You are on page 1of 5

BITOON ELEMENTARY SCHOOL

Bitoon Ilawod, Cuartero, Capiz

Reviewer in Local History


Grade II – Unang Markahan
Ang Komunidad – ay binubuo ng mga istruktura, mga tao na may iisang
kultura at hangaring makatugon sa pangangailangan ng
bawat isa.
Pamilya – ito ang pinakamaliit na bahagi ng komunidad. Dito unang
nahuhubog ang pagkatao ng isang bata. Sa tulong ng mga
magulang, at iba pang kasapi nito.
Paaralan – natututong bumasa at sumulat ang mga mag – aaral para mas
malinang ang kanilang kaalaman sa tulong ng guro.
Barangay – isang bahagi ng komunidad na may isang malaking
impluwensya sa mga tao. Dito rin naibibigay ang iba pang
pangangailangan ng bawat kasapi nito.
Sentrong Pangkalusugan – naibibigay dito ang mga pangangailangang
pangkalusugan ng mamamayan lalo na ang mga maysakit.
Ginagamot sila sa tulong ng doktor at nars.
Pamilihan – mabibili dito ang mga pang araw – araw na pangangailangan
ng pamilya.
Simbahan o Mosque – dito nananampalataya ang mga tao. Natututo silang
manalangin at maghintay ng gabay upang lalong mapalapit sa
Panginoon /Allah.
Ati o Negrito - pangkat Etniko na naninirahan sa ating rehiyon
Sila ay naninirahan sa hangganan ng kabundukan ng Aklan, Capiz, Iloilo, Antique at
Negros.
Urban at Rural – uri ng mga komunidad
Urban na komunidad – marami ang taong nakatira, gusali, sasakyan
Rural na komunidad – kaunti ang bilang ng mga tao
Iloilo
 probinsya na matatagpuan sa Kanlurang Bisayas
 Iloilo City – capital
 Goberbador – namumuno sa probinsya
 Mayor – namumuno sa lungsod
 2010 – ayon sa sensus mayroon silang populasyn na 2, 230, 195

Panahon ng Espanyol
 Pagsulat ang unang natutunan gamit ang dahon
 Kauna – unahang kasaysayan – ay naisulat sa panahon ng pananakop ng mga
Espanyol sa Isla ng Panay.
 Miguel Lopez de Legaspi – Espanyol na namuno sa pananakop sa Isla ng Panay
 1566 – mula Cebu ay lumipat sila ng pananakop sa Isla ng Ogtong
 1581 – taon kung kailan sila lumipat mula Ogtong sa La Villa Rica de Arevalo, dahil
sa madalas na pagsalakay ng mga Moro at Dutch lumipat naman sila sa bunganga ng
Irong – Irong at sa ngayon ay tinatawag na ILOILO
 1616 – itinatag ang Fort San Pedro upang ipagtanggol ang Iloilo laban sa mga
mananakop.
 Ayon sa maragtas ang Isla ng Irong – irong ay pinagpalit ng pinuno ng mga Ati sa
ginto kay Datu Paiburong
 Batas Kalantiaw – batas na sinusunod ng mga Ilonggo bago dumating ang mga
Espanyol.
 Iloilo ay mula sa salitang Irong – irong. Sinasabing hugis ilong ang lalawigan kaya
dito kinuha ang pangalan.
 Hiligaynon – wikang ginagamit sa lungsod
 Karay – a - wikang ginagamit sa probinsya
 Ilonggo – tawag sa taong nakatira dito.
 Graciano Lopez Jaena – bayaning ipinanganak sa Jaro, Iloilo. Siya ang unang editor
ng La Solidaridad ang opisyal na pahayagan ng Propaganda Movement.
 Theresa Magbanua, General Martin Delgado – mga bayani na taga Iloilo
 Theresa Magbanua – kilala sa tawag na “Visayan Joan of Arc”
 Miagao, Jaro, Molo at Santa Barbara – mga makasaysayang simbahan sa Iloilo
 Ang Iloilo ay tinatawag na makasaysayan at tahanan ng mga bayani
STA. BARBARA, ILOILO
 Ito ay bayan na makikita sa sentro/gitna ng Iloilo
 15.7 km. from the city
 13, 196 hectares
 Dito makikita ang International Airport ng Iloilo
 2007 – 56, 822 populasyon
 Mayor – ang namumuno
 Karay – a – ang wikang ginagamit
 Catmon – ang tawag noon ng mga tao. Ang catmon ay isang uri ng kahoy na naging
simbolo ng kanilang bayan
 Ilog Tigum at Aganan – ilog na makikita dito
 Produkto – bigas, mais, monggo, tabako at marami pa.
 1760 – ang Catmon ay naging parokya at si Sta. Barbara ang kanilang patron. Dito
kinuha ang pangalan ng kanilang bayan.
 Heneral Martin T. Delgado bayani na namuno sa rebolusyon na nakipag away sa
mga mananakop na mga Espanyol noong 1896
 Dito iwinagayway ang bandila ng Pilipinas

Grade II – Ikalawang Markahan


 Urban at Rural – uri ng mga komunidad
 Urban na komunidad – marami ang taong nakatira, gusali, sasakyan
(Residensyal, Komersyal, Industriyal)
 Rural na komunidad – kaunti ang bilang ng mga tao
 Bundok – pinakamataas na anyong lupa
 Bulubundukin – mga nakahanay na maliliit na bundok
 Burol – mataas na anyong lupa ngunit mas mababa kaysa bundok
 Bulkan – mataas na anyong lupang mayroong bunganga sa tuktok
 Talampas – patag na lupa sa itaas ng bundok. Maaring panirahan ng tao
 Lambak – malawak na kapatagan sa pagitan ng mga burol/bundok.
 Kapatagan – malawak at pantay na lupa
 Pulo o isla – anyong lupa na naliligiran ng tubig
 Ang Pilipinas – ay isang kapuluan. Binubuo ito ng mga malalaki at maliliit na mga
pulo.
Kahulugan ng kulay ng mapa ng Pilipinas
 Asul o bughaw - nangangahulugang bahagi ng tubig o kumakatawan sa katubigan o
bahaging tubig
 Iba – ibang kulay – nangangahulugang lupa
 Luzon, Visayas at Mindanao – tatlong malalaking pulo na bumubuo ng Pilipinas
 Luzon – pinakamalaki at ito ay nasa itaas na bahagi ng ating bansa.
 Mindanao – pangalawa sa pinakamalaking pulo. Ito ay nasi baba na bahagi .
 Visayas – pinakamaliit o pangatlo sa malalaking pulo. Ito ay nasa gitna.
 Tag – ulan at tag – init – dalawang uri ng panahon na na nararanasan sa ating bansa.
 Ang baha, bagyo, lindol at sunog ay ilan sa mga pangyayari sa komunidad. Ang tawag
sa mga ito ay kalamidad.

PAVIA, ILOILO
 Isang maliit na bayan na dating bahagi ng Sta. Barbara na malapit sa lungsod ng Iloilo.
 Ito ay may lawak na 3, 804 hectares na lupang taniman
 15 minutong sakay lang mula sa City Proper
 Karaniwan sa mga naninirahan dito ay mangangalakal.
 1862 – itinatag ang Pavia.
 Ang Pavia ayon sa unang paniniwala ay kinuha sa pangalan ng isang Kolonel Pavia
ng Spanish Garrison dito sa Iloilo na siyang unang nagpakita sa pook na ito.
 Ang isa pang teyorya na ang Pavia ay kinuha ng mga Espanyol sa hiligaynong salita
na biya – biya na ang ibig sabihin ay isang lugar na madalas iwan ng mga taong
nagmamay – ari ng lupa at ginagawa lang nila itong camping ground noon.
 Ang ilan naman ay nagsasabing ang Pavia ay ipinangalan sa isang Gobernador
Heneral na si Manuel Pavia y Lay, Marquiz ng Novaliches, na naging pari
pagkatapos ng maikli niyang paninilbihan noong 1853 – 1854.
 Ang Pavia ay ipinangalan hango sa isang bayan sa Pavia , Italy kung saan inilibing si
St. Augustine ang nagtatag ng Augustinian Order.

SAGISAG, ISTRUKTURA, AT BAGAY NA MATATAGPUAN SA KOMUNIDAD
NG ILOILO
 Bell Tower o Kampanaryo – matatagpuan sa tapat ng katedral ng Jro , nasa loob ng
plasa.
 Business Building – sa Calle Real (JM Basa at Iznart) sa lungsod ng ILOILO
 Japanese Concrete Pillboxes – sa Tabucan, Cabatuan; sa magkabilang dulo ng tulay
ng Janiuay; at sa Talanghauan, Sta. Barbara.
 Underground Japanese Garrison – sa Concepcion, at isla ng Bangongon
 Mejica Historical Landmark – sa Baluarte, Molo sa lungsod ng Iloilo.
 Panay Liberation Marker – sa Brgy. Parara, Tigbauan.
 Spanish Watchtowers - sa Banate, Ajuy, Guimbal at Miag – ao.
 Taytay Boni – sa Miag – ao.
 World War Civil Resistance Monument – sa Bucare, Leon.
 World War Monument - sa plasa ng Jaro.
 Plasa Libertad – sa lungsod ng Iloilo
 Fort San Pedro – sa lungsod ng Iloilo

You might also like