You are on page 1of 4

Kuwento ng Tauhan- Ang pokus o tuon ng kuwentong ito ay nasa pangunahing tauhan.

Inilalarawan ang
mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang sa kanila ng isang mambabasa.

Walong Taong Gulang(Buod)ni Genoveva Edroza-Matute

Si Bb. de la Rosa ay nagtuturo ng animnapung estudyante ngunit may isang batang may kaitiman, sarat
na ilong at makapal na labi ang nakaagaw ng kanyang pansin. Leoncio Santos ang pangalan ng batang
ito. Si Leoncio ay hindi kagaya ng kanyang mga kaklase, mag-isa siya palagi at hindi siya masyadong
nakikipaglaro sa kanila. Magaling siya sa klase ngunit siya’y hindi nangunguna sa kadahilanang may mga
panahong ang atensyon nito ay wala sa paaralan. Isang araw, lumiban si Leoncio dahil siya ay nahilo. Sa
sumunod na araw, kinumusta siya ng kanyang guro at pinagsabihang kumain ng maraming gulay at itlog.
Sa isang pagkakataong nakita ni Bb. de la Rosa na sa panahon ng pananghalian ay walang kinakain si
Leoncio at tila tinitingnan lamang nito ang pagkain ng iba ay napag – alaman niyang palaging walang
baon ang isa sa kanyang mga estudyante. Pagkalipas ng ilang buwan, wala pa ring pagbabago kay
Leoncio. Nang lumiban sa pasok ang bata ng halos limang araw ay binisita siya ng kanyang guro sa
kanilang tahanan. Nakilala ni Bb. de la Rosa ang ina ni Leoncio at nakita niya rin ang tunay na kalagayan
ng bata.

Kuwento ng katutubong kulay

– Binibgyang-diin sa kuwentong ito ang kapaligiran ng pinangyarihan, ang mga kaugalian at mga
pananamit ng mga tahuan, at ang uri ng pamumuhay at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.

May Daigdig Sa Karagatan ni Clemente Bautista

Bahagyang nakapawi sa pangambang nakasuno sa kanyang kalooban ang simoy na iyon na nagmula sa
laot. Sumiksik sa kanyang diwa ang unti-unting pananalat ng isda sa dagat. Sa bahagyang liwanag niyon
nanakikipag-agawan sa karimlan ng gabi at sa tama ng aandap-andap na ningas ng parol ay minasdan
niya ang tahimik na dagat. Tila salamin iyon ng kahalikang langit na nasasabugan ng mga bituing pumikit-
dumilat ang liwanag. Hindi siya kumibo noon bagama`t may namugad na poot sa bata niyang puso.
Napatuon ang kanyang paningin sa bagong sumisikat na araw sa ituktok ng bundok. Maliwanag,
maningning, at uminit ang sikat. May sumilid na kasiyahan sa kanyang puso. Pumikit siya.

Kuwento ng katatawanan – Ang layunin ng kuwentong ito ay magpatawa at bigyang-aliw ang


mambabasa.

Sa Pula,Sa Putini Francesco Soc Rodrigo

Nagsimula ang pagsasalaysay ng iisahing yugtong dula sa paglalarawan ng karaniwang tanawin sa


lalawigan sa pamamahay nina Kulas at Celing malapit sa sabungan sa panahong kasalukuyan.
Matatambad na nagsusulsi si Celing habang tulad ng nakagawian na’y nagpapausok mula sigarilyo si
Kulas ng tinaling manok. Bagay na gustong pagselosan ng asawa. Kinamusta man din ni Kulas ang asawa
bagay na manghihingi na naman siya ng perang pangsabong. Pinagtalunan nila ang mga grasya o
disgrasya ng mga pinaniniwalaang palatandaang panaginip ni Kulas. At ngayon na naman ay hinabol siya
ng puting kalabaw na pinagpipilitang pera ang ibig sabihin. Maririnig na naman ang ingay ng sabungan,
tiningnan ni Celing ang balisang asawa at naisip na walang saysay ang makipagtalo kaya’t binigyan na
lamang niya ito ng pera.

Nagmamadaling tumungo si Kulas sa sabungan na nasalubong ang kaibigan ng asawang si Sioning


papunta sa kanila. Kaya naman inutusan ni Celing ang utusang medyo mahina ang ulong si Teban na
pumusta sa sabungan sa katalo ng manok ng asawa. Ipinaliwanag niya sa nagtatakang si Sioning na
pumupusta siya sa kalabang manok ng asawa para siguradong hindi sila magugutom o mawalan ng pera
sa kakasabong nito.

Natapos ang sultada, tumatakbong umuwi at ibinigay ni Teban ang nanalong pusta kay Celing. Lalabas
na lamang sila ni Sioning upang bumili ng rasyong sabon nang masalubong ang talunang si Kulas. Lumo
namang nitong sinusumpa na hindi na magsasabong pang muli, bagay na hindi isinusulat na lamang ni
Celing sa tubig.

Nagkataong dumating din ang kaibigan ni Kulas na si Castor na naghimok na magsabong muli. Tinuruan
din siya ng pandaraya sa pamamagitan ng paglagay ng karayom sa sariling tinali upang matalo ito’t lihim
na pagpusta sa kalabang manok.

Sa pagbalik ng kanyang asawa ay hiningan niya ito ng dalawampung pisong pangpusta upang makabawi
sa marami nilang pagkatalo. Nangako pang, ito’y ang kahuli-hulihang pagsabong niya at ipinatestigo kay
Sioning na pakakatay niyang lahat ang kanyang mga tinali. Tulad ng dati’y nagpapusta si Celing kay
Teban ng parehong halaga sa kalabang manok.

Pinayuhan siya ng kaibigan na huwag masyadong magtiwala sa kahit sino basta’t patungkol sa pera.
Ngunit hindi siya nag-alala sa pera sapagkat matalo man siya dehadong panalo pa rin ang asawa kundi sa
patuloy na pagsasabong nito at masamang ibubunga nito.Nagtatakang sinalubong niya ang nanlulumong
si Kulas na sinisisi na naniwala pa siya kay Castor. Itinanong niya agad kung nasaan ang pinalanunan nito.
Dito na sila nagkabukingan ,nagtaka si Kulas na pagpilitang nanalo siya na hindi naman. Pinagdudahan
nila si Teban na kumuha ng pera na umaming pinataya ni Celing ang pera sa kalabang manok ni Kulas at
natalo. Nagalit man si Kulas na kinakalaban siya ng asawa datapwat umamin din siyang nandaya siya’t
pumusta din sa kalaban, na siya nitong ikinatalo.

Natalo man sila ng apatnapung piso, laking tuwa at pasasalamat pa rin ni Celing na hindi na muling
magsasabong si Kulas at kakatayin nilang lahat ang tinali bilang pangako na rin ng asawa. Ipinaimbitahan
niya kay Sioning ang mga kaibigan at ipinahanda kay Teban ang gagamitin sa pagluluto.

Nakitawa na lang din si Kulas. Maririnig na naman ang sigawan sa sabungan. Ngunit makikita sa kilos ni
Kulas na hindi na muling magsasabong pa kailanman.

Kuwento ng Sikolohiko

– sa ganitong uri ng kuwento ay may kahirapang ilarawan ang pag-iisip ng isang tao. Ang kailangan ng
kuwentong ito’y maipadama sa mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari.

KESA AT MORITO ni Ryunosuke Akutagawa


SI Morito at si Kesa ay matagal ng magkakilala at nag-iibigan sapagkat si Kesa ay isang klaseng babae na
talagang bagay na bagay kay Morito dahil sa kanilang pagkakatulad . Pero isang pangyayari ang naganap
sa dalawa ng isinama si Morito ng kanyang ama sa Estados Unidos upang doon pag aralin. Dahil doon ay
naiwang mag-isa si Kesa. Lubhang ikinalungkot ni Kesa ang pag-alis ni Morito. Kaya naman ay nagkaroon
si Wataru ng pagkakataon na pa ibigin si Kesa. Dahil nga sa pag-ibig niya rito ay nag-aral pa siya ng
paggawa ng tula. At di naman nagtagal ay na pa ibig nya rin si Kesa. Pero sa totoo ay ang laman pa rin ng
puso ni Kesa ay para kay Morito pa rin. Ilang taon ang nakalipas nang magbalik si Morito. Dumiretso
agad ito sa kanyang tiyahin na si Komorogawa. Muling nagkita ang dalawa sa bahay ni Komorogawa at
nagkaroon ng pagkakataon na muling maka-usap niya si Kesa. Sa tulay ng Watanabe niyang naka-usap
ng ganap si Kesa dahil di niya kasama si Wataru at ng araw na iyon ay isinama siya ni Kesa sa kanilang
bahay. Wala pa noon si Wataru sa mga oras na iyon. Nagtalik ang dalawa at iniutos ni Morito na patayin
nila si Wataru, nagulat na lamang ito ng sumang-ayon si Kesa. Nandiri siya at dito lamang niya nakilala
ang tunay na ugali ni Kesa. Napagkasunduan nila na si Morito ay darating sa bahay na iyon sa pag lubog
ng araw at siguraduhin na si Wataru lamang ang nasa loob ng kwarto. Dumilim na ang paligid nagsimula
na si Kesa at pinaghandaan ang mga binabalak para sa pag patay kay Wataru. Sa mga oras na iyon
lamang niya napagtanto na mali ang kanilang binabalak at dapat pa ngang siya ang mamatay dahil sa pag
nagawang kataksilan nito sa kanyang asawa na si Wataru. Narinig na niya ang mga yapak ng paa ni
Morito. Pinatay niya ang lampara at nahiga sa higaan. Dumating na si morito at ingat na ingat sa mga
kilos. Sinaksak niya ito ngunit ang hindi niya alam ay si Kesa ang taong naroon sa mga sandaling iyon at
aksidenteng napatay niya si Kesa.

Ayon naman kay Koontz(1999), may dalawang malawak na apngkat ang mga kuwentong ating nababasa
ang mga kuwentong tiyak na kategorya at ang mga kuwentong karaniwan. Nabibilang sa unang pangkat
ang mga sumusunod:

Science Fiction – ito’y isang akdang masining na ginagampanan ng mga tauhang binuo ng mayamang
imahinasyon ng manunulat. Ang mga piling tauhan dito’y may taglay na suliraning makahaharap nila sa
isang malayong planeta o di kaya’y sa malayong hinaharap ng daigdig ngunit may mapanghahawakang
maka-agham na paniniwala.Halimbawa ng Sci Fi na Maikling Kuwento

Pantasya – Mga kuwento ito ukol sa mahika o sa mga supernatural ngunit walang batayang maka-
agham.

Ang Maikling Kwento ng Dalawang Anghel

Dalawang Anghel ang lumakbay at habang naglalakbay silay ginabi at humanap ng matuluyan, at may
nakitang malaking bahay.Sabi ng nakbabatang anghel na doon silang pumunta kasi baka patuluyin
sila.Kumatok sila at bumukas ang pinto at may isang matandang lalaki at may sinuot sa gintong kuwintas
na nakakasilaw.Nagtanong yung nakatatandang anghel kung pwede silang makituloy.Matagal sumagot
yung matanda pero pinatuloy pa rin niya ang mga anghel , sa masikip silang natulog at walang kinain at
may nakitang butas ang nakatatandang anghel sa dingding at inayos ito. Kinabukasan sila ay
nagpasalamat at naglakbay uli sa isang bukid.Nagugutom na ang nakababatang angel pero may nakitang
kubo ang nakatatandang anghel at ito ay pinuntahan nila, may nakita silang magasawang matanda,
makita na sa kanilang tindig ang hirap ng buhay. Tumanong ang naktatandang anghel kung pwede sila
makikain at oo naman ang sagot ng magasawa at pinatuloy pa nila sa kanilang bahay kasi gabi na.
Binigyan ng magasawa sa kanila ang tanging pagkain nila pero hindi parin nabusog ang nakababatang
anghel at silay ay ipinatulog sa kanilang higaan at ang mga matanda ay natulog sa sahig. Kinabukasan
nagising ang nakababatang angel sa iyank ng matanda dahil namatayan sila ng baka ang tanging
kayamanan nila. Pumunta siya sa isang anghel at nagreklamo at sabi na “ Bakit mong inasikaso ang ding
ding ng matapobre na mayaman at hinayaan mong mamatay ang baka ng matatanda na halos lahat
ibinigay sa atin.” At ang sabi ng nakatatandang anghel na sa butas sa ding ding may amaraming
kayamanan at dahil siya ay matapobre tinakpan ko ang butas, kagabi pumunta ang anghel ng kamatayan
at kinukuha ang matandang babae pero dahil sila ay mabait ang kanilang baka ang aking ibinigay.”

You might also like