You are on page 1of 2

Ang Pinagmulan ng Bikol

Noong unang panahon, may isang taong nagngangalang Bikol na may-ari ng napakalawak na lupaing
malapit sa ilog na nasa pagitan ng Bgry. Ombao at Brgy. Sto. Niño sa Lungsod ng Bula. Kilalang-kilala
siya sa lugar nila dahil siya ang may pinakamalawak na palaisdaan, palayan, taniman ng camote, at
marami pang iba sa buong rehiyon.

Marami ang pumupunta sa kanya upang bumili o makipagbarter sa kanyang mga produkto. Kahit
sinong magtatanong kung saan sila galling ay iisa ang sagot, ki Bikol (from Bikol). At dahil na rin iisa
ang ilog na dindaanan nila sa pagpunta sa karatig pook at kay Bikol kaya hindi nagtagal ay hinalaw nila
ang pangalang Bikol at tinawag na Bikol ang buong rehiyon.

Ang Pinagmulan ng Sinangkapan


(Sa pagsasalaysay ni Hadja Ancilma D. Maad)

Doon sa may bundok ng Basilan, noon ay may isang lugar na may maraming batong malalaki.
Napakalawak ng nasabing lugar, ngunit hindi alam ng mga taong nakatira roon kung paano nila
tatanggalin ang malaking bato. Tuwing gabi, nagpupulong-pulong ang mga tao upang pag-usapan
kung paano nila maaalis ang malalaking batong yaon. Lingid sa kaalaman ng mga tao, may isang
matandang lalaking nakamasid sa kanila at hindi nakatiis, sila ay nilapitan at pinayuhang kumuha ng
isang sangkap (chisel) upang kanilang gamitin sa pag-alis o pagtanggal ng mga bato. Lahat ng mga tao
ay nagtulungan, mapamatanda, mapabata ay nagsitulong upang maalis at matanggal ang
naglalakihang bato. Sa kalaunan, naalis din ang mga malalaking bato. Maligaya ang lahat dahil
lumiwanag na ang kanilang lugar, ang kanilang paligid. Napansin ng mga taong nakatira sa lugar na
yaon, gumanda at nagging maaliwalas ang kapaligiran nila. Kaya nagsimula na silang magtanim ng
mga niyog, at iba’t ibang puno at pananim na nagkakabunga. Isa na rito ay ang lansones. Punong
lansones ang pinakamarami nilang itinanim.

Iyan ang dahilan kung bakit pinangalanang Sinangkapan ang lugar na yaon dahil sa isang sangkap na
ginamit ng mga tao sa pagtatanggal ng malalaking bato.
Alamat ng Sitangkai
(Mula sa Koleksyon ni Dr. Carmen Lozano ng WMSU, Lungsod ng
Zamboanga)

Noong unang panahon sa pulo ng Sitangkai ay walang naninirahan, maliban sa mga Samal Badjao na
napabantog sa tawag na “Wanderers of the Sea”, sapagkat sila ang mga taong palipat-lipat at hindi
namamalagi lamang sa iisang pook.

Ang Sitangkai ay matatagpuan sa timog ng pulong Tumindao na may kilometrong parisukat lamang.
Mayaman sa isda at kabibe ang karagatang nakapaligid dito, kaya maraming Intsik ang nandarayuhan
upang mamili. Ito ang Sagana sa mga isda at kabibe ang Sitangkai kung kaya ang mga Intsik na
naninirahan dito ay nagsiyaman. Sa lahat ng Intsik na nanirahan sa pulong ito, Kang Hai ang unang
nangalakal ng mga isada at kabibe sa mga kababayang Intsik na mangangalakal din. Si Kang hai ang
kauna-unahang Intsik na nagging napakayaman sa pulong ito.

Dahil sa kilala na siya sa buong pulo at mga karatig pulo ay napabantog si Kang Hai bilang isang
mangangalakal, kung ay mga bagong dating mula sa malalayo pook at nagtatanong ng mabibilhan ng
pagkain, ang ituturo ng mga tao ay ang tindahan ni Kang Hai na kung bigkasin nila batay sa
pagkakarinig mula sa Intsik ay Tang Kay. Mula noon kapag binanggit ang pangalan ni Kang Hai o
itinatanong si Kang Hai, ang pangalang sinasabi ay Tang Kay.

Sa kalaunan, ang pangalan ng Intsik na Kang Hai ay nakilala at nakaugalian ng tawaging. Tang Kay lalo
nang sa pagdami ng mga naninirahan, kaya ang pulong ito ay tinatawag ng si Tang Kai, mula sa
pangalan ng Intsik na si Kang Hai, ang unang dayuhan na nagging mayaman at napabantog bilang
isang mabuting mangangalakal na may malaking puso para sa mga katutubo.

Mula noon ang pulong pinaninirahan ni Kang Hai ay naging si Tang kay. Sa paglipas ng mga taon ay
nagging Sitangkai bunga ng madalas na pagbigkas ng mga mamamayan ng naturang pulo.

You might also like