You are on page 1of 3

Ano nga ba ang pagkakaiba ng pelikula at ng librong pinagmulan nito?

Naging
inspirasyon ng mga direktor na gumawa ng pelikula na mula sa libro. Katulad nito ang
pinakakilalang libro na Bibiliya na nagging inspirasyon sa pelikulang pinamagatang “ The
Bible”.

Magsisimula ang pangatlong yugto ng si Joshua ay naging bagong pinuno ng mga


Israelita. Sasakupin nila ang Jericho ngunit hindi ito magiging madali. Nagpadala siya ng
dalawang espiya na sina Phinehas and Caleb upang alamin ang sitwasyon ng lugar. Ngunit sa
maling pagkakataon ay nakita sila ng isang babae. Sumigaw ito upang marinig siya ng mga
guwardiya sa loob. Nakipaglaban agad ang mga guwardiya ng makita nila ang dalawang espiya
ngunit ayon sa Bibliya ay may nagsumbong sa hari ng Jericho patungkol sa dalawang espiya.

Isa pa rito ang eksena na nakapasok ang dalawang espiya sa bahay ng isang babae na
nagngangalang Rahab. Tinutukan ng isang espiya ng kutsilyo si Rahab bilang pagbabanta na
huwag silang magiingay o magsusumbong. Ngunit si Rahab ay naniniwala sa Panginoon ng
mga Israelita, pinatakas niya ang dalawang espiya. Bumalik ang isang espiya para alukin na
sumama si Rahab sa kanila ngunit tumanggi ito, eksenang hindi nabanggit sa Bibliya.

Nabangit naman sa Bibliya ang mga Israelita ay tumawid sa ilog ng Jordan ngunit hindi
ito naipakita sa pelikula. Isa rin sa magandang eksena sa Bibliya ang pagtawid nila sa ilong ng
Jordan, ngunit wala ito sa pelikula. Para sa mga manunuod na hindi nakapagbasa ng Bibliya,
malalaman nila na hindi lang si Moses ang nakapaghati ng anyong tubig upang mailigtas nag
mga Israelita. Dahil sa ganitong kulang na mga detalye, may mga pagkakataon na hindi akma
ang impormasyong nakukuha ng manunuod.

Makalipas ng isandaang taon na pamumuno ni Joshua, dito naman papasok ni Samson.


Ayon sa libro, may isang lalaki sa tribo ng Dan. Siya ay may asawa ngunit hindi sila
magkaanak. Nilapitan ng anghel ni Yahweh ang asawa ni Manoah, sinabing magdadalang tao
siya. Sa sobrang tuwa ng babae ay ibinalita niya agad ito sa kanyang asawa. Nagkita silang
dalawa. Tinanong ni Manoah kung siya ba ang lalaking nakausap ng kaniyang asawa. Noong
una ay hindi pa alam ni Manoah na ito ang anghel ni Yahweh. Gustong magalay ni Manoah ng
batang kambing ngunit tumanggi ang anghel, kung kaya’t ialay na lamang ito kay Yahweh.
Inialay nila ito ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay biglang nagliyab at naglabas ng apoy
ang pinagpapatungan ng alay. Lumabas dito ang anghel ni Yahweh saka napagtanto ni Manoah
na alagad ito ng Panginoon. Ang parte ng istorya na ito ay hindi naipakita sa pelikula. Malaki
na si Samson, ipinakita na rin dito kung paano siya ikakasal sa babaeng Philistine.

Ayon sa Bibliya si Samson ang nakipaglaban sa isang lion. Sa loob nito ay may bubuyog
at napakatamis na pulot. Binigyan ni ang kaniyang ama at ina ngunit hindi niya sinabi kung
saan ito galing. Bago niya mapakasalan ang babae niyang mahal ay may mga pinagdaanan pa
siyang pagsubok tulad ng pagbibigay niya ng bugtong sa tatlong-pu na lalaki na pinadala ng
Philistine na kung saan wala sa pelikula. Mas mabibigyan buhay sa parteng ito ang katauhan at
pagkatao ni Samson kung isinama ang eksena na kung saan ay kinalaban niya ang malaking
lion gamit lang ang kanyang mga kamay.

Sa pelikula ay naikasal na si Samson sa babaeng taga Philistine ngunit hindi parin ito
tanggap ng mga nakatataas sa katuyuan ng Philistine. Sa galit nila ay sinuog nila ang babae
kasama ang ama nito ngunit sabi sa Bibliya nagbigay si Samson ng isang bugtong ngunit
makaraan ng tatlong araw ay wala paring nakakasagot rito. Nagalit ang babae kay Samson
sapagkat bakit ganoon ang ginawa ni Samson, ilang araw din itong umiiyak dahil hindi sinasabi
ni Samson ang kasagutan sa bugtong. Dahil sa mga pangyayari namatay ang kanyang asawa.

Pagkatapos ng labanan sa pelikula, sa pagtatago ni Samson may nakita siyang


magandang dilag na nagngangalang Delilah ngunit ayon sa libro ng Bibliya ay nakilala niya ito
nang siya ay makarating sa Gaza.

Ayon sa Bibliya, naging magkasintahan ang dalawa ngunit si Delilah ay kasabwat ng


mga Philistine. Inutusan siyang alamin ang sikreto ni Samson kung bakit sobrang lakas nito
kapalit ng labing isang daang pilak. Tatlong beses tinanong ni Delilah si Samson ngunit tatlong
beses din itong nagsinungaling. Sa pangapat na beses na siya ay nagtanong ay sinabi na ni
Samson ang totoong dahilan. Tumawag ng lalaki si Delilah upang putulin ang mahabang buhok
ni Samson. Hindi naipakita sa pelikula ang paguusap nilang iyon. Ang ipinakita lamang sa
pelikula ay si Delilah mismo ang pumutol ng buhok ni Samson na naging dahilan ng kaguluhan
at makasama siyang masawi kasama ng ibang Philistine. Sa aking palagay, mas mabuti sana
kung naisama sa pelikula ang tatlong beses na pagsisinugaling ni Samson kay Delilah upang
mabigyang buhay kung paano malilinlang ni Delilah si Samuel.

Pagdating naman sa kwento ni Samuel, nailagay naman ang detalye tungkol sa


kagustuhan ng mga tao na magkahari. Humingi muna ng mga salita si Samuel sa Paginoon bago
siya nagdesisyon. Ipinakita rin ng Panginoon kung sino ang napili niyang hari. Ngunit hindi
naipakita sa pelikula ang mga pangyayari bago pa man maging hari si Saul. Binigyan muna ni
Samuel si Saul pati ang anak nito ng lugar na matutuluyan. Sabay-sabay din silang kumain
kasama ng tatlong-pu na bisita.Hindi rin naipakita ang paghalik ni Samuel kay Saul pagkatapos
magbuhon ng langis dito bilang tanda na siya ang napili ng Panginoon. Nakasulat sa Bibliya na
marami pang sinabi si Samuel na dapat gawin ni Saul pero hindi na ito naipakita. Mas maganda
rin sana kung naisama sa pelikula ang kaunting pasilip sa buhay ni Saul upang maipakita kung
bakit ito napili ni Yahweh.
Sa yugto ng pelikula pati narin ng nilalaman ng Bibliya, iisa lamang ang kanilang
hangarin. Ang maipakita na ang Panginoon ay may plano sa bawat isa. Mayroon tayong kanya-
kanyang tungkulin sa buhay na ipinagkaloob ng Panginoon. Kung dati sa Bibliya ay
pinaparating niya ang kanyang mensahe sa mga napiling indibidwal, anghel at mga propheta sa
panahon, sa kasalukuyan, tayo mismo ang aalam ng plano ng Diyos para sa atin. Madalas itong
makita kapag tayo ay sinusubok ng pagkakataon o maaari ding itong malaman sa ating mga
nararanasan sa buhay. Pinakita sa pelikula at sa libro kung paano gagawin ng mga tauhan ang
kanilang tungkulin na kaugnay ang kanilang pagkatao. May ibat-ibang paraan sila, andyan si
Joshua na buong tapang sinunod ang utos ng Panginoon. Si Samson naman na nalinlang ngunit
buong pusong naniniwala sa kapangyarihan ng Panginoon, ginawa niya rin ang kanyang
tungkulin ngunit siya ay nasawi. At ang panghuli ay si Samuel na hindi lamang basta
nagdesisyon, kung kaya’t humingi siya ng gabay at mensahe mula sa Panginoon, malakas din
ang pananalig niya dito. Katulad lang natin sila makikita dinnatin ang pagmamahal ng
Panginoon pati narin ang kanyang tungkulin para sa atin, kaakibat na dito ang ating paniniwala,
pananalig, personalidad at ating katauhan.

Katulad ko na lamang na ang daming kapalpakan sa buhay. Pero hindi ako napapagod na
lumaban at harapin ang buhay. May pagkakataon na talagang dumating ako sa point na
nadepressed, nawalan ng gana sa buhay at hindi maiwasan ang mga suicidal thoughts. Hindi ko
rin maikakaila na nawala ang pananampalatay ko. May mga pagkakataon din na wala na akong
nararamdaman saya, blangko na pati utak ko. Alam kong may plano ang Panginoon kung bakit
ako nagkakaganito, binago ko ang sarili ko. Binago ko ang mind-set ko. Inalam ko sa sarili ko
kung ano ba ang dapat kong gawin. Unti-unti akong bumawi sa sarili ko, iniwasan ko na ang
mga taong nagpapahirap sa isipan, lumipat ako ng school, ginawa ko na ulit mga hilig ko,
nagdadasal na ulit ako araw-araw. Wala pa ako sa punto ng buhay ko na masasabi kong okay na
talaga ako, na masaya at malaya na ako. Hindi ko parin alam kung ano mismo ang plano ng
Panginoon sa akin. Sa ngayon ako ay maraming pinagkakabalahan sa buhay, napagtanto na
kaya pala hindi ako hinayaang sumuko ng Panginoon kasi kailangan ako ng pamilya ko.
Kailangan nila ang lakas at pagiging matatag ko sa buhay. Napagtanto ko din kung gaano sila
kahalaga sa akin, nakalimutan ko na din yung mga katagang sinabi nila na ako ang nagpapasaya
sa kanila. Ngayong kasalukuyan, ginagawa ko lahat ng aking makakaya, na sa tingin ko ay tama
at nakakapagpasaya sa akin. Alam kong palagi kong kasama ang Panginoon at sa tingin ko ito
muna ang plano niya para sa akin, ang pasayahin ang mga tao sa paligid ko. Ako ang magiging
lakas at gabay ng mga pamilya at kaibigan ko sa tuwing malungkot at pinanghihinaan na ng
loob. Marami pa akong bagay na mararanasan, masama o masaya, tama o mali, pero lahat ng ito
ay may kahulugan. Alam kong sa paglipas ng panahon malalaman ko rin ang totoong plano ng
Panginoon para sa akin.

You might also like