Professional Documents
Culture Documents
MGA LAYUNIN
KALIGIRANG KASAYSAYAN
Ang mga Pilipinong mapanghimagsik ay nagwagi laban sa mga Kastil ana sumakop sa atin
nang higit sa tatlong daang taon. Naiwagayway ang ating bandila noong ika-12 ng Hunyo, 1898,
tanda ng pagkakaroon natin ng Kalayaan. Nahirang si Hen. Emilio Aguinaldo noon bilang unang
pangulo ng Republika ng Pilipinas, subalit ang kalagayang ito’y naging panandalian lamang
sapagkat bilang lumusob ang mga Amerikano. Nagkaroon ng digmaang Pilipino-Amerikano na
siyang naging sanhi ng pagsuko ni Hen. Miguel Malvar noong 1903. Gayunpaman, ang kilusang
pangkapayapaan ay nagsimula noong 1900. Maraming Pilipino noon ang nagsalong ng sandata at
muling nanulat, sapagkat ang diwa at damdaming Makabayan ng mga kababayang ito ay hindi
nakuhang igupo ng mga Amerikano, bagkus ay lalong nag-alab pa.
Pinasok ng mga manunulat na Pilipino ang lahat ng larangan ng literature tulat ng lathalain,
tula, kuwento, dula, sanaysay, nobela, at iba pa. Mababasa sa mga akda nila ang tungkol sap ag-
ibig sa bayan at pag-asam ng Kalayaan.
Nagsimulang mabasa sa mga sumusunod na pahayagan ang masiglang kilusan sa larangan
ng panitikan.
1. El Nuevo Dia (Ang Bagong Araw) – Itinatag ni Sergio Osmena; tungkol sa mga lathalaing
makabayan.
2. El Grito del Pueblo (Ang Sigaw ng Bayan) – Itinatag ni Pascual Poblete noong 1900.
3. El Renacimiento (Muling Pagsilang) – Itinatag ni Rafael Palma noong 1900.
KATANGIAN NG PANITIKAN
• Tatlong pangkat ng manunulat ang kumakatawan sa Panitikang Filipino
• Sa mga unang taon ng panahong ito, Kastila at Tagalog at mga sari-sariling katutubong
wika sa lalawigan ang mga wikang ginamit sa panulat, ngunit namayani ang Kastila at
Tagalog.
• Bagamat nagkakaisa sa kaisipan at diwa ang nasabing tatlong pangkat ng mga manunulat,
nagkakaisa naman sila sa paksa at pamamaraan.
• Amga manunulat sa Kastila ay naging mahilig sa pagpapahayag ng damdaming
Makabayan at pagpaparangal kay Rizal at iba pang bayani.
• Ang mga manunulat sa Tagalog ay nagpatuloy sa maligayang pagpapahayag na may daing
sa kaapihan ng bayan at may pagpapahalaga at pagtatangi sa sariling wika.
• Ang mga manunulat sa Ingles ay nagtataglay ng mababaw na panunulad sa pamamaksa at
pamamaraang Amerikano.
• Naging palasintahin ang himig ng halos lahat ng mga naisulat na mga akda tulad ng
pagmamahal sa bayan, kapwa, at iba pa.
LITERATURA SA KASTILA
• Naging inspirasyon ng mga manunulat sa Kastila si Rizal hindi lamang sa kanyang
pagiging lider kundi dahil sa kanyang dalawang nobela na Noli at Fili na nagtataglay ng
pinakamahusay na katangian sa lahat ng nasulat na nobelang pampanitikan maging sa
Ingles at Pilipino.
JESUS BALMORI
• Kilala sa sagisag na Batikuling
• Naging kalaban ni Manuel Bernabe sa balagtasan sa Kastila
sa paksang El Recuerdo el Olvido
• Nahirang siyang poeta laureado sa wikang Kastila dahil
tinalo niya si Manuel Bernabe.
CLARO M. RECTO
• Nakilala sa katayugan at kadakilaan ng pananalita sa
Kastila
• Tinipon ang kanyang mga tula sa aklat na pinamagatan
niyang Bajo Los CCocoteros (Sa Lilim ng Niyugan)
• Sumulat ng tula para kay Rizal – Ante El Martir (Sa
Harapan ng Martir)
LITERATURA SA TAGALOG
• Florante at Laura (Francisco Balagtas) at Urbana at Feliza (Modesto de Castro) –
naging inspirasyon ng mga manunulat sa Tagalog.
• Tatlong uri ng makatang Tagalog ni Julian Cruz Balmaceda
1. Makata ng puso
2. Makata ng buhay
3. Makata ng dulaan
LOPE K. SANTOS
• Nobelista, mangangatha, at mambabalarila sa tatlong
panahon ng literaturang Tagalog (Amerikano, Hapones,
at Bagong Panahon)
• Apo ng mga mananagalog
• Ama ng Balarilang Tagalog/Prinsipe ng
Makatang Tagalog
• Banaag at Sikat (tula). Ipinalalagay na kanyang
obra-maestra
AMADO V. HERNANDEZ
• Tinaguriang Makata ng mga Manggagawa dahil
masasalamin sa kanyang mga tula ang marubdob na
pagmamahal sa mga dukhang manggagawa.
• Para sa kanya, ang tula ay halimuyak, taginting,
salamisim, aliw-iw
• Ang Panday – obra maestra
SEVERINO REYES
• Siya ang Ama ng Dulang Tagalog
• May-akda ng walang kamatayang dula na pinamagatang
Walang Sugat
• Kilala sa tawag na Lola Basyang
AURELIO TOLENTINO
• Ipinagmamalaking mandudula ng mga Kapampangan
• Obra-maestra – Luhang Tagalog
• May-akda ng dulang Kahapon, Ngayon at Bukas na siya
niyang ikinabilanggo
PATRICIO MARIANO
• Bata pa lamang ay kinakitaan na siya ng hilig sa pagpipinta at musika subalit habang
lumalaki ay nahilig sa pagsusulat.
• Bilang manunulat ang kanyang obra maestra ay ang dulang Anak ng Dagat.Sumulat ng
nobelang Ninay at Anak ng Dagat na ipinalalagay na kanyang obra-maestra
• Kinilala siya hindi lamang sa pagsusulat ng mga dula. Isa rin siyang batikang makata,
mamamahayag, nobelista at tagapagsalin mula sa wikang Kastila.
• Nakasulat nang humigit-kumulang na 60 dula.
LITERATURANG ILOKO/ILOKANO
PEDRO BUKANEG
• Ama ng Panitikang Iloko
• Sumulat ng epikong Biag ni Lam-ang
• Sa pangalan niya hango ang salitang Bukanegan na nangangahulugang Balagtasan sa
Tagalog
CLARO CALUYA
• Prinsipe ng mga Makatang Ilokano
• Kilala siya sa pagiging makata at nobelista, manunula at mandudula
• Sumulat nang maraming tula sa Iloko/Ilokano kabilang ang salin niya sa Ilokano ang Mi
Ultimo Adios ni Rizal na itinuturing na tipikal na bersyon sa Ilokano ng tula.
• Composer of the much claimed Ilocano International Song. "Bannatiran" a bird described
by Caluya as "Kalilibnusan," most perfect hyperbolically beautiful.
LEON PICHAY
• Pinakamabuting bukanagero; nakilala siya sa larangan ng Bukanegan o Balagtasan sa
wikang Iloko
• Makata, nobelista, kuwentista, mandudula at mananaysay sa wikang Ilokano.
AURELIO TOLENTINO
• Palibhasa’y nananalaytay sa kanyang mga ugat ang dugong Kapampangan, ang kanyang
Kahapon, Ngayon at Bukas sa Kapampangan ay ginawan niya ng salin at pinamagatan
niyang Napon, Ngeni at Bukas
• May-akda ng maikling kuwentong Miss Pathupats
LITERATURANG BISAYA
ERIBERTO GUMBAN
• Ama ng Panitikang Bisaya
• Sumulat ng mga sarswela, moro-moro at mga dula sa Bisaya
MAGDALENA JALANDONI
• Nag-ukol ng panahon sa nobelang Bisaya
• Isinulat niya ang nobelang Ang Mga Tunuk San Isa Ca Bulaklak
Mga Manunulat:
JOSE GARCIA VILLA – Pinakatanyag na Pilipinong manunulat sa Ingles sa larangan ng
maikling katha at tula. Kilala sa sagisag na Doveglion.
JORGE BOCOBO – Isang mananaysay at mananalumpati. Sinulat niya ang Filipino Contact
with America, A Vision of Beauty, at College Education.
ANGELA MANALANG GLORIA – Isang makatang manunulat sa wikang Ingles. Siya ang
sumulat ng tulang April Morning. Nakilala siya sa pagsulat ng mga tulang liriko noong panahon
ng Commonwealth.
ZULUETA DE COSTA – Nagkamit ng unang gantimpala sa kanyang tulang Like the Molave
sa Commonwealth Literary Contest noong 1940.
NVM GONZALES – Siya ang may-akda ng My Islands at Children of the Ash Covered Loom.
Ang huli ay isinalin sa iba’t ibang wika sa India.
ARTURO ROTOR – May-akda ng The Wound and the Scar na siyang kauna-unahang aklat na
nalimbag sa Philippine Book Guild.