya ni Charles. Di nagpatalo sa hiya si Jona kaya tinanong niya ito, ngunit akmang
magtatanong na siya biglang huminto ang tricycle at nakarating na sila sa school at mabilis ding bumaba si Charles para
pumasok.

Kasama ni Jona ang mga kaklase niya para magmeryenda. Habang papunta ay nakita niya si Charles, at Dahil nga makulit
si Jona ay di siya nag-atubiling lapitan ito at kausapin. Bigo pa rin si Jona kasi ayaw talaga siya kausapin nito. Habang
dismiyado ay biglang nagtanong ang mga kaklase ni Jona kung bakit nilalapitan niya si Charles, di ba daw alam ni Jona
ang kwento tungkol sa lalaki. At iyon napag-usapan nila at nalaman ni Jona ang lahat na ang kilalang adik, magnanakaw
at baon sa utang dahil sa bisyo ng tatay ni Charles. Sa mga narinig ni Jona ay di nagbago ang tingin niya dahil alam niya
na mabait si Charles at ayon nabigyan ng dahilan si Jona na lapitan si Charles. Araw-araw hinihintay ni Jona si Charles sa
sakayan para magsabay sila at para makahanap ng paraan na makilala ang lalaki, dahil naniniwala siya na mabait si
Charles at sa panahon ngayon kaliangan niya ng kaibigan hindi panghuhusga ng iba.

Isang Araw habang nag-aantay ay nagtataka si Jona kung bakit ay wala pa rin si Charles sa sakayan.Pumasok nalang si
Jona sa paaralan na mag-isa. Nag-aalala si Jona kay Charles kaya nagtatanong siya sa mga nagging kaklase nito at
nalaman niya na andun pala sa tabing-dagat nag-iisa. Dali-daling pinuntahan ni Jona si Charles.

Hinahanap niya ito sa tabing-dagat at sa paghahanap ay may nakita siyang mga bote ng beer, Agad na hinanap ni Jona
ang lalaki at nakita niya ito sa dagat na hanggang beywang na ang tubig. Napasigaw ng malakas si Jona at kumaripas ng
takbo papalapit sa lalaki. Pinipigilan ni Jona si Charles na pumunta sa malalim para ito’y hindi malunod. Ngunit
pumipiglas si Charles habang umiiyak at sinabing wag siyang pigilan. Napaiyak si Jona habang naririnig ang mga sinasabi
ni Charles. Kaya kinausap niya ito hanggang sa kumalma ito. Habang sa pag-uusap ng dalawa naunawaan ni Jona lahat na
mali ang mga sabi-sabi ng mga tao sa pamilya. Oo, nagnakaw at maraming utang ang kanyang tatay di dahil sa may bisyo
ito bagkus nagkasakit si Charles at walang pambayad sa hospital kaya nakagawa ng masama ito. (NAG-USAP DIN SILA
KUNG BAKIT GUSTO NI CHARLES ANG DAGAT -ANG THOUGHT IS LOVE NIYA ANG DAGAT AT GUSTO DIN NIYA KUNG
MAMATAY SIYA SA DAGAT PUD- MAGTHINK TA UG VERY NINDOT NA SYMBOLISM SA DAGAT)

Naikwento niya rin Jona kung bakit gusto nitong manatili sa dagat sa tuwing nais niyang mapag-isa. Ang dagat ay
maihahalintulad sa kaniyang pangalawang tahanan, may mga isda na malayang namumuhay sa kahit saang lugar, may
diskriminasyon mang nagaganap subalit mayroon din naman silang pangkat na maaari nilang samahan at matatakbuhan,
hindi katulad niya rati na hindi nabigyan ng karapatang makihalubilo, para siyang isang uri ng nilalang na walang mga
kalahi at nakatadhana nang mag-isa sa mundo. Sa lugar na ito nahanap niya ang kapayapaan at kaginhawaan, sa tuwing
nilalapit niya ang kaniyang katawan sa dagat ay natatangay ng mga alon ang bigat na kaniyang nararamdaman pati ang
mga problema niya ay pansamantalang nawawala, napapanatili rin nito ang malinaw niyang pag-iisip. Nabablangko ang
kaniyang utak dahil natatabunan ng malalakas na pagragasa ng tubig. Dito ay malaya siya, walang mga nagdidikta sa
kaniya sa mga dapat niyang gawin at kung saan siya nararapat kagaya ng mga bully sa unibersidad. Kaya kung gusto niya
mang tapusin ang sarili, dito sa dagat niya napiling magpahinga habang buhay.

Nang marinig ni Jona ang lahat ng sinabi ni charles, nag-iba ang pananaw niya sa dagat, akala niya sobrang babaw lang
ng naging desisyon ni charles pero mas naliwanagan siya sa sitwasyon nito at sa naibibigay na saya ng dagat para sa
kanya. (BEBIEFIL's)

Sa pag-uusap ng dalawa ay biglang tumunog ang telepono ni Jona, tinignan niya ito at wala ng pasabi ay kumaripas ng
takbo ang dalaga. Nagtaka si Charles at dali-dali niya itong sinundan ngunit huli na ay nakasakay na pala ito ng tricycle.

(SA PAG UWI NI JONA NADATNAN NIYA ANG KANYANG INA NA BINUBUGBOG NG KANYANG AMA, AT INAAWAT NIYA
ITO AT AYON SIYA ANG NASAPAL AT PINABUNTUNGAN NG GALIT NG KANAYANG AMA)- Revelation scene

Kahit anong pakiusap nito sa kaniyang ama ay para itong debateryang laruan na walang tigil sa pambubugbog, ang
kaniyang ina naman ay hindi na maawat sa pag-iyak gusto man nitong ilayo ang kaniyang anak mula sa asawa, pilit
naman siyang iniwawakli nito. Sobrang sakit man ng mga natamong sugat, hinahayaan nalang ni jona ang kaniyang ama
para maprotektahan ang bugbog sarado ng ina, nakapikit siyang humahagulgol habang hinihiling niya sa itaas na tumigil
na ang lahat ng paghihirap na nararasan nilang mag-ina ngayon sa kamay ng mapang-abusong ama. (BEBIEFIL's
ADDITIONAL PART OF THE FLOW)

(KINABUKASAN AY BAKAS PA RIN ANG PAG-IYAK NG DALAGA KAYA NAG-AYOS ITO UPANG DI MAHALATA ANG
NAMAMAGANG MATA AT DAPAT MASAYA SIYANG PAPASOK SA PAARALAN)-

Kinabukasan ay nag-iba ang ihip ng hangin dahil si Charles na ang nag-aantay kay Jona, Nagulat, nagtaka at napangiti si
Jona dahil sa wakas lumalapit na ang loob ni Charles at paunti-unti na itong nagkikipag-usap sa kanya. Araw-araw
magkasabay ang dalawa sa pagpasok at pag-uwi at lalong nakilala ni Jona si Charles at nag-oopen up na ito sa kanya.
Ngunit kahit minsan ay di nabahagi o nabanggit ni Jona ang sariling problema.

Makalipas ang nagdaang mga araw unti-unting nagkamabutihan ng loob ang dalawa. Sa araw ng pasukan at sa pag uwi ,
walang araw na hindi sila magkasama .Unti-unti naring naging madaldalin kay jona ang dating tahimik na si Charles.
Nagawa na ni Charles humabilo na kung dati ay umiiwas pa ito .Minsan kapag parehong walang klase ang dalawa ay
sabay silang tutungo sa isang silid aklatan upang sabay silang magbasa at mag aral.

4:00 na ng hapon, uwian na at masayang lumabas ng room si charles sapagkat makikita nya ulit si jona. Ilang minuto pa
bago ang uwian ni jona, umupo muna si charles sa may ilalim ng puno upang antayin ang kaibigan nito.( 30 minutes
later) Sa di lang kalayuan ay natanaw nya si jona kaya ito ay tumayo at kinawayan pa nya habang si jona ay papalabas
naman ng kaniyang silid aralan. Nagbatian ang dalawa na nakangiti, kunting kumustahan at pag uusap.(JESSA's
ADDITIONAL FLOW OF THE STORY)

Balak na sanang tapikin ni charles ang balikat ni jona ngunit agaran nitong iniwas ang sarili sa kadahilanang may itinatago
itong malaking pasa. Nagtaka man ay ipinagsawalang bahala na lamang ni charles ang nangyaring eksena. Malaki ang
pasasalamat ni charles kay jona sapagkat nagawa nitong baguhin ang kanyang pananaw sa buhay at mas naramdaman
niya ang kaginhawaan na matagal na sana niyang tinatamasa. (HAPPY MOMENTS NI CHARLES SA NANGYARI SA
KANILANG BUHAY)

(Lingid sa kaalaman ni charles na unti-unti na pa lang nalulunod si jona sa sarili nitong suliraning hinaharap. May
panahong naabutan na ito ng madaling araw mula sa kaniyang part time job, hindi na rin siya palaging pumapasok sa
unibersidad dahil hindi na kayang takpan ng kolorete ang mga pasang kaniyang natatanggap mula sa mapang-abusong
ama. Gayun na lamang ang todo kayod ni jona para matubusan ang perang inutang ng kanyang ama na hindi maubos-
ubos mula sa bisyo nito. REVELATION SCENE)

Ngunit sa pagkakataong ito ay bigla-biglang nag-iba ang ihip ng hangin di na masyadong nagkakasabay ang dalawa.
Nagtataka si Charles kung bakit kasi sa loob ng school naman ay nakikita niya si Jona ngunit hanggang sa pagbati lang at
aalis din agad ang dalaga. Nagtaka ang binata kasi biglaan ang mga pangyayari di niya alam kung may nagawa ba siyang
mali, pero araw-araw pa rin niya itong hinihintay sa sakayan ngunit di talaga nagkakatugma ang oras nila.

Lumipas ang mga araw ay tila bumabalik ang dating Charles na di mo malapitan at mahagilap kasi sa pagkakataong wala
si Jona ay kinukutya at sinasaktan siya ng mga kaklase nito. Si Jona lang ang nakakaalam sa totoo na kayang pakinggan at
paniwalaan ang mga sinasabi niya. Si Jona lang ang tanging tao na pinagkakatiwalaan niya.

May namumuong tampo at sakit sa kaniyang nararamdaman, ang taong laging nandiyan sa tabi niya at napagsasabihan
niya ng mga hinaing sa buhay ay nawala nalang na parang bula. Naghalo-halo na ang kaniyang problema, sinamahan pa
nang pagkawala ng presensiya ni Jona na naging dahilan ng unti-unting paglaho ulit ng kulay sa nagsisimula na sanang
makulay niyang mundo. (BEBIEFIL's)

(Sa pagkakataong ito si Jona ay pauwi galing sa trabahong pinasukan niya, pag-uwi nito’y sinalubong siya ng amang
lasing at nanghihingi ng pera sa kanya. Di binigyan ni Jona ang tatay niya kasi ipambabayad pa iyon sa kanyang magiging
project sa school. Sa pagpipilit ng tatay niya ay sinaktan siya at sinisigawan, nakatingin at walang magawa ang inang
takot sa bayolenteng asawa. Nakuha ng tatay niya ang pera, at iyak lang ang kayang magawa ni Jona. - REVELATION
SCENE)

Sa bahay hindi magawang sabihin ni charles ang lahat nang pang-aapi sa kanya ng mga estudyante dahil ayaw na niyang
dagdagan pa ang pasan na problema at responsibilidad ng ama nito. Gabi na kaya naisipan nilang kumain ng hapunan, sa
hapag kainan ay kinumusta ng ama si charles, kinikwento niya ang mga masasayang eksena na likha ng imahinasyon niya
para lang pagtakpan ang katotohanan. Tuwang-tuwa naman ang ama nito dahil akala niya ay tunay na nagsasaya ang
anak at marami na itong nakakasalamuhang tao. Nang matapos sila sa pagkain ay nagboluntaryo pa siya sa paghuhugas
ng pinggan, pumayag naman ang ama nito at dumiretso na kuwarto. Habang sinasabunan na niya ang mga pinggan ay
muntik na niyang mabitawan ang mga ito dahil sa sugat na nakuha nito mula sa pagtulak ng isang bully sa kanina,
aksidenteng nahiwa ang kaniyang darili sa matulis na bagay. Muli niyang naalala si jona, alam kaya nito ang nangyayari
sa kanya? kung oo, bakit hindi parin ito nagpapakita sa kanya? Napabuntong-hininga nalang si charles at pinagpatuloy
ang paghuhugas. Napagdesisyonan niya na iwasan ang itinuturing na kaibigan, isip-bata man pakinggan pero kung ito
ang gusto ni jona ay pagbibigyan niya ito. ( BEBIEFIL's ADDITIONAL PART OF THE FLOW)

Dumating ang araw ng pagkikita ng dalawa at sa wakas na krus din ang landas nila. Bumati si Jona ng buong sigla kay
Charles ngunit ito’y walang kibo. Hinawakan niya ang braso nito ngunit umiiyas si Charles sa kanya. Kinakausap niya ito
ngunit ayaw talaga makipag-usap ni Charles sa kanya. Sumakay ng tricycle si Charles na di inaya at kasabay ang dalaga.

Habang sa klase si Jona ay nag-iisip kung ano ang nangyari sa binata. Natapos ang huling asignatura sa umaga at habang
palabas ng silid nakita niya si Charles na binubuhusan ng tubig, pinagtatawanan ng mga kaklase. Agad-agad pinuntahan
niya ito at pinigilan ang mga lalaki. Ipinagtanggol niya si Charles sa mga ito. Naiyak si Jona sa nakita niya awang-awa siya
sa kaibigan na pinagtatawanan at hinuhusgahan.

Sinamahan ni Jona ang binata para gamutin ang mga natamong sugat at para ayusin ang sarili. Umalis saglit si Jona
upang kumuha ng panglinis sa sugat. Ngunit sa pagbalik nito’y wala na si Charles walang sinayang na oras ang dalaga at
agad niyang hinanap ang binata. Ilang oras na din ang lumipas ang di niya parin mahanap ito. Hindi napapagod ang
dalaga sa kakahanap, naubos na ata niya lahat ng tao sa paaralan sa kakatanong kung saan ang binata. Biglang naalala ng
dalaga ang pag-uusap nila na tungkol sa dagat kaya kumaripas ng takbo ito papunta ng dagat. Di nga nagkamali ito at
nakita niya si Charles tumalon sa dagat upang tapusin ang buhay. Di nag-atubili at nag-alinlangan ang dalaga agad niyang
tinulungan ito.

Kinausap niya si Charles kung kailan nagsimula ang lahat ngunit walang kibo pa rin ang binata. Pinuwersa ni Jona si
Charles na kausapin, biglang tumaas ang tensyon ng pag-uusap nila. Naiyak ang dalawa habang nag-uusap at sinabi lahat
ni Charles. Humingi ng tawad si Jona kanya ngunit di niya mapaliwanag kung bakit naging ganun ang nangyari sa kanila.

" Nagsimula ito noong bata pa ako. Nagkahiwalay sina Mama at Papa at nang araw na iyon ay iniwan kami ni Mama.
Nahirapan ako sa paglisan ni Mama ngunit alam kong Mas nahihirapan ang papa sapagkat Doble kayod ang ginawa niya
upang matustusan ang pag-aaral ko at mga pangangailangan namin. Isang araw nabalitaan ko sa kapitbahay na may
bagong asawa na si mama at may mga anak na rin ito. Nang marinig ito ni papa ay ilang araw Lang din ay nakahanap siya
ng bagong mapapangasawa. Tinanggap ko ito na parang tunay na ina hindi dahil sa gusto ni papa kundi dahil alam kong
magiging ina ko ito. Naging mabuti naman ang pakikitungo nito sa akin noong una pa lamang, nang sa bahay na ito
tumira ay nasayahan ako sapagkat akala ko ay may mama na ulit akong tatawagin at handang makinig sa aking mga
problem, maaalagaan ako nito, tuturingin na tunay na anak at susuportahan sa lahat ng bagay na aking gagawin, ngunit
lahat ng aking kasayahan ay napalitan ng kalungkutan at pagka-dismaya Kay papa at sa kaniyang bagong asawa.
Sinasaktan ako ng aking madrasta, naging marahas at malamig ang pakikitungo at pagtrato nito sa akin. Palagi nitong
pinabatid na ako'y isang pabigat, palamunin at walang alam sa buhay at maging sa bahay. Noong una sinubukan ko
naman na isumbong kay papa ngunit sabi Lang nito ay baka stress Lang dahil sa dami ng bayarin at problema. Hanggang
sa umulit ito at isinumbong ko ulit Kay papa ngunit ang aking inaasahan na Mala superhero at magliligtas sa akin sa
kapahamakan at malamig na trato sa aking madrasta ay nagawa akong saktan ng pa ulit-ulit sapagkat akala nito ay
nagsisinungaling lamang ako upang mapaghiwalay ko silang dalawa ngunit hindi inyon ang aking intensiyon, gusto ko
lamang itong maniwala sa akin upang kahit mapagsabihan niya man lamang ang aking ina-inahan pero malaking
kamalian palang magsumbong ako kay papa sa gabing iyon. Iyak ako ng iyak sapagkat wala na akong kakampi sa bahay
noong mga panahon na iyon. Umulit ng umulit ang pakikitungo ng aking ina-inahan, mas Naging mabangis pa ito na
akala mo'y hayop na kaya akong kainin ng buhay. Kung noon ay medyo makaya ko pang saluhin lahat ng palo , pananakit
at masasakit na salita nito ay ngayon hindi na sapagkat mas dumoble ang pananakit nito sa akin. Kung magkamali man
ako sa kaniyang iniuutos ay palo na naman ang matatanggap ko at hindi ako pinapakain hanggang sa gusto nila.
Tinanggalan Nila ako ng karapatan sa kahit anong bagay sapagkat naging mas mahigpit sila sa akin. Hanggang isang araw
inutusan ako nito na bantayan ko daw muna ang aking nakababatang kapatid sapagkat silang dalawa ng papa ay aalis,
syempre pumayag ako kasi alam ko Kung anong kahihinatnan ko Kung hindi ako papayag. Umalis na silang dalawa ni
papa at tuluyan ko na ngang inalagaan ang aking bunsong kapatid sa ama. Dahil na rin siguro sa pagod ko ay nakatulog
ako ng mga panahon na iyon nagising na lamang akong umiiyak ang aking bunsong kapatid dahil ito ay nalaglag sa kama
habang naglalaro ng mag-isa, na siya namang pag dating ng aking ina-inahan at ni papa. Sa sobrang gulat ko ay hindi ko
kaagad nakuha ang aking kapatid na nahulog sa kama na siyang pinagsisihan ko nang husto. Ito na yata ang
pinakamasakit na salita ang narinig ko sa butong buhay ko dito sa mundo ,

"Walanghiya ka, Diba sabi ko sa iyo na bantayan mo ng maigi ang inyong kapatid?"

Habang hila-hila nito ang aking buhok, hindi ko nga maramdaman ang sakit habang hila-hila ako nito dahil mas Masakit
ang kaniyang sunod na sinabi na hindi ko napaghandaang husto at parang patalim na unti-unting tumutusok sa aking
dibdid. Tumingin ako kay papa at nanghingi ng tulong gamit lamang ang aking pagod at kawawang mata ngunit laking
dismaya ko ng umiwas ito at hinayaan lamang ang aking madrasta na akoy alilaan, pagtabuyan, pagsabihan ng masasakit
na salita at paluin ng paluin. Sa ginawang iyon ni Papa ay mas lalo akong nakaramdam ng sakit hindi dahil sa ginawa ng
aking madrasta ngunit sa ginawang pag-iwas ni papa at sa ginawa niyang hinayaan ang aking madrasta na gawin ito sa
akin, ni hindi man Lang ako nito nagawang ipagtanggol sa aking ina-inahan ngunit ano pa ba ang maasahan ko sa kaniya
eh mas mahal niya ang ikalawang pamilya kaysa sa akin .

" Hindi ko alam kung bakit nakaya pa kitang pagtiyagaan ng husto gayong wala kanamang silbi at ginawang mabuti dito
sa pamamahay na ito? Palamunin at pabigat ka lamang dito kaya kahit ayaw mo sa utos ko ay gagawin mo Kung ayaw
mong palayasin kita sa pamamahay ko. Wala kang silbi, wala Kang silbi, wala Kang karapatang umiyak, wala ka g
karapatang mapagod. Malas ka lamang sa pamamahay na ito. Tanga ka lamang at walang alam sa buhay na kahit
gawaing bahay at pagbabantay sa inyong mga kapatid ay hindi mo magawa, wala Kang kwentang Bata at anak sana hindi
ka nalang binuhay ng inyong mama at papa at sana wala ka ngayon sa buhay namin dahil isa kang malaking malas ,
malas , malas . Kung hindi ka Lang anak ng Papa mo ay pinalayas na kitang walang silbi ka, wala Kang kwenta. Puro ka
Lang kamalasan."

Sa mga sinabi nito ay parang nagising ako sa katotohanang, kaya ko pa bang mabuhay kung pinaparamdam nila sa akin
na wala akong silbi at malas lamang sa kanila ? Sa araw na iyon ay hindi ulit ako pinakain ng isang buong araw, gutom na
gutom ako sa mga panahon na iyon Jona, ngunit wala akong magawa dahil sila ang batas sa hayop na pamamahay na
iyon. Tanga man Kung isipin ngunit umasa ako na manghihingi ng patawad si papa sa akin at bigyan ako ng pagkain
ngunit sumapit ang kinabukasan ay wala akong amang nasilayan. Napangiti na lamang ako ng mapait at umiyak ng
umiyak hanggang sa ako'y makatulog. Pag gising sa umaga ay parang normal Lang ang lahat sa kanila na Mas lalong
nagpasama sa aking dibdib ng husto , nakita ko pa silang nagtatawanan sa hapagkainan "complete happy family" pa nga
kung tawagin, hindi ko namalayang umiiyak na pala ako habang sila'y pinagmamasdan. Napa isip ako Jona, paano kaya
Kung hindi naghiwalay si mama at papa? Magiging ganito Ba ang sitwasyon ko? Mapag-iwanan pa kaya nila ako?
Magiging masaya din ba kami katulad ng ibang pamilya o katulad ng bagong pamilya ni papa? Ano kayang mangyayari sa
amin, sa akin? Magiging kaawa-awa pa kaya ako sa paningin ninyo?
Hanggang ngayon ay nagawa parin ako nitong saktan, ngunit nagpapasalamat parin ako na madalang nalang nito akong
paluin, pagsalitaan ng masasakit na salita . Ngunit kailanman ay hindi nito nagawang hindi ako sumbatan sa lahat ng
naibigay, napakain at naging baon ko sa eskwelahan na galing sa kanila. Idagdag mo pa na palagi akong na bu-bully sa
eskwelahan . Kinakaya ko naman na hindi intindihin ang sinasabi ng aking madrasta ngunit hindi ko kayang mag maang-
maangan na lamang dahil hindi ako ganoon. Masama man kung ito'y tawagin ngunit malaking pagsisisi na sila ang naging
magulang ko. Marami akong katungan na kailangan ng kasagutan sapagkat hindi ko alam sa kung hanggang saan ang
kaya ko para sa aking sarili. Napapatanong ako kung paano nila ako nagawang ewan sa ere gayong wala akong ibang
ginawa kundi ang mahalin sila ng higit pa sa buhay ko. Paano nila nagawang ngumiti gayung nandirito ako nag-iisa,
luhaan at nagdurusa? Paano nila nagawang gumising sa umaga ni kahit kunting katiting man lamang ay wala silang
naramdaman na awa sa akin? Paano nila ako nakalimutan Jona? Bakit hindi nila ako maalagaan kagaya ng pag-aalaga
nila sa mga kapatid ko? Ngayon mo sabihin sa akin Jona na wala akong karapatang kitilin ang sariling buhay ng dahil sa
dala-dala kong problema mula bata pa lamang ako hanggang ngayon ? Nagpapasalamat na lamang ako sa kanila
sapagkat kahit may natatanggap akong masasakit na Salita at panunumbat ay nag-aaral pa din ako. Patawarin pa sana
ako ng Panginoon sa aking nagawa kanina na pagkitil sa aking buhay. Iyon na lamang talaga ang naisip kong paraan para
mawala ang sakit na dala-dala ko magmula pa noong bata pa lamang ako.

Masakit mang isipin ngunit kailangan kong tanggapin na ako nalang ang aagapay sa aking sarili dahil wala na akong mga
magulang na mag-aalaga sa akin habangbuhay. Kailangan kong magpatuloy sa buhay sapagkat ako na lamang mag-isa.
Hindi katulad ng iba na may mga magulang na handang ialay ang kanilang buhay para lamang sa kanilang anak. Kaya
malaki ang pasasalamat ko sa iyo dahil nagawa mong kulayan ang buhay kong puno ng masalimoot na kwento. "

(HABANG UMIIYAK SILANG DALAWA)

At nang kumalma ang lahat niyaya ni Jona na mamasyal na kasama si Charles ,sa paglalakad nila ay nakakita sila ng
simbahan niyaya niya ito upang magdasal. Habang papasok sa simbahan ay biglang tumunog ang cellphone ni Jona at
pinauna na niya muna si Charles.

(Tumawag ang Nanay ni Jona sa kanya dahil pinapalayas na sila sa kanilang bahay at unti-unting kinukuha ang kanilang
mga gamit bilang kapalit sa malaking utang ng kanyang tatay, Naiyak at napaluhod sa labas ng simbahan si Jona di na
niya alam ang gagawin)- REVELATION SCENE

Sa loob ay taimtimang nagdasal ang binata. Nang siya’y patayo ay hinahanap niya si Jona naisip niya na bigla-bigla
nanaman siyang iiwan nito, ngunit nagulat siya na biglang may nag-abot sa kanya ng malamig na tubig sa likod (dinampi
sa liig) at ayon pala si Jona na nakatawa sa reaksyon ni Charles. Habang papalabas napansin ni Charles na namamaga ang
mata ni Jona at naging dahilan ng dalaga ay napuwing lang ito habang naghahanap ng pagbibilhan ng tubig.

MAGTHINK NATA ABOUT SA RECOVERY NI CHARLES, MURAG NAGKAT ON NA SIYA


NGA DILI MAGPADALA SA MGA STORYA KAY TUNGOD NAGSUGOD NA SIYAG DOOL
SA GINOO UG TUNGOD KAY JONA. AT TAPOS GITUDLUAN PUD NI JONA SI CHARLES
UG PAGPILI SA MGA FRIENDS UG UNSAON MAKIGFRIEND- kani pede rani short vid clips pede na walang script and
puro scene lang ug ayha ta muabot sa point na nalingaw na si Charles sa new found friends niya pero syempre happy
gyud kaayo si Jona pero ing abot sa point na naay dako nga problem si Jona maong ingtawag siya kay Charles wa lang
natubag many times kay busy.

Ilang araw ang lumipas, pilit paring kinimkim at tinago ni jona ang isang napakabigat nitong problema dahil ayaw niyang
madamay at maulit sa dati ang sitwasyon ng kaibigan nito, pilit parin nyang pinapakita kay charles na wala syang
problema, na masayahin at malakas sya sa tuwing sila ay magkasama sapagkat alam nya sya lang ang kaibigan na
kinakapitan ni Charles sa oras na ito ay nangangailangan. Kahit sobrang masakit na para sa kanya na paglihiman ito ng
sikreto ang kaibigan nito, kahit sukong-suko na sya sa sarili nya mas pinili parin niyang itago lahat sapagkat iniisip nya
ang kanyang ina at ang kaibigan nito. Sa tuwing magkikita ang dalawa, hindi nya pinapahalata kay Charles na siya ay
problemadong tao sapagkat ang alam ni Charles ay isa syang makulit at masayahing jona. Matagal tagal narin na
magkaibigan ang dalawa ngunit ni minsan man ay walang kaalam alam ang binata sa naging takbo ng pamumuhay ni
jona.

Nakatanggap parin ng paulit-ulit na pananakit gawa ng kaniyang ama si jona at hindi na nya ito natiis hanggang sa
dumating na napagdesisyonan ng dalaga na gusto niya nang aminin kay Charles ang mga nangyari sa kanya. (JESSA's
ADDITIONAL FLOW OF THE STORY)

Sobrang pagod na si jona sa paulit-ulit na pangyayari sa kaniyang buhay, at nais na niyang humingi ng tulong kay charles,
tumawag siya rito ng ilang beses upang isalaysay ang kanyang problema pero sa halip na kaibigang handang makinig sa
kanyang hinaing ang kaniyang aasahan, laking pagkadismaya ang naramdaman ni jona dahil ni isang beses ay hindi nito
nasagot ang kanyang tawag. Nasaktan man ay pilit niyang pinipigilan ang kanyang luha hanggang sa naisipan nitong
magpunta sa simbahan para doon ibuhos ang lahat ng kanyang hinanakit at nararamdamang pagdurusa. Makalipas ang
ilang oras na paghihinagpis ay humantong na sa puntong naisipan na nitong bawiin ang kanyang buhay, humingi siya ng
tawad sa Panginoong Diyos sa kanyang malaking kasalanan na gagawin. Humingi pa siya ng huling senyales mula sa itaas
na kung sasagutin ni charles ang tawag ay hindi na nito itutuloy ang kaniyang binabalak pero kung hindi naman nito
sasagutin ay matutuloy ang kanyang pagkitil sa sarili.

Nang makauwi na si jona, tinawagan niya si charles ng huling beses.

You might also like