You are on page 1of 12

ST. JUDE COLLEGE CAVITE INC.

URC. Ave. Salitran IV Dasmarinas, Cavite

ANG KASAYSAYAN NG MAIKLING KWENTO

Sinasabing unang sumibol ang isang sangay ng salaysay sa mga


pahina ng magasing Amarant at Forget-Me-Not sa Inglatera noong unang
dekada ng ika-19 na dantaon. Ito nama’y pinaunlad sa Amerika ng mga
batikang manunulat na sina Edgar Allan Poe; Nathaniel Hawthone, Bret
Harte, at Henry James.

Sa ating bansa, ang pagsasalaysay ay sadyang likas sa mga


katutubo. Ito ay naging bahagi ng kanilang buhay sa araw-araw. Ang
mga salaysayin ay nakita sa kanilang mito, alamat, pabula, parabola,
kwentong-bayan, kasabihan, salawikain, at anektoda.

Nakilala lamang ang unang anyo ng maikling kwento noong unang


taon ng ika-20 siglo nang dumating ang mga Amerikano. Kasabay ng pag-
aaral ng wikang Ingles, nabuyong sumulat ang mga kwentistang Pilipino
sa wikang banyaga at likas na tradisyonal at mapagmahal sa sariling
wika. Sila ay nagpunyagi sa pagsulat ng Dagli, maikleng salaysayin at
ito ang naging sumula ng naiibang kasaysayan ng maikling kwentong
tagalog.

Ang pagdaraos ng mga patimpalak sa pagsulat ng mga Dagli na


pinamahalaan ng Pahayagang MITHI ay ang naging simula upang mamukadkad
ang maikling kwento sa panitikang tagalog. Noong 1910, nagkamit ng
unang gantimpala ang kwentong ELIAS na sinulat ni Rosauro Almario.
Ang kwentong ito ang nagbigay-diin sa banghay. Sa pamamagitan ng mga
pahayagang MITHI, DEMOKRASYA, TALIBA, at LIWAYWAY, unti-unting
nakilala, umunlad, at tumaas ang uri ng maikling kwento. Lalong
sumigla ang mga kwentista nang magkaroon ng buwanang patimpalak sa
pagtataguyod ng TALIBA. Noong 1920, gantimpala, ito ang unang kwentong
tumapat sa mahigpit na pangangailangan ng banghay, Marami din ang mga
nasisulat ng maikleing kwento tulad nina:

Jesus Arceo - “Ako’y May Isang Ibon” at “Pusa sa Aking


Hapag”
Rosalia Aguinaldo - “Ay! Ay!”
Brigido Batungbakal - “Nagbibihis ang Nayon”
Fausto Galauran - “Sugat ng Alala”
Amado Hernandaz - “Wala ng Lunas”
Genoveva Edroza Matute - “Walong Taong Gulang”
Inigo Ed. Regalado - “Pusong Uhaw sa Pag-ibig”

1 KASAYSAYAN NG MAIKLING KWENTO


ST. JUDE COLLEGE CAVITE INC.
URC. Ave. Salitran IV Dasmarinas, Cavite

Antonio Rosales - “Bahay na Bato”


Deogracias del Rosario - “Aloha”

Lumaganap at naging popular sa mambabasa ang maikling kwento


hanggang 1934. Ito ang tinatawag na panahon ng Ilaw at Panitik dahil
ganap nang nahasa ang mga manunulat sa sining ng maikling katha.
Nagkaroon ng mga panunuri at pamumuna sa mga kaukulangan at kalabisan
sa mga akda. Nabatid ang mga dapat taglayin ng isang mahusay at
masining na maikling katha.

Tinagurian ang panahong ito bilang “Mga Gintong Dahon ng Panitik


(1929 – 1934) sapagkat ang binigyang hugis ay ang kaanyuan bukod sa
pagbabago ng kalamnan.

Sa unti-unting pagningning ng maikling kwento bilang uri ng


salaysay na kinawiwilihan ng mga tao, nahati sa dalawang pangkat ang
mga kwentistang Pilipino. Ang unang pangkat ay ang mga manunulat na
yumakap sa istilo at pormang dayuhan. Samantalang ang ikalawang
pangkat ay hayagang tumang kilok sa tradisyunal na pagsulat. Dito,
lumabas ang labanan ng dalawang lakas sa panitik; ang makaluma at ang
makabago.

Sa panahon ding ito nakilala ang tinatawag ng mga Aristokrata at


mga Sakdalista sa pagsulat ng maikling kwento (Cabuhat, 1994).
Tinatawag na Aristokrata ang pangkat ng mga klasistang manunulat, na
naniniwalang ang pagsulat ay isang marangal na gawain kaya ang dapat
kumatha ay yaong mararangal na tao, na may mararangal at elitistang
mga tauhan. Kailangang piling-pili ang lengguwahe at naglalantad ng
kagandahan ng buhay. Ang mga Sakdalista nama’y mga kwentistang
produkto ng edukasyong kanluranin ng tumutuligsa sa makalumang paraan
ng pagsulat. Noong 1940, nagana pang isang radikal na kilos nang
sunugin ng mga sakdalista ang mga kathang sinulat ng mga aristokrata
sa Plaza Moriones, Tondo, Manila. Naging simula ito ng unti-unting
paghina ng maikling kwentong tagalog.

Ayon kay Teodora Agoncillio, ang maikling kwento noong 1935 –


1940 ay:

1. Gumagamit ng unang panauhan


2. Tungkol sabuhay sa lunsod
3. Matimpi sa paglalarawan at pagpapahayag ng damdamin

2 KASAYSAYAN NG MAIKLING KWENTO


ST. JUDE COLLEGE CAVITE INC.
URC. Ave. Salitran IV Dasmarinas, Cavite

4. Dahop sa malinis na pananagalog


5. At may ibat’t-ibang uri.

Nang dumating ang mga Hapones, nabalam ang pag-unalad ng maikling


kwento dahil ipinasara ang mga limbagan at ipinagbawal ang paggamit
ng wikang Ingles.

Sa panahong ito, masasabing gintong panahon ng Panitikang


Filipino dahil sa pinairal ng mga Hapon ang paggamit ng wikang
pambansa bilang midyum sa panulat. Sumigla at tumaas ang sangay na
ito ng panitikan. Ang nobelista ay napasama sa pangkat ng mga
kwentista. Ang resulta nito’y ang pagdami ng mga akdang nasusulat sa
wikang katutubo. Ang paksa ay naging mapagtimpi sa pagtalakay, Madula
ngunit maligoy. Nagkaroon ng iba’t-ibang pamamaraan ang kalagayan ng
maikling kwento. Sa nayon, ito ang tinaguriang “Kontemporaryong
Maikling Kwento”. Sumikat sa panahong ito ang batikang kwentistang
si Macario Pineda at napatanyag ang kanyang kwentong SUYUAN SA
TUBIGAN.

Naitatag din ang mga koponang nagtaguyod sa literature at


nakilala sa panahong ito sina:

Narciso Reyes - Unang gantimpala, “Lupang Tinubuan”


Liwayway Arceo - Ikalawang gantimpala, “Uhaw ang Tigang
na
Lupa”
N. V. M Gonzales - Pangatlong gantimpala, “Lungsod, Nayon,
at Dagat-dagatan”

Sa panahong ito, pinamatnugutan nina Alejandro Abadilla at


Clodualdo del Mundo ang isang aklat na nglalaman ng Kwentong Ginto na
nasusulat sa mga taong 1925-1935. Sinundan ito ng isa pang aklat na
pinamatnugutan ni Pedrito Reyes na kinapapalooban ng “50 Kwentong
Ginto” ng 50 Batikang Manunulat.

Nang matapos ang digmaan, namayani ang maikling kwento. Ito ay


anamulaklak dahil madali itong sulatin at basahin. Dalawang uri ng
maikling kwento ang nababasa sa panahong itol: Kwentong Komersyal at
ang kwentong inilalarawan, madaling unawain bagama’t hindi maayos ang
banghay, at halatang minadali ang pagsulat. Ang kwento nama’y
pampanitikan sapagkat tunay na maayos ang balangkas ng mga inilalahad

3 KASAYSAYAN NG MAIKLING KWENTO


ST. JUDE COLLEGE CAVITE INC.
URC. Ave. Salitran IV Dasmarinas, Cavite

ang papel ng bawat tauhan at natatapos ang kwentong nag-iiwan ng isang


kakintalan.

Noong taong 1944, sa pangangasiwa ng LIWAYWAY, pinili ang


magandang kwentong nasulat noong taong 1943.” Sinasabing ang mga
kwentong ito’y:

1. Matimpi sa pagtalakay sa paksa;


2. May madulang pangyayari;
3. Dahop sa banghay;
4. May iba’t-ibang paraan ng pagsasalaysay;
5. May mawalak na paningin;
6. Payak at hindi mabulaklak ang mga pangungusap; at
7. May mga pangungusap na lantad sa himig-Ingles

Noong 1947, sa pamumuno ni Alejandro G. Abadilla, nasuri ang


maikling kwento at nalimbag ang mga akda. Noong 1949, sa pamamatnugot
ni Teodoro Agoncillio, Inilimbag ang maikling kwentong Tagalog na
nasulat mula 1886 hanggang 1948.

Lalong sumigla ang pagsulat ng maikling kwento noong 1950 mula nang
maitatag ang taunang patimpalak ng Palanca Memorial Awards. Ang kauna-
unahang nagwagi sa patimpalak noong 1950-1960 ay ang mga sumusunod:

1950 – 1951

Genoveva Edroza Matute - Ang Kwento ni Mabuti


(Unang Gantimpala)
P.S Dandan - Mabangis na kamay
(Ikalawang Gantimpala)
E.P Kapulong - Planeta, Buwat, at Mga Bituiin
(Ikatlong Gantimpala)
Pablo N. Bautista - Kahiwagaan
Manuel J. Ocampo - Kamatayan sa Gulod
Genoveva D. Edroza Matute - Pagbabalik

1952 – 1953

Buenaventura Medina, Jr. - Kapangyarihan


Hilario L. Koronel - Ang Anluwage
Ponciano Peralta - Malalim ang Gabi

4 KASAYSAYAN NG MAIKLING KWENTO


ST. JUDE COLLEGE CAVITE INC.
URC. Ave. Salitran IV Dasmarinas, Cavite

1953 – 1954

Teodoro Agoncillio - Sa Kamatayan Lamang


Buenaventura Medina Jr. - Ang Pusa sa Aking Durungawan
Fernando L. Samonte - Matalino ang Inaanak ko

1954 – 1955

Genoveva Edroza Matute - Paglalayag sa Puso ng Isang Bata


Elpidio Kapulong - Batingaw
Virgilio Briones - Lumamig na Bakal

1955 – 1956

Martina del Rosario - Lupa, Ulan, at Supling


Pedro T. Salazar - Mga Butil, Mga Busal

1956 – 1957

Pedro S. Dandan - Sugat ng Digmaan


Buenaventura Medina Jr. - Punong Kahoy
Eduardo Reyes - Pag-uugat… Pagsusupling

1957 – 1958

Ponciano Pineda - Ang Mangingisda


Simplicio Bisa - Mahaba ang Daang Bakal
Pedro S. Dandan - Lakas

1958 – 1960

Buenaventura Medina Jr. - Dayuhan


Pedro L. Ricarte - Estero
Efren Abueg - Mapanglaw Ang Mukha ng Buwan
Cristobal Cruz - Kinagisnang Balon

Ngunit dumating din ang panahong humina ang pagtangkilik ng mga


mambabasa sa maikling kwento. Dahil metapisikal ang paksa, iilan
lamang ang nakauunawa sa malawak na kakintalang iniiwan ng mga ito.
Ang mga karaniwang mamamayang hindi gaanong nakapag-aral ay naghanap
ng mga babasahing tunay sa sasalamin sa kanilang buhay. Naghanap sila

5 KASAYSAYAN NG MAIKLING KWENTO


ST. JUDE COLLEGE CAVITE INC.
URC. Ave. Salitran IV Dasmarinas, Cavite

ng salaysaying payak at nagiiwan ng isang kakintalan sa kanilang


isipan. Ang pangangailangan ito ng nakarami ay tinugon ng ilang
baguhang manunulat kaya’t naisalbang unti-unti ang namamatay na
larangan.

Ang mga manunulat na ito ay sumulat ng mga akdang matatapang


nagpapakita sa tunay na nagaganap sa mundo. Inilahad sakanilang mga
akda ang tunay na mukha ng lipunan at ang tunay na katayuan ng mga
mahihirap at mayayaman. Nang pumasok ang Dekada ’70, nakita ang
tahasang pagkampi ng mga manunulat sa mga inaaping mahihirap.
Natalakay sa kanilang mga kwento ang malaking agwat ng mayayaman sa
mahihirap at lumutang sa mga akda kasamaang bunga ng pang-aalipin sa
mga mahihina. Nalantad sa mga akda ang malalang sakit ng lipunan.

Ang mga manunulat at mga akda nakilala sa panahong ito:

Efren Reyes Abueg - “Sa Kamatayan ni Tiyo Samuel” At


“Mabangis na Lunsod”
Ave Perez Jacob - “Ang Guwardiya” at “Lagablab sa
Utak
ni Damian Rosa”
Domingo Landicho - Himagsik ni Emmanuel Lazaro
Ricardo Lee - Huwag Mong Kwentuhan si Wei Fung
Domingo Mirasol - “Makina” at “Aso sa Lagarian”
Edgardo Reyes - “Sa Luntiang Bukid” at “Daang
Bakal”
Rogelio Ordonez - “Uod sa Bibig ng Lupa” at
“Buhawi”
Fernando Samonte - “Ngiti ng Isang Bangkay

Sa panahon ng Batas Militar, bagama’t maraming manunulat ang


nabilanggo dahil sa mga itinuring na rebeldeng panulat, marami pa ring
maikling kwento ang lamabas. Naging makatotohanan ang paksa ng mga
ito at natuon paksain o tema ang sa Bagong Lipunan. Binigyang-pansin
ng mga kwentista ang ginagawang pagbibigay ng pamahalaan ng lupa sa
magsasaka at pagsasaalang-alang sa ilang karaingan ng taong-bayan.

Sa pamamagitan pa rin ng Timpalak Palanca, nabigyan ng karangalan


ang ilang manunulat:

6 KASAYSAYAN NG MAIKLING KWENTO


ST. JUDE COLLEGE CAVITE INC.
URC. Ave. Salitran IV Dasmarinas, Cavite

1972 – 1973

Pedro S. Dandan - Ang Daong ni Noe


B. A. Ramos - Puwang sa ilalim ng Araw
Jun Cruz Reyes - Isang Lumang Kwento

1973 – 1974

Rosauro de la Cruz - Isang Dakot na Pira-pirasong


Buhay
Benigno R. Juan - Malikmata
Efren Reyes Abueg - Ang Buhay sa Ating Panahon
Victor S. Fernandez - Ulupong
Reynaldo A. Duque - Ang Landas Patungo sa Kalimugtong

1974 – 1975

Jose Reyes - Ang Oktubre ay Buwan ng mga


Talahib
Domingo Landicho - Huwag mong Tangisan ang Kamatayan
ng Isang Pilipino
Benigno R. Juan - Walang lawin sa Bukid ni Tata
Felipe
Alfredo S. Mendoza - Silang Mga Estatwa sa Buhay ni
Valentin Dakuykoy

1975 – 1976

Fanny Garcia - Alamat sa Sapang Bato


Jun Cruz Reyes - Araw ng mga Buldozer
Domingo Ladicho - Ang Pangarap ni Isis

1976 – 1977

Hercules del Mundo - Ahibay


Edgardo Maranan - Isang Kwento ng Paraisong Walang
Katapusan
Benigno R. Juan - Lagablab ng Isang Yagit

7 KASAYSAYAN NG MAIKLING KWENTO


ST. JUDE COLLEGE CAVITE INC.
URC. Ave. Salitran IV Dasmarinas, Cavite

1977 – 1978
Lilia Santiago - Talsik ng Liwanag sa Mata ng
Isang Musmos
Rosauro dela Cru - Ayoko Na
Jun Cruz Reyes - Utos ng Hari

1978 – 1979
Antonio Adviento - Lagaslas ng Hanging Makamandag
Alfonso Mendoza - “Tipaklong, Tipaklong”, “Bakit
Bulkan Sumabog ang Dibdib ni
Quintin Balajadia
Leuterio Nicolas - Pangarap
Benigno R. Juan - Habag
Jun Cruz Reyes - Mga Kwentong Kapos
Jose M. Marquez - Hindi na Humahakbang ang mga
Tagak

1979 – 1980
Reynaldo A. Duque - Kandong
Rufo Santos - Ang Turnilyo sa Utak
Benigno R. Juan - Orasyon: Sa Simbahan, Sa Pilitan,
at sa Coral Ballroom ng Manila
Hilton

1980 – 1987
Benjamin Pascual - Di Mo Masilip ang Langit
Ariel N. Valerio - Ikaw ang Aking Saksi
Rowena P. Petsin - Ulahing

1989 – 1990
Danilo de Austria Consumido - Agam-agam ng Isang Historyador
Luv Indico Diaz - Pula, Puti at Saka Blu at Marami
Pang Kolor

Henry Empeno - Sanlibo’t Isang Gabi ng mga


Palabas sa Pag-aantay sa USS
Midlife Crises; Ilang tagpo sa
Isang Nobela Hindi Pa Matapos –
tapos

1990 – 1991

8 KASAYSAYAN NG MAIKLING KWENTO


ST. JUDE COLLEGE CAVITE INC.
URC. Ave. Salitran IV Dasmarinas, Cavite

Walang nanalo para sa mga pangunahing gantimpala.

1991 – 1992
Henry P. Nadong - Gaya ng Dati
Evelyn Estrella-Sebastian - Si Regina at Ako
Ariel Valerio - Ang mga Martir

1992 – 1993
Mayette Bayuga - Rosal
Marco A. V. Lopez - Kumusta na, Bok
Froilan Sempio Medina - Wala sa Sarili

1993 – 1994
Jimmuel C. Naval - Ang Pangangaluluwa
Eli Rueda Guieb III - Pinsan
Levy Balgos dela Cruz - Mga Kagila-gilalas na
Kababalaghan sa Ilang

UGAT NG MAIKLING KUWENTO


1. Mitolohiya
Ito’y salaysay tungkol sa iba’t ibang diyos na pinaniniwalaang
mga sinaunang katutubo. Ang salaysay na ito ay tungkol sa mga
kababalaghan at tungkol sa kanilang mga pananalig at paniniwala
sa mga anito.

2. Alamat
Isinasalaysay ng kuwentong ito ang pinagmulan ng isang bagay,
pook, pangyayari at iba pa. Pinalulutang din dito ang
mahahalagang mensahe at mga aral sa buhay.

3. Pabula
Ito’y isang uri ng kuwentong gumagamit ng mga hayop bilang mga
tauhan. Bagama’t kathang-isip lamang ang kuwentong ito walang
tiyak na batayan. Ang pabula ay naghahatid pa rin ng mahahalagang
mensahe at aral ng buhay.

4. Parabula
Ito’y salaysay na hango sa Bibliya. Lumulutang dito ang moral at
ispiritwal na pamumuhay ng mga tao at ang paglalahad ay
patalinghaga.

9 KASAYSAYAN NG MAIKLING KWENTO


ST. JUDE COLLEGE CAVITE INC.
URC. Ave. Salitran IV Dasmarinas, Cavite

5. Kuwentong Bayan
Ipinapakita sa salaysay na ito ang pag-uugali, tradisyon,
paniniwala, pamahiin at kultura ng isang lipi. Inilalahad din
dito ang mga suliraning hinarap ng tribu na siyang mag-iiwan ng
aral at tiyak na mensahe sa mga mambabasa.

6. Anekdota
Ito’y nagsasalaysay ng mga pangyayaring katawa-tawa at ang mga
pangyayari’y kapupulutan ng mga aral sa buhay.

MGA URI NG MAIKLING KUWENTO


AYON SA KAHINGGILAN
1. Kwento ng madulang pangyayari – nakapokus sa kwentong ito ang
mahahalaga, kasindak- sindak, at mga pambihirang pangyayaring
nakakapagpapabago sa kapalaran ng mga tauhan.

2. Kwento ng Maromansang Pakikipagsapalaran – ang diin ay nasa


balangkas ng mga pangyayari at wala sa tauhan ang kawilihan o
interes.

3. Kwento ng Kababalaghan – nakatuon sa mga pangyayaring hindi


kapani-paniwala. Kadalasan, ang kwento ay tumatalakay ng
pantasya.

4. Kwento ng Katatakutan – ang pokus ng kwentong ito ay nasa


kasindak-sindak na mga pangyayari, tunay na nakapanpapatinag ng
damdamin at kilos ng mga mambabasa.

5. Kwento ng Katatawanan - hangarin ng kwentong ito na magpatawa at


magbigay-aliw sa mga mambabasa. May kabagalan at may kaunting
pagkalihis sa balangkas ang galaw ng mga pangyayari.

AYON SA KABALANGKASAN
1. Maikling kwento ng Kabanghayan – maayos ang pagkakahanay at
wastong pagkasunod- sunod ng mga pangyayaring kikiliti sa
kawilihan ng mga mambabasa.

2. Maikling kwento ng Katauhan – ang pagkatao, hangarin, at


kalagayan ng pangunahing tauhan ang siyang pinalulutang sa
kwentong ito.

10 KASAYSAYAN NG MAIKLING KWENTO


ST. JUDE COLLEGE CAVITE INC.
URC. Ave. Salitran IV Dasmarinas, Cavite

3. Maikling kwento ng Kapaligiran o Katutubong Kulay – bukod sa


kapaligiran, pinapansin ang mga kaugalian, paniniwala ng mga
tao, ang kanilang kultura, uri ng pamumuhay at hanapbuhay, pati
na ang kanilang pananamit.
4. Maikling kwento ng Sikolohiko o Pangkaisipan – nangingibabaw ang
damdamin at iniisip ng pangunahing tauhan, at hindi ang kanyang
ikinikilos o galaw ng mga pangyayari.

ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO


1. TAUHAN
Likha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan. May pangunahing
tauhan kung kanino nakasentro ang mga pangyayari at mga pantulong
na tauhan.

2. TAGPUAN/PANAHON
Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba't ibang lugar, sa iba't
ibang panahon kung saan at kailan nagaganap ang mga pangyayari.

3. SAGLIT NA KASIGLAHAN
Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga
pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan.

4. SULIRANIN O TUNGGALIAN
Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at
sumasalungat sa kanya. Ang tunggalian ay maaaring Tao laban sa
kalikasan, Tao laban sa sarili, Tao laban sa Tao/lipunan.

5. KASUKDULAN
Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan
ng bumabasa ang mangyayari sa pangunahing tauhan, kung siya'y
mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng suliranin.
MGA BAHAGI NG KASUKDULAN
1. Panimula – sa bahaging ito niya paaasahin ang mga mambabasa
sa isang kawili-wili at kapanapanabik na akda.
2. Tunggalian – ito ang nabibigay daan sa mga madudulang tagpo
upang lalong maging kawili-wili ang mga pangyayari.
3. Kasukdulan – dito nagwawakas ang tungalian. Pinakamasidhi
ang pananabik na madarama ng mga mambabasa sa bahaging ito.

11 KASAYSAYAN NG MAIKLING KWENTO


ST. JUDE COLLEGE CAVITE INC.
URC. Ave. Salitran IV Dasmarinas, Cavite

4. Wakas- maaaring ipaloob dito ang paliwanag o pahiwatig sa


tiyak na sinapit ng pangunahing tauhan sa halip na ipaubaya
na lamang sa mga mambabasa.

6. KAKALASAN
Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa
kasukdulan.

7. WAKAS
Tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian ay humantong
sa pagkabigo ng layunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan.
Tinatawag na melodrama kapag may malungkot na sangkap subalit
nagtatapos naman nang kasiya-siya para sa mabubuting tauhan.

MGA PITONG SALIK NG MAIKLING KWENTO


1. Banghay – ang pagakakabatangkas ng mga pangyayaring dapat na
maging maayos ang pagkakaugnay

2. Kakinatalan – ito ay tumutukoy sa paglalarawang tauhan ayon sa


sariling mga salita at kilos

3. Kaganyakan – ito ang pumupukaw sa kawilihan ng mga mambahasa


batay sa pangunahing suliranin sa kwento

4. Kapanauhan – it ay tumutukoy sa pagalalarawang tauhan ayon sa


sariling mga salita at kilos

5. Kakanyahan- ang nauukol sa salitang bigkas ng paraa ng pagsulat


o akda

6. Paksang Diwa – ito ang pinakakaluluwa ng kwento

7. Himig – ito ang nangingibabaw na damdamin sa kwento

12 KASAYSAYAN NG MAIKLING KWENTO

You might also like