You are on page 1of 7

MGA KWENTONG BAYAN NG VISAYAS

ANG BATIK NG BUWAN


Maikling Kuwentong – Bayan Ng Bisaya
Mag-asawa ang araw at ng buwan. Marami silang mga anak na
bituin.Gustung-gusto ng araw na makipaglaro sa kanyang mga anak at ibig na ibig
niyangyakapin ang mga ito ngunit pinagbawalan siya ng buwan sapagkat matutunaw
angmga bituin sa labis na init ng araw. Kinagagalitan ng araw ang mga anak
kapaglumalapit sa kanya.I s a n g a r a w , n a g t u n g o s a i l o g a n g b u w a n u p a n g
m a g l a b a n g m a r u r u m i n g damit. Ipinagbilin niya sa asawa na bantayan ang
mga anak ngunit huwag niyanglalapitan ang mga ito. Binantayan nga ng araw
ang mga anak. Buong kasiyahanniyang pinanood ang mga ito habang
naghahabulan. Nakadama siya ng pananabik at hindi siya nakatiis na hindi
yakapin ang mga anak. Bigla niyang niyakap anglipon ng maliliit na bituin nang
madikit sa kanya ay biglang natunaw.
Hindi naman nagtagal at umuwi n ang buwan. Nagtaka siy
a s a p a g k a t malungkot ang asawa. Naisipan niyang bilangin ang mga anak
ngunit hindi nyanakita ang maliliit kaya't hinanap niya ang mga ito kung
saan-saan. Hindi niyamatagpuan ang mga anak. Sa gayo'y sinumabatan niya
ang asawa. "Niyakap mosila? Huwag kang magsisinungaling!”Hindi na naghintay
ng sagot ang buwan. Mabilis niyang binunot ang isang p u n o n g s a g i n g a t
tinangkang ipukol sa asawa na nakalimutan na ang
k a n y a n g kasalanan.
Ang tanging nasa isp niya ay kung paano niya maipagtatanggol
angs a r i l i s a a s a w a n g g a l i t n a g a l i t . D u m a m p o t s i y a n g i s a n g d a k o t n a
buhangin atinihagis sa nukha ng buwan at dahilan sa nangyari ay
n a g k a r o o n n g b a t i k a n g mukha ng buwan. Hinabol ng buwan ang araw upang
makaganti sa ginawa nito sakanya at hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ng buwan
ang araw

ANG DIWATA NG KARAGATAN


Sa isang nayon, ang mga tao ay masaya at masaganang namumuhay. Mapagpala ang
kalikasan sa kanila. Ang pangunahing hanapbuhay nilay ay ang pangingisda. Sagana
sa maraming isda ang karagata. May isang diwatang nagbabantay at nag-aalaga sa
mga isda at ito'y nalalaman ng mga taganayon. Ngunit may mga taong sakim, ibig
nilang makahuli ng maraming-maraming isda upang magkamal ng maraming salapi.
Gumamit sila ng dinamita kaya't labis na napinsala ang mga isda, pati ang maliliit ay
namatay.

Nagalit ang diwata sa kasakiman ng mga tao kaya't mula noon ay wala nang mahuli
kahit na isda ang mga tao. Naghirap at nagutom ang mga tao at naging pangit na rin
ang karagatan na dati'y sakdal ganda. Nagpulong ang mga taganayon at
napagpasyahan nilang humingi ng tawad sa diwatang nangangalaga sa karagatan.
Nakiusap din silang ibalik na ang dating ganda ng karagatan at gayundin ang mga isda.
Nangako sila na hindi na gagamit ng anumang makasisira sa kalikasan.
Mula nang sila'y humingi ng tawad sa diwata ay bumalik na ang ganda ng karagatan at
muling dumami ang mga isda. Nanaganang muli ang kabuhayan ng mga tao.
ANG ALAMAT NG BASEY
DAHIL SA IPINAKITANG KALUPITAN NG MGA TULISANG - DAGAT, ANGMGA
NANINIRAHAN SA BALUD, SA pangunguna ng mga misyonerong Heswitaay nagtungo
sa Binongtoan, isa sa kalapit na nayon. Doon ay nagsimula silangbumuo ng
panibagong nayon at matatag nakuta na yari sa mga batongadobe. Pinatatag nila ang
kanilang nayon. Naglagay sila ng mga pamigil naharang laban sa marahas na
pananalakay ng mga tulisang-dagat. Ang mgatagapamuno ng Binongtoan ay sina
Ambrocio Makarumpag, FranciscoKaranguing, Juan Katindoy at Tomas Makahilig. Sa
pagpupulong ng mga tagapamuno na dinaluhan ng mga misyonerong Heswita, sila’y
nagkasundo napangalanan ang lugar na Baysay na may kahulugang ‘maganda’ bilang
parangal at sa alaala ng kanilang magandang si Bungangsakit.Samantala, ang mga
taga-Omit na nakasalamuha ni Bungangsakit nangkanyang kabataan ay hindi sumama
sa pagtatatag ng bayan ng Baysay.
Sa halip sila’y nagkaisa at nagtatag ng kanilang sariling barangay
napinangalanang Guibaysayi, na may kahulugang ‘Ang Pinakamaganda’ bilang
pagbibigay parangal din sa kagandahan ng kanilang si Bungangsakit. Angmga
naninirahan sa Baysay ay nagtatag ng pangkat ng mga tagapagtanggolna binubuo ng
matatapang na kalalakihan sa kanilang lugar napinamumunuan ni Katindoy, isang
matapang na mandirigma. Batid nilang angmga tulisang- dagat ay muling babalik kaya’t
nagtayo sila ng kuta na yari sa matitigas na bato sa Bungal na matatagpuan sa bukana
ng ilog. Sa kutang itomagtitipon ang matatapang na tagapagtanggol ni Katindoy upang
planuhinang kanilang mga gagawing depensa laban sa mga tulisang-dagat
atupangmamatyagan ang paparating na mga vinta. Nuong 1832, ang ilang piling
lugarsa Bungal ay inihanda para sa pagtatayo ng Simbahang Katoliko ng mgaHeswita.
Subalit sa kakapusang-palad , ang walo-walo ay dumating atsinalanta ang buong kuta.
Ang walo-walo ay walong araw na walang tigil napag-ulan nang malakas na
may kasamang malalakas na hangin. Pagkalipas ngilang araw, dumaan pa ang
napakalakas at nagngangalit na bagyo sa lugarna kumitil sa napakaraming buhay at
sumira ng napakaraming ari-arian.Sapagkat walang matirahan at sinalanta ng bagyo,
ang mga natirangbuhay na naninirahan sa Baysay ay ay nagpasyang muling kumilos
upanghumanap ng lugar na may mga burol na magsisilbing pananggalang samalalakas
na hangin. Napili nila ang kasalukuyang kilalalagyan ng bayan ngBaysay. Malapit sa
lugar na ito ay matatagpuan ang mga burol na isa sa mgaito ay tinayuan ng mga
katutubo ng mataas na tore. Mula sa tore aymatatanaw ang paparating na mga vinta at
ang mga burol ay maaaringmapaglikasan sa mga panahon ng pagbaha at kublihan
kapag maymalalakas na bagyo
Mga Kwentong Bayan / Folktales
Ang kuwentong-bayan (Filipino: folklor) ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na
mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang
marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-
bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at
mga mito.

SI MARIANG MAPANGARAPIN

Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino rin siya. Ano pa't
masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin. Umaga o
tanghali man ay nangangarap siya. Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo,
waring nag-iisip at nangangarap nang gising. Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang
Mapangarapin. Hindi naman nagalit si Maria bagkos pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang
bansag na ikinabit sa pangalan niya.

Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang manok. Tuwang-
tuwa si Maria! Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng iisang manliligaw
niya. Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga manok niya. Higit sa
karaniwang pag-aalaga ang ginawa ni Maria. Pinatuka niya at pinaiinom ang mga ito sa
umaga, sa tanghali at sa hapon. Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng gamot at pataba. At
pinangarap ni Maria ang pagdating ng araw na magkakaroon siya ng mga inahing manok na
magbibigay ng maraming itlog.

Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nag-itlog ang lahat na inahing
manok na alaga ni Maria. Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok araw-
araw. At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng labindalawang alagang
manok sa loob ng pitong araw sa isang linggo. Kitang-kita ang saya ni Maria sa kanyang
pangarap.

At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw. Nabuo ito sa
limang dosenang itlog. At isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria. Sunong niya
ang limang dosenang itlog. Habang nasa daan ay nangangarap nang gising si Maria.
Ipagbibili niyang lahat ang limang dosenang itlog. Pagkatapos, bibili siya ng magandang
tela, ipapatahi niya ito ng magandang bistida at saka lumakad siya ng pakendeng-kendeng.
Lalong pinaganda ni Maria ang paglakad nang pakendeng-kendeng at BOG!

Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan. Saka siya
umiyak nang umiyak. Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng pagbagsak ng limang
dosenang itlog na kanyang sunung-sunong.

Mensahe: Gawing makatotohanan ang layunin o adhika upang ito ay


maisakatuparan.

Sanggunian: Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento (Legends
and other Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp.84-85.

Ang Punong Kawayan

Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian. Mabunga ang
Santol, mayabong ang Mangga, mabulaklak ang Kabalyero, tuwid at mabunga ang Niyog.
Ngunit sa isang tabi ng bakuran ay naroroon ang payat na Kawayan.

Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.

Tingnan ninyo ako, wika ni Santol. Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga bata.

Daig kita, wika ni Mangga. Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa bunga kaya
maraming ibon sa aking mga sanga.

Higit akong maganda, wika ni Kabalyero. Bulaklak ko'y marami at pulang-pula. Kahit
malayo, ako ay kitang-kita na.

Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at mabunga,wika
ni Niyog. Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan. Payat na at wala pang bulaklak at bunga.
Tingnan ninyo. Wala siyang kakibu-kibo. Lalo na siyang nagmumukhang kaawa-awa.
Nagtawanan ang mga punungkahoy. Pinagtawanan nila ang Punong Kawayan.

Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy. Pinalakas niya nang


pinalakas ang kanyang paghiip. At isang oras niyang pagkagalit ay nalagas ang mga
bulaklak, nahulog ang mga bunga at nangabuwal ang puno ng mayayabang na
punungkahoy. Tanging ang mababang-loob na si Kawayan ang sumunud-sunod sa hilip ng
malakas na hangin ang nakatayo at di nasalanta.

Mensahe: Ang kababaang-loob, papuri ang dulot.

Sanggunian: Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento (Legends
and other Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp.77-78.

Nakalbo ang Datu

Ang kuwentong ito ay tungkol sa ating kababayang Muslim. May katutubong kultura ang
mga Pilipinong Muslim tungkol sa pag-aasawa. Sa kanilang kalinangan, ang isang lalaki ay
maaaring mag-asawa nang dalawa o higit pa kung makakaya nilang masustentuhan ang
pakakasalang babae at ang magiging pamilya nila.

May isang datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod sa kanyang mga nasasakupan.
Lagi siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook. Nalimutan ng datu ang mag-asawa.
Siya ay pinayuhan ng matatandang tagapayo na kinakailangan niyang mag-asawa upang
magkaroon siya ng anak na magiging tagapagmana niya.

Napilitang mamili ang datu ng kakasamahin niya habang buhay. Naging pihikan ang datu
dahil sa dami ng magagandang dilag sa pinamumunuang pamayanan. Sa tulong ng
matiyagang pagpapayo ng matatandang bumubuo ng konseho, natuto ring umibig ang datu.
Ngunit hindi lamang iisang dilag ang napili ng datu kundi dalawang dalagang maganda na
ay mababait pa. Dahil sa wala siyang itulak-kabigin kung sino sa dalawa ang higit niyang
mahal kaya pinakasalan niya ang dalawang dalaga.

Ang isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin. Siya ay batang-bata at


napakalambing. Kahit na matanda na ang datu, mahal ni Hasmin ang asawa. Mahal na
mahal din siya ng datu kaya ipinagkaloob sa kanya ang bawat hilingin niya. Dahil sa
pagmamahal sa matandang datu, umisip si Hasmin ng paraan upang magmukhang bata ang
asawa.

Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng datu. Sa ganito, magmumukhang


kasinggulang ko lamang siya.

Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin. Sa tuwing mamamahinga ang datu, binubunutan ni
Hasmin ng puting buhok ang asawa. Dahil dito, madaling nakakatulog ang datu at
napakahimbing pa.

Mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa. Maganda, mabait si Farida ngunit
kasintanda ng datu. Tuwang-tuwa si Farida kapag nakikita ang mga puting buhok ng datu.
Kahit maganda siya, ayaw niyang magmukhang matanda.

Tuwing tanghali, sinusuklayan ni Farida ang datu. Kapag tulog na ang datu, palihim niyang
binubunot ang itim na buhok ng asawa.

Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa, siyang-siya sa buhay ang datu.


Maligayang-maligaya ang datu at pinagsisihan niya kung bakit di kaagad siya nag-asawa.
Ngunit gayon na lamang ang kanyang pagkabigla nang minsang manalamin siya, Hindi
niya nakilala ang kanyang sarili.

Kalbo! Kalbo, ako! sigaw ng datu.

Nakalbo ang datu dahil sa pagmamahal ni Hasmin at ni Farida.

Mensahe: Ang pagmamahal ay naipakikita sa iba't-ibang paraan.

Sanggunian: Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento (Legends
and other Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp.80-81.

(source: http://kapitbisig.com/philippines/information/arts-and-literature-mga-
kuwentong-bayan-folktales.190)

You might also like