Professional Documents
Culture Documents
Guillermo
Tolentino
Fernando Amorsolo
Mga Kilalang
Pilipinong Manunulat
Dr. Jose Rizal
Sumulat siya ng dalawang nobela tungkol sa
lipunang Pilipino noong Panahon ng Kastila. Ang
mga nobelang ito ay ang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo. Sumulat din siya ng mga tula.
Tungkol sa kanyang ina, mga kapatid, at kaibigna
ang paksa ng mga ito. Sumulat siya ng isang tula
nang siya'y walong taong gulang pa lamang na
napabantog sa buong bansa. Ito ay tungkol sa
pagmamahal sa sariling wika. Ang tulang ito ay
may pamagat na "Sa Aking mga Kabata."
Jose Palma
Siya ang sumulat ng tula sa Español
na may titulong "Filipinas" bilang
mga titik ng "Himno Nacional
Filipino" na nilikha ni Julian Felipe.
GRIEGO, KIANA JACELLE MAE C.
BSNED ES4-1 SOSYEDAD AT LITERATURA
Graciano Lopez
Marcelo H. Del Pilar Jaena
kilala sa tawag na Plaridel, ang
natatag ng Diariong Tagalog noong
1882. Isa itong pahayagang
makabayan. Siya ang pumalit kay
Lopez Jaena sa pagiging patnugot at
may ari ng La Solidaridad. Si Del
Pilar ang awtor ng "Dasalan at
Tocsohan," isang tulang tumutuligsa
sa mga maling ginagawa ng mga
prayle.
Mga Kilalang
Pilipinong Manunulat
Lope K. Santos
Maituturing siyang isang dalubwika dahil sa
kanyang mga naiambag na akda hinggil sa balarila
ng wikang pambansa. Dahil dito, tinagurian
siyang Ama ng Balarila ng Wikang Pambansa.
"Ama ng Balarilang Pilipino"
Amado V. Hernandez
Makata ng mga mangagawa. Siya ay naging
patnugot ng pahayagang Pakakaisa at
Mabuhay. Sumulat din siya ng mga nobela,
kuwento, at dula. Siya ang kauna-unahang
manunulat sa wikang pambansa na kinilalang
National Artist. Kabilang sa kanyang mga
popular na tula ang "Isang Dipang Langit,"
"Bayani," at "Bayang Malay."
GRIEGO, KIANA JACELLE MAE C.
BSNED ES4-1 SOSYEDAD AT LITERATURA
Virgilio S. Almario
Maituturing na isa sa pinakatanyag
na kritiko ng panitikang Filipino.
Kilala sa sagisag na Rio Alma na
laging kasangkot sa pagbibibigay-
kulay sa panulaang Filipino.
Nagsimulang makilala bilang haligi
ng kilusang Modernista ng mga
kabataang makata noong kanyang
panahon, sumibol ang kanyang
mga aklat sa tula, Makinasyon Ilang
Tula(1968) at Peregrinasyon at iba
pang Tula(1970).
Kinilala rin ang kanyang Ang Makata
sa Panahon ng Makina(1972),
Doktrinang Anakpawis(1979),
Walong Dekadang Makabayang
Tulang Pilipino(1981), Balagtasismo
Versus Modernismo(1984), at iba pa.
Kasalukuyang tagapamuno ng
komisyon ng wikang pambansa
Lamberto E. Antonio
Isigani R. Cruz
Isinilang sa Maynila at kasalukuyang
nagtuturo sa De La Salle University,
si Cruz ay kilalang mananalaysay at
manunulat ng mga dula, at higit sa
lahat, isang mapagkakatiwalaang
kritiko ng panitikang Filipino.
Nagtapos ng bachelor’s degree in
physics sa UP, master’s degree in
English sa ADMU at doctorate in
English sa University of Maryland,
USA.
Dating kolumnista ng mahigit sa 20
pahayagan, sa kasalukuyan ay
lingguhang sumusulat ng pitak si
Cruz sa Philippine Star at Philippine
Starweek.
Ang karamihan sa mga akdang
napanalunan niya sa Carlos Palanca
Memorial Awards for Literature ay
mga dula at mga sanaysay sa
panunuring pampanitikan sa
Filipino at English
Rogelio G. Mangahas
Kasalukuyang editor sa Filipino ng
SIBS Publishing Company, dating
propesor sa Filipino si Mangahas sa
pamantasang kanyang
pinagtapusan, ang UE. Itinanghal
sa “Makata ng Taong 1969” sa
Talaang Ginto ng Surian ng
Wikang Pambansa. Kinilala ng
mga kritiko ang kanyang tulang
“Duguang Plakard”.
Fernando B. Monleon
Kilala sa sagisag na batubalani, si
Monleon ay tinaguriang makatang
laureado noong 1968. Nahirang na
Mambabalagtas ng Taon noong
1967. Siya’y naging pangalawang
patnugot ng Surian ng Wikang
Pambansa.
Ponciano B. P. Pineda
Nanungkulang punong Komisyoner
sa Wikang Fiipino bago nagretiro,
tubong Nueva Ecija ang
manananggol, makata, manunulat,
propesor sa wika at linggwista si
Pineda.
Nagtapos ng bachelor of laws sa
MLQU, associate in arts degree sa
UST, master of arts in linguistics sa
University of British Columbia,
Vancouver, Canada at doctorate
degree sa UST. Nagturo ng ilang
taon sa Paaralang Gradwado ng
MLQU at sa kasalukuyan ay
aktibong lupon ng patnugot ng
KAPFIL at PSLF.