You are on page 1of 4

Edgar Allan Poe

Si Edgar Allan Poe (Enero 19, 1809 - Oktubre 7, 1849) ay isang Amerikanong manunulat. Nakilala siya dahil sa pagsulat ng nakagigimbal na mga maiikling kuwento at mga tula. Ang "The Raven" ang pinakakilala niyang tula, isang poesiyang nagsasalaysay tungkol sa ng pagdadalamhati at kawalan ng isang lalaki. Kasama sa iba pa niyang mga akda ang "The TellTale Heart" at "The Cask of Amontillado." Gumanap ring patnugot at manunuring pampanitikan si Poe, kaya itinuturing din siya bilang bahagi ng Kilusang Romantiko sa Amerika. Kinikilala siya bilang imbentor ng uri ng salaysaying kathang-isip na pangdetektibo, at isa ring kontributor sa lumalaganap nang henero ng salaysaying makaagham.[1] Siya ang kauna-unahang kilalang Amerikanong manunulat na sumubok na maghanapbuhay sa pamamagitan ng pagsusulat lamang, na naging sanhi ng kahirapang pangpananalapi sa buhay at larangan.[2] Isinilang si Poe Boston, Massachussets noong 1809 sa isang mag-asawang kapwa mga aktor, subalit hindi matagumpay ang kaniyang amang lasinggero. Kinupkop si Poe ng isang magasawang walang anak (ang mag-asawang Allan [apelyido]), nang mawala sa di-nalalamang dahilan ang kaniyang ama, at nang mamatay dahil sa tuberkulosis ang kaniyang ina. Pinaniniwalaang naging inspirasyon ni Poe sa pagsusulat ang pagkakaroon ng isang tagapagalagang negro - taong maitim ang kulay ng balat - na nagdadala kay Poe sa silid ng mga katulong. Sa pagkakataong ito nakarinig ng mga kuwento tungkol sa mga multo.[3] Napangasawa niya ang isang 13-taong gulang na pinsan noong 1836. Namatay ang kaniyang asawa noong 1847 dahil sa sakit na tuberkulosis. Namatay si Poe noong 1849.[3]

Efren Abueg

Efren R. Abueg
Si Efren Abueg ang isa sa mga iginagalang na nobelista, kuwentista, mananaysay, at krititiko ng kaniyang panahon. Kabilang sa kaniyang mga aklat ang Bugso, ang kaniyang kauna-unahang koleksiyon ng mga kuwento. Siya rin ang editor at bumuo ng mga antolohiyang gaya ng Mga Piling Akda ng KADIPAN (1964); Mga Agos sa Disyerto (edisyong 1965, 1974, at 1993); MANUNULAT: Mga Piling Akdang Pilipino (1970) at Parnasong Tagalog ni Alejandro G. Abadilla (1973). Humakot ng parangal si Abueg tulad ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (1959, 1960, 1963, 1964, 1967, at 1974); Timpalak ng KADIPAN, unang gantimpala (1957); Pang-alaalang Gawad Balagtas (1969); Timpalak Pilipino Free Press (1969); Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas (1992) mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL); Timpalak Liwayway sa Nobela (1964, 1965, at 1967). Unang antolohiya ng kanyang mga katha ang BUGSO, ngunit marami na ring librong pinamatnugutan si Efren Abueg, tulad ng Mga Piling Akda ng KADIPAN(1964), Mga Agos sa Disyerto (edisyong 1965, 1974 at 1993), MANUNULAT: Mga Piling Akdang Pilipino (1970) at Parnasong Tagalog ni Abadilla (1973). Kinilala ang kanyang kakayahan sa pagsulat ng maiikling kuwento sa pagkakaloob sa kanya ng anim na Taunang Gawad Carlos Palanca (1959, 1960, 1963, 1964, 1967, at 1974); unang gantimpala sa timpalak ng KADIPAN (1957), Pang-alaalang Gawad Balagtas (1969); pangatlong gantimpala sa timpalak ng Pilipino Free Press(1969) at Mangangatha sa Tagalog (1992) ng Unyon ng Manunulat ng Pilipinas. Sa nobela naman, nagwagi siya sa timpalak

ng Liwayway (1964, 1965, at 1967) at sa sanaysay ay nakamit niya ang unang gantimpala sa timpalak ng KADIPAN noong 1958. Kasama sa maraming teksbuk sa Filipino ang kanyang mga nagkagantimpalang akda, aktibo siya sa pagtuturo ng wika at panitikan sa MLQ University (1965-1972), Philippine College of Commerce (1971-72), Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (1974-77), Ateneo de Manila University (1977-78) at sa kasalukuyan, propesor siya sa De La Salle University. Naging pangulo ng Kapisanan ng mga Propesor sa Pilipino (KAPPIL, 1986-88), at Linangan ng Literatura ng Pilipinas (Literary League of the Philippines) at direktor ng Philippine Folklore Society.

Lope K. Santos
Si Lope K. Santos (Setyembre 25, 1879 Mayo 1, 1963) ay isang tanyag na manunulat sa wikang Tagalog noong kaniyang kapanahunan, sa simula ng ika-1900 dantaon.[1] Bukod sa pagiging manunulat, isa rin siyang abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing na "Ama ng Pambansang Wika at Balarila" ng Pilipinas.[2][3]Sa larangan ng panitikan Ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig, Rizal - bilang Lope C. Santos - sa mag-asawang Ladislao Santos at Victoria Canseco, na kapwa mga katutubo sa Rizal. Ngunit mas inibig na gamitin ni Santos ang titik na K bilang kapalit ng C para sa kaniyang panggitnang pangalan, upang asang padasino das(Kolehiyo Pilipino), matapos na makapag-aral sa Escuela Normal Superior de Maestros (Mataas na Paaralang Normal para sa mga Guro) at sa Escuela de Derecho (Paaralan ng Batas). Naging dalubhasa siya sa larangan ng dupluhan, isang paligsahan ng mga manunula na maihahambing sa larangan ng balagtasan. Noong 1900, nagsimula siyang maglingkod bilang patnugot para sa mga lathalaing nasa wikang Tagalog, katulad ng Muling Pagsilang at Sampaguita. Siya ang tagapagtatag ng babasahing Sampaguita. Sa pamamagitan ni Manuel L. Quezon, naging punong-tagapangasiwa si Santos ng Surian ng Wikang Pambansa. [4] Kabilang sa mga katawagang nagbibigay parangal kay Santos ang pagiging Paham ng Wika, Ama ng Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit mas kilala rin siya sa karaniwang palayaw na Mang Openg.Napangasawa ni Lope K. Santos si Simeona Salazar noong ika-10 ng Pebrero, 1900, at nagkaroon sila ng limang anak. Nagkaroon siya ng karamdaman sa atay, ngunit hanggang sa huling sandali ng buhay ay hinangad ni Santos na maging Wikang Pambansa ang Wikang Tagalog.[4]Matapos maging gobernador ng lalawigan ng Rizal mula 1910 hanggang 1913, naging gobernador naman si Santos ng Nueva Vizcaya mula 1918 hanggang 1920. Naglingkod din siya bilang senador para sa ika-labindalawang distrito ng bayan.[4]

Iigo Ed. Regalado


Ipinanganak siya noong 19 Marso 1888 sa Sampalok,Manila at anak nina Iigo Regalado y Corcueca at Saturnina Reyes. Si Iigo Ed. Regalado ay tanyag noong sa sagisag na Odalager. Naging patnugot siya ng pahayagang Mithi, Watawat, Pagkakaisa, at ng lingguhang magasin na Ilang-ilang. Isa siya sa mga Taliba ng panulaan. Kilala siya bilang makata ng pag-ibig. Ang kanyang mga tula ay natipon sa isang aklat na pinamagatang Damdamin na nagtamo ng unang gantimpala sa Timpalak Komonwelt noong 1941. Nag-aral si Ed. Regalado sa Escuela Muncipal de Sampaloc, at nakuha niya ang kanyang per ito mercantil sa Colegio Filipino, ang Batsilyer sa Sining sa Liceo de Manila, at ang kanyang bachiller en leyes sa La Jurisprudencia. Pumasok rin siya sa Unibersidad ng Pilipinas (Fine Arts), kung saan naging guro niya si Fabian de la Rosa sa pagpipinta, at naging kaklase niya naman sina Fernando Amorsolo at Guillermo Tolentino. Hindi

lamang siya makata, isa rin siyang kwentista, nobelista at peryodista. Ang kanyang nobelang Sampaguitang Walang Bango ay nasulat sa panahong Ginto ng nobelang Tagalog. Ito'y tungkol sa isang babaing martir ngunit sa huli ay nagtaksil kaya iniwan ng asawa. Katulad siya ng sampagita na akala ng marami ay maganda, dalisay at namumukod sa kabanguhan subalit sa kabila noon ay naging taksil kaya itinuring na sampagitang walang bango. Si Odalager bilang manunulat ng maikling kuwento at nobela ay maingat sa pagpili ng mga salitang naglalarawan ng mga tauhan at natural na salitaan at tagpuan. Naging patnugot siya ng Surian ng Wikang Pambansa at guro ng wika sa iba't ibang Unibersidad ng Maynila. Kung si Odalager ay nakilala bilang isang kwentista, nobelista at mamamahayag sa larangan ng panitikan, higit siyang makata dahil sa kanyang mga tula madarama ang linamnam ng kanyang panulat. Naging paksa ng kanyang mga tula ang buhay at mga bagay-bagay sa kapaligiran. Tumanggap siya ng Republic Cultural Heritage Award for Literature noong 1968. Ilan sa mga nasulat ni Odalager ay Sampaguitang Walang Bango, May Pagsinta'y Walang Puso at Dalaginding. Sa mga tulang nasulat niya, ay mababanggit ang Sabi Ko Na Nga Ba, Dahil sa Pag-ibig, Madaling Araw at Kung Magmahal Ang Isang Dalaga. Ang tula niyang nagbigay sa kanya ng di-kakaunting karangalan ay ang Laura. Tumanggap siya rito ng Unang Gantimpala mula sa Samahang Mananagalog. Pinaksa ng tulang ito ang mga katangian ni Laura, ang musa ni Balagtas sa Florante at Laura. Mga Akda Koleksyon ng mga Tula Damdamin at Bulalakaw ng Paggiliw Maikling Kwento Sa Laot ng Kapalaran at Ang Dalaginding Iba pang mga gawa Isang Panyo Lamang, Mahiwagang Tao at Sa Bundok Mga Parangal 1941 Commonwealth Award for Poetry , Patnubay ng Sining at Kalinangan Award, 1963 at Diwa ng Lahi Award, 1972

Valeriano Hernandez Pea


Valeriano Hernandez at Pea: Ama ng Nobelang Tagalog Si Valeriano Hernandez at Pea (ang Pea ay apelyido ng kanyang ina) ay isinilang sa nayon ng San Jose, Bulakan, Bulakan noong Disyembre 12, 1858. Siya ay bunsong anak nina Marcos Hernandez at Dominga dela Pea. Ang kanyang ama ay isang platero, at ang hanapbuhay na ito ang kanyang ginamit upang maitawid ang kanyang pamilya sa pang-araw-araw na pangangailangan. Nagsimulang mag-aral si Tandang Anong (ito ang tawag sa kanya ng mga kasamahang manunulat sa Muling Pagsilang) ng Kartilya at ang kanyang naging guro ay ang kanilang kapitbahay na si G. Marcelino Nuque. Sa murang edad na sampu ay nakitaan na siya ng pagkahilig sa pagbabasa at pagsusulat. Sa nayon ng Matungao, Bulakan, Bulakan ginugol ni Tandang Anong ang malaking bahagi ng kanyang kamusmusan sa piling ng mga kababatang sina Gregorio Santillan (ama ng mga manunulat na sina Dr. Jose Santillan at Dr. Pura Santillan-Castrence), Benito dela Pea, at Mariano Cristobal.

Nagsimula siyang mamasukan bilang kawani ng isang Kapitan Alvarez sa gulang na labindalawa matapos pumanaw ang kaniyang ama. Nagsilbi rin siyang kawani ng husgado. Nakasal siya kay Victoria Laktaw, isang taga-Matungao sa gulang na 45, subalit ang mag-asawa ay hindi pinalad na mabiyayaan ng anak. Nagsimula siyang sumulat sa pahayagang El Renacimiento Filipino (Muling Pagsilang) na pinamatnugutan ni Jose Palma at sa pahayagang Taliba kung saan inilathala ang kanyang pitak na Buhay Maynila na nasalin kay Huseng Batute matapos na siya ay pumanaw. Sa mga pahayagang ito nakilala ang kanyang angking husay sa pagsulat. Maliban sa mga tula, sumulat din siya ng mga nobelang inilabas ng serye sa Seccion Tagala ng Muling Pagsilang. Dito iniluwal ang kanyang mga unang nobela na sa kalaunan ay naging panulukang bato ng mga akdang prosa ng mga sumunod na panahon. Inihambing si Tandang Anong ni Bb. Mona P. Highley, propesora ng Kagawaran ng Ingles sa Pamantasan ng Pilipinas sa mandudulang Ingles na si Shakespeare. Sila ay kapwa tagahawan ng kani-kanilang panitikang kinabibilangan. Na mula sa Edad Media ay ipinakilala ni Shakespeare ang isang bagong anyo ng panitikan, gayon din naman ginamit ni Tandang Anong ang isa bagong anyo sa panahong ang Tagalog ay hindi gaanong ginagamit dahil sa malawakang paggamit ng Kastila at ang pagdating ng wikang Ingles. Sa Muling Pagsilang, nakasama ni Tandang Anong ang mga kilalang manunulat na gaya nina Lope K. Santos, Faustino Aguilar, Andres Rivero, Carlos Ronquillo, at iba pa. Kilala sa taguring Ama ng Nobelang Tagalog, itinuturing na obra maestra niya ang Kasaysayan ng Magkaibigang si Nena at si Neneng (1905), bagamat iniluwal din ng kanyang panitik ang iba pang mga nobela tulad ng: Pagluha ng Matuid (1899), Mag-inang Mahirap (dalawang bahagi 1905 at 1906), Hatol ng Panahon (1909), Pahimakas ng Isang Ina (1914), Unang Pag-ibig (1915), Dangal ng Magulang (1920), at iba pa, gayundin ang mga maiikling kuwento at mga tula. Pumanaw ang dakilang alagad ng sining noong Setyembre 7, 1922 at inilibing sa kanyang pinagmulang bayan ng Bulakan, Bulakan. Sa kasalukuyan, ang ilang mga kagamitan ng manunulat (pluma, orihinal na kopya ng patente ng nobelang Si Nena at Si Neneng, at iba pa) at dalawang sipi ng El Renacimiento Filipino (1910 at 1911) ay nasa pag-iingat ni G. Jaime Villafuerte Jr. ng Matungao, Bulakan, Bulakan, na apo niya sa talampakan sa kanyang pamangkin na si Maria.

You might also like