You are on page 1of 29

Iniulat ni:

Magleo, Hedrian

Sanggunian:
https://www.youtube.com/watch?v=GXW2Vxx-KdM
KASAYSAYAN

 Pre-historic period (2,000 BC)- Ang Malayo-Polynesian ay dumating sa


pangasinan sakay ng bangka. Itinuro ang kagalingan sa paggawa ng asin sa mga
katutubo ng lalawigan.
 Natagpuan ni Juan de Salcedo ang Pangasinan habang binabaybay ang
Northern Luzon sa utos ng kanyang ama na Gobernador-Heneral ng Pilipinas na
si Miguel Lopez de Legazpi na ayusin ang kapayapaan sa parteng ito ng bansa.
 April 5, 1572 ay tuluyang sinakop ng Spain ang Pangasinan bilang isang
encomienda.
 Si Limahong, isang rebeldeng Tsino na matagal ng tinutugis ng mga Espanyol
ay napadpad sa pangasinan. Nagtayo siya ng kanyang tirahan sa bayan ng
Lingayen. Pagkatapos ng mahaba at madugong bakbakan, napaligiran ang
pwersa ni Limahong. Lingid sa kaalaman ng mga espanyol ay noong 1575 ay
gumawa ng lagusan patungong China Sea (Limahong Channel) at doon siya
tumakas.
 Noong 1580 ay ginawang isang Alcadia Mayor. Ang unang Alcalde ay si Don
Pedro Manrique. Sa panahong ito, ang Pangasinan ay mayroong napakalawak
na teritoryo.
 Coastal Villages na naging pagawaan ng asin ay Panag-asinan at ang nasa loob
ng lalawigan ay Caboloan.
 Noong 1611 ay si Andres Malong ay namuno sa rebolusyon laban sa mga
espanyol (Malong Revolt). Naideklara niyang malaya ang Pangasinan subalit wala
pang isang buwan ay nabawi muli ng pwersa ng mga Kastila ang Pangasinan.
 Si Juan Dela Cruz Palaris (Palaris Revolt) ang sumunod na naghimagsik laban
sa mga Espanyol noong 1762. Naging malaya muli ang Pangasinan sa loob ng
dalawang taon. Nang matugis si Palaris ay nagtagumpay muli ang pwersa ng mga
Kastila at ginawang San Carlos ang pangalan ng Binalatongan.
 Itinayo ang Casa Real sa Lingayen noong 1840 bilang opisina ng Alcalde Mayor.
 Ang Alcalde noon ay tumatayong gobernador sa kasalukuyan.
 Binuksan ng Espanya ang daungang-dagat sa bayan ng Sual para sa kalakalan
at pagawaan ng mga barko. Sinamahan ng Spanish Governor na si Primo de
Rivera si Gen. Emilio Aguinaldo para sumakay sa tren papuntang Dagupan at
pasakayin sa barko sa Sual upang ipatapon si Aguinaldo sa Hongkong noong
Dec. 27, 1897.
 Dahil sa matagumpay na pakikipaglaban ng mga magigiting na katipunero laban
sa mga Espanyol sa pamumuno ni Gen. Francisco Macabulos ay nakalayang
muli ang Pangasinan noong July 22, 1898.
 Don Daniel Maramba ng Sta. Barbara, Vicente del Prado ng San
Jacinto,Juan Quesada at Eliseo Arzadon ng Dagupan, ay tinalo nila ang
huling pwersa ng mga Kastila sa isang makasaysayang digmaan sa Lungsod ng
Dagupan.
 Feb. 5, 1899 ay inilipat ang Provincial Capital sa San Carlos para mailayo ito
sa banta ng pagsalakay ng mga Amerikano na pwedeng manggaling sa Lingayen
Gulf.
 Noong Agosto 1899 ay isinulat ni Jose Palma ang isang tula na naging liriko
ng ating Pambansang Awit sa bayan ng Bautista.
 Noon ay isa pa lamang baryo ang bayan ng Bayambang. Inilipat pansamantala
ang Kapital ng Pilipinas sa bayan ng Bayambang ni Gen. Emilio Aguinaldo na
noon ay kasalukuyang pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas. Pinag-usapan
ng kanyang gobyerno na buwagin na ang hukbo ng Pilipinas at gawing gerilya
ang pakikipagdigmaan laban sa mga Amerikano.
 Si Don Perfecto Sison ang itinanghal na unang gobernador ng Pangasinan at
ibinalik sa Lingayen noong Feb. 16, 1901 ang karangalan bilang sentro ng
lalawigan dahil sa bayang ito nakatayo ang Casa Real, ang dating kapitolyo ng
Pangasinan.
 Ang unang pampublikong High School ay itinayo sa Lingayen noong sept
1902, ang Pangasinan National High School.
 Si Gobernador Daniel Maramba na nagpagawa ng bagong kapitolyo ng
Pangasinan noong Feb. 1919 ay siya ring nanguna sa pagpapasinaya ng
nasabing gusali.
 Naging madugo ang digmaan sa Pangasinan noong World War II (Dec. 22,
1941). Nang umatras ang mga sundalong Amerikano kasama ang mga kawal na
Pilipino papuntang Bataan ay ang mga Hapon ang sumunod na naghari sa
lalawigan.
 Inilipat muli ang Provincial Capital sa Dagupan ng mga opisyales ng Japanese
Sponsored National Government. Dumating ang Allied Forces sa Pangasinan at
tinulungan ang mga beteranong Pangasinense para palayain ang Luzon sa
kamay ng mga Hapon.
 Unang dumaong si Gen. Douglas MacArthur sa Lingayen Jan. 9, 1945.
Pagkatapos ay bumalik siya at dumaong sa Dagupan at ang Provincial Capital
ay naibalik sa Lingayen.
 Itinayo ang Governor's Official Residence at Guest House na tinawag na Princess
Urduja Palace noong 1953. Si Princess Urduja ay isang Legendary Amazon
Princess noong 14th century.
 Isang Pangasinense si Fidel V. Ramos na naging presidente noong 1992. Itinayo
niya sa Pangasinan ang dalawang malalaking power plant sa Pilipinas at
nagsimulang magbigay ng kuryente ang San roque Hydro-ELectric Power Plant
ang pinakamalaking Hydro-electric power Plant sa South-East Asia at ang
Sual Coal-Fired Power Plant, ang pinakamalaki namang coal-fired power
plant sa bansa.
 Nagsimula ang masigabong pagbabago sa Pangasinan ng magsimula ang liberato
ni Governor Amado T. Espino Jr. Gumanda ang buhay ng mga naninirahan sa
Pangasinan.
HEYOGRAPIYA,
KLIMA,
demograpiya,
PRODUKTO AT MGA
MAGAGANDANG
TANAWIN
Iniulat ni:
Datul, Ericka Mae R.
Sanggunian:
https://tl.wikipedia.org/wiki/Pangasinan
https://piojosa29.wordpress.com/2012/12/31/beautiful-places-in-pangasinan/
https://mgaproduktongrehiyon.blogspot.com/2012/10/rehiyon-1.html
HEYOGRAPIYA
 Pampulitika

Ang lalawigan ng Pangasinan ay nahahati sa 44 bayan, 4 na lungsod, at 1,364


na mga barangay. May anim na distritong pangkinatawan ang lalawigan ng Pangasinan.

 Mga Lungsod
 Lungsod ng Alaminos
 Lungsod ng Urdaneta
 Lungsod ng Dagupan
 Lungsod ng San Carlos

 Mga Bayan

 Agno  Labrador  Santa Maria


 Aguilar  Laoac  Santo Tomas
 Alcala  Lingayen  Sison
 Anda  Mabini  Sual
 Asingan  Malasiqui  Tayug
 Balungao  Manaoag  Umingan
 Bani  Mangaldan  Urdaneta
 Basista  Mangatarem  Urbiztondo
 Bautista  Mapandan  Villasis
 Bayambang  Natividad
 Binalonan  Pozorrubio
 Binmaley  Rosales
 Bolinao  San Fabian
 Bugallon  San Jacinto
 Burgos  San Manuel
 Calasiao  San Nicolas
 Dasol  San Quintin
 Infanta  Santa Barbara

 Pisikal
Matatagpuan ang lalawigan ng Pangasinan sa kanlurang gitnang bahagi ng pulo
ng Luzon sa Pilipinas. Naghahanggan ang Pangasinan sa mga lalawigan ng La
Union at Benguet sa hilaga, sa Nueva Vizcaya at Nueva Ecija sa silanga, at
sa Zambalesat Tarlac sa timog. Matatagpuan sa kanluran ng lalawigan ang Dagat
Timog Tsina.
May kabuuang sukat ang Pangasinan na 5,451.01 square kilometres
(2,104.65 sq mi). Ang lalawigan ay nasa 170 kilometro (105.633 mi) hilaga ng Maynila,
50 kilometro (31.0685 mi.) timog ng Lungsod ng Baguio, 115 kilometro (71.4576 mi.)
hilaga ng Pandaigdigang Paliparan at Daungan ng Subic, at 80 kilometro (49.7096 mi.)
hilaga ng Paliparang Pandaigdig ng Clark.
KLIMA
Mainit ang klima sa mga lugar na malapit sa dalampasigan. Tuyo ang klima mula
Nobyembre hanggang Abril at maulan sa ibang buwan.

DEMOGRAPIYA
 Populasyon
Ang mga mamamayan ng Pangasinan (Totoon Pangasinan) ay tinatawag na
Pangasinan o sa Kinastilang Pangasinense, o sa payak na taga-Pangasinan. Ikatlong
pinakamataong lalawigan ang Pangasinan sa Pilipinas. Ayon sa senso noong 2000, 47
bahagdan ng populasyon ay mga Totoon Pangasinan at 44 na bahagdan ay mga Iloko.

Senso ng populasyon ng Pangasinan


Senso Populasyon +/-

1990 2,020,273 —
1995 2,178,412 1.5%
2000 2,434,086 2.41%
2007 2,645,395 1.15%
2010 2,779,862 0.69%
Source: National Statistics Office[2]

PRODUKTO
Kilala ang Pangasinan sa mga produktong:

 Tobacco  Coconut
 Bigas  Asin
 Prutas  Bagoong
 Bigas  Isda
 Rootcrops
MAGAGANDANG TANAWIN

1. Antong Falls in Sison Pangasinan

Isa na ang Antong falls sa ipinagmamalaki ngayon ng


Pangasinan dahil sa napakalinaw nitong tubig. Makikita mo rin
dito ang mga naglalakihang mga buhay na bato.

2. Mt. Balungao in Balungao, Pangasinan

Kakaibang ganda naman ang dulot na ganda ng Mt. Balungao


na talaga namang ipinagmamalaki ng mga taga Balungao.
Bukod sa hotsprings at swimming pools ay meron na din itong
mga picnic grooves, pavilion at ang isa sa mga pinaka patok na
adventure ngayon, ang zipline na talaga namang dinadagsa ng
karamihan sa atin.

3. Hundred Islands in Alaminos, Pangasinan


Kabigha-bighani naman din talaga ang pagkakagawa ng
kalikasan sa mga 100 pulong ito. Isa rin magandang pasyalan
ito ng mga magpapamilya.

4. Patar Beach in Bolinao, Pangasinan

Siguradong mamangha sa ganda nito, dahil sa virgin island pa ito


konti pa lamang ang nakakadiskubre ng itinatago ng bolinao.
Marami pang magagandang features ang bolinao na dapat nating
tangkilikin at ipagmalaki.

5. Umbrella Rock of Agno in Bayambang, Pangasinan

Kamangha-mangha naman talaga ang rock formation ng


matatagpuan sa Bayambang. Mistulang naglalakihang mga
payong ang mga batong ito.
PANITIKAN
ng
pangasinan
Iniulat ni:
Espedido, Myl Axel V.
ALAMAT/ULIRAN

ALAMAT NG ISANDAANG PULO


Ang bayan ng Alaminos ay tanyag sa pagkakaroon ng isandaang maliliit na mga pulo
(Hundred Islands) sa kanyang karagatan. Ngunit may kuwento kung paano nagkaroon
ng mga pulong ito. Ang isandaang mga pulo ay umusbong pagkatapos ng isang di
makalilimutang pangyayari sa nasabing bayan.

Noong unang panahon, ang Alaminos ay kilala bilang isang maasensong bayan. Sagana
ang bayan sa mga likas na yamang dagat. Ang mga mangingisda ay tuwang-tuwa sa
dami ng kanilang nahuhuli sa araw-araw. Maski ilang oras pa lamang sila pumapalaot
ay tiyak silang babalik sa pampang na puno ng huli ng iba’t-ibang klase ng isda.

Isang diwata ang nakatira sa karagatan ng Alaminos. Ayon sa mga matatanda may
isang perlas ang diwata na siyang nagbibigay ng magandang huli sa mga mangingisda.
Inatasan ng diwata ang kanyang nag-iisang anak na si Liglioa na maging tagabantay sa
nasabing perlas. Di tulad ng kanyang ina, si Liglioa ay may dugong mortal kung kaya’t
siya ay nakatira sa isang kubo malapit sa pampang at nakikihalubilo sa taombayan.
Mahal na mahal ng mga taombayan si Liglioa hindi lamang dahil sa siya ang bantay ng
perlas kundi pati na rin dahil mabait at matulungin ang dalaga.

Nalaman ng kabilang bayan ang dahilan ng likas na yamang dagat ng Alaminos. Naiingit
sila at sa pamumuno ni Datu Masubeg ay nagpasya silang dakpin si Liglioa at itago sa
kanilang bayan. Nakakasiguro silang ibibigay ng diwata ang perlas kapag nakita nitong
hawak nila ang kanyang anak. Sa ganoon, ang bayan din naman nila ang magkararanas
ng masaganang huli.

Ngunit bago pa man makalapit ng pampang ang mga taga-ibayo ay tinipon na ni Datu
Mabiskeg ang mga mahuhusay na mandirigma ng Alaminos upang ipagtanggol si
Liglioa. Nagkaroon nga ng digmaan sa karagatan ng Alaminos. Maraming mga
mandirigma ang namatay mula sa parehas na kampo.

Nagmakaawa si Liglioa sa kanyang diwatang ina na gumawa ng paraan upang matigil


na madugong digmaan. Hiniling niya sa kanyang ina na gumawa na lamang ng isa pang
perlas para sa kabilang bayan upang hindi na nila asamin ang perlas ng Alaminos.

Ngunit umiling ang diwata. Hindi na raw ito makakagawa ng isa pang perlas. Paliwanag
ng kanyang ina na ang tunay na perlas na nagbibigay ng masaganang huli sa
taombayan ng Alaminos ay walang iba kundi ang nag-iisa nitong anak- si Liglioa.

Nang marinig ni Liglioa ang sinabi ng ina ay napa-isip ito ng mabisang paraan upang
matigil na ang awayan. Nagsalita ang dalaga at hiniling nito sa kanyang ina na siya ay
pumalaot na lamang at magtago sa ilalim ng dagat upang sa ganoon ay walang sinoman
ang makakakuha ng perlas. Pumayag ang diwata sa nais ng dalaga. Mas magiging ligtas
para sa lahat ang naisip na paraan ng dalaga.
Samantala ang mga patay na mandirigma na palutang-lutang sa karagatan ay unti-
unting naging mga pulo. Halos isandaan ang mga nasawi sa nasabing digmaan para sa
perlas na nagdudulot ng masaganang huli. Ito ngayon ang naging tanyag na isandaang
mga pulo ng Alaminos.

BUGTONG/PABITLA O BONIKEW
1. Oalay asoc ya quisquis no onbatic tirakiang.
(Pang.) Baloto
I have a hairless dog, who goes belly upward.
Boat
2. Mapatar ya dalin tinoboay garing.
(Pang.) Ngipuen
Plain earth has grown ivory.
Teeth
3. Enlongon empantion onbangon mansermon.
(Pang.) Dila
Coffin in graveyard wakes up sermon.
Tongue
4. Amanu na mararamdam, dapot masaquit yang intindian, nung ing lupa na
ing quecang lauan a usta mu ing qucang sasabian.
(Pang.) Relos
His words are audible but difficult to understand; when you look at
his face you will understand what he says.
Clock
5. Matebtibonec malimtimbocol bagobagooay tapuco anbalbalangay dalem.
(Pang.) Atsuete
Round, plump; hairy outside; red inside.
Atsuete
A red fruit used for seasoning fish.
6. Dinan yan penalsay Dios ya loab tod tabla it say paoay toel equet.
(Pang.) Cabatite
What creature of God is smooth inside but like a net outside?
A fruit. Cabatite
7. Abongnin Dona Maria alictob na botilla.
(Pang.) Apayas
Dona Maria's house is surrounded by a bottle.
Papaya

NOBELA/KOMBILAY
Ang Po-on Isang Nobela ay isang nobela ng Pilipinong manunulat sa wikang Ingles na
si Francisco Sionil José. Ito ang pamagat ng mahabang salaysaying ito nang maisalin
ito sa wikang Tagalog. Sa Pilipinas, Po-on A Novel ang orihinal na pamagat nito sa
Ingles. Sa Estados Unidos, at para sa iba pang mga bansang nakapagsasalita ng Ingles,
kilala ang akdang ito bilang Dusk A Novel, na nangangahulugang takip-silim o dapit-
hapon.
Ito ang simula ng tinatawag na saga ng Rosales, Pangasinan (Rosales saga) ng may
limang bahagi, na kapwa mga nobela rin. Binubuo ang saga ng Rosales ng The
Pretenders, Tree, My Brother, My Executioner, Mass, at Po-on. Dito sa Po-on nagsimula
ang mga karanasan at kuwento hinggil sa mga salinlahi ng mga mag-anak na Samson,
simula kay Eustaqio “Istak” Samson, isang magsasakang sumapi sa pwersa ng mga
rebelde. Tinatalakay nito ang buhay ng mga pinag-ugatan ng salinlahi ng isang mag-
anak, na kinasasaliwan ng tunay at mayamang kasaysayan ng bansang Pilipinas. Ang
Po-on ang pinakauna sa mga nobelang bumubuo sa saga ng Rosales.

Buhay sa nobelang ito ang mga diwa ng mga pangyayari noong may kapayapaan,
digmaan, ang katayuan ng mga mahihirap at may-kaya, at maging ng mga may
pribilehiyo at kapangyarihan at yung mayroong kalayaan at karapatan. Maikli lamang
at panandalian ang naging kasiyahan sa puso ni Istak nang makamit ng bansang
Pilipinas ang kalayaan mula sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan, sapagkat
napalitan lamang ang mga Kastila ng mga bagong dayuhang mula sa Estados Unidos,
ang panahon pagkatapos ng Digmaang Kastila-Amerikano, isang yugto sa kasaysayan
ng Estados Unidos na hindi karaniwang binabalikan para talakayin o muling isalaysay.
Ito ang ginawa ni José sa loob ng nobelang Po-on, kasama ang pagbubukas ng pinto
tungkol sa epektong panlipunan at pangkaisipan na natamo ng mga mamamayang
napailalim sa pananakop at paniniil.
Naganap ang Po-on Isang Nobela noong kapanahunan ng mga dekada ng 1880
hanggang 1889, kung saan lumisan ang isang pamilyang Ilokano mula sa kanilang
tahanang-baryo para makipagsapalaran sa silangang Pangasinan, at upang tumakas
mula sa nahagip na mga kalupitan ng mga Kastila.
Isa sa mga pangunahing tauhan si Istak, isang Pilipinong Ilokano na bihasa sa
pagsasalita ng Kastila at Latin, isang kakayahan na namana niya mula sa pagtuturo ng
isang matandang kura paroko ng Cabugao. Maalam din siya sa sining ng panggamot.
Tanging balakid lamang sa kaniyang pagiging pari ang kaniyang pagiging Indio.
Namuhay siya sa isang panahon sa kasaysayan ng Pilipinas kung kailan maaaring
sumiklab ang isang pag-aalsa laban sa pamahalaang Kastila, isang panahon matapos
ang pagkakapatay ng tatlong paring mestiso sa Bagumbayan. Nagbabadya ang pitak ng
pagkakaroon ng rebolusyon, bagaman naroroon ang kawalan pa ng pagkakaisa ng
kapuluan at ng mga mamamayan noong mga panahong iyon. Nalalapit na rin ang
panahon ng pagtulong ng mga Amerikano laban sa pagpapaalis ng mga namamahalang
Kastila mula sa kapuluan pagkatapos ng tatlong dantaon.

KASABIHAN O SALAWIKAIN/ DIPARAN


 Maong ni makapoy a lupa
Nen say makapoy a kanunutan.

 Paliwanag: Pangasinense ito, na ang ibig sabihin ay “Mabuti na ang pangit na


mukha, huwag lang pangit na pag-iisip.” Ano ang “pangit” na pag-iisip?
Maaaring ito ay “pagbabalak ng masama,” “pagkabagabag ng loob,” “mahalay
na pagnanasa,” at iba pa.
 Aliwan amin ya tepet kanepegan to'y ebat. (Not all questions require an answer.)
 Say pongol nageba, tan say sobol naekatan. (An anthill can be demolished; and
spring may dry up.)
 Mairap bangone'y abangon. (It is difficult to awaken a person who pretends to be
asleep.)
 No mauges ed sika, ontan met ed toon kapara. (What is bad for you do not do to
others.)
 Anggan anto'y pansakob mo na buro, siansian onalopaop so angob to. (Though you
cover the bagoong, in due time it will smell.)

KANTAHIN/DANGOAN O KANSION
Pangasinan Folk Song: Malinak lay Labi
A night of calm

Oras la’y mareen No sika la’y nanengne'ng


An hour of peace When it's you that I see
Mapalpalna’y dagem Napunas lan amin
A gentle breeze All are wiped away
Katekep to’y linaew So ermen ya akbibiten
Along with it is the dew The sorrows that I bear
Samit da’y kugip ko No nanonotan
So sweet is my dream When I remember
Binangonan kon tampol Ko la'y samit day ugalim
Suddenly I awake Of your sweet kindness
Lapu’d say limgas mo Ag ta ka nalingwanan
Because of your beauty I will not forget you
Sikan sika’y amamayoen Angga’d kauyos na bilay
You are the only one I will love Until life is gone
Lalo la bilay
Best of all, my life
MGA
MANUNULAT
Iniulat ni:
Masanque, Mariel Ann Nicole O.

Sanggunian:

https://en.m.wikipedia.org/wiki/Category:Writers_from_Pangasinan

https://tl.m.wikipedia.org/wiki/F.Sionil_Jose
JUAN S. P. HIDALGO
• Siya ay tubong Pangasinan. Bagaman isinilang siya sa Intramuros, Maynila. Sa
iba-ibang pook nadedestino ang kanyang ina upang magturo. Bunga nito’y
pabago rin ang mga bayang kinalakihan nilang magkakapatid.

• Lumaki siya sa Baryo Cabuwagan ng Rosales, ang bayan kumg saan siya
nagsimulang magsulat.

• Binata na siya nang madiskubreng nasa lahi pala nila ang pagiging artista.

• Tinitignan niya ang sarili bilang “manunulat na pintor”.

Mga akda:

• Isa sa mga popular na akda ni Juan S. P. Hidalgo ang “Bituen ti Rosales”/


“Bituin ng Rosales”.

• “Sarita” noong 1999

• Linangan: Mga Bababsahin sa Humanides (1999)

CARLOS SAMPAYAN BULOSAN

 mas kilala siya sa kanyang gawa na semi-autobiographical “America Is in the


Heart. Pero una siyang nakakuha ng kasikatan ay sa kanyang sanaysay noong
1943 na “The Freedom from Want.

F. SIONEL JOSE

 isa sa mga Pilipinong manunulat na kilala sa pagsulat gamit ang wikang


Ingles. Ang kanyang mga nobela at maiikling kwento ay patungkol sa
paghihirap at kolonyalismo sa ating lipunan. Ang kanyang mga gawa ay
naisalin na sa iba’t ibang wika, kagaya ng Korean, Indonesian, Czech, Russian,
Latvian, Ukranian at Dutch.
Kultura,
tradisyon,
paniniwala at
pamumuhay

Iniulat ni:
Soriano, Maila C.

Sanggunian:

https://www.tripapips.com/home/the-taste-of-pangasinan-6-must-try-dishes-in-
calasiao-and-dagupan-city#Wh_beDORXqA

https://pangasinanweddingpractices.blogspot.com/2011/06/its-difficult-to-hol-
on-to

https://en.wikifilipinas.org/index.php/Pangasinan_folk_songs
KULTURA NG PANGASINAN
 Ang kultura ng Pangasinan ay pinaghalong kultura ng mga katutubong Malayo-
Polynesyan at Kastila at kaunting impluwensya ng mga Tsino at mga
Amerikano.
 Sa ngayon, ang kultura ng Pangasinan ay nagiging makakanluranin na ngunit
nananatiling mayaman at katutubong Filipino.

PANGKAT ETNIKO

 Tinatayang 1.5 milyon ang katutubong Pangasinan.


 Sinasalita ang Pangasinense bilang ikalawang wika ng etnikong minorya sa
Pangasinan. Ang pinakakilala ditong pangkat etnikong minorya ay ang mga Iloko,
Bolinao at mga Tagalog.
 Pangasinense ang wikang ginagamit ng mga taong naninirahan sa gitnang bahagi
ng Pangasinan. At Ilokano naman ang pangunahing wika sa pinakamalaking bahagi
ng lalawigan. Samantalang ang Bolinao ay mayroong sariling wika.

HANAPBUHAY

 Ang sinaunang pamumuhay ng mga tao rito ay ang pangingisda. Hindi ito
maikakaila sapagkat napapaligiran ito ng mga anyong tubig tulad ng mga dagat,ilog
atbp. Kilala sa paggawa ng mga bagoong at asin. Isang halimbawa nito ay ang asinan
sa Dasol.
 Ang Panggasinan din ang isa sa mga nagsusuplay o kinikilalang suplayer ng bigas
sa bansang Pilipinas. Istruktura ng Kabahayan Kubo lamang ang pangkaraniwang
istruktura ng kabahayan sa Pangasinan. Dahil napapaligiran ang lalawigan ng mga
anyong tubig kung kaya't ang kanilang bahay ay tinataasan bilang paghahanda sa
baha. At kung minsan din ang espasyo sa ibaba ng kanilang bahay ay ang tirahan
ng kanilang mga alagang manok, pato o kaya'y kambing.

PANANAMIT

 Makikita ang pagiging konserbatibo ng mga matatanda noon sa Pangasinan. Sa mga


babae ang mga kasuotan ay bestida at kimona. Hindi sila nagsusuot noon ng mga
pantalon sapagkat ito'y panlalaki.
 Sa mga lalaki naman ay mga damit na may mahahabang manggas na kung minsan
ay ginagamit nila sa pagsasaka, sando at hindi kapit na pantalon o kaya'y barong
tagalog.
PIYESTA

 Bawat lugar ay may ipinagdiriwang na piyesta.


 Bibingka Festival
 Pakwan Festival
 Sigay Festival
 Talong Festival
 Bagoong Festival
PAGKAIN

 Kaleskes - Ang kaleskes ay isang pagkain Pangasinense na nangangahulugan ng


"bituka" na siyang pangunahing sangkap nito. Pigar-pigar - Ito ay karneng baka na
hiniwa-hiwa sa maliliit na piraso at pinirito na may kasamang gulay.
 Ang Pigar-pigar ay salitang Pangasinense na nangangahulugan ng "binalibaliktad"
dahil sa pamamaraan ng pagluluto nito.
 Bangus at Hito - Maliban sa Bangus Dagupan, ang inihaw na hito ang pinipilahan
rin ng marami rito sa Pangasinan. Mas lalo itong pinasarap dahil sa sawsawang
bagoong na nilalagyan ng kalamansi at sili.
 Putong Calasiao - Ang Puto Calasiao ay pagkaing mula sa giniling na bigas at
binuburo ng ilang araw bago ito lutuin at maging isang masarap na puto. Ang maliliit
na bilog na pagkaing ito ay may iba't ibang flavors tulad ng cheese, ube, pandan at
maging strawberry.
 Inkaldit/Patupat - Isang uri ng minatamis na lagkitan na niluto sa gata at binalot
sa dahon ng niyog na nilala. Maihahambing ang lasa nito sa biko at ang kanyang
itsura sa 'puso' sa Bisaya.

MGA KILALANG PERSONALIDAD

 Fernando Poe Sr.


 Former President Fidel V. Ramos
 Marc Pingris
 Ana "The Hurricane" Julaton
 Papa Jack
 Jhong Hilario

AWIT

 Cancionan na ang ibig sabihin ay "kantahan". Ito ay isang debate sa musika


at panulaan. Ang cancionan ay nilalapatan ng tema at wastong himig para sa
isang pagtatanghal. Binubuo ito ng 5 bahagi:
1. Pansatabi - Ito ay ang pasasalamat ng cancionista sa mga isponsor at
gayundin ang pasasalamat sa Dakilang Maylikha.
2. Pangangarapan- Dito ay inaalam ng kababaihan ang tungkol sa
kalagayan sa buhay at mga gawain ng kalalakihan.
3. Pangkabataan - Magbibigay ang kababaihan ng mga tanong tungkol sa
Banal na Kasulatan at bibigyan din ang lalaki ng mga mahihirap na
gawain.
4. Cupido - sisikapin ng kalalakihan na makuha ang matamis na oo (pag-
ibig) sa pamamagitan ng pagtugtog ng instrumentong pangmusika at ng
kanyang mabulaklak na pananalita.
5. Balitang- Ito ang huling bahagi na kung saan ay inaatasan ang
kalalakihang napili na umakyat sa tanghalan bilang pagtanggap sa kanya.
Ito ay ang sumasalamin sa pagpapatuloy sa lalaki sa bahay ng kanyang
nililigawan.

KAUGALIAN AT PANINIWALA

 Mga Kaugalian sa Pag-aasawa at Kasal - Sange, ito ay ang pamamanhikan


sa Pangasinan. Pagreregalo ng lalaki na puso ng hayop sa babaeng kanyang
nililigawan bilang tanda ng kanyang katapatan. Pagkatapos ng kasal ay
inihahatid ng banda bilang pantaboy at pagbugaw sa mga masasamang
pangitain sa kanilang pagsasama.
 Kaugalian sa Burol - nagsisiga sa bahay ng yumao mula sa araw ng
pagkamatay hanggang sa paghatid sa kanyang huling hantungan.
 Paniniwala sa Paglilibing sa Silong ng Bahay - inililibing nila ang kanilang
yumao sa ilalim ng kusina na kung saan matatagpuan ang daluyan ng tubig.
Sa paniniwalang nais ng patay na maligo ng malamig.
 Pagpapausok sa Ina - ang bagong panganak ay pinapausukan sa loob ng 23
hanggang 30 araw sa silid na kinukurtinahan ng mga dahon ng saging upang
hindi malamigan.
 Kaugalian sa Binyag - Kaagad na tinatakbo ng mga ninong at ninang
patungong pintuan ng simbahan sa paniniwalang ang unang makakarating ay
magiging mayaman at hahaba ang buhay.
WIKA AT BARAYTI
NG WIKA
SA PANGASINAN
Iniulat ni:
Estrada, Minrado P. Jr.
Manangan, Melhyne Grace M.
ORTOGRAPIYA
Ang Wikang Pangasinan (Pangasinan: Salitan Pangasinan)
o Pangasinense ay nasasailalim sa sangay Malayo-Polynesian ng pamilya ng mga
wikang Austronesian. Sinasalita ang Panggasinan ng higit pa sa dalawang milyong
tao sa lalawigan ng Pangasinan, ng iba pang mga pamayanang Pangasinan
sa Pilipinas, at ng kapansin-pansing bilang ng mga Amerikanong may
kanunununuang Pangasinan.

Malaki ang ipinagbago ng lalawigan ng Pangasinan sa antas ng impraestruktura,


agrikultura, pangisdaan, turismo, kultura, at pagmimina sa mga nagdaang taon, at
ngayon ay maidaragdag ang isa pa: wika. Mabigat na usapin ang Pangasinan bilang
wika dahil ang heograpiya ng Pangasinan ay bukás sa mabibilis na migrasyon at
transaksiyon ng mga tao. Ang komunikasyon ay hindi na dominado ng taal na
Pangasinan, bagkus ng iba pang wikang gaya ng Agta, Bikol, Bisaya, Bulinaw, Iluko,
Ifugaw, Kapampangan, Maranaw, Palawan, Sambal, Tagalog, at iba pa. Ang dating
Tagalog ay naghunos ng anyo at naging Filipino, na lalong lumakas sa dami ng mga
akdang nalalathala sa anyong papel o elektronikong paraan.
Kahit ang mga pangunahing estasyon sa telebisyon at radyo sa lalawigang
Pangasinan ay nasa wikang Filipino na. Ito ay marahil sa pangyayaring kinikilala na sa
buong Pangasinan na ang buong lalawigan ay tagpuan ng sari-saring tao na iba’t iba
ang pinagmulan, at dahil iba-iba ang interes at kalooban ay kinakailangang pag-isahin
kahit sa antas ng diskurso at komunikasyon. Sa pagkakataong ito, ang pagpapakilala
muli sa wikang Pangasinan ay isang paraan ng pagbawi sa nakaraan at paghalukay sa
gunita, na ngayon ay magsisimula sa pagpupundar ng isang masasandigang
ortograpiya.
Kinakailangan ang ortograpiyang Pangasinan, dahil ang mga tekstong
Pangasinan ay nananatiling sinauna ang pagbaybay na waring matapat na
pagsunod sa mga frayleng Espanyol, na gumagamit ng wika alinsunod sa
pamantayan ng Espanyol. Sa makabagong ortograpiya, ang paraan ng panghihiram
ng salita sa mga wikang banyaga,gayang Espanyol, Ingles, Pranses, Hapones, at
Tsino, ay sinisikap lapatan ng mga panuto kung paano isasakatuparan nang sa
gayon ay mapabilis ang pag-angkin ng mga salitang hiram at makatulong
pagkaraan sa pagpapalago ng korpus ng Pangasinan.

Mapapansin kung gayon na ang paraan ng panghihiram sa Espanyol sa panig


ng Pangasinan ay hindi nalalayo kung ihahambing sa ginawang paraan ng panghihiram
ng banyagang wika sa makabagong ortograpiyang Filipino. Ginawa ito upang mapabilis
at mapagaan ang panghihiram, at nang maiwasan ang arbitraryong paraan ng
pagbabaybay na walang masinop na batayan. Makikita ito sa adaptasyon ng kambal-
patinig, diptong, triptong, pagsisingit ng katinig na \y\ o \w\ kapag nauuna ang
mahihinang patinig na \i\ at \u\ sa malalakas na patinig na \a\, \e\, at \o\. Ang
paraan ng panghihiram sa Espanyol ay isinaalang-alang din ang bigkas na \ng\,gayasa
“konggreso” [congreso], “bángko” [banco], at engkanto [encanto]. Tinimbang din ang
pagkaltas sa \h\ o \u\ sa orihinal na Espanyol kapag hindi binibigkas, gaya ng sa
“arina” [harina], “asyenda” [hacienda], at “elado” [helado], o kaya’y “eskirol” [esquirol],
“eskema” [esquema], “keso” [queso].
Ngunit higit pa rito, maraming hispanisadong salita sa Pangasinan, na kahit ang
mga pangalan ng bayan ay nasusulat pa rin sa sinaunang pagbaybay. Halimbawa na
rito na “Balungao” [balunggáw, na binibigkas kung minsan na ba·lú·ngaw], Calasiao
[kalasyáw], Laoac [láwak], Malasiqui [malasikí], at Manaoag [manáwag]. Maraming
natuklasan dito si P. Immanuel Sison Escano, na bilang alagad ng Simbahan at eskolar
sa wikang Pangasinan, ay maglilitanya ng samot-saring salitang taal sa Pangasinan na
hispanisado ang pagkakasulat, at nagbabanta ngayong gumawa ng modernong
diksiyonaryo, bokabularyo, at tesoro na papalit sagayang kina Lorenzo Fernández
Cosgaya, Anastacio Austria Macaraeg, at Mariano Pellicer.

Hindi pangwakas ang mga panuto na ginawa sa Ortograpiyang Pangasinan, at


inaasahan ang patuloy na pagbabago habang pinipino ang mga ito. Ito ay dahil ang mga
paraan ng panghihiram, halimbawa sa Ingles, ay hindi pa ganap na pulido at
napakarami ang paraan ng pagbigkas sa patinig at katinig. Ang mga panuto sa
panghihiram sa Ingles ay masasabing pansamantala, habang sinusuri pa ng mga
eksperto ang mga mungkahing hakbang sa pagtanggap at pang-angkin ng mga salita.
Sa kabilang dako, hindi pa ganap na tapos ang diskusyon sa paggamit ng \i\ sa mga
taal na salitang Pangasinan, at ang pag-angkin ng titik \e\ sa mga salitang hiram.
Bagaman waring nalutas na ang kaso ng mga titik \o\ at \u\ sa mga taal na
Pangasinan, at kung alin ang mauunang lumitaw sa loob ng isang salita, ang panuto
hinggil dito ay nangangailangan pa ng karagdagang halimbawa na maaaring hugutin
sa mga nalathalang panitikan.

Inaasahang malaki ang maitutulong ng ortograpiyang Pangasinan sa


pagpapaunlad ng panitikang Pangasinan at pagsasalin ng mga tekstong banyaga.
Magiging gabay ito sa pagpapalathala ng mga susunod na akda, kaya kinakailangan
ang pagsasanay sa panig ng mga editor at manunulat. Ang produksiyon ng mga
akdang Pangasinan ay isang usaping nangangailangan ng bukod na talakay, at
marahil inuman, ng mga tarikang dalubwika, manunulat, at editor. Idiniriin
lamang dito na kung may magiging padron ng paraan ng pagsusulat, panghihiram,
at pagsasalin ng mga salita, ang padrong ito ay dapat aktibong pakialaman ng mga
manunulat at editor, at panghimasukan ng madla bilang aktibong kritiko at
konsumidor ng mga akdang pampanitikan. Sa ganitong paraan, ang madla ay hindi
nagiging pasibong tagasagap lamang ng mga salita o obra ng mga manunulat. Ang
madla ay posibleng maging aktibong tagapag-ambag sa pagpapalago ng panitikan,
at matututong tumutol lumunok ng mga patakbuhing kathang popular, at kung
pumuri may ay maaasahang magtataglay ng maselang panlasa at matayog na
kamalayán.

Makabubuting pahalagahan ng buong lalawigan ang pagsisikap na bumuo


ng Ortograpiyang Pangasinan. Sa pamamagitan nito, mahuhutok maging maláy
at maingat ang mga mag-aaral, bukod pa ang mga manunulat, mananaliksik, at
editor, hinggil sa mga katangian ng mga salitang taal, hiram, balbal, jargon,
siyentipiko, bagong-likha, at iba pa. Magkakaroon ng padron sa pagsulat, ispeling,
bantas, at bigkas, na sa paglipas ng panahon ay magtatampok nang malalim at
malawak sa kaakuhan ng Pangasinan hindi lamang bilang pook bagkus isang
kabihasnan. Ang pagpapahalaga ay maaaring magsimula sa mismong paggamit ng
wikang Pangasinan sa mga pang-araw-araw na komunikasyon, mulang pamilya
hanggang diyasporang Filipino saanmang panig ng mundo. Magkakaroon pa ito ng
suhay dahil ang pambansang adyenda ng administrasyon ni Pang. Benigno S.
Aquino III ay nakatuon sa paglinang ng mga wikang panrehiyon tungo sa
pagpapalakas ng pambansang wikang Filipino, habang bukás sa mga pagbabago sa
internasyonal na ugnayang gagamit sa Ingles at iba pang banyagang wika. Ang
mithing ito ni Pang. Aquino ang mithing nais lagyan ng laman at buto ng Komisyon
sa Wikang Filipino.

Makasaysayan ang pagpupunyagi sa Ortograpiyang Pangasinan sapagkat


aktibong nakilahok si Gob. Amado T. Espino Jr. sa pamamagitan ng pag-aabot ng
ayudang pinansiyal at moral sa pangkat. Kung hindi dahil sa butihing gobernador,
posibleng nabalam pa ang pagbubuo ng ortograpiya dahil napakahirap tipunin ang mga
dalubwika, edukador, manunulat, editor, at kritiko sa isang pook upang pag-usapan
ang wikang pambihira ang pahiwatig at pakahulugan. Dapat ding pasalamatan sina
Panlalawigang Administrador Rafael F. Baraan at Punong Panturismo Maria Luisa A.
Elduayan na pawang walang sawa sa pagsubaybay sa pangkat, at nagbuhos ng
panahon at pagod para maisakatuparan ang lunggati sa wika.
Sa dakong huli, ang tagumpay ng ortograpiya ay nasa palad ng mga
Pangasinense. Kung hindi gagamitin, lilinangin, at palalaganapin ng mga
Pangasinense ang Pangasinan sa loob ng lalawigan o sa iba pang panig ng kapuluan
kung hindi man sa ibayong sa ibayong-dagat, ang Pangasinan ay nakatadhanang
mamatay. Kaya hinahamon ang lahat na makilahok sa proyektong ito. Hinihimok
ang bawat isa na magpukol ng mabibigat na puna at mungkahi, nang maisaalang-
alang ng mga dalubwika at mailahok bilang makabuluhang panuto, susog, at tala
sa susunod na Modernong Ortograpiyang Pangasinan.

GRAMATIKA
Struktura ng Pangungusap
Ang wikang Pangasinan ay binubuo pandiwa-simuno-paksa sa loob ng isang
pangungusap.
Panghalip (Personal)

Absolutive Absolutive
Ergative Oblique
Independent Enclitic
1st person singular siák ak -k(o) ed siak
1st person dual sikatá ita, ta -ta ed sikata
2nd person singular siká ka -m(o) ed sika
3rd person singular sikató -, -a to ed sikato
1st person plural ed
sikatayó itayo, tayo -tayo
inclusive sikatayo
1st person plural
sikamí kamí mi ed sikami
exclusive
2nd person plural sikayó kayó yo ed sikayo
3rd person plural sikara ira, ra da ed sikara

PANLAPI
Katulad ng Filipino, ang mga salita sa Pangasinan ay nilalapian din. Ilan sa
mga panlaping ginagamit ay ang mga sumusunod:

-UM- SAN-
MAKAN-, AKAN- SANKA-
PINAGKA- SANKA-AN
INKA- MA-
KA MAY-
KA-AN MAY-EN
-AN
Halimbawa:
Kailan- Kapigan, pigan (Ka- at –pigan)

NUMERO
Tagalog Pangasinan
Isa Sakey
Dalawa Duwara, Dua
Tatlo Talora, Talo
Apat Apatira, Apat
Lima Limara, Lima
Anim Animira, Anim
Pito Pitora, Pito
Wala Walora, Walo
SIyam Siamira, Siam
Sampu Samplora,
Samplo

CARDINAL NUMBERS
Pangasinan Tagalog
isa, sakey, san- Isa
dua, dua'ra (dua ira) Dalawa
talo, -tlo, talo'ra (talo ira) Tatlo
apat, -pat, apatira (apat ira) Apat
lima, lima'ra (lima ira) Lima
anem, -nem, anemira (anem ira) Anim
pito, pito'ra (pito ira) Pito
walo, walo'ra (walo ira) Walo
siam, siamira (siam ira) Siyam
polo, samplo (isa'n polo), samplo'ra (isa'n polo ira) sampo
lasus, sanlasus (isa'n lasus) Sandaan, Isang daan
libo, sakey libo Libo, Isang Libo
laksa, sanlaksa (isa'n laksa), sakey a laksa Sampong libo

ORDINAL NUMBERS
Nabubuo ang salita kapag ang numero o salita ay may panlaping KUMA- (Ka at Um)
Hal. Kumandua (pangalawa)

ASSOCIATIVE NUMBERS
Nabubuo ang salita kapag ang numero o salita ay may panlaping KA-.
Hal. Katlo (pangatlo sa grupo ng tatlo)

FRACTION NUMBERS
Nabubuo ang salita kapag ang numero o salita ay may panlaping KA- na may
kasamang Associative Numbers.
Hal. Kakatlo (pangatlong parte)

MULTIPLICATIVES ORDINAL NUMBERS


Nabubuo ang salita kapag ang numero o salita ay may panlaping PI- at may
kasamang Cardinal Numbers na may panlaping PIN-. Ginagamit lamang ito sa
bilang dalawa at sa mga sumunod pang bilang.
Hal. Pidua (pangalawang beses), Pinlima (panglimang beses)

MULTIPLIVATIVES CARDINAL NUMBERS


Nabubuo ang salita kapag ang numero o salita ay may panlaping MAN-
(MAMI-, MAMIN- para sa pangkasaluyukan at AMI- o AMIN- para sa pang nagdaan)
Hal. Aminsan (isang beses), Amidua (pangalawang beses), Mamitlo
(pangatlong beses)
DISTRIBUTIVE CARDINAL NUMBERS
Nabubuo ang salita kapag ang numero o salita ay may panlaping SAN-, TAG-
, o TUNGGAL-.
Hal. Sansakey (tig-isa), Sanderua (tig-dalawa)

DISTRIBUTIVE MULTIPLICATIVE NUMBERS


Nabubuo ang salita kapag ang numero o salita ay may panlaping MAGSI-,
TUNGGAL-, BALANGSAKEY-.
Hal. Tunggal pamidua (Tig-dalawang beses)

PONOLOHIYA NG WIKANG PANGASINAN


KATINIG

PARAAN NG
Labi Ngipin Palatal Velar Glottal
ARTIKULASYON

Pailong m n ŋ

Walang tinig p t tʃ k ʔ

Pasara

May tinig b d dʒ ɡ

Pasutsot s ʃ

Pakatal ɾ

Approximant l j w
PATINIG

Harap Sentral Likod

Mataas i u

Gitna ə

Gitnang-
ɛ ɔ
Mababa

Mababa a

ALPABETO
Malalaking Letra ( angkabaleg ya Letra )

A B C D E F G H I J K L M N NG O P Q R S T U V W X Y Z

Maliliit na Letra ( angkekelag ya Letra )

a b c d e f g h i j k l m n ng o p q r s t u v w x y z

 Mapapansin natin na ang alpabeto na ginagamit sa Pangasinan ay


kapareho lamang ng albabeto na umiiral sa buong Pilipinas.

MGA HALIMBAWANG SALITA

TAGALOG PANGASINENSE
Ano anto
Saan iner
Kailan kapigan
Paano panonto
TAGALOG PANGASINENSE
Ulo Olo
Buhok Buwek
Mata Mata
Tainga Layag
Ilong Ileng
Labi Bibil
Ngipin Ngipen
Dila Dila
Mukha Lupa
Leeg Beklew

TAGALOG PANGASINENSE
Maganda Magana
Pangit Alikliwa
Malaki Baleg
Maliit Melag
Maputi Amputi
Maitim Andeket
Mabigat Ambelat
Magaan Anlemew
Mataba Mataba
Payat Mabeng
Malinis Malinis
Madumi Maringot

MGA HALIMBAWANG SALITANG PANGASINENSE NA KATULAD SA TAGALOG


NGUNIT MAGKAIBA NG KAHULUGAN

SALITA PANGASINENSE
Utot Daga
Wala Meron
Labi Gabi
Laki Lalaki
Balo Bago

IBA PANG WIKA NA MALAKI ANG PAGKAKATULAD SA WIKANG


PANGASINENSE
Ibaloy

 Ang Wika ng Ibaloi ay nag-ugat sa Malayo-Polynesian na sangay ng


Austronesyanong wika. Ito ay may kaugnayan sa wika ng Pangasinan na
matatagpuan sa timog-kanluran malapit sa Benguet. Sa paglipas ng panahon,
unti-unting nalilimitahan ang paggamit ng Nabaloi. Ang patuloy na
pagsasawalang-bahala dito ay makakaimpluwensiya sa maaaring paglaho ng
lenggwaheng Ibaloi sa mga susunod na henerasyon. Ang paggamit ng wikang
Tagalog, Ingles at Ilokano ay mas nagiging dominante maging sa bagong
henerasyon ng mga katutubong Ibaloi.

MGA HALIMBAWANG SALITA

PANGASINENSE IBALOI
Sakey Sahey
Duara Shuwa
Talora Teddo
Apatira Epat
Limara Dima
Animira Enem

Kalanguya

 Ang Wikang Kalanguya ay sinasalita sa mga lugar ng Central Kalanguya


(Kayapa), Northern Kalanguya (Ambaguio, Tinoc), Southern Kalanguya (Santa
Fe), Western Kalanguya (Benguet). Ang katawagan sa wikang ito ay hinango rin
sa
PANGASINENSE KALANGUYA
Olo Ulo
Buwek Buwek
Ileng Eleng
Beklew Buklew
Ebet Ubet
Sali Hali
Karaw/ Karao
 Ang wikang Karao (kilala rin bilang Karaw) ay isang wika
sa hilagang Luzon sa Pilipinas. Ito ay sinasalita sa mga lugar ng Karao, Ekip,
at Bokod ng kanlurang Benguet, at timog-kanlurang probinsya ng Ifugao. Ang
pangalang ito ay kapangalan ng munisipalidad ng Karaw sa Benguet.

PANGASINENSE IBALOI
Sakey Sa-ki
Duara Chowa
Talora Tris
Apatira Kowatro
Limara Dima
Animira Enem

You might also like