You are on page 1of 18

Salangi kayu pu! is Kapapampangan for invitation equivalent to come in or stay here.

But the definition we prefer to give it is: Give light (sala) to our house by coming in and staying here. The city is making every effort to be the entertainment capital of Central Luzon. As it rises from another adversity to prove its resiliency as it was once was professed during the Mt. Pinatubo eruption, witness the rising of the phoenix that the city is. SALANGI KAYU PU! BARANGAY AGAPITO DEL ROSARIO Ang pangalan ng barangay ay nagmula sa namatay na si Agapito Del Rosario na dating pilantropo at punong lungsod ng Angeles at ama ng kauna-unahang alkalde ng Angeles na si Rafael Del Rosario. Ang barangay na ito ay isang purok ng Baryo Lourdes Sur na ang huling lider ng purok, si Salvador Lures, ay naghanda ng petisyon para sa paghiwalay sa konseho municipal at sangguniang panlalawigan ng Pampanga na pinagpalang napagtibay noong Enero 26, 1964. Ang kauna-unahang suliranin sa pagpapatibay ay ang pangalang ibibigay sa bagong hiwalay na baryo. Muli si Salvador Lures ay tumawag ng pulong ng mga naninirahan sa nasabing baryo. Apat na pangalan ang iniharap ng mga naninirahan: Baryo Marcelo H. Del Pilar, Baryo Jose P. Rizal, Baryo Andres Bonifacio at Baryo Agapito Del Rosario. Isang lihim na botohan ang idinaos at sa 353 na bumoto, ang Agapito del Rosario ay nakakuha ng 114 na boto; Baryo Jose P. Rizal 92 na boto; Baryo Andres Bonifacio 76 na boto at Baryo Marcelo H. Del Pilar 41 na boto. Kaya ang naging opisyal na pangalan ng Baryo ay AGAPITO DEL ROSARIO at kinilala si G. Salvador Lures bilang nagtatag ng baryo. Bilang baryo ito ay dapat magkaroon ng santong patron at pista. Sa di sinasadyang pagkakataon, tatlong masisigasig at aktibong naninirahan sa baryo noong panahon iyon ay Antonio ang unang pangalan. Sila ay sina Antonio Maalac, Antonio Luciano at Antonio Concepcion. Ang tatlong ito ang nagmungkahi kay G. Lures na lalong kilala sa tawag na Apung Bading na gawing santong patron si San Antonio. Ito ay iniharap sa mga residente at buong kasiyahang pinagtibay. Kaya ang Pista ng Baryo ay Hunyo 13, pista ni San Antonio de Padua. Dahil bagong tatag ang baryo, wala pa itong kapilya at noong 1980, ang mag-asawang Oscar at Aurora Canlas, isang medical technologist at negosyante ng sweepstakes, ay nagpatayo ng kapilyang 150 metro kwadrado sa lote sa E. Mallari Street na naglunas sa problema sa kapilya. Ang baryo ay may lawak na 12.45 ektarya ng lupain na sinasakop ng Rizal Street, G. Valdez Street, at ito rin ang pinaka-sentro ng Lungsod ng Angeles.

BARANGAY AMSIC Ang kasaysayan ng barangay Amsic ay nagsimula sa punongkahoy na tinatawag na Agoo na sumasagisag ng katatagan. Ayon naman sa mga nakatatanda, ang pangalan ng baryo ay hango sa kamuting absican (isang uri ng kamote na kinakapitan ng uod at hindi na maaring makain). Noong 1929, ang barangay na ito ay natuklasan ni Don Angel Pantaleon de Miranda, na siya ring nakatuklas ng Angeles. At ang Santol ay isa sa una nitong sitio. Ang mga nanirahan sa barangay na ito ay sina Timoteo de Guzman at ang mag-asawang Protacio Pamintuan at Maxima Guzman Pamintuan. Ang mga pinakaunang nanirahan sa lugar na ito ay ang mga Aeta na pinakahuling nagging Kristiyano. Ang mga hindi tumagal sa pakikisama sa mga Kastila ay pumunta sa mga bundok at gubat. Nanag dumating ang mga Amerikano noong 1899, maraming mga gerilya ang nagsibalik sa kanilang mga tahanan upang tumulong sa pakikipaglaban sa mga Kastila. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, maraming tao ang nagsakripisyo, naghirap at

nagutom. Bago bumagsak ang Bataan noong 1942, isa sa mga katutubo, si Estaqio Lumanlan, ang bumaril sa sundalong Hapones na nag-raid sa mga baboy at sa manok sa baryo. Isa sa mga sundalong Hapones ay bumalik sa kampo upang ipagbigay-alam ang insidente. Isang grupo ng mga Hapones ang dumating at sinunog ang malalaking bahagi ng baryo at ilang sa mga bahay sa Pangpang. Ang paaralang elementary ay itinatag ni G. Jose Lopez noong Hulyo, 1945 sa pamumuno ni Mayor Ricardo Canlas. Matapos ang ilan taon ng pagkakatatag ay napinsala at nasira ang maraming ari-arian ng mga residente noong 1946. Noong 1948, ang mga residente ay nagsilikas sa ibat ibang lugar. Karamihan ay lumipat sa baryo San Nicolas, Ang lahat ng mga naninirahan sa baryo ay pinahirapan at pinarusahan ng mga Konstabularyo dahil sa bintang na pakikipagsabwatan sa mga hukbo. Ang mga katutubo sa baryo ay kilala sa kanilang pagiging maasikaso sa mga bisita at pakikisama. Para sa kanila ay napakahalaga nito kahit magkakaiba ang kanilang relihiyon. Noong 1972, muling itinatag ng mga tao ang kinagisnang baryo sa pagsisikap ni Gonzalo Garcia. Nagpetisyon siya sa gobyerno sa panunumbalik ng kanilang kalagayan bilang malayang barangay. Ang Resolusyon Blg. 94s 1979 ay naipasa sa Sangguniang Panglungsod na hinihingi ang muling pagiging institusyon ng kanilang barangay. Ngunit dahil sa pagkabigo na isumite ang mga kailangang legal na papeles, ang petisyon ay hindi agad naaksunan. Noong 1982 muling binuhay ang kanilang petisyon sa tulong ni Hon. Estelito Mendoza, at naaksyunan sa pamamagitan ni Minister Jose Roo noong Enero 20, 1983. Ang Amsic ay may sukat na 161.32 ektarya na may 3,646 (1992 Census). Ang hangganan nito ay ang Clark Air Base, Pampang sa hilaga, Anunas sa kanluran, at barangay Malabanias sa silangan.

BARANGAY ANUNAS Ang Anunas ay isa sa pinakamatandang barangay hindi lamang ng lungsod ng Angeles kundi pati ng Pilipinas. Pulung Anunas ang tawag sa lugar ng mga panahong iyon dahil itoy isa sa mga liblib na lugar kung saan hitik ng bunga ang mga punong Anunas. Ang prutas ng punong Anunas ay kapamilya ng atis at sa Pilipinas lamang matatagpuan. Taong 1812 nang maging ganap na barangay ang Anunas. Naging sitio nito ang Kawayan at dating bahagi ng Amsic, ngayon ay isang ganap na barangay. Ang mga orihinal na pamilya sa lugar na ito ay mga Pamintuan, Caligagan, at Palo. Noong 1882 at noong 1902, maraming tao ang namatay sa sakit na cholera, at noong 1918 ay nagkaroon ng epidemya ng trangkaso. Sa panahon ng digmaan, iniwan ng mga naninirahan ang baryo at lumikas sa ibang lugar. Sa panahong iyon ang kanilang mga bahay ay nilooban ng mga Hapones at ang mga ariarian ay nawala matapos ang digmaan. (Mariano Henson 1935). Ang Anunas ay isa sa may pinakamalaking sukat ng lupa sa mga barangay ng Angeles. Ito ay may 363.80 ektarya, 40% ng sakop nito ay pang-agrikultura, at 30% ay residensyal. Ang pinakamalaking bahagi lalo na sa may bakuran ng Clark Air Base ay pangkomersyal at residensyal (TIPO). Ang Anunas ay matatagpuan sa gawing hilagang kanluran ng lungsod ng Angeles, may layong humigit-kumulang sa limang kilometro mula sa sentro ng lungsod. Sa kanluran nito ay matatagpuan ang barangay Margot, ang pinakamalaking barangay ng Angeles, Barangay Sapangbato sa may gawing hilagang-kanluran. Sa hilagang silangan ay matatagpuan ang pinakamalaking base military ng mga Amerikano sa Asya, ang Clark Air Base. Ang ilang bahagi ng Barangay Cuayan at Barangay Pampang ay nasa gawing timog nito. Ang pinakasentro o mismong barangay (barangay proper) ay napapaligiran ng ilog ng Abacan. Bulubundukin ang ilang bahagi ng barangay, higit na mahaba ang bahagi ng nasa Purok I at II. Ang lupa nito ay angkop sa pagtatanim ng palay, mais, gulay, tubo, at kamote at iba pang halamangugat. Mabuhangin naman sa gitna, lalo na ang papunta sa parting ilog kung saaan inaangkat ang buhangin papunta sa ibat-ibang lugar lalo na sa Maynila. Ito marahil ang dahilan ng madaling pagapaw ng ilog kapag umulan

BARANGAY BALIBAGO Mahaba ang pinagmulang kasaysayan at pag-unlad ng Balibago. Ayon sa mga matatanda, ang kasalukuyang pangalan ng Balibago ay hango sa pangalan ng punong Balibago na malawakang tumutubo sa lugar. Sabi naman ng iba, ito ay nagmula sa salitang Bale Bago na nangangahulugang Bagong Bahay, gamit na salita mula sa Tagalog-Kapampangan at nabuo ang salitang Balibago. Naging baryo ito ng Angeles noong 1840 sa panahon ng mga Kastila. Ang mga orihinal na pamilya ay ang mga Gueco, Arrozal, Morales, Liwag at Henson. Noong 1889, si Don Aniceto Gueco na pinagkakapuring anak ng Balibago at isa sa pinakamayamang tao sa bayan, ay naging kapitan sa buong lugar ng Angeles. Ang bantog na pangalan ni Capitan Aniceto Gueco, pinaikli sa Sato, ay nanatiling buhay sa alaala ng mga tao sa Balibago, dahil siya ang unang nanirahan at nagpasimuno sa mga tao upang manirahan at mamuhay ditto. Sa pamamagitan ng walang kamatayang diwa ng pamamayani (Spirit of Pioneerism), siya ang nag-anyaya at nag-udyok sa mga tao na sumunod sa kanya at nanirahan sa Balibago. Listahan ng mga naging Tinyente 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. 11. 12. 13. 14. 15. 16. 17. Rosario Morales Pedro Manalese Luis Goingco Alejandro Liwag Agustin de Guzman Julio Liwag Alfonso Gueco Domingo Waje Andres de Guzman Vidal Naguit Pedro Enriquez Jose Datu Rafael Yambao Enrique Jimenez Sabas Naguit Efifanio de Guzman Agmas de Guzman

Mga Sitio ng Baryo 1. Telacaua (wala na ngayon). Tinawag itong Telacaua ng mga unang nanirahan dahil matatagpuan ditto ang isang animoy isang caua. Kilala din ito bilang libutad o gitna, dahil eksakto itong nasa pagitan ng Balibago at Pulung Maragul. 2. Pasig kilala din ito bilang Mauli, (kanluran) dahil ito ay nakalatag sa dulong kanluran ng baryon a nakadugtong sa ilog Abacan. Ang lugar na ito ay kilala sa pagiging kuta ng mga tulisan noong panahon ng mga Kastila, kung saan ang manlalakbay mula sa ibang baryo ay madalas na maambush. 3. Musun ang itinawag dahil nakalatag ito sa pagitan ng Angeles at Mabalacat. Ang Musun ay nangangahulugang umakyat o go uphill. Sa panahon ng mga Kastila, ito ay nagging pugad ng mga tulisan na nagnanakaw sa mga maykayang naninirahan sa Angeles at Mabalacat, na isang maunlad na lugar dahil sa pagbubukas ng bagong daang pangmilitar papuntang Clark Field. Ang lugar ay kilala rin sa pagiging American Community dahil maraming Amerikano ang nanirahan dito. 4. Checkpoint ang sitio ay bago pa lamang. Ito ang nagging pangalan dahil malapit ito sa Gate ng Clarkfield Air Force Base na dating masaganang lupang pansakahan, ngayon ay isa nang umuunlad na komunidad. Ang ibang mga residente ay evacues mula sa kalapit na baryo at empleyado ng American Air Force Base. Mga Datos ng Kasaysayan

Sa Panahon ng mga Amerikano. Nang tugisin ng mga puwersang Amerikano ang natitirang mga kawal ni Aguinaldo, nagkuta naman ang tropa ni Kapitan Carreon sa may pampang ng Abacan upang pigilan ang pagsulong ng mga Amerikano. Pagkatapos ng maikling labanan, si Carreon ay nabaril at namatay, at ang Balibago ay napasakamay ng mga Amerikano na walang sumalungat na puwersa. Epidemya. Noong 1918 isang epidemya ng trangkaso ang pumuksa ng halos ika-apat na bahagi ng kabuuang populasyon. Pag-usbong ng Sosyalismo. Noong dekada 30 at 40, tumaas ang sosyalismo sa Angeles. Nabihag ng ideolohiyang sosyalista ang puso at isipan nga mga tao sa baryo. Maraming magsasaka lalo na ang mga asukarero ang sumama sa militanteng nakasuot ng pula at itim na T-shirt o kamiseta at may benda sa braso. Maraming casamac o magsasaka ang nagtayo ng pulang bandila sa plantasyon ng mga Henson at pamilyang Gueco. Tulay ng Abacan. Ang malakas at mapanirang baha ay dinadalaw ang ilog Abacan halos tauntaon mula ng panahon ng mga Amerikano. Ang konkretong tulay ay ginawa upang makatulong sa paglalakbay ngunit imposible itong daanan kung panahon ng ta-ulan dahil sa mabilis na agos at malaking baha. Noong 1991, tuluyan itong nawasak matapos ng pagsabog ng Bulkang Pinatubo, kasunod ng napakalakas at malaking agos ng tubig at pag-apaw ng ilog. Ilan taon itong ginawa at ngayon ay matagumpay na natapos. Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang eroplanong pantugis ng mga Amerikano ay bumagsak malapit sa Abacan noong Disyembre 8, 1941. Ang piloting nag-parachute ay naligtas malapit sa bukirin. Naging mabagal ang pagtugis ng American Air Forces sa madudulas na Japan Air Forces na dahilan ng unang pagpapaulan ng bala sa base. Habang binobomba at pinapaulanan ng bala ang Clark Field, may ilang bomba ang bumagsak sa baryo, kung saan maraming mahahalagang hayop ang namatay sa tama ng sharpnels at ligaw nab ala. Laganap ang nakawan nang iwan ng mga tao ang kanilang mga bahay upang maghanap ng mas ligtas na lugar. Ang tulay ng Abacan ay pinasabog ng mga papaalis na Amerikano, papuntang Bataan noong gabi ng Bagong Taon 1941. Noong Bagong Taon ng 1942, ang pinuno ng Japanese Imperial Army ay dumating sa baryon a nakayapak, nakakabayo at naka-bisikleta. Pinuwersa ng mga sundalong Hapones ang mga resident eng baryon a ayusin ang tulay ng Abacan at gamitin ang sariling mga kahoy at materyales na naka-imbak sa silong ng kanilang mga bahay. Hinalughog din ang mga bahay sa highway, pinagsisira ang mga kagamitan at dinala ang mga damit at mahahalagang bagay. May mga kalabaw at kabayo na kinuha upang magamit sa pagpapadala ng mga armas at suplay sa digmaan sa Bataan. Noong 1944, itinaboy ng mga sundalong Hapones ang mga residente mula sa kanilang bahay upang gamiting tirahan at bodega. Habang nasa baryo, kinuha rin ng mga Hapones ang mga pananim na palay na kasalukuyang tumutubo sa bukid. Liberation. Noong Enero 1945, sinunog ng mga natirang sundalong Hapones na nanirahan sa mga eskuwelahan ang lahat ng mga kalapit-bahay bago sila lumisan patungo sa bundok. Muling Pagbangon. Sa suportang pinansiyal mula sa Philippine War Damage Commission, maraming residente ang muling nagtayo ng kanilang mga bahay at bumili ng bagong hayop pantrabaho para sa kanilang kabuhayan. Marami sa kanila ang naghanap ng trabaho sa loob ng base military na nagpaunlad sa estado ng kanilang pamumuhay. Maraming bagong bahay ang itinayo ng mga Amerikano na desididong manirahan sa baryo. Litigasyon. Ang mga lumabag sa batas ay pinarusahan na kadalasang nauwi sa kamatayan, dahil walang abogado noon.

BARANGAY BALIBAGO Mahaba ang pinagmulang kasaysayan at pag-unlad ng Balibago. Ayon sa mga matatanda, ang kasalukuyang pangalan ng Balibago ay hango sa pangalan ng punong Balibago na malawakang tumutubo sa lugar. Sabi naman ng iba, ito ay nagmula sa salitang Bale Bago na nangangahulugang Bagong Bahay, gamit na salita mula sa Tagalog-Kapampangan at nabuo ang salitang Balibago. Naging baryo ito ng Angeles noong 1840 sa panahon ng mga Kastila. Ang mga orihinal na pamilya ay ang mga Gueco, Arrozal, Morales, Liwag at Henson. Noong 1889, si Don Aniceto Gueco na pinagkakapuring anak ng Balibago at isa sa pinakamayamang tao sa bayan, ay naging kapitan sa buong lugar ng Angeles. Ang bantog na pangalan ni Capitan Aniceto Gueco, pinaikli sa Sato, ay nanatiling buhay sa alaala ng mga tao sa Balibago, dahil siya ang unang nanirahan at nagpasimuno sa mga tao upang manirahan at mamuhay ditto. Sa pamamagitan ng walang kamatayang diwa ng pamamayani (Spirit of Pioneerism), siya ang nag-anyaya at nag-udyok sa mga tao na sumunod sa kanya at nanirahan sa Balibago. Listahan ng mga naging Tinyente 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. 11. 12. 13. 14. 15. 16. 17. Rosario Morales Pedro Manalese Luis Goingco Alejandro Liwag Agustin de Guzman Julio Liwag Alfonso Gueco Domingo Waje Andres de Guzman Vidal Naguit Pedro Enriquez Jose Datu Rafael Yambao Enrique Jimenez Sabas Naguit Efifanio de Guzman Agmas de Guzman

Mga Sitio ng Baryo 1. Telacaua (wala na ngayon). Tinawag itong Telacaua ng mga unang nanirahan dahil matatagpuan ditto ang isang animoy isang caua. Kilala din ito bilang libutad o gitna, dahil eksakto itong nasa pagitan ng Balibago at Pulung Maragul. 2. Pasig kilala din ito bilang Mauli, (kanluran) dahil ito ay nakalatag sa dulong kanluran ng baryon a nakadugtong sa ilog Abacan. Ang lugar na ito ay kilala sa pagiging kuta ng mga tulisan noong panahon ng mga Kastila, kung saan ang manlalakbay mula sa ibang baryo ay madalas na maambush. 3. Musun ang itinawag dahil nakalatag ito sa pagitan ng Angeles at Mabalacat. Ang Musun ay nangangahulugang umakyat o go uphill. Sa panahon ng mga Kastila, ito ay nagging pugad ng mga tulisan na nagnanakaw sa mga maykayang naninirahan sa Angeles at Mabalacat, na isang maunlad na lugar dahil sa pagbubukas ng bagong daang pangmilitar papuntang Clark Field. Ang lugar ay kilala rin sa pagiging American Community dahil maraming Amerikano ang nanirahan dito. 4. Checkpoint ang sitio ay bago pa lamang. Ito ang nagging pangalan dahil malapit ito sa Gate ng Clarkfield Air Force Base na dating masaganang lupang pansakahan, ngayon ay isa nang umuunlad na komunidad. Ang ibang mga residente ay evacues mula sa kalapit na baryo at empleyado ng American Air Force Base. Mga Datos ng Kasaysayan

Sa Panahon ng mga Amerikano. Nang tugisin ng mga puwersang Amerikano ang natitirang mga kawal ni Aguinaldo, nagkuta naman ang tropa ni Kapitan Carreon sa may pampang ng Abacan upang pigilan ang pagsulong ng mga Amerikano. Pagkatapos ng maikling labanan, si Carreon ay nabaril at namatay, at ang Balibago ay napasakamay ng mga Amerikano na walang sumalungat na puwersa. Epidemya. Noong 1918 isang epidemya ng trangkaso ang pumuksa ng halos ika-apat na bahagi ng kabuuang populasyon. Pag-usbong ng Sosyalismo. Noong dekada 30 at 40, tumaas ang sosyalismo sa Angeles. Nabihag ng ideolohiyang sosyalista ang puso at isipan nga mga tao sa baryo. Maraming magsasaka lalo na ang mga asukarero ang sumama sa militanteng nakasuot ng pula at itim na T-shirt o kamiseta at may benda sa braso. Maraming casamac o magsasaka ang nagtayo ng pulang bandila sa plantasyon ng mga Henson at pamilyang Gueco. Tulay ng Abacan. Ang malakas at mapanirang baha ay dinadalaw ang ilog Abacan halos tauntaon mula ng panahon ng mga Amerikano. Ang konkretong tulay ay ginawa upang makatulong sa paglalakbay ngunit imposible itong daanan kung panahon ng ta-ulan dahil sa mabilis na agos at malaking baha. Noong 1991, tuluyan itong nawasak matapos ng pagsabog ng Bulkang Pinatubo, kasunod ng napakalakas at malaking agos ng tubig at pag-apaw ng ilog. Ilan taon itong ginawa at ngayon ay matagumpay na natapos. Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang eroplanong pantugis ng mga Amerikano ay bumagsak malapit sa Abacan noong Disyembre 8, 1941. Ang piloting nag-parachute ay naligtas malapit sa bukirin. Naging mabagal ang pagtugis ng American Air Forces sa madudulas na Japan Air Forces na dahilan ng unang pagpapaulan ng bala sa base. Habang binobomba at pinapaulanan ng bala ang Clark Field, may ilang bomba ang bumagsak sa baryo, kung saan maraming mahahalagang hayop ang namatay sa tama ng sharpnels at ligaw nab ala. Laganap ang nakawan nang iwan ng mga tao ang kanilang mga bahay upang maghanap ng mas ligtas na lugar. Ang tulay ng Abacan ay pinasabog ng mga papaalis na Amerikano, papuntang Bataan noong gabi ng Bagong Taon 1941. Noong Bagong Taon ng 1942, ang pinuno ng Japanese Imperial Army ay dumating sa baryon a nakayapak, nakakabayo at naka-bisikleta. Pinuwersa ng mga sundalong Hapones ang mga resident eng baryon a ayusin ang tulay ng Abacan at gamitin ang sariling mga kahoy at materyales na naka-imbak sa silong ng kanilang mga bahay. Hinalughog din ang mga bahay sa highway, pinagsisira ang mga kagamitan at dinala ang mga damit at mahahalagang bagay. May mga kalabaw at kabayo na kinuha upang magamit sa pagpapadala ng mga armas at suplay sa digmaan sa Bataan. Noong 1944, itinaboy ng mga sundalong Hapones ang mga residente mula sa kanilang bahay upang gamiting tirahan at bodega. Habang nasa baryo, kinuha rin ng mga Hapones ang mga pananim na palay na kasalukuyang tumutubo sa bukid. Liberation. Noong Enero 1945, sinunog ng mga natirang sundalong Hapones na nanirahan sa mga eskuwelahan ang lahat ng mga kalapit-bahay bago sila lumisan patungo sa bundok. Muling Pagbangon. Sa suportang pinansiyal mula sa Philippine War Damage Commission, maraming residente ang muling nagtayo ng kanilang mga bahay at bumili ng bagong hayop pantrabaho para sa kanilang kabuhayan. Marami sa kanila ang naghanap ng trabaho sa loob ng base military na nagpaunlad sa estado ng kanilang pamumuhay. Maraming bagong bahay ang itinayo ng mga Amerikano na desididong manirahan sa baryo. Litigasyon. Ang mga lumabag sa batas ay pinarusahan na kadalasang nauwi sa kamatayan, dahil walang abogado noon.

BARANGAY CLARO M. RECTO Ang Claro M. Recto ay matatagpuan malapit sa mga kabayanan ng Angeles. Ito ay napaliligiran ng Barangay Virgen delos Remedios sa hilaga. Ang Don Jose Tayag Street ang nagsisilbing hangganan ditto. Sa silangan ay ang Barangay Salapungan, ang MacArthur Highway ang siyang hangganan. Sa timog ay ang Barangay Lourdes Sur East at ang hangganan ay ang Doa Aurora Street. Ang Barangay Agapito del Rosario sa kanluran at ang hangganan ay ang pambansang daangbakal. Ito ay may kabuuang sukat na 17.74 ektarya. Ang Claro M. Recto ay kinikilala nang isang barangay bago pa man magkabisa ang R.A. 3370, na kilala sa pangalang Barangay Charter. Ito ay dating kilala bilang Lourdes North East kung saan kasama pa nito ang virgin delos Remedios. Noong 1962, ang mga tao sa Virgen delos Remedios ay naghain ng petisyon upang ihiwalay ang barangay sa Lourdes North East. Ito ay inaprubahan ng Provincial Board ng Pampanga. Noong 1965, sa pamumuno ni Barangay Captain Juan A. Basco, isang resolusyong pambarangay ang inaprubahan na nagpalit ng pangalang Lourdes North East sa Claro M. Recto bilang parangal sa dating Senador Claro M. Recto, isang Batangueo, kilalang matalinong tagapagtanggol ng makabansang adhikain

BARANGAY CUAYAN Ang opisyal na pangalan ng baryo ay Cuayan. Ito ay napaliligiran ng makakapal na punong kawayan kung saan nakuha ang pangalan nitong Cuayan (kawayan sa salitang Kapampangan). Ito ay isa sa mahahalagang baryon g Angeles. Ito ay napaliligiran ng Barangay Anunas sa hilaga, Barangay Sapangbato sa timkog, sa silangan ay ang Barangay Pampang at sa kanluran ay ang Barangay Cutcut. Ang Baryo ay itinatag noong 1879. Ang mga orihinal na pamilyang naninirahan ay ang mga Pamintuan, Santino, at Soriano. Sinasabing ang unang lalake at babe sa baryo ay sina Mariano Pamintuan at ang kanyang asawa si Bali. Ang Sitio Sampaloc ay sakop ng Baryo Cuayan. Nakuha ng baryo ang pangalan nito mula sa mga punong sampalok na tumutubo sa lugar. Ito ay dating sakop ng Barangay Pangpang ngunit ito ay ibinigay sa Barangay Cuayan dahil sa mas malapit ito sa Barangay Cuayan. Maraming tao sa baryo ang namatay dahil sa ipidemya na nanalanta, cholera noong 1882 at trangkaso noong 1918. Sa kaguluhang naganap bago sumapit ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang mga resident eng barangay ay nasilisan upang humanap ng ligtas na lugar. Sila ay nagsibalik dahil sa kapayapaan na ipinangako ng pananakop ng mga Hapones sa bansa. Pagkatapos ng digmaan, muli silang lumisan dala ang kanilang mga bahay at mahahalagang ari-arian dahil sa lumulubhang kalagayan ng kapayapaan sa baryo. Nawalan ng tao ang baryo noon dahil sa takot para sa kanilang kaligtasan.

BARANGAY CUTCUT Ang Barangay Cutcut ay itinatag noong taong 1812 at isa sa mga unang barangay ng Culiat na ngayon ay kilala bilang Angeles City. Sinasabing ang pangalang Cutcut ay hinango ng dating kapitan ng barangay Juan

Nepomuceno mula sa salitang cutcutan dahil ang Matuang Campusanto ay matatagpuan sa Cutcut. Ito ay napaliligiran ng Barangay Sta. Trinidad sa hilaga, Sta. Cruz, Porac sa kanluran, Sto. Rosario sa silangan, at Sto. Domingo sa timog. Noon, ang mga nakatira ditto ay binubuo ng 60 asamblea na nagsimulang linisin at tamnan ng palay at gulay ang lugar. Nang si Kapitan Juan Nepomuceno ay bumili ng maliit na gilingan ng tubo o sugar mill, ito ay tinawag na Caldero. Pinayuhan niya ang mga asamblea na magtanim ng tubo at kapag inani ay ginigiling sa Caldero. Sa panahon ding ito, ang mga samblea ng baryo ay hindi bumibili ng asukal, at kung bibili man sila, ang pagbabayad ay porsiyentuhan na parang sistemang kooperatiba. Noong taong 1963, itinatag ang Nepo Subdivision, sumunod ang Bagumbayan, Villa Teresa at pinakahuli ang Carmenville. Ito ang nagging dahlia ng pagkawala ng mga lupang sinasaka na binili sa mga magsasaka. Ang Nepo Mart ay isang kilalang sentro ng komersiyo sa Angeles na matatagpuan sa Cutcut.

BARANGAY CUTUD Bago dumating ang mga Hapones sa Pilipinas, ang lugar na ito ay pinangalanang Baryo San Francisco dahil sa kanilang mahal na patron na si Francisco de Javier. Tinawag itong pulo ng ibang manunulat dahil sa mga malalaking puno nito kagaya ng bayabas, kaymito, at iba pa. Pagkalipas ng maraming taon, ang mga tao ay nagsimulang manirahan ditto at ang dating barangay San Francisco ay napalitan ng Cutud. Ang Barangay Cutud ay matatagpuan sa pagitan ng Mexico at Magalang na nasa silangang bahagi ng Barangay San Jose Pandacaqui, Mexico, at sa katimugang bahagi ay ang Barangay Sapalibutad ng lungsod ng Angeles, sa kanlurang bahagi ay ang Barangay Pulung Cacutud at sa hilagang bahagi ay ang Barangay Sapang Maisac ng Mexico. Ito ay may kabuuang sukat na 1.9187 kilometro kuwadrado, na nahahati sa lupang agricultural, 1.8487 kilometro kuwadrado, lupang panginstitusyunal .0050, lupang hindi nauuri .0011 at lupang tinitirhan .0639 kilometro kuwadrado. Sa kasalukuyan, ang Barangay Cutud ay may populasyong 1,430 base sa 1992 Census.

BARANGAY LOURDES NORTH WEST Ang Talimunduc na ngayon ay Lourdes North West ay pook na pinagbitayan ng sundalong Amerikano na si George A. Raymund ng 41th Infantry USA noong 1901. Panahon ay lumipas at noong 1918, ang Lourdes North West ay inihiwalay sa baryo San Nicolas sa pagsisikap ni Dr. Clemente N. Dayrit, Sr. Ang Lourdes North West ay binubuo ng malawak na sakop na lupain na binago sa subdibisyon na may lawak na 37.85 ektarya. Ito ay ginawang hiwalay na baryo noong 1957. Ngayon, ito ay may populasyong 10,653 (CPDO 1992 Census), na may lawak na 100 ektarya sa may silangang bahagi na ang hangganan ay ang Sta. Teresita, sa hilaga ay Pampang, sa timog ay Lourdes Sur at sa kanluran ay ang Barangay Cucut.

BARANGAY LOURDES SUR Ang kasaysayan ng Lourdes Sur ay umiikot sa isa sa pinakamatandang pamilya sa barangay, ang mga Dayrit. Mula nang ilipat ng yumaong Dr. Clemente Dayrit, Sr. ang kanyang bahay mula sa Panipuan, San Fernando sa Angeles, ito na ang nagging sentro ng lahat ng kanyang mga Gawain. Si Dr. Clemente N. Dayrit, Sr. ang nagpasimula ng isang kilusan noong 1918 na may layuning ihiwalay ang Lourdes mula sa Barrio ng San Nicolas. Ang pangalan ng barangay Lourdes ay hinango sa pangalan ng Our Lady of Lourdes ng Pransya. Noong taong 1957, ang kalakhang bahagi ng Dayrit Subdivision at ibang bahagi ng Dayrit

Subdivision at ibang bahagi ng Lourdes ay muling nahati, na sa ngayon ay kilala bilang Lourdes Sur East, Lourdes Northwest, C.M. Recto, Virgen de los Remedios, Sta. Teresita, Agapito del Rosario, Salapungan, at Lourdes Sur. Sa ngayon, ang natatanging lugar sa Lourdes Sur ay ang kapilya kung saan matatagpuan ang imahen ng Holy Sepulchre, na lalong kilala ng mga Angeleos bilang Apung Mamacalulu. Tuwing Biyernes, libu-libong deboto ang dumaragsa sa kapilya. Ito ay kaugaliang napasimulan noong Oktubre 1897. Ang Barangay Lourdes Sur ay may 22.25 ektaryang lupain. Ito ay napaliligiran sa hilaga ng Barangay Sto. Rosario, sa silangan ng Barangay Sto. Cristo, at sa kanluran ng Barangay San Nicolas.

BARANGAY LOURDES SUR EAST Nang itatag ni Don Angel de Miranda ang Culiat noong 1796, mayroon lamang itong apat (4) baryo ang Sto. Rosario, Cutcut, Pampang at Anunas. Ang populasyon ay umabot lamang sa 4,963. Sinasabing noong 1897, inokupahan ng mga sundalong Kastila ang munisipyo ng Angeles. Pinaniniwalaan noon na ang lugar ay balwarte ng mga Katipunero. Ito ay napatunayan nang makadakip ditto ang mga sundalong Kastila ng pitong (7) miyembro ng Katipunan. Noong taong 1899, sa kasagsagan ng giyera, inokupa ng mga sundalong Amerikano ang simbahan at rectoria. Pagkalipas ng dalawang taon, ang mga natirang Amerikano ay napadako sa hilagang-silangang bahagi ng bayan. Ang Barangay Lourdes Sur ay kinikilala na isa sa pinakamatandang barangay sa lungsod. Ang bagong baryo ay pinangalanang Lourdes hango sa pangalan ng patron ng Our Lady of Lourdes of France, dahil si Dr. Clemente Dayrit at ang kanyang asawa ay deboto ng nasabing patron. Ang mga Dayrit ay nagbigay ng 500 metro kuwadradong lupa para sa simbahan ng Our Lady of Antipolo at ng patron ng Holy Sepulchre. Ang baryo ay matatagpuan malapit sa simbahan at sa pampublikong paaralan na itinayo sa Dayrit Compound noong 1912 at ng Ice Plant malapit sa daangbakal na itinayo noong 1914, na pag-aari ni Don Celso Dayrit, kamag-anak ni Dr. Clemente N. Dayrit, Sr. Halos lahat ng lupain sa baryo ay pag-aari ni Dr. Dayrit, kaya ginawa itong subdibisyon. Ito ay isa sa pinakamatandang subdibisyon sa Angeles City na pinagtibay noong 1925, may kabuuang sukat na 256,442 metro kuwadrado noong 1957. Ang Dayrit Subdivision at ang ibang parte ng Barangay Lourdes ay nahati sa mga Barangay Lourdes Sur East, Claro M. Recto, Virgen delos Remedios, Santa Teresita, Agapito del Rosario, Salapungan, Lourdes Sur at Sto. Cristo. Noong 1990, populasyon ng Barangay Lourdes Sur East ay humigit kumulang na 8,000. Ang lupain ay para sa residensyal, komersiyo at institusyon.

BARANGAY MALABANIAS Ang Malabanias ay isa ng estadong barangay mula pa noong panahon ng Kastila. Ang ilan sa sakop o bahagi nito ay naihiwalay na at ang iba naman ay umuunlad na. Ang mga naihiwalay na lupain ay pinamahayan ng mga gerilya at ginawang tapunan ng mga bangkay nilang biktima. Sa panahong ito, ang lupain ay natatakpan ng mga talahib, walang mga kabahayan. Ito ay pinamahayan ng mga tribo at kanilang mga pinuno. Ang pangalang Malabanias ay hango sa pangalan ng damong Anias na malawakang tumubo sa lupain. Ang barangay ay tuloy-tuloy mula sa Hensonville Subdivision hanggang sa Friendship, Plaridel. Ang mga kalapit barangay ay Sta. Teresita at Pampang. Bago nagging subdibisyon, ang Malabanias ay may sukat na 244 ektarya lamang na gamit bilang pansakahan. Ang mga magsasaka na nagmamay-ari ng lupain sa hangganan ng barangay ay may pananim na tubo, ube, gabi, at marami pang iba. Nang nakita ng mga Henson (isa sa pinakamayamang pamilya sa lungsod) na ang simpleng lugary ay magandang lokasyon para sa subdibisyon, binili nila at pinaunlad ang lupa ng mga magsasaka. Ang subdibisyon ay hinati sa apat na parte: Hensonville Court, Plaza Homes, Josefaville

at nangungunang Hensonville. Ang ibang mga subdibisyon ditto ay ang Josefa at Josefaville na pag-aari ng mga Layug, tirahan ng mga kilala at mayayamang tao. Matatagpuan dito ang Greenlands, Golf Course, at Country Club. Ang paaralang elementary ay matatagpuan sa Sitio Clark View. Ang malaking bahagi ng Malabanias at ang tulay ng Hensonville ay nawasak sa pagputok ng Bulkang Pinatubo na sanhi ng malakas na agos ng ilog. Walang nagawa ang mga residente kundi maghanap ng malilipatan. Nagtrabaho ang ibang residente sa ilog at ginawa ang daan para sa mga behikulo na siya pa ring ginagamit patungong Hensonville at Checkpoint. Kahit pumutok ang Pinatubo, nagpupu-milit pa ring manatili ang mga tao sa barangay dahil sa paniniwalang maibabangon nilang muli ang kanilang kabuhayan ditto. Tama sila, dahil ngayon ang barangay ay tinatayang may 33,000 populasyon at ganap na masagana.

BARANGAY MARGOT\Mining Mula sa magandang burol sa hilagang parte ng lungsod ng Angeles ang maliit na burol na tinatawag noon ng mga taga-Tacondo, Talimunduc na Jack and Jill, ngayon ay kilala bilang Margot. Mula noong 1902, ang mga Philippine Scouts mula sa Fort Stotsenburg at mga tao mula sa ibang lugar ay dumating sa lugar na ito upang magtayo ng kanilang tahanan. Ang populasyon ay lumaki nang lumaki. Noong 1937, nagging makapal ang populasyon ng Margot kaysa ngayon. Mayroon nang lahat ng serbisyo at mapagkukunan ng pangunahing pangangailangan. Kapampangan at Tagalog ang popular na salita sa komunidad. Ang Barangay Margot ay nasa timog-kanluran ng Clark Air Base, hilagang kanluran ng Barangay Anunas, kanluran ng Barangay Balibago at silangan ng barangay Sapangbato. Ang lupain ng Margot ay nahahati ng ilog Abacan. Ang hilagang bahagi ay pang-residensyal at ang katimu-gang bahagi ay pansakahan. Ang Barangay Margot ay nasa patag na lupain. Ang klima ay tropical. Ang kabuuang sukat ng lupa ay 286.46 ektarya. Ang kabuuang populasyon ay 1,995 (CPDO 1992 Census).

BARANGAY NINOY AQUINO Ang hangganan ng barangay sa hilaga ay ang ilog Abacan, sa silangan ay ang AUF Compound, sa kanuaran ay ang Poblacion at sa timog ay Pandan. Ang dating pangalan ng barangay Ninoy Aquino ay Marisol Subdivision. Ito ay itinatag bilang pinaka-unang subdibisyon sa Angeles noong 1956. Ang pangalang Marisol ay ibinigay bilang parangal kay Maria Soledad Valdez, asawa ng yumaong Don Emiliano J. Valdez. Sa katanyagan ng subdibisyong ito, halos mga Amerikanong servicemen at kanilang pamilya ang tumira ditto, at iilan lamang ang mga Filipino. Sa pagdaraan ng panahon at pagdami ng mga subdibisyon sa lungsod ng Angeles, lalung-lalo na sa malapit sa Clark Air Base, unti-unting nabawasan ang mga Amerikanong nannirahan ditto, hanggang sa ang mga natira na lamang ay puro mga Filipno. Ang Marisol ay binabantayan ng mga inupahang security guard noon. Karamihan sa mga Filipinong nakatira ditto ay puro propesyunal tulad ng mga doctor, inhinyero, accountant, at marami pang iba. Noong 1972, nagsimulang maghain ng petisyon ang ilang interesadong mamamayan ng Marisol upang gawin itong nagsasariling barangay at hiwalay sa Panda. Sa paniniwalang nakatugon na ito sa mga hinihingi ng Local Government, ipinagpa-tuloy ng mga tao ang petisyon. Noong 1988 ang petisyon ay inihain sa mga tao sa pamamagitan ng reperendum. Ito ay walang pasubaling sinanayunan ng mga residente kaya ang Marisol ay nagging ganap na barangay sa pangalang Ninoy Aquino bilang parangal sa yumaong senador Benigno Aquino, Jr.

Nang pasinayaan ito bilang Barangay Ninoy Aquino, ang nagputol ng ribbon ay si Gng Erlinda Abad Santos, asawa ng dating Mayor Antonio Abad Santos. Ang hinirang na kapitan ng barangay ay si Marcelino Bondoc. Unti-unting sinimulan ang mga pagbabago sa barangay. Nakapagpatayo rin sila ng sariling simbahan.

BARANGAY PAMPANG Ang Barangay Pampang ay may kalahating kilometro mula sa kabayanan ng Angeles. Nakapaligid ditto ang mga subdibisyon tulad ng Timog Park, Carmenville, at Villa Rosario. Noong Panahon ng mga Kastila, ang lugar na itoy walang pangalan at sakop ng Culiat. Ito ay tahimik, madalang ang mga bahay at wala pang kuryente. Ang mga tao rito ay nanggaling sa iba-ibang pook ng Pampanga na naghanap ng matitirhan. Ito ay kanilang nagustuhan at nilinis ng bawat pamilya ang kani-kanilang bakuran. Wala pang pangalan ang lugar na ito nuon na nasa pagitan ng dalawang sapa. Sa gilid ng Sapang Balen sa mismong likuran ng kapilya ay maraming puno ng akasya. Ang pook na ito ay tinawag na Sto. Nio dahil ito ang patron ng pook na ito. Matagal ding panahong taglay ng barangay ang pangalang ito na nagsimula nang may nakitang naglalakad na bata na may hawak na bola. Nagtaka ang mga tao at sinubukan isang gabi. Ang mukha dawn g bata ay napaka-amo at parang nakita nila ang imahen ng Sto. Nio sa malaking simbahan (Holy Rosary Church). Mula noon ang tubig sa batis na pinamalagian niya ay nagsilbing gamut sa mga maysakit. Ayon sa mga tao, ito ay isang himala. Ang pook na ito ay nagging puntahan ng mga tao upang magpagamot. Ang nagging tanda para sa mga naghahanap ng lugar ay ang pampang ng sapa malapit sa batis. Kaya ang nakaugaliang sagot sa mga taong nagtatanong sa lugar ay, Pampang. Nang lumaon, ang dating pangalang Sto. Nio ay napalitan at ang naipatalang pangalan ng barangay ay Pampang. Ayon naman kay G. Hilario Matta, isa sa mga naging Tinyente del Baryo noong 1982-89, ang unang nanirahan sa barangay ay si Hilario Dalusung mula sa Apalit. Nang marating niya ang lugar, maraming mga punongkahoy na baliti, calumpit, canas, timbu, biga-biga, at antipolo. Nilinis niya at ng kanyang pamilya ang lugar. Ang mga sumunod na dumating ay si Jose Panganiban mula sa Concepcion, Tarlac at nakapag-aawa ng isang beluga o Aeta, na sinundan ng pamilyang Guzman, Guila at Garcia na mula sa Sasmuan. Pinagyaman nila ang lupa, at nagtanim ng mga mais, kamote, camoteng kahoy, benas at palay na pinakahuling tanim. Ang paraan ng pakikipag-kalakalan ay barter system o pagpapalitan ng produkto sa San Fernando. Ang gamit sa transportasyon ay garosa. Ang paraan noon ng eleksiyon ay pagtataas ng kamay para sa taong napili at ang may pinakamaraming bilang ang siyang nagwagi. Ang bisitas o kapilya sa barangay ay dating tinatawag na bantayan dahil ito ang lugar na pinaglalagian ng mga Kastila, at pinagdarausan ng kanilang mga Gawain gaya ng mga sumusunod: Pakikipagpanayam sa mga tao tungkol sa kanilang mga ari-arian at bayaring buwis. Pagpaparusa sa mga taong hindi nakakapagbayad ng buwis. Isinasagawa ang parusa sa pamamagitan ng pagpapalo, halimbawa, kung ilang kabang bigas ang hindi nabayaran ng buwis, iyon din ang bilang ng palo bilang parusa. Sa panahon ng mga Kastila noong 1890,si Felipe Guila ay naging lider ng mga Katipunero sa barangay kasama ng mga pamilyang Guzman at Dalusung. Nagrebelde sila laban sa mga Kastila dahil sa mga parusa sa hindi pagbabayad ng buwis. Sa panaon ng mga Amerikano, si Ireneo Soriano ay naging lider ng KukVet. Ang mga unang organisasyon nuon ay ang sosyalista at PKME. Noong 1941-1944 sa panahon ng ikalawang Digmaang Pandaigdig, halos lahat ng tao sa barangay ay lumipat sa ibang lugar, kaya nang dumating ang mga Amerikano sa Pilipinas, ang

kabuuang bilang ng mga tao ditto ay 4,500 lamang. Ayon naman kay Domingo Antonio ang barangay ay naitatag noong 1812 at noong 1953 ay wala nang taong naninirahan sa baryo. Lahat ng mga bahay ay inilipat sa Poblacion dahil walang katahimikan sa baryo. Sa ngayon ang barangay ay maunlad na. Ang kabuuang populasyon noong 1992 ayon sa CPDO Census ay tumaas sa 7,914. Ang barangay Pampang ay isa sa mga pinakamalapit na barangay sa Clark Air Base. Ang barangay ay binubuo ng pitong purok: Purok I, Purok II; Purok III; Purok IV; Purok V; Purok VI at Purok VII Villa Rosario. Laki at Lawak. Ang lawak ng lupain ng barangay Pampang ay 275 ektarya. Edukasyon. Ang Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Angeles ay nasa Barangay Pampang, at may pampublikong mababang paaralan malapit sa bisita at Health Center. May Metrodiscom Detachment din.

BARANGAY PANDAN Ang Barangay Pandan ay sinasabing natuklasan sa huling bahagi ng ika-18 dantaon at ito ay kilala noon sa tawag na Luyus. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ito ay tinawag ng Pandan dahil sa mga halamang pandan na sagana noon sa lugar. Ang halamang pandan ay kilala hanggang ngayon dahil ginagamit ito sa pagsasaing at pampalasa sa mga kakanin. Noong Disyembre 8, 1829 nang ang Culiat ay pasinayaan bilang isang munisipyo, ang barangay na ito ay malagubat at latian. Ito ay napaliligiran ng mga halamang pandan at dayap na sinasabing pinagmumulan dawn g sibol. Ito ay sinasabing natuklasan ni Don Mariano Henson dahil isa siya sa mga nagmamay-ari ng maraming lupain sa Pandan. Bago sumapit ang ikalawang digmaang pandaigdig, ang Marisol ay bahagi ng barangay Pandan. Ito ay nahiwalay noong Hulyo 31, 1977 dahil sa isang kautusan na nagsasaad na ang isang lugar na may populasyon mahigit sas isang libo ay maaari nang maging isang barangay. Ang ibang bahagi ng Pandan noon ay ang lumang Pandan o Old Pandan at Land Tenure, Springside Subdivision na pag-aari ni Ricardo Canlas, St. Ignatius (Phase I) na pag-aari ni Jose Dizon, at ang Phase II na pag-aari ni Dan Dizon. Noong 1989, ang mga subdibisyong ito ay ipinagkaloob na sa pamahalaan. Sa panahon ng liberasyon mula sa mga Amerikano, ang mga bahay ditto ay may bilang na 81 lang. Ang unang paaralang naitatag sa barangay na ito ay ang luyus Primary School na mula Grade IIV lamang. Nasa tabi nito ang kapilya ng Pandan. Walang gaanong makasaysayang pangyayari sa lugar na ito dahil sinasabing sa panahon ng giyera and lahat ng tao ditto ay nagtago. Isa sa mga taong nakausap ng mga manunulat ay si G. Ernesto na nagsabing ang kanilang bahay ay ginawang ospital ng mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang mga naging kapitan ng barangay o tinyente del baryon g Pandan ay sina Remegio B. Angeles, Leon Dayrit, Ciriaco Nuqui, Marcial G. Cruz, Vidal Yalung at Pablo Angeles. Ang iba pa ay sina Rufino Cordero, Abelardo Esguerra, Orlando Angeles at sa kasalukuyan ay si Jerry Alejandrino. Sa ngayon ang Pandan ay isa sa 33 barangay ng lungsod ng Angeles. Ito ay nahahati sa animna purok: Purok I (Old Pandan), Purok 2 (Land Tenure), Purok 3 (San Ignacio), Purok 4 (Springside), Purok 5 (Citicenter) at Purok 6 (Magalang Avenue Extension). Ang Phase I at Phase II ng Citicenter ay

pag-aari ni Ginoong Rosby Henson. Ang pamunuang barangay sa kasalukuyan ay sina Jeremias M. Alejandrino, Kapitan ng Barangay; Francer A. Banting, Kalihim; Joselito G. Bautista, Ingat-Yaman.

BARANGAY PULUNG BULU Ang Pulung Bulu ay napaliligiran ng Barangay Mining sa hilaga, Barangay San Jose at Sapang Balen sa timog, Barangay Baliti ng San Fernando sa silangan at Barangay Sto. Rosario sa kanluran. Ang pangalang Pulung Bulu ay pinaniniwalaang nagmula sa maraming halamang buho (bulu) na tumtubo sa lugar. Ito ay ginagawang sawali. Ang sakop na lupain ng barangay ay may 161.40 ektarya, na ang 50 bahagdan ay ginagamit sa produksiyon ng mga produktong agricultural tulad ng tubo, gulay at iba pang pananim. Sa ngayon ang mga dating sakahan ay mga subdibisyon na. Ang mga daan ay sementado na. Maunlad na ang barangay na kilala at nangunguna sa pagluluwas ng mga produktong rattan at mga muwebles. Sa larangan ng edukasyon, ditto matatagpuan ang Mababang Paaralan ng Lungsod ng Angeles at ang Division Office.

BARANGAY PULUNG CACUTUD Noong ika-8 ng Disyembre 1892, bago naging isang bayan ang Culiat, ang barangay na ito ay isang gubat na natatamnan ng ibat ibang uri ng naglalakihang puno at kakahuyan. Noong 1856, isang mamamayan na nagngangalang Pedro Paras at kanyang babaeng anak na si Maria Paras ay nagpursiging putulin ang lahat ng punongkahoy at linisin ang gitna ng kagubatang ito. Ito ay pinangalanang Pulung Cacutud dahil sa kabila ng malaking pagbabago ay maituturing pa ring isang munting kagubatan. Hindi nagtagal, si Maria Paras ay nag-asawa kay Ramon Hizon na taga San Fernando, Pampanga. Maraming taon ang nagdaan, maraming lahi ang naidagdag sa 248.30 ektarya. Ang pamilya Hizon ay humingi ng tulong kay San Agustin para sa pangalan ng nasabing baryo. Ang barangay Pulung Cacutud ay matatagpuan sa hilagang-kanluran ng Lungsod ng Angeles at sag awing timog-silanan ay bahagi ng Barangay Cutud. Sa silangan ay parte ng Sapang Maisac, sa timog ay parte ng Sapalibutad. Sa bandang kanluran ay ang Barangay Duquit. Ang layo nito mula sa lungsod ay 4 na kilometro mula sa barangay hall hanggang sa poblacion. Ang mga naninirahan ay mga Kristiano, karamihan ay mga Romano Katoliko. Ang diyalektong ginagamit ay Romano Katoliko. Ang diyalektong ginagamit ay Pampango. Ang Pulung Cacutud ay may demokratikong uri ng gobyerno na pinamumunuan ng punong barangay, mga konsehal at mga katuwang na purok lider na ang tungkulin ng bawat sangay ay naaayon sa probisyon ng R.A. 3590. Ang mga konsehal ay nagpupulong tuwing huling lingo ng buwan. Sa bawat sesyon ay pinag-uusapan ang tungkol sa gawang pangkabuhayan para sa kapakanan ng mga resident eng barangay, na isinusulat sa isang resolusyon saka ipinatutupad. Ang pondo ng barangay ay nanggagaling sa 10% buwis ng real estate. Kahit kulang ang pondo dahil sa kaliitan ng populasyon, ang mga proyekto at pagpapaganda sa parokya ay natapos sa pagmamalasakit ng Barangay Council at KKK noong 1979. Batay sa huling pagsisiyasat, ang kasalukuyang populasyon ng barangay ay 5,919 (CPDO 1992 Census). May mababang paaralan din ito. Ang pag-aaral sa mataas na paaralan ay ipinagpapatuloy sa lungsod. Ang Export Processing Zone Authority (EPZA) ay matatagpuan ditto. Hindi pa man resettlement site and EPZA ay narito na ito. Ito ay pag-aaring pribado ng dating unang ginang Imelda R. Marcos na may sukat na 58 ektarya. Kilala ang lugar na ito dahil naging tapunan ng mga pinatay na

tao dahil sa matataas na talahib at wala pang naninirahan maliban sa pabrikang ipinatayo ng Unang Ginang. Nang pumutok ang Bulkang Pinatubo noong 1991, ang mga paaralan ay ginawang evacuation center ng mga nawalan ng tirahan. Binuo ang Task Force Pinatubo at nagkaroon ng pulong sa pangunguna ni Pangulong Fidel V. Ramos. Noong 1992,ipinatupad ang R.A. 7637 na naglalayong muling paunlarin ang mga biktima ng pagsabog ng bulkan. Isa sa mga programa nito ay maghanap ng lugar na posibleng gawing tirahan ng mga biktima at matulungan sa kanilang pangkabuhayan. Napagkasunduang bilhin at gawing Resettlement Site ang EPZA noong Agosto 1992. Itinatag ang HOA o Home Owners Association para maka-kuha sila ng pautang na ang konsepto ay Bayanihan System dayuhang bansa sa pamumuno ng dating Director ng TLRC, Sylvia Muoz Ordoez. Ang mga opisyales ng HOA noong 1993 ay sina Angel Serrano pangulo; Mario Marquez pangalawang pangulo; Rogelio Agamata kalihim; Juanito Manio ingat yaman; Dave Tate awditor; Arturo Jandanero P.R.O.; at anim na lider ng bawat distrito. May tatlong batch ang mga nabigyan ng tirahan o lugar na mapagtatayuan ng bahay. Noong ika-30 ng Abril 1993, mayroong 1,417 tumanggap ng benepisyo. Ang populasyon ay 3,729. Bawat bahay ay nayari dahil sa bayanihan. Mga materyales na lamang ang ginastusan na nagkakahalaga ng P30,000.00 at ang halaga ng lupa ay P150.00 bawat metro kuwadrado. Ang pagpapagawa ng bahay ay isinagawa ng NHA, Na itinayo ng R2 Builders. aNoong una, walang naniniwala na magiging site ang EPZA, subalit sa ibinigay na gilas at sipag ni Heneral Napoleon Angeles na unang Site Manager at Provincial Manager ng EPZA, naging maunlad ang lugar na ito. Matapos manungkulan ang mga naunang opisyales, nagkaroon pa ng apat na halalan sa EPZA. Ang unang batch ng tumanggap ng benepisyo ay 1,417, nadagdagan ng 586 sa ikalawa, at 2,178 sa ikatlo, kaya mas lalong dumami ang populasyon ng EPZA. Ang dating anim na distrito ay naging pito at mayroon pang bakanteng lugar.

BARANGAY PULUNG MARAGUL Noong unang panahon, ang barangay na ito ay isang kagubatan na may 3.5 kilometro ang layo mula sa lungsod ng Angeles. Ang kapirasong lupaing ito ay napaliligiran ng Barangay Pulung Cacutud mula sa hilaga, Bundok Arayat sa silangan, Barangay Pandan sa katimugan, at Barangay Balibago sa kanluran. Noong 1916, kakaunti lamang ang mga naninirahan ditto, na pinamumunuan ni Apolonia Salas, Margarita Valerio de Ocera at kanilang mga kamag-anak. Karamihan sa mga tagarito ay mga magsasaka na binigyan ng karapatan ng pamahalaan upang magmay-ari ng mga lupain depende sa lawak ng lupaing kanilang nalinis at natamnan. Mula noon, dumagsa ang mga taong nagmula sa ibat ibang rehiyon upang manirahan ditto. Ito ang sanhi ng paglawak ng lupaing sakop nito sa 229.37 ektaryang industriyal, 4.58 ektaryang komersiyal at 114.685 na residensiyal. Dito inilipat ang bagong City Hall at halos lahat ng mga ahensiya ng local na pamahalaan, hindi na nangungupahan tulad nang nasa poblacionpa ang mga ito.

BARANGAY SALAPUNGAN Ang pangalang Salapungan ay galling sa salitang salapang. Kung inyong mapapansin, ang mga daanan o kalye rito ay sala-salapang o magkakasalubong. Noon day ay magkasama ang Barangay Lourdes at Barangay Salapungan. Noong 1948, pinaghiwalay ng mga nanunungkulan ang dalawang barangay dahil kapag may pagdiriwang daw sa Barangay Lourdes ay masyadong malayo para sa Barangay Salapungan. Dahil sa kalayuan, marami ang nahihirapan at ang ibay pinagbabayad pa pero parang hindi naman sila kasali sa pagdiriwang. Dito naisip na paghiwalayin ang dalawang barangay. Noong panahong iyon, tinatawag pang tinyente del baryo ang namumuno sa isang barangay.

Ang unang tinyente del baryo sa Salapungan ay si Calicano Tapang, kasama ang konsehal na si Paring Bonus. Ang pangalawa naman ay si Binung Bunco, kasama ang konsehal na si Dalmacio Magat at ang chairman ng Sangguniang Kabataan ay si Bernabe Maglalang. Ang huling tinyente del baryo ay si Pining dela Cruz kasama si Tomas Reyes bilang konsehal. Sa taong 1950, tinawag nang Barangay Captain ang mga tinyente del baryo. Ang unang barangay captain ditto ay si Max Fajardo. Ngayon ang barangay captain sa ikatlong pagkakataon ay si Angelo Yanga. Nasa hilaga nito ang Barangay Ninoy Aquino, sa timog ang Barangay Santo Cristo, sa silangan ang Barangay Pandan at sa kanluran ang Barangay Claro M. Recto.

BARANGAY SAN JOSE Ang Barangay San Jose ay isa sa mga orihinal na barangay ayon sa pagkakahiwalay ng Culiat (Angeles ngayon) mula sa bayan ng San Fernando noong 1829. Mula sa hilaga, matatagpuan ang barangay Sto. Rosario at Sto. Cristo, sa timg ang barangay Sto. Domingo, sa silangan ang barangay Pulung Bulu at sa kanluran ang Barangay Cutcut. Ito ay may kabuuang sukat na 4,784 kilometro kuwadrado. Noong 1945, ang populasyon nito ay umabot hanggang 200 pamilya. Pagkalipas ng isang taon, panahon ng mainitang pangangampanya ng pamahalaan laban sa mga taga-labas (HUKBO), marami sa mga naninirahan sa ibat-ibang barangay ng kalapit na munisipyo gaya ng Bacolor, San Fernando, Arayat, Magalang, Porac at iba pa, ay lumikas sa barangay San Jose para manirahan ditto. Dahil ditto, mabilis na tumaas ang antas ng populasyon. Sila ay nanirahan sa lupang pag-aari ng mga prayle (Simbahang Katoliko). Binili ng mga negosyante ang mga lupang tinitirhan ng mga nagsilikas at hindi nila hinati ang mga ito. Nanag makarating ito sa kaalaman ng mga residente, naghain sila ng petisyon sa pamahalaan upang bilhin ito at ipamahagi sa mga tunay na nakatira ditto. Ang petisyong ito ay lubos na sinang-ayunan ng dating Pangulong Ramon Magsaysay. Taong 1963, ang Angeles ay naging Chartered City. Dumami ang mga subdibisyon ditto at patuloy na umunlad, na naging isa sa mga kontribusyon nito sa ekonomiya. Dahil malapit sa munisipyo, paaralan, at simbahan, ang populasyon nito ay tumaas hanggang 4,964 (CPDO 1992 Census).

BARANGAY SAN JOSE Noong ika-8 ng Disyembre, ang Baryo Culiat ay pormal na inihiwalay mula sa bayan ng San Fernando. Ang Barangay San Nicolas ay isa sa mga orihinal na barangay sa Culiat. Noong panahon ng Hapon, si Delfin Espiritu ang naging Tinyente del Baryo. Sumunod ang isang Intsik na si Perfecto Lao. Sinundan siya ni Ginoong Carlos Yalung, tubong San Nicolas. Umupo siya ng humigit kumulang sa 20 taon bilang Barangay Captain. Siya ang nagpatayo ng unang Day Care at Basketball Court, at nanguna sa Clean and Green Project ng barangay. Pinarangalan siya bilang Most Outstanding Barrio Lieutenant noong 1961. Ayon sa kanya, naging maselan ang panahon nang sumikat si Kumander Sumulong, lalo na nang paghinalaan siya ng mga military na kinukupkop niya ito. Itoy matapos niyang habulin ang pamilya ng Kumander (na taga-Sta. Trinidad na bahagi pa noon ng San Nicolas), matapos silang damputin at dalhin sa isang kampong pang-militar, dahil ayon sa kanya, responsibilidad do pa rin sila bilang kanilang Punong Barangay. Mahirap din ang panahon ng Batas Militar, dahil ayonkay G. Yalung, ang gusto ng mga military ang nasusunod. Walang hearing o pagdinig, basta ikukulong ka nila batay sa sinabi nilang nagawa mong kasalanan. Sinundan siya ni Ricardo Dungca mula 1982 hanggang 1985. Ang ikalimang Barangay Captain, ayon sa isang impormante, ay si Benjamin Flores na nanungkulan ng dalawang termino, mula

1987 hanggang 1994. Ang kasalukuyang Barangay Captain ay si Marino Lye Bituin. Ang Barangay Sta. Trinidad, ang ika-anim na purok, ay dating bahagi ng San Nicolas. Ito ay nagsarili sa bias ng Congressional Act na sinuportahan ni Kongresista Juanita Nepomuceno noong 1964.

BARANGAY SAPALIBUTAD Noon ang barangay na ito ay maraming buhay at patay na ilog na mapapansin sa ibat ibang panig sa pagitan ng mga lupang pansakahan. Sa Panahon ng tag-ulan ang mga lupaing ito ay lumulubog dahil malapit sa ilog. Tinagurian itong Sapalibutad n gating mga ninuno, na naging dahilan ng pagkakatatag ng iba pang mga kalapit na barangay. Ito ay may kabuuang sukat na 274.80 lupa at populasyon na 2,902 ayon sa CPDO 1992 Census. Sa silangan nito ay matatagpuan ang Cutud, sa hilaga ay Pulung Cacutud, sa kanluran ay Capaya at sa timog ay Mexico.

BARANGAY SAPANGBATO Pinagmulan ng Pangalan. Ang kasalukuyang pangalan ng Barangay Sapangbato ay hango sa anyong lupa ng lugar burol, talampas lambak at bangin. Ang sapa ay dumadaloy ditto papunta sa mababang bahagi ng Pampanga ay may malaking bato. Noong pinagpaguran ng mga lahing puti ang lugar na ito, tinanong ng isang Amerikano ang isang katutubo, What place is this? Ang sagot ng katutubo ay sapa, bato. Simula noon ay tinawag na itong Sapangbato.

BARANGAY SANTA TERESITA Ito ay matatagpuan sa hilagang-kanlurang bahagi ng Lungsod Angeles. Ang mga nakapalidig na barangay ditto ay ang Malabanias, Pampang, Lourdes Northwest, Agapito Del Rosario at Virgen delos Remedios. Ang lupang kanalalagyan nito ay dating pag-aari ng mag-anak na Henson sa pamumuno ni Don Pepe Henson, isa sa kinikilalang mayamang angkan ng lungsod. Batay sa pananaliksik na isinagawa, ang lugar na ito ay dating tubuhan at palayan. Taong 1945, nang magsimulang magsulputan ang mga kabahayan ditto. Ang pagkatakot na mapagbintangan na kaanib o tumutulong sa mga hukbo noong panahong iyon sa mga liblib at kalapit na baryo ang siyang pangunahing dahilan upang ang mga taoy magsilikas at manirahan sa mga lugar na malapit sa kabayanan tulad ng Sta. Teresita. Karamihan sa mga itoy nanggaling sa mga karatigbaryo ng Sapangbato, Santol at Malabanias. Kabilang sa mga pamilyang unang nakarating at namalagi rito ay ang mga Lansang, Villanueva, Bolus, Malit, Mallari, Buan, Cruz at Tanglao. Sa pagdayo ng mga tao mula noong 1945 hanggang 1950, napagpasiyahan ng mga may-ari ng lupain na gawin itong subdivision at ipagbili sa mga nagnanais na mamalagi rito. Si G. Franciso Lansang ang inatasang mamahala sa pagbebenta ng mga lote. Pinangalanan itong Henson Subdivision na sakop ng baryo Lourdes North noong panahong iyon. Ang lugar ay ipinangalan kay patrong Santa Teresita at ganap itong naging barangay noong 1957. Naging kilala rin ito sa tawag na Baryo Malango dahil noon ang bahaging malapit sa ilog ay ginawang tapunan ng basura. Napakaliit ng populasyon ng barangay noon, humigit-kumulang sa 1,200 lamang, karamihan ay mga magsasaka, kawani mga magsasaka, kawani sa Clark Air Base at mga pensiyonado. Mayroon ding ilang naglilingkod sa pamahalaan at mga tindera. Ang pagkakaroon ng paaralang pampubliko noong 1954 ang naging simula ng pagkamulat ng mga tao, lalo na ng mga kabataan sa magandang simulain ng edukasyon. Mula sa isang ektaryang lupa na donasyon ng mga Henson, itinayo ang Mababang Paaralan ng Malabanias. Ito ang pangalan ng nasabing paaralan dahil ito ay inilipat lamang mula sa dati nitong kinalalagyan sa kapilya ng Malabanias. Noong taong 1981, ito ay pinalitan sa Paaralang Elementarya ng Sta. Teresita. Ayon sa sensing isinagawa ng National Statistics Office noong May 1, 1990, ito ay may 52.19

na ektarya o 521,900 metrong parisukat. Sa 33 barangay, ito ay pandalawampu sa laki. May populasyon itong 11,690 o 2,325 na pamilya. Masasabing isa ito sa melting pot ng lungsod dahil sa pagdayo at paninirahan dito ng ibat ibang pangkat na Pilipino gaya ng mga Bisaya, Tagalog, Bikolano at iba pa. Ang Barangay Sta. Teresita ay kabilang sa mga barangay urban dahil sa lokasyon na malapit sa sentro ng komersyo at kalakal. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit marami ang may nais manirahan at manatili dito. Ang hangganan sa hilaga ay Barangay Malabanias, sa timog ay Barangay Lourdes Northwest, sa silangan ay Barangay Virgen delos Remedios at Agapito del Rosario, at sa kanluran ay Barangay Pampang at Anunas.

You might also like