You are on page 1of 18

Ang Panitikan sa Panahon ng Bagong Kalayaan

CHER MEDIANA

Sulyap sa Nakaraan
1945
- Nagbunyagi at nagdiwang ang mga Pilipino nang matapos and digmaan
- Ang paghihintay ng mga Pilipino sa pangakong pagbabalik ng mga Amerikano
Ika-4 ng Hulyo 1946 – araw na isinauli ang kalayaan
Ibinaba sa tagdan ang bandilang Amerikano at mag-isang winagayway and bandilang Pilipino.
Muling nagging masigla ang oanitikan sa panahong ito pagkatapos ng liberasyon, taong 1946
hanggang 1950.
Ang Pilipinas ay tinulungan sa panahong ito ng Estados Unidos, sa pamamagitan ng mga
pagkain, mga pangunahing kagamitan, at ilang milyong dolyar upang makabangon kahit
papaano sa bumagsak na kabuhayan. May mga nagsagawa ng kahilingan na pasukan ng
pagbabago ang Saligang-Batas ng Pilipinas, na binibigyang-karapatan ang mga mamamayang
Amerikano sa ating mga likas na kayamanan (parity rights). Walang nagawa ang mahigpit na
pagtutol nina Claro M. Recto at Jose P. Laurel, sapagkat ang mamamayan ay sumang-ayon na
rin dahilan sa mahigpit na pangangailangan ng naghihirap na bansa.
Maraming manunulat ang nagsulat sa anyong Filipino at Ingles. Nagsimulang muli ang pag-
unlad ng Pilipinas nung mga panahong ito. Ito ay tinatawag ding “Panahon ng Isinauing
Kalayaan”.
Hulyo 4, 1946
- Ang kalayaan ng mga Pilipino ay ipinagkaloob sa bisa ng Batas tyings-McDuffie

 Masasabing walang ganap na kalayaan dahil sa kahirapan ng bayan, at kakulangan ng


wastong pagplano para sa pagpapanibagong tatag ng bansa.
 Nawala ang tanikala, nawala ang gapos

Kalagayan ng Panitikan
- Ang naging kalagayan ng panulatang Tagalog sa panahong ito ay tulad din noong
bago magkadigmaan.
- Ang pagkabuhay at pagkamatay ng mga akdang Tagalog ay nakasalalay sa mga
mambabasa.
- Ang ekonomiya ng bansa sa panahong ito ay humantong sa kababaan. May mga
salaping ipinamudmod sa mga gerilya bulang gantimpala ng kagitingan at
pagkamakabayan, subalit walang pag-uukol ng ginawa sa kabuhayang bansa.
- Sa panitikan naman, makikitang mapanghangad sa makukuhang gantimpala ang
mga manunulat sa panahong ito sapagkat bago pa sumulat ng anumang akda ay
inaalam muna kung aling pahayagan ang magbabayad ng malaking halaga.
- Sumulpot din ang mga kabataang mag-aaral sa larangan ng pagsusulat.

- Tatlong wikay opisyal: Tagalog, Ingles at Kastila

- Ang karamihang tumangkilik sa babasahing Tagalog ay yaong mga hindi nakapag-


aral o nakatapos ng pag-aaral. Ang mga nagsipag-aral ay hindi nagkahilig sa
pagbabasa nito. Kaya’t noong Liberasyon (1945) hanggang sa pagsapit ng 1950
nawala’t lumitaw ang mga babasahing Tagalog gaya ng Sinagtala, Malaya, at
Kayumanggi, sa ilalim ng pamamatnugot nina Clodualdo del Mundo, Teodoro
Agoncillo, at Alejandro Abadilla.

Ang Maikling Kuwentong Tagalog 1886-1948 (1949) na pinamatnugutan ni Teodoro Agoncillo


ay bilang mga akdang may uri na kinagiliwan ng marami.
1946 - Sumigla ang Panitikang Filipino, dahal bawat manunulat ay nagnanais
makasama ang kanilang akda sa mga katipunan ng mga piling-akda.
Nakilala rin ang mag aklat-pampaaral na DIWANG KAYUMANGGI ni Juan C.Laya at DIWANG
GINTO ni Brigido Batungbakal.

Ang mga sumusunod ay mga akda mula sa katipunan ng mga akda ni Alejandro G. Abadilla
(1948):

 Silakbo ni Marcial I. Aguila


 Siya sa Ibabaw ng Daigdig ni Brigido C. Batungbakal
 Maganda ang Ninang Ko at Sining Din ng Buhay mi Liwayway
 Arceo at Nupling Ang Isang Munting Halaman ni Pedro S. Dandan
 Kalansay ni Genoveva Edroza
 At marami pang iba

Mula naman sa katipunan ng Ang Maikling Kuwentong Tagalog 1887-1948 ni Teodoro


Agoncillo (1949) ay ang sumusunod: Noche Buena ni Genoveva Edroza Matute; Ako’y
Mayroong Isang Ibon ni Deogracias Rosario; Walong Taong Gulang ni Genoveva Edroza; Bakya
ni Hernando R. Ocampo, at Pusa Sa Aking Hapag ni Jesus A. Arceo.

Abadilla, F.B Sebastian, at A.D.G Mariano (1954) – ilan sa mga nanguna sa larangan ng maikling
kathang Tagalog, gayundin ang mga sumusunod: Aloha ni Deogracias A. Rosario; Kasalan sa
Nayon ni Eleuterio P. Fojas; Bunga ng Kasalanan ni Cirio H. Panganiban; Ang Lupang Tinuhuan
ni Narciso G.Reyes; at Ang Langit ni Ka Martin ni Macario G. Pineda.

Genoveva D. Edroza (1952)


– ang nagbigay ng pasimula sa ibang kamanunulat sa pagbuo ng aklat na
katatagpuan ng mga piling sariling akda.
– Ang aklat niya ang Kauna-unahang katipunan ng akda sa Filipino.
– Ilan sa mga kuwento niya ay ang sumusunod: Sariwa Pa Ang Alaala, Walong
Taong Gulang, at At Lumaki si Ben.
– May likas na giliw sa mga bata na mapapansin sa ilan niyang mga akda.

ANG SARILING PANULAAN


Ang mga Pilipinong nakilala sa larangan ng tula ay puno ng imahinasyon, at nagtataglay ng
mapangaraping diwa, at matayog na damdamin at kaisipa, palibhasa'y mga naging inspirasyon ang mga
karanasang naganap at nasaksihan sa sariling bayan.

Ang mga manunulat at makata noon pang unang panahon hanggang sa kasalukuyan ay nagbibigay-
kaalaman sa tunay na larawan ng kapaligiran at may layuning ipaunawa sa kamalayan ng babasa ang
mga ideya, paniniwala, at pananaw sa iba't ibang kulay ng buhay, maging ito ay kahapon, ngayon, at
bukas.

Kinilalang mahalagang kontribusyon sa Panitikang Filipino ang mga makatang. tulad ng sumusunod:

 Julian Cruz Balmaceda


 Iñigo Ed. Regalado
 Fernando B. Monleon
 Amado V. Hernandez
 Aniceto F. Silvestre
 Gonzalo Flores
 Ruben Vega
 Jose Domingo Karasig
 Manuel Prinsipe Bautista
 Corazon Arceo
Sa kasalukuyang panahon ay nakilala sina:

 Virgilio Almario
 Celestino Vega
 Bienvenido Ramos
 Pedro Ricarte
 Epifanio San Juan, at ilan pa.

Talaan ng mga Nagwaging Gantimpalang Palanca sa Tula

Nagsimula ang Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature noong 1950. Si Tan Guin Lay o Carlos
Palanca Sr. ang Ama ng Gawad Palanca.

Ang may bilang isa ay nagwagi ng unang gantimpala, ang dalawa ay pangalawang gantimpala, at ang
tatlo ay pangatlong gantimpala.

1963-1964.

1. Alamat ng Pasig - Fernando Monleon


2. Ito ang Aking Panahon - Bienvenido A. Ramos
3. Halimuyak 101 - Vedasto G. Suarez

1964-1965

1. Sa Pagkaparool - Ruben Vega


2. Mga Sugat ng Siglo - Teo S. Baylen

1965-1966

1. Ebolusyon - C.C. Marquez, Jr.


2. Logos - Vict. V. dela Cruz
3. Tinig Mula sa Kung Saan - Rogelio G. Mangahas

1966-1967

1. Toreng Bato - Kastilyong Pawid at Bagwis ng Guniguni - Federico Licsi Espino, Jr.
2. Mga Paa. . Mga Kamay - Bienvenido A. Ramos
3. O Sanggol na Hari - Ruben Vega
1967-1968

1. Mga Ibon at Iba Pang Mga Tula - Bienvenido A. Ramos


2. Ito ang Kabihasnan at Ilang Tula - Victor S. Fernandez
3. Kaktus ng Bungo - Martin D. Pantaleon

1968-1969

1. May Luha ang Tula at Iba Pa - Aniceto F. Silvestre


2. Paraanin Ako - Jose M. Buhain
3. Walong Tukod-Langit - C.M. Vega

1969-1970

1. Peregrinasyon at Iba Pang Tula - Virgilio S. Almario


2. Alay ng Lahi - Ruben Vega
3. Maliwalu - Epifanio S. San Juan, Jr.

1970-1971

1. Mga Duguang Plakard at Iba Pang Tula - Rogelio Mangahas


2. Tatlong Awit ng Pagpuksa - Lamberto E. Antonio
3. Dalawang Tula - Cirilio F. Bautista

JOCELYN
MIGA KILALA AT NATANYAG SA LARANGAN NG PANULAAN

Valeriano Hernandez Peña

– Isinilang noong Disyembre 12, 1858 sa San Jose, Bulacan, Bulacan.


– Siya ang bunso ng isang maralitang platero.
– Tinuruan siya ng kartilya ng isang matandang kapitbahay, at natutong bumasa at sumulat ng
Tagalog sa gulang na sampung taon. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa paaralang
bayan.
– Gumamit siya ng sagisag na "Kintin Kulirat" sa kanyang pitak na "Buhay Maynila" sa pahayagang
Muling Pagsilang. Sampung taon siyang paging manunulat sa naturang pahayagan. Ang Muling
Pagsilang ay nahalinhinan ng Taliba, at nagpatuloy sa pagsulat dito si Mang Anong. Ang Buhay
Maynila ay napasalin kay Jose C. de Jesus na gumamit ng sagisag na "Huseng Batute" nang
mamatay si Peña. Obra Maestra niya ang Nena at Neneng.

Amado V. Hernandez
– Tinaguriang “Makata ng Manggagawa”
– Isinilang sa Tondo, Maynila noong Setyembre 13, 1903
– Ang kanyang tula ay nagtataglay ng pagmamahal at pagpapahalaga sa mga maliliit at dukhang
manggagawa
– Siya ay isang batikang makata at kilala rin bilang Kuwentista, mamamahayag, nobelista, lider ng
mga manggagawa, at pulitiko.

1935 - ang aklat na Pilipinas na naglalaman ng mga isinulat niyang tula ay pinagkalooban ng
gantimpalang pampanitikan nang pasinayaan ang Komonwelt

1939-1940 – sa pambansasng timpalak, nanalo siya sa larangan ng tula, at dalawampu’t limang ulit
siyang nagwagi sa pagkamakatang laureado sa iba't ibang timpalak pampanitikan.

- Mambabalagtas at mambibigkas
- “Bonifacio at Guro ng Lahi” ito ang tulang nagbigay sa kanya ng pangalan

Bilang mamamahayag ay naging patnugot siya ng babasahing Sampagita, at ang pang-araw-araw na


pahayagang Pagkakaisa at Mabuhay. Naging kolumnista rin siya ng pahayagang Taliba, at ang pitak niya
ay may pamagat na Sari Sari.

Bilang pulitiko ay nahalal siyang konsehal sa Unang Purok ng Maynila (Tondo).

Dahil sa pagkahilig niya sa pagbabasa ng mga artikulong ukol sa sosyalismo at komunismo ay


naparatangan siya ng kasalanang sedisyon. Nabilanggo siya ng anim na taon habang hinihintay ang
pangwakas na hatol ng Korte Suprema sa paghahabol sa iginawad sa kanyang parusang pagkabilanggo
habambuhay.

Alejandro Abadilla

- Makata ng Bagong panahon na nakapagbago ng Tulang Tagalog


- Isinilang siya sa sa Cavite ngunit sa Maynila higit na nakilala dahil sa mapanghimagsik na
impluwensya niya sa anyo at nilalaman ng tulang Tagalog.
- Ipinagpakasakit ni Abadilla ang kaunlaran at kaginhawahan ng pamilya dahil sa matinding
paninindigan niya sa may uring panitikan.
- Pinakkilala niya ang malayang taludturan at ang mapaghimagsik na diwa ng imperyalismo

Teo S. Baylen

Maraming karangalang natamo ang makatang si Teo S. Baylen, kasama na rito ang pagiging Makata ng
Taong 1964, ayon sa Talaang Ginto na pinagtibay ng Surian ng Wikang Pambansa; nagtamo ng
Gantimpalang Pangkalinangan sa Panitikan noong 1963 (Republic Cultural Heritage Award) dahil sa
aklat-katipunan ng kanyang mga tula, ang Tinig ng Darating; Palanca Memorial Awardee (1965). Kabilang
sa kanyang aklat-katipunan ng mga tula ang Pinsel at Pamansing at Kalabaw at Buffalo.
Si Teo Baylen ay ipinanganak sa Nobeleta, Kabite, noong 1904. Ang pagiging nasa panahon at
laging nasa panahon ng mga akda niya ay mapatutunayan ng mga karangalang tinanggap niya
tulad ng sa Cultural Heritage (1962-63), ng sa Palanca (1965, 1972), at ng sa U.N. (1965). Ang
simbolong Pinsel at Pamansing (pamagat din ng kalipunan ng kanyang mga tula, 1967) ay
nagpapahiwatig ng kanyang pamamaraan at layunin. Ang kanyang mga larawang-diwa ay
hango sa Bibliya — mga kuweba, balon, pastulan, tupa, dambana — at ang kanyang layunin ay
maipakita (tulad ni T.S. Eliot) na ang tinatawag na makabagong kabihasnan at ng walang-Diyos
na ismo niyon ay nagtagumpay lamang sa pagbuo ng isang mala-Prankenstaing halimaw.

Virgilio S. Almario (Rio Alma)

- Isa sa pinakamahusay na makata ng bagong panahon.


- Kilala bilang “Rio Alma”
- Gumamit siya ng mga tauhan sa mga katutubong epikong Pilipino, sa mga kuwentong bayan,
kurido, at kasaysayan nang pasagisag upang mapalutang ang kaniyang nais na tuligsain.

- Si Virgilio Senadren Almario ay kilalang awtoridad sa larangan


ng wikang Filipino at panitikan ng Pilipinas. Kasalukuyang dekano ng Kolehiyo ng Arte at
Literatura ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman. Gamit ang sagisag na Rio Alma, si G.
Almario ay nakapagsulat at nakapaglathala na ng mga tula at kuwento na kinilala na rin ng
maraming mga institusyon tulad ng Carlos Palanca Foundation, Sentrong Pangkultura ng
Pilipinas (Cultural Center of the Philippines, o CCP) at Komisyon sa Wikang Filipino. Kilalang
mananaliksik din si G. Almario at pangunahing tuon ng kanyang mga pananaliksik. Isa rin
siya sa mga hinirang na Outstanding Writers and Artists of the Century ng CCP.......
- Dating direktor ng Surian ng Malikhaing Pagsulat ng Unibersidad ng Pilipinas, si G. Almario
ay nagtapos ng kanyang AB sa Political Science at MA sa Filipino sa naturang unibersidad.
-

Ildefonso Santos

- Tubong Malabon, Rizal, at isinilang noong Enero 23,1897


- Nagtapos siya ng pag-aaral sa Philippine Normal School, at nagturo sa
- Paaralang Bayan ng Malabon. Sa National Teachers College niya tinapos ang Batsilyer sa
Edukasyon. Naging superbisor din siya ng Wikang Pambansa sa Kawanihan ng Pagtuturo, kilala
sa tawag na DepEd ngayon.

Bilang makata, nagtago siya sa sagisag-panulat na "Ilaw-Silangan". Hinangaan ng marami ang mga tula
niyang Ang Ulap, Ang Mangingisda, Gabi, ang iba pa.
Si Ildefonso P. Santos[1] ay isang makata na isinilang sa bayan ng Malabon, sa nayon ng Baritan
noong 23 Enero, 1897. Kaisa-isang anak siya nina Andres Santos at Atanacia Santiago.
Nahilig si Ildefonso sa pagsusulat ng mga tula dahil sa kanyang pinsang si Leonardo Dianzon na
isang makata na naglalathala sa babasahing Ang Mithi. Si Dianzon ang nakatuklas kay Ildefonso
nang mabasa niya ang tula ng pag-ibig na sinulat ni Ildefonso. Si Iñigo Ed Regalado ay humanga rin
kay Ildefonso. Doon na nagsimula ang kanyang pagsulat ng mga tula. Ginamit niyang sagisag-
panulat ang Ilaw Silangan.[1]
Natapos si Ildefonso Santos ng kursong edukasyon. Nang simulang ipaturo ang Pambansang Wika,
siya ang kauna-unahang nagturo ng Pilipino sa National Teacher's College. Nagturo rin siya sa
Baguio Vocational Normal School. Hindi lamang siya guro, siya ay mahusay na tagapagsaling-wika
at makata.
Si Ildefonso Santos ay isa sa mga kinikilalang manunulat sa Tagalog noong panahon ng Amerikano.
Kahanga-hanga ang kariktan ng kanyang mga tula dahil sa pananalitang ginamit niya. Isa raw siya
sa mahusay at maingat magsulat ng mga tula avon sa mga kritiko. Ang kanyang mga tula ay simple
at karaniwan, ngunit puna ng diwa at damdamin. Ang ilan sa kanyang mga tula na mababanggit
ay Tatlong Inakay, Gabi, Ang Guryon, Sa Tabi ng Dagat, Ulap at Mangingisda. May mga tanaga rin
siyang naisulat tulad ng Palay, Kabibi at Tag-init.
Siya ay ama ni Ildefonso P. Santos, Jr. na Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas para sa
Arkitektura noong taong 2000.

Aniceto F. Silvestre

Ayon kay Rufino Alejandro, ang tradisyon at modernismo ay napagsalikop sa panulaan ni Aniceto F.
Silvestre. Ito ay hindi lamang sa anyo at pamamaraan. kung hindi sa paksa at damdamin rin. Nagtamo
siya ng maraming karangalan sa panulaan, kabilang na rito ang apat na unang gantimpala bago
nagkaroon ng digmaan, ikatlong gantimpala sa Panahon ng Malasariling Pamahalaan, unang gantimpala
noong ika-10 ng taon ng Republika, at unang gantimpala sa Palanca noong 1969.

Si Aniceto F. Silvestre ay ipinanganak sa San Mateo, (na sa ngayo'y Lalawigan ng Rizal) noong 17 Abril
1898.

Bagama't di nagkaroon ng pormal na pag-aaral sa pagsusulat, siya ay nakapagsulat at nakapag-ambag sa


panitikang Pilipino ng magagandang tula, maikling kuwento, nobela at sanaysay.

Ang kanyang mga tula na natipon sa katipunang Kalikasan ay pinagpangkat-pangkat sa


walo: Malaya, Maalindog, Larawan ng Buhay, Pintig ng Pag-ibig, Tatag ng Pananalig, Tanda ng Pag-
asa, Bukas sa Landas ng Kadakilaan at Dugo sa Ningning ng Araw.

Ang mga karangalang nakamit ni Aniceto F. Silvestre sa pagsusulat ng tula ay apat na Unang Gantimpala
(bago magkaroon ng digmaan); isang Ikatlong Gantimpala (panahon ng Komonwelt na pamahalaan);
isang Unang Gantimpala (ika-10 taon ng Republika ng Pilipinas); at isang Unang Gantimpala sa Palanca
Memorial Awards for Literature noong 1969. Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa
Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Iñigo Ed. Regalado

Si Iñigo Ed. Regalado ay kilalang mamamahayag, patnugot, kuwentista, nobelista, at makata. Siya ay may
aklat-katipunan ng mga tula na kung tawagi y
Damdamin. Ito ay nahati sa limang uri: Sa Pag-ibig, Sa Panibugho, Sa Talambuhay, Sa Bayan, at Sa Buhay.

Si Iñigo Ed. Regalado ay tanyag noong sa sagisag na Odalager. Naging patnugot siya ng
pahayagang Mithi, Watawat, Pagkakaisa, at ng lingguhang magasin na Ilang-ilang. Isa siya sa
mga Taliba ng panulaan. Kilala siya bilang makata ng pag-ibig. Ang kanyang mga tula ay natipon sa isang
aklat na pinamagatang Damdamin na nagtamo ng unang gantimpala sa Timpalak Komonwelt noong
1941.

Teodoro A. Agoncillo

- kilalang manunulat ng kasaysayan


- Tinawag siyang "Madamdaming Mananaysay" ni Carmen Guerrero Nakpil, isang klalang
manunulat sa Ingles.

Marami siyang nasulat na mga salaysay na pangkasaysayan sa iba't ibang magasin gaya ng Panitikan,
Diwang Pilipino, at iba pa. Bukod sa mga tula, si Agoncillo ay nagsulat din ng mga maikling katha at
sanaysay. Siya rin ay iginagalang na patnugot ng may-uring magasing Malaya na nanuklas ng mga
bagong manunulat na sa kasalukuyan ay may sarili nang pangalan sa ating panitikan. Ang sumusunod ay
bahagi ng tula na nanalo sa timpalak Palanca:

si Teodoro Agoncillo (Tyo·dó·ro A·gon·síl·yo) ang kinikilálang ”ama ng makabansang pananaw sa


pagsulat ng kasaysayan.” Iginiit niyá na dapat sulatin ang kasaysayanng Filipinas ng isang Filipino at sa
pananaw na Filipino at ipinakita ito sa kaniyang mga aklat, upang matigil ang lubhang pananalig noon sa
historyang likha ng mga dayuhan. Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Agham (National
Scientist), postumo, noong 11 Hulyo 1985.

Si Agoncillo ang pangunahing may-akda ng History of the Filipino People. Ito ay naging pamantayang
sanggunian sa pag-aaral ng kasaysayan ng Filipinas. Bahagi ng kaniyang umaabot sa 22 aklat ang Filipino
Nationalism 1872-1971; Malolos: The Crisis of the Republic; The Fateful Years: Japan’s Misadventure in
the Philippines; at The Burden of Proof: The Vargas-Laurel Collaboration. Ang librong The Revolt of the
Masses: The Story of Bonifacio and the Katipunan ang itinuturing na pinakamahalagang akda ni Agoncillo
sa larangan ng makabayang historyograpiya. Umani ito ng maraming papuri ngunit binatikos ng ilang
kapuwa historyador.

MGA DUGUANG PLAKARD

ni Rogelio Mangahas

(Para sa mga rebolusyonaryong demonstrador na nabuwal sa karimlan ng Enero 30, 1970 sa tulay ng
Mendiola.)

Bawat plakard ng dugo'y isang kasaysayan.

Isang kasaysayan sa loob ng isang kasaysayan.


Mga kasaysayan sa loob ng isang kasaysayan.

Kangina pa namimigat, kangina pa kumikinig

ang ating mga palad, wari'y mga munting bungong may kutsilyong nakatarak.

Sa loob ng kurdon,

tayo'y tila mga tupang halos katnig-katnig. magkahiramang-hininga, magkapalitang-pawis. Bawat ngiti'y
duguang balahibo

ng isang martines na walang mahapunan.

May dilang namimigat sa pangil ng tigre,

may dilang kumikisig sa abo ng dahon,

may dilang tusuk-tusok ng tinik ng suha,

ay, kampilang-bungi-bungi sa lalamunan

ng isang lalaking sumusuntok sa ulap

sa tangway ng unat na bato!

II

Sa labas: isang lura, isang pukol ang layo,

mata sa mata,

ano't tila kumikisay ang mga bituing

nakatusok sa mga balikat? Mga ngiti'y

nakatahing paruparo sa pawisang mga manggas.

Kaytikas ng ating mga pastol.

Namimigat ang berdeng mga ulo,

ang huberang mga ulo, ang kuping mga ulo. Nagsisipagningning ang nga batuta, baril,

kalasag, holster. Bakit nangangambang

maluray ng hangin? Mga leong

walang bunto't naman ang ating mga pastol.


III

Hagupit ng hangin sa sanga,

hagupit ng sanga sa hangin!

Kumakalakap sa mga duguang plakard, bumabarimbaw sa mga ulo natin.

Kumakalatik sa hubero, kuping, at berdeng

mga ulo - O kumpas ng hinaing, ng pagtutol,

ng pagsumpa, habang yaong mga daho'y

sabay-sabay, sunud-sunod sa pagbagsak.

Ang hangi'y tumitiling papalayo.

Ang sangang nalagasa'y waring di na nakayuko.

LITANYA KAY SANTA CLARA

Teodor I. Antonio

Misis dela Cruz, sumayaw ka,

kumending ka, kumending pa,

ipagaspas mo ang saya.

Humiling ka sa mahal na Santa,

umawit ka sa mahal na Santa,

umawit ka sa mahal na Patrona.

Ang Mayo sa Obando ay sayaw at indak.

Ang Mayo sa Obando ay paghingi ng anak.

Sino nga ba ang hindi mababahala

kung walang tukod sa iyong pagtanda?

Misis dela Cruz, sumayaw ka,

kumending ka, kumending pa.

Ipagaspas mo ang saya.


Umasa ka sa milagro ng Santa,

Santahin mo ang pananampalataya,

sumampalataya ka sa pag-asa.

Hindi pino ang bawat pag-asam,

ang bawat paghihintay,

ang bawat dasal,

Hindi dasal ang pampalit sa pagpaplano,

ang kampanya sa diyaryo

ang operasyon sa ari ng tao.

Santa Clarang pinung-pino,

sila po ay pakinggan,

sila po ay pakinggan,

pagsasayawin po ng pawis ang sakripisyo isakripisyo po ang pildoras sa pandanggo.

Hindi ang sayaw ni Misis dela Cruz

ang lulutas sa problema ng mundo

Ang kanyang pagsayaw at pag-indak

ay paghingi ng anak,

kahit isa, kahit dalawa.

Alam niya na may dapat

na humawak ng martilyo,

kung pagod na ang kamay na makalyo.

Alam niyang may papalit

sa pagsudsod ng araro.

Kung tinuyo na ng init

ang dugong sumusubo.

Alam niya na may dapat magmaneho

ng sasakyang binago

ang huklubang tambutso.


JIM
MAIKLING KATHA
Ang maikling katha ay tinatawag ding maikling kuwento o kung minsan ay payak na kuwento. Ito
ay isang mahalagang pangyayari sa buhay ng isang tauhan (maaaring tao, hayop, o bagay) na siyang
iniikutan ng iba pang pangzyari na nagbubunga ng tunggalian na umaantig ng damdamin ng
mambabasa.
Ang maikling katha ay naiiba sa karaniwang salaysay dahil sa mga sumusunod na katangian:

1. iisang impresyon o kakintalan ang layon ng katha,


2. iisang pangunahing tauhan ang inilalarawan,
3. iisang pangyayari ang isinasalaysay, at
4. iisang paksa ang pinagsisikapang ipaliwanag

Ang makabagong maikling katha ay hindi hinahanapan ng banghay (plot) sapagkat ang layunin ay ang
tumpak na paglalarawan ng buhay, o kaya'y isang mahalagang bahagi nito. Walang makinis na
balangkas ang buhay, kaya hindi rin dapat magkaroon ng banghay ang kathang naglalayong
maglarawan ng buhay.
Ang maikling katha ay nagmula sa dagli (sketches). Na5isulat ng dagli sina V. Hernandeza Peña, Lope K.
Santos, Iñigo Ed. Regalado, Patricio Mariano, at iba pa.
Maituturing na ang nagpasigla sa pagsusulat ng maikling kathang Tagalog ay ang Lingguhang Liwayway.
Ito ay pinayaman ng iba't ibang katipunan at ng mga indibidwal na manunulat, gaya ng Maikling
Kwentong Tagalog 1886-1948 ni Teodoro A. Agoncillo; Ako 'y Isang Tinig ni Genoveva Edroza-Matute;
Mga Agos sa Disyerto ni Efren R. Abueg at mga kasama; Uhaw ang Tigang na Lupa at iba pang katha ni
Liwayway Arceo; Isang Kalipunan ng mga Nagwagi sa Carlos Palanca Memorial Awards ni Dionisio S.
Salazar, at iba pa.

Ang magasing Liwayway ay namili ng mahuhusay na kuwento na tinatawag na Ang 25 Pinakamabuting


Maikling Kathang Pilipino ng 1943. Ang Carlos PalancaMemorialAwardsfor Literature ay namili rin ng
mahuhusay na akda simula noong 1950.

Mga Nagwagi ng Gantimpalang Palanca sa Maikling Kuwento (1950-1971)

1950-1951

1. Kuwento ni Mabuti - Genoveva Edroza-Matute

2. Mabangis na Kamay . . . Maamong Kamay - Pedro S. Dandan

3. Planeta, Buwan, at mga Bituin - Elpidio P. Kapulong


1951-1952
1. Kahiwagaan - Pablo N. Bautista

2. Pagbabalik - Genoveva Edroza

1952-1953
1. Kapangyarihan- Buenaventura S. Medina, Jr.
2. Ang Anluwague - Hilario L. Coronel
3. Malalim Ang Gabi - Pociano B.P. Pineda

1953-1954
1. Sa Kamatayan Lamang - Teodoro Agoncillo
2. Ang Pusa at Aking Durungawan - Macario H. Afable
3. Matalino ang Inaanak Ko - Fernando L. Samonte

1954-1955
1. Paglalayag sa Puso ng Isang Bata - Genoveva E. Matute
2. Batingaw - Elpidio Kapulong
3. Lumamig na Bakal - Virgilio Blones

1955-1956
1. (Walang Nagkamit)
2. Lupa, Ulan... at Supling - Martin del Rosario
3. Mga Butil, Mga Busal - Pedrito Salazar

1956-1957

1. Sugat ng Digma - Pedro S. Dandan


2. Punongkahoy - Buenaventura S. Medina, Jr.
3. Pag-wugal . . . Pagsusupling - Edgardo B. Reyes

1957-1958
1. Ang Mangingisda - Ponciano B.P. Pineda
2. Mahaba ang Daang-Bakal - Simplicio Bisa
3. Lakas - Pedro S. Dandan

1958-1959
1. Dayuhan - Buenaventura Medina Jr.
2. Estero - Pedro L. Ricarte
3. Mapanglaw ang Mukha ng Buwan - Efren Reyes Abueg
4. Banyaga - Liwanag Arceo

1959-1960
1. Luntiang Bukid - Edgardo B. Reyes
2. Kinagisnang Balon - Andres Cristobal Cruz
3. Di-Maabot ng Kawalang-Malay - Edgardo B. Reyes

1960-1961
1. Parusa - Genoveva E. Matute
2. Binhi - Clodualdo del Mundo
3. Mabangis ang Lungsod - Efren Abueg

1961-1962
1. Banyaga - Liwayway Arceo
2. Impeng Negro - Rogelio Sicat
3. Sugat sa Dibdib ng Gabi - Buenaventura Medina, Jr.

1962-1963
1. Himaymay - Buenaventura Medina, Jr.
2. Tata Selo - Rogelio Sicat
3. Sa Bagong Paraiso - Efren Reyes Abueg

1963-1964
1. Mga Aso sa Lagarian - Dominador B. Mirasol
2. Si Ama - Edgardo B. Reyes
3. Dugo ng Ulo ni Carbo - Efren Reyes Abueg

1964-1965
1. Landas ng Bahaghari - Benjamin Pascual
2. Kamatayan sa Dilim at Ulan - Eli Ang Barrozo
3. Mga Luha ni Lolo - Bayani M. de Leon

1965-1966
1. Bilanggo - Wilfredo Virtusio
2. Ang Anino ng Kanyang Amo - Pedro S. Dandan
3. Ang Dalaw - Jemias Vista Lacamienta

1966-1967
1. Ang Kamatayan ni Tiyo Samuel - Efren Reyes Abueg
2. Talulot sa Pagas na Lupa - Leoning G. Landicho
3. Masaya ang mga Alitaptap

1967-1968
1. Anay - Epifanio San Juan, Jr.
2. Si Boy Nicolas - Pedro I. Ricarte
3. Himagsik ni Emmanuel Lazaro - Domingo Landicho
1968-1969
1. Huwag, Huwag Mong Kukuwentuhan ang Batang si Wei Fung - Ricardo Lee
2. Mariang Makiling - Eli Ang Barrozo
3. Elias at Salome - Domingo Landicho

1969-1970
1. Servando Magdamag - Ricardo Lee
2. (Walang Nagkamit)
3. Mga Bangkay sa Dalampasigan ng mga Uwak - Dominador Mirasol

1970-1971
1. Ipis sa Guhong Templo - Edgar Maranan
2. Isang Araw sa Buhay ni Juan Lazaro - Jose Rey Monsayac
1. 3. Maria, Ang lyong Anak - Wilfredo P. Virtusio
CHER DARYL

Kuwento ni Mabuti
ni: Genoveva Edroza-Matute

Buod
“Mabuti” ang tawag ng mga mag-aaral sa gurong iyon. Ito ang naging pangalan niya dahil marami siyang
kuwentong kapupulutan ng kabutihan. At higit sa lahat, “Mabuti” ang naging palayaw niya dahil hilig
niyang sambitin ang “mabuti” sa kaniyang mga pahayag.

Dahil sa angking husay sa pagtuturo at mabuting kalooban, naging idolo ng mag-aaral na si Fe ang
kaniyang guro na si Mabuti. Hangang-hanga siya sa guro na maliban sa magaling nang magturo, ay lagi
pang ipinagmamalaki ang kaniyang anak.

Gayunman, isang araw, mayroong mababaw na suliranin si Fe. Dahil doon, nagpunta siya sa silid-aklatan
kung saan walang tao upang umiyak. Ilang sandali pa ay dumating ang kaniyang gurong si Mabuti at
nakinig sa kaniyang salaysay. Maya-maya pa, hindi na rin napigilan ng gurong umiyak. Doon nalaman ni
Fe na kahit ang magliw at mahusay na gurong si Mabuti ay may suliranin din.

Napag-alaman ni Fe matapos ang ilang araw ang dahilan ng pag-iyak ng gurong si Mabuti. Natuklasan
pala ng guro na hindi siya ang unang asawa ng kabiyak na doktor. Nalaman niya lamang nang pumanaw
ang asawang doktor at hindi maiburol sa kanilang bahay.

Lumipas ang mga panahon at hindi na guro ni Fe si Mabuti. Ngunit nananatili ang kabutihan nito at
inspirasyon sa kaniyang buhay.

Kinagisnang Balon

ni: Andres Cristobal Cruz

Buod

(search)
CHER WINNIE
Impeng Negro

Ni: Rogelio Sicat

Ang buod ng Impeng Negro story ni isinulat ni Rogelio Sicat.

IMPENG NEGRO STORY – Si Rogelio Sicat ang nagsulat ng kwentong “Impeng Negro” at ito ang buod ng
klasikong kwento na ito.

Isa sa mga pinakasikat na manunulat ng bansa ay si Rogelio Sikat o Rogelio Sicat sa totoong buhay. At
ang kanyang storya na may titulong Impeng Negro ay na-publish moong 1962 at ito ay isang Carlos
Palanca awardee. Ang maikling kwento din na ito ay nanalo ng first prize sa Short Feature Film Category
ng 12th Gawad CCP.

Ito ang buod ng kwento:

Si Impen ay madalas na tuksuhin sa kanilang pook dahil sa kanyang panlabas na anyo. Siya ay anak ng
isang Negrong Amerikano at siya ay may mga kapatid na anak ng kanyang ina sa isang Amerikanong puti,
mapuputi ang kanyang mga kapatid kaya ganoon na lamang ang panunukso ng mga tao sakanya.

Tuwing aalis si Impen sa kanilang tahanan bilang isang Agwmador ay madalas siyang pinangangaralan ng
kanyang ina na huwag makipag away kay Ogor. Si Ogor ay kinikilalang hari ng gripo, siya ang
nangunguna sa pagtukso kay Impen.

Isang araw, habang siya ay nakapila upang mag-igib ay sinubukan nanaman siya ni Ogor. Pilit na sinisingit
ni Ogor ang kanyang balde gayong si Impen na ang sasahod. Nakiusap si Impen kay Ogor na hayaan na
lamang siya matapos ngunit hindi ito pumayag kaya naisip na lamang niyang umuwi.

Subalit sa kanyang pag-alis ay pinatid siya ni Ogor kaya tumama ang kanyang pisngi sa nabitawang balde
na nagsanhi ng pagdudugo nito, agad tumingala si Impen sa kanyang kaaway at tinawag ang pangalan
nito. Tumawa lang ng malakas si Ogor at sinipa pa siya.

Nagulat si Ogor nang mabilis siyang sipain ni Impen. Nagpambuno ang dalawa, subalit bigla ang paglakas
ni Impen kaya natalo at napasuko niya si Ogor. Hindi makapaniwala ang ibang Agwador, bakas ang
paghanga sa kanilang mga mata. Sa pagkakataong iyon, pangingilagan na siyang tuksuhin ng mga tao.

Ang ilan sa mga aral na makukuha sa kwentong ito ay ang pagiging mabuti at huwag maghigante sa mga
taong nanakit sa iyo. Si Impen sa kwento ay niloloko ni Ogor dahil sa kanyang kulay at ang nakaraan ng
kanyang nanay. At ang aral ng kwento ay huwag pumatol sa mga taong nagawa ng masama sa iyo.

Bilanggo

Ni: Wilfredo P. Virlusio

(search)

You might also like