You are on page 1of 16

PANAHON NG PAGKAMIT NG KALAYAAN

HANGGANG SA KASALUKUYAN

● Bagong Kalayaan (1945-1972)


-Sumigla muli ang panitikan ng Pilipinas
Naging makasaysayan sa mga Pilipino ang pagbabalik ng kanilang kalayaan
mula sa kamay ng mga Hapon. At dahil sa kalayaang natamo, higit ring
sumigla ang kalayaang pampanitikan ng bansa. Dito na unti unting
umusbong at naglabasan ang iba’t ibang klase ng panitikang Pilipino.
Katulad na lamang ng mga manunulat na sila Alejandro Abadilla ang
kanyang akda ay ang “Mga Piling Katha at Mga Piling Sanaysay”, Maikling
Kwentong Tagalog ni Teodoro Agoncillo at marami pang iba, mga batang
aktibismo sa kolehiyo noong dekada 80’s, Paglabas ng media gaya ng
radyo, telebisyon at sinehan. Dito rin sumikat ang mga musikero na sila
Imelda Papin, Pepe Smith, Freddie Aguilar na laging laman ng mga
jukebox. At marami pang ibang sikat na mang aawit. Umusbong rin ang
mga karikatura ng (komiks) na Darna, Liwayway at Zuma ni Mars Ravelo
at ang pinakatanyag na Pugad Baboy. Sa pag umpisa ng ika dalawampung
siglo, higit na sumigla ang panitikang Filipino dahil sa trend o pinauso na
dulot ng media. Kasama na Kinilala ang Eraserheads (isang bandang
binubuo ng mga mag-aaral ng UP), Siakol,Rivermaya at Parokya ni Edgar.
Nagbigay ng bagong hihip sa kulturang Pilipino ang mga bandang ito na
nagpakilala ng iba pang genre ng musika sa lahi.Ilan sa mga awiting
kinilalang imortal sa panahong ito ay ang Huling El Bimbo,Himala, at
Miss sa Loob ng Jeepney. Maliban sa mga banda, kilala rin ang mga
musika ni Roselle Nava at Carol Banawa na mga supling ng makabagong
melo-musika ng bansa.Sumigla rin ang mga dulang pantelebisyon
pambata lalong-lalo na ang Batibot, Ang TV at 5 and up. At mga dulang
panradyo ay kinagigiliwan naman ng mga nakatatanda. Puspusan din ang
produksyong pampelikula na nagsalin ng mga maikling-kwento at nobela
sa pelikula at ginawang inspirasyon ang mga awit, tula, sanaysay at
kasaysayan sa pagbuo ng marami pang dulang pampelikula. Sumikat din
ang maraming genre ng pelikula gaya ng independent films at cinema
verite film.

● Naging paksa ang kabayanihan ng mga gerilya,


kalupitan ng mga Hapon, kahirapan ng
pamumuhay noon at iba pa.
-Malaki ang naging parte sa kasaysayan ng pananakop ng mga hapon ang
mga gerilya na pinamumunuan ng mga sibilyan, militar at mga opisyal na
kunwaring pabor sa mga hapon ,ipinagpatuloy ang pakikipaglaban ng
palihim. Nag pangkat-pangkat sila na kung tawagin ay gerilya at mula sa
mga bulubundukin nagsagawa ng mga pabigla-biglang pagsalakay upang
mapalaya ang mga Pilipinong pinapahirapan ng mga hapon.

● Nabuksan muli ang mga palimbagang ipinasara


dahil sa giyera
-Dahil sa naganap na giyera sa pagitan ng mga hapon at gerilya ay
ipinasara ang halos lahat ng palimbagan ng pahayagan at magasin na,
bulaklak, ilang-ilang, sinag tala, tribune at iba pa. ang tanging paraan ng
pakikipagkomunikasyon ay ang programang panradyo na tinatawag na
“Voice of Freedom”.Kinalaunan ay muling sumigla ang pahayagan ng
pinahintulutan muling gamitin ang Liwayway ng mga Roces na
pinamahalaan ng isang Hapones na nagngangalang Ishiwara.

● Naitatag ang Palanca Memorial Award in Filipino


and English Literature noong 1950
-Carlos Palanca Awards, Ang buong pangalan ng timpalak pampanitikang
ito ay Carlos Palanca Memorial Awards for Literature na binuksan noong
1950 bilang pag-alaala ng mga tagapagmana ni Don Carlos Palanca Sr.
May layunin itong tumulong sa pagpapaunlad ng panitikan ng Filipinas sa
pamamagitan ng pagbibigay ng premyo sa mga manunulat para sa
pagpapahusay nilá ng kanilang mga akda; at maging tagapag-ingat ng mga
hiyas pampanitikan ng Filipinas at tumulong sa pagpapalaganap ng mga
ito, lalo na sa hanay ng mga mag-aaral.Nagsimula ang timpalak para sa
maikling katha sa mga wikang Ingles at Filipino na iginawad noong 1951.
Naging matagumpay ang timpalak, kayâ nagdagdag ito ng mga kategorya:
dulang may isang yugto noong 1953, tula noong 1963, sanaysay noong
1979, nobela noong 1980, maikling kwentong pambatà noong 1989,
dulang pantelebisyon noong 1990 iskrip pampelikula noong 1994. Noong
1997, idinagdag ang mga dibisyon sa wikang rehiyonal at nagkaroon ng
timpalak sa maikling kuwentong Iluko, Cebuano, at Hiligaynon. Marami
pang ibang kategoryang binuksan sa paglipas ng panahon bukod sa
tumaas ang salaping gantimpala para sa nagwagi.Sa kasalukuyan, may
koleksiyon ang Palanca ng daan-daang nagwaging akda. Nalathala ang
mga nagwagi hanggang dekada 80 sa mga antolohiya na ipinamudmod sa
mga aklatan. May mga pansariling koleksyon ng may akda ang nalimbag
na. Marami rin sa mga nagwaging dula ang naitanghal sa entablado. Ang
Foundation Library ay nakabukas sa mga mag-aaral at iskolar na nais
magsaliksik. Noong 1995, binuksan ang Palanca Hall of Fame na
kumikilala sa sinumang limang ulit nagwagi ng unang gantimpala. May 22
awtor nang nagawaran ng Palanca Hall of Fame. Nagsimula rin ng palihan
sa malikhaing pagsulat ang Palanca noong 1996. (VSA)

Ito ang 20 manunulat na pilipino na nagwagi ng carlo palanca


memorial award for literature
Sa Tagalog na kategorya:
(1950-1951) sa larangan ng pagsulat ng MAIKLING KUWENTO
Unang gantimpala: “Kuwento ni Mabuti” ni Genoveva Edroza Matute
Ikalawang gantimpala: “Mabangis na Kamay…Maamong Kamay” ni Pedro
S. Dandan
Ikatlong gantimpala: “Planeta, buwan, at mga bituin” ni Elpidio P.
Kapulong

(1953-1954) sa larangan ng pinakamahusay na DULA


Unang gantimpala: “Hulyo 4, 1954 A.D” ni Dionisio Salazar
Ito ay ang paglalahad ng pagsasagawa ng isang mapanganib at madugong
misyon ng hukbong mapagpalaya ng bayan na ibagsak ang pamahalaang
pilipino noong panahon ni pang. Magsaysay.

(1963-1964) sa larangan ng TULA


● ”Ang alamat ng pasig” ni Fernando B. Monleon
● “Ang Ikatlong Anti-Kristo” ni Atalia, Eros S.
● “Lobo sa Loob” ni Cordero, Kristian Sendon,
● “Bayanggudaw” ni Quindoza-Santiago, Lilia,
● “Talulot sa Pagas na Lupa” ni Landicho, Domingo G.

Ingles na kategorya

● “A Stun of Jewels” ni Angeles, Carlos A.

● “Becoming Dark, Sunflowers by Van Gogh, Out of the Parrot Cage,


Unsigned Christmas Cards and an Old Axe” ni Torres, Emmanuel,
● “The Flowers of May” ni Arcellana, Francisco,
● “Children of the Ash-covered Loam"” ni Nestor Vicente Madali
Gonzales o mas kilalang NVM Gonzales
● “The Morning Before Us” ni Cordero-Fernando, Gilda,
● “Island of the Heart” ni Nolledo, Wilfrido D.
● “Accidents of Composition” ni Bobis, Merlinda,
● “The Small Bright Things” ni An Lim, Jaime L.
● “Sheaves of Things Burning” ni Lanot, Marra Pl.
● “The Hill of Samuel” ni Yuson, Alfred
● “The Cave and Other Poems” ni Bautista, Cirilo F.
● “The Icon” ni Enriquez, Antonio R.,
● “Selected Poems” ni Cuenca, Jr., Alfredo O.
● “Beast in the Fields” ni Mojares, Resil B.
● “The Edge of the Wind” ni Tadena, Artemio M.

● Nagkaroon din ng Republic Cultural Award,


Gawad ni Balagtas at Taunang Gawad ng Surian
ng Wikang Pambansa o Talaang Ginto
-Dahil sa lumitaw ang mga ganitong klase ng “award” na siyang gumanyak
sa mga manunulat upang pagbutihin ang mga sinusulat nilang akda.
Itinaas din ang bayaran sa pagsusulat. Nagkaroon din ng maraming
patimpalak sa pagsulat ng tula, kuwento at sanaysay. Umunlad din ang
pinilakang tabing sa Pilipino at nangailangan ng mga manunulat ng nobela
at dula.
● Sumigla rin ang pagkakaroon ng pahayagan sa
mga paaralang pangkolehiyo
-Sa aklat nina Maria S. Ramos, et. Al. 1984. Panitikang Pilipino inilahad
na sa mga pamantasan ay nadagdagan ng mga kurso sa pagsulat ng tula,
kwento at sanaysay sa Ingles at Filipino. Nagkaroon din sila ng palihan o
sanayan kaya’t marami sa mga mag-aaral na may hilig sa sining ng
pagsulat ay nahasang mabuti at marami sa kanila ang nagtagumpay sa
pagwawagi sa Palanca Award.Maraming mga manunulat sa Pilipino at sa
Ingles na lumawak ang kaalaman sa sining ng pagsulat dahil sa kanilang
pagbabasa ng mga akda ng mga Amerikano, Ingles at ng mga taga-ibang
bansa upang mabigyan nila ng pagbabago ang kanilang mga pagsulat.
Dahil sa mga pagbabagong ito, ang mga mambabasa naman ay nahati sa
dalawang uri,ang mga tinatawag na intelektwal na mambabasa at ang mga
karaniwang mambabasa o ang masa. Ang mga intelektwal na mambabasa
ay karaniwang mga akdang Ingles ang mga binabasa samantalang ang
masa’y ang mga babasahin sa Filipino ang mga binabasa.
Ang mga intelektwal ay nagbabasa upang madagdagan ang kaalaman
samantalang ang masa’y upang maglibang, kaya’t lalong dumami ang mga
lingguhang babasahin upang mapagbigyan ang dumaraming karaniwang
mambabasa.

● Nagbukas rin ang palimbagan ng lingguhang


babasahin : Liwayway, Bulaklak, Tagumpay atbp.
-Dahil sa pagsigla ng panitikan sa panahong ito. Nagbukas muli ang
mga palimbagan na ipinasara noong panahon ng hapon at hinawakan
muli ng mga manunulat ang kanilang mga sandata.
Ilang Samahang Naitatag para sa panitikang
Filipino:
● Taliba ng Inang Wika(TANIW)
-Sentinel of the Mother Language. Ito ay isang organisasyong itinatag
noong 1952 ni Lope K. Santos, na tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa
ng Pilipinas.

● Kapisanan ng Diwa at Panitik(KADIPAN)


-itinatag ang Kapisanang Aklat, Diwa at Panitik (KADIPAN) noong
Oktubre 22, 1950 bilang kapisanan ng mga estudyante sa Pilipino sa mga
kolehiyo at unibersidad. Sa tulong ng samahan ay sumigla ang panulaan
sa Pilipinas sa pamumuno nina Anacleto Dizon, Tomas Ongoco, Hilario
Coronel at iba pa.

● Kapisanan ng mga Mandudulang Pilipino (KAMPI)

Ilang Samahang Naitatag para sa panitikang


Ingles:
● Philippine Writers Association
● Dramatic Philippines
● Philippine Educational Theatre Association (PETA)
● Arena Theatre
● Barangay Writer’s Guild
Batas Militar 1972-1986

● 1972- idineklara ang batas Militar sa Pilipinas sa pamumuno ni


Pangulong Ferdinand Marcos
● Paksa ng paghingi ng pagbabago sa pamahalaan at lipunan
● Pagsisimula ng programa ng Bagong Lipunan noong Setyembre 21,
1972
PALIWANAG:
Ang batás militár ay pagpapataw ng kapangyarihang militar sa isang
lugar dulot ng pangangailangan. Ipinatutupad ito kapag ang pamahalaang
sibilyan ay hindi nagaganap sa tungkuling gaya ng pagpapanatili ng
kaayusan ng lugar, hindi makontrol ang kaguluhan at protesta, nagkaroon
ng malawakang paglabag sa batas, o may giyera at pananakop. Karaniwan
sa sitwasyong ito na ang militar na may pinakamataas na ranggo ang
nagiging pangulo ng pamahalaang militar at nagtataglay ng
kapangyarihang ehekutibo, lehislatibo, at hudisyal. Maaari rin namang
ang pangulong sibilyan ang magdeklara at mangasiwa nitó sa tulong ng
hukbong militar. Sa panahong ito naghihigpit ng curfew, nabubuwag ang
batas at karapatang sibil at habeas corpus, at ginagamit ang batas
militar sa mga sibilyan gaya ng paghaharap sa kanila sa tribunal na
pangmilitar.
Ika-21 ng Setyembre ng 1972 nang ideklara ni Ferdinand Marcos sa
pamamagitan ng Proclamation No. 1081 ang pagsasailalim ng Pilipinas sa
batas militar. Tumagal ito ng siyam na taón at natapos noong 17 Enero
1981, ang pinakamatagal na pagsasailalim sa batas militar sa kasaysayan
ng bansa.
Aniya, kailangan umano ng "emergency powers" upang puksain ang
karahasang dala ng mga komunista.
Kasunod nito, ipinasara ang mga estasyon ng telebisyon, radyo, at mga
diyaryo. Naging mahigpit din ang seguridad at nagpatupad ng curfew.
Inaresto at dinetine naman sa Camp Crame ang mga personalidad na
sumasalungat sa pangulo. Sa ilalim ng batas militar, sinasabing nasa
3,257 ang pinatay, 35,000 ang tinortyur, at 70,000 ang ipinakulong.

Ano ang naging epekto ng Batas Militar sa mga Pilipino?

1. Epekto sa kabuhayan
Ang pagkakaroon ng batas militar ay malaki ang naging epekto sa mga
Pilipino. Sa pangkabuhayan, maraming mga naging ordinansa tungkol dito.
Halimbawa, nagkaroon ng curfew na siyang nagresulta sa mas maikling
business hours. Mas naging mahigpit din ang pagpapatupad ng mga
polisiya sa negosyo.

2. Epekto sa pamumuhay
Sa pamumuhay naman ng mga Pilipino, nawalan tayo ng kakayahan na
ipahayag ang ating sariling mga opinyon lalo na kung ito ay laban sa
pamahalaan. Nagkaroon din ng libo libong pang aabuso sa karapatang
pantao ng mga militar.

● Nahinto ang mga pampahayagan at maging samahang pampaaralan


● Pansamantalang natigil ang lahat ng babasahin sa buong kapuluan
-Marami ang ipinagbabawal noong panahon ng Batas Militar, at isa na
rito ang pagtuturo ng panitikan. Isinalaysay ni Efren Abueg, propesor
noong panahon ng Batas Militar sa Polytechnic University of the
Philippines, ang pagtuturo ng panitikang naglalahad ng mga damdaming
kumakalaban sa paniniil at kawalan ng hustisya sa ilalim ng
diktadurya.pili lamang ang mga panitikang maisusulat o mababasa noon.
“May mga radikal na panitikang nasusulat din, ngunit sinusulat ng mga
bayaran ng administrasyon at inilalathala sa mga outlet na dagliang
inilabas ng pamahalaan na pumapanig sa mga programa ng reporma ng
pamahalaan ng Martial Law, Inutos ni Ferdinand Marcos,ang pagsasara
ng lahat ng pahayagan at istasyon ng brodkas nang ideklara niya ang
martial law at buwagin ang Kongreso noong 1972. Nais niyang alisan ng
kapangyarihan ang media, at sapilitang dinala ang mga mamamahayag at
tagapag lathala sa kulungan. Nang muling buksan ang ilang mga kumpanya
ng pahayagan, ang mga ito ay isinailalim sa mahigpit na pamamahala ng
gobyerno. Ang pangangalap at pag-uulat ng balita ay sinusuri mabuti ng
mga sensor na militar at inutusan -- sa pamamagitan ng tinatawag na
Mass Media Council -- na huwag pansinin ang kontrobersyal at kritikal
na mga istorya na maaaring makagambala sa “katahimikan ng
kapaligiran”.
Ang laban para sa kalayaan sa pamamahayag ay palaging hamon para sa
mga mamamahayag sa Pilipinas. Sa buong kasaysayan, hinangad ng mga
mamamahayag na maging boses ng mga tao, ilantad ang mga maling
gawain ng gobyerno at magsilbing tagapagbantay laban sa kawalan ng
katarungan. Ngunit ang mga mamamahayag ay biktima rin ng walang
humpay na pag-atake sa hangaring pigilan silang ipaalam sa publiko ang
katotohanan. Nagawa niyang patahimikin ang pambabatikos ng publiko at
kontrolin ang impormasyong may access ang mga tao.Kasabay dito ang
paninikil ng rehimeng Marcos sa mga manunulat, lalo na sa midya.
Ipinasara ang lahat ng mga estasyon ng telebisyon at radyo, gayundin
ang mga pambansang pahayagan, maliban sa iilang nasa ilalim ng
pamamalakad ng pamahalaan, tulad ng Manila Bulletin, Voice of the
Philippines at mga istasyon ng Philippine Broadcasting System. Dinakip
ang ilang mamamahayag at malikhaing manunulat tulad nila Max Soliven,
Napoleon Rama, Teddy Casiño, Betty Go-Belmonte, Eugenia Apostol,
Alejandro Roces, Sr., at Bienvenido Lumbera.

Ngunit sa kabilang banda, may mga magaganda pa naman na pangyayari


noong panahong ito.

● Pagpapatatag ng “ Ministri ng Kabatirang Pangmadla”


● Pinanagot ang mga naglimbag ng mga malalaswang babasahin
● Ipinasara ang mga sinehang nagtatanghal ng mga pelikulang
maaaring makasira sa moralidad ng mga Pilipino
● Pagbibigay ng guidelines o bagay na dapat taglayin sa paglalathala
ng mga pahayagan, komiks, at mga pahayagang pampaaralan
● Dumami ang mga kabataang manunulat ng Ingles at Filipino.
● Naging bahagi ng pagbabago ng bansa ang sining kaya’t sumigla ang
paglikha ng mga awiting Pilipino, nagkaroon ng pagtatanghal ng mga
konsyerto, ballet at mga dula sa CCP

-Nang ilunsad ni Pangulong Marcos ang Batas Militar noong Setyembre 21,
1972, sumilang ang Bagong Lipunan. Kasabay nito, sumipot ang mga kabataang
mapaghimagsik kaya ang panahong ito ay naging panahon din ng aktibismo.
Ang wikang Pilipino ay mabilis na umunlad sa panahong ito dahil ang isipan at
damdamin ng mga kabataang Pilipino ay ipinahayag sa sariling wikang Filipino.
Sa panahon ding ito inilunsad ang bagong palatuntunan ng Ministri ng
Edukasyon at Kultura, ito ay ang bilingguwalismo. Ito ay pagtuturo sa
pamamagitan ng dalawang wika: sa Pilipino at Ingles.
Ayon sa isang artikulong nailathala sa mga pahayagang Pilipino Express, Times
Journal, Evening Express, at Bulletin Today, taong 1973: ”… ang pagpasok ng
Pilipino mula sa pinakamababang grado ay magpapabilis sa pagpapaunlad at
pagpapalaganap ng wikang Filipino; ang paggamit ng Filipino at Ingles ay
lilinang ng mga mamamayang bilinggwal; ang Ingles ay pangunahing wikang
pandaigdig at pumapawi sa mga konsiderasyon rehiyonal; ang Pilipino ay
kailangan para sa pambansang pagkakakilanlan gaya ng hinihingi ng Saligang-
Batas; at bubuklod ito sa sambayanan sa isang kabuuan.”
May tatlong mahahalagang layunin ang bansa sa ilalim ng Bagong Lipunan: (1)
kaunlarang pangkabuhayan, (2) kaunlarang panlipunan, at (3) kaunlarang
pangkalinangan.
Nagkaroon ng iba’t ibang pagbabago ang pamahalaan upang maipatupad ang
mga nasabing layunin. Ito ay binuod sa acronym na PLEDGES:
Pansamantalang natigil ang lahat ng babasahin sa buong kapuluan nang
ipatupad ang Batas Militar noong Setyembre 21, 1972. Pinanagot ang mga
naglimbag at nagbili ng malalaswang babasahin. Ipinasara ang mga sinehang
nagtatanghal ng mga pelikulang maaaring makasira sa moralidad ng mga
Pilipino lalo na sa kabataan. Ipinasunog ang mga duguang pamphlet na ikinalat
ng mga kabataang aktibista at inusig ang mga may kinalaman sa paglalathala
ng maruruming akdang pampanitikan. Gayundin ang ginawa sa estasyon ng mga
radyo at telebisyon.
Nang muling pahintulutan ang paglalathala at naging normal ang kalagayan ng
bansa, ang mga manunulat at mga makata ay naharap sa isang malaking
pananagutan. Isang pananagutan kung paano sila makatutulong sa
pagpapaunlad ng mga pamayanan sa buong kapuluan. Dahil dito, ang
pamahalaan at pribadong sektor ay nagtaguyod ng mga seminar ukol sa
paglalathala, kasabay nito ang pagbibigay ng guidelines o bagay na dapat
taglayin sa paglalathala ng mga pahayagan, magasin, komiks, at mga
pahayagang pampaaralan. Wikang Pilipino pa rin ang ginawang midyum upang
maibahagi ang mga kabutihang idinudulot ng programang PLEDGES.
Gamit ang wikang Pilipino, nagpatuloy ang Liwayway at komiks sa kanilang
layuning magbigay ng aliw sa kanilang tagatangkilik. Iniwasan ang mga
artikulong nakasisirang-puri sa isang pangkat o indibidwal, buhay man o patay.
Muling umusbong ang panitikang kapupulutan ng magagandang aral sa buhay.
Dumami ang mga kabataang manunulat sa Ingles at Pilipino, na ang mga
panulat ay kababasahan ngayon ng buhay Pilipino, damdaming Pilipino at
diwang Pilipino.
Sa ilalim ng Batas Militar, ang pamahalaan ni Pangulong Marcos sa
pamamagitian ng Unang Ginang at mga manunulat na nasa pamahalaan ay
naglayong maging bahagi ng pagbabago ng bansa ang sining, kaya nga’t sumigla
ang paglikha ng mga awiting Pilipino, ang lingguhang pagtatanghal ng mga
konsiyerto, ballet, at mga dula sa Cultural Center of the Philippines. Gayundin
ang mga lecture series sa sining at panitikan. Kapansin-pansin na ang
binibigyang- diin ay ang estetiko sa paghahangad na iangat marahil ang
panlasa sa sining ng bayanan.

Paalala: Tandaan natin na may mabuti mang epekto ang batas militar sa
atin, dapat nating tandaan ang mga pang aabuso na ginawa ng
pamahalaan.

Kasalukuyang Panahon

isa pang makulay na kabanata ng panitikang Pilipino


● Namumulat ang mamamayang Pilipino sa kahalagahan ng
pambansang wika
● Marami ang sumusubok na sumulat gamit ang kanilang sariling
bernakyular
● Mas mayaman ang pinagkukunan ng paksang isusulat
● Malaki ang impluwensya ng teknolohiya at agham
● Malayo na rin ang naabot ng media
● Kahit sa telebisyon nagbabago na rin ang wikang ginagamit
● Hindi lamang pampanitikan ang uri ng salitang ginagamit ngunit
mapapansin na may mga akda na gumagamit na rin ng balbal,
kolokyal at lalawiganin
● Naglalaman ng halos walang paligoy ligoy na pagpapahayag ng tunay
na damdamin ng mga makata.
● Karaniwang paksain ng mga akda ay mula sa kahirapan, katiwalian
sa pamahalaan, aktibismo, kaharasan, paglabag sa karapatan ng tao
atbp.

● Radyo at Telebisyon-maririnig na sa kasalukuyan na makapag


pahayag na ng tunay na niloob ng walang takot o pangamba ang mga
tagapagsalita sa radyo at lumalabas sa telebisyon.
● Naging malikhain at Malaya ang mga palabas sa radyo dahilan kung
bakit nagkaroon ng napakaraming “genre” ng mga programa kasama
na dito ang mga reality programs, fantaserye, anime atbp.

Maririnig na sa kasalukuyan na nakapagpapahayag na ng tunay na


saloobin ng walang takot o pangamba ang mga tagapagsalita sa radyo at
mga lumalabas sa telebisyon.Marami na sa panahong ito ang mga
komentarista sa radyo at telebisyon kung saan pawang laman ng bibig ng
mga ito ang hayagang pagpuna nila sa mga gawain ng mga nasa pwesto.
Matapos mawakasan ang Batas-Marsyal, tila hudyat na rin ito ng
pagpapakumbaba sa karapatan ng lahat ng mga Pilipino hinggil sa
pamamahayag.Dumami pa ang nagsulputan mga pahayagan sa panahong
ito.
● Inquirer
● Manila Bulletin
● Manila Times
● Philippine Standard
Sa kasalukuyan, sinasalin ang mga panitikan hindi lamang sa mga
pahayagan, magazine at aklat, hindi lamang sa anyo ng pelikula, palabas
pantelebisyon o kaya’y programang panradyo; kundi sa pamamagitan din
ng Internet. Dahil sa internet nagkaroon ng blogging, video clipping at
audio airing na patuloy na bumubuhay sa panitikan hindi lang ng Filipino
kundi ng ibang lahi narin.
Patuloy na dumarami ang mga manunulat na Pilipino sa iba’t ibang anyo at
uri ng panitikan gamit ang iba’t ibang media dahil sa mga inumpisahang
kurso sa mga unibersidad at kolehiyo at pangangasiwa ng gobyerno ng
mga pagsasanay sa mga nakikita ang husay na mga mamamayan. Ngunit
ang kasiglahan ng panitikan ay hindi magiging buo kung aasahan lamang
ang pagdami at pag-usbong ng mga manunulat; kailangan din ang
pagpapahalaga at pagmamalasakit ng mga mambabasa na katuwang sa
pagtaguyod ng panitikan ng lahi.

Nasa makabagong panahon na tayo na kung saan ay madali ng maibahagi


sa ibang tao ang iyong talento, opinyon at iba pa. Tayo ngayon ay
napapaikot na ng teknolohiya. Ngunit lagi natin tandaan na napapadali
man ng teknolohiya ang pang araw araw nating gampanin, kapag ito ay
ginamit ng di tama, tayo lang rin ang maaapektuhan sa huli. Dahil sa
internet madali na tayong makakapag bahagi ng mga balita o issue na
kinakaharap ng ating bansa. Madali narin para sa iba ang makakapag
kalat ng mga di maling balita. Bilang isang mamamayan, alamin natin ng
mabuti kung totoo ba talaga ang kumakalat na balita bago tayo magbigay
ng saloobin.

You might also like