You are on page 1of 15

Panahon ng Amerikano

Presented by: Federico Del coro & Joana Rose Dela Cruz
Mga Nilalaman:

• Kaligirang Kasaysayan
• Panitikan sa Tatlong Wika
• Ang nobelang tagalog
• ang maikling kwentong tagalog
• panulaan sa wikang tagalog
• pagbabalikwas ng pagkamakabago
Kaligirang Pangkasaysayan
• •Ang mga Pilipinong mapanghimagsik ay nagwagi laban
sa mga Kastila na sumakop sa atin nang higit sa tatlong
daang taon. Naiwagayway ang ating bandila noong ika-
12 ng Hunyo 1898, tanda ng pagkakaroon natin ng
kalayaan.Nahirang si Hen. Emilio Aguinaldo noon bilang
unang pangulo ng Republika ng Pilipinas, subalit ang
kalagayang ito’y naging panandalian lamang sapagkat
biglang lumusob ang mga Amerikano.
• •Nagkaroon ng digmaang Pilipino- Amerikano na siyang
naging sanhi ng pagsuko ni Hen. Miguel Malvar noong
1903. Gayun pa man, ang kilusang pangkapayapaan ay
nagsimula noong pang 1900.
Panitikan sa Tatlong Wika
Tatlong Pangkat ng mga Manunulat:

•Maka-kastila
•Maka-ingles
•maka-tagalog
Panitikan sa Kastila
• CECILIO APOSTOL- may pinakamabuting tulang papuri kay Jose Rizal; OBRA-
MAESTRA- A Riza
• FERNANDO MA. GUERRERO- unang hari ng panulaan sa Kastila; OBRA-MAESTRA-
Crisalidas (Mga Higad)
• JESUS BALMORI – “Batikuling”; OBRA-MAESTRA- El Recuerdo y el Olvido; nahirang
siyang “poeta laureado” sa wikang Kastila
• MANUEL BERNABE- makatang liriko
• CLARO M. RECTO-Obra-maestra-BAJO LOS COCOTEROS ( Sa Lilim ng Niyugan)
• TRINIDAD PARDO DE TAVERA- ang nagpasok ng titik W at K sa abakadang Pilipino
• ADELINA GURREA – kauna-unahang makatang babae sa Pilipinas na magaling sa
Kastila; Obra-maestra- EL NIDO
• ISIDRO MARPORI –obra-maestra-AROMAS DEL ENSUENO ( Halimuyak ng Pangarap)
•MACARIO ADRIATICO –obra-maestra-alamat”LA PUNTA DE SALTO ( Ang Pook na
Pamulaan )
• EFIFANIO DELOS SANTOS- nakilala sa tawag na DON PANYONG; kilala bilang
mahusay na mananalambuhay
• PEDRO AUNARIO –sumulat ng DECALOGO DEL PROTOCIONISMO
Panitikan sa Tagalog
• Ang “FLORANTE AT LAURA” ni Francisco Balagtas at “URBANA AT FELIZA”ni Modesto de
Castro ang naging inspirasyon naman ng mga manunulat sa Tagalog
• Inuri ni Julian Balmaceda sa tatlo (3) ang mga makatang Tagalog. Narito ang mga sumusunod:
• MAKATA NG PUSO : Lope K. Santos; Inigo Ed Regalado;Carlos Gatmaitan; Pedro Gatmaitan; Jose
Corazon de Jesus; Cirio H. Panganiban; Deogracias A. Rosario; Ildefonso Santos; Amado V. Hernandez;
Nemecio Carabana; Mar Antonio
• MAKATA NG BUHAY : Lope K. Santos; Jose Corazon de Jesus; Florentino Collantes; Patricio
Mariano; Carlos Gatmaitan; Amado V. Hernandez
• MAKATA NG DULAAN : Aurelio Tolentino; Patricio Mariano, Severino Reyes; Tomas Remegio
• LOPE K. SANTOS – Ama ng Balarilang Tagalog; OBRA-MAESTRA-Banaag at Sikat
• JOSE CORAZON DE JESUS- Huseng Batute; OBRA- MAESTRA-Isang Punungkahoy
• FLORENTINO COLLANTES- Kuntil Butil; OBRA- MAESTRA- Lumang Simbahan
• AMADO V. HERNANDEZ- Makata ng mga Manggagawa; MGA OBRA-MAESTRA- Isang
Dipang Langit;Mga Ibong Mandaragit; Luha ng Buwaya; Bayang Malaya; Ang Panday
• VALERIANO HERNANDEZ-PENA- Tandang Anong at Kintin Kulirat; OBRA-MAESTRA- Nena
at Neneng
• INIGO ED REGALADO – Odalager; OBRA-MAESTRA- Damdamin
Ang Dulang Tagalog
• SEVERINO REYES – Lola Basyang; Ama ng Dulang
Tagalog; OBRA-MAESTRA- Walang Sugat
• AURELIO TOLENTINO – ipinagmamalaking mandudula ng
Kapampangan; OBRA-MAESTRA- Luhang Tagalog at
Kahapon, Ngayon at Bukas
• HERMOGENES ILAGAN- nagtayo ng samahang
“COMPANA ILAGAN” na nagtanghal ng maraming dula sa
kalagitnaang Luzon
• PATRICIO MARIANO- sumulat ng “NINAY” at “ANAK NG
DAGAT” na siya niyang OBRA-MAESTRA
• JULIAN CRUZ-BALMACEDA- “Bunganga ng Pating” ang
siya niyang OBRA-MAESTRA
Panitikang Filipino sa Ingles
• JOSE GARCIA VILLA – “Doveglion”; pinakatanyag na Pilipinong manunulat sa
Ingles
• JORGE BACOBO – sinulat-”Filipino Contact with America”; A Vision of Beauty
• ZOILO GALANG – sumulat ng kauna-unahang nobelang Pilipino sa wikang Ingles
na pinamagatang “A Child of Sorrow”
• ZULUETA DE COSTA-nagkamit ng unang gantimpala sa tulang “Like the Molave”
• NVM GONZALES- may-akda ng “My Islands” at “Children of the Ash Covered
Loom”. Ang huli ay isinalin sa iba’t ibang wika sa India
• ANGELA MANALANG GLORIA- umakda ng “April Morning”; nakilala sa pagsulat
ng mga tulang liriko noong panahon ng Komomwelt
• ESTRELLA ALFON – ipinalalagay na pinakapangunahing manunulat na babae sa
Ingles bago magkadigma. Sinulat niya ang “MAGNIFICENCE” at “GRAY
CONFETTI”
• ARTURO ROTOR – may-akda ng “THE WOUND AND THE SCAR”-kauna-
unahang aklat na nalimbag sa Philippine Book Guild
Ang Nobelang Tagalog
• Ang Nobelang Pilipino o Nobela sa Pilipinas ay ang mga nobelang nalimbag sa
Pilipinas na inakdaan ng mga may-akdang Pilipino tungkol sa mga Pilipino at sa
Pilipinas. Maaari itong nasusulat sa wikang Tagalog, wikang Pilipino, o wikang
Filipino, iba pang mga wika sa Pilipinas, at mga wikang dayuhan na katulad ng
Ingles at Kastila.
• •Tahasang nakakita ng unang liwanag ang nobela noong 1900. Lumabas sa Ang
Kaliwangan ang nobelangSalwahang Pag-ibig ni Lope K. Santos. Halos
kasabay nito, lumabas din ang nobelang Unang Bulaklakni Valeriano
Hernandez at Peña at Ang Pagsintang Naluoy ni Modesto Santiago. Ang
nobela noon angkabana-kabanatang lumabas sa pahayagan araw-araw. Noong
1901, lumabas ang isa pang nobela niValerianio Hernandez at Peña, Si Rosa
at si Valerio. Noong 1903 sa Muling Pagsilang, lumabas nayugtu-yugto ang
dalawang nobela ni Hernandez at Peña : Nena at Neneng at Mag-inang
Mahirap.Noong 1905, yugtu-yugto ring lumabas ang Banaag at Sikat ni
Lope K. Santos at ang Anino ngKahapon ni Francisco Lacsamana. Ang
panahong ito ang tinatawag na panahong ginto ng nobela.(Panahon ng
Amerikano) *Kapatid ng Bayan  isa pang babasahin noon.
Ang Maikling Kwentong
Tagalog
• Umunlad ang maikling kuwento noong panahon ng Amerikano. Nagkaroon ito ng
sariling pitak sa mga pahayagang Muling Pagsilang at sa dahong Tagalog ng El
Renacimiento. Ang ilan sa mga nakilalang kuwento sa panahong ito ay:
• 1. Dagli - tinatawag sa Ingles na sketches. Ito ay naglalahad. Ng mga sitwasyong
may mga tauhang nasasangkot ngunit walang aksyong umuunlad at pawing mga
paglalarawan lamang. Ito ay tahasang nangangaral at nanunuligsa.
• 2. Pasingaw - nag-aanyo ring maikling kuwento ngunit hindi rin ganap ang banghay.
Ito ay naglalayong maihandog ang katha sa babaeng pinaparaluman o siyang
inspirasyon ng manunulat. Ang pangalan ng may-akda ay hindi inililimbag dahil
karaniwan na na ito ay may asawa. Ito ay naglalayong mangaral ng diretsahan.
• 3. Kuwentong bitbit (salaysay) – dito nag-ugat ang Maikling kwento - maiikling
salaysay na pumapaksa sa mga anito, lamanlupa, malikmata, multo at iba pang mga
bunga ng guniguning di kapanipaniwala.
• 4. Kuwentong Komersyal (pangaral)– sumulpot sa paglaganap ng Liwayway. Ito ay
pinagugatan ng maikling katha.
• 5. Kakana (kasaysayang pampatawa) – - naglalaman ng mga alamat at engkanto -
panlibang sa mga bata
Ang Tagumpay ng Maikling
Kwento
• " Elias " ni Rosauro Almario sa pahayagang " Ang
Mithi " ay nagpatunay na naging mainipin ang
mga mambabasa sa mga mahahabang akda tulad
ng nobela kung kaya't nagustuhan din ng tao ang
Maikling Kwento . Kahit na ang mga bagong
mananakop ay nagbigay ng kalayaan sa mga may
- akda sa paglikha ng kanilang mga obra maestra
ay may mga may - akda pa ring nagnanais ng
kalayaan sa mga Amerikano at makikita ito sa
kanilang mga maramdaming akda .
Resulta
• Dahil sa pagbigay ng mga Amerikano ng
kalayaan sa mga Pilipinong manunulat sa
kanilang paraan ng paglikha ng akda ay
umusbong at natulungang lumaganap at
umunlad ang Panitikang Pilipino . Isang
halimbawa ng pag - unlad ay ang
pagsilang ng Maiikling Kwento sa ating
panitikan .
Panulaan sa Wikang Tagalog
• Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na
kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo
at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit
ng tayutay. Ang mga likhang panulaan ay tinatawag na
tula. Madaling makilala ang isang tula sapagkat
karaniwan itong may batayan o pattern sa pagbigkas ng
mga huling salita.
• Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Karaniwan
itong wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin, at
lalabing-waluhing pantig. Matalinghaga at ginagamitan
din ng tayutay. May tugma at sukat. Kung minsan ay
maiksi o kaya naman ay mahaba.
Pagbabalikwas ng
Pagkamakabago
• Ang pagbubukas nina Clodualdo del Mundo ng Tao sa Parolang Ginto at ni
Alejandro Abadilla ng kanyang Talaang Bughaw , kapwa pitak sa pamumunang
pampanitikan , ay malinaw na indikasyon ng kawalang –
• kasiyahan ng mga kabataan sa kalagayan ng panulatan . Sa pagsusuma , narito ang
mga pagbabagong mahihiwatigan sa mga pahayag ng mga kabataang
nagsipagrebelde :
1 ) makalaya ang panulaan sa istriktong sukat at tugma
2 ) umusad ang mga paksa ng mga akda mula sa pag - ibig tungo sa higit pang
makabuluhang kaangkinan , suliranin at hangarin ng tao
3 ) ipahayag ang kanilang kaisipan at damdamin sa paraang mapanarili't
sagrado sa manunulat at
4 ) gamitin sa mga akda ang sensibilidad na makikita ang realidad nang
obhektibo . Si Alejandro G. Abadilla ang awtor ng tulang Ako ang Daigdig .
Maraming Salamat
sa pakikinig 

You might also like