You are on page 1of 5

Colegio De La Purisima Concepcion

The School of the Archdiocese of Capiz


Roxas City

College of Arts and Sciences and Education

INSTRUCTIONAL LEARNING KIT/MODULE

WEEK 8-9
Panahon ng Amerikano

Intentions
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Makilala ang mga manunulat sa wikang banyaga.
2. Matalakay ang mga akda na sinulat ng iba't-ibang manunulat.

IIntroduction
Sinu-sino ang mga manunulat na nagpalamas ng kanilang kagalingan sa pagsulat
ng mga akda gamit ang wikang banyaga? Anu-ano kaya ang mga akda na kanilang
naisulat? Tungkol saan ang mga paksa na napapaloob sa kanilang sulatin? Anong
damdamin ang makikita sa bawat akda na ating tatalakayin? Lahat ng mga
katanungang ito ay ating masasagot sa tulong ng pagtalakay sa mga sumusunod na
topiko. Halina't sabay nating tuklasin.

Inputs

A. Ang kasaysayan ng panitikan sa panahon ng Amerikano ay malalagom sa


sumusunod:
1. Ang paghihimagsik ng mga Filipino noong 1896-1899 ay nakapagmulat sa
pambansang kamalayan sa mga mamamayan.
2. Ang pagkakaisa ng mga Filipino'y nakatulong sa paggamit ng Tagalog bilang
pambansang wika ng Republika ng Pilipinas.
3. Nabigyan din ng kalayaan ang mga manunulat na kumawala sa dating paraan ng
pagsulat.

B. Katangian ng Panitikan sa Panahon ng Amerikano


1. Pagdami ng mga babasahin sa ating panitikan
2. Pag-unlad at pagdami ng mga samahang pampanitikan.
3. Pagkakaroon ng madadali at romantikong paksa.
4. Paglitaw ng mga makatotohanang panitikan.

C. Mga nagsisulat sa Kastila sa panahon ng Amerikano


1. Cecilio Apostol (1877-1936) Manananggol at makata sa wikang Kastila.
Siya ang unang nananalo ng unang gantimpala sa tula niyang “Mi Raza”.
Karamihan sa kanyang naisulat ay nagpapahayag ng pagmamahal sa
bayan. Ito ang kadluan niya ng inspirasyon. Siya ang sumulat ng tulang-
handog kina Gat. Jose Rizal, Emilio Jacinto, Apolinario Mabini at sa lahat
ng mga bayaning Filipino.
2. Fernando Maria Guerrero (1873-1899) Isang guro, manananggol,
mamamahayag at pintor. Siya'y nagkaroon ng inspirasyon sa bayan at
mga bayani tulad ni Rizal. Ang pinalalagay na magaling na tula ni
Fernando G.ay tinipon sa isang aklat na pinamagatang “Crisalidas” (Mga
Higad).
3. Jesus Balmori (1860-1948) ang unang aklat ng tula niyang pinamagatang
“Rimas Malaya” ay lumabas sa palimbagan sa Maynila noong 1904 nang
siya'y labimpitong taong gulang lamang. Malawak ang sakop ng kanyang
panulaan, halili niyang pinag-ukulan ang Pilipinas at Espanya bukod sa
tulang pampag-ibig at panglipunan.
4. Manuel Bernanbe- mamamahayag, pulitiko, makata at mambibigkas sa
Kastila at Latin. Ang kanyang mga tula ay tinipon at ipinaaklat at
pinamagatang “Cantos del Tropico” (Mga Awit ng Tropiko)
5. Claro M. Recto (1890-1960) isang matalinong mambabatas,
manananggol, makata, manunulat at pulitiko. Bilang manunulat,
nakapaglabas siya ng mga aklat sa batas, sa tula at daan-daang mga
talumpati ng kung sinu-sinong malalaking tao. Anino at Pag-iisa ni Claro
M. Recto.

D. Mga manunulat sa Wikang Ingles

Ang mga manunulat sa wikang Ingles noong una'y nahirapan ng kaunti


sapagka't kulang pa sila sa wikang ito kaya't kung minsan ay gumagamit ng
salitang kastila.
Hindi naglaon, mabilis na umunlad ang pagsulat sa Ingles dahil sa pagbibigay ng
lingguhan, buwanan at taunang paligsahan ng mga pamahayagan. Ang mga
manunulat ay higit na nag-ukol sa pagsusulat ng mga sanaysay, maikling kwento
at mga tula.

Ilan sa mga nagsisulat sa Ingles ay sina Jorge Bacobo, Francisco Benitez,


Zoilo M. Galang, Marcelo de Garcia Concepcion, Rafael Zulueta de Costa, Luis
Dato, Vicente L. Del Fierro, Virgilio Floresca, Anjela Manalang Gloria, Jose Ma.
Hernandez, Aurelio Sevilla Alvero, Aurelio Tolintino, Jose Garcia Villa at marami
pang iba.

• JORGE BACOBO – Isang magaling na Pilipinong manunulat sa wikang Ingles.


Siya ay nakasulat ng maraming talumpati, artikulo, at mga aklat sa Batas.
• ZOILO GALANG – Kilala sa kasaysayan ng panitikan sa Pilipinas bilang isang
pagpaunang manunulat sa wikang Ingles, siya ang sumulat ng unang nobelang
pinamagatang “ A Child of Sorrow”.
• MARCELO DE GRACIA CONCEPTION – Kauna-unahang Pilipinong makatang
nakilala sa Amerika. Sa salawang tono niya inilathala ang kanyang mga tula:
Azucena at Bamboo Flute.
• RAFAEL ZULUETA DE COSTA – Nagkamit siya ng unang gantimpala sa
kanyang tulang “Like the Molave” noong 1940 sa Commonwealth Literary
Contest.
• FRANCISCO BENITEZ – Isa sa mga pinakamaganda niyang naisulat ay ang
“What is an Educated Filipino” na tumalakay sa pagbabago sa ating buhay
panlipunan.
• LUIS DATO – Isa sa mga pilipinong sumulat at naglathala ng mga akda sa
Ingles. Kabilang sa kanyang mga tula ay “The Spouse”, ”Day on the Farm” at
“Among the Hills”.
• VICENTE DEL FIERRO – Ay journalist na nagkaroon siya ng bahagi sa pagsulat
sa UP College Folio.
• VIRGILIO FLORESCA – Ay isa sa ating mga naunang makata sa tradisyon ng
patulang Ingles na isa sa kanyang pinakadakilang obrang “Tigers, Tigers”.
• ANGELA MANALANG GLORIA – Ay isang Pilipinong makata na sumulat sa
Ingles. Ang kanyang tanyag na akda ay “A sign in the dark” mayroon din siyang
libro kung saan nakasulat ang lahat ng kanyang mga gawa.
• JOSE MARIA HERNANDEZ – Ay isang manunulat at guro. Nag-aral siya ng
pagsulat at pagtatanghal ng dula sa Amerika. Kilalang dula niya ang “Panday
Lira”, isang dulang makasaysayang may 3 yugto.
Activity 1
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Sagutan ito ng may
sapat na kaalaman at pang-unawa.

1. Noong panahon ng Kastila, ang naging paksa ng mga iniakda ay panrelihiyon.


Ano naman ang naging paksa noong panahon ng Amerikano? Ibigay ang sanhi
nito.

2. Tungkol sa buod ng dula.


a. Ano ang dahilan ng pagkakabilanggo ni Tagailog? Bakit ayaw niyang
magbigay ng handog?

b. Patunayan na si Halimaw ay mapag-imbot. Sa panahon ngayon,


nangyayari pa ba ang ginawa ni Halimaw kay Tagailog? Magbigay ng
halimbawa.

c. May katwiran ba si Tagailog upang maghiganti sa kataksilan ni


Dahunpalay? Bakit?

d. Ano ang ipinapahiwatig ng pagkakalibing ng buhay kay Inang-Bayan?


Nang siya'y makuha ni Tagailog sa libingan, natuluyan ba siyang
mamatay o mawalan ng pag-asa? Patunayan ang kasagutan.

3. Kung ibabatay sa kasaysayan ng bansa ang akda, ito ba ay may kawastuhan?


Pangatwiranan.

Intervention
Panuto: Magsaliksik ng iba pang akda ng mga makabayang manunulat noong panahon
ng pananakop ng mga Amerikano. Pumili ng isa. Basahin at igawa ng sinopsis o buod.

Reference:
Ikatlong Taon
SANGWIKAAN
Sining ng Komunikasyon para sa Mataas na Paaralan

You might also like