Professional Documents
Culture Documents
Mayroon ng panitikan ang mga Pilipino bago pa man dumating ang mga Kastila.
Sinasabi sa kasaysayan na bago pa man Imperyong Madjapahit ang Pilipinas ay
mayroon ng panitikan ang mga ninuno natin at ito ay nagsimula sa pasalitang tradisyon.
Pinagmulan ng Panitikang Pilipino – ang mga aral at patnubay na nalilikha ng
matatanda na nagpasalin-salin sa bibig ng mga mamamayan.
Alamat – base sa obserbasyon sa mga bagay-bagay sa kapaligiran, isa sa matandang
anyong nakilala.
Salawikain at Kawikaan – pangangaral na nagagawa sa magagandang pananalita na
karaniwang may tugmaan kaya madaling matandaan na naging patnubay sa paghubog
ng magandang asal ng kabataan.
Mula sa pasalitang kaanyuan ng pantikan ng ating ninuno ay umunlad ito sa tulong ng
mga impluwensyang tinanggap mula sa mga kalapit bansa tulad ng Indonesiya,
Malaysia, India, Arabia at Cambodia.
Mula sa mga bansang ito ay pumasok ang mgA epiko, alamat, kwentong bayan,
awiting bayan, karunungan bayan at mga iba-t ibang uri ng dula.
1565 – Nagkaroon ng pagbibihis ng Panitikang Pilipino sa panahon ni Manuel Lopez de
Legazpi.
Alpabetong Romano - Pumalit sa Alibata.
Naging bahagi rin ng panitikang Pilipino ang awit korido at moro-moro.
Ang mga manunulat ay hindi rin nagkaroon ng kalayaang maipahayag ang kanilang
damdamin.
Sapilitang ipinag-utos ang pagtuturo ng Ingles sa mga paaralang pampubliko.
Lope K. Santos –sumulat ng mga artiKulong makabayan sa El Renacimiento at Muling
Pagsilang.
Juan K. Abad at Aurelio Tolentino–sumulat at nagtanghal ng mga dulang makabayan at
itinuring ng mga Amerikanong mapanghimagsik.
Jose Villa Panganiban–Kinilala sa panahong ito dahil sa akdang “Ang Bayan Ko’y Ito”
Anicieto Silvestre –“Pambansang Makata”. Ipinapanalo niya ang kanyang dalawang tula
sa patimpalak ng SWP noong1946.”Mutya ng Silangan” at “Ako’y Lahing Kayumanggi”
Alejandro G. Abadilla–“Makata ng makabagong panahon. Tinalikuran ang matandang
panulaan sa tulang “Ako ang Daigdig”. Tinanghal na “Pangunahing Makata” noong
1957. Tradisyunal parin ang istilo dahil mabulaklak at sentimental pa rin ang pagsusulat.
Aliwan–Babasahing pinaglalathalaan ng mga nobela.
NOBELA
“Lumang Simbahan”
“Halik sa Bandila”
“Dalagang Bukid”
“Banaag at Sikat”
“Tahanang Walang Ilaw”
Katangian ng Nobela–nagtatanghal ng diwang makabayan, kamalayang sosyal,
kamalayang pangkasaysayan at kinakikitaan ng intelektwalismo.
Nobelista:
Julian Cruz Balmaceda
Faustino Aguilar
Faustio Galauran
Lope K. Santos
Jose Esperanza Cruz
“Hulyo 4, 1934 AD” ni Dionisio Salazar pinakamahusay na dulang naisulat. Dulang
naglalahad ng isang mapanganib at madugong misyonng Hukbong Mapagpalayang
Bayan. Layuning mapabagsak ang pamahalaang Pilipino sa panahon ni Magsaysay.
“Sampung Dula na Tig-iisang Yugto” nina S. Flores at M.J. Enriquez Nailimbag na
katipunan sa panahong ito.
KILUSAN
NECDA –Nueva Ecija Cultural and Dramatic Association, isang samahang pang kultura
1960-1970 –kinkitaan ng kaisahan, kalinawan, kaayusan ng pagkakaugnay-ugnayang
pagsasalaysay at ang kanilang wika ay simple at tahasan
NOBELA
“Ibong Mandaragit” at “Luhang Buwaya” ni Amado V. Hernandez
“Mga Halik sa Alabok” ni Dominadro Mirasol
“ Satanas sa Lupa” ni Celso A. Carunungan
“Dilim sa Umaga” ni EfrenAbueg
“Daluyong” ni Lazaro Francisco
“Apoy sa Madaling Araw” ni Rogelio Ordoez
“Dugo sa Bukang Liwayway” ni Rogelio Sikat
PEDRO M. RICARTE
Sinuri ang mga akdang nasuuslat sa panahon ng aktibismo ay nakita niyang sa panahong
ang isang bansa ay nasa kalagayang humihingi ng pagbabago, ang mga makatang may
pakikilahok ang siyang kailangan at masasabing may mahalagang papel na dapat
gampanan.
Ang mga makata ay mga propetang tagahanap ng katotohanan at pananalig
Ang bagong panitikan sa panahon ng aktibismo ay para sa masa at mararahas na salita
ang kailangan upang maipadama ang katotohanan sa mga mambabasa.
AMADO V. HERNANDEZ
Isang manunulat na naghimagsik sa lenggwaheng tula. Isang sosyolista raw ayon kay
Buenaventura S. Medina Jr. Tinaguriang “Makatang Manggagawa o Anakpawis”. “Isang
Dipang Langit”, “Ang Panday”, “Ang Pulubi sa Puno ng Tulay”, “Walong Salarin”, “Butil
ng mga Perlas at Patak ng Luha”, “Luhang Buwaya” at “Ibong Mandaragit”.
Makata:
Virgilio S. Almario
Teo S. Baylen
Rodolfo S. Salandanan
Bienvenido Ramos
Rogelio Mangahas
Epifanio San Juan
Ang mga madre at pari ay nakialam narin at nakilahok sa pamamagitan ng paglulunsad
ng mga babasahing progresibo
SLOGAN
“ Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan”
“Ang pagsunod sa magulang ay tanda ng anak na magalang”
“Huwag mag siksikan, tayo’y magbigayan”
“Mag planong pamilya, nang ang buhay ay lumigaya”
“Tayo’y mag tanim upang mabuhay”
AKDA
“Five Years of the New Society”
“Notes on the New Society”
“The Democratic Revolution in the Philippines”
“Today’s Revolution: Democracy”
“Tadhana: The History of the Filipino People”
“The Rebellion of the Poor”
“A Dialogue with my People (katipunan ng talumpati)
TULA
NOBELA
Ang mga nobela ng naisulat sa Bagong Lipunan ay KOMERSYAL ang anyo.
Paksa–pag-ibig
Nobelista:
Liwayway Arceo Bautista
Rosario Guzmen Lingat
Bienvenido Ramos
Benjamin Pascual
URI NG DULA
Nicanor Tiongson
Palabas–ang mga dulang Pilipino na may impluwensiya ng Kastila tulad ng sarswela at
komedya, stage show at bodabil. Layunin ng mga dulang palabas ang mag bigay ng aliw.
Halimbawa, “Hanggang Dito na Lamang at Maraming Salamat” ni Orlando Nadresat
“Bata pa si Sabel” ni Raul Silos.
Paloob–dulang sumasalamin sa lipunan at pakikisangkot ng tao sa lipunan.
Halimbawa, “Kabesang Tales” ni Paul Dumol at “Maranatha” ni Rodolfo Galenzaga
Imelda Marcos –tinangkang buhayin ang sarswela sa pamamagitan ng SARSWELA
FOUNDATION OF THE PHILIPPINES
Mahalagang Tungkulin ng Dula–pagkakagamit nito pagtataguyod ng mga proyektong
inilunsad para mapaunlad ang mga kaanyuan.
Youth Civic Action Program
Paksa–pagpaplano ng pamilya, pagtatanimat pagpapasagana sa buhay bunga ng sariling
pagsisikap.
Agosto21, 1983 –nagimbal ang sambayanang Pilipino nang naganap ang pagkamatay ni
Benigno Aquino
Pebrero12, 1986 –nagkaroon ng halalan nalabag sa itinadhanang Saligang Batas.
Sa pagbabagong pamahalaan ay muling nabuhay ang panitikan ng mga manunulat na
ilang panahon ding nanahimik.
Naging Malaya muli ang kanilang panulat
Nagkaroon ng kalayaan sa pagpapahayag
Nobelista:
Rogelio Sikat
Efren Abueg
Dominador Mirasol
Rogelio Ordonez
2 uri ng nobela:
Pampanitikan–layuning mag hasik ng kamalayang panlipunan
Komersyal–layunin ay kumita ng pera
MANANAYSAY
Isagani Cruz
Edgardo Maranan
Pedro Ricarte
Buenaventura Medina
Rolando Tinio
Virgilio Almario
KWENTISTA
Isagani Cruz
Edgardo Maranan
Pedro Ricarte
Buenaventura Medina
Rolando Tinio
Virgilio Almario
KLASISMO
Ang klasisismo o klasismo ay isa sa teoryang pampanitikan na nagmula sa Gresya. Mas
higit na pinapahalagahan ang kaisipan kay sa damdamin.
Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba
ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari,
matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may
kaayusan.
Ipinahahayag ng klasismo na ang isang akda ay hindi naluluma o nalalaos, sa kabilang
dako ay nangyayari o nagaganap parin sa kasalukuyan.
Nakasaad rin ditto na ang panitikan ay nakatuon sa punakamataas patungo sa
pinakamababa , ibig sabihin sa itaas matatagpuan ang kapangyarihan at kagandahan.
HUMANISMO
Ito ay sumibol sa panahon ng Muling Pagsibol o Renacimiento (Renaissance). Ito ay
nagmula sa salitang ingles na “human” o tao sa Filipino.
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo. Binibigyang- tuon
ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento at iba pa.
Ayon kay PROTAGORAS (Villafuerte, 1988) “Ang tao ang sentro ng daigdig, ang
sukatan ng lahat ng bagay at panginoon ng kanyang kapalaran.”
Humanismo:Dignidad, Pagpapahalaga sa Sarili at Kapwa
Ang teoryang humanismo ay pananaw na nakasentro sa tao sa halip na sa Diyos.
Sa pilisopiya, ito ay atityud na nagbibigay diin sa DIGNIDAD AT KAHALAGAHAN ng tao
Pinaniniwalaang ang tao ay nilikhang RASYUNAL.
Karaniwang ginagamit ang humanismo para ilarawan ang kilusang panitikan at kultura
sa kanlurang Europa noong ika-14 hanggang ika-15 siglo.
Nagbigay ng bagong sigla ang humanismo ang pagkakatuklas ng paglilimbag noong ika-
15 siglo sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mga klasikong edisyon.
Sa pagsusuri ng panitikan ayon sa pananaw na humanistiko, mainam na tingnan ang
sumusunod:
Pagkatao
Tema ng kwento
Mga pagpapahalagang pantao: moral at etikal ba?
Mga bagay na nakaiinfluwensya sa pagkatao ng tauhan; at
Pamamaraan ng pagbibigay solusyon sa problema.
IMAHISMO
Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga
damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-akda na higit
na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita.
Isang pamamalagay na kinakailangang gumamit ng matipid at maingat na paggamit ng
mga salita upang makabuo ng konkretong imahen.
Ito ay umusbong noong 1900 at sa unang dalawang dekada ng ika-20 siglo lumalaganap
ang imahismo bilang isang kilusang panulaan sa Estados Unidos at Inglatera.
Nagbibigay-pansin sa hanay ng mga salita at simbolismo ang nasabing kilusan. Ilan sa
mga prominenteng pangalan sa kilusang ito ay ang mga makatang Amerikanong sina
Ezra Pound, Amy Loswell, John Gould Fletcher at Hilda Doolittle.
Samantala, sa Ingletera naman ay nakilala ang mga manunulat na sina D.H. Lawrence at
Richard Aldington. Kasabay ng kanilang paglikha ng mga obra sa ganitong lapit,
nagpalaganap din ang kanilang hanay ng mga manifesto at sanaysay na kumakatawan
sa kanilang teorya.
REALISMO
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may- akda sa
kanyang lipunan SA MAKATOTOHANANG PAMAMARAAN.
Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo
sapagkat isinaalang-alang ng may- akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang
sinulat.
Nagpapajhayag ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad ng buhay . ipinaglalaban ng
teoryang realism ang katotohan kaysa kagandahan.
HALIMBAWA:
AMBO
Isang maikling kuwentong isinulat ni Wilfredo Virtusio.
Ito ay tumatalakay sa katiwalian na siyang dahilan ng paghihirap ng maraming
mamamayan.
Sinasalamin nito ang kawalang pakialam ng mga opisyales na walang ibang inatupag
kung hindi ang magkamal ng salaping nagmumula sa paghihirap ng mga taong ang nais
lamang ay maibigay ang pangunahing pangangailangan ng kanilang pamilya.
Bangkang Papel
Isinulat ni Genoveva Edroza- Matute. Ito ay unang nailathala noong 1946.
Ang isyung tinalakay sa kwento ay ang pagkawasak ng pamilya
dahil sa gera.
Unang nailathala noong 1946, ang taon kung saan nagkamit ng Pilipinas ang tunay na
kalayaan at unang taon kung saan maaring maglathala ng mga kwento ang awtor.
Bakas sa kwento ang kinimkim na saluobin ng awtor tungkol sa digmaan
noong pinlanong sakupin ng mga Hapon ang Pilipinas.
Ang kwentong ito ay tungkol sa pagbabalik-tanaw ng tagapagsalaysay sa tuwing
nakakakita siya ng mga batang nag papalutang ng bangkang papel.
FEMINISMO
Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at
iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang
panitikan ay feminism sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay
Ipimayagpag anG mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.
PORMALISMO O PORMALISTIKO
Ang pagtuklas at pagpapaliwanag sa anyo ng akda ang tanging layunin ng pagsusuring
formalistiko. Hindi binibigyang-diin sa teoryang ito ang buhay ng may-akda, hindi
nakapaloob ang kasaysayan, at lalong walang mababanaag na implikasyong
sosyolohikal, politikal, sikolohikal, at ekonomikal. Samakatuwid, ang pisikal na
katangian ng akda ang pinakaubod ng pagdulog na ito.
SIKOLOHIKAL
Tumutukoy sa isang uri ng kritisismo na nagbibigay-diin sa porma ng isang teksto at
hindi sa nilalaman nito.
Binibigyan nito ng markadong atensyon ang kaayusan, istilo, o paraang artistiko ng
teksto.
Iniiwasan nito ang pagtatalakay ng mga elementong labas sa teksto mismo tulad ng
histori, politika, at talambuhay.
Tinatalakay sa akda ang mga damdaming namamayani sa mga tauhan gaya ng
pagmamahal, paghanga, pagkadakila, gayon din ang mga negatibong damdamin ng
pangamba, takot, galit, pagkabigo, at iba pa. Mahalagang masuri ang emosyon at
makilala ang tunay na katauhan ng indibidwal.
Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salik
(factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao)
sa isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o
nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.
EKSISTENSYALISMO
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon
para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human
existence).
Sa utak at isip nakasentro ang teoryang pampanitikang ito [dahil] utak ang
nagpapagana sa tao. Tao ang pangunahing nilikha sa mundo; siya lamang ang may
kakayahang mag-isip at magdesisyon, hindi gaya ng hayop at ibang nilalang.
ROMANTISISMO
Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t-ibang paraan ng tao o sumasagisag
sa tao sa pag aaral ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinagagalawan.
Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang
maipaalam lamang ang kanyan pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.
Binibigyang halaga ang indibidwalismo, rebolusyon, imahinasyon at likas.
Pagtakas mula sa realidad o katotohanan.
MAKISMO O MARXISMO
Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling
kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang- ekonomiyang kahirapan
at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa
kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.
Pinakikita ang pagtutunggalian ng dalawang magkasalungat na pwersa.
SOSYOLOHIKAL
BAYOGRAPIKAL
QUEER
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
masasalamin sa kasaysayan ay bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita
na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
KULTURAL
FEMINISMO – MARKISMO
Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng kababaihan sa pagtugon
sa suliraning kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang pagkilala sa
prostitusyon bilang tuwirang tugon sa suliraning dinaranas sa halip na ito’y kasamaan at
suliranin ng lipunan.
DEKONSTRUKSYON
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at
mundo.
Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang
nag- udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais
iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo.
NATURALISMO
Ito’y teoryang pampanitikan na naniniwalang malayang kagustuhan ang isang tao dahil
ang kanyang buhay ay hinuhubog lamang ng kanyang heredity at kapaligiran. Sa
panitikan, layon nito na ipakita nang walang panghuhusga ang isang bahagi ng buhay.
Nabibigyang pansin dito ang mga saloobin, damdamin, kilos at gawi ng mga tauhan.
PANGKALAHATANG PANANAW
“Huwag niyong husgahan ang tao sa panlabas niyang anyo bagkus alamin muna ang
pinagmulan ng katangian niyang ito” sapagkat “kung ano ang ginawa mo sa iyong
kapwa, iyon din ang iyong matatanggap.”
SIKO – ANALITIKO
Tanging ang ekonomiya lamang ang motibo ng lipunan. “Nasa paghahanapbuhay ang
tugon upang lasapin ang sarap ng buhay.” Nagkakaroon lamang ng maturidad ang
isang tao bunga ng kanyang kamalayan sa kahirapan.
ARKETIPAL
PANUNURING PAMPANITIKAN
Ang pahayag sa itaas ay nagmula kina Dr. Soledad S. Reyes, Dr. Loline M. Antillon at Prop.
Tomas O. Ongoco na naging lupong inampalan sa Timpalak sa Pagsulat ng Sanaysay-
Panunuring Pampanitikan sa Panitikang Nasusulat sa Katutubong Wika sa Pilipinas.
5. Sa pagsusuri ng tula, ang pananarili sa pananagisag sa tula ay hindi dapat panaigin. Ang
katangian ng makasining na tula ay ang sikad na damdamin at lawak ng pangitain nito.
Ang simulaing ito ay ayon kay Ruben Vega na siya ring nagsabing ang mahalaga sa tula
ay ang lasa at hipo nito at hindi ang balat ng prutas. Ayon pa sa kanya, ang buhay raw ng
sining ay nasa ubod at laman.
6. 6. Ang pamimili ng paksang tutulain ay hindi siyang mabisang sukatan ng kakayahan ng
ng makata. Sa halip, ang higit na kailangang pahalagahan at sukatin upang makagawa ng
makatarungang pagahatol ay kung papaano ang pagkatula. Ayon kay Pedro L. Ricarte,
kung papaanong buhat sa paksang kinuha sa pagtutulong-tulong ng sensibilidad,
kadalubhasaan, institusyong ang tunay na tula ay kailangang matigib ng damdamin,
kinakailangang managana sa kabuuan nito, sapagkat kung hindi mapupuno sa
damdamin, kailanma’y hindi maaaring matibag sa mga taludtod nito ang isang
kagandahan.
7. Ang susuriing akda ay kailangang napapanahon, may matibay na kaisahan,
makapangyarihan ang paggamit ng wika at may malalim na kaalaman sa teoryang
pampanitikan.
8. Ang susuriing akda ay kailangang nagpapamalas ng masinop na pag-uugnay ng mga
sangkap ng pagsulat.
Mapahahalagahan lamang natin nang lubos ang isang akda kung tayo’y may kinalaman sa
pagsusuri nito.
• Positibo – Panunuri
• Negatibo – Kritisismo
• Ang kritiko ay matapat sa sariling itinuturing ang panunuri ng mga akdang pampanitikan
bilang isang sining.
• Ang kritiko ay handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang pampanitikan at hindi
manunuri ng lipunan, manunulat, mambabasa o ideolohiya.
• Ang kritiko ay laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa panitikan.
• Ang kritiko ay iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritiko na patuloy na sumasandig sa
ibang disiplina gaya ng linggwistika, kasaysayan, sikolohiya, atbp.
• Ang kritiko ay matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim sa paraan ng
pagbuo o konstruksyon batay sa sinusunod na alituntunin at batas.
• Ayon kay Alejandro G. Abadilla, kailangan ng isang kritiko ang tigas ng damdaming
naninindigan upang maging tiyak na kapakinabangan ng panitikan ang kanyang
pagmamalasakit, ay ipinakilala ng mga pangyayari nang mga unang taon ng kanyang pamimili.
“Ang pinakamahalagang bagay ay hindi nakikita ng mga mata sapagkat ang tunay na halaga ng
bagay, puso lamang ang nakadarama.” - Aral mula sa Ang Munting Prinsipe ni Antoine de Saint-
Exupery
-Kaalaman
-Komprehensyon
-Aplikasyon
-Analisis
-Sintesis
-Ebalwasyon
Kaalaman -obserbasyon -impormasyon -petsa, pangyayari, lugar, tao, atbp -pangunahing ideya
-Ilista, tukuyin, ipakita, ano, sino kailan, saan, atbp.
Komprehensyon -pag-unawa sa impormasyon at kahulugan -pag-i-interpret ng mga facts -
paghahambing -pag-aayos at paghihinuha -ibuod, ilarawan, ihambing, iinterpret, hinuhain,
talakayin
-Pagsusuring panlinggwistika
-Pagsusuring pangnilalaman
-Pagsusuring pampanitikan
PAGSUSURING PANLINGGWISTIKA Masusuri ang akda batay sa mga kahulugan ng salita (pagpili at
etimolodyi).
PAGSUSURING PANGNILALAMAN Pagsusuri sa akda ayon sa mga nais sabihin nito (konteksto).
PANITIKANG PILIPINO
Dalawang paraan ng Pag-uuring PanitikangPilipino
Ayon sa paghahalin
Napapangkat satatlo:
1. . Pasalindila –sa paraan ngpaglilipat ngdilao bibig.
Sa palagian nilang pakikinig at pagbigkas, naisasalin ito hanggang sa susunod na henerasyon.
2. Pasalinsulat -Ang mga panitikan ay isinulato inukit at ginuhit sa balabak ng kahoy o mga
dahun-dahon.
Ayon sa anyo
Nahahati sa tatlonguri:
1.Patula -ito ay saknungan na ang bawat taludturan ay maaaring may bilang o sukat ang mga
pantig at may magkakasintunog o magkakatugmang pantig sahulihan.
Maaari rin naman itong malaya at wala ang mga katangiang unangnabanggit.
Anyong PATULA
Ay saknungan at ang bawat taludturan ay maaaring may bilang o sukat ang mgapantig.
Ang mga pantig sa hulihanay maaaring magkasintunog o magkatugma.
Maaari rin namang ito ay maging malaya at walang mga katangiang tulad ng unang nabanggit.
4.Tulang patnigan.
TulangPasalaysay
Aynaglalarawanngmgatagpoopangyayaringmahahalagasabuhay.
Ito ay may tatlong uri –ang epiko, awit at kurido, atbalad.
1.EPIKO
ay mahabang tula na inaawit o binibigkas. Nauukol ito sa kababalaghan at pagtatagumpay ng
pangunahing tauhan laban sa mga panganib at hamong kanyang natatanggap. Ang mga
nagsulat nito ay naglayong gamitin ito saritwal.
Hudhud.
Ang epikong ito ng Ifugao ay kinakanta tuwing may importanteng mga kasayahan, katulad ng
anihan atpagtatanim.
2.AwIT
ay tungkol sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran ng mga pangunahing tauhang mga reyna’t
hari, prinsesa’t prinsipe. Ang awit ay may 12 ang sukat ngpantig.
3.KORIDO
ay tungkol sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran ng mga pangunahing tauhang mga reyna’t
hari, prinsesa’t prinsipe. Ang korido ay may 10 angsukat.
Ang IbongAdarna
4.BALAD
ay tulang inaawit habang may nagsasayaw. Mayroon itong anim hanggang walongpantig.
Balitaw
Debateng awit atsayaw
tungkol sa pagmamahalan ng isang babae at isang lalaki.
1. AwitingBayan
ay mula pa sa mga ninuno natin at magpahanggang ngayon ay kinakanta o inaawit pa rinnatin.
Lupang Hinirang, Leron Leron Sinta, Dalagang Pilipina, Bahay Kubo, Paruparong Bukid
2.SoNETO
ay tungkol sa damdamin at kaisipan. Ito ay may 14 na taludtod. Ang nilalaman ay tungkol sa
damdamin at kaisipan at may malinaw na kabatiran sa likas napagkatao.
gawan ng dalit ang pinatay na walang aba at bumuo ng nobela tungkol sapakikibaka
•kaya’t pulutin ang sandata at mamuno sadigmaan
pagka’t tula mo’y di lang pang silid-aklatan ang sinulat mo’y mumulat ng kaisipan makata ng
bayan, may lugar ka sakilusan
•ang obra mo ngayo’y di na lang pang libangan makata ng bayan, ngayon ay lumalaban!
3.ELIHIYA
ito ay patungkol sa kamatayan o sa pagdadalamhati lalo na sa paggunita sa isang
sumakabilang-buhayna.
•Anila, ang awit ay ang kagandahan na nakaayubo sa ating paligid mabituing langit, bagwis
ngamihan
maingay na lunsod, at payapang bukid; (di iyan ang awit na ngayon ay alay… (iya'y dati na't
mga lumanghimig)
•Ang awit kong ito'y pipi't walang nota at dalit sa labi ng mgapulubi
5.PASTORAL
tungkol sa buhay sabukid.
•Puno ng kawayan aynaglangitngitan Lalo na kung hipan ng hanging amihan Ang katahimikan
nitong kaparangan Pinukaw na tunay nitongkasayahan.
•Kung ang hanap mo ay ligaya sa buhay Sa libis ng nayon doon manirahan Taga-bukid man
may gintong kalooban, Kayamanan at dangal ngkabukiran.
6.ODA
ito ay isang papuri, panaghoy, o iba pang masiglangdamdamin.
Walang tiyak na bilang ang pantig attaludtod.
1.KomEDYA
ang layunin nito ay gawing kawili-wili ang panonood sa pamamagitan ng mga ginagawa ng
pangunahing tauhan. Ang wakas nito ay masaya. Ang kaguluhan sa bandang simula ay naaayos.
Ang pagkakasundosundo ng mga tauhan ang nakapagpapasaya sa mga nanonood.
Kiki-Riki ni Juan Crisostomo Soto (o Crissot), na tinaguriang “Ama ng PanitikangKapampangan”
2.MeLODRAmA
ginagamit ang tulang ito sa mga dulangmusikal.
Sarimanok ni Steven Prince “Patrick” C.Fernandez.
3.TrAHEDyA
nauuwi ang dulang ito sa malagim o malungkot nawakas.
Ang Trahedya sa Balay ni Kadil ni DonPagusara.
4.PARSA
ay nakapagpapasiya sa mga nanonood dahil sa mga dugtong-dugtong na mga
pangyayaringnakatatawa.
5.SAyNeTe
ay tungkol sa mga lugar o pag-uugali ng mgatao .