You are on page 1of 31

PANITIKANG REHIYON COMPILATION

REPORTERS REMAINING (REHIYON 1,2 AND 3)

AMPATUAN'S REPORT
REHIYON 1: ILOCOS SUR

● Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan

ILOCOS SUR

Ang lalawigan ng Ilocos Sur ay matatagpuan sa hilangang-kanluran ng isla ng Luzon,


bansang Pilipinas.Ito ay may lawak na 2,596 kilometrong parisukat at may
populasyon na 689,668 ayon sa census na isinagawa noon 202015

•Ang kabisera nito ay ang lungsod ng Vigan at ang kasalukuyang gobernador ay si


Ryan Luis Singson.

• Ang Kailukanuhan ay binubuo ng higit kumulang 21, 945.49 na mga lupain.

Ang mga lupaing ito ay napapaligiran ng mga matatarik na bangin at


pinakamahabang baybayin. Lagusan din ang mga rehiyung ito ng dalawampu't
siyam na ilog na dumadaloy hanggang sa Dagat Tsina.

•Daanan din ito ng mga bagyo, tulad ng Batanes.

• Pangunahing kabuhayan nila rito ay ang pagtatanim ng palay, tabako, bulak, at


gulay.

PANITIKANG ILOKO

Mga pinaniniwalaang pinagkunan ng mga Ilokano ng salitang ILOKOS:

1. Ang bayan umano ng mga taong ito sa Hilaga ay matatagpuan sa maliliit na


baybayin na tinatawag na "look".

•Ang panlaping/ay nangangahulugang "mula sa" o "log"

2. Ito'y nagmula sa "loko" na ang ibig sabihin ay "bayan sa kapatagan" at dinagdagan


na lamang ng."T"
3. Maaari rin umanong nagmula sa salitang tagalog n a "iloc" at dahil sa nahihirapan
ang mga Kastilang bigkasin ang "g" ang ilog ay naging "iloc".

PANITIKANG ILOKO

• Ilokano- Tawag sa lipi ng mga taong naninirahan sa Ilocos.

• Samtoy-Tawag sa wika ng mga Ilokano "saomi daytoy" o "wika namin ito."

•Kurditan- Tawag sa panitikan ng mga Ilokano. Nagmula sa salitang "kurdit" na ang


ibig sabihin ay "sumulat."

MGA URI NG PANITIKANG ILOKO

A. Mga Kantahing Bayan

1. Pinagbiag-Ang mga awiting nagpapahayag ng kaisipan at saloobin.

2. Dallot- Ito ay awit sa mga kasalan, binyagan, at iba pang pagtitipon habang
sinasaliwan ng sayaw at pagbibigay payo sa bagong kasal

3. Badeng- Isang awit ng pag-ibig na kadalasang ginagamit ng mga kalalakihan sa


paghaharana.

4. Dung-aw- Isang panghoy sa namatay kasabay ang pagsasalaysay ng buhay nito


mula sa pagkasilang hanggang sa kamatayan,

5. Dasal- na patungkol sa mangmangkik- Ang mga mangmangkik ay mga espiritu ng


kagubatan na dinadasalan upang hindi sila magagalit.

6. Arinkenken- Paligsahan ito nga mga lalaki't babae sa kasalan.

7. Hele- Ito ay awiting pambata na naglalaman ng pag- asa tungo sa magandang


kinabukasan ng bata.

B. Salaysaying Bayan

1. Alamat- Tumutukoy sa pinagmulan ng isang bagay o pook.

Halimbawa: Alamat ng Bigas


2. Kuwentong Bayan- Ito ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan
na kumakatawan sa mga uri ng mga mamamayan, katulad ng matandang hari, isang
marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae.

Halimbawa: Si Juan Tamad

3. Epiko- Ito ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing


tauhan at nagtataglay rin ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao.

Halimbawa: Biag ni Lam-ang

C. Mga Karunungan Bayan

1. Burburtia o Burtia- Ito ang katumbas ng bugtong sa Tagalog.

Halimbawa: Macaluto ng aoan init, agasok uray nalamiis Sagot (YELO) (Nakaluluto'y
walang init, umaaso kahit malamig-YELO)

2. Pagsasao- Sawikain sa Tagalog, may aral at binibigkas ng patula. Halimbawa: Ti


adda siniglot na isu ti adda bukraenna (Kung sino man ang nagbuhol, siya ang
magkakalas)

3. Arasaas- Ginagamit ito ng mga Ilokano sa paghingi ng paumanhin sa mga


lamanlupa, maligno at mga espiritung hindi nakikita. Katumbas ito ng Bulong sa
Tagalog.

Halimbawa: Umaykan, dika agbatbati (Sumama ka, huwag kang paiiwan)

REPORTER: ANTAO HASMAIRA


(REHIYON 1)

•Ang Rehiyon ng ilocos, kilala rin sa pagtatakda nito na Rehiyon 1, ay isang rehiyong
administratibo ng Pilipinas na makikita sa hilagang-kanlurang bahagi ng Luzon.

•Lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocus Sur, La Union at Pangasinan.

•Kabisera: Laoag, Vigan, San Fernando, Lingayen.

•Noong 1901, ang rehiyon ay pinamunuan ng mga Amerikano. 1941, naman ng


sakupin ito ng mga Hapon. 1945, ang pinagsamang pamahalaan ng mga Amerikano
at Pilipino ang nagpalaya sa ikalawang pandaigdigang digmaan. Ang ilan sa mga
pangulo ng republika ng Pilipinas ay nagmula sa rehiyon: Elpidio Quirino, Ferdinand
Marcos at Fidel V. Ramos. Bago pa man mabuo ang CAR kabilang ang Abra, Mt.
Province, at Benguet sa Rehiyon 1.

•Pangunahing Industriya, Produkto, at Hanapbuhay ay Paggawa ng tabako,


paghahabi, paggawa ng kasangkapan sa bahay, seramiko,at kasangkapang gawa sa
bakal, pangingisda, paggawa ng asin,
patis, at bagoong, pagmimina, at pag-aalaga ng hayop.

URI NG PANITIKANG ILOKOS

1. Mga simu-simula: Pinagbiag, Dallot, Bedeng, Dung-aw, Alamat, at kwentong bayan.

2. Mga akdang ukol sa pananampalataya sa kagandahang asal: Doctrina Christiana

3. Mga akdang ukol sa wikang Iloko: Arte de le Legua lloca, at Vocabulario de la


Lengua lloco

4. Nobela; Matilde de Sipangan, at Biag Ti Meysa a Lakay Wenno

Nakaam-ames a Bales.

LA UNION
● Ang Lalawigan ng La Union ay matatagpuan sa hilagang- kanluran ng isla ng
Luzon, sabansang Pilipinas. Nähahati sa 19 na bayan at isang lungsod ang La
Union. Ang kabisera nito ay ang Lungsod ng San Fernando. Sa kasalukuyan,
ito ay pinamumunuan ni Gobernador Francisco Ortega III.

● Ang Lalawigan ng La Union ay matatagpuan sa hilagang- kanluran ng isla ng


Luzon, sa bansang pas. Nahahati sa 19 na bayan at isang lungsod ang La
Union. Ang kabisera nito ay ang Lungsod ng San Fernando. Sa kasalukuyan,
ito ay pinamumunuan ni Gobernador Francisco Ortega III.
● Ang La Union ay may sukat na 1,493 sq. km Binubuo ito ng mga bayang
Agno,Balingay,Bachotan,Bagulin,Balacan,Bangar, Bauning, Burgos, Caba,
Luna, Naguilian, Pugo, Rosario, San Fernando, San Gabriel, San Juan, Sto.
Tomas, Santol, Sudipen at Tubao.
LA UNION

● Mayaman sa limestone.
● Pagtatabako, pagtatanim ng palay, at pangingi ung ikinabubuhay ng mga
naninirahan dito.
● Iloko rin ang pangunahing wika ng mga tagarito at may ilan ding nagsasalita ng
Tagalog at Ingles.

● Ilan sa mga Produktong mabibili sa La Union.

● Walis na mula sa lungsod ng San Fernando, Bagulin, at San Gabriel.

● Mga Produktong hinabi mula sa Bangar.


● Basi na mula sa Naguilian.
● Daing na isda mula sa Sto.Tomas.
● Basket na gawa sa kawayan mula sa Sudipen.

KASAYSAYAN NG LA UNION
● PANAHON NG KASTILA
● PANAHON NG HIMAGSIKAN
● PANAHON NG MGA AMERIKANO

PANAHON NG KASTILA
Itinatag ng mga Kastila ang lugar ng La Union noong March 2, 1850 sa pangangasiwa
ni Gobernador-Heneral Antonio Maria Blanco. Subalit noon lamang April 18, 1854,
opisyal na kinilala ang lalawigan ng la Union na binuo buhat sa mga pinagsamang
bayan ng Pangasinan, Ilocos Sur, at mga ilang teritoryo ng Benguet. Kaya tinawag na
La Union dahil sa salitang Kastila na "Unión" na ang ibig sabihin ay pinagsama.
PANAHON NG HIMAGSIKAN
Pinangunahan nina Hegel Martini ng Nueva Ecija at Zambales ang pagpapalayas sa
mga sundalong Kastila sa lugar ng La Union. Tinalo rin angSi Heneral Tinio rin
nagsilbing pinuno ng mga kawal ng Pilipinas laban sa mga sundalong Amerikano na
naghahabol kay Pangulong Emilio Aguinaldo.

PANAHON NG AMERIKANO

Pagkatapos sakupin ng mga sundalong Amerikano ang La Union, itinalaga nila si Dr.
Lucino Almeida na pamunuan ang lalawigan. Noong 1901, hinirang si Don Joaquin
Joaquino Ortega bilang kauna-unahang gobernador sibilyan.
REPORTER:ABUSAMA, HASMIN M.
•Iba ang tatak ng mga Ilokano kung ambag sa literatura ng Pilipinas ang pag-
uusapan. Tulad ng mga anyo ng literatura sa bansa, ang mga Ilokano ay may sariling
bersyon ng epiko, kantahing-bayan, bugtong, kasabihan na pasulat o pasalita ang
anyo. Sumalunga sa maraming pagbabago ang literaturang Ilokano kung kaya hindi
kataka-taka na ito'y umunlad sa iba-ibang paraan. Nabahiran din ito ng mga temang
panrelihiyon sa pananakop ng Kastila. Itinanghal noong ika-19 siglo ang komedya o
moro-moro sa llocos.

•Nakalikha rin sila ng mga maikling kwento na itinuring na imitasyon sa mga


kwentong Amerikano. Karaniwan sa paksang tinalakay sa mga kwento ay giyera, mga
aktibidad ng gerilya, karahasan at kamatayan. Mga Kilalang Manunulat ng Rehiyon 1:
Leona Florentino, Leon Pitchay, Jose Bragado, Pedro Bucaneg, Carlos Bulosan,
Severino Montano, Andres Cristobal Cruz, Isabelo delos Reyes atbp.

Literatura ng Rehiyon:

1.Awiting bayan:

2.Bugtong(Pangasinan):

3.Kawikaan (Iloko):

4.Kasabihan (Pangasinan)

Epiko:

● Buod ng "BIAG NI LAM-ANG"


(Iloko)

Tula:
● NALPAY A NAMNAMA (Leona Florentino)
Alamat:

● ANG ALAMAT NG LAWA NG PAOAY (Ilokano)

● BIGONG PAG-ASA: (salin ni Isagani R. Cruz)

1. Ilocos Norte

Mga lugar. Cagayan, Apayao, Abra at Lacag-ang capital city ng Ilocos Norte na
binansagang (llocano the place of light or clarity)

● isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng llocos sa


Luzon.karamihan sa lalawigan ay naniniwala sa Simbahang Aglipay, na itinatag
ng taal ng Batac na si Gregorio Aglipay.

● lugar kung saan ipinanganak si Former Philippines President Ferdinan Marcos.

Mga Magagandang Tanawin sa Lalawigan

1. (St. Augustine Church) - Napabiliang sa UNESCO World Heritage Site noong 1993.

2.Pagudpud ay isang bayan sa tabi ng dalampasigan sa hilagang dulo ng Luzon na


kilala bilang bakasyunan

3.Sinking Bell Tower - ito ay matatagpuan sa Laoag City, tanyag sa Ilocos Norte.

Mga Produktong Agrikultura

-Palay, mais, bawang, halamang ugat tabako at iba pang prutas at gulay Palaisdaan-
Isda.

Mga Hanapbuhay
-paggawa ng tabako, paghahabi ,paggawa ng kasangkapan sa bahay, seramiko at
mga kasangkapan gawa sa bakal.

PANGASINAN
REPORTER: ARAB,NHORLYN K.

PINAGMULAN
Ang salitang Pangasinan ay hango sa salitan g "Panag-asinan.

● Pag-aasin ang pangunahing hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa


baybaying dagat ng Pangasinan tulad ng Bolinao at Dasol.

● Kilala ang probinsya ng Pangasinan bilang isang lalawigan na


pinanggagalingang ng asin at iba pang maaalat na pagkain tulad ng daing na
bangus, bagoong, isda at alamang.

Wika sa Pangasinan

Pangasinense- wika ng mga naninirahan sa gitnang bahagi ng Pangasinan.

Ilokano - wika sa malaking bahagi ng lalawigan.

MGA PANITIKAN NG PANGASINAN

Cancionan
Zarzuela

■Cenaculo

Aligando (Aguinaldo)

Uliran (Alamat) Diparan (Maxims)

Pabitla o Bonikew (Bugtong) Gozos (Novenang Awitin)

Pabasa (Pagbasa sa Pasyon) Anlong (Tula)

Tongtong (Kwentong Patula)

Pasintabi (Maikling Kwento)

CANCIONAN

● Ito ay debate sa musika at panulaan, Ang cancionan ay nilalapatan ng tama at


wastong himig sa isang pagtatanghal.
● Hindi ito lagging inaawit. Ito rin ay binubuo ng iba't-ibang bahagi:
Ang lumang Cancionan ay binubuo ng

A. Pasatabi Sa simulang bahagi ng ay ang pagtanggap ng mga 'cansionista".


Pasasalamat sa isponsor/tagapagtaguyod at ang walang hanggang pasasalamat sa
Dakilang Lumikha.

B.Pangangarapan-nais malaman ng kababaihan ang kalagayan sa buhay, tirahan, at


mga gawain ng lalake

C. Pangkabataan- ang lalaki ay magsisimulang maningalang pugad ang mga babae ay


magbibigay ng mga tanong tungkol sa Banal na Kasulatan at ang lalaki ay papatawan
din ng mahihirap na gawain.

D. Cupido- sisikapin ng lalaki na makuha ang matamis na "Oo' ng babae sa


pamamagitan ng pagtugtog ng instrumentong pang-musika at gayun din sa
pagsasalita.

E. Balitang- ito ang huling bahagi na kung saan ay maaring - atasan ang lalaki na
umakyat at sumalo sa kanya sa tanghalan. Palatandaan ng pagtanggap o kaya naman
ay hayaang mantili na lang sa ibaba na tanda ng pagtanggi

ZARZUELA

● Isang dula na may kantahan, sayawan, at diyalogo.


● Tungkol sa tipikal no kwento ng mga Pilipino.
● Orihinal na galing sa mga kastila.

Hal: Soy limonag pompinsionan noketket,

CENACULO

- Itinatanghal ng isang grupo sa Malindog. Binmaley tuwing Mahal na Araw.


- Isang dula tungkol sa buhay, pagpaparusa, pagpako, at muling pagkabuhay ng
Panginoong Hesukristo.

ALIGANDO (AGUINALDO)
● Panitikan mula sa kastila.
● Pinakaorihinal na awit pamamasko.
● Pinakamahabang katutubong awit na may 565 na linya.
● Inaawit ng may 2 boses sa saliw ng musika ng gitara.
PANITIKAN NG REHIYON 2
REPORTER: BALI,MALALUAN M.

•Ang rehiyon II ay matatagpuan sa isang malaking lambak sa hilagang-silangang


Luzon, sa pagitan ng kabundukang Cordilleras at ng Sierra Madre. Binabagtas ng Ilog
Cagayan, ang pinakamahabang ilog sa bansa, ang gitna ng rehiyon at dumadaloy
patungong Kipot ng Luzon sa hilaga.

•Ang Lambak ng Cagayan ay matatagpuan sa pagitan ng bulubundukin ng Sierra


Madre at Cordillera Sentral sa Hilagang-Silangang Luzon.

MGA LALAWIGAN AT KABISERA

• Batanes - Basco
•Cagayan - Tuguegarao
• Isabela - Ilagan
• Nueva Vizcaya - bayombong
•Quirino - Cabarroguis

PANITIKAN

•Galing sa salitang "pang | Titik | an "-Titik ay nangangahulugang

•Literature mula sa salitang Latin na "Litterana"

•Nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa


ng mga tao.

-Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampalataya at mga


karanasang may kaugnayan ng iba't-ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig,
kaligayahan, kalungkutan, pag-asa at mga marami pang iba

BUGTONG (PALAVVUN)

•Ginagamit nang mga Ibanag bilang isang anyong pang-kasiyahan o kung sa ibang
kaso, maaari rin itong isang anyo ng tagisan ng talion.

•Pang-relaks kung pagod..

Halimbawa ng Bugtong:

Egga'y tadday nga ulopa Funnuan ng kanna'y baggutna.


-KANDELA

Salin Mayroong isang bagay na kinakain ang kanyang sarili.

-KANDILA

Egga'y babai ta Manila Maguina toye'y guhi na.

-ARUGOK

Salin
Ang Baboy sa Manila Kung umiyak ay naririnig ng sanlibutan.

-KULOG

KASABIHAN

-Ang kasabihan ay pahayag na nagbibibigay ng payo o nagsasaad ng katotohanan


kung saan ang mga salitang ginagamit ay payak at maintindihan.

-Nakagawian na ng mga Pilipino na maghayag ng kanilang mga pilosopiya sa buhay,


mga karanasan, at mga bunga ng kanilang pagmamasid-masid, sa pamamagitan ng
mga salawikaing may tugma at mga kasabihan.

Halimbawa:
1.Ti makatunog, makamukat Ti nasalugok, agbiag.

Salin

Ang makatulog ay magkamula Ngunit ang paspas'ng galaw ay mabuhay.

2.Aniammu ibilang Nu ari paga nakkade liman.

Salin
Huwag mong bilangin Kung wala pa sa iyong kamay.

3.Ammetan massippitta Se yo ahao baccan la tata. Never presume to much for

Salin

these are still Many days after today.


4.Ino ammena mallangngi So naggabbuatanna Mena macadatang so angan na. Salin

He who never looks back to Where he comes from never Reaches his destination.

SALAWIKAIN

-Ang mga salawikaing Ibanag o "unoni" sa local na dayalekto ay pwedeng isang prosa
o maaari rin itong tula.

-Ito ay patuo na kinapupulutan ng aral.

AWITING BAYAN

-Ang mga awitin ay mga kantang para sa pag- ibig at madalas ang mensaheng
dinadala nito ay pangako, pagtatapat, paninigurado, mga pagtuturo at pag-alalay na
maibibigay.

HALIMBAWA:
• Manang Biday
• Abumbu-ca Appatanca O Futug (You Are Too Much Of My Heart)
•Anggam a Melamang (Forgotten Love)

KUWENTONG BAYAN
•Ang mga kwentong bayan, katulad ng mga alamat, ay mga salaysay ng ating mga
ninuno na nagpasalin-salin at kadalasan hindi na kilala ang orihinal na may akda. -
Ito ay nagpapalipat-lipat sa bibig ng mga tao kung kaya't may iba't-ibang bersyon na
ito sa paglipas ng panahon.

Halimbawa;
● Alamat ng Lakay-lakay

● Kung paano kami nagging llongot

MGA MANUNULAT SA REHIYON 2

-Ipinagkapuri ng Rehiyon II ang mga tanyag na premyado nitong manunulat. Bukal sa


kaloobang ibinahagi ang kanilang ginintuang kaisipan at mga butil ng kalamaman
Kabilang dito sina: Greg Laconsay, Ruperta VR, Asuncion, Benjamin M. Pascual,
Reynaldo Duque, Rogelio A. Aquino at marami pang iba.

GREG LACONSAY
-Si Gregorio "Greg" C. Laconsay (ipinanganak noong 12 Marso 1931) ay isang
Ilokanong patnugot at manunulat sa Pilipinas. -Isinilang si Greg Laconsay sa
Natividad, Pangasinan.

SA LARANGAN NG PANITIKAN

-Noong 1966, isa siyang punong-patnugot ng magasing Bannawag[2]. Naging


asistenteng-direktor na pang-editoryal siya ng Liwayway Publishing, Inc., at nang
lumaon ay naging ganap na direktor pang-editoryal ng buong palimbagan ng
Liwayway nang sumapit ang 1977. Nagretiro siya noong 1991. Tumanggap siya ng
dalawampu't pitong mga pangunahing gantimpala at pagkilala mula sa mga samahan
sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.[1] Naging kasapi rin siya sa Filipino Academy
of Movie Arts and Sciences (FAMAS).

AKDA

•Hala, Kuliglig, Kantal

MGA TALAHULUGANAN

•lluko-English-Tagalog Dictionary (1993)

•Simplified Iluko Grammar (2005)

MGA NOBELANG ILOKANO

• Ti Kabusor (1974)

•Ti Love Story ni Theresa (1971)

•Nalagda a Cari (1951)

• Rebelde (1957)

•Villa Verde (1959)

BENJAMIN M. PASCUAL

-Ipinanganak sa Laog, Ilocos Norte. Isinalin niya sa Ingles ang epikong Biag ni Lam-
ang. Marami siyang nasulat na mailkling kuwento sa lluko at gayundin, nakasulat na
siya ng dalawang nobela sa Iluko. Isinalin rin niya sa wikang liuko ang Rubaiyat ni
Omar Khayyam. Sila ni Jose A. Bragdao ang nag-edit ng Pamulinawe, isang antolohiya
ng mga tula ng 36 na makatang Ilokano. Siya ang Tagapayo ng Legal ng Gumil, Metro
Manila.

AKDA

•Ang mga Lawin

•Ang Kalupi

REYNALDO A. DUGUE

-Mula sa Candon, Ilocos Sur, manunulat ng maikling kuwento, tula, nobela,


sanaysay, iskrip sa radio, telebisyon, pelikula at komiks. Nakapaglathala na siya ng
mahigit na 300 Kuwento sa Bannawag, Liwayway, Pambata, Parent's Diges, Asia
Magazine, observer, Sagisag. Focus Philippine at Giliw Magasin. Premyadong
manunulat-tumanggap ng gantimpala mula sa GRAAFIL at Palanca Memorial Awards
for Literature, GUMIL at iba pa.

AKDA

•Ang Gamugamo sa Lampara ni Julio


•Madarang
• Kandong

ROGELIO A. AQUINO

-Ipinanganak sa Tucalana, lalo, Cagayan. Opisyal sa GUMIL Filipinas at pangalawang-


pangulo ng GUMIL, Metro Manila. Umani siya ng maraming gantimpala sa mga
paligsahan sa pagsulat sa Panitikang liuko. Tampok sa kanyang mga sinulat ang
nobelang may pamagat na Ragadi (Lagari)

AKDA
• Ragadi
•Sugat sa Dibdib ng Lupa

IBA PANG MGA MANUNULAT

•Marcelino Fororda Jr
• Facundo Madriaga
• Arnold M. Azurin
• Pelagio Alcantara
• Danilo Consumido
•Benigno Ramos
•Manuel Domingo Berosa

"Ang Panitikan ay nagsisilbing tulay para makita at mabatid natin ang kaugnayan ng
ka-salukuyan sa nakaraan upang sa ganoon maharap natin ang darating na may
lakas at talion." -Estelita C. Aputan

REHIYON 2:ISABELA
REPORTER:CASAN,ASMINA M.

TRADISYON AT KULTURA
1.Bambati festival

•ang pinakareyna ng mga kapistahan ng Isabela. Ito ay taunang idinaraos tuwing


huling linggo ng Enero.

•ang bambatu ay salitang ilakono Ng ibig sabihin ay scarecrow o panakot sa mga ibon
peste at iba pang bantas sa palayan at maisan.

2. Danggayan festival
•Isang terminong iloka na ang kahulugan pag-kakaisa. pakikilahok ay pagtutulungan.

ISABELA
LUZON

•Ang lungsod ng ilagan ay isang lungsod na ika tatlong klase sa lalawigan Isabela,
pilipinas. Ito kabisera ng lalawigan sa Isabela sa pinakamalaking lungsod sa pulo Ng
Luzon ayun sa kabubung sukat SA lupa) Ito ay nasa tagpuan ng ilog cagayan at ilog
ng pinacanuan Ayon sa senso 2020 ito ay mag pupulasyon Ng 158-218 sa may 33,887
na kabahayan.

Kilala ito sa mga katawagang:


• Queen Province of the Philippines
•Rice Bowl of the North
• Corn Capital of the Philippines.

BAYANIHAN AT KASALAN
kabayanihan sa kasalan

•Kapag may kasalan lahat ng tao sa pamayanan ayalam ito at hindi na kailangang
mag-imbits sapagkat lahat ay imbitado sa pagsasaio. Ang mga kalalakihan ay
tutulong sa pagkatay at pagluto ng mga baboy, baks, mga manok at kung ano pang
ihahanda sa kasalan.

Kabayanihan sa araw ng kaarawan


•Tulad din sa kasalan tumutulong rin ang mga tao sa paghahanda ng mga pagkain at
ng mga laro tulad ng palo-sebo para sa mga bata kapag may kulang sa mga
kagamitan marami ring gustong magpahiram

•Sa tala noong 2022, ang populasyon ng lalawigang ay 1,740,185 na may mga iba't
ibang diyalektong gaya ng Ilocano (o Iloko). Ibanag (Ybanago Ibanak), Gaddang,
Tagalog, Yogad, at Ingles.

•Ang mga ikinabubuhay ng Isabeleños

•Ang sentro ng ikinabubuhay ng mga taga Isabela ay ang agrikultura. ilan sa


pangunahing agricultural crops nito ay kape, saging, manga, monggo, at tabako. May
mga tanim din silang cacao, pinya, rambutan, at lansones, at iba pa.

NUEVA VIZCAYA
REPORTER: DIAROS,DARLEEN

•Mula nang maging lubos na at nagsasariti nang lalawigan ang Nueva Vizcaya, ang
kasaysayan nito'y binubuo na ng kultura at tradisyon at paniniwala ng mga
katutubong unang nanirahan dito na kinabibilangan ng mga Isinay, Gaddang,
Bugkalot (o llongot), Igorot, Ifugao (Ipugaw), at nang lumaon ay ang mga Ilokano at iba
pang pangkat etniko.

•Ang Nueva Vizcaya ay isang lalawigan ng Pilipinas na matagpuan sa Lambak ng


Cagayan saLuzon. Ang kabisera nito ay Bayombong. Kanugnog nito ang mga
lalawigan ng Ifugao, isabela,Quirino, Aurora, Nueva Ecija, Pangasinan, at Benguet.

MGA PANGKAT ETNIKO

•Mula nang maging lubos na at nagsasarili nang lalawigan ang Nueva Vizcaya, ang
kasaysayan nito'y binubuo na ng kultura at tradisyon at paniniwala ng mga
katutubong unang nanirahan dito na kinabibilangan ng mga Isinay, Gaddang,
Bugkalot (o llongot), Igorot, Ifugao (Ipugaw), at nang lumaon ay ang mga Ilokano at iba
pang pangkat etniko

1.ISINAY ISINAI
•Matatagpuan ang mga isinay sa Aritao, Bayombong at Dupa sa Nueva Vizcaya.
Katulad ng mga Ivatan, hawig ang kanilang anyo sa mga Ainu ng bansang Hapon at
nahahawig ang kanilang wika sa Pangasinense Nabibilang ito s mga diyalekto ng
lokano.

2.GADDANG

Tinatawag ding Gadam, Gaddanes raya ang mga pangkat-nikong ito na matatagpuan
sa Nueva Vizcaya at isabela Tahimik at matulungin ang mga Gaddang bagamat handa
silang makipaglaban kung kinakailangan, Blocano rin ang ginagamit nilang diyalekto

3.BUGKALOT/LONGOT

Nangangahulugan na "mule sa gubat ang pangalang longot, ang pangkat na


matatagpuan sa kagubatan ng Isabela at Nueva Vizcaya, Kung minsan, tinatawag din
silang longores o bilao. Ang diyalektong kanilang sinasalita ay Ilongot.

4.IFUGAO

Ang Ifugao ay sinasabing nagmula sa salitang "i-pugo" na nangangahulugang "mula


sa lupa o burol". Ayon sa kanilang alamat, ang "Ifugao" ay hango sa salitang "ipugo".
Ito ay isang butil ng bigas na ibinigay sa kanila ng kanilang bathala na si
Matungulan. Ifugao rin ang diyalektong kanilang sinasalita

5.KALANGUYA

Ang mga Kalanguya ay matatagpuan sa Barangay ng Sta. Fe sa probinsya ng Nueva


Vizcaya. Ang mga Kalanguya ay kilala rin sa tawag na ikalaha na ibig sabihin ay tao
mula sa kagubatan.

KULTURA NG IFUGAO
•PAGPAPAKASAL

-Para sa mga Ifugao noon pa man ay nakaugalian sa nila ang live in o trial marriage,
mga pagsubok na pagdadaanan bago pa man ang aktuwal na kasal na pagpapakasal.

May mga Olog ang Ifugao na kung saan doon matutulog ang mga kababaihan. Ato
naman ang awag sa lugar na tinutulugan ng mga kalalakihan Day tila isang bahay na
yari sa isang nipa na may isang lagusan.

pagsubok na pagdadaanan bago pa man ang aktuwal na kasal na pagpapakasal.


May mga Olog ang Ifugao na kung saan doon matutulog ang mga kababaihan. Ato
naman ang awag sa lugar na tinutulugan ng mga kalalakihan Day tila isang bahay na
yari sa isang nipa na mayisang lagusan

SANGADIL
Kapag ang isang Ifugao ay pumanaw na, ang bangkay nito ay lilinising mabuti at
papaupin sa silyang tinatawag nilang sangadilo (death chair). Minsan ang bangkay na
naka sangadil ay ipinupuwesto kung nasan ang mga taong nakikiramay at kung
minsan ay nasa gilid na akala mo hinihintay ang kanyang mga bisita.

KULTURA NG KALANGUYA
•ABONG
Abong ng mga kalanguya say kakaibang disenyo para mahihirap, katamtaman at
mayaman.

•АКВОТ
Ang akbot ay karaniwang ginagamit ng mga kalalakihan. Ito ay yari sa balat ng
kambing. kalabaw.baka at tupa.

•APYAW
Ang apyaw ay yari sa tingting ng dahon ng niyog at kawayan. Ito ay ginagamit sa
panghuhuli ng udingngan sa ilog imbis na damita ang kanilang gamitin.

KULTURA (GADDANG)

•Ang mga bugkalot ay naniniwalang may mabuti at masamang espiritu sa kanilang


kapaligiran. Sila ay sumasamba sa kanilang pinapaniwalaang diyos diyosan

•Kapag ang isang bugkalot ay namatay, ililibing nila ito sa posisyong nakaupo. Kapag
ang isang babae ay namatay dahil sa pangangako sa marahas na kamatayan ang mga
kamay ng babae ay itatali sa kanilang mga paa.

GALGAL
•Ang galgal ay isang praktis ng mga kalanguya. Ito ay ang walang sawang pagnguya
ng buyo.ikmo,apog at tabako.

BA-LIW
•Ito ay isang sagradong awit ng mga Kalanguya. Ito ay kanilang inaawit bilang
pasasalamat at papuri kay Kabunyan. Ang baliw ay ginagamit sa iba't ibang okasyon,
para sa kasal, patay at piyesta..

TAYAW
•Ang tayaw ay isang masiglang sayaw ng mga Kalanguya. Sa pagsasayaw ng tayaw.
ang kumot na ginagamit ng babae at lalaki ay sumasagisag sa pakpak ng tulda.

REHIYON 3
REPORTER:ENGKEL BABY K.

ILANG PILING BAHAGI NG "SA LUMANG SIMBAHAN" Florentino Collantes

•Sa isang maliit at ulilang bayan Pinagtampuhan na ng kaligayahan, Ay may isang


maliit at lumang simbahang Balot na ng lumot ng kapanahunan Sa gawing kaliwa,
may lupang tiwangwang Ginubat ng damo't makahiyang-parang Sa dami ng lurus
doong nagbabantay Makikilala mong yaon ay libingan

•Sa gawing silangan ng simbahang huma May isang simboryong hagdanan ma'y wala,
Dito ibinitin yata ng tadhana. Ang isang malakit basag na kanipana: to raw'y nabasag
anang matatanda Noong panation pa ng mga Kastila, Nang ito'y tugtugin dahilan sa
digma Sa lakas ng tugtog bumagsak sa lupa.

•Sa lumang simbaha't sa kampanang basag ay may natatagong matandang alamat.


May isang matanda akong nakausap na sa lihim niyo'y siyang nagsiwalat Ang lumang
simbaha'y nilimot ng lahat. Pinagkatakutan, kay daming nasindak. Umano, kung gabi
ay may namamalas, Na isang matandang doo'y naglalakad.

•Ang suot ay putit may apoy sa bibig. Sa buong magdamag ay di matahimik. Ngunit
ang hiwagang di sukat malirip, Kung bakit sa gabi lamang nagmamasid: Kung araw,
ang tao, kahit magsaliksik Ang matandang ito'y hindi raw masilip. Ngunit pagdilim
na't ang gabry masungit Ano't ang simbahan ay lumalangitngit!

•Magmula na noo'y pinagkatakutan, Ayaw nang pasukin ang lumang simbahan, Saka
ang isa pang sa baya'y gumimbal,

•Ang kampanang basag na bahaw na bahaw Kang anot tumunog sa madaling araw, at
ang tinutugtog agunyas ng patay, Saka nang dumating ang kinabukasan May puntod
ng libing sa harap ng altar.

REHIYON 3: GITNANG LUZON

•Mga Lalawigang Bumubuo: BATAAN, BULACAN, NUEVA ECIJA, PAMPANGA,


TARLAC, ZAMBALES.

•Ang Rehiyon ng Gitnang Luzon ay binubuo ng pinakamalaking kapatagan sa


Pilipinas at ang gumagawa ng halos lahat ng suplay ng bigas sa bansa. Kaya ito ay
binansagang Rice Bowl of the Philippines.
1.PAMPANGA
Ang pangalan ng Pampanga ay nagmula sa mga taong unang nanirahan sa tabi ng
pampang o tabi ng ilog.

Dating bahagi ng Pampanga ang mga probinsya ng Bataan, Bulacan, Nueva Ecija,
Pangasinan, Tarlac, at Zambales.

• 1571-itinatag ni Martin de Goiti ang Pampanga.

• Panahon ng Kastila - napakahalagang pinanggagalingan ng pagkain, sapilitang


paggawa at mga torso ang lalawigan ng Pampanga

2. TARLAC

•Nanggaling ang pangalan ng lalawigan na isang uri ng talahib na damo "malatartak".

•1788-pormal na naitatag ang Tarlac.

• Si Don Carlos Miguel at Don Narciso Castañeda ang nagtatag ng Tarlac

3. BATAAN
•Ayon sa mga halos nagkakaparehong kuwento nina Victor de Leon, Mauricio Q.
Pizarro at Rev. Fr. Wilfredo C. Paguio, may tatlo umanong bersyon kung bakit tinawag
na "Bataan" ang Bataan

•UNANGBERSYON Ang pangalan ng Bataan ay nanggaling umano sa salitang


"Vatan”napangalan ng isang sinanang "data"na naghari sa lalawigan noong hindi pa
dumarating ang mga Kastila sa Pilipinas.

•IKALAWANG BERSYON "Nino" kasingkahulugan daw nito ang pagiging


isang bagong probinsya ng Bataan matapos itong mahiwalay sa Pampanga noong
1754 Muchacho (Utusan) ho umano ay ang tawag sa may 3,500 Moro na naging
"katulong"ng mga Kastila at Pampaguetio sapaglilinang sa kapatagan ng Bataan
noong araw Rapaz (Mersenaryo) mga mersenaryo, o upahang mandirigma, na
lumaban sa mga pirata na nanalakay sa Bataan noong araw.

• IKATLONG BERSYON Ang pangalan ng Bataan ay hinango umano sa salitang


Tagalog na "Butaan." na ang kahulugan sa Ingles ay "monitor lizard" na mas kilala sa
tawag na bayawak

4. ZAMBALES
•Ang pangalan ng lalawigan ay nagmula sa pinakaunang mga naninirahan, ang mga
Zambals, na natagpuan ng mga Espanyol na sumasamba sa mga espiritu na
tinatawag na Anitos. Tinukoy sila bilang "Samball". mula sa salitang Malay na samba,
na nangangahulugang "sasamba". Ang term ay kalaunan ay Hisparicized sa "Zambal".

5. BULACAN

•Galing sa salitang "bulak " na sa salitang Ingles ay "cotton"

•Si Father Augustin de Alburquerque ang unang ministro ng Bulacan at tagapagtatag


nito.

•Mga paring Augustinio ang nagtatag sa ilang bayan sa lalawigan ng Bulacan

•1572-naitatag ang bayan ng Bulacan

6.NUEVA ECIJA
•Nagmula ang pangalan ng lalawigan ng Nueva Ecija se matandang lungsod ng Ecija
sa Seville,Spain.

Mga Kilalang Manunulat ng Rehiyon 3

1. Virgilio S. Almario - Virgilio Almario o mas kilala sa kanyang sagisag panulat na.
RIO ALMA, ay isang manunulat, kritiko ng mga literatura, editor, cultural manager, at
guro. Siya ay kasalukuyang Pambansang Alagad ng Sining sa Pilipinas.

2. Julian Cruz Balmaceda ay itinuturing na isa sa mga haligi ng panitikang Pilipino


dahil sa malaking kontribusyon niya sa sariling panitikanSiya ay isang makata,
mandudula, kuwentista, mangangatha, nobelista at mananaliksik ng wika. Naging
patnugot siya ng Surian ng Wikang Pambansa.

3. Aurelio Tolentino - Isang mandudula, makata, at mangangatha

4. Jose Corazon de Jesus - kilala bilang Huseng Batute, ay isang makatang Pilipino
na sumulat ng mga tula sa Tagalog upang ipahayag ang pagnanasa ng mga Pilipino
na maging malaya noong panahon ng pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas.

REPORTER:EBRAHIM MAYSORA
Quirino Cabarroguis
ESMAEL HARRIS REPORT
Mga Tula:

ANG BATO
(Jose Corazon de Jesus)

I.
Tapakan ng tao sa gitna ng daan kung matalisod ma'y iila-ilandang nguni, pagkatapos
pag ikaw'y namatay. bato ang tatapak sa bangkay mo naman

Batong tuntungan mo sa pagkadakila, batong tuntungan ka sa pamamayapa;


talagang ganito. ... Sa lapad na lupa, ay bali-baligtad lamang ang kawawa

II.
Balot pa ng putik, marumi't maitim. Tinapyas at aba! brilyanteng maningning.... Sa
putik man pala ay may bituin din na hinahangaan ng matang titingin

Maralitang tao, batong itinapon, sa lusak ng Palad ay palaboy-laboy... Nag-aaral at


aba!. noong makaahon, sa mahirap pala naro'n ang marunong!

III.
Ang batong malaki'y madaling mabungkal, Ang batong brilyante'y hirap matagpuan;
ubod-laking tipak, mura nang matimbang ga-mata ng isda'y pagkamahal-mahal.

At tunay nga naman! Madalas mamalas


sa alimasag man, ang malaki'y payat,
may malaking kahoy na sukal sa gubat.
may mumunting damong ang ugat ay lunas.

IV.

Ang bato sa ilog, gayon, tingnan mo ba!. Batong nasa-agos makinis, maganda. nasa-
gilid, bahay ng talaba, sadlakan ng dumi at nilulumot pa!...

O, batas ng Buhay! Ang ayaw kumilos habang tumatanda'y lalong nilulumot Kung
agos ng Palad, ang takot sa agos, malayong matutong maglangoy sa ilog..

ISANG TULA SA BAYAN


(Marcelo H. del Pilar)

I.
Sa iyong kandungan tinubuang lupa,
Pawang nalilimbag ang lalong dakila,
Narito rin naman ang masamang gawa Na ikaaamis ng puso't gunita.

II.
Ang kamusmusan ko kung alalahanin,
Halaman at bundok, yaman at bukirin,
Na pawang naghandog ng galak sa akin,
Ay inaruga mo, bayang ginigiliw..

Ipinaglihim mo nang ako'y bata pa, Ang pagdaralitang iyong binabata, Luha'y
ikinubli't nang di mabalisa, Ang inandukha mong musmos kong ligaya.

Ngayon lumaki nang loobin ng langit, Maanyong bahagya yaring pag-iisip:


Magagandang nasa'y tinipon sa dibdib, Pagtulong sa iyo, bayang iniibig.

Ngayon na nga lamang, ngayon ko natatap Ang pagkadusta mo't naamis na palad; Sa
kaalipnan mo'y wala nang nahabag Gayong kay-raming pinagpalang anak!

Sa agos ng iyong dugong ipinawis, Marami ang dukhang agad agad nagsikimis,
Samantalang ikaw, Bayang iniibig, Ay hapung-hapo na't putos nang gulanit.

Santong matuwid mo ay iginagalang, Ng Diyos na lalong makapangyarihan Na siya


ngang dapat na magbigay-dangal Bagkus ay siya pang kinukutyang tunay

III.
Ngunit mabuti rin at napupurihan, sa paghahari mo itong pamamayan, sapagkat
nakuhang naipaaninaw, na dito ang puno'y di na kailangan.

ANG BUHAY
Teodoro E. Gener

I.
Ibig kong marating ang abot ng tanaw,
Ibig kong maabot ang langit na bughaw,
Lupang malawak sana ay malakbay,
Dagat na malalim ay mapaglanguyan...

Ang nais ko'y aking mapagbigyang lahat


ang may pitang ako'y magdulot ng habag:
ang nais ko'y aking masunod ang hangad
na makalinga ko ang kawawang anak...
II.
Datapwat!...Datapwat, langit na marikit pag ako'y lilipad sa may himpapawid. ay may
sa pakpak ko't bagwis sadyang pinipigil ako't ginigipit...

Ang buhay ng tao ay talagang ganyan: kung dadakila ka ang inggiting kamay ay nasa
likod mo't may hatong pamatay kung masasawi ka ay pagtatawanan...!

III.

Sa bundok at parang ay lubhang madawag, sadyang nanganganib ang nagsisilakad,


subalit sa bayang masaya't magilas, ang subyang ay lalong marami't laganap...

Kung sa paglusong mo sa ilug-ilugan ay madudulas ka sa lumot ng pangpang sa


dagat pa kayang pating ay makapal hindi mapalungi ang buhay na taglay

You might also like