You are on page 1of 2

Ang Mga Zamboangueño

Ang siyudad ng Zamboanga ang tinataguriang “Siyudad ng mga Bulaklak” Kung mapapagawa rito,
mamamangha ang sinuman dahil halos lahat ng mga bahay sa lugar, mayayaman man o mahirap, nayon
man o lungsod, ay napapalamutian ng nagbubulaklakang kapaligiran.

Itinuturing din ang naturang lunsod na sentro ng hanapbuhay at pangangalakal sa timog- Mindanao. Ang
bapor na nanggagaling sa hilaga at sa malayuang Timog ay makukuha ang madaliang rota sa
pamamagitan ng Basilan Strait o di kaya’y daang- kanluran ng Basilan o sa hilagang- Mindanao sa loob ng
Pasipiko (Malonzo, 1970).

Ang Zamboanga ay isang siyudad na mainam na tirahan. Malinis ang lugar, katamtaman ang klima at
ang pang araw-araw na bilihin gaya ng pagkain ay mura lamang. Abundansya ang isda rito. Mapalunsod
o mapasabaryo aw walang problema sa isda. Karaniwan sa mga mangingisda ay mga Muslim.
Nangingisda sila pag gabi at sa tulong ng mga ilaw na nakakabit sa kanilang mga bangka. Kinabukasan,
ang kanilang mga huli ay inihahatid nila sa palengke para ipagbili sa murang halaga lamang.

Sagana rin sa masasarap na prutas ang naturang lunsod. Maraming tindahan ng mga prutas gaya ng
mangga, lansones, mangosten, saging, suha, pinya at bayabas na nakahanay katapat ng Barter Trade
Market.

Sa Zamboanga matatagpuan ang parang nagkikislapang dalampasigan dahil sa naglipanang mga kabibe
na may ibat ibang hugis, laki at kulay na nagagawang hikaw, singsing, kuwintas, dekorasyon, at iba pa.
Narito ang Cawacawa, Caragasan at ang kinahuhumalinggang puntahan ng mga turista, ang Sta. Cruz
Island. Napakalinis at kulay bughaw ang tubig dito. Pinung-pino at malarosas ang kulay ng buhangin sa
dalampasigan. Hindi pangnenegosyo ang mga aplaya sa siyudad, di gaya ng sa ibang mga lugar.

Dito, malayang makapaligo nang walang intindihing bayad. Kung dapit-hapon, nakakahalinang malasin
ang paglubog ng araw dito. Dito rin sa naturang siyudad matatagpuan ang Barter Trade Market kung
saan nagbibili at nakikipagpalitan ang mga negosyanteng Muslim ng mga lokal na bilihin sa malalapit na
bansa. Ang mga bilihin na nabanggit sa palengke ay ang Indonesian Batic, Chinese Cotton, at mga
imported goods na libre sa buwis na makukuha lamang sa mababang halaga.

Matatagpuan pa rin sa lunsod ang ibang mga tourist attractions gaya ng Rizal park, Plaza Pershing at
Sunken Garden. Dito natin masisilayan ang mga naggagandahang bulaklak na nagsisilbing palamuti sa
siyudad, ang bundok ng Pulumbato, na kung ikaw ay nasa ituktok nito ay matatanaw mo ang magandang
tanawin ng syudad, ang mga Muslim Villages gaya ng Taluksangay Fishing Villages. Sa Taluksangay, nag
uukol ng kanilang panahon ang mga Samal na pangingisda at paghahakot ng mga bakawan bilang
eksport sa Japan para gawing panggatong at uling sa Rio Hondo, ikinalulugod naman ng mga Samal ang
pangingisda at paghahabi ng banig samantalang sa Sangali, bukod sa pangingisda ay gumagawa rin ang
mga katutubo ng daing para iluwas sa mismong syudad sa Zamboanga ay ang San Ramon Prison Farm.
Pinahihintulutan ang mga bilanggo na isama rito ang kanilang pamilya dahil binibigyan sila ng mga bahay
na sarili at lupa para kanilang linangin. Bukod sa produkto na copra na nakukuha sa naturang bukid,
mayroon pang mga mais, kamoteng-kahoy, at mga hayop na ang mga bilanggo rin ang nag-aasikaso.
Sa siyudad pa rin matatagpuan ang Zamboanga Yellow Beach. Tinawag itong Yello Beach ng mga
Amerikano nang umahon sila sa dalampasigan nito noong 1945.

Zamboangueño ang panawag sa mga katutubo sa siyudad ng Zamboanga. Katangi-tangi ang kanilang
katangian at kakayahan. Isa na rito ang pagkahospitable. Mahusay silang tumanggap at makiharap sa
bisita. Hindi ka maiilang pag nasa tahanan ka nila dahil ipadarama ka nila sa iyo na parang bahagi ka ng
kanilang pamilya. Kaya nga nasabi ni President Elpidio Quirino, ang naging
Secretary of Interior” noong 1937 na:

“Zamboanga” – long known as beautiful city, travellers within the country


and from abroad have continued to praise the charm and the setting which are the
constant sources of enchantment of those who enjoy the hospitality of the people.”

Malambing mag salita ang mga Zamboangueño, subalit kinagisnan na nilang ugali ang maging prangka o
tahasan sa mga bagay na nais nilang ipabatid sa isang tao. Ang isa pa nilang katangian ay ang pagiging
madasalin, magalang, matulungin at mapagmahal.

Ang relasyon ng pamilya ng isang miyembro nito ay malapit sa isa’t isa.


Hindi sila maramot, bagkus laan silang magtulungan kung kinakailangan.

Ang pinakakatangi-tangi ng mga Zamboangueño ay ang pagiging lubos na mapagmahal sa mga halaman
at bulaklak. Walang tahanan o dampa kaya na hindi napapalamutian ng bogambilya o dapo (Spoer,
1973).

You might also like