You are on page 1of 24

GALA VOCATIONA SCHOOL

GAMAY NORTHERN SAMAR

PROJECT IN GRASP IN FILIPINO 7 – 2ND


QUARTER:

IPINASA NI:

REVIE ANN C. DELA TORRE

7-LAUAN

IPINASA KAY:

MARIETA L. VILLAS

GURO
NILALAMAN
(KOLEKSYON NG MGA TEKSTO TUNGKOL SA KABISAYAAN)

KUWENTONG BAYAN

ALAMAT

AWITING BAYAN

EPIKO
KUWENTONG -
BAYAN
NG KABISAYAAN
ANG BATIK NG BUWAN
Maikling Kuwentong – Bayan Ng Bisaya

Mag-asawa ang araw at ng buwan. Marami silang mga anak na bituin.Gustung-gusto ng araw na
makipaglaro sa kanyang mga anak at ibig na ibig niyangyakapin ang mga ito ngunit
pinagbawalan siya ng buwan sapagkat matutunaw angmga bituin sa labis na init ng araw.
Kinagagalitan ng araw ang mga anak kapaglumalapit sa kanya.Isang araw, nagtungo sa ilog ang
buwan upang maglaba ng marurumingdamit. Ipinagbilin niya sa asawa na bantayan ang mga
anak ngunit huwag niyanglalapitan ang mga ito. Binantayan nga ng araw ang mga anak. Buong
kasiyahanniyang pinanood ang mga ito habang naghahabulan. Nakadama siya ng pananabik at
hindi siya nakatiis na hindi yakapin ang mga anak. Bigla niyang niyakap anglipon ng maliliit na
bituin nang madikit sa kanya ay biglang natunaw.

Hindi naman nagtagal at umuwi n ang buwan. Nagtaka siya sapagkatmalungkot ang asawa.
Naisipan niyang bilangin ang mga anak ngunit hindi nyanakita ang maliliit kaya't hinanap niya
ang mga ito kung saan-saan. Hindi niyamatagpuan ang mga anak. Sa gayo'y sinumabatan niya
ang asawa. "Niyakap mosila? Huwag kang magsisinungaling!”Hindi na naghintay ng sagot ang
buwan. Mabilis niyang binunot ang isang punong saging at tinangkang ipukol sa asawa na
nakalimutan na ang kanyangkasalanan.

Ang tanging nasa isp niya ay kung paano niya maipagtatanggol angsarili sa asawang galit na
galit. Dumampot siya ng isang dakot na buhangin atinihagis sa nukha ng buwan at dahilan sa
nangyari ay nagkaroon ng batik angmukha ng buwan. Hinabol ng buwan ang araw upang
makaganti sa ginawa nito sakanya at hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ng buwan ang araw
ANG DIWATA NG KARAGATAN

Sa isang nayon, ang mga tao ay masaya at masaganang namumuhay. Mapagpala ang kalikasan sa
kanila. Ang pangunahing hanapbuhay nilay ay ang pangingisda. Sagana sa maraming isda ang
karagata. May isang diwatang nagbabantay at nag-aalaga sa mga isda at ito'y nalalaman ng mga
taganayon. Ngunit may mga taong sakim, ibig nilang makahuli ng maraming-maraming isda
upang magkamal ng maraming salapi. Gumamit sila ng dinamita kaya't labis na napinsala ang
mga isda, pati ang maliliit ay namatay.

Nagalit ang diwata sa kasakiman ng mga tao kaya't mula noon ay wala nang mahuli kahit na isda
ang mga tao. Naghirap at nagutom ang mga tao at naging pangit na rin ang karagatan na dati'y
sakdal ganda. Nagpulong ang mga taganayon at napagpasyahan nilang humingi ng tawad sa
diwatang nangangalaga sa karagatan. Nakiusap din silang ibalik na ang dating ganda ng
karagatan at gayundin ang mga isda. Nangako sila na hindi na gagamit ng anumang makasisira
sa kalikasan.

Mula nang sila'y humingi ng tawad sa diwata ay bumalik na ang ganda ng karagatan at muling
dumami ang mga isda. Nanaganang muli ang kabuhayan ng mga tao.
ALAMAT
SA
KABISAYAA
N
ANG ALAMAT NG BASEY

DAHIL SA IPINAKITANG KALUPITAN NG MGA TULISANG - DAGAT, ANGMGA


NANINIRAHAN SA BALUD, SA pangunguna ng mga misyonerong Heswitaay nagtungo sa
Binongtoan, isa sa kalapit na nayon. Doon ay nagsimula silangbumuo ng panibagong nayon at
matatag nakuta na yari sa mga batongadobe. Pinatatag nila ang kanilang nayon. Naglagay sila ng
mga pamigil naharang laban sa marahas na pananalakay ng mga tulisang-dagat. Ang
mgatagapamuno ng Binongtoan ay sina Ambrocio Makarumpag, FranciscoKaranguing, Juan
Katindoy at Tomas Makahilig. Sa pagpupulong ng mga tagapamuno na dinaluhan ng mga
misyonerong Heswita, sila’y nagkasundo napangalanan ang lugar na Baysay na may kahulugang
‘maganda’ bilang

parangal at sa alaala ng kanilang magandang si Bungangsakit.Samantala, ang mga taga-Omit na


nakasalamuha ni Bungangsakit nangkanyang kabataan ay hindi sumama sa pagtatatag ng bayan
ng Baysay.

Sa halip sila’y nagkaisa at nagtatag ng kanilang sariling barangay napinangalanang Guibaysayi,


na may kahulugang ‘Ang Pinakamaganda’ bilang

pagbibigay parangal din sa kagandahan ng kanilang si Bungangsakit. Angmga naninirahan sa


Baysay ay nagtatag ng pangkat ng mga tagapagtanggolna binubuo ng matatapang na kalalakihan
sa kanilang lugar napinamumunuan ni Katindoy, isang matapang na mandirigma. Batid nilang
angmga tulisang- dagat ay muling babalik kaya’t nagtayo sila ng kuta na yari sa matitigas na bato
sa Bungal na matatagpuan sa bukana ng ilog. Sa kutang itomagtitipon ang matatapang na
tagapagtanggol ni Katindoy upang planuhinang kanilang mga gagawing depensa laban sa mga
tulisang-dagat atupangmamatyagan ang paparating na mga vinta. Nuong 1832, ang ilang piling
lugarsa Bungal ay inihanda para sa pagtatayo ng Simbahang Katoliko ng mgaHeswita. Subalit sa
kakapusang-palad , ang walo-walo ay dumating atsinalanta ang buong kuta.

Ang walo-walo ay walong araw na walang tigil napag-ulan nang malakas na may kasamang
malalakas na hangin. Pagkalipas ngilang araw, dumaan pa ang napakalakas at nagngangalit na
bagyo sa lugarna kumitil sa napakaraming buhay at sumira ng napakaraming ari-arian.Sapagkat
walang matirahan at sinalanta ng bagyo, ang mga natirangbuhay na naninirahan sa Baysay ay ay
nagpasyang muling kumilos upanghumanap ng lugar na may mga burol na magsisilbing
pananggalang samalalakas na hangin. Napili nila ang kasalukuyang kilalalagyan ng bayan
ngBaysay. Malapit sa lugar na ito ay matatagpuan ang mga burol na isa sa mgaito ay tinayuan ng
mga katutubo ng mataas na tore. Mula sa tore aymatatanaw ang paparating na mga vinta at ang
mga burol ay maaaringmapaglikasan sa mga panahon ng pagbaha at kublihan kapag
maymalalakas na bagyo.

Ang Pinagmulan ng Bohol

ANG MGA TAO NOON AY NANINIRAHAN SA KABILA NG ULAP .ISANGARAW, ang


kaisa-isang anak na babae ng datu ay nagkasakit. Hindimapalagay ang datu. Tanod, may sakit
ang anak ko. Humayo ka, papuntahinmo rito ang manggagamot. Ngayon din! Ngayon din po,
Mahal na Datu! Nangdumating ang matandang manggagamot at ang tanod sa tahanan ng Datu. .

. “Magagawa ng matandang lalaki ang anuman na makagagaling sa kanya!”ang sabi ng datu.


Sinuring mabuti ng matandang manggagamot ang maysakit.Pagkatapos ng pagsusuri, nag-usap
ang manggagamot at ang Datu sa labasng kubo. Tumawag ng pulong noon din ang datu. Mga
kalalakihangnasasakupan ng aking barangay. Makinig kayo sa akin. Maysakit ang akinganak na
babae at ang tanging hinihiling ko ay ang inyong tulong. Sundinninyong lahat ang mga tagubilin
ng manggagamot. . . upang magbalik angdating lakas ng aking anak.

“Mga lalaki, dalhin ninyo ang may sakit sa malaking puno ng balite. Hukayin ninyo ang lupang
nakapaligid sa mga ugat”, ang utos ng manggagamot. Gagawin naman ang iyong ipinag-uutos
alang-alang sapagmamahal namin sa datu at sa kaniyang kaisa-isang anak na babae!
Nagsimulang kumilos ang mga tauhan ng datu. Pinuntahan nila ang lugar nakinatatayuan ng
puno ng balite. Ang maysakit na anak ng datu ay isinakay saduyan. Hinukay ng ilang lalaki ang
lupa sa paligid ng mga ugat ng puno ng balite. Nang ito’y matapos. “Dalhin ang maysakit sa
kanal! Ang tangingmakagagaling sa kanya ay ang mga ugat ng malaking puno ng balite.” Buong
ingat na inilagay sa kanal ang maysakit. Ngunit sa di-inaasahang pangyayari,bumuka ang lupa. . .
Ooooops, Aaaa. Ama ko, tulungan ninyo ako Ama. . . At babae’y tuluyang nahulog sa hukay ng
ulap. O, Diyos ko. Ang aking anak. Ibalik ninyo siya sa akin. . . O, hindi! Ang aking anak! “ Huli
na ang lahat, Datu. Siya’y patay na!Sa ilalim ng ulap ay may malaking daluyan ng tubig.
Gumulong sa hanginang maysakit bago tuluyang bumagsak ang kanyang katawan sa
malakingdaluyan ng tubig. Nakita ng dalawang bibe ang pagkahulog ng babae. Isplas!Wasss!
Isplas! Nagmamadaling lumangoy ang dalawang bibe at mabilis nabumagsak sa likod nila ang
katawan ng babae. Sa kanilang mga likodnamahinga ang may sakit. Kwak, kwak, kwak, kwak!
At isang pulong angidinaos. Ang babaeng kababagsak lamang mula sa ulap ay labis
nanangangailangan ng tulong. Kailangang tulungan natin siya. Oo, dapat tayong gumawa ng
bahay para sa kanya. “Lumundag ka, palaka, at dalhin mo ang dumi ng puno sa ibaba,” ang utos
ng pagong. Sumunod ang palaka ngunit hindi siya nagtagumpay. I nutusan naman ng malaking
pagong ang daga. Siyaman ay sumunod ngunit nabigo. Hanggang sa. . . Susubukin ko, ang
kusang-loob na sabi ng malaking palaka. Sa pagkakataong ito, ang lahat ng hayop aynagsigawan
at naghalakhakan, maliban sa malaking pagong. Natitiyaknaming hindi mo iyon magagawa. He-
he-he! Ha-ha-ha. Subukin mo, baka ikawang mapalad. Huminga nang malalim ang matandang
palaka at nanaog. . .nanaog. . Sa wakas, ang samyo ng hangin ay dumating at sumunod
angmatandang palaka. Sa kanyang bibig, nagdala siya ng ilang butil ng buhanginna kanyang
isinabog sa paligid malaking pagong. At isang pulo ang lumitaw.Ito ang naging pulo ng Bohol.
(Kung susuriin ang likod ng pagong, mapapansinang pagkakatulad nito sa hugis at anyo ng
Bohol). At dito nanirahan angbabae. Nanlamig ang babae kayat muling nagdaos ng pulong. . .
Kailangang gumawa tayo ng paraan para siya mainitan. “Kung makaaakyat ako sa ulap,
makukuha ko ang kidlat at makagagawa ako ng liwanag,” ang sabi ng maliit na pagong. Gawin
mo ang iyong magagawa. Marahil ay magiging mapaladka.Isang araw, nang hindi pa gaanong
dumidilim, uminog ang ulap attinangay ang pagong nang papaitaas. Uww-ssss ! Brahos ! Mula
sa ulap,kumuha siya ng kidlat. . . Brissk ! Bruumm ! Swissss ! Nabuo ang araw at angbuwan na
nagbigay ng liwanag at init sa babae. Mula noon, naninirahan angbabae sa piling ng matandang
lalaking nakita niya sa pulo. At nanganak siyang kambal. Sa kanilang paglaki, ang isa’y naging
mabuti at ang isa’y nagging masama. Ihahanda ko ang Bohol sa pagdating ng mga tao. Ang
mabutinganak ay gumawa ng mga kapatagan, mga kagubatan, mga ilog at maraminghayop.
Lumikha rin siya ng mga isdang walang kaliskis. Ngunit ang ilan sa mga ito’y sinira ng
masamang anak. Tinakpan niya ng makakapal na kaliskis angmga isda kaya’t mahirap kaliskisan
ang mga ito. Ano ang ginawa mo? Walanghalaga lahat ‘yan. Walang halaga? Bakit mo
pinahihirapan ang iyong sarili sa paggawa rito? Hangal ka! Inihahanda ko ang lugar na ito para
sa pagdating ng mga tao. Dito, dito’y wala tayong kinabukasan. Samantalang sa ibang lugar ay
hindi ka kailangang gumawa. Isa kang baliw! Kaya’t naglakbay sa kaunlaran ang masamang
anak.

Dito siya namatay. Samantalang ang mabuting anak ay nagpatuloy ngpagpapaunlad ng Bohol at
inalis ang mga masasamang ispiritung dala ngkanyang kapatid.Hinulma ang mabuting anak ang
mga Boholano sa pamamagitan ngpagkuha ang dalawang lupa sa daigdig at hinugis ang mga ito
ng katulad ng tao. Dinuran niya ang mga ito. Sila’y nabuhay. Ngayong kayo’y naging lalaki at
babae, iniiwan ko sa inyo ang mga magagandang katangiang ito: kasipagan,mabuting
pakikitungo, katapatang kabutihang-loob, at mapagmahal sakapayapaan. “Ikinasal ang dalawa at
nagsama. Isang araw, kinausap sila ngmabuting anak. Narito ang iba’t ibang uri ng buto. Ibig
kong itanim ninyo ang mga butong ito para kayo matulungan. Gawin ninyong laging sariwa
atmagandang tirahan ang lugar na ito.

Nang malaunan, ang mabuting anak ay lumikha ng igat at ahas katulad ng isda sa ilog. Lumikha
rin siya ng malaking alimango. “Humayo kayo, dakilangigat at dakilang alimango saan mang
lugar na ibig ninyong pumunta.” Sinipit ng malaking alimango ang malaking igat. Nagkislutan
ang dalawa at angkanilang paggalaw ang lumikha ng lindol. Ito ang dahilan kung bakit
maramingalimango sa Bohol, maging sa lupa o sa dagat, at ang igat na kaunaunahangnilikha ng
mabuting anak. Gustong-gusto kainin ito ng mga Boholanos. Hindi silakumakain ng palaka dahil
iginagalang nila ang mga ito. Hindi rin nila kinakainang mga pagong katulad ng ibang mga
Bisaya kahit maaaring ihain ang mgaito sa handaan.
AWITING BAYAN
SA KABISAYAAN
TONG-TONG TONG TONG PAKITONG KITONG

Tong tong tong tong pakitong-kitong

Alimango sa dagat

Malaki at masarap

Mahirap mahuli

Sapagkat nangangagat

Tang tang tang tang pakatang-katang

Alamanga sa dagat

Malaka at masarap

Maharap mahala

Sapagkat nangangagat

Teng teng teng teng peketeng-keteng

Elemenge se deget

Meleke et meserep

Meherep mehele

Sepegket nengengeget

Ting ting ting ting pikiting-kiting

Ilimingi si digit

Miliki it misirip

Mihirip mihili
Sipigkit ningingigit

Tong tong tong tong pokotong-kotong

Olomongo so dogot

Moloko ot mosorop

Mohorop moholo

Sopogkot nongongogot

Tung tung tung tung pukutung-kutung

Ulumungu su dugut

Muluku ut musurup

Muhurup muhulu

Supugkut nungungugut

Tong tong tong tong pakitong-kitong

Alimango sa dagat

Malaki at masarap

Mahirap mahuli

Sapagkat nangangagat.
DANDANSOY

Dandansoy, bayaan ta ikaw

Pauli ako sa Payao

Ugaling kung ikaw hidlawon

Ang Payaw imo lang lantawon

Dandansoy, kung imo apason

Bisan tubig di magbalon

Ugaling kung ikaw uhawon

Sa dalan magbubon-bubon

Ang panyo mo kag panyo ko

Dal-a diri kay tambihon ko

Ugaling kung magkasilo

Bana ta ikaw, asawa mo ako.


LAWISWIS KAWAYAN

Ako magtatanum lawiswis kawayan

Akon la kan pikoy palatay-latayan

Salbahis nga pikoy kawaray batasan

Sinmulod han kwarto kan inday higdaan.

An panyo an panyo nga may sigarilyo,

Ginpiksi ni Inday kay may sentimyento

An nasisinahan an nabi- an nabibidu-an

Tungod la han hadtona nga waray katuman.

An ini nga hugpo lawiswis kawayan

Diin an higugma nga may rayan-dayan

Magburugto gayud mga gin-angayan

Maglipay ngatanan mga kasangkayan.

An ino nga pikoy, nga pikoy paglupad murayaw

Natuntong han sanga dagus paparayaw

Binuklad an pako, an pako daw hilaw nga dahon


An iya pagrayhak nga ginkinantahon.

Hi Mano Palabyo mahal magbaligya

Adobo sitsaron upod an mantika

Ginpapadisan hin luyat nga tarun

Hi mano Palabyo mahal la gihapon.


WARAY-WARAY SONG

Waray Waray hindi tatakas

Waray Waray handang matodas

Waray Waray bahala bukas

Waray Waray manigas!

Waray Waray tawag sa akun,

Sa bakbakan diri mag-urong

Sa sinuman ang humahamon

kahit ikaw ay maton!

Likas sa ating paraluman

Kami’y palagi mapagbigay

Ngunit iba ang waray waray

Walang sindak kaninuman

Kaming babaeng waray waray

Ay siga siga kahit saan

Ngunit iba ang waray waray


Kapag hinamon ng away.

Waray Waray sadyang di siya tatakas

Waray Waray handa nang matodas

Waray Waray bahala na bukas

Waray Waray manigas!


EPIKO NG
KABISAYAAN
Maragtas (Buod ng Maragtas – Epiko ng Bisaya)

Ang Borneo noon ay nasa pamumuno ng isang malupit at masamang sultan na si Sultan
Makatunao. Kinamkam niya ang lahat ng yaman

ng nasasakupan. Kanya ring pinupugayan ng dangal ang mga babae, pati ang mga asawa at anak
na dalaga ng mga datu na nasa ilalim niya.

Isang araw, si Pabulanan, ang asawa ni Datu Paiborong, ang nais halayin at angkinin ng
masamang sultan. Nalaman ni Datu Paiborong ang tangka ni Sultan Makatunao. Nagbalak ang
magigiting na datu na manlaban kay Sultan Makatunao. Nag-usap-usap silang palihim. Naisipan
sin nilang humingi ng tulong kay Datu Sumakwel.

Si Sumakwel ay mabait, magalang at matalino. Alam niya ang kasaysayan ng maraming bansa at
marami siyang alam kung tungkol sa paglalayag. Dinalaw ni Datu Paiborong at ni Datu
Bangkaya si Sumakwel. Ipinagtapat ng dalawa ang paglaban na nais nilang gawin. Ayaw ni
Sumakwel sa balak na paglaban.

Pinuntahan ni Sumakwel si Datu Puti. Si Datu Puti ay punong ministro ni Makatunao. Sinabi ni
Sumakwel ang suliranin ng mga datu at ang balak na paglaban. Ipinasiya nina Sumakwel at Datu
Puti ang palihim na pag-alis nilang sampung datu sa Borneo. Hindi nila magagapi si Makatunao.
Maraming dugo ang dadanak at marami ang mamamatay. Ayaw ni Datu Puti na mangyari ang
ganoon. Iiwan nila ang kalupitan ni Sultan Makatunao at hahanap sila ng bagong lupain na
maaaring pamuhayan nila nang malaya at maunlad. Sila’y mararangal na datu na mapagmahal sa
kalayaan.

Nagpulong nang palihim ang sampung datu. Sila’y tatakas sa Borneo. Palihim silang naghanda
ng sampung malalaking bangka, na ang tawag ay biniday o barangay. Naghanda sila ng
maraming pagkain na kakailanganin nila sa malayong paglalakbay. Hindi lamang pagkain ang
kanilang dadalhin kundi pati ang mga buto at binhi ng halamang kanilang itatanim sa daratnan
nilang lupain. Madalas ang pag-uusap ni Sumakwel at ni Datu Puti. Batid ni Sumakwel ang
malaking pananagutan niya sa gagawin nilang paghanap ng bagong lupain. Silang dalawa ni
Datu Puti ang itinuturing na puno, ang mga datung hahanap ng malayang lupain.

Isang hatinggabi, lulan sa kanilang mga biniday o barangay, pumalaot ng dagat ang sampung
datu kasama ang kanilang asawa at mga anak at buong pamilya pati mga katulong. Sa sampung
matatapang na datu, anim ang may asawa at apat ang binata. Si Sumakwel ay bagong kasal kay
Kapinangan, si Datu Bangkaya ay kasal kay Katorong na kapatid ni Sumakwel. Ang mag-
asawang si Datu Paiborong at Pabulanan, si Datu Domangsol at ang asawang si Kabiling, ang
mag-asawang si Datu Padihinog at Ribongsapaw, Si Datu Puti at ang kanyang asawang si
Pinampangan. Ang apat na binatang datu ay sina Domingsel, Balensuela, Dumalogdog at Lubay.

Ang mga taga-Borneo ay kilala sa tawag na Bisya o Bisaya. Malakas ang loob nila na pumalaot
sa dagat pagkat batid nila ang pagiging bihasa ni Datu Puti at ni Sumakwel sa paglalayag. Nakita
nang minsan ni Sumakwel ang isang pulo makalagpas ang pulo ng Palawan. Alam niya na ang
naninirahan dito ay mga Ati, na pawang mababait at namumuhay nang tahimik. Alam din niya
kung gaano kayaman ang pulo.

Nasa unahan ang barangay ni Datu Puti. Makaraan ang ilang araw at gabi nilang paglalakbay,
narating nila ang pulo ng Panay. Ang matandang pangalan nito ay Aninipay.

Bumaba si Datu Puti at naglakad-lakad. Nakita niya ang isang Ati. Siya ay katutubo sa pulong
iyon. Pandak, maitim, kulot ang buhok at sapad ang ilong. Sa tulong ng kasama ni Datu Puti na
marunong ng wikain ng katutubo ay itinanong niya kung sino ang pinuno sa pulong iyon at kung
saan ito nakatira. Ipinabalita ni Datu Puti kay Marikudo na silang mga Bisaya mula sa Borneo ay
nais makipagkaibigan.

Si Marikudo ay siyang hari ng Aninipay. Siya ay mabuting pinuno. Ang lahat sa pulo ay masaya,
masagana at matahimik na namumuhay. Walang magnanakaw. Ang lahat ay masipag na
gumagawa. Kilala rin sila sa pagiging matapat at matulungin sa kapwa.

Dumating ang takdang araw ng pagkikita ng mga Ati sa pamumuno ni Marikudo at ng mga
Bisaya sa pamumuno ni Datu Puti. May isang malaking sapad na bato sa baybay dagat. Ito ang
kapulungan ng mga Ati. Ito ang Embidayan. Dito tinanggap ni Marikudo ang mga panauhin.
Nakita niya na mabait at magalang ang mga dumating. Ipinaliwanag ni Datu Puti ang kanilang
layong makipanirahan sa pulo ng Aninipay. Nais nilang bilhin ang lupain. Sinabi ni Marikudo na
tatawag siya ng pulong, ang kanyang mga tauhan at saka nila pagpapasyahan kung papayagan
nilang makipanirahan ang mga dumating na Bisaya.

Muling nagpulong ang mga Ati at mga Bisaya sa Embidayan. Nagpahanda si Marikudo ng
maraming pagkaing pagsasaluhan ng mga Ati at mga Bisaya. Dumating mula sa Look ng
Sinogbuhan ang mga Bisaya lulan ng sampung barangay. Nakaupo na sa Embidayan si Marikudo
kasama ang kanyang mga tauhan. Katabi ni Marikudo ang kanyang asawa na si Maniwantiwan.
Nakita ng mga Ati ang maraming handog ng mga Bisaya. Ang mga lalaking Ati ay binigyan ng
mga Bisaya ng itak, kampit at insenso. Ang mga babaeng Ati ay

Ang mga babaeng Ati ay binigyan naman ng kuwintas, panyo at suklay. Ang lahat ay nasiyahan.
Nagpakita ng maramihang pagsayaw ang mga Ati. Tumugtog ang Bisaya sa kanilang solibaw,
plota, at tambol habang ang mga lalaki naman ay nagsayaw pandigma, ang sinurog.

Nag-usap sina Marikudo at Datu Puti. Ipinakuha ni Datu Puti ang isang gintong salakot at
gintong batya mula sa kanilang barangay. Ibinigay niya ito kay Marikudo. Nakita ni
Maniwantiwan ang mahabang-mahabang kuwintas ni Pinampangan. Ito’y kuwintas na lantay na
ginto. Ibig ni Maniwantiwan ang ganoon ding kuwintas. Pinigil ni Maniwantiwan ang bilihan,
kung hindi siya magkakaroon ng kuwintas. Madaling ibinigay ni Pinampangan ang kuwintas
niya kay Maniwantiwan.

Itinanong ni Datu Puti kung gaano kalaki ang pulo. Sinabi ni Marikudo, na kung lalakad sa
baybay dagat ng pulo simula sa buwang kiling (Abril o buwan ng pagtatanim) ay makababalik
siya sa dating pook pagsapit ng buwan ng bagyo-bagyo (Oktubre o buwan ng pag-aani).

Ang lupang kapatagan ay ibinigay ng mga Ati sa mga Bisaya. Ibinigay rin nila ang kanilang mga
bahay. Ang mga Ati ay lumipat ng paninirahan sa bundok.

Madaling isinaayos ni Datu Puti ang mga Bisaya. Si Datu Bangkaya kasama ang kanyang asawa
na si Katurong at anak na si Balinganga at kanilang mga tauhan at katulong ay tumira sa Aklan.
Sumunod na inihatid ni Datu Puti sina Datu Paiborong at asawang si Pabulanon at ang kanyang
dalawang anak na si Ilehay at si Ilohay. May mga tauhan ding kasama si Datu Paiborong na
kakatulungin niya sa pagtatanim ng mga buto at binhi na iiwan ni Datu Puti at Datu Sumakwel.
Sina Lubay, Dumalogdog, Dumangsol at Padahinog ay kasama ni Sumakwel. Sila ay sa
Malandog naman maninirahan. Nagpaalam si Datu Puti kay Sumakwel. Kanyang pinagbilinan si
Sumakwel na pamunuang mahusay ang mga Bisaya. Nag-aalala si Datu Puti tungkol sa
kalagayan ng iba pang Bisaya sa Borneo sa ilalim ng pamumuno ng malupit na si Makatunao.

Matapos magpaalam kay Sumakwel, umalis na ang tatlong barangay, kay Datu Puti ang isa, at
ang dalawa pa ay sa dalawang binatang datu na sina Datu Domingsel at Datu Balensuela.
Narating nila ang pulo ng Luzon. Dumaong ang tatlong barangay sa Look ng Balayan. Ipinasya
ng dalawang datu na dito na sa Taal manirahan kasama ang mga “Taga-ilog”. Isang araw lamang
at umalis na sina Datu Puti at Pinampangan upang bumalik sa Borneo.
Hinilawod (Buod ng Hinilawod – Epiko ng Panay)

Noong unang panahon, may isang Dyosa ng kalangitan na nag ngangalang “Alunsina”, sa takot
na di na makapag asawa ay iminungkahi ng hari ng mga Dyos na si “Kaptan” na sya ay mag
asawa na.

Maraming Dyos ang dumating makadaupang palad lamang si Alunsina. Ngunit ang lahat ay bigo
sapagkat ang napili ni Alunsina ay isang mortal na nag ngangalang “Paubari”.

Si Paubari ay isang datu na namumuno sa Halawod.

Ang desisyon ni Alunsina ay lubos na ikinagalit ng ilang nabigong dyos. Napagkasunduan ng


ilang dyos sa pangunguna ni “Maklium-sa-t’wan” na magkaroon nang pagpupulong upang
maudlot ang kasal ni Alunsina at Paubari sa pamamagitan ng isang baha sa halawod.

Ngunit si Alunsina at Paubari ay nakaligtas sa kapahamakan sa tulong ni Suklang Malayon, ang


kapatid ni Alunsina. Natunugan ni Malayon ang plano ng ilang dyos kayat sinabi nitong
magpunta sa mataas na lugar sina Paubari at Alunsina.

Pagkatapos humupa ang baha ay palihim na bumalik si Alunsina at Paubari sa halawod.

Matapos ang ilang bwan ay nagsilang si Alunsina ng triplets at pinangalanang Labaw Dongon,
Humadapnon at Dumalapdap.

Pagkatapos isilang ay agad na ipinatawag ni Alunsina ang paring si Bungot-Banwa para gawin
ang ritwal upang maging malakas ang mga kambal. Matapos ang ritwal ay naging malalakas at
makisig sina Labaw Dongon, Humadapnon at Dumalapdap.

Ang tatlong magkakapatid ay kapwa nagkaroon ng kanya kanyang pakikipagsapalaran katulad


na lamang ni Labaw Donggon na nakipaglaban kay Saragnayan ngunit ito”y bigo at ibinilanggo
ni Saragnayan.

Dahil dito ay naghiganti ang anak ni Labaw Donggon at agad na kinalaban si Saragnayon.
Kalauna”y nagtagumpay ang anak ni Labaw Donggon at sila”y parehong bumalik sa kanilang
lugar.

Dahil din sa pagkakabilanggo ni Labaw Donggon ay lubos na nagalit si Humadapnon at


Dumalapdap. Nangako si Humadapnon na ipaghihiganti nya ang kapatid hanggang sa kaapu-
apuhan ni Saragnayan.
Pagkatapos umalis ni Humadapnon upang maghiganti ay umalis din si Dumalapdap upang
makipagpalaran at pakasalan si “Lubay Lubyok Mahanginun si Mahuyokhuyokan”.
nakipaglaban si Dumalapdap sa nilalang na may dalawang ulo na kung tawagin ay “Balanakon”.

Pagkatapos nito ay nilabanan din ni Dumalapdap ang nilalang na “Uyutang” na kawangis ng


isang paningi na may malaking mga pangil at makamandag na kuko. Nilabanan ni Dumalapdap
ang Uyutang sa loob ng pitong buwan.

Naging matagumpay si Dumalapdap at kasama na nyang umuwi si “Lubay-Lubyok Hanginun si


Mahuyokhuyokan” upang pakasalan.

Nang makabalik na ang magkakapatid ay ipinagdiwang ni Datu Paubari ang tagumpay ng mga
ito.
Pandaguan (Buod ng Pandaguan – Epiko ng Bisaya)

Si Pandaguan ay isang tauhan sa mitolohiyang Bisaya. Ang mito niya ay kaugnay ng konsepto
ng kamatayan at may bersyon ng salaysay ukol sa kaniya.

Sa isang kuwento, si Pandaguan ang isa sa mga anak nina Sicalac at Sicahay, na maituturing na
Adan at Eba. Asawa niya si Lupluban, at may isa silang anak, si Anoranor.

Bilang matalino at malikhain, nakagawa si Pandaguan ng unang lambat o panghuli ng isda sa


kasaysayan. Ang una niya kaagad nahuli ay isang malaking pating. Iniahon niya ito sa galak,
ngunit bilang isang isda, namatay ang hayop. Ito ang sinasabing unang kamatayan sa daigdig, at
si Pandaguan ang tagapagdulot nito.

Nang napag-alaman ito ni Kaptan, bathala ng kalangitan, sa galit ay naghagis siya ng kidlat kay
Pandaguan. Namatay si Pandaguan at siya ang unang taong nakaabot sa Kabilang-buhay. Sa
isang bersyon, pagkahuli ni Pandaguan ng pating, inutusan siya ni Kaptan na ibalik kaagad sa
dagat.

Hindi siya sumunod dahil na rin sa pakiramdam na kung kinaya niyang mahuli ang malaking
pating ay kaya rin niyang tanggihan ang bathala. Nagalit si Kaptan at pinatamaan siya ng kidlat.

Hindi namatay si Pandaguan, bagkus ay nahimlay lamang ng tatlumpong (30) araw sa lupa bago
bumangong muli. Sinunog ng kidlat ang kanyang katawan, at lahat ng kaniyang inapo ay itim
ang balat.

You might also like