You are on page 1of 16

Talaan ng Nilalaman

Alamat
Alamat ng Bakunawa at ang Pitong Buwan …………………………...….. …. 3-4

Alamat ng Basey…………………….………………………….………………….5

Alamat ng Chocolate Hills…………….…………………………………………..6

Ang Alamat ng Bundok Kanlaon ……………………………………………….7-8

Ang Pinagmulan ng Bohol ………………………………………………………9-10

Awiting Bayan

Ay Kalisud ………………………………………………………………………….12
Dandan ……………………………………………………………………………...13
Pamuwa Sa Bata (Bukidnon) ………………………………………………………14
Tuba (Sugbuwanon) ………………………………………………………………...15
Ug Binhi (Ang Binhi) ……...……………………………………………………….16

1
Mga Alamat mula sa
Visayas

2
Alamat ng Bakunawa at ang Pitong Buwan

Noong lumang panahon ang mundo ay nalalang na may pitong buwan, pitong yaman na
nagbibigay ganda at linawag sa lahat ng nasa balat ng lupa at ibabaw ng sangkatubigan tuwing
gabi. Ang pitong buwan ay kinakatawan ng pitong Dayaw, ang pitong diwata ng buwan. Sila ay
magkakapatid na babae at lalaki, na may magagandan at maamong mga mukha at mga
balingkinitang katawan. Lahat ng nilalang ay nag aabang nabibighani sa kanila sa tuwing sila ay
lalabas pag kagat ng dilim. Ang kagandahan ng mga buwan at sinamba at pinapurihan ng lahat
ng nilalang. Nang umawit ng papuri ang mga ibon at sirena narinig ito ng mga Dayaw na diwata
at sila ay natuwa. Nahikayat ng mga awit ng papuri ang batang diwata na si Bulan, siya ay
bumaba sa katubigan. Sinalubung siya ng mga alitap-tap. Dahil sa napakaganda at napaka amo
ng kanyang mukha ni Bulan, nagsihulog mula sa pagkakalipad ang mga ibon, at ang mga
mababangis na sirena ay naging maamo. Gabi gabi ay bumababa si Bulan sa katubigan, minsan
ay kasama niya ang kanyang mga kapatid, na sina Subang, Banolog at Haliya.

Ang liwanag at kariktan ng mga buwan ay nagbigay liwanag at kaligayahan sa lahat ng


nilalang, ang kanilang liwanag ay umabot hangang sa pusod ng kailaliman, sa pinto ng Sulad.
Kung saan nanahan si Bakunawa. Ayon sa alamat si Bakunawa ay isang napakagandang diwata.
Lumangoy siya kung saan naroon ang mga diwata ng buwan. Doon siya ay nabighani sa taglay
nilang liwanag at ganda. Nakita niyang lumalangoy at nakikipaglaro sa mga sirena at iba pang
laman dagat, habang nagliliparan at nagsisisayaw ang mga lambana para sakanila. Napuno ng
panibugho si Bakunawa, Hindi napansin ng mga diwata ng buwan ang kanyang pagdating. Hindi
manlamang siya pinagmasdan ni Bulan. Sa sobrang galit niya ay nangako siya sa kanyang sarili
na mmapapasakanya ang mga ito. Si Bakunawa ay minsan nang nabighani sa isang batang babae,
mula sa isang banwa. Ngunit ng siya ay dinalanganan ng dilag, ang dilag ay pinaslang ng
kanyang mga kaanak sa pag samba sa ibang diyos, sa pagsamba sakanya. Nangako si Bakunawa
na hindi na niya muling mararanasan ang hapdi at sakit sa kanyang dibdib, sakit ng dulot ng
hindi maipaliwanag na nadarama.

Nang sumunod na gabi isang higanteng tila ba ahas at isa, may mahabang dila sing pula
ng dugo, may bibig na sing laki ng lawa at mahabang katawan. Umahon mula sa kaibuturan ng
karagatan ang Bakunawa. Nilapa niya ang unang buwan, natuwa siya sa kanyang ginawa,
napasakanya na ang unang buwan, si Libulan. Bumalik si Bakunawa sa kaibuturan. Naramdaman
niyang natunaw sa loob ng katawan niya ang buwan. Nang sumunod na gabi ay ginawa nya ulit
ito. Nilamon niya ang buwan, Napasakanya si Banilig, at muli ay natunaw ito. Ayon sa mga
kwento ang ibang buwan ay nakaligtas gaya ni Bulan, na kinuha at ginbukot ng diyos ng
kamatayan na si Sidapa, Si Mayari naman ay nakaligtas din nang siya ay bumaba sa kalupaan at
nakita niya ang isang lalaki na mag-uunong o magpapatwakal pagkat wala siyang batuk or
palamuti sa balat na tanda ng kagitingan at pagiging maisug. Ginawang asawa ni Mayari ang
lalaki at itinuro sa kanya ang mga lihim ng pangagamot at pag aanito. Siya ay ang naging unang
Asog. Samantala ang natitirang buwan sa kalangitan ay nalumbay. siya ay nagalit. at kumuha
siya ng sinag tala upang gawing sandata, isang kampilan pang laban sa bakunawa, at mula rin sa
sinag tala siya ay gumawa ng pantakip sa kanyang mukha upang ipagluksa ang mga nawalang
kapatid, Siya ay si Haliya. Napagtanto ng Aba na nawala ang mga buwan sa langit. At ng makita
niyang lalamunin ng Bakunawa ang huling buwan, itoy kanyang pinigil at ginapi. At
pinagsabihang huwag gagalawin ang huling buwan. Si Bakunawa ay hindi na muling naging

3
isang magandang diwata, kung hindi siya ay mananatiling isang halimaw, at pangit gaya ng
kanyang ginawa at binalak sa mga buwan.

Sinasabing minsan minsan ay sinusuway ni Bakunawa ang utos ni Bathala, at tinatangka


parin niyang lunukin ang buwan. At ang mga tao ay dapat mag ingay upang iluwa ni Bakunawa
ang Buwan.

https://www.scribd.com/document/416134314/Alamat-Ng-Bakunawa-at-Ang-Pitong-
Buwan

4
Alamat ng Basey

Dahil sa ipinakitang kalupitan ng mga tulisang-dagat, ang mga naninirahan sa Balud, sa


pangunguna ng mga misyonerong Heswita ay nagtungo sa Binongtoan, isa sa kalapit na nayon.
Doon ay nagsimula silang bumuo ng panibagong nayon at matatag nakuta na yari sa mga batong
adobe. Pinatatag nila ang kanilang nayon. Naglagay sila ng mga pamigil na harang laban sa
marahas na pananalakay ng mga tulisang-dagat.

Ang mga tagapamuno ng Binongtoan ay sina Ambrocio Makarumpag, Francisco Karanguing,


Juan Katindoy at Tomas Makahilig. Sa pagpupulong ng mga tagapamuno na dinaluhan ng mga
misyonerong Heswita, sila’y nagkasundo na pangalanan ang lugar na Baysay na may kahulugang
‘maganda’ bilang parangal at sa alaala ng kanilang magandang si Bungangsakit.

Samantala, ang mga taga-Omit na nakasalamuha ni Bungangsakit nang kanyang kabataan ay


hindi sumama sa pagtatatag ng bayan ng Baysay. Sa halip sila’y nagkaisa at nagtatag ng kanilang
sariling barangay na pinangalanang Guibaysayi, na may kahulugang ‘Ang Pinakamaganda’
bilang pagbibigay parangal din sa kagandahan ng kanilang si Bungangsakit.

Ang mga naninirahan sa Baysay ay nagtatag ng pangkat ng mga tagapagtanggol na binubuo ng


matatapang na kalalakihan sa kanilang lugar na pinamumunuan ni Katindoy, isang matapang na
mandirigma. Batid nilang ang mga tulisang-dagat ay muling babalik kaya’t nagtayo sila ng kuta
na yari sa matitigas na bato sa Bungal na matatagpuan sa bukana ng ilog.

Sa kutang ito magtitipon ang matatapang na tagapagtanggol ni Katindoy upang planuhin ang
kanilang mga gagawing depensa laban sa mga tulisang-dagat atupang mamatyagan ang
paparating na mga vinta. Nuong 1832, ang ilang piling lugar sa Bungal ay inihanda para sa
pagtatayo ng Simbahang Katoliko ng mga Heswita. Subalit sa kakapusang-palad , ang walo-walo
ay dumating at sinalanta ang buong kuta. Ang walo-walo ay walong araw na walang tigil na pag-
ulan nang malakas na may kasamang malalakas na hangin. Pagkalipas ng ilang araw, dumaan pa
ang napakalakas at nagngangalit na bagyo sa lugar na kumitil sa napakaraming buhay at sumira
ng napakaraming ari-arian.

Sapagkat walang matirahan at sinalanta ng bagyo, ang mga natirang buhay na naninirahan sa
Baysay ay ay nagpasyang muling kumilos upang humanap ng lugar na may mga burol na
magsisilbing pananggalang sa malalakas na hangin. Napili nila ang kasalukuyang kilalalagyan ng
bayan ng Baysay. Malapit sa lugar na ito ay matatagpuan ang mga burol na isa sa mga ito ay
tinayuan ng mga katutubo ng mataas na tore. Mula sa tore ay matatanaw ang paparating na mga
vinta at ang mga burol ay maaaring mapaglikasan sa mga panahon ng pagbaha at kublihan kapag
may malalakas na bagyo.

https://gabay.ph/alamat-ng-baysay/

5
Alamat ng Chocolate Hills
Noong unang panahon, sa probinsiya ng Bohol, parting Kabisayaaan, may lupang malawak
subali't ito ay tuyot. Makikita mong biyak-biyak ang lupain kapag tag-init. Talagang
pagpapawisan ka kapag napadaan ka sa lugar. Subali't kapag tag-ulan ito ay maputik at
siguradong mababaon ang iyon paa kapag ikaw ay naka-yapak. Ngunit kung araw ng taniman ay
maaliwalas ang kapaligiran sa kulay ng berdeng tanawin ng pook. Ayon sa matatanda roon, may
isang araw sa magkabilang dulo ng isla na may dalawang higanteng dumating. Ang isa ay
nagmula sa parting timog at ang isa naman ay sa hilaga. Ang mga naninirahan doon ay
nangangamba na baka magkita ang dalawa. Kaya't nilisan pansamantala ng tagaroon ang lugar.
Sa inaasahang pangyayari nagkita nga ang dalawang higante. "Anong ginagawa mo sa aking
nasasakupan!" Ito'y aking pag-aari at umalis ka na," galit na sinabi ni Higanteng mula saTimog .
" Maghanap ka ng lugar na iyong aangkinin." "Aba!, ako yata ang nauna rito at ito'y pag-aari ko
na!" sagot ding galit ng higante mula sa hilaga. "Ikaw dapat ang umalis!"

"Hindi maaari ito! Ito ay pag-aari ko!" sabay padyak ng Higante mula sa Timog at nayanig ang
lugar na parang lumilindol. "Lalong hindi maaari!" mas malakas ang padyak ng Higante mula sa
Hilaga.

Noong panahong iyon, ay katatapos pa lamang ang tag-ulan at maputik sa kinatatayuan nila.
Ginawa ng isang higante ay bumilog ng putik at binato sa isa. Subali't gumanti rin ang isa at
humulma rin ng isang bilog na putik at siya ring binato sa kalaban. Walang tigil na batuhan ng
binilog na putik. Hanggang ang dalawa ay hingalin, naubusan ng lakas at nawalan ng hininga.
Tumumba ang dalawang higante na wala ng buhay.Marami ang nakasaksi sa pangyayari na
tagaroon.

Ang sumabat sa paningin ng mga tao ang mala-higanteng bolang putik na siyang ginamit ng mga
naabing higante sa pagbabatuhan. Pagkatapos ng pangyayari, nagsibalikan ang naninirahan doon.
Namuhay ng mapayapa at masagana. Dahil sa bulubunduking ginawa ng mga higante na kulay
tsokolate na sila ring napakikinabangang taniman, ito ang pinagmulan ng Chocolate Hills.

Source: https://www.pinoyedition.com/mga-alamat/alamat-ng-chocolate-hills/

6
Ang Alamat ng Bundok Kanlaon

Noong mga unang panahon may isang malupit na namiminsala sa mga tao. Wala itong
pinatatawad. Ang ulupong na ito ay may pitong ulo at ang labing-apat na butas ng ilong ay
nagbubuga ng usok. Wari bang wala nang makakagapi sa ulupong na ito na nakatira sa bundok.
Marami na siyang napapatay dahil sa pagbubuga niya ng apoy kapag siya ay nagagalit.

Kumunsulta si Haring Ma-ao sa mga pantas at isang manggagamot ang nagmungkahi na


kailangang mag-alay sa ulupong ng isang magandang dalaga upang ito ay mapatigil sa
pamiminsala.

Ipinaabot naman ng pari sa mamamayan ang utos na iyon. Sa takot nilang sila ang ialay, nagpinta
ng mukha ang mga dalaga. Lahat sila ay pawang pumangit na.

Makalipas ang ilang buwan, bigong bumalikang pari at "Wala na pong magandang dalaga.
Nasunog na ang kanilang balat at mukha nang abutin sila ng apoy na ibinubuga ng ulupong.
Tanging si Prinsesa Talisay na lamang ang natitirang magandang dalaga rito," pagbabalita ng
pari kay Haring Ma-ao.

Nalungkot ang Hari sapagkat maging si Datu Sagay ay nagpatunay sa mga ibinalita ng pari.
Samantala, isang banyaga ang nagkataong nakabalita sa pananalanta ng ulupong. Ipinahayag
niya sa Hari ang kanyang nasang pagtulong na puksain ang ulupong. Napangiti si Prinsesa
Talisay at nawika niya sa sariling, "Salamat, ipagdarasal ko ang kanyang tagumpay at kaligtasan.
Napakakisig niya."

"Matapang ka magiting na binata. "Kung mapapatay mo ang ulupong ay magiging iyo ang
kalahati ng aking kayamanan at ang aking kaisa-isang anak na si Prinsesa Talisay ay ma
papasaiyo," may pag hangang wika ng Hari.

Naglakbay si Laon, ang binatang banyaga. Sa kanyang paglalakbay patungong bundok ay


nasalubong niya ang Langgam. "Hoy, langgam, ako si Laon. Sabihin mo kay Haring Langgam
na may utos ang panginoon ninyong si Laon. Lahat ng sundalong langgam ay papuntahin sa
bundok at papatayin natin ang namiminsalang ulupong. Ito ay para rin sa inyong kapayapaan."

Gannon din ang sinabi ni Laon kay Haring Buboyog. Haring Lawin naman ay nag wikang.
"Handa kaming tumulong, Haring Khan Laon. Sabihin lamang ninyo ang aming gagawin."

Nagsisugod silang lahat sa bundok. Doon nagahap ang isang umaatikabong bakbakan. Halos
matabunan na ang ulupong sa dami ng langgam. Kinakagat nila ang mga pagitan ng kaliskis,
singit at leeg ng halimaw. Tinutusok naman ng mga bubuyog ang mga mata ng ulupong. Hindi
nilapansin ang ibinubugang apoy ng kalaban. Patuloy sila sa kanilang pakikipaglaban.

Samantala, sa kaharian ay hindi mapalagay ang mga tao. Umiiyak si Prinsesa Talisay. Humingi
siya ng tulong sa kanyang amaing si Datu Sagay. Nagpasiya si Datu Sagay na sundan si Khan

7
Laon upang pigilan na ito sa iba pa niyang binabalak na gawin. Ipinagsisigawan naman ng taong
bayan na si Prinsesa Talisay ang ialay sa ulupong kapag nabigo si Khan Laon sa labanan.

Si Datu Sagay at ang kanyang mga kawal ay nakarating sa bundok. Inabutan nilang dinudukot ng
mga lawin ang mga mata ng halimaw. Lumapit si Laon at tinagpas ang mga ulo ng ulupong.
Nasaksihang lahat ni Sagay ang mga ito. Nakabalik sa kaharian sina Khan Laon, mga langgam,
mga bubuyog. Tuwang-tuwang ibinalita ni Datu Sagay ang kagitingan ni Khan Laon.

"Haring Ma-ao ang lahat po ng ito ay hindi ko magagawa kung wala ang mga kaibigan kung
langgam, buboyog at lawin. Sila ay ating pangalagaan sapagkat sila, tulad natin ay nilikha rin ng
Diyos. Maraming salamat sa inyong lahat mga kaibigan ko ang sabi ni Laon.

Noon din ay ibinigay ni Haring Ma-ao ang kalahating bahagi ng kanyang kayamanan at si
Prinsesa Talisay ay naging asawa ni Khan Laon. Naging maligaya ang dalawa. At magmula nga
noon, ang bundok na pinangyarihan ng kamatayan ng ulupong ay tinawag na Bundok Kanlaon
upang bigyang karangalan ang kabayanihan ni Haring Khan Laon.

https://buklat.blogspot.com/2017/11/ang-alamat-ng-bundok-kanlaon.html

8
Ang Pinagmulan ng Bohol

ANG MGA TAO NOON AY NANINIRAHAN SA KABILA NG ULAP .ISANG


ARAW, ang kaisa-isang anak na babae ng datu ay nagkasakit. Hindi mapalagay ang datu. Tanod,
may sakit ang anak ko. Humayo ka, papuntahin mo rito ang manggagamot. Ngayon din! Ngayon
din po, Mahal na Datu! Nang dumating ang matandang manggagamot at ang tanod sa tahanan ng
Datu. . . “Magagawa ng matandang lalaki ang anuman na makagagaling sa kanya!” ang sabi ng
datu. Sinuring mabuti ng matandang manggagamot ang maysakit. Pagkatapos ng pagsusuri, nag-
usap ang manggagamot at ang Datu sa labas ng kubo. Tumawag ng pulong noon din ang datu.
Mga kalalakihang nasasakupan ng aking barangay. Makinig kayo sa akin. Maysakit ang aking
anak na babae at ang tanging hinihiling ko ay ang inyong tulong. Sundin ninyong lahat ang mga
tagubilin ng manggagamot. . . . upang magbalik ang dating lakas ng aking anak.

“Mga lalaki, dalhin ninyo ang maysakit sa malaking puno ng balite. Hukayin ninyo ang
lupang nakapaligid sa mga ugat”, ang utos ng manggagamot. Gagawin naman ang iyong ipinag-
uutos alang-alang sa pagmamahal namin sa datu at sa kaniyang kaisa-isang anak na babae!
Nagsimulang kumilos ang mga tauhan ng datu. Pinuntahan nila ang lugar na kinatatayuan ng
puno ng balite. Ang maysakit na anak ng datu ay isinakay sa duyan. Hinukay ng ilang lalaki ang
lupa sa paligid ng mga ugat ng puno ng balite. Nang ito’y matapos. “Dalhin ang maysakit sa
kanal! Ang tanging makagagaling sa kanya ay ang mga ugat ng malaking puno ng balite.” Buong
ingat na inilagay sa kanal ang maysakit. Ngunit sa di-inaasahang pangyayari, bumuka ang
lupa. . . Ooooops, Aaaa. Ama ko, tulungan ninyo ako Ama. . . At babae’y tuluyang nahulog sa
hukay ng ulap. O, Diyos ko. Ang aking anak. Ibalik ninyo siya sa akin. . . O, hindi! Ang aking
anak! “ Huli na ang lahat, Datu. Siya’y patay na!
Sa ilalim ng ulap ay may malaking daluyan ng tubig. Gumulong sa hangin ang maysakit
bago tuluyang bumagsak ang kanyang katawan sa malaking daluyan ng tubig. Nakita ng
dalawang bibe ang pagkahulog ng babae. Isplas! Wasss! Isplas! Nagmamadaling lumangoy ang
dalawang bibe at mabilis na bumagsak sa likod nila ang katawan ng babae. Sa kanilang mga
likod namahinga ang may sakit. Kwak, kwak, kwak, kwak! At isang pulong ang idinaos. Ang
babaeng kababagsak lamang mula sa ulap ay labis na nangangailangan ng tulong. Kailangang
tulungan natin siya. Oo, dapat tayong gumawa ng bahay para sa kanya. “Lumundag ka, palaka, at
dalhin mo ang dumi ng puno sa ibaba,” ang utos ng pagong. Sumunod ang palaka ngunit hindi
siya nagtagumpay. I nutusan naman ng malaking pagong ang daga. Siya man ay sumunod ngunit
nabigo. Hanggang sa. . . Susubukin ko, ang kusang-loob na sabi ng malaking palaka. Sa
pagkakataong ito, ang lahat ng hayop ay nagsigawan at naghalakhakan, maliban sa malaking
pagong. Natitiyak naming hindi mo iyon magagawa. He-he-he! Ha-ha-ha. Subukin mo, baka
ikaw ang mapalad. Huminga nang malalim ang matandang palaka at nanaog. . . nanaog. . Sa
wakas, ang samyo ng hangin ay dumating at sumunod ang matandang palaka. Sa kanyang bibig,
nagdala siya ng ilang butil ng buhangin na kanyang isinabog sa paligid malaking pagong. At
isang pulo ang lumitaw. Ito ang naging pulo ng Bohol. (Kung susuriin ang likod ng pagong,
mapapansin ang pagkakatulad nito sa hugis at anyo ng Bohol). At dito nanirahan ang babae.
Nanlamig ang babae kayat muling nagdaos ng pulong. . . Kailangang gumawa tayo ng paraan
para siya mainitan. “Kung makaaakyat ako sa ulap, makukuha ko ang kidlat at makagagawa ako
ng liwanag,” ang sabi ng maliit na pagong. Gawin mo ang iyong magagawa. Marahil ay
magiging mapalad ka.

9
Isang araw, nang hindi pa gaanong dumidilim, uminog ang ulap at tinangay ang pagong
nang papaitaas. Uww-ssss ! Brahos ! Mula sa ulap, kumuha siya ng kidlat. . . Brissk ! Bruumm !
Swissss ! Nabuo ang araw at ang buwan na nagbigay ng liwanag at init sa babae. Mula noon,
naninirahan ang babae sa piling ng matandang lalaking nakita niya sa pulo. At nanganak siya ng
kambal. Sa kanilang paglaki, ang isa’y naging mabuti at ang isa’y naging masama. Ihahanda ko
ang Bohol sa pagdating ng mga tao. Ang mabuting anak ay gumawa ng mga kapatagan, mga
kagubatan, mga ilog at maraming hayop. Lumikha rin siya ng mga isdang walang kaliskis.
Ngunit ang ilan sa mga ito’y sinira ng masamang anak. Tinakpan niya ng makakapal na kaliskis
ang mga isda kaya’t mahirap kaliskisan ang mga ito. Ano ang ginawa mo? Walang halaga lahat
‘yan. Walang halaga?
Bakit mo pinahihirapan ang iyong sarili sa paggawa rito? Hangal ka! Inihahanda ko ang
lugar na ito para sa pagdating ng mga tao. Dito, dito’y wala tayong kinabukasan. Samantalang sa
ibang lugar ay hindi ka kailangang gumawa. Isa kang baliw! Kaya’t naglakbay sa kaunlaran ang
masamang anak. Dito siya namatay. Samantalang ang mabuting anak ay nagpatuloy ng
pagpapaunlad ng Bohol at inalis ang mga masasamang ispiritung dala ng kanyang kapatid.
Hinulma ang mabuting anak ang mga Boholano sa pamamagitan ng pagkuha ang
dalawang lupa sa daigdig at hinugis ang mga ito ng katulad ng tao. Dinuran niya ang mga ito.
Sila’y nabuhay. Ngayong kayo’y naging lalaki at babae, iniiwan ko sa inyo ang mga
magagandang katangiang ito: kasipagan, mabuting pakikitungo, katapatang kabutihang-loob, at
mapagmahal sa kapayapaan. “Ikinasal ang dalawa at nagsama. Isang araw, kinausap sila ng
mabuting anak. Narito ang iba’t ibang uri ng buto. Ibig kong itanim ninyo ang mga butong ito
para kayo matulungan. Gawin ninyong laging sariwa at magandang tirahan ang lugar na ito.

Nang malaunan, ang mabuting anak ay lumikha ng igat at ahas katulad ng isda sa ilog.
Lumikha rin siya ng malaking alimango. “Humayo kayo, dakilang igat at dakilang alimango saan
mang lugar na ibig ninyong pumunta.” Sinipit ng malaking alimango ang malaking igat.
Nagkislutan ang dalawa at ang kanilang paggalaw ang lumikha ng lindol. Ito ang dahilan kung
bakit maraming alimango sa Bohol, maging sa lupa o sa dagat, at ang igat na kaunaunahang
nilikha ng mabuting anak. Gustong-gusto kainin ito ng mga Boholanos. Hindi sila kumakain ng
palaka dahil iginagalang nila ang mga ito. Hindi rin nila kinakain ang mga pagong katulad ng
ibang mga Bisaya kahit maaaring ihain ang mga ito sa handaan.

https://www.scribd.com/document/363798365/Alamat-Ng-Visayas

10
Mga Awiting Bayan
mula sa Visayas

11
Ay Kalisud
Ahay kalisud
Kalisud sang binayaan
Adlaw gabii
Firme kita guina tangisan
Ahay Inday
Nga walay sing kapalaran
Walay guid
Walay guid

Sarang co kalipayan
Ay cillo azul
Sa diin ka na bala
Buligui tabangi
Ang nabilanggo sa gugma
Mas vale pa ang mamatay
Ko halos mamatay
Agud dili ako makadumdum
Nga ako walay kalipay.

Read more at:


https://www.affordablecebu.com/load/literature/mga_halimbawa_ng_mga_bisayang_awiting_ba
yan/22-1-0-957

12
Dandansoy

Dandansoy Dandansoy, baya-an ta ikaw,


Pauli ako sa payaw,
Ugaling kong ikaw hidlawon
Ang payaw imo lang lantawon.

Dandansoy, kon imo apason,


Bisan tubig di magbalon
Ugaling kon ikaw uhawon
Sa dalan magbubon-bobon.

Dandansoy, I must leave you


I am going home to payaw,
If perchance you long for me,
Just look towards payaw.

Dandansoy, if you come after me


Don’t even bring water with you,
If perchance you become thirsty,
You can dig well on the way.

Read more at:


https://www.affordablecebu.com/load/literature/mga_halimbawa_ng_mga_bisayang_awiting_ba
yan/22-1-0-957

13
Pamuwa Sa Bata (Bukidnon)

Bulay naman binulay


Bulayan ko man kini ang bata
Nga bata nga dili ako.
Yawat naman maka dako
Manatad man ako masugo

Though he is not my own


I will take care of this baby,
So that when he grows up
I can request to do things for me.
Isinalin ni Sr. Lilia Tolentino, SPC 3.

Read more at:


https://www.affordablecebu.com/load/literature/mga_halimbawa_ng_mga_bisayang_awiting_ba
yan/22-1-0-957

14
Tuba (Sugbuwanon)

Condansoy, inom tuba


Laloy, dili co inom, tuba pait aslom
Condanlom Ang tuba sa baybay.
Patente mo angay, T
alacsan nga diutay,
Pono ang malaway.
Ang tubang malaway.

Condansoy, drink tuba my good boy!


No ‘tis bitter and sour.
I will not drink at all!
Tuba sold on the beach
Ought to pay license high;
Even one little glass
Will make you crazy drunk.

Read more at:


https://www.affordablecebu.com/load/literature/mga_halimbawa_ng_mga_bisayang_awiting_ba
yan/22-1-0-957

15
Ug Binhi (Ang Binhi)

Tra, la, la, la.


Aco’y gatanum ug binhi,
Nanalingsing, nabuhi.
Sanabuhi, namunga,
Sa namunga ng naminhi.

Tra, la, la, la.


Ako’y nagtanim ng binhi,
Sumibol, nabuhay.
Di naglao’t namunga,
Ang bungay naging binhi.

Read more at:


https://www.affordablecebu.com/load/literature/mga_halimbawa_ng_mga_bisayang_awiting_ba
yan/22-1-0-957

16

You might also like