You are on page 1of 26

ALAMAT

Ang alamat (legends) ay isang uri ng akdang pampanitikang tuluyan o


prosa (prose). Ay karaniwang isinalaysay sa pakuwentong paraan. Ito ay
binubuo ng malalayang pahayag at pangungusap na batay sa may akda kaya
hindi na kinakailangan ng mga tugma at sukat na karaniwan namang
ginagamit sa mga akdang patula.

Kinapapalooban ito ng mga pantasya at mga hindi totoong pangyayari


kaya ito ay kawili-wiling basahin. Nabubuo ang alamat kapag tinatangkang
bigyan ng isang mananalaysay ang isang bagay, pook, tao, o pangyayari ng
pinagmulan nito. Mababakas na ang mga pangyayari ay likhang isip lamang,
salat sa katotohanan at tunay na di kapani-paniwala.
HALIMBAWA:

ALAMAT NG BUNDOK PINATUBO


BUOD:

Maraming ipinakita ang alamat na ito, tulad na lamang ng


pagmamahal ng isang pinuno sa kaniyang pinamumunuan at
ang pagmamahal ng isang ama sa kaniyang anak. At ang
pinakamahalagang ipinakita ng akdang ito ay ang pagbibigay
pansin sa ating kapaligiran gayon na rin ang mga naging
kaugalian ng ating mga ninuno tulad ng pagkahilig sa
pangangaso.
BALAGTASAN

Ito ay tagisan ng galing sa pamamagitan ng palitan


ng ideya o katwiran sa pamamaraang patula. Ito’y may
maayos na pangungusap at karaniwang may paksang
pinagtatalunan. May taong namamagitan sa nagtatalo
na tinatawag na lakandiwa. Ang salitang balagtasan ay
hango sa pangalan ni Francisco “Balagtas”
Baltazar , ang “Ama ng Panulaang Tagalog.”
Hal: BULAKLAK NG LAHING KALINIS-LINISAN
ni Jose Corazon De Jesus

BUOD: Ang akdang ito ay kinapapalooban ng tatlong


katauhan, ang lakandiwa o tagapamagitan at ang dalawang
nagtutunggalian na sina paru-paro at bubuyog.

Isa sa puntong pinag-usapan ay kung sino sa dalawa ang


higit na nakatutulong o nakaaapekto sa isang bulaklak.
Kilala ang Rehiyon 3 sa tawag na Gitnang Kapatagan
(Central Plains) at ito ay itinuturing na Palabigasan ng
bansang Pilipinas.

Nagmula sa rehiyong ito ang mga kilalang tao na sina


Francisco Baltazar- na kilala bilang “Ama ng Panulaang
Tagalog.” Si Juan Crisostomo Sotto na “Ama ng Panitikang
Kapampangan.” Ang dating pangulo ng ating bansa na si
Diosdado Macapagal at si Nicanor Abelardo ng Bulacan na
kilala sa larangan ng musika.
MGA MANUNULAT SA REHIYON III
1. ANICETO DELA MERCED
-Isinilang sa Baliuag, Bulacan. Isa siya sa mga naunang
sumulat ng Pasyon. Ang kanyang pasyon na nasulat noong
1858 ay ang “Pasyon de Nuestro Jesucristo”. Dahil sa
kinakitaan ito ng kahusayan ng mga saknong at
kadalisayan sa paggamit ng mga pananalita, ipinalalagay
na pinakapampanitikan sa lahat ng pasyong unang
nasulat. Itinuturing din na ang pasyon ni ANICETO
DELE MERCED na Landmark of Tagalog Poetry
2. AURELIO TOLENTINO
-Ipinanganak sa Guagua,Pampanga noong Oktubre 15, 1868
-Nagtapos ng Batsilyer ng Pilosopiya
- Siya ay nadakip at ikinulong ng mga Espanyol noong magsimula
ang himagsikan sa Pilipinas. At nang dumating ang mga
Amerikano, bumuo sya ng samahan ng mga dating katipunero
na ang pangunahing layunin ay patalsikin ang mga Amerikano.
Tinawag nya ang samahan na JUNTA DE AMIGOS.
- Makabayan at may diwang mapanghimagsik ang kanyang mga
isinulat na dula kaya ilang ulit syang nakulong.
- Sya ang pumulot ng salitang “dula” mula sa Bisaya at
pinagkunan ng salitang dulaan na kasingkahulugan ng “teatro”
-”Luhang Taglog” ang kanyang obra maestra

Iba pa niyang Dula:


- Sumpaan
- Pilipinas at Espanya
- Sinukuan
- Ang Makata
- Bagong Kristo at
- Manood Kayo
3. FLORENTION T. COLLANTES
- Siya ay ipinanganak noong Oktubre 16, 1896 sa Pulilan, Bulacan.
- Sa murang edad, nagbabasa at nagmememorya na sya sa salitang
Tagalog, Pampango, Ilokano at Bisaya.
- Nagsimulang mag-ambay si Collantes ng mga tula sa gulang na 15.
- Sya rin ang naging pangunahing katunggali ni Jose Corazon de
Jesus.
- Noong 1924, nagdebate si Collantes at De Jesus, sa unang
balagtasan na naganap noon sa Instituto de Mujeres.
-Isa sya sa makakatang Pilipino at nakilala sya bilang “Makata ng
Buhay” sapagkat karamihan sa kanyang mga tula ay tungkol sa
mga pangyayaring nagaganap sa buhay ng tao araw-araw.
IBA PANG AKDA NI FLORENTINO COLLANTES

-Mga Dahong Ginto


-Ang Pamana
- Ang Manok Kong Bulik sa Halaman ng Diyos
- Ang Buhay ng tao at Ang Bato
4.
FRANCISCO BALTAZAR
-Siya ay ipinanganak noon Abril 02, 1788 sa Panginay,Bigaa,
Bulacan
-Siya ay mas kilala bilang FRANCISCO BALAGTAS, ay
isang tanyag na Pilipinong makata, at malawakang
itinuturing na isa sa mga pinakadakilang Pilipinong
pampanitikan para sa kanyang epekto sa panitikang
Filipino.
-Ang sikat na epiko, ang Florante at Laura ang kanyang
pinakilalang obra maestra at dahil nga dito sya ay tinawag
na “Prinsipe ng Makatang Tagalog”
5. HERMOGENES ILAGAN

-Siya ay ipinanganak noong Abril 19, 1873 sa Bigaa,


Bulacan
-Siya ay kinilalang “Ama ng Dulaang Tagalog”
-Isa rin sya sa masigasig na tagapagtaguyod ng sarsuelang
Tagalog. At sya ang nagtatag ng “Samahang Ilagan” na
nagtanghal ng mga sarsuela sa iba’t ibang lalawigan ng
Luzon tulad ng Laguna, Bulacan, N.E at Tayabas, Quezon
-Karaniwang romantiko ang mga dula ni Ilagan tulad ng
pinakapopular na Dalagang Bukid
IBA PANG AKDA NI HERMOGENES ILAGAN

- Lucha Electoral, Ilaw ng Katotohanan at Gobernador – mga


dulang pampolitika
- Isang Uno Cera, Ang Buhay nga Naman – mga mapang-uyam
- Despuez de Dios
- El Dinero
- Dalawang Hangal at Biyaya ng Pag-ibig
6. JUAN CRISOSTOMO CABALLA SOTTO

-Siya ay isinilang sa Santa Ines, Bacolor, Pampanga noong


Enero 27, 1867
-Tinaguriang “Ama ng Panitikang Kapampangan”
-Pambihira ang kanyang husay sa pagtatalong patula sa
wikang Kapampangan kung kaya ang pagtatalong
patulang ito ay tinawag na Crissotan na katumbas ng
Balagtasan ng Wikang Tagalog.
-Isa siyang manunulat-makata, mandudula at editor sa
wikang Kapampangan
MGA AKDA NI JUAN CRISOSTOMO SOTTO

-Ang Sultana, Perla, Zapire, at Rubi – ay isinulat


noong huling taon ng mga Kastila.
- Alang Dios – ang nagpanhik sa kanya ng salapi
- Nanu Tang Male Cu (Ano bang Malay Ko) – ang
kahuli-huling naisulat nya nang nasa banig na sya
ng karamdaman
7. VIRGILIO S. ALMARIO
-Ipinanganak noong March 9, 1944 sa San Miguel, Bulacan
- May pen name na “Rio Alma” at kilala bilang “Pambansang
Alagad ng Sining”
- Siya ay kilalang awtoridad sa larangan ng wikang Filipino at
panitikan ng Pilipinas.
- Siya ay nakapagsulat at nakapaglathala na ng mga tula at
kuwento na kinilala na rin ng maraming mga institusyon tulad ng
“Carlos Palanca Foundation”, Cultural Center of the Philippines o
CCP at Komisyon sa Wikang Filipino
- Kilala din mananaliksik si G. Almario at isa rin sya sa mga
hinirang na Outstanding Writers and Artists of the Century ng CCP
MGA AKDA NI VIRGILIO S. ALMARIO

- “Ang Makata sa Panahon ng Makina” – isang kalipunan


ng mga panunuring pampanulaan.
- “Taludtod at Talinghaga (1965-1991)
- Walong Dekada ng Makabagong Tulang Pilipino (1984)
- “Elehiya ng isang Rebelde”
- Ang Makinasyon at Ilang tula

At iba pa
8. CIRIO H. PANGANIBAN
-Ipinanganak noon August 21, 1895 sa Bocaue, Bulacan
- Siya ay isang makata, kwentista, mandudula,
mambabalarila at guro ng wika
- Sa kanyang pagiging kwentista ay naiambag nya sa
panitikan ang kanyang kuwentong “Bunga ng
Kasalanan” na nalathala sa Taliba noong 1920.
- Ito ang naging dahilan upang tanghalin sya bilang
kuwentista ng taong 1920.
9. MARCELO H. DEL PILAR

-Ipinanganak noong August 30, 1850 sa


Kupang, Bulacan
- Kilala bilang “Dakilang Propagandista”
- Siya ay isang ilustrado noong panahon ng
Espanyol.
MGA AKDA NI MARCELO H. DEL PILAR

- Ang Kadakilaan ng Dios


- Kaiigat Kayo (1888)
- Dasalan at Tuksohan- ginamit ang sagisag-panulat na Dolores
Manaksak
- La Soberania Manacal en Filipinas
- Pasyong Dapat Ipagalab nang Puso nang Taong Babasa
- Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas
- Dupluhan, Dalit, Mga Bugtong
- Sa Bumabasang Kababayan
10. VALERIANO HERNANDEZ PENA
- Ipinanganak noong Disyembre 12, 1858 sa San Jose, Bulacan
- Kilala sya bilang “Taguring Ama ng Nobelang Tagalog”
- Itinuring na obra maestra nya ang “Kasaysayan ng Magkaibigang si Nena
at Neneng” (1905)
- Ang iba pa niyang nobela ay:
“Pagluha ng Matuid” (1899)
“Mag-inang Mahirap” (1905-1906)
“Hatol ng Panahon” (1909)
“Pahimakas ng Isang Ina” (1914)
“Unang Pag-ibig” (1915)
“Dangal ng Magulang” (1920)
SANGGUNIAN:
Hango mula sa aklat na…
“Ang Panitikan ng Pilipinas sa Bawat Rehiyon”

Mercy M. Edma, M.A Elisa C. Mendoza


Melrose A. Sali-ot, Ed. D. Eleuterio C. Lopez
Teody C. San Andres, Ph.D Nena C. Abdurajak
Maritess J. Tantingcp, M.A Mga Editor
11. JOSE CORAZON DE JESUS
- Siya ay ipinanganak noong Nobyembre 22, 1896. Siya ay lumaki sa Sta.
Maria, Bulacan
- Kilala bilang “Huseng Batute”, isang makatang Pilipino na sumulat ng mga
tula sa Tagalog upang ipahayag ang pagnanasa ng mga Pilipino na maging
Malaya noong panahon ng pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas.
- Tinawag din siya “Pepito” noong kaniyang kapanahunan
- Siya rin ay umarte sa pelikulang “Oriental Blood”
- Nang siya naman ay mamatay, binigay ng pamilya niya ang kaniyang puso sa
isang museo ng pamahalaan kung saan ito itinago hanggang ilibing ito sa
libingan ng kaniyang ina. Inilibing sya sa ilalim ng dagat sa Visayas, alinsunod
sa kagustuhan niyang nakatala sa kanyang mga tulang “Isang Malalim na
Dagat at Ang Visayas”
MGA AKDA NI JOSE CORAZON DE JESUS

- Ang Bayan Ko
- Pag-ibig
- Ang Bato
- Ang Pamana
- Ang Pagbabalik at sa Dakong Silangan

You might also like