You are on page 1of 11

MGA WIKA AT

DAYALEK SA •INIHANDA NI:


PILIPINAS/ • MERIE GRACE N. RANTE
KLASIPIKASYON •KURSO:
NG • FT 606 PAHAMBING NA
PAG- AARAL SA IBA’T IBANG
WIKA SA PILIPINAS WIKA SA PILIPINAS
LAYUNIN

a. Naibabahagi at nasusuri ang mga Wika at Dayalekto sa Pilipinas;

b. Nakatutukoy sa mga Klasipikasyon ng mga Wika sa Pilipinas; at


c. Nakabubuo ang mga mag-aaral ng kongklussyon ukol sa mga paksang natalakay.
MGA WIKA AT DAYALEK SA PILIPINAS
Ang Pilipinas ay isa sa mga pinakamasaganang lugar pagdating sa bilang ng wika. Sa
Katunayan ang bansang Pilipinas ay maroon 178 mga wika na naitala ng Enthologue ng Summer
Institute of Linguistics sa kasalukuyan. (Lewis)

Inihayag naman ni Constantino (57) na hindi madaling gawain ang magtala ng bilang ng mga wika
sa Pilipinas dahil sa iba’t ibang dahilan. Isa na rito ang katotohanang hanggang sa kasulukuyan ay
maraming mga wika sa Pilipinas ang hindi pa naidodokumento sapagkat mahirap puntahan ang mga
pamayanang nagsasalita ng mga ito. Isa pang tinitingan dahilan ang pagkakaiba sa pananaw ng lingwist
at ng mismong speaker ng isang partikular na wika
MGA WIKA AT DAYALEK SA PILIPINAS

Ayon kay Henry Gleason, ang Wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang
tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga tao sa pakikipagtalastasan na
nabibilang sa iisang kultura.

Wika pinakamahalagang kasangkapan ng tao sa pakikipagtalastasan. -- behikulo ng


ating ekspresyon at komunikasyon na epektibong nagagamit. (FutureEduc)

Dayalek ang tawag sa wikang ginagamit sa isang partikular na pook o lugar, maliit


man o malaki. Ito ang unang wika na nakagisnan natin sa ating tahanan. Kadalasan itong ginagamit ng
ating mga magulang at iba pang mga miyembro ng ating pamilya. (TakdangAralin.ph)

Wika at dayalek
KLASIPIKASYON
NG WIKA SA
PILIPINAS
KLASIPIKASYON NG WIKA SA PILIPINAS

Ang mga katutubong wika sa kapuluang Pilipinas, ay mga sumusunod at pinakamalaki at malimit gamitin
bilang pangunahing wika sa kaniya-kaniyang rehiyon sa bansa:

TAGALOG: Wikang batayan ng Filipino. Pangunahing wika ng mga naninirahan sa katimugang bahagi ng
Luzon. Sinasalita ng 24% ng kabuuang bilang ng mga Pilipino sa buong kapuluan. Taal na gamit sa mga
lalawigan ng Cavite, Laguna, Bataan, Batangas, Rizal, Quezon (kilala rin sa tawag na
CALABARZON). Ginagamit rin ito sa mga lalawigan ng Mindoro, Marinduque, Romblon, at
Palawan (kilala rin sa tawag na MIMAROPA). Ito rin ang pangunahing wika ng
Pambansang Punong Rehiyon na siyang kabisera ng bansa.

ILOKANO: Kilala rin sa tawag na "Iloko." Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Hilagang Luzon lalo na
sa kabuuan ng Rehiyon I at Rehiyon II, at ilang bahagi ng Rehiyon II
KLASIPIKASYON NG WIKA SA PILIPINAS

CEBUANO: Ang pinakakilala at pinakamalawig na wikang "Bisaya." Pangunahing wika ng lalawigan ng


Cebu, Silangang Negros, Bohol, Leyte, Timog Leyte, at malaking bahagi ng Mindanao. Tinatayang
sinasalita ng 27% ng kabuuang populasyon ng bansa.
HILIGAYNON: Isang wikang Bisaya na tinatawag ding Ilonggo batay sa pinakakilalang diyalekto nito mula
sa Lungsod ng Iloilo. Pangunahing wika ng Kanlurang Visayas lalo na sa Iloilo, Capiz, Guimaras,
kabuuan ng Negros Occidental, at sa timog-silangang Mindanao tulad ng Lungsod ng Koronadal.

WARAY: Isang wikang Bisaya na tinatawag ding Waray-Waray. Pangunahing wika ng Silangang Visayas
partikular sa buong pulo ng Samar, hilagang-silangang Leyte, at ilang bahagi ng Biliran. Sinasalita sa
Lungsod ng Tacloban.
KAPAMPANGAN: Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Gitnang Luzon partikular na sa Pampanga,
timog Tarlac, at iilang bahagi ng Bulacan at Bataan.
KLASIPIKASYON NG WIKA SA PILIPINAS

BIKOL: Pangunahing wika (lingua franca) ng mga naninirahan sa Tangway ng Bicol sa timog-
silangang Luzon. Sinasalita sa mga lungsod ng Naga at Legazpi.
PANGASINAN: Malimit ding tawagin sa maling pangalan na Panggalatok. Isa sa mga pangunahing
wika ng Lalawigan ng Pangasinan.
MERANAO: Isa sa mga pinakamalaking wika ng mga Moro. Pangunahing sinasalita sa
Lungsod ng Marawi at buong Lanao del Sur, at ilang bahagi ng Lanao del Norte.

MAGUINDANAO: Isang pangunahing wika ng mga Moro at ng


Autonomous Region of Muslim Mindanao. Sinasalita sa Lungsod ng Cotabato.
KINARAY-A: Isang wikang Bisaya. Pangunahing sinasalita sa pulo ng Panay partikular sa Antique at
ilang bahagi ng Lalawigan ng Capiz at Iloilo tulad ng Lungsod ng Passi
Dapat Tandaan:

Ang itinuturing na ‘wikang katutubo’ ay alinman sa mga wika na


sinasalita ng isang tao na ang mga magulang ay may angkang
katutubo sa Pilipinas. Kabílang sa wikang katutubo ang
pangunahing gaya ng Tagalog o Waray o ang maliit na gaya ng
Higaonon o Ivatan. Kahit maraming nagsasalita ngayon ng
mga wika ng ibang bansa gaya ng Ingles sa mamamayan ng
Pilipinas ay hindi maituturing na wikang katutubo ang wika
Ingles o ng ibang bansa.”
Sanggunian
https://pcij.org/data/164/ang-mga-wika-ng-pilipinas
https://www.coursehero.com/u/file/p57pl010/KLASIPIKASYON-NG-WIKA-SA-
PILIPINAS-Itinakdang-Bunga-ng-Pagkatuto-Sa-katapusan/#question
https://prezi.com/4tdm_vqrdekd/klasipikasyon-ng-wika-sa-pilipinas/?fallback=
1
http://wika.pbworks.com/f/mga%20wika%20at%20dyalekto%20sa%20pilipina
s.pdf
 
SALAMAT SA
PAKIKINIG…

You might also like