You are on page 1of 26

CO 1 Aralin 3:

Ang Tulang
Pilipino sa
Panahon ng
Amerikano
Panulaang Filipino
Kaligirang
Kasaysayan
• Ang mga Pilipinong mapanghimagsik ay nagwagi laban sa
mga Kastila na sumakop sa atin nang higit sa tatlong
daang taon.
• Naiwagayway ang ating bandila noong ika-12 ng Hunyo
1898, tanda ng pagkakaroon natin ng kalayaan.Nahirang
si Hen. Emilio Aguinaldo noon bilang unang pangulo ng
Republika ng Pilipinas, subalit ang kalagayang ito’y
naging panandalian lamang sapagkat biglang lumusob ang
mga Amerikano.
Kaligirang Kasaysayan

• Nagkaroon ng digmaang Pilipino- Amerikano na


siyang naging sanhi ng pagsuko ni Hen. Miguel
Malvar noong 1903.
• Gayun pa man, ang kilusang pangkapayapaan ay
nagsimula noong pang 1900.
Mga Katangian ng Panitikan

1. Hangaring makamit ang kalayaan


2. Marubdob na pagmamahal sa bayan
3. Pagtutol sa kolonyalismo at imperialismo
Diwang Nanaig

1. Nasyonalismo
2. Kalayaan sa pagpapahayag
3. Paglawak ng karanasan
4. Paghanap at paggamit ng bagong pamamaraan
Mga Impluwensya sa Pananakop
ng mga Amerikano
1. Pagpapatayo ng mga paaralan
2. Binago ang sistema ng edukasyon
3. Pinaunlad ang kalusugan at kalinisan
4. Ipinagamit ang wikang Ingles
5. Pagpapalahok sa mga Pilipino sa pamamalakad ng
pamahalaan
6. Kalayaan sa pagpapahayag na may hangganan
Mga Pahayagan sa Panahon ng
Amerikano

1. EL GRITO DEL PUEBLO (Ang Sigaw/Tinig ng Bayan) itinatag ni


Pascual Poblete noong 1900
2. EL NUEVO DIA (Ang Bagong Araw) itinatag ni Sergio Osmena
noong 1900
3. EL RENACIMIENTO (Muling Pagsilang) itinatag ni Rafael
Palma noong 1900
4. Manila Daily Bulletin-1900
3 P a n gk a t n g m ga
Manunulat

1.Maka-Kastila
2.Maka-Ingles
3.Maka-Tagalog
M g a Dulang Ipinatigil

1. KAHAPON, NGAYON AT BUKAS – sinulat ni Aurelio


Tolentino
2. TANIKALANG GINTO- ni Juan Abad
3. MALAYA –ni Tomas Remegio
4. WALANG SUGAT – ni Severino Reyes
Panitikan s a Kastila

1. CECILIO APOSTOL- may pinakamabuting tulang papuri kay Jose Rizal ;


OBRA-MAESTRA- A Rizal
2. FERNANDO MA. GUERRERO- unang hari ng panulaan sa Kastila; OBRA-MAESTRA-
Crisalidas (Mga Higad)
3. JESUS BALMORI – “Batikuling”; OBRA-MAESTRA- El Recuerdo y el Olvido;
nahirang siyang “poeta laureado” sa wikang Kastila
4. MANUEL BERNABE- makatang liriko
5. CLARO M. RECTO-Obra-maestra-BAJO LOS COCOTEROS ( Sa Lilim ng
Niyugan)
6. TRINIDAD PARDO DE TAVERA- ang nagpasok ng titik W at K sa abakadang
Pilipino
Iba P a n g Manunulat sa W i k an g
Kastila
•ADELINA GURREA – kauna-unahang makatang babae sa Pilipinas na magaling sa
Kastila; Obra-maestra- EL NIDO
•ISIDRO MARPORI –obra-maestra-AROMAS DEL ENSUENO ( Halimuyak ng Pangarap)
•MACARIO ADRIATICO –obra-maestra-alamat”LA PUNTA DE SALTO ( Ang Pook na
Pamulaan )
•EFIFANIO DELOS SANTOS- nakilala sa tawag na DON PANYONG; kilala bilang
mahusay na mananalambuhay
•PEDRO AUNARIO –sumulat ng DECALOGO DEL PROTOCIONISMO
Panitikan s a Tagalog
= Ang “FLORANTE AT LAURA” ni Francisco Balagtas at “URBANA AT FELIZA”ni
Modesto de Castro ang naging inspirasyon naman ng mga manunulat sa Tagalog
= Inuri ni Julian Balmaceda sa tatlo (3) ang mga makatang Tagalog. Narito
ang mga sumusunod:
= MAKATA NG PUSO : Lope K. Santos; Inigo Ed Regalado;Carlos Gatmaitan;
Pedro Gatmaitan; Jose Corazon de Jesus; Cirio H. Panganiban; Deogracias
A. Rosario; Ildefonso Santos; Amado V. Hernandez; Nemecio Carabana; Mar
Antonio
MAKATA NG BUHAY : Lope K. Santos;
Jose Corazon de Jesus; Florentino Collantes; Patricio
Mariano; Carlos Gatmaitan; Amado V. Hernandez

MAKATA NG DULAAN : Aurelio


Tolentino; Patricio Mariano, Severino Reyes; Tomas
Remegio
•LOPE K. SANTOS – Ama ng Balarilang Tagalog; OBRA-MAESTRA-Banaag
at Sikat
•JOSE CORAZON DE JESUS- Huseng Batute; OBRA- MAESTRA-Isang
Punungkahoy
•FLORENTINO COLLANTES- Kuntil Butil; OBRA- MAESTRA- Lumang
Simbahan
•AMADO V. HERNANDEZ- Makata ng mga Manggagawa; MGA OBRA-
MAESTRA- Isang Dipang Langit;Mga Ibong Mandaragit; Luha ng Buwaya;
Bayang Malaya; Ang Panday
•VALERIANO HERNANDEZ-PENA- Tandang Anong at Kintin Kulirat; OBRA-
MAESTRA- Nena at Neneng
• INIGO ED REGALADO – Odalager; OBRA-MAESTRA-
Damdamin
Ang Dulang Tagalog
•SEVERINO REYES – Lola Basyang; Ama ng Dulang Tagalog; OBRA-MAESTRA-
Walang Sugat
•AURELIO TOLENTINO – ipinagmamalaking mandudula ng Kapampangan;
OBRA-MAESTRA- Luhang Tagalog at Kahapon, Ngayon at Bukas
•HERMOGENES ILAGAN- nagtayo ng samahang “COMPANA ILAGAN” na
nagtanghal ng maraming dula sa kalagitnaang Luzon
•PATRICIO MARIANO- sumulat ng “NINAY” at “ANAK NG DAGAT” na siya niyang
OBRA-MAESTRA
•JULIAN CRUZ-BALMACEDA- “Bunganga ng Pating” ang siya niyang OBRA-
MAESTRA
PANITIKANG FILIPINO SA
INGLES
•JOSE GARCIA VILLA – “Doveglion”; pinakatanyag na Pilipinong manunulat sa
Ingles
•JORGE BACOBO – sinulat-”Filipino Contact with America”; A Vision of Beauty
•ZOILO GALANG – sumulat ng kauna-unahang nobelang Pilipino sa wikang
Ingles na pinamagatang “A Child of Sorrow”
•ZULUETA DE COSTA-nagkamit ng unang gantimpala sa tulang “Like
the Molave”
•NVM GONZALES- may-akda ng “My Islands” at “Children of the Ash Covered
Loom”. Ang huli ay isinalin sa iba’t ibang wika sa India
*ANGELA MANALANG GLORIA- umakda ng “April Morning”; nakilala
sa pagsulat ng mga tulang liriko noong panahon ng Komomwelt
•ESTRELLA ALFON – ipinalalagay na pinakapangunahing
manunulat na babae sa Ingles bago magkadigma. Sinulat niya ang
“MAGNIFICENCE” at “GRAY CONFETTI”
•ARTURO ROTOR – may-akda ng “THE WOUND AND THE SCAR”-
kauna-unahang aklat na nalimbag sa Philippine Book Guild
IBA PANG PANITIKAN

*PEDRO BUKANEG- Ama ng Panitikang Iloko; Bukanegan-kasingkahulugan


ng Balagtasan
*CLARO CALUYA- Prinsipe ng mga Makatang Iloko; kilala sa pagiging makata at
nobelista
*LEON PICHAY – kinilala bilang “pinakamabuting BUKANEGERO”
*JUAN CRISOSTOMO SOTO- Ama ng Panitikang Kapampangan; Crisostan-
kasingkahulugan ng Balagtasan
*ERIBERTO GUMBAN-Ama ng panitikang Bisaya
3 Panahon

Paghahangad
Romantisismo
ng Kalayaan

Aklatang-
Bayan
Panahon ng Paghahangad ng Kalayaan

 Ang nakapaloob sa batas sedisyon ay hindi sila maaaring magsulat nang lantaran ni sa paraang
pahiwatig ng kahit na angong makapagpapaalab sa damdaming makabayan laban sa mga
Amerikano.
 Hindi sila maaaring magsulat ng laban sa mga Amerikano, laban sa kanilang mga
pagmamalabis laban sa kanilang mga layunin na hindi naman pawang sa kapakanang Pilipino.
Panahon ng Romantisismo

 Ang terminong romantiko (maromantiko) ay unang lumitaw noong ika-18 siglo na ang ibig
sabihin ay nahahawig sa malapantasyang katangian ng midyebal na romansa. Malalim na
pagpapahalaga ng kagandahan ng kalikasan pagpapalutang ng damdamin kaysa isipan;
pagkaabala sa mga henyo, bayani at pambihirang katauhan, at ito ay mahiwaga at may
kababalaghan.
 Lubhang emosyunal, malabis ang pagkamoralistiko, sadyang sumusumang sa hindi kayang
abutin ng isipan, dumadakila sa kagandahan at kapangyarihan ng kalikasan, gumagamit ng
matayog na imahinasyon o guniguni at bumabandila ng tungkol sa kalayaang sarili.
 Isang katangian ng manunulat na Pilipino ang kakayahang ihalo ang ‘hiniram’ na katulad ng
romantisismo sa pansariling elemento na angkop lamang sa kulturang Pilipino.
Panahon ng
Romantisismo

 Unang- una, masasabing nagasgas nang husto ang paboritong paksang pag- ibig. Sa tuwi-
tuwina, binibihisan lamang ng iba’t ibang anyo’t kulay, ito’y tungkol sap ag-iibigan ng isang
mahirap at isang mayaman.
 Isa pang katangian ng panitikang romantiko ay ang pagpaksa sa katutubong buhat sa mga
lalawigan, lalo na sa malalayong nayon.
 Pinalutang din ang mga tauhang kahanga-hanga, ang maiinam na mga katangian o iyong
tinatawag na mga romantikong bayani.
 Sa ibabaw ng lahat ng ito, ang panitikang romantiko ay yaong nagbibigay ng aral batay sa mga
ipinangangaral ng relihiyong Kristiyanismo. Sa tuwina’y ikinikintal sa ispan na ang masama’y
pinarurusahan at ang mabuti’y tumatanggap ng karampatang gantimpala.
Panahon ng Aklatang-Bayan

Pasingaw
 Ito’y kadalasang tungkol sa mga dalagang hinahangaan, nililigawan, sinasamba nang lihim o
pinaparunggitan dahil sa nais tawagan ng pansin ang kapintasan sa pag-uugali o sa hitsura.
Kaya ang kadalasang nagsusulat nito ay mga lalaking manunulat na nagkukubli sa ilalim ng
mga sagisag dahil na rin sa “kaselanan” ng mga paksang tinatalakay.
 Ang pasingaw ay naging dagli. Sa tiyakang pagbibigay ng kahulugan, ang dagli ay isang
maikling salaysay na nangangaral, namumuna, nagpapasaring at nanunuligsa.
Panahon ng Aklatang-Bayan

 Yumabong nang husto ang tula sa panahong ito ng Aklatang- Bayan. Masasabi pa ngang sa
lahat ng panitikan ng panahong iyon ay sa tula nanaig nang ganap ang romantisismo
 Si Francisco Balagtas ay hindi maikakailang produkto ng kaniyang panahon. Sa kaniyang mga
isinulat na hindi nasunog at sumapit sa kamay ng mga sumunod na henerasyon ay ganap na
mababakas ang labis na sentimentalismo ng kaniyang panahon.
Ang mga Manunulat ng Panahon

• Jose Corazon de Jesus


• Lope K. Santos
• Pedro Gatmaitan
• Inigo Regalado
• Florentino Collantes
Ang mga Makata

• Amado V. Hernandez
• Julian Cruz Balmaceda
• Ildefonso Santos

You might also like