You are on page 1of 3

ANG PANULAAN SA PANAHON NG PAGHIHIMAGSIK

- Sa panahong ito’y ipinamalas ng mga Pilipino ang galit nila sa mga Kastila. Naging maalab
ang pambansang damdamin n gating panitikan.
- Ang paghihimagsik ay pinangunahan nina Andres Bonifacio at Emilio Jacinto.

ANDRES BONIFACIO
- Isinulat niya ang Decalogo na nagsasaad ng alituntunin ng kasapi ng katipunan. Nalaman
niyang may ginawang kartilya si Jacinto kung kaya’t itinabi niya ang kaniyang ginawa.
- Ang mga sumusunod ay ang mga tula at akdang nagawa niya: Pag-ibig sa Tinubuang Lupa,
Mga Dapat Mabatid ng mga Tagalog, Huling Paalam (salin ng Mi Ultimu Adios), Decalogo,
Katapusang Hibik ng Pilipinas sa Espanya.

EMILIO JACINTO

- Naging sagisag niya ang Pingkian at Dimasilaw. Siya ang Utak ng Katipunan.
- Ang mga sumusunod ay iilan sa kanyang mga akda: Liwanag At Dilim, Pahayag, Maga Aral
Ng Katipunan Ng Mga Anak Ng Bayan, Sa Mga Kababayan.

APOLINARIO MABINI

- Ginamit niya ang saigsag na Katabay. Siya ay tinaguriang Utak ng Himagsikan.


- Ang mga sumusunod ay iilan sa mga akda niya: Programa Constitutional Dele Republica, El
Desarollo Caida Dela Republica Filipina, El Simil De Alejandro, El Verdadero Decalogo.

JOSE PALMA
- Naging kaibigan siya ni Gregorio del Pilar, ang pinakabatang henerel ng samahan.
- Ginamit niya ang sagisag na DAPITHAPON. Isinulat niya ang pambansang awit sa wikang
Kastila at nilagyan ng tono ni Julian Felipe.
- Ang mga sumusunod ay iilan sa mga akda niya: Melancholias, De Mi Jardin, Himno Nacional
Filipina.

ANG PANULAAN SA PANAHON NG AMERIKANO


- Iilang pangkat ng mga manunulat ang nagsimulang magpahayag sa wikang Ingles.
- Ang mga tema sa panahong ito ay tungkol sa pagmamahal sa Diyos, kapwa at sa bayan.
- Ang mga sumusunod ay mga bantog na manunulat sa panahong ito:

1. Manunulat sa Kastila

a. Cecilio Apostol – sumulat ng mga tulang handog sa mga bayani. Ipinalalagay na ang
kanyang tulang hangog kay Rizal ang pinakaminam na tulang papuri.

b. Fernando Ma. Guerero – tinipon niya ang pinakamagaling niyang mga tula sa aklat na
Crisalidas (Mga Higad).

c. Jesus Balmori – may sagisag na Batikuling. Nahirang na poeta laureado sa wikang Kastila
dahil sa pagkatalo niya kay Manuel Bernabe sa balagtasan sa Kastila.

d. Manuel Bernabe – makatang liriko. Sa pakikipagtalastasan kay Balmori ay higit na naibigan


ng madla dahil sa melodiya ng pananalita. Ipinagtanggol ang Olvido na nangangahulugang
Limot.

e. Claro M. Recto – kinilala siya sa katanyagan at kadakilaan ng pananalita.


2. Tagalog

a. Julian Cruz Balmaceda – Inuri sa tatlo ang mga makatang tagalog – makata ng puso, makata
ng buhay, makata ng dulaan. Siya ang sumulat ng Bunganga ng Pating.

b. Lope K. Santos – nobelista, makata at mambabalarila. Tinaguriang Apo ng mga


Mananagalog. Ipinalalagay na ang kaniyang obra maestro ay Banaag at Sikat.

c. Jose Corazon de Jesus – kilalang-kilala sa sagisag na Huseng Batute. Tinagurian siyang


Makata ng Pag-ibig. Itinuturing na kanyang obra ang Isang Punongkahoy. Siya ang Hari ng
Balagtasan.

d. Florentino Collantes – batikang duplero. Unang makatang tagalog na gumamit ng tula sa


panunuligsang pulitika. Kilala sa sagisag na Kuntil Butil. Obra maestro ang Lumang
Simbahan.

e. Amado V. Hernandez – tinaguriang Makata ng Manggagawa. Marami siyang


naging
ambag sa panitikan tulad ng Isang Dipang Langit, Ibong Mandaragit at Ang Panday.

f. Valeriano Hernandez Peña – kilala sa tawag na Tandang Anong. Obra maestro ang Nena
at Neneng.

g. Iñigo Ed Regalado – tanyag na kwentista, nobelista at peryodista. Ang kalipunan ng


kanyang mga tula ay tinawag na Damdamin.

h. Severino Reyes – Ama ng Dulang Tagalog. May-akda ng Walang Sugat.

i. Aurelio Tolentino – ipinagmamalaking mandudula ng mga Kapampangan. Ikinabilanggo


niya ang pagsulat ng Kahapon, Ngayon at Bukas.

j. Hermogenes Ilagan – nagtayo ng Compaña Ilagan na nagtatanghal ng mga dula sa


kalagitnaang Luzon.

k. Patricio Maraiano – sumulat ng Ninang at Anak ng Dagat na siyang obra niya.

3. Ingles

a. Jose Garcia Villa – pinakatanyag na Pilipinong manunulat sa Ingles. Kilala sa sagisag na


Doveglion.

b. Jorge Bocobo – mananaysay at mananalumpati.

c. Zoilo Galang – sumulat ng kauna-unahang nobelang Pilipino sa Ingles na pinamagatang “A


Child of Sorrow”.

d. Zulueta de Costa – nagkamit ng unang gantimpala sa kanyang tulang Like the Molave.

e. N.V.M. Gozales – may-akda ng My Island at Children of the Ash Covered Loom.

f. Estrella Alfon – ipinalalgay na pinakapangunahing manunulat na babae sa Ingles bago


magkadigma.
g. Arturo Rotor – may-akda ng The Wound and Seas na kauna-unahang aklat na nailimbag
sa Philippine Book guild.

You might also like