You are on page 1of 7

Christopher H.

Pagador
Rashmal T. Guiapar
Richter George D. Demayo

Maikling Kwento sa Panahon ng Bagong Lipunan

Kaligirang Pangkasaysayan

Ang Sigwa ng Unang Kuwarto o First Quarter Storm ay ang panahon ng


ligalig ng mga makakaliwa sa Pilipinas mula Enero hanggang Marso 1970 (unang
kuwarto ng taon) kung saan nagkaroon ng kaliwa't-kanang demonstrasyon at protesta
laban sa pamahalaan. Ito ang isa sa mga naging batayan ng pagdeklara ng batas-
militar noong ika-21 ng Setyembre, 1972.

Marami ang naligalig at nasindak sa pag-aakalang hindi na maiiwasan ang


pagdanak ng dugo. Napatuon ang Pilipinas ang mata ng daigdig at buong pannabik na
minatyagan kung kailang at kung hanggang saan maipagtatagumpay ang ganitong uri
ng pamahalaan.

Sumigla ang pagsulat ng mga manunulat ng mga paksang hitik sa mga


pangyayaring nagaganap sa lipunan ngunit walang nalathalang mga kuwentong
tumutuligsa sa batas militar at epekto nito sa karapatang pantao at kalayaaan ng
mamamayan.

Mga paksa:

Pagbibigay ng lupa sa mga magsasaka.


Pagbabalik bukid ngmga tauhang nasasakal na sa magugol at mausok na
lungsod.
mga pang-araw-araw na pangyayaring kapupulutan ng aral.
kahirapan ng pagkakaroon ng maraming anak.

MGA MANUNULAT:
Alfredo Lobo
Mario Libuan
Augusto Sumilang
Lualhati Bautista
Reynaldo Duque
Benigno Juan
Benjamin Pascual
Domingo G. Landicho
Edgardo Marana
Wilfredo Ma. Virtuoso
Pedro S. Dandan
Alfonso S. Mendoza
Maricar Evangelista

Nagkamit ng Gawad Palangca noong panahon ng bagong Lipunan:

1972

Una- Si Loleng Marya Kapra, mga Araw at Gabi at ang Bukang Liwayway sa
kanyang Buhay - ( Wilfredo P. Virtuoso)
Pangalawa- Kumpisal -(Norma Miraflor)
Pangatlo- Sandaang Damit -(Fanny A. Garcia)

1973

Una- Ang Daong ni Noe- Pedro S. Dandan


Pangalawa- Puwang sa Iilim ng Araw- Bienvenido A. Ramos
Pangatlo- Isang Lumang Kwento- Jun Cruz Reyes

1974

Una- Walang nagwagi


Pangalawa- Isang Dakot na Pira-pirasong Buhay- Rosauro de la Cruz
Pangatlo- Malikmata- Benigno Juan
Karangalang banggit:
Ang Buhay sa Ating Panahon- Efren Reyes Abueg
Ulupong- Victor Fernandez

Tanging Gawad:

Ang Landas Patungo sa Kalimugtong- Reynaldo A. Duque

1975
Una- Ang Oktubre ay Buwan ng mga Talahib- Jose Rey
Munsayac
Huwag mong Tangisan ang Kamatayan ng Isang Pilipino sa Dibdib
ng Nyebe -Domingo G. Landicho

Pangalawa- Guwardiya- Ave Perez Jacon


Felipe- Benigno Juan

Pangatlo- Silang mga Estatwa sa Buhay ni Valentin Dakuykoy-


-AlfonsoS.Mendoza
Mula ka Tandang Iskong Basahan, Mga Tagpi-tagping Alaala-
-Jun Cruz Reyes

1976

Una- Alamat ng Sapang Bato- Fanny Garcia


Pangalawa- Araw ng mga Buldozer at Dapit Hapon ng Isang Bangkang Papel
sa Buhay ni Ato - Jun Cruz Reyes
Pangatlo- Ang Pangarap ni Isis- Domingo G. Landicho

1977

Una- Ahibay- Hercules del Mundo


Pangalawa- Isang Kuwento ng Paraisong Walang Katapusan-
Edgardo B. Maranan
Pangatlo- Lagablab ng Isang Yagit- Benigno R.
Juan

1978

Una- Talsik ng liwanag sa Mata ng Isang Musmos- Lilia


Santiago
Pangalawa- Ayoko Na- Rosauro dela Cruz
Pangatlo- Utos ng Hari Jun Cruz Reyes

1979

Una- Lagaslas ng Hanging Makamandag- Melecio


Antonio N. Adviento
Tipaklong! Tipaklong! Bakit Bulkang Sumabog, Dibdib ni Quintin
Balajadia? Ni Alfonso S. Mendoza
Pangalawa- Pangarap- Leuterio Nicolas
Habag- Benigno R.
Juan
Pangatlo- Mga Kwentong Kapos Jun Cruz
Reyes
Hindi na Babagtas ang mga Tabak Jose M.
Marquez

1980

Una- Kandong- Reynaldo A. Duque


Pangalawa- Ang Tornilyo sa Utak ni Rufino Sabater Alfonso S.
Mendoza
Pangatlo- Orasyon sa Simbahan, Sa Piitan at sa Coral Ballroom ng Manila
Hilton- Benigno

Sagisag ang magasing inilathala ng Ministri ng Kabatirang Pangmadla sa layuning


matangkilikang maikling katha.

Bienvenido Lumbera- ang tagapamatnugot ng Sagisag.

Mga Manunulat:

Rogelio Sese
Reuel Aguila
Jose Ibarra Angeles
Romualdo Aragon Jr.

Alamat ng Sapang Bato


Ni Fanny A. Garcia
Isyu:
Ang kwento ng Alamat ng Sapang-Bato ay nagpapakita ng mga problemang
nagdudulot sa kahirapan at sa korrupsyong ng gobyerno. Sa mga naranasan ni Lola
Victoria, nakikita na may diskriminasyon sa mga mahihirap, at pinagtutulungan sila ng
gobyerno at ng mga mayayaman. Madalas nangyayari pa rin ang mga sitwasyong
pinakita kapag kailangang i-relocate ang mga skwater, para makapagtayo ng bagong
kalye/institusyon. At dahil sa korruption ng gobyerno, na nag-uugat sa pera ng mga
mayayaman, hindi makapaglaban ang mga mahihirap na naapektohan ng mga
desisyon ng gobyerno.
Buod:
Nagsisimula ang kwento sa opisina ng administrador ng Home for the Aged,
inilalarawan ng sekretaryang si Minda ang mga matatagpuan at makikita sa loob ng
kongregasyon sa isang "interviewer". Isinasaad niya na siya'y nagmumukhang "tourist
guide" sa mga dumadalaw na reporter ng dyaryo o magasin. Pagkatapos niya sagutin
ang mga tanong tungkol sa mga sistema ng administrasyon para sa mga naninirahan
sa loob ng kongregasyon, nagsimula siya magkwento tungkol sa isang "nakakaibang"
matanda na hindi niya malilimutan.

Ikinukwento niya ang mga naalala niya tungkol kay Lola Victoria , isang
matandang pulubi na dinampot sa kalye at dinala ng mga pulis sa opisina isang araw.
Inakalang baliw siya dahil sa pagprotesta niya sa pagtitira sa katayuan ng gobyernong
nagkasalanan sa kanya sa kanyang nakaraan. At iniwasan siya ng iba, dahil sa mga
kwento niya tungkol sa Sapang-Bato (ang nakaraang tirahan niya noong siya dalaga
pa). Isang gabi, habang walang nakabantay sa kanya, nagtakas siya at namatay sa
isang hit-and-run incident, ngunit nanatili pa sa memorya ni Minda ang mga kwento niya
na pinamagat ng iba na "Alamat ng Sapang-Bato".

Buod ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang Bangkang Papel sa


Buhay ni Ato
Ni Jun Cruz Reyez
Nagsimula ang kwento sa pagpakita sa pamimigay ng mga relief goods para sa
mga biktima at nasalanta ng bagyo. Marami ay nabaha at hindi makakuha ng pagkain.
Mapili ang pamimigay ng relief goods kaya hindi nabigyan ang nanay ni Ato, si Nana
Tesang ng pagkain.
Naisip ni Ato ang hirap na dinulot ng bagyo sa pamilya niya. Kapag malakas ang
ulan at mabilis ang pagtaas ng tubig, walang tigil silang kumukuha ng mga gamit nila
para hindi mawala at mabasa sa baha.
Kinabukasan ay pinuntahan niya si Ka Teban para tumulong isalvage ang mga
pananim na natira. Habang sila ay nagpapahinga, may nakita si Ato na toy boat sa may
labas ng bakuran.
Naisip rin ni Ato ang kahirapan ng pamilya niya. Nakita niya na nagugutom na
ang mga kapatid niya. Nagpunta siya ngayon sa palengke.
Habang siya ay naroon sa may tapat ng tindahan ni Mrs. Lim, natempt siya
magnakaw subalit siya ay nahuli ng mga pulis. Siya ay binugbog at ininterogate.
Ang ama niya noon ay nangako na magiging mabuti ang kalagayan nila sa
buhay. Tumira sila bilang skwater sa lupa na hindi nila pagmamayari pero nagtrabaho
naman ang kanyang ama kaya napagaral si Ato at ang kapatid niyang si Neneng. Nang
mamatay ang kanyang ama sa isang sakit, biglang nagbago muli ang kalagayan ng
pamilya ni Ato.
Si Ato ay nagtrabaho kasama si Neneng na tagabenta ng kakanin at dyaryo.
Kahit ay hindi malaki ang kita ng magkapatid, nakakahanap pa naman sila ng pagkain
para sa isang araw.
Subalit isang araw, may dumating na bulldozer at giniba ang bahay ng
magkapatid. Lahat ng ibang pamilya ay pinaalis na rin doon. Nakitira muna silang sa
mga kamaganak nila, pero di nagtagal ay lumipat na sila sa probinsya.
Nakita ni Ato sa labas ng kanyang selda na may mga naglalaro muli ng mga
barkong gawa sa papel. Pinasok niya ang kamay niya sa kanyang bulsa, at
naramdaman niya ang bigas na natira mula sa ninakaw niya.

Lagablab ng Isang Yagit


Ni Benigno R. Juan

Isang karpintero si Kulas, mataas ang pagpapahalaga sa trabaho. Walang


mataas na ambisyon sa buhay maliban sa maigapang ang pagpapaaral ng mga anak.
Isa siyang tipikal na manggagawang Pilipino. Kahit hindi palaging nagsisimba dahil sa
trabaho, kahit papaano malaki ang paniniwala niya sa Diyos at bago gumawa,
nagdarasal siya ng maikling panalangin.

Minsay naging isa siya sa mga karpintero na nagpatayo sa isang klinika ni Dr.
Ramon Roque de Gracia. Mataas ang tingin sa kanya ni Kulas at pinagtatanggol kung
pinipintasan na mapagmataas sa minsang pagpuna ni Hule. Sa di-inaasahan,
dumating ang isang anak ni Kulas na si Pidong na namimilipit sa sakit ng tiyan.
Naisipan niyang itakbo ito sa klinika ni Dr. de Gracia. Ngunit hindi siya tinanggap dahil
kailangan muna ng paunang bayad na wala naman si Kulas ni kusing. Matagal siyang
nakiusap ngunit tumigas ang puso ng Doktor, dinala niya ang bata sa bayan, at napag-
alamang putok na pala ang apendisitis ng anak. Pinaglalamayan ang bangkay ng anak.
Di siya mapalagay, tinungo niya ang simbahan at nanalangin, tumuloy siya sa isang
gasolinahan at tinungo ang klinika ng doktor upang sunugin.

You might also like