You are on page 1of 4

KWENTONG-BAYAN/PABULA

(BAITANG 7 HAND0UTS)

• Likha lamang ng guni-guni kaya’t wala itong katotohanan

• nagpasalin-salin sa bibig ng ating mga ninuno, walang tanging nagmamay-ari nito


kundi ang taumbayan

• binubuo ng mga kuwento tungkol sa buhay, pakikipagsapalaran, pag-iibigan,


katatakutan at katatawanan na kapupulutan ng magandang aral.
MANIK BUANGSI
• nagmula sa Lunsod ng Zamboanga.
• tinaguriang “Zambangan”

• kilala sa tawag na “lupain ng mga Bulaklak” na matatagpuan sa katimugang bahagi


ng Zamboanga Peninsula.
• sentro ng kalakalan ng rehiyon.
MGA TAUHAN NG MANIK BUANGSI

 Manik Buangsi- naging asawa ni Tuan Putli, siya ay hindi pangkaraniwang tao, walang
kamatayan at magandang lalaki.
 Tuan Putli- pinakamaganda sa pitong magkakapatid, asawa ni Manik Buangsi. Siya ay
naging selosa dahil sa patuloy na paninira ng kanyang mga inggiterang kapatid sa
magandang relasyon nila ni Manik Buangsi.
 Mga Kapatid ni Tuan Putli- mga inggitera at mapanirang tao. Sila ang naging dahilan
kung bakit lagging nag-aaway ang mag-asawa.
BUOD NG KWENTO

Si Tuan Putli ang pinakamaganda sa pitong anak ng sultan. Marami ang nanliligaw sa kanya
subalit hindi niya pinapansin ang mga ito sapagkat sa kanyang pagtulog ay lagi niyang
napapanaginipan ang lalaking nakatadha para sa kanya sa katauhan ni Manik Buangsi. Ganun din
ang nararamdaman ni Manik Buangsi para sa dalaga. Isang araw, hindi na matiis ng binata ang
kanyang pag-ibig para sa dalaga kaya naman kinausap niya si Allah upang tulungan siyang
makababa sa lupa upang makita ng harapan si Tuan Putli at pumayag naman sa kanyang kahilingan
ang bathala.
Isang araw, may nanlimos na isang matandang pulubi kay Tuan Putli at bilang kapalit sa
ibinigay na tulong ng dalaga sa matanda ay binigyan niya ito ng isang bayabas at sinabi nito kay
Tuan Putli na itanim ito sapagkat ito ang kanyang magiging kapalaran. Sinunod ng dalaga ang payo
sa kanya ng matanda, itinanim niya ito hanggang sa ito ay nagbunga. Pinili niya ang pinakamaganda
sa lahat at inilagay niya ito sa loob ng kanyang silid. Tuwing gabi habang natutulog si Tuan Putli ang
bayabas ay nagiging makisig at magandang lalaki sa katauhan ni Manik Buangsi. Naaaliw si Manik
Buangsi na pagmasdan ang magandang mukha ng dalaga. Dapat bago magtilaok ang manok ay
mag-anyong bayabas ulit si Manik Buangsi upang hindi siya makita ng dalaga. Hindi siya maaaring
makita ng dalaga sapagkat siya ay isang bathala ngunit siya ay nakatulog at hindi nakabalik sa
pagiging bayabas kaya naman ay nakita siya ni Tuan Putli. Masayang-masaya ang dalawa sapagkat
sa wakas ay naging katotohanan na ang lahat. Walang magawa ang mga bathala kundi maging
masaya na lamang sa naging desisyon ni Manik Buangsi na pakasalan ang magandang dalaga at
ang mga bathala ay bumaba upang saksihan ang pag-iisang dibdib ng dalawa. Sa sobrang inggit
na naramdaman ng mga kapatid ni Tuan Putli ay siniraan nila ang maganda sanang pagsasama ng
mag-asawa hanggang sa dumating ang panahon na lagi na lang silang nag-aaway ni Manik Buangsi
at hindi na nito matiis ang pagiging selosa ng asawa kaya naman nagdesisyon siyang bumalik na
lamang sa lugar ng mga bathala. Nagmakaawa si Tuan Putli na isama siya ng asawa at pumayag
naman ito. Ibinilin ni Manik Buangsi kay Tuan Putli na huwag ididilat ang kanyang mga mata sapagkat
madadaanan nila ang isang mahaba at makipot na tulay na kung saan sa baba nito ay ang mga
nagdurusang kaluluwa. Sa oras na ididilat niya ang kanyang mga mata ay mahuhulog siya at
mamamatay ngunit hindi ito nagawa ni Tuan Putli sapagkat naidilat niya ang kanyang mga mata ng
marinig niya ang pagtawag sa kanya ng kanyang ina mula sa ilalim ng tulay. Si Tuan Putli ay nahulog
at namatay. Walang magawa si Manik Buangsi kundi tanggapin na lamang ang masakit na
katotohanan.

ARAL NA MAKUKUHA SA KWENTO: Laging makinig at sundin ang paalala sa atin ng ating mga
magulang at ng mga taong nakatatanda sa atin sapagkat sila ang mas nakaaalam sa kung ano ang
mas nakabubuti para sa atin.

MGA PAHAYAG NA NAGBIBIGAY NG MGA PATUNAY


(Pangungusap ayon sa Layon)
NAGLALARAWAN
• Nagbibigay ng impormasyon tungkol sa katangian, kakayahan, at katayuan ng isang tao,
bagay, pook, o pangyayari
• Layunin nitong ipakita ang katangian ng inilalarawan.
Hal.
Datapwat si Manik Buangsi ay hindi isang pangkaraniwang tao. Siya ay isang nilalang na walang
kamatayan at nakatira sa pook ng mga bathala.

NAGLALAHAD
• nagpapaliwanag tungkol sa isang bagay sa pamamagitan ng mga impormasyon upang
malinaw na matukoy ang inilalahad.
Hal.
Mahirap talaga para sa isang tao ang umakyat sa langit sapagkat kadalasan ay hindi siya nakikinig
sa paalala

NAGSASALAYSAY
• nagpapahayag ng mga pangyayari ayon sa paraan ng pagkakaganap ng kilos.

Hal.
Noon ay may isang sultan na may pitong anak na dalaga. Ang bunso ang pinakamaganda sa
lahat. Siya ay si Tuan Putli. Nang magdalaga si Tuan Putli ay maraming dugong bughaw ang
nanligaw sa kanya.

NANGANGATWIRAN
• naglalahad ng sariling opinyon, paninindigan, o saloobin tungkol sa isang isyu, o balita.
Hal.
Nararapat lamang na huwag maniwala si Tuan Putli sa kanyang mga kapatid dahil sinisiraan lang ng
mga ito ang kanyang asawa

PABULA

• isang maikling katha na ang layunin ay magbigay ng magandang aral.


• mga hayop ang pangunahing tauhan at masasalamin sa mga ito ang mga ugaling taglay ng
tao.
• itinuturo rito ang pagiging : MABUTI, MAKATARUNGAN, MAPAGKUMBABA.

ELEMENTO NG PABULA
 TAUHAN- ang mga HAYOP ang nagsisiganap na mga tauhan na sumasalamin sa iba’t ibang
katangian na taglay ng isang tao.

 TAGPUAN- sumasalamin sa lugar na kinagisnan ng mga tauhan na nakaaapekto sa kanilang


pamumuhay.
 BANGHAY- maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

AESOP- “Ama ng sinaunang pabula”


KALAGAYAN NG MGA TAO- kadalasang paksa ng sinaunang pabula ni India
ODO- nagpalaganap ng pabula sa ENGLAND noong 1200
JEAN DELA FONTAINE- nagpalaganap ng pabula sa FRANCE noong 1600
AMBROSE BIERCE- nagpalaganap ng pabula sa amerika noong 1800
HAYOP- pangunahing tauhan ng pabula
GOTTHOLD EPHRAIM- nagpalaganap ng pabula sa germany noong 1700

MGA KAPANSANAN NI AESOP


• pandak
• mahina ang pandinig

MGA KATANGIAN NI AESOP


• katapatan
• sipag
• taglay na talino
MGA KATANGIANG ITINURO NI AESOP SA PAMAMAGITAN NG PABULA
• mabuting pag-uugali
• wastong pakikitungo sa kapwa
Pabula ng Mindanao: LALAPINDIGOWA-I: KUNG BAKIT MALIIT ANG BEYWANG NG PUTAKTI

MGA TAUHAN

 Lalapindigowa-i- isang putakti at asawa nina Orak at Odang


 Orak- isang itlog na asawa ni Lalapindigowa-i
 Odang- isang hipon na asawa ni Lalapindigowa-i

BUOD NG PABULA:

Si Lalapindigowa-I ay isang masipag na magsasakang putakti. Siya ay may dalawang asawa


sa katauhan nina Orak na isang itlog at Odang na isang hipon. Laging pumupunta sa bukid at
naghahatid ng pagkain ang dalawang asawa ni Lalapindigowa-i sa kanya ngunit isang araw ay
nagsawa ang dalawa sa kanilang araw-araw na pagdadala ng pagkain sa kanilang asawa. Dahil sa
labis na kalikutan ni Odang ay nahulog siya sa kumukulong tubig sa may kaserola at ganoon din ang
nangyari kay Orak. Nagtaka si Lalapindigowa-I kung bakit hindi siya dinalhan ng pagkain ng kanyang
mga asawa. Nang siya ay umuwi, nadatnan niya ang kanyang mga asawa na nasa loob na ng
kumukulong tubig ng kaserola at wala ng buhay. Dahil sa tindi ng kagutuman ay kumuha ng isang
sinturon si Lalapindigowa-i at ginamit niya ito upang higpitan ang kanyang beywang upang hindi siya
makaramdam ng gutom. At iyon ang dahilan kung bakit maliit ang beywang ng mga Putakti.

ARAL NG PABULA: Huwag umasa sa iba, kailangan matuto ka ring tumayo sa sariling mong mga paa
upang ikaw ay mabuhay.

You might also like