You are on page 1of 43

College of Teacher Education

First Sem, A.Y. 2020-2021


MODULAR LEARNING

I. PAMAGAT NG KURSO Maikling Kuwento at Nobelang Pilipino


A. Bilang ng Yunit: 3
B. Iskedyul:

II. SAKLAW NG KURSO

A. Deskripsyon ng Kurso
Sinasaklaw ng kursong ito ang pag-aaral at pagpapahalaga sa makasaysayang pag-unlad ng maikling
kuwento at nobelang Filipino na may pagbibigay-diin sa mga sangkap at pagkakabuo nito. Gagawin din ang pag-
aaral sa pagpapahalaga at pagsusuri ng iba’t-ibang uri ng maikling kuwento (banghay, tauhan,
kapaligiran/katutubong-kulay atbp.). Kasamang tatalakayin ang sining ng pagkukuwento, pagsusuri sa anyo at
nilalaman, sangkap at kailangan sa maikling kuwento. Kasama rin ang paglinang ng kaalaman at kakayahan sa
paglikha ng kaibahan ng maikling kuwento sa pagsusuri sa anyo at nilalaman ng uri ng nobela, pag-aaral at
pagpapahalaga sa mga kinatawang nobela sa lahat ng panahon ng panitikang Pilipino.

B. Inaasahang Matututuhan
Sa pagtatapos ng kurso, inasahang matututuhan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod :

Kaalaman
1. Makilala ang kalikasan ng maiking kuwento at nobela bilang anyo ng panitikan,
2. Matukoy ang mga klasikal, premyado at namumukod-tanging maikling kuwento at nobela sa Pilipinas bilang
hulwarang artistikong kahusayan ng mga Pilipino,
3. Matukoy at masuri ang mga kahulugan ng mga akdang naisulat,
4. Makilala ang kaugnayan ng mga akdang naisulat sa buhay at pamumuhay ng may-akda.

Halagahan
1. Mapahalagahan ang mga maikling kuwento at nobelang Pilipino sa paraang pagbabasa at pagsasabuhay sa
mga aral na napulot dito,
2. Makapahalagahan at maipagmalaki ang mga obrang nakapagpabago sa lipunang Pilipino.

Kasanayan
1. Makapagsuri ng mga maikling kuwento at nobela ayon sa kanilang kabisaan (isip, asal, damdamin at lipunan),
2. Makapagsulat ng sariling akda na may pagpapahalagang pangkaisipian, kaasalan, pandamdamin at
panlipunan,
3. Makapagtanghal sa isang entablado na batay sa napiling maikling kuwento o nobela at masuri ito ng mga
manonood.

C. Mga Paksa
Narito ang mga paksang tatalakayin sa buong kurso:

MODYUL 1: Maikling kuwentong Pilipino


Katuturan
Mga ugat ng kasalukuyang maikling kuwento
Mga sangkap ng maikling kuwento
Uri ng maikling kuwento
Bahagi ng maikling kuwento
Salik ng maikling kuwento
Pahapyaw na kasanayan ng maikling kuwentong Pilipino

MODYUL 2: Maikling kuwento bago dumating ang mga Kastila


Mitolohiya
Alamat
Kuwentong-bayan
Kuwentong kababalaghan
Pabula
Parabula

MODYUL 3: Ang maikling kuwento sa panahon ng kastila


Ang maikling kuwento sa panahon ng propaganda
Ang Noche Buena ni Rizal
Maikling kuwento sa panahon ng mga amerikano
Mga Pusong Sugatan ni Guillermo Hollandez
Aloha ni Deogracias Rosario
Maikling kuwento sa panahon ng hapon
Ang Lupang Tinubuan ni Narciso Reyes

MODYUL 4: Uhaw na ang Tigang na Lupa ni Liwayway Arceo


Ang maikling kuwento mula sa pagkakatatag ng Republika hanggang sa kasalukuyan
Kuwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza-Matute
Di mo masilip ang Langit ni Benjamin Pascual
Ugat sa Dugo ni Joey Arrogante
MODYUL 5: Ang dulang Pilipino
Katuturan
Anyo ng dula
Kasaysayan
Ang dulang Pilipino bago dumating ang mga kastila
Ang dulang Pilipino sa panahon ng propagandista
MODYUL 6: Ang dulang Pilipino sa panahon ng kastila
Karagatan, duplo, senakulo at panunuluyan, pangangaluluwa, tibag
Dulang Filipino sa panahon ng propagandista
MODYUL 7: Ang mga dula sa panahon ng amerikano
Anak ng Katipunan
Walang sugat
RIP
Sa bunganga ng pating
Kahapon, Ngayon at Bukas
MODYUL 8: Nobelang Pilipino
Katangian/katuturan
Kahalagahan
Uri ng nobela
MODYUL 9: Nobela sa panahon kastila, hapon at amerikano
Tatlong Maria ni Jose Esperanza Cruz
MODYUL 10 Nobela sa panahon ng Republika
Mga ibong mandaragit
Luha ng buwaya ni Amado Hernandez

III. Gabay sa Pag-aaral


 Magandang araw, nawa’y nasa mabuti kang kalagayan !
 Ikaw ay pinapaalalahanang ihanda ang iyong sarili sa pamamagitan ng mga sumusunod:
 Maging disiplinado sa paggugol ng oras sa mga aralin.
 Magpokus nang mabuti sa aralin
 Ibigay at gamitin ang buong makakaya sa pagsagot at pag-unawa sa mga aralin
 Sagutin at unawain ang mga aralin na may pagkukusa at tiwala sa sarili
 Maging matiyaga sa pagsagot ng mga gawain
 Ipasa ang mga rekwayrments sa itinakdang araw at oras.
 Kung may katanungan at paglilinaw patungkol sa aralin maaari mo akong tawagan o padalhan ng mensahe

 Mga paraan ng pagkatuto.


Category A – All Online Distance Learning (para sa mga mag-aaral na may gadyets at wifi connectivity)
Category C – Mixed Mobile Learning (para sa mga mag-aaral na may gadyets ngunit may mahinang wifi/data
connection)
Category B – Modular Remote Learning (para sa mga mag-aaral na walang gadyets at walang wifi/data connection)

IV. Sanggunian

 Arrogante, Jose, Panitikang Pilipino Antolohiya


 Belvez, Paz, Panitikan ng Lahi
 Lachica, Veneranda, Komunikasyon at Linggwistika
 Ulit, Perla, Pagpapahalaga ng Panitikan ng Pilipino
College of Teacher Education
First Semester, A.Y. 2020-2021
MODYUL 1

Maikling kuwentong Pilipino at ang katuturan nito


Mga ugat ng kasalukuyang maikling kuwento
Mga sangkap ng maikling kuwento
Uri ng maikling kuwento
Bahagi ng maikling kuwento
Salik ng maikling kuwento
Pahapyaw na kasanayan ng maikling kuwentong Pilipino

Panimula

Ang modyul na ito ay patungkol sa pag-aaral ng maikling kuwento. Tatalakayin sa modyul na ito ang katuturan ng
maikling kuwento, mga pinag-ugatan ng maukling kuwento, mga sangkap ng maikling kuwento, mga bahagi ng maikling
kuwento, salik ng maikling kuwento at ang pahapyaw na kasanayan ng maikling kuwentong Pilipino. Babalik-aralin ang
kasaysayan ng maikling kuwentpo at ang pag-unlad nito sa bawat panahon hanggang sa kasalukuyan. Paghahambingin
ang mga iba’t-ibang uri ng maikling kuwento at sasaliksikin ang mga pagkakatulad nito. Susuriin ang mga bahagi nito ayon
sa kabisaan, tagpuan mga tauhan at iba pang sangkap upang mas lalong maunawaan ang nilalaman ng mga kuwentong
sumasalaysay sa buhay at pamumuhay ng mga Pilipino.

Araw at Oras

Setyembre 1,3,8

I. Layunin

Pagkatapos aralin at unawain ang mga nilalaman ng modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang depinisyon ng maikling kuwento
2. Nakikilala ang mga uri, sangkap at bahagi ng maikling kuwento
3. Naipapaliwanag ang kaugnayan ng maikling kuwento sa pamumuhay ng bawat Pilipino
4. Nakasusulat ng pagsusuri batay sa pag-unlad ng maikling kuwento sa Pilipinas

II. Lektyur

ANG MAIKLING KWENTO


 Isang anyo ng panitikan na naglalayong magsalaysay ng isang mahalaga at nangigibabaw na pangyayari sa buhay
ng pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
 Maikling katha na nagsasalaysay at tumatalakay sa madulang bahagi ng buhay. Hindi ito pinaikling nobela o buod
ng isang nobela.
 Isang uri ng masining na pagsasalaysay na maikli ang kaanyuan at ang diwa ay napapalaman sa isang buo,
mahigpit at makapangyarihang balangkas na inilalahad sa isang paraang mabilis ang galaw.

Pangkat ng mga Manunulat ng Maikling Kwento


1. sumusunod sa dating pamamaraan ng pagsulat – nanininwalang mahalagang magkaroon ng isang balangkas ang
maikling kwento.
2. sumusunod sa makabagong pamamaraan – naniniwalang hindi na kailangan pa ng balangkas sa pagkatha ng kwento
kundi ang higit na mahalaga ay maikintal sa isipan ng mga mambabasa ang isang larawang hindi kaagad-agad maaalis sa
kanilang gunita o madama nila ang masidhing damdaming pilit na titinag sa kanilang kalooban.

Mga Katangian ng Maikling Kwento:


1. Tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay.
2. Gumagamit ng isang pangunahing tauhang may mahalagang suliranin at ng ilang ibang mga tauhan.
3. Gumagamit ng isang mahalagang tagpo o ng kakaunting tagpo.
4. Nagpapakilala ng mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdulan na sinusundan kaagad ng wakas.
5. Nagtataglay ng iisang impresyon o kakintalan.
Mga Sangkap ng Maikling Kwento:

1. Banghay – tumutukoy sa maayos, kawing-kawing at magkakasunod na mga pangyayari.


2. Tauhan – tumutukoy sa mga tauhang gumagalaw sa kwento na maaaring pangunahing tauhan at pantulong na tauhan.

Dalawang Uri ng Paglalarawan ng May-akda sa Tauhan:

a. tuwirang pagpapahayag - kung binabanggit ng may-akda o ng ibang tauhan sa kwento ang mga katangian ng tauhan
b. madulang pagpapahayag - kung matimpi ang paglalarawan ng tauhan, na nangangahulugang mahihinuha ang katangian
ng tauhan sa pamamagitan ng pagkilos at pagsasalita niya.

3. Tagpuan – tumutukoy sa lugar at oras ng pinangyarihan ng kwento. Makatotohanan ang daigdig na inilalarawan sa ating
imahinasyon upang makatotohanan din ang pangyayaring magaganap dito.
4. Paningin – pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari sa isang kwento.
Nakikilala rito ang mga sumusunod:
a. paglikha ng nagsasalaysay
b. ang lugar at panahong sumasaklaw sa pagsasalaysay
c. ang taong pinagsasalaysayan nito.
d. ang relasyon ng pagsasalyasay at ang pangyayaring isinasalaysay
e. kung gaano ang nalalaman ng nagsasalaysay.

Mga Uri ng Paningin:


A. paningin sa unang panauhan – ang may-akda ay sumasanib sa isa sa mga tauhan na siyang nagsasalaysay ng kwento
sa pamamagitan ng unang panauhang “ako”
B. paningin sa pangatlong panauhan – ang nagkukwento ay gumagamit ng pangatlong panauhan na malayang
nagsasalaysay ng mga pangyayari sa kwento. Ang nagsasalaysay ay maaaring pumasok sa isipan at damdamin ng mga
tauhan at sabihin sa bumabasa kung ano ang kanilang iniisip o nadarama. Nabibigyan din ng puna at pakahulugan ang
kilos ng mga tauhan. Nasasabi ng nagsasalaysay ang lahat ng gusto niyang sabihin o itago ang nais niyang itago.
C. tinakdaang obhetibong paningin – ang pananaw ay limitado sa isa lamang tauhan sa kwento. Maaaring ang
pangunahing tauhan o di kaya‟y alinman sa mga katulong na tauhan sa kwento ang tagapagsalaysay.
D. obhetibong paningin o paninging palayon – ang tagapagsalaysay ay nagsisilbing kamera o malayang nakalilibot habang
itinatala nito ang bawat nakikita at naririnig. Ang tagapagsalaysay ay hindi nakakapasok sa isipan ng tauhan at hindi rin
nakapagbibigay puna o paliwanag. Tumatayong tagapanood lamang siya ng mga pangyayari sa kwento. Nakikita niya ang
ginagawa ng mga tauhan, naririnig ang sinasabi nila, ngunit hindi niya tuwirang masasabi ang kanilang iniisip o nadarama.
E. paninging panarili – isang paraan ng pagsulat na sa pamamagitan ng daloy ng kamalayan o “stream of consciousness”.
Sumusulong ang kwento sa pamamagitan ng paglalahad ng mayakda na ang isipan at damdamin ay naaayon sa
damdamin at kaisipan ng isang tauhan lamang. Isinasalaysay ang kwento sa pamamagitan ng unang panahunan (first
person). Gayunman hindi ginagamit ang panghalip na “ako”.
F. paninging laguman – magkasamang paggamit ng paninging panarili at palayon sa kwento. Sa pamamagitan ng paningin
na ito malawak ang kalayaan ng awtor sa pagsasalaysay, bagaman hindi rin siya dapat pumasok sa katauhan ng isang
tauhan maliban sa pangunahing tauhan.

5. Paksang-diwa o tema – tumutukoy sa kaisipang iniikutan ng katha. Ito ang sentral na ideya ng kwento na naghahayag ng
pagkaunawa sa buhay. Ito ay hindi dapat ihayag sa isang salita o parirala lamang kundi sabihin ito sa isang buong
pangungusap.
Halimbawa: “ ang pagsama ng isang tao” - kundi ihayag ang buong pangungusap nang ganito:
“kung minsan, ang pagsama ng isang tao ay dala ng mapapait niyang karanasan sa buhay ”

6. Katimpian – masining na paglalarawan sa damdamin. Ang maingay at nagpapalahaw na pag-iyak ay di tanda ng


kalaliman ng kalungkutan; di gaya ng tahimik, pigil at di mailuhang pighati.
7. Pahiwatig – tinatalakay ang pangyayaring nagaganap sa isang akda. Ipinahihiwatig ang pangyayaring inaakalang
mahalaga sa kwento. Dahil dito, nagiging malikhain ang mga mambabasa sapagkat naiiwan ang kanyang guniguni o
imahinasyon sa mga pangyayaring nagaganap o maaaring maganap sa maikling katha. Sa pamamagitan din nito ‟y
nagiging matimpi ang pagsasalaysay, hindi nagiging kabagu‟t bagot sa sinumang bumabasa ang paglalantad ng mga
sunud-sunod na pangyayaring inaakalang napakahalaga bilang isa sa pangunahing sangkap ng maikling kwento.

8. Simbolo – ito ang mga salita na kapag binabanggit sa isang akdang pampanitikan ay nag-iiwan ng iba ‟t ibang
pagpapakahulugan sa mambabasa.
Halimbawa: Ang puti ay kumakatawan sa kalinisan o kawagasan samantalang ang pula ay kumakatawan sa katapangan o
kaguluhan.

9. Suliranin – mga problemang kinakaharap ng mga tauhan sa kwento. Ito ang nagbibigay daan upang magkaroon ng kulay
at kawili-wili ang mga pangyayari sa kwento. Dito makikita kung paano kakaharapin ng mga tauhan ang paglutas sa
suliraning kinakaharap.
10. Tunggalian – ito ang nagbibigay-daan sa madudulang tagpo upang lalong maging kawili-wili at kapana-panabik ang
mga panggyayari kaya‟t sinasabing ito ang sanligan ng akda. Nagsisimula ito sa paghahangad ng pangunahing tauhan na
hahadlangan ng sinuman o anuman sa katuparan. Ang sagabal o katunggaling lakas ay dapat na nababagay sa
kahalagahan ng layunin ; at dapat na magdulot ng pananabik at kasiyahan sa mga mambabasa sa dakong huli.
Mga uri ng Tunggalian: a. tao laban sa tao b. tao laban sa sarili c. tao laban sa kalikasan

11. Kasukdulan – dito nagwawakas ang tunggalian. Pinakamasidhing pananabik ang madarama ng mga mambabasa sa
bahaging ito sapagkat dito pagpapasyahan ang kapalaran ng pangunahing tauhan o bayani sa kwento. Subalit bago
sumapit ang pinakarurok na ito ng kasabikan, kailangang magduyan muna ang pananabik ng mambabasa sa isang lundo
na sa ilang saglit, mabibitin ang tinurang pananabik sa kahihinatnan ng pangunahing tauhan.
12. Himig – ito‟y tumutukoy sa kulay ng damdamin. Maaaring mapanudyo, mapagtawa at iba pang magpapahiwatig ng
kulay ng kalikasan ng damdamin.
13. Salitaan – ang usapan ng mga tauhan. Kailangang magawang natural at hindi artipisyal ang dayalogo.
14. Kapananabikan – nalilikha ito sa paglalaban ng mga tauhan o ng bidang tauhan laban sa mga kasalungat niya. Ito ang
pagkabahalang nararamdaman ng mga mambabasa bunga ng hindi matiyak ang magiging kalagayan ng pangunahing
tauhan sa kanyang pakikipagtunggali.
15. Kakalasan – ito ang kinalabasan ng paglalaban ng mga tauhan sa akda.
16. Galaw – tumutukoy ito sa pagkakalahad o pag-unlad ng kwento mula sa pagkakalahad ng suliranin hanggang sa
malutas ang suliraning ito sa wakas ng katha.
17. Wakas – bagama‟t ang kwento‟y maaari nang magwakas sa kasukdulan, may mga pagkakataong kailangan pa rin ng
katuusan upang ipahayag ang mga pangyayari pagkatapos ng kasukdulan. Maaari itong ipaloob ang paliwanag o pahiwatig
sa tiyak na sinapit ng pangunahing tauhan sa halip na ipaubaya na lamang sa mga mambabasa.

Mga Bahagi ng Maikling Kwento


1. Pamagat – tumutukoy sa pangunahing paksa ng kwento. Dito umiinog ang buong diwa at daloy ng mga pangyayari.
2. May-akda – tumutukoy sa sumulat o lumikha ng kwento. Sa pagtalakay sa bahaging ito ay dapat makilala kahit na
pahapyaw lamang ang katangian ng sumulat upang maikumpara ang kanyang talino at pagkatao sa paglikha ng mga
kwento at ang kaugnayan nito sa sariling karanasan, pananaw sa buhay at sa paligid na kanyang kinabibilangan.

3. Panimula – ito ang simulain ng kwento. May iba‟t ibang paraan ng pagpapakilala rito:
a. Pagpapakilala sa mga tauhan – ipinababatid ang kanilang pagkatao lalo na ang pangunahing tauhan, mapangibabaw
ang katangian ng pangunahing tauhan upang magkagiliw agad sa kanya ang mga mambabasa.
b. Pagpapahiwatig ng suliraning kakaharapin ng mga tauhan – kailangang pagitawin ang suliranin ng pangunahing tauhan
upang matiim sa isipan ng mga mambabasa na sa kanya iinog ang mga sumusunod pang pangyayari.
c. Pagkikintal sa isipan ng mga mambabasa ng damdaming pagigitawin sa kwento – ang lahat ng mga pangyayari sa
tauhan sa akda ay kailangang isang damdamin lamang ang antigin sa mga mambabasa.
d. Paglalarawan ng tauhan – sa „di tuwirang pamamaraan, magagawa ng may-akdang madama ng mga mambabasa ang
kapaligirang gagalawan ng mga tauhan lalo na ng mga bayani sa akda; mahalaga ito upang madaling matiyak ng mga
mambabasa ang suliraning kakaharapin ng pangunahing tauhan at ang damdaming nais maantig sa mambabasa.

4. Tunggalian – ito ang paglalaban ng pangunahing tauhan at ng kanyang mga kasalungat na maaaring isa ring kapwa
tauhan, o ng kalikasan o ng damdamin na rin niya.
5. Kasukdulan – ito ang pinakamataas na uri ng pananabik; sa bahaging ito ng akda humigit-kumulang at malalaman na
kung nagtagumpay o nabigo ang pangunahing tauhan sa paglutas niya sa kanyang suliranin.
6. Wakas – ito ang kinalabasan at naging resulta ng pakikipagtunggali ng mga tauhan sa mga suliraning kinaharap. Ito rin
ang pinakadulong pangyayari ng daloy ng kwento.

MGA BAGAY NA MAHALAGA SA Pagsulat ng Maikling kuwento


Ang Pamagat Ang isang mabuting pamagat ay may mga sumusunod na katangian:
1. hindi pangkaraniwan
2. Kapansin-pansin
3. kapana-panabik

Mga Pamagat na Dapat Iwasan


1. pangkaraniwan – halimbawa ay “Ulam”
2. pamagat na magbubunyag sa lihim ng kuwento – halimbawa ay “ Anak na Suwail,Nagsisi.”
3. pamagat na maituturing na labag sa mabuting panlasa – halimbawa ay “Naaagnas na Bangkay.”
4. pamagat na masasabing kahangalan – halimbawa ay “Apoy na Mainit.”

Maaaring Maging Mabuting Pamagat


1. pook na may malaking kinalaman sa kwento halimbawa: Lunsod, Nayon at Dagat-dagatan ni N.V.M. Gonzales.
2. pinakamahalagang tauhan sa kuwento halimbawa: Impong Sela ni Epifanio Gar. Matute.
3. pinakamahalagang bagay sa kuwento halimbawa: Bakya ni Hernando R. Ocampo
4. isipin o damdaming naghahari sa kuwento halimbawa : Maghilom May Balantukan ni Mabini Rey Centeno
5. katotohanang pandaigdig o katotohanang pinatunayan sa kuwento: Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway Arceo.
6. Isang mahalagang pangyayari sa kuwento halimbawa: May Gunita Pa Ang Mga Bulaklak ni Jose F. Sibal

Ang Pagiging Sang-ayon ng Akda sa Karanasan sa Buhay. Mailalarawan nang buong limnaw ng isang manunulat ang mga
bagay na nais niyang ilarawn kung ang mga ito ay naaayon sa mga paksang nasasaklaw ng kanyang karanasan. Hindi
dapat tumalakay ng mga paksang hindi nasasaklaw ng kanyang karanasan sapagkat maaaring limabas na malayo sa
katotohanan. Isang halimbawa‟y isang manunulat na naglalarawan sa kanyang kuwento na tungkol sa bansang Inglatera
ngunit hindi pa siya nakararating sa naturang bansa.
Magagawang malinaw at kapani-paniwala ang paglalarawan o pagsasalaysay sa pamamagitan ng pagamit ng tiyak na
mga katangian o tiyak na mga pangyayari. Sa ganitong paglalarawan, kailangang ilarawan ang pook na pagdarausan ng
kasayahan, ang kapaligiran, mga ilaw, mga pagkain, at iba pang bagay na maaaring makatulong sa pagbuo ng larawan sa
isip ng mga mambabasa.

Ang Usapan sa Kuwento Ang mga sumusunod ay mga katangian ng isang mabuting usapan:
1. pagiging natural – Kailangan ang sagutan ay katulad ng sa tunay na usapan. Nauugnay ang sinasabi ng sumusunod
na nagsalita sa sinabi ng nauna. Mayayamot ang bumabasa kung sa dalawang nag-uusap ay isa lamang ang palaging
nagsasalita at ang kausap ay tagausisa lamang na kahit mawala ay hindi magiging kakulangan sa kuwento. Ang mga
sinasabi ng tauhan ay hindi dapat na napakahaba na tila nagtatalumpati, maaring mahaba ang sinasabi ng tauhan kung
gayon ang hinihingi ng kuwento. Hindi kailangang maging buo ang pangungusap. Maaring magsalita, isang parirala, o
paputol-putol ang pagsasalita.
2. angkop ang tauhang nagsasalita – Sa pagsasalita ng tauhan ay kailangang makilala ang likas niyang sarili at ang
damdaming nag-udyok sa kanyang ikinilos. Kailangan ang isang tauhan ay mamumukod sa mga kasaman niya sa
pamamagitan ng kanyang mga sinasabi. Maari siyang seryoso, madaldal, palabiro, utal, nakayayamot, o kaya ‟y
mapambuska.
3. angkop na pangyayari – Kailangan sa pamamagitan ng sinasabi ng tauhan ay malaman ng mambabasa kung anong
damdamin ang nag-uduok sa kanya upang magsalita nang ganoon.ang isang taong nagsisisi nang buong puso ay hindi
magsasalita nang mapangmataas. Ang isang taong takut na takot ay hindi maaring magsalita nang mahinahon at buong
katalinuhang sagutin ang tanong sa kanya. Kung ang tauhan ay nagtatampo, bayaang makilala ang pagtatampo sa
kanyang mga sinasabi.
4. pagkakaroon ng kaugnayan sa galaw ng kuwento – Kailangan ang pag-uusap ay tumutulong sa pagsulong na galaw
ng kuwento. Ang pag-uusap ay hindi dapat gamiting kasangkapan upang maiparangalan ng may-akda ang kanyang
karunungan at kaliksihang isip.

Paglalarawang-Tauhan
Ang mga sumusunod ay mga karaniwang pamamaraang ginagamit ng mga manunulat sa paglalarawan ng tauhan:
1. paglalarawan ng isipang naghahari sa tauhan
2. paglalarawan ng paraan ng pagsasalita ng tauhan
3. paglalarawan ng mga bahagi ng kanyang katawan
4. tiyak na pagsusuri ng kanyang katauhan
5. paglalarawan ng kapaligiran katulad ng tirahan ng tauhan o ng mga kasangkapang kanyang ginagamit
6. paglalarawan ng kanyang mga kilos batay sa mga pangyayaring kanyang kinakaharap
7. paglalarawan ng mga sinasabi nfg ibang mga tauhan tungkol sa isang tauhang tinitukoy sa kuwento
8. paglalarawan ng damdaming kanyang ginigising sa mga kasama niyang tauhan

Masining na Pagsulat
May tatlong parran ang masining na pagsulat.
1. Huwag talampakin ang bagay na maaaring ipahiwatig lamang
2. Dapat na maging matimpi: Kailangan ay katimpian sa damdamin at katimpian sa pananalita.
3. Paggamit ng mga salita at pariralang nakatatawag-pansin.

Mga Kailangan ng Isang Maikling Kuwento


Tunggalian
May dula o kilos na madula ang isang kuwento. Kailangang magkaroon ng tunggalian upang magkaroon ng dula.
Tinatawag na tunggalian ang paglalaban ng pangunahing tauhan at iba pang mga tauhan. Ang isang kaisipan ay maaring
makipagtunggali sa isa pang kaisipan. Ang ikapagtatagumpay ng alinman sa dalawa ay nasa manunulat. Maari namang
ang isang tauhan ay makipagtunggali sa kalikasan, tulad ng bagyo, at iba pang dulot ng kalikasan. Nakapagdudulot ito ng
kapanabikan at kasiyahan sa mga mambabas ang bawat tunggalian. Hindi mabuting kuwento ang isang akdang walang
tunggalian. Hindi ito magiging kawili-wili sa mga mambabasa.
Kasukdulan
Nagbibigay na pananabik sa mga mambabasa ang bawat tunggalian. Ang mga tungggalian sunud-sunod ay dumarating sa
isang tanging bahagi na nagdudulot ng pinakamasidhing pananabik. Ang bahaging ito ng pinakamasiding pananabik ay
tinatawag na kasukdulan.
Katapusan
Ang mga mambabasa‟y nananabik kung ano ang magiging wakas ng kuwento hangga‟t hindi sumasapit ang kasukdulan.
Nagpapatuloy ang mga mambabasa sa pagbasa upang malaman kung
ano ang mangyayari sa pangunahing tauhan. Ang kuwento‟y magwawakas na pakatapos ng kasukdulan. Hindi dapat na
pahabain pa ang kuwento pagkatapos ng kasukdulan sapagkat mawawala ang ganda nito. Dagling sundan ng wakas. Ang
isang makabagong manunulat ay maingat sa pagtatapos ng kanyang kuwento. Ang wakas ay malimit na ipinapaubaya niya
sa guni-gini ng kanyang mambabasa.

MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA MAIKLING KUWENTO


Ang katangiang dapat taglayin ng isang mahusay na maikling kuwento ay ang mga sumusunod:
1. Kaisahan Ang kaisahan ng maikling kuwento ay tumutukoy sa isang panggitnang kaisipan. Kailangang makapag-
abuloy sa kaisahan ng kaisipang nais palitawin ng may-akda ang bawat bagay sa kuwento. Ang mga kilos at pag-uusap ng
mga tauhan ay nararapat ding makapag-abuloy sa kaisahan. Ang kaisahan ay bumubuo sa isang pangungusap mataposs
mabasa ng mambabasa ang kuwento. Maaaring isaisip ng isang mambabasa na ang paksa ng kuwento ay tungkol sa
pagmamahal ng isang magulang sa kanyang anak, ang pagkamakabayan ng isang lalaki, ang kahalagahan ng karunungan,
ang pagtatagumpay ng kabutihan laban sa kasamaan, pagpapahalaga sa karapatang pantao, atbp.
Ang Mabuting Pagpapahayag
Ang mabuting pagpapahayag ay pagpili ng mga wastong salita na angkop sa diwang nais ipahatid ng may akda. Ang
paggamir ng mga pili at angkop na mga salita ay mahalaga sapagkat sa pamamagitan ng mga ito ay magiging mabisa ang
kaisipang ipinapasok ng manunulat sa mga tauhan at magiging malinaw ang paglalarawan. Ang mahusay na
pagpapahayag ay nakatutulong sa kaisahan ng kuwento.

Ang Pamamaraan
Iba‟t iba ang pamamaraang ginagamit ng mga kuwentista. Ang bawat isa‟y may sariling kakanyahan. Ang mga manunulat
na sumasang-ayon sa dating pamamaraan ng pagsulat ng maikling kuwento ay nanniniwala sa pamamaraang nagbibigay-
diin sa balangkas. Ang pamamaraang ito ay may mga sumusunod na bahagi:

1. Panimula (Kasama rito ang tagpuan)


Maraming tungkuling ginagampanan ang panimula. Inilalahad nito ang tagpuan(setting) na siyang nagpapakilala sa mga
mambabasa ng mga tauhan,panahon, at lunan ng kuwento. May mga kuwentong inilalahad na lahat ng tagpuan, ang
tatlong sangkap ng tauhan, panahon, at lunan. Kung minsan nama‟y ang inilalahad ng tagpuan ay tauhan at panahon
lamang, ipinauubaya na sa mga mambabasa na hanapin ito sa kabuuan ng kuwento?
2. Saglit na kasiglahan
Ang mga bahaging naglalahad ng unang suliraning inihaharap ng lunas ay tinatawag na saglit ng kasiglahan. Higit na
umaakit sa mga mambabasa ang bahaging ito upang ipagpatuloy ang pagbasa. Ang pag-aakit ng mga mambabasa sa
panimula dahil sa pamamaraang ginagamit ng may-akda ay pansamantala lamang. Ibang uri ng pagkaakit ang
naramdaman nila ang pamiminto ng isang pangyayaring gumising ng isang tiyak na damdamin kung hindi man maging
kawili-wili.
3. Mga Suliraning Inihahanap ng Lunas
Ipinaliwanag sa dakong unahan na ang saglit ng kasiglahan ay simula ng pagtungo sa paglalahad ng unang suliraning
inihahanap ng lunas. Ang susunod ay mga pangyayaring kailangang maayos ang pagkakalikha at pagkakahanay. Ang
naturang mga pangyayari ang bumubuo sa mga suliraning inihahanap ng lunas. Ang mga ito ay lumilikha sa isang
pagkawiling pasidhi nang pasidhi hanggang sumapit ang pinakamasidhi na tinatawag na kasukdulan.
4. Kasukdulan
5. Kakalasan

Mga Uri ng Maikling Kwento


 Kwento ng Pag-ibig
 Kwento ng Katutubong –kulay
 Kwento ng Tauhan
 Kwento ng Kaisipan
 Kwento ng Katatakutan
 Kwento ng Kababalaghan
 Kwento ng Katatawanan
 Kwento ng Talino
 Kwento ng Pampagkakataon
 Kwento ng Kapaligiran
 Kwento ng Makabanghay

III. Gawain
Gawain 1: Panuto: Sagutan ang mga suusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang
_________________________1. Tumutukoy sa maayos, kawing-kawing at magkakasunod na mga pangyayari.
_______________________2. Tumutukoy sa mga tauhang gumagalaw sa kwento na maaaring pangunahing tauhan at pantulong
na tauhan.
_______________________3. Kung binabanggit ng may-akda o ng ibang tauhan sa kwento ang mga katangian ng tauhan
_______________________4. Kung matimpi ang paglalarawan ng tauhan, na nangangahulugang mahihinuha ang
katangian ng tauhan sa pamamagitan ng pagkilos at pagsasalita niya.
_______________________5. Tumutukoy sa lugar at oras ng pinangyarihan ng kwento. Makatotohanan ang daigdig na
inilalarawan sa ating imahinasyon upang makatotohanan din ang pangyayaring magaganap dito.
_______________________6. Pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari sa isang kwento.
_______________________7. Dito nagwawakas ang tunggalian. Pinakamasidhing pananabik ang madarama ng mga
mambabasa sa bahaging ito sapagkat dito pagpapasyahan ang kapalaran ng pangunahing tauhan o bayani sa kwento.
_______________________8. Ito‟y tumutukoy sa kulay ng damdamin. Maaaring mapanudyo, mapagtawa at iba pang
magpapahiwatig ng kulay ng kalikasan ng damdamin.
________________________9. Ang usapan ng mga tauhan. Kailangang magawang natural at hindi artipisyal ang dayalogo.
________________________10. Nalilikha ito sa paglalaban ng mga tauhan o ng bidang tauhan laban sa mga kasalungat
niya. Ito ang pagkabahalang nararamdaman ng mga mambabasa bunga ng hindi matiyak ang magiging kalagayan ng
pangunahing tauhan sa kanyang pakikipagtunggali.
________________________11. Ito ang kinalabasan ng paglalaban ng mga tauhan sa akda.
________________________12. Tumutukoy ito sa pagkakalahad o pag-unlad ng kwento mula sa pagkakalahad ng
suliranin hanggang sa malutas ang suliraning ito sa wakas ng katha.
________________________13.Bagama‟t ang kwento‟y maaari nang magwakas sa kasukdulan, may mga pagkakataong
kailangan pa rin ng katuusan upang ipahayag ang mga pangyayari pagkatapos ng kasukdulan. Maaari itong ipaloob ang
paliwanag o pahiwatig sa tiyak na sinapit ng pangunahing tauhan sa halip na ipaubaya na lamang sa mga mambabasa.
________________________14.Tumutukoy sa pangunahing paksa ng kwento. Dito umiinog ang buong diwa at daloy ng
mga pangyayari.
________________________15.Tumutukoy sa sumulat o lumikha ng kwento.

IV. Pagtatasa

Gawain 2:Panuto: Sa isang buong malinis na papel ay sumulat ng isang maikling kuwento na binubuo ng mga bahagi nito.
Maglagay ng pamagat at ilagay ang gintong aral sa hulihang bahagi ng papel

V. Sanggunian

 Arrogante, Jose, Panitikang Pilipino Antolohiya

Inihanda ni:

MAR R. MOTAS
College of Teacher Education
First Semester, A.Y. 2020-2021
MODYUL 2

Maikling kuwento bago dumating ang mga Kastila


Mitolohiya
Alamat
Kuwentong-bayan
Kuwentong kababalaghan
Pabula

Panimula

Ang modyul na ito ay patungkol sa pag-aaral ebolusyon ng maikling kuwento. Mula sa mga kuwentong bayan,
alamat, mitolohiya nagkaroon ng pormal na balangkas ang paggawa ng kuwento. Tinatakay rito ang mga kuwentong
namalasak bago dumating ang kastila sa Pilipinas. Mayamang inihahayag sa modyul na ito nab ago pa man tayo sakupin
ng mga kastila ay mayaman at maunlad na ang ating panitikan na piangyaman ng ating mga ninuno.

Araw at Oras

Agosto 24,25 (2 oras)

I. Layunin

Pagkatapos aralin at unawain ang mga nilalaman ng modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang ebolusyong naganap sa pag-usbong ng maikling kuwento sa Pilipinas
2. Natutukoy ang katuturan ng mitolohiya, alamat, kuwentong-bayan, at pabula
3. Naipapaliwanag ang pagkakaiba ng mitolohiya at alamat
4. Nakasusulat ng isang akdang alamat at pabula
II. Lektyur

Ang mitolohiya ay isang koleksyon ng mga alamat o kuwento tungkol sa isang partikular na tao, kultura, relihiyon, o
anumang grupo na may mga ibinahaging paniniwala.  Ang isang mitolohiya ay isang kuwento tungkol sa mga lumang
panahon, madalas na nagtatampok ng mga sobrenatural na mga character, at mga alamat na may kaugnayan sa bawat
isa. Ang mga mitolohiyang Griyego ay puno ng mga kwento tungkol sa mga ugnayan sa pagitan ng mga diyos at mga tao.
Sinasabi na ang Kristiyanong mitolohiya ay ang kuwento tungkol sa paglikha ng Diyos sa Lupa.

Sa Mitolohiyang Pilipino, ang Diwata or Lambana ay mitolohiyang pigura gaya ng fairies o nymphs. Sinasabing sila ay
nananahan sa malalaking puno gaya ng acacia andbalete at pinaniniwalaan na espiritung tagapagbantay ng kalikasan,
tagapagbigay ng pagpapala at sumpa sa sinumang nangangalaga o sumisira sa kabundukan at kalikasan. Sa Filipino
baybayin ang Sanskrit na salitang devadha, ay mula sa Sanskrit na salitang dev, nangangahulugang kabanalbanalan.

The salitang "diwata" ay hango sa iba’t ibang kahulugan mula sa konsepto ay iniuugnay sa mga mitolohiya noong pre-
colonial. Malimit ito ay isang ginagamit upang tukuyin ang isang nilalang gaya ng diwata o engkantada, o gaya ng mga
nabanggit. Ang salitang "diwata" ay kasingkahulugan ng "anito," at ang paggamit ng salitang "diwata" ay kilala sa
Katimugan ng Pilipinas, habang ang "anito" ay ginagamit at kilala sa Hilagang bahagi

Ang lalaking diwata ay tinatawag na enkanto, at nananahan sa karagatan. Ito ay karaniwan sa mga mangingisda na nag-
aalay sa engkanto ng karagatan upang magkaroon ng masaganang huli.

Ang Mitolohiyang Pilipino ay nababatay sa iba’t ibang pangkat ng tao o tribo sa kalupaan ng bansa kaya maraming kuwento
at nagkakaiba-iba ang mga ito. Narito ang ilan sa kanilang mga diyos at diyosa ng mitolohiyang Pilipino:
 Bathala. Punong diyos ng mga Tagalog
 Kaptan. Sa Visayas, siya ang kataas-taasang doyos na nananahan sa kalangitan. Nakipagtalo siya kay Maguan na
nagtapon siya ng mga tipak ng mga bato kaya nabuo ang mga isla ng Pilipinas.
 Idianalé. Ang diyosa ng pag-aasawa sa mga sinaunang Tagalog
 Sidapa. Diyos ng kamatayan. Naniniwala na siya ay nananahan sa tuktok ng of Mt.Madia-as, sa lalawigan ng
Antique.
 Apong Sinukuan. Ang diyosa ng araw at diyosa ng Mt.Alaya(Arayat)sa lalawigan ng Pampanga.
 Apong Malyari. Diyos ng buwan at ng Mt.Pinatubo. Sinasabing kapatid ni Apong Sinukuan.
 Amihan. Diyosa ng hanging Amihan o Personification of the Northeast Wind.
 Pughe. Hari ng mga dwende. Sa hilaga. Nahahati ang mga dwednde – puti at itim.
 Dian Masalanta. Ang dyosa ng pag-ibig at pagsilang sa sinaunang Tagalog.
 Lakapati. The hemaphrodite deity of fertility among the ancient Tagalogs.
 Dal'lang. Dyosa ng kagandahan. Nagbibigay ng kagandahan sa kanyang tagasunod.
 Lalahon. The visayan goddess of fire, volcanoes, and harvest. In ancient times people were feared her because
she sent locust to destroy harvest when she's angry.
 Kidul. Ang dyos ng lindol.
 Kalinga. Ang dyos ng kulog.
 Agui. Ang dyos ng apoy, kapatid ni Agwe.. 
 Maguayan. The sea deity of the ancient Visayans. He/She is also believed to be the ferryman of the dead in
Sulad(hell).
 Mandarangan - dyosa ng mga ispiritu at digmaan ng Bagobo mythology.
 Siginaugan. Dyos ng impyerno
 Deltise. Ang dyos ng mambabarang
 Kilubansa. Dyos ng paghilom. Ama ni Dihas
 Dihas. Dyosa ng mga halamang gamot
 Pasipo. Dyos ng musika
 Sirenha. Dyosa ng mga isda – ang mga sirena ang kanyang mga anak
 Oghep. Dyos ng bundok at burol .
 S'dop (sodop). Dyosa ng ginto
 Dayea. Dyosa ng mga lihim
 Bayoa. Dyos ng sanduguan
 Aspene. Dyosa ng kabibe.
 Punho. Diyos ng mga puno.
 Haspe. King of the Tamaos.
 Halmista. The visayan god of magick. Some say that he is a former baylan who turned into a god. 
 Bathala/Alah – pangunahing Diyos
 Idionale – Diyos ng mabuting gawain
 Anion Tabo – Diyos ng hangin at ulan
 Apolaki – Diyos ng digmaan
 Hanan – Diyos ng mabuting pag-aani
 Mapolan Masalanta – Patron ng mangingibig
 Libongan – Tagatanod sa pagsilang ng isang buhay
 Limoan – Tagapangasiwa sa namamatay
 Tala – Diyos ng pang-umagang bituin
 Apolake (or Adlaw), god of the sun
 Amanikable, the ruler of the seas
 Anitan, the guardian of lightning.
 Bathala (also known as Kabunian, Malayari, Apo, and Lumawig) the ruler of the heavens
 Dian Masalanta the goddess of love,
 Mayari (or Bulan in other areas), the goddess of the moon,
 Tala, goddess of the stars

Mabubuting Espiritu
 Patianak – Tagatanod sa lupa
 Mamanjig – Tagapangiliti sa bata
 Limbang – Tagatanod sa kayamanang nasa ilalim ng lupa

Masasamang Nilalang
 Tiktik – isang ibong kasama ng aswang
 Tanggal/Aswang – matandang babaeng sumisipsip ng dugo ng sanggol. Sa kanyang paglalakbay, iniiwan ang
kalahati ng kanyang katawan.
 Tama-Tama- maliit na taong kumukurot o nagpapaiyak ng sanggol
 Kapre – maitim na higanteng laging nakatabako
 Salot – nagsasabog ng sakit
 Tiktik – isang ibong kasama ng aswang
 Tanggal/Aswang – matandang babaeng sumisipsip ng dugo ng sanggol. Sa kanyang paglalakbay, iniiwan ang
kalahati ng kanyang katawan.
 Tama-Tama- maliit na taong kumukurot o nagpapaiyak ng sanggol
 Kapre – maitim na higanteng laging nakatabako
 Salot – nagsasabog ng sakit
 Ang mitolohiya tungkol sa mga aswang ay bantog sa Visayas, lalo na sa mga lalawigan ng Capiz, Antique and
Iloilo.

Mga Elemento ng Mitolohiya

Ang mga elementong bumubuo ng mitolohiya ay ang mga:

Tauhan tema
Tagpuan simbolismo
Banghay signos

Katangian ng Mitolohiya

1. Wala silang pilosopiya ng anumang uri


2. Wala silang eksaktong oras ng mga kapanganakan ng mga diyos. Nangangahulugan ito na wala silang tunay na
kasaysayan ng kanilang mga diyos na naisip.

3. Wala silang mga pang-agham na paglalarawan ng anumang uri tungkol sa paglikha at pagkawasak ng mundo, o
pagsilang ng mga kaluluwa. Ang bilang ng kanilang mga diyos at mga diyosa ay napakarami.

4. Walang tiyak na lugar sa kanilang mga diyos.

ALAMAT

Ang Alamat  ay isang kwentong bayan na nagsasaad kung paano nabuo at ano ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa
mundo. Ang alamat ay isang malikhaing akda na parte ng panitikan ng Pilipinas. Kaugnay nito, ang karagdagang detalye
tungkol sa kahulugan ng alamat ay narito.  

Kahulugan ng Alamat  

Ang alamat ay kwentong bayan na naglalahad kung saan nagmula ang mga bagay sa mundo.  Ito ay nagsasalaysay ng
mga pangyayari na nagdulot ng pagkabuo ng mga tunay na tao, pook o bagay sa mundo .  Ang mga alamat ay nagpasalin-
salin sa bawat henerasyon.  Ang mga alamat ay may naibabahaging magandang asal, katulad ng pagiging masipag,
matapat, mapagmahal, at iba pa.

Halimbawa ng mga Alamat sa Pilipinas  

Ang halimbawa ng alamat sa Pilipinas ay ang mga sumusunod:

1. Alamat ng Pinya
2. Alamat ng Saging
3. Alamat ng Ampalaya
Alamat ng Pinya
- nagsasaad ang pinagmulan ng pinya at nagbabahagi ng aral ng pagiging masunurin at masipag
Alamat ng Saging
- nagsasaad ang pinagmulan ng saging at nagbabahagi ng aral ng pagiging pasensyoso at maunawain.
Alamat ng Ampalaya
- nagsasaad ang pinagmulan ng ampalaya at nagbabahagi ng aral ng pagiging kontento  .

Kuwentong-Bayan
Ang kuwentong-bayan (folklore) ay mga kwento at mga salaysay na hinggil sa mga likhang-isip o kathang-isip na ang mga
tauhang kumakatawan sa mga uri at pag-uugali ng mga mamamayan sa isang lipunan. Kadalasan at karaniwan na
ang kuwentong-bayan ay may kaugnayan sa isang tiyak na pook o sa isang rehiyon ng isang bansa o lupain.

Ang kahalagahan ng kuwentong- bayan  ay ang pananatili ng sining, panitikan, tradisyon, at kultura ng isang lahi.
Ang kuwentong-bayan ay repleksyon ng pag-uugali at mga pinahahalagahan ng mga tao sa isang lipunan. Ang isang
halimbawa ng kuwentong bayan ay "Ang Munting Ibon" ng mga Maranao. Isa itong  kwentong bayan ng Mindanao.

Ang kuwentong- bayan ay isang anyo ng panitikan na naging bahagi ng ating katutubong panitikan bago pa man tayo
sakupi ng mga Espanyol. 

Katangian ng Kuwentong- Bayan

May apat na katangian ng Kuwentong-bayan:

1. Lumaganap at nagpasalin-salin sa iba't ibang sanlahi sa pamamagitan ng pagsalin-dila sa mga kuwento.


2. Nasa anyong tuluyan at naglalaman ng mga kaugalian, kultura, at tradisyon ng lipunang pinagmulan ng kuwento.

3. Naglalahad ng misteryo o mahihiwagang bagay o pangyayari.

4. Mayroon itong gintong aral.

Uri ng Kwentong-Bayan

May mga uri ng Kuwentong-Bayan:


 Alamat
 Mito
 Pabula
 Parabula
 Maikling Kwentong-Bayan

Kwentong Kababalaghan - isang uri ng kuwento na tungkol sa mga kaganapang hindi maipaliwanag nang maayos o
mahirap intindihin dahil kakaiba, hindi kapanipaniwala at ukol sa hindi normal na pangyayari.

Ang pabula ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang
gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, lobo at kambing, at kuneho at leon. May
natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang
mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.

Halimbawa: Si Pagong at Si Matsing, Alamat ng Gubat ni Bob Ong

Ang talinghaga, talinhaga, o parabula ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Isa
itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang
pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang
inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao.
Isang katangian nito ang pagiging isang kuwentong naglalahad o nagpapakita ng kung paanong katulad ng isang bagay
ang iba pang bagay. Karamihan sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni Hesus, na nagtuturo ng
kung ano ang katangian ng Kaharian ng Diyos.

III. Gawain
Gawain 1: Panuto: Tukuyin kung ano, sino ang hinihingi ng bawat katanungan. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang bago
ang bilang.
___________________________1. Isang kuwentong-bayan na nagpapakita ng mga pinagmulan ng mga bagay-bagay
______________________________2. Kuwento ng mga diyos at diyosa
______________________________3. Maikling kuwentong may aral na karaniwan ay hinahango sa Bibliya
______________________________4. Isang uri ng kuwentong hindi maipaliwanag at may hindi normal na pangyayari
______________________________5. Kuwento ng kahayupan
____________________________6. Tagabantay ng kidlat
____________________________7 . Tinatawag ding kabunian
____________________________8. diyosa ng pag-ibig
____________________________9. diyosa ng buwan
____________________________10. diyosa ng bituin
____________________________11. diyos ng mga puno
____________________________12. Tagatanod sa lupa
____________________________13. Tagapangiliti sa bata
____________________________14. Tagatanod sa kayamanang nasa ilalim ng lupa
____________________________15. Isang ibong kasama ng aswang

IV. Pagtatasa

Gawain 2: Panuto: Sa isang malinis na papel ay sumulat ng isang alamat at pabula na may temang pumapatungkol sa
kalagayan ng Pilipinas. Maaaring negatibo at positibo ngunit kailangang mag-iwan ng gintong aral.

V. Sanggunian

 Arrogante, Jose, Panitikang Pilipino Antolohiya

Inihanda ni:

MAR R. MOTAS
College of Teacher Education
First Semester, A.Y. 2020-2021
MODYUL 3

Ang maikling kuwento sa panahon ng kastila


Ang maikling kuwento sa panahon ng propaganda
Ang Noche Buena ni Rizal
Maikling kuwento sa panahon ng mga amerikano
Mga Pusong Sugatan ni Guillermo Hollandez
Aloha ni Deogracias Rosario
Maikling kuwento sa panahon ng hapon
Ang Lupang Tinubuan ni Narciso Reyes

Panimula

Ang modyul na ito ay patungkol sa ebolusyon at pag-aaral ng maikling kuwento sa panahon ng bago dumating ang
mga kastila, panahon ng kastila, panahon ng amerikano at hapon sa Pilipinas. Tinatalakay rito ang mga namayagpag na
mga maikling kuwento sa mga panahong ito. Tinatalakay rin dito ang mga naging tanyag na mga may-akda at ang kanilang
akda at susuriin ang mga ito batay sa kanilang kabisaan

Araw at Oras

Agosto 24,25 (2 oras)

I. Layunin

Pagkatapos aralin at unawain ang mga nilalaman ng modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakikilala ang mga maikling kuwento sa panahon ng kastila
2. Nakikilala ang mga maikling kuwento sa panahon ng propaganda
3. Natutukoy ang kahulugan ng akdang Noche Buena ni Rizal sa Noli me Tangere
4. Nakikilala ang mga maikling kuwento sa panahon ng amerikano
5. Natutukoy ang kahulugan ng maikling kuwentong “Mga Pusong Sugatan” ni Guillermo Hollandez
6. Nakasusulat ng isang pagsusuri batay sa akdang “Mga Pusong Sugatan”
7. Nakikilala ang mga tauhan sa maikling kuwentong “Aloha”
8. Nakikilala ang mga maikling kuwento sa panahon ng hapon
9. Natutukoy ang kahulugan ng maikling kuwentong “Ang Lupang Tinubuan” ni Narciso Reyes
II. Lektyur

KASAYSAYAN AT PAG-UNLAD NG MAIKLING KUWENTO KASAYSAYAN AT PAG-UNLAD NG


MAIKLING KUWENTO
A. Bago Dumating Ang Mga Kastila
Kuwentong bitbit – dito nag-ugat ang maikling kwento, maiikling salaysay na pumapaksa sa mga anito, lamanlupa,
malikmata, multo at iba pang mga bunga ng guniguning di kapanipaniwala.
B. Panahon ng Kastila
Kakana – sumulpot pagdating ng Espanyol,naglalaman ng mga alamat at engkanto, panlibang sa mga bata • kuwento ay
tungkol sa buhay ng mga santo at santa -layunin nila ay mapalaganap ang Kristiyanismo. • Parabula- naglalaman ng mga
talinghaga at nagtuturo ng aral. Hal. Ang Mabuting Samaritano
C. Panahong Post Kolonyal ( Panahon ng Amerikano)
Ang maikling kuwentong Tagalog ay naisulat noong mga unang sampung taon ng mga Amerikano. Mga unang anyo nito ay
ang dagli at pasingaw. Dagli -maikling- maikling salaysay na gayong nangangaral nang lantaran ay namumuna,
nagpapasaring at nanunuligsa. Hal:“ Sumpain Nawa Ang Mga Ngiping Ginto” ni Cue Malay
Nagsisulat ng dagli sina Valeriano Hernandez Pena, Inigo Ed Regalado, Patricio Mariano, Pascual Poblete atbp. na
inilathala sa pahina ng pahayagang “Muling Pagsilang” noong 1903. Yumabong ang uring ito ng salaysay sa tulong pa rin
ng pahayagang Democracia, Ang Mithi, Taliba hanggang 1921.
Halimbawa ng dagli ni Salvador R. Barros: "Tungkol sa mga bagay na pumapasok sa pandinig, ang lalaki, babae, at
reporter ay may malaking ipinagkakaiba. "Ang pumapasok sa isang tainga ng lalaki ay lumalabas sa kabila. "Ang
pumapasok sa dalawang tainga ng babae ay lumalabas sa bibig. "At ang pumapasok sa dalawang tainga ng reporter ay
lumalabas sa pahayagan." (Sampagita, 8 Nobyembre 1932)
Pasingaw- patungkol sa mga paralumang hinahangaan, sinusuyo, nililugawan at kung anu-ano pa. Sa mga dahon ng
pahayagang Kaliwanagan at Ang Kapatid ng Bayan ito kumita ng liwanag. Madalas na ang mga may-akda nito ay
gumagamit o nagtatago sa kanilang mga sagisag panulat.
Napatanyag at namalasak ang pagsulat ng dagli at naging katha at sa bandang huli ay tinawag na maikling katha hanggang
1921. Noong 1910, nagtagumpay ang “Elias” ni Rosauro Almario sa pahayagang Ang Mithi sa bisa ng 14,478 na boto ng
mga mambabasa.
Mga Samahang Pampanitikan
1. Ang “Aklatang Bayan” nagsimula ang maikling katha nang hindi pa ganap ang banghay at nakakahon pa ang
karakterisasyon.
2. Ang “ Ilaw at Panitikan” (popularisasyon) Isinilang ang Liwayway na naging tahanan ng mga akdang Filipino.
3. Parolang Ginto ni Del Mundo- katipunan ng mga pinakamahusay na kuwento sa bawat gawain at sa bawat taon.
Pumagitna rin sa larangan ng pamumunang pampanitikan si Alejandro Abadilla sa kanyang Talaang Bughaw.
4. Panitikan- sa panahong ito sinunog ng mga kabataang manunulat ang mga akdang pinalagay na hindi panitikan.
5. “Ilaw ng Bayan” sa panahong ito ay nangibabaw ang bisa ng mga kabataang manunulat sa panitikan sa Wikang
Ingles.
Alejandro G. Abadilla The father of modern Filipino poetry.
.Ang “Kuwentong Ginto” (1925-1935) 20 “ kuwentong ginto.”nina Abadilla at Del Mundo 2. Ang “50 Kuwentong Ginto ng 50
Batikang Kuwentista (1939) ni Pedro Reyes. Katipunan ng mga pinakamahusay na katha ni Hernando R. Ocampo at ang
mga manunulat sa Ingles na sina NVM Gonzales, Narciso Reyes, Cornelio Reyes at Mariano C. Pascual.
Taong 1920, ang mga kathang Tagalog ay nagkaroon ng banghay at ang karamihan nito ay nalathala sa mga babasahin sa
Maynila. Dito unang namayani sina Deogracias A. Rosario, Amado V. Hernandez, Jose Esperanza Cruz, Rafael Olaya,
Teofilo Sayco atbp.
Deogracias A. Rosario Ipinanganak noong 17 Oktubre 1894 sa Tondo, Maynila, Amang Maiikling Kwentong Tagalog
Kapansin-pansin ang pagkagiliw ng mga manunulat sa matamis, mabulaklak at maindayog na pananalita. Karaniwang
paksa‟y pag-ibig na inaaglahi, hinahdlangan o pinapagdurusa, hindi makatotohanan ang mga sitwasyon at pangyayari at
waring nangungunyapit pa rin sa tradisyon ng romantisismo hanggang sa pagdating ng 1930.
Panahon ng Hapon
Pansamantalang napinid ang mga palimbagan sa panahon ng mga Hapones ngunit pagkaraan ng ilang buwan ay muli
itong nabuksan. Pinahintulutang makapaglathala ang Liwayway kaya‟t biglang nakapasok ditto ang mga akda na dati ay
hindi tinatanggap ng naturang babasahin.
Dahil dito ang mga manunulat na dating nagsusulat sa Ingles ay nangagtangkang magsulat sa Tagalog. • Nagdaos ng
timpalak ang Liwayway at pinili ang mga pangunahing kuwento noon na tinipon sa isang aklat. “Ang 25 Pinakamabubuting
Maikling Kathang Pilipino ng 1943.
Kabanata LXIII
Ang Noche Buena (BUOD)

May isang kubo na yari sa balu-baluktot na sanga ng kahoy ang nakatayo sa libis ng isang bundok. Sa dampa ay mayroong
nakatirang mag-anak na tagalog na nabubuhay dahil sa pangangaso at pangangahoy. Sa lilim ng isang puno mayroong
isang matanda na gumagawa ng walis. Sa isang tabi naman mayroong isang dalaga na naglalagay ng mga itlog ng manok,
gulay at dayap sa isang bilao. Sa di-kalayuan, may isang batang lalaki at batang babae ang naglalaro sa tabi ng isang
payat at putlain. Ang batang nakaupo sa nakabuwal na kahoy ay si Basilio, may sugat ito sa paa. Inaaliw siya ng dalawang
batang naglalaro. Nang utusan ng matanda ang apong dalaga na ipagbili ang mga nagawang walis, sinabi niya kay Basilio
na may dalawang buwan na ang nakakaraan nang ito ay kanilang matagpuang sugatan at kalingain pagkatapos.
Isinalaysay naman ang tungkol sa buhay nilang mag-anak. Kaya, nang ito ay magpaalam na uuwi na sa kanila, siya ay
pinayagan ng matanda at ipinagbaon pa niya ng pindang na usa para sa kanyang inang si Sisa.

Samantala, noche buena na, ngunit ang mga taga-San Diego ay nangangatog sa ginaw bunga ng hanging amihan na
nagmumula sa hilaga. Hindi katulad ng nakaraan na masayang-masaya ang mgat tao. Ngunit ngayon lungkot na lungkot
ang buong bayan. Wla man lamang nakasabit na mga parol sa bintana ng bahay. Kahit na sa tahanan ni Kapitan Basilio ay
wala ring kasigla-sigla. Kausap ng kapitan si Don Filipo na napawalang sala sa mga bintang na laban dito nang mamataan
nila si Sisa na isa ng palaboy. Pero, hindi naman nananakit ng kapwa.

Ang pinsan nitong si Victoria at si Iday. Si sinang ay tumanggap ng liham buhat kay Maria subalit hindi niya ito binubuksan
sa takot na malaman ang nilalaman. Habag na habag ang magkakaibigan sa magkasintahang Maria at Ibarra. May kumalat
namang balita na ang pagkakaligtas ni Kapitan Tiyago mula sa bibitayin ay utang niya kay Linares.

Nakarating na si Basilio sa kanilang tahanan. Pero, wala ang kanyang ina. Paika-ika niyang tinalunton ang landas patungo
sa tapat ng bahay ng alperes. Nanduon ang ina, umaawit ng walang katuturan. Inutusan ng babaing nasa durungawan ang
sibil na papanhikin si Sisa. Subalit nang makita ni Sisa ang tanod, kumaripas ito ng takbo. Takot. Hinabol ni Basilio ang ina,
pero binato siya ng alilang babaing nasa daan. Nasapol sa ulo si Basilio pero hindi ito tumigil sa pagsunod sa inang
tumatakbo. Nakarating sila sa may guabat. Pumasok sa pinto ng libingan ng matandang kastila si Sisa. Ito ay nasa tabi ng
punong baliti. Pilipt na binubuksan ito ni Basilio. Nakita niya ang isang sanga ng baliting nakakapit sa kinaroroonan ng ina.
Kaagad niya itong niyakap at pinaghahagkan hanggang sa mawalan ng ulirat.

Nang makita naman ni Sisa ang duguang ulo si Basilio, unti-unting nagbalik ang katinuan ng kanyang isip. Nakilala rin niya
ang anak. Napatili ito ng malakas at biglang napahandusay sa ibabaw ng ank. Nawalan ng malay. Nang magbalik naman
ng ulirat si Basilio at nakita ang ina, kumuha ito ng tubig at winisikan sa mukha. Dinaiti niya ang kanyang taynga sa dibdib ni
Sisa. Sinakmal ng matinding pagkasindak si Basilio. Patay na ang kanyang ina. Buong higpit na niyakap niya ang malamig
na bangkay ng ina at napahagulgol ng malaks, pasubsob sa ina. Nang mag-angat siya ng ulo, nakita niya ang isang taong
nagmamasid sa kanya. Tumango si Basilio nang tanungin siya ng tao kung anak siya ng namatay.

Hinang-hina ang lalaking sugatan, hindi niya matutulungan si Basilio na mailibing si Sisa. Sa halip pinagbilinan niya si
Basilio na mag-ipon ng maraming tuyong kahoy at ibunton sa bangkay ng kanyang ina at pagkaraan sila ay silaban
hanggang sa maging abo ang kanilang katawan. Itinagubilin rin ng lalaki kay Basilio ang malaking kayamanan na nakabaon
sa may puno ng balite. Kay Basilio na raw ito kung walang ibang dumating na tao upang gamitin niya sa pag-aaral. Ang
lalaking sugatan na kausap ni Basilio na dalawang araw ng hindi kumakain at sa wari ay malapit ng mamamatay ay si Elias.
At lumakad na si Basilio upang manguha ng panggatong. Si Elias ay tumanaw naman sa dakong silangan at nagwikang
higit pa sa isang dalangin. Siya ay babawian ng buhay nang di nakikita ang pagbubukang-liwayway ng bayang kanyang
minamahal. Sa mga mapalad, huwag lamang daw limutin nang ganap ang mga nasawi sa dilim ng gabi. Sa pagkakatingala
niya sa langit, kumibot hanggang sa unti-unting nabuwal sa lupa.

Nang magmamadaling-araw, namalas ng buong bayan ng San Diego ang isang malaking siga na nagmumula sa may lugar
na kinamatayan ni Sisa at Elias. Sinisi pa ni Manang rufa ang gumawa ng siga na hindi raw marunong mangilin sa araw ng
pagsilang ni Hesus.

Ang dalawa sa mga maikling kwento noong panahon ng mga Amerikano ay ang:

Mga Pusong Sugatan na sinulat ni Guillermo A. Hollandez  - Ito ay kwento ng dalawang magkasintahan na sa una ay hindi
nagkatuluyan ay dahil sa kataksilan ng babaeng ipinalit ni Artemio kay Esmeralda. Sa galit nya ng malamang niloloko sya
ng babaeng ito, agad nyang binalik si Mimi sa kanyang mga magulang. At noon nga ay nagkapatawaran si Esmeralda at
Artemio at tuluyan na silang naging masaya sa kanilang pagsasama.  
Aloha na isinulat ni Deogracias A. Rosario -  ito ay kwento ng isang lalaking nagngangalang Dan at Noemi na naging asawa
nya ng hindi nya ito kinilala. Ang kwentong ito ay umikot sa istorya ng pag-ibig nila na nagkaron man ng di magandang
karanasan ang babaen si Noemi ay tinanggap parin ito ni Dan at ang anak nila ay pinangalanang Aloha.

Isa si Narciso Reyes na kilala bilang isang manunulat.  Sa kanyang isinulat na Lupang Tinubuan ay masasalamin ang
panitikan na kung saan ipinakita niya ang pagsisimula ng kasaysayan ay bahagi ng kaniyang pagkahubog. Naipakikita rito
ang kalagayang panlipunan at suliraning kinabibilangan ng may akda.

Ang Lupang Tinubuan ay ay nagkamit ng parangal na ginawa ni Narciso Reyes. Ang mga tauhan na si Danding na
pangunahing tauhan, si Juana at ang Tiyo Gorio. Nang minsan ay nakipaglibing sila kasama ng kanyang tiyo at tiya ni
Danding. Nalaman niya na marami pala siyang kamag-anak sa Malawig. Isa sa nakilala niya ang kanyang Lolo Tasyo na
ikinuwento ang kanyang ama. Isinalaysay niya sa paraang Flashback ang buhay ng kanyang ama.

III. Gawain

Gawain 1: Panuto: Gumawa ng Venn Diagram at paghambingin ang maikling kuwento noong panahon ng bago dumating
ang mga kastila, panahon ng kastila, panahon ng amerikano at hapon sa Pilipinas. Gumuhit ng apat na malalaking bilog na
nagkakaugnay sa isa’t-isa. At ilagay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga panahong iyon patungkol sa pag-usbong ng
maikling kuwento. Ilagay ang sagot sa buong malinis na papel

IV. Pagtatasa

Gawain 2: Panuto: Basahin ang mga maikling kuwentong “Mga Pusong Sugatan”, ‘Aloha” at “Lupang Tinubuan” at gawan
ng pagsusuri batay sa bias sa isip, asal, damdamin at panlipunan. Isulat ang gaagwing pagsusuri sa buong papel

V. Sanggunian

 Arrogante, Jose, Panitikang Pilipino Antolohiya

Inihanda ni:

MAR R. MOTAS
College of Teacher Education
MAIKLING KUWENTO AT NOBELANG PILIPINO
First Semester, A.Y. 2020-2021
MODYUL 4
Uhaw na ang Tigang na Lupa ni Liwayway Arceo
Ang maikling kuwento mula sa pagkakatatag ng Republika hanggang sa kasalukuyan
Kuwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza-Matute
Di mo masilip ang Langit ni Benjamin Pascual
Ugat sa Dugo ni Joey Arrogante

Panimula

Ang modyul na ito ay patungkol sa pag-aaral ng mga maikling kuwento sa panahon ng bagong republika, kalayaan
at sa kasalukuyan. Pag-aaralan sa modyul na ito ang mga tanyag na katha noong mga panahong ito. Babalik-aralin din ang
mga buhay ng may-akda at ang kanilang kaugnayan sa kanilang mga akda. Susuriin din sa modyul na ito ang mga akda
batay sa kanilang kabisaan (isip, asal, damsamin at lipunan)

Araw at Oras

I. Layunin

Pagkatapos aralin at unawain ang mga nilalaman ng modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang kahulugan ng maiking kuwentong “Uhaw na ang Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo
2. Nakikilala ang mga tauhan sa maikling kuwentong “Uhaw na ang Tigang Na Lupa”
3. Nasusuri ang maikling kuwentong “Uhaw na ang Tigang na Lupa” ayon sa kabisaan nito
4. Nakikilala ang mga maikling kuwento sa panahon ng repubika at sa kasalukuyan
5. Nasusuri ang maikling kuwentong “Kuwento ni Mabuti” yon sa kabisaan nito
6. Nakasusulat ng isang pagsusuri batay sa maikling kuwentong “Di mo Masilip ang Langit”
7. Nasusuri ang maikling kuwentong “Ugat sa Dugo” ayon sa kabisaan nito

II. Lektyur

Nanguna sa timpalak ang sumusunod na apat na kuwento.: Pangunahin- “Lupang Tinubuan” Narciso Reyes Pangalawa –“
Uhaw Ang Tigang na Lupa” Liwayway A. Arceo Pangatlo- “Nayon at Dagat-dagatan” NVM Gonzales Pang-apat- “Suyuan sa
Tubigan” Macario Pineda
Kabilang sa mga bagong pangalan sina Liwayway A. Arceo, Amado Pangsanghan, Aurora Cruz, sa mga nanguna sa
kanila, nakilala sina Teodora Agoncillo, Gemilliano Pineda at Serafin Guinigundo atbp.
Panahon ng Kalayaan
Ang Gantimpalang Carlos Palanca, isang timpalak pantikan ay nagdulot ng bagong hamon sa mga manunulat sa Ingles at
Pilipino. Nagsimula ang patimpalak sa maikling katha noong 1950
naitatag ang Kapisanang KADIPAN (aklat, diwa at panitikan) na itinatag sa pamamahala nina Ponciano B. Pineda at Tomas
Ongoco ng MLQU. • ang Diwa at Panitik (1965) ay nagpalabas ng magasing Sibol na ang nilalaman ay tuntunin sa
panitikan, wika at pagtuturo
Noong Enero 1962, ang magasing Akda ang naging kaakit-akit na babasahing naglalathala ng mga orihinal na akda at salin
saTagalog ng mga manunulat sa Ingles • Ang magasing Panitikan ay muling pinalabas ni Alejandro G. Abadilla noong
Oktubre, 1964 at tumagal hanggang 1968
Nagtaguyod ang Pamantasan ng Ateneo ng Urian Lectures na pinamahalaan ni Bienvenido Lumbera.
Ang Gawad Balagtas ay patimpalak ng pamahalaan noong 1969. nilahukan ng katipunan ng sampung akda. Nagwagi si
Wilfredo Virtusio ng unang gantimpala sa kanyang “ Si Ambo at Iba Pang Kuwento”.
Ang huling taon sa dekada 60 ang panahon ng protesta. Ang mga manunulat ay pumaksa sa kaawa- awang kalagayan ng
iskuwater, sa mga suliranin ng magbubukid at manggagawa.
Panahon ng Bagong Lipunan (Batas Militar)
Sa kadahilanang halos lahat ng kuwentista sa Pilipinas sa panahong Batas Militar ay kasangkot sa kilusang makabayan,
tampok sa kanilang mga akda ang mga suliraning tulad ng paghihikahos ng marami sa pagpapasasa ng iilan, kabulukan sa
pagpapatakbo ng pamahalaan, kawalan ng katarungan sa mga limot na mamamamayan at pang- aalipin ng negosyanteng
dayuhan at ng sabwatan ng mga burgis. Lantad ang poot sa mga akdang ito.
Sagisag- isang magasing inilathala ng Kagawaran ng Pabatirang Madla upang magkaroon ng mapaglalathalaan ng mga
akdang hindi tinatangkilik ng mga popular na babasahin.Nagtaguyod din ito ng Gawad Sagisag at nakatuklas ng mga
bagong manunulat.
Ang iba;t ibang kuwentong lumabas at naisulat sa panahong ito ay pawing sumasaling sa ugat ng lipunan. • Nakilala sa
panahong ito ang mga kuwentistang sina Alfredo Lobo, Mario Libuan, Augosto Sumilang, Lualhati Bautista, Reynaldo
Duque, Benigno Juan, Benjamin Pascual, Domingo Landicho, Edgardo Maranan, Wilfredo Ma. Virtusio at Pedro S. Dandan.
Sa panahong ito, naging palasak ang pagpunta ng mga Pilipino sa bang bansa lalo na sa Estados Unidos, ito ang naging
batayan ni Domingo Landicho upang isulat ang kuwentong ”Huwag mong Tangisan Ang Kamatayan ng Isang Pilipino sa
Dibdib ng Niyebe” na siyang pinagkalooban ng gantimpalang Palanca noong 1975.
Samantala, noong 1979-1980, isang simple subalit pinakamakahulugang kuwento ang napili ng Palanca upang gawaran ng
gantimpalang pinakamahusay para sa taong iyon ang kuwentong “Kandong “ ni Reynaldo Duque.
Kasalukuyang Panahon
Nagpatuloy ang Liwayway sa pagbubukas ng kanilang pinto para sa mga manunulat ng kuwentong ngayon pa lang
sumisibol.Maraming kuwentong nailathala ng mga pagbabagong naganap sa bansa pagkaraan ng EDSA Revolution. Ito
ang mga kuwentong nagtataglay ng diwa, saloobin, at paniniwala ng mga manunulat sa bagong panahon.
Nagkaroon ng iba„t ibang pamamaraan ng pagkukwento. Ang mga paksang dati ay hindi naisusulat ay napapansin. Naging
matimpi ang pagtalakay ng paksa. Madula ngunit maligoy. Ang mga katangiang iyan ay namalagi hanggang sa
kasalukuyan at ito„y tinawag na kontemporaryong maikling kwento.

UHAW NA ANG TIGANG NA LUPA (BUOD)


LIWAYWAY ARCEO

Ang ilang bagay sa kanyang ina tulad ng hindi ito makatulog, palaging malungkot kung tumitig, malalim ang paghinga at
paminsan minsan ay may impit na hikbi ay naging kapansin-pansin sakanyang anak na dalagita.
Hindi palakibo, matipid kung makipagusap, bihirang magalit, at may ngiting parang patak na ulan kung tag-araw ang ugali
ng kanyang ina. Ang puso naman ng dalagita ay parang lupang tigang na uhaw na uhaw.
Ang pagsasalita ng kanyang ama ay palagi niyang namamalas habang nagmamakinilya ng pagbabasa nito.
Pinagmamasdan niya ang pagbuga ng usok ng sigarilyo, ang pag-iisip at ang pagpatuloy sa pagsulat.
Makalipas ng ilang taon, may isinauling maliit na talaarawan ang kanilang labandera sa kanyang ina. Kinabukasan,
lumuluha na ang kanyang ina at lalo nang naging malingkot at tahimik.
Isang gabi, umuwing lasing ang kanyang ama. Dumaing na masakit ang kanyang ulo at dibdib. Ilang araw nang naratay
ang ama at hindi hiniwalayan ng kanyang ina, na hindi ipinagtapat ito sa anak.
Nakita ng anak sa hapag ng kanyang ama ang isang kahitang pelus ng ipaayos sa kanya ng ama. Nang binuksan niya
nalaman niyang ang larawan nito ay hindi ang kanyang ina. Walang lagda ang larawan at ang tanging nakasaad ay
“Sapagkat ako’y nakalimot”. May nakita rin ang anak na isang salansan ng liham. Nakasulat sa mga sobre ang pangalan ng
kanyang ama at tanggapan nito.
Hiningi ng ama ang mga sulat subalit tumanggi ang anak. Nasa kalamigan ng lupa ang kanyang kaluwalhatin, ayon sa ama
na nagsasabi na ang unang tibok ng puso ay hindi pag-ibig.
Naging malubha ang kondisyon ng ama at malimit na mawalan ng malay habang ang ina naman ay patuloy sa
pagbabantay na walang imik, hindi kumakain, hindi umiidlip at patuloy na lumuluha kung walang makakita sa kanya.
Nagsalita ang maysakit at sinabing magaling na siya at sila ng kanyang mahal ay maaari nang magtungo….na nag moog
na kinabibilangguan niya ay kanyang wawasakin sa anumang paraan.
Napaluha ang ina at pumatak ito sa bibig ng asawa. Nagmulat ng mga mata ang maysakit at nagkatitigan sila ng ina.
Hawak ng ina ang kamay ng ama nang muli itong nagsalita ata ang sabi ay “Sabihin mo, mahal ko na maangkin ko na ang
kaligayahan ko”
Kinagat ng ina ang kanyang labi at nagsabi na maangkin na iyon ang kanyang mahal.
Hinagkan ng ina ang asawa at kasabay noon ay lumisan ang kaniyang kaluluwa. Wala nang mga luhang dumaloy sa mga
mata ng ina. Tiyak na liligaya ang kaluluwa ng lumisan.
Iba pang buod…
Ito ay isang kwento ng isang dalagita na mayroon ina na palaging malungkot, di makatulog, malalim ang paghinga at
minsan humihikbi. Ang tatay naman niya ay laging nagmamakinilya habang nag sisigarilyo at wala din imik. Mahintulad ang
puso ng dalagita sa tigang na lupa, uhaw na uhaw sa pagmamahal. Isang araw naisauli ng labandera ang isa talaarawan
sa ina niya, kung saan ito ay napaluha. Umuwi ang tatay niya lasing na lasing. Nakita ng dalagita ang pitaka na may
lamang sulat at larawan . Dito nakasaad ay “sapagkat ako’y nakalimot”. Lumubha ang pakiramdam ng ama, bago namatay
sabi ng ama na ang kanyang kaluwalhatian ay na sa kalamigan ng lupa. Bago lumisan ang kaluluwa ng kanyang asawa,
sinabihan ng ina ng dalagita na“Maangkin mo na ang kaligayahan mo.”

____________________________________________________________________________________________

Ang "Kwento ni Mabuti”


ni Genoveva Edroza Matute
Si Mabuti ay isang pangkaraniwang guro kaya siya nabansagang Mabuti ng kanyang mga mag-aaral dahil ito palagi ang
bukambibig niya sa kaniyang klase. Hindi man batid ng nakararami, sa kabila ng kaniyang pagiging malakas ay may
itinatago rin siyang kahinaan at dahil dito ay hindi niya maitatago ang hubad na kototohanang pinakalilihim niya.

Minsang magpunta si Mabuti sa silid-aralan upang doon umiyak dahil sa bigat ng problemang kanyang pinagdadaanan,
nadatnan niya na umiiyak ang isang batang nagngangalang Fe. Nakita ni Fe ang kaniyang sarili sa kaniyang guro na
si Mabuti. Pareho silang may suliranin. Yun nga lang ay mas mabigat ang sulirani ng kanyang guro.  Mula noon, mas
lumaki ang paghanga ni Fe kay Mabuti at ang bawat pagtuturo nito sa kanila ay isang magandang pahina ng kaniyang
buhay-estudyante.  

Simula nang magsimula ng magkwentuhan ang dalawa tungkol sa kanilang mga buhay, nagkamabutihan na ng loob ang
dalawa at naging mag-kaibigan. Nagbago ang pananaw ni Fe nang maisambit ng lalaki niyang mag-aaral ang tungkol sa
ama ng anak niya na lagi niyang ikinukwento sa klase.

Madalas na ikinikwento ni Mabuti ang tungkol sa kaniyang anak na gusto niyang bigyan ng maayos na buhay at nais niya
itong matulad sa kanyang ama na isang manggagamot. Lumipas ang mga araw, at nalaman ni Fe ang kwento ni Mabuti.

Sa kasamaang palad, binawian ng buhay ang asawa ni Mabuti. Matapos mamatay, hindi ito naiburol sa mismong bahay
ni Mabuti, dahil doon lamang niya nalaman ang kaotohanang hindi pala siya ang unang asawa ng manggagamot. Kahit siya
ay pangalawaang asawa ng manggagamot, naunawaan naman niya ang ganitong sitwasyon kaya minabuti na lamang
umiyak sa silid na iyon na kaniya ring madalas iniiyakan upang mailabas niya ang sakit na kanyang nararamdaman.

Sa paglipas ng mga panahon, hindi pa rin nawawala sa isip ni Fe ang larawan ng kaniyang guro. Bagamat lumipas na ang
mga araw ay nananatili sa kaniyang puso ang mga payo at aral ng kaniyang gurong si Mabuti, ang itinuturing niyang isang
inspirasyon.

Mga Tauhan
Mabuti - isang mabait na guro na may lihim na itinatago dahil sa kanyang naging karanasan sa buhay.

Fe - mag-aaral ni Mabuti dahil sa katatagan nito sa kabila ng mga problema at pagsubok na pinagdaanan sa buhay kaya
ginawa niya itong kanyang inspirasyon.

Tagpuan
Sa isang silid-aralan kung saan si Mabuti at Fe ay nagkakwentuhan tungkol sa kanilang mga pinagdaraanan sa kanilang
buhay kaya dito nabuo ang kanilang pagkakaibigan.

DI MO MASILIP ANG LANGIT


BENJAMIN PASCUAL
Mga Tauhan:
1. Luding- mabait at mapagmahal na asawa
2. Asawa ni Luding-  nakulong dahilan sa galit niya sa mga taong hindi tumulog sa kanyang asawa
3. Mga nars at doctor    
4. Mr. at Mrs. Cajucom

Buod
Ang kwentong ito ay tungkol sa lalaking nakulong dahil sa isang pagkakamali. Sa galit niya sa mgadoctor at nars na hindi
manlang tumulong sa kanyang asawa sa pinagdalhan nitong ospital na siya mismo ang isa sa mga gumawa ay nagdilim
ang paningin niya at nawala sa sariling katinuan. Sinunogniya ang bilding ng ospital sa pag-aakalang makakaganti siya sa
mga ito sa pagkawala ng kanyang anak.

UGAT SA DUGO
JOEY ARROGANTE
Ang storyang ito ay tungkol kay Sidra. Siya ay inosente sa maraming bagay. Siya’y pinalaki sa poder ng kanyang Tiya
Concha, na napakahigpit at relihiyoso. Sa bawat pagkakamali niya ay buntot ng pagi ang pinanghahampas sa kanya. May
nagkagusto sa kanya na lalaki na ang pangalan ay Cardo. Si Cardo ay may pagkatorpe kaya tinutulungan siya ni Sido, na
asawa ng kapatid niya na si Desta, na manligaw kay Sidra. Silang tatlo lamang ang pinayagan ni Tiya Concha na mapalapit
kaya Sidra dahil kilala niya ang magkapatid na sila Cardo at Desta. Habang nag tatrabaho si Cardo, ay si Sido ang
nanliligaw para sa kanya. Sa kalaunan ay nagkaroon ng pagtingin sa isa’t isa si Sido at Sidra. Isang gabi ay nahuli silang
nagtatalik ng kanyang Tiya Concha sa kanyang tabi. Pinagpapalo niya ng buntot pagi ang dalawa. Sa galit ni Tiya Concha
ay intake ito sa puso at namatay. Nalaman nila Desta at Cardo ang nangyari. Si Cardo ay nagpakamatay habang si Desta
ay galit na galit sa dalawa. Nagkaroon ng bunga ang ginawa nila Sido at Sidra. Sa kabwanan ni Sidra ay sinugod siya ni
Desta ngunit napigilan niya ito sa pamamagitan ng pag tutok ng itak sa kanya. Nagsama sila Sidra at Sido. Nagkaroon sila
ng apat na anak. Pinalaki nila ito ng malayo sa mga tao. Pagkatapos ng eskwela ay didiretso agad sila sa kanilang bahay.
Sila ay panay dasal at magandang asal lang ang pinapakita ng kanilang magulang. Isang araw ay nakita niya ang kanyang
panganay na dalaga at pangalawa niyang binatilyo na nakikipagtalik. Siya ay nagtataka kung bakit ito nangyari. Bumalik sa
kanya an ala ala ng kanyang ina noong siya ay limang taon na papunta sa kahuyan. Ang kanyang ama ay sumunod. Nakita
na lang nila ang kanilang ama na pinatay ang sarili at ang kanyang ina na nakahubad at wala ng ulo.
Si Joey A. Arrogante ay gumamit ng flash back effect sa storya na ito. Sa bawat masidhing pangyayari o eksena sa storya
ay may ala alang sumusuporta dito. And mga ala alang ito ay nag papalinaw sa mga maaring maging dahilan ng mga
eksenang iyon. Dahil dito mas naging “intriguing” ang mga panyayari sa kwento. Tulad na lang ng pinakauang eksena sa
storya na mas nagpasunod at gumawa ng tanong sa mga isipan ng mga mambabasa. Ang storya na ito ay napapalibot sa
isang tauhan. At mas nakilala ang karakter ni Sidra sa pamamagitan ng pag lalarawan sa ugali at ginagawa ng kanyang tiya
Concha. Dahil sa paraan ng pagpapalaki niya kay Sidra ay makikita ang naging personalidad ni Sidra. Nakilala rin ang mga
karakter ni Sido, Desta at Cardo. Ang storya ay napapalibot sa lugar ng kalipungao. Sapagkat hindi masyadong na ilarawan
ang lugar napinapalooban ng storya ay naging masining ang pag sulat ng awtor sa mga eksena tulad na lang ng pagtatalik
nila Sido at Sidra.  Ang Pagtatapos ng storya ay magandang naisulat ng awtor. Ito ay hindi inaasahan ng mga mambabasa
sa una. Mas binigyang kulay nito ang storya sa kabuuan. Lahat ng pangyayari sa kwento ay nabigyan dahilan at
koneksyon. Nabigayang daan ng awtor ang imahinasyon ng mambabasa tungkol sa katapusan nito. Para sa akin, walang
ibang paraan ko itatapos ang storya kundi sa paraan ng awtor. Gumawa ito ng suspense at gulat sa isipan ng mambabasa.
Sabi nga nila “ending a story with a Boom”. Lahat ng tension ay nagtungo papunta sa dulo ng storya. Sa lahat lahat ay
magaling ang pagawa ng awtor ng storya. Organisado at nakakalibang ang mga pangyayari sa storya. Bawat eksena ay
nakakapanghikayat para sa mga mambabasa na basahin pa ng tuluyan ang kwento. Ang kwento na nagiiwan ng mensahe
ng lahat ng mga panyayari sa ating buhay ay may dahilan at pinaghuhugutang pangyayari.

III. Gawain

Gawain 1: Panuto: Basahin ang mga akda na isinulat sa panahon ng republika at kalayaan. Pag-aralang mabuti kung ano
ang mga teknik na ginamit ng mga manunulat. At sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot
sasagutang papel.
1. Ano ang pagkakatulad ng mga akda nina Arceo, Matute, Pascual at Arrogante?
2. Bakit ganoon ang mga akda ni Arceo at Matute?
3. Ano-ano ang tema ng apat na manunulat sa kanilang akda? Ipaliwanag ang bawat tema
4. Ano ang pagkakaiba ng mga akda noon sa mga akda ngayon?
5. Ayon sa pansararili mong panlasa, kanino ka mas humanga? Ipaliwanag kung bakit.
IV. Pagtatasa

Gawain 2: Panuto: Sa isang malinis na papel suriin ang apat na akdang isinulat ng apat na kilalang manunulat sa panitikang Pilipino na
sina Arceo, Matute, Pascual at Arrogante. Suriin ang kanilang akda batay sa Bisa sa isip, asal, damdamin at panlipunan.

V. Sanggunian

Belvez, Paz, Panitikan ng Lahi


College of Teacher Education
MAIKLING KUWENTO AT NOBELANG PILIPINO
First Semester, A.Y. 2020-2021
MODYUL 5

Ang dulang Pilipino


Katuturan
Anyo ng dula
Kasaysayan
Ang dulang Pilipino bago dumating ang mga kastila
Ang dulang Pilipino sa panahon ng propagandista
Panimula

Ang modyul na ito ay patungkol sa pag-aaral sa katuturan ng dula, anyo ng dula at ang kasaysayan ng dula sa
daigdig. Ang pag-usbong ng dula at ang naging ebolusyon nito ay tatalakayin sa modyul na ito. Ilalahad ang kasaysayan ng
dula sa Pilipinas at kung ano ang naging ambag nito hanggang sa kasalukuyang panahon. Tutukuyin kung ano-ano ang
mga dula noong unang panahon at sasaliksikin sa pamamagitan ng modyul na ito.

Araw at Oras

I. Layunin

Pagkatapos aralin at unawain ang mga nilalaman ng modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakikilala ang kauturan, anyo at kasaysayan ng dula
2. Nakikilala ang kalagayan ng dulaang Ppilipino sa panahon ng kastila
3. Nakasusuri ng isang dokumentaryo ng kasaysayan ng dula sa Pilipinas
4. Nakikilala ang kalagayan ng dulaang Ppilipino sa panahon ng propagandista

II. Lektyur

Dula:
Ang dula ay isang uri ng panitikan na naglalayong maitanghal sa entablado. Ang pagpapahalaga sa dula ay matatamo sa
pamamagitan ng panonood dito. Ang mga dula ay maaaring hango sa tunay na buhay o isinulat bunga ng malaya at
malikhaing kaisipan ng manunulat o script writer.

Uri ng Dula Ayon sa Anyo:  

Ang komedya ay dulang nagdudulot ng kasiyahan o katatawanan sa mga manonood gamit ang mga abilidad ng mga
gumaganap sa paglalapat ng pagpapatawa sa iskrip o linyang binibitawan. Ang halimbawa ng dulang ito ay “Bakit Ang
Babae Ang Naghuhugas ng Pinggan?”
Ang melodrama ay dulang may kasiya – siyang wakas para sa pangunahing tauhan. Ito rin ay nagtataglay ng mga
malulungkot na tagpo na inilalapat sa mga pananalita at damdaming ipinahahayag ng mga tauhan at minsan ay nagtatapos
sa kasawian ng bida. Ito ay karaniwang nilalapatan ng musika at ginagawang dulang pangmusika. Ang halimbawa ng
melodrama ay MaraClara.

Ang trahedya ay dulang ang pangunahing tauhan ay masasawi o hahantong sa kanyang kabiguan ngunit karaniwang


may makabuluhang pagtatapos. Ang halimbawa ng trahedya ay Hiblang Abo.
Parsa – Ang parsa ay isang kategorya ng komedya na gumagamit ng mga nakakatawang sitwasyon na ang layon lamang
ay makapag-patawa ng madla. Kung minsan ay tinatawag din itong saynete.

Uri ng Dula Ayon sa Ganapan:

Ang dulang panlansangan ay karaniwang ipinalalabas sa lansangan. Ang halimbawa nito ay panunuluyan.


Ang dulang pantahanan ay karaniwang isinasagawa sa tahanan. Ang halimbawa nito ay pamamnhikan.

Ang dulang pantanghalan ay karaniwang isinasagawa sa tanghalan. Ang halimbawa nito ay Macbeth ni William


Shakespeare.
Bahagi ng Dula:
Ang simula ang unang bahagi ng dula na karaniwang nagpapakilala sa mga tauhan at nagbibigay linaw sa tagpuan ng dula.

Ang gitna ang bahaging naglalahad ng kasukdulang ng dula.

Ang wakas ang dulong bahagi ng dula na nagbibigay linaw sa kinahinatnan ng pangunahing tauhan sa dula.

Elemento ng Dula:

Ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip. Sila ang bumibigkas ng dayalogo o
bumibitaw ng mga linya. Sila rin ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin na pinanonood ng mga tao sa
tanghalan.

Ang dayalogo  ang mga binibitatawang linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at maipadama ang
mga emosyon. Nagiging mas maganda at makapangyarihan ang dula kung may mga malalakas at nakatatagos na
mga linyang binibitiwan ng mga aktor.

Ang direktor o taga – direhe ang nagpapakahulugan sa isang iskrip. Siya ang nag-i-interpret ng iskrip mula sa


pagpapasya sa itsura ng tagpuan, damit o kasuotan ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at
pagbigkas ng mga tauhan.

Ang iskrip ang nagsisilbing kaluluwa ng isang dula. Ang lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon
sa isang iskrip kaya naman walang dula kapag walang iskrip. Sa iskrip nakikita ang banghay ng isang dula.

Ang mga manonood ang nagbibigay – halaga sa dula . Ang karaniwang target ng pagtatanghal ng dula ay ang mga
manonood.

Ang tanghalan ay tumutukoy sa lugar kung saan napagpasyahang itanghal ang isang dula. Ang tanghalan ay


maaaring  isang kalsada, isang silid, o isang tahanan na napili upang pagtanghalan ng dula.

Ang tema ang pinakapaksa ng isang dula. Naiintindihan ng mga manonood ang palabas base na rin sa tulong ng
pagtatagpi-tagpi ng mga sitwasyon, pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at pag-aarte ng mga aktor sa
tanghalan. Ipinalalabas ang tunay na emosyon ng mga aktor sa tulong ng malinaw na pagkakabigay ng  tema ng
dula.

Sangkap ng Dula:

Ang kakalasan ay ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pagsasayos ng mga tunggalian.

Ang kalutasan ay ang sangkap ng dula na naglulutas, nagwawaksi at nagtatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula.
Sa kabilang banda, maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood.

Ang kasukdulan ay tumutukoy sa bahagi ng dula na sumusubok sa katatagan ng tauhan. Sa bahagi ding ito ibinubuhos ang
bugso ng damdamin nais ipadama ng dula.

Ang saglit na kasiglahan ay tumutukoy sa panadaliang paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan.

Ang sulyap sa suliranin ay ang pagbabahagi ng suliranin na nais bigyang solusyon sa dula.

Ang  tagpuan ay tumutukoy sa  panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring nakasaad sa dula.

Ang tauhan ang mga kumikilos at nagbibigay- buhay sa dula. Sa kanila pangkaraniwang umiikot ang mga pangyayari. Sila
ang  mga bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama ng mensahe ng dula.

Ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at  tauhan laban sa kanyang
sarili. Gayundin, maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian    ang isang dula.
Dula sa Pilipinas:

Ang kasaysayan ng dulang Pilipino ay isinilang sa lipunan ng mga katutubong Pilipino bago pa dumating ang mga
dayuhang mananakop. Ngunit ang totoong dula sa Pilipinas ay nagmula sa mga Amerikano.

Ayon kay Casanova, ang mga katutubo ay likas na mahiligin sa mga awit, sayaw, at tula na siyang pinagmulan ng mga
unang anyo ng dula. Ang mga unang awitin ay nasa anyo ng tula. Ang mga katutubo rin ay mayaman sa epikong bayan na
kadalasan ay isinasalaysay sa pamamagitan ng pag - awit. Ang mga awit, sayaw, at ritwal ay karaniwang ginaganap upang
ipagdiwang ang kaarawan, binyag, pagtutuli, ligawan, pag - iisang dibdib, kamatayan, pakikidigma, kasawian, tagumpay,
pagtatanim, pag- aani, pangingisda, at marami pang iba. Bago dumating ang mga dayuhang mananakop, ay mayroon ng
ilang anyo ng dula ang mga katutubong Pilipino.

Ang unang taon ng pananakop ng mga Amerikano ang nagpakilala ng tunay na drama ayon kay Sebastian. Ayon naman
kay Tiongson, ang drama ay binubuo ng tanghalan, iba't - ibang kasuotan, iskrip, pagbibigay - karakter, at panloob na
tunggalian. Ito ang nagsisilbing mga pangunahing sangkap ng tunay na drama. Samantala, sa mga aklat ang drama ay
drama kahit wala ang mga sangkap na nabanggit. Ito ang dramang Pilipino. Idinagdag pa niya na memises ang
pangunahing sangkap ng dulang Pilipino. Memises ay tumutukoy sa pagbibigay - buhay ng aktor sa mga pang araw - araw
na pangyayari sa buhay ng mga Pilipino.

Inilalarawan sa tunay na Pilipinong dula, ang mga pangarap ng bansa. Dito ipinapakita ang mga katutubong kultura,
paniniwala, at tradisyon. Ikinukuwento ang paghihirap at pagpupunyagi ng mga katutubong Pilipino.  Ipinamamalas ang iba't
- ibang anyo ng pamahalaan at uri ng lipunan. Sa kabuuan, ang tunay na dulang Pilipino ang nagbigay ng mas malawak na
pagkaunawa sa kulturang Pilipino at ng kasagutan sa mga pangangailangan ng mga Pilipino.  Higit sa lahat, ito ang
nagsisilbing gabay tungo sa kabutihan  ng mga mamayang Pilipino.

III. Gawain
Gawain 1: Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa nakalaang patlang
1. Ano ang dula?
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Ano-ano ang mga sangkap ng dula? Isa-isahin at bigyan ng katuturan.
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
__________________________________________________
3. Bakit nagkaroon ng dula sa Pilipinas?
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
4. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng dula sa Pilipinas?
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
5. Bakit mahalaga ang dula sa iyo bilang mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino?
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

IV. Pagtatasa
Gawain 2: Panuto:Manood ng isang dokumentaryo patungkol sa kasaysayan ng dula sa Pilipinas at gawan ito ng
repleksyon o komentaryo. Ilahad ang iyong napanood at ilapat ang ilang suhestiyon at pagsusuri. Ilagay sa malinis na
buong papel ang gagawing pagsusuri.

V. Sanggunian

brainly.ph/question/189674

College of Teacher Education


MIKLING KUWENTO AT NOBELANG PILIPINO
First Semester, A.Y. 2020-2021
MODYUL 6

Ang dulang Pilipino sa panahon ng kastila


Karagatan, duplo, senakulo at panunuluyan, pangangaluluwa, tibag
Dulang Filipino sa panahon ng propagandista

Panimula

Ang modyul na ito ay patungkol sa pag-aaral ng mga dulang Pilipino sa panahong bago dumating ang mga kastila
sa Pilipinas at panahon ng Kastila. Ilalahad sa modyul na ito kung ano-ano ang mga namalasak na dula sa panahon ng
ating mga ninuno. Babalik-aralin ang mga dulang bumuo sa kulturang Pilipino at tatalakayin ang mga kahalagahan nito sa
lipunan bilang sining at obrang kailangang ipagmalaki.

Araw at Oras

I. Layunin

Pagkatapos aralin at unawain ang mga nilalaman ng modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakikilala ang mga uri ng dula sa panahon ng kastila
2. Natutukoy ang katuturan ng karagatan, duplo, senakulo, panunuluyan, pangangaluluwa at tibag
3. Nasusuri ang dula sa panahon ng kastila
4. Nakasusulat ng sanaysay patungkol sa mga dula noong panahon ng kastila
II. Lektyur

Ang dula ay isang nakaka-aliw na kategorya ng panitikang Pilipino. ito ay ginagawa ng iba’t-ibang aktor sa entablado sa
harap ng maraming tao.
Mayroon silang diyalogo at kasuotan na nakatutulong upang ilarawan ang kanilang karakter. Ang mga pangunahing
elemento ng dula na hindi maaaring mawala ay ang tema, setting, karakter, balangkas o plot, at musika.
Ito ay hango sa salitang Griyego na drama na nangangahulugang gawin o kilos. Karamihan sa mga panitikan ng mga
katutubo ay yaong mga pasalin-dila gaya ng mga bulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain, at awiting bayan na
anyong patula.

Panahon ng Katutubo
(BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA)
Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila   gaya ng mga bulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko,
salawikain at awiting-bayan na anyong patula; mga kwentong-bayan, alamat at mito na anyong tuluyan at ang mga
katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa.

Panahon ng Espaňol (Kastila)


Mahahati ang panitikan sa dalawa sa panahong ito: una ay pamaksang pananampalataya at kabutihang-asal at
ang ikalawa ay ang panitikang panrebolusyon.

Panitikang Pamaksang Pananampalataya at Kabutihang-asal


Dahil sa pananampalataya ang pangunahing pakay ng mga Kastila, karamihan sa mga unang akdang nalikha sa panahong
ito ay halos paksang pananampalataya.
Halimbawa:
dulang senakulo santa cruzan  Tibag Moro – moro
Sila rin ang nagpakilala ng konseptong maharlika o dugong bughaw sa mga Pilipino na mababatid sa mga akdang awit na
ang mga pangunahing tauhan ay mga hari, reyna, prinsipe at prinsesa.
Halimbawa:
ang awit na Florante at Laura ni Balagtas
dulang duplo  karagatan.
Nauso rin ang carillo o mga dulang puppet na yari sa karton na gumalaw sa likod ng isang mailaw at puting tela.

Senakulo ito yung parang pagbalik tanaw o pag alala sa paghihirap mg panginoon bago sa mamatay at muling nabuhay
Maituturing na isang sanga ng komedya ang dulang senakulo bagaman natatangi dahil hinggil lamang sa hulíng yugto ng
buhay ni Hesukristo at itinatanghal lamang kung Mahal na Araw.

Mula ito sa salitang Espanyol na cenaculo, ang tawag sa pook o silid na pinangyarihan ng  Huling Hapunan. Tulad ng
pasyon, may mga pook na isang panata ng komunidad ang pagtatanghal at pagganap sa dulang ito.

Tulad sa komedya ang mga katangian ng senakulo, mula sa paggamit ng makukulay na kasuotan, mga diyalogong patula,
hanggang sa paggamit ng kababalaghan. May mga iskrip na hinalaw lamang sa pasyon ang diyalogo.

Sa paglipas ng panahon, nagkaroon ito iba’t ibang paraan ng pagtatanghal, mula sa mga payak na pagsasadula sa
Marinduque hanggang sa mas magarbong produksiyon sa Cainta, Rizal.

Ang Santacruzan ay itinuturing na isa sa pinakakilalang pangrelihiyong pagdiriwang sa kultura ng mga Pilipino, sa Pilipinas
man o maging sa iba’t ibang dako ng mundo kung saan mayroong komunidad ang mga Pilipino.
Ang nasabing tradisyon ay isa sa mga nagbibigay kulay tuwing sasapit ang buwan ng Mayo. Mahabang panahon ang
iginugugol sa pag-oorganisa ng pagdiriwang na ito. 
Ayon sa Banal na Tradisyon, si Santa Elena ay pumunta sa bundok ng Kalbaryo, 300 taon matapos ang pagkamatay ni
Kristo upang hanapin ang Krus kung saan siya ipinako. Tatlong krus ang nakita at nalaman nila na ang isa sa mga krus
doon ay kay Kristo dahil sa napagaling nito ang isang kasamahan ni Santa Elena. Matapos ideklara ang dogma ng
Immaculada Concepcion noong 1854, nagsimula ang Tradisyon ng Santacruzan bilang debosyon kay Maria na tinawag
ring Flores de Maria.  Ito ay ang pag-aalay ng bulaklak kay Maria bilang bahagi ng pagninilay at pagbibigay-pugay.
Ang iba’t ibang parokya at mga komunidad ng mga Pilipino sa lahat ng sulok ng mundo ay nag-oorganisa ng santacruzan
upang gunitain ang paghahanap at pagkakatagpo nina Reyna Elena at ng kanyang anak na si Constantino ng Banal na
Krus mula sa Jerusalem.
Ang Tibag ay isang pagtatanghal kung buwan ng Mayo na nakaugalian na sa Bulakan, Nueva Ecija, Bataan, Rizal at Bicol.
Ito ay tungkol sa paghahanap ni Sta. Elena sa mahal na Sta. Cruz na kinamatayan ni Kristo.

Ang moro-moro ay isang uri ng "komedya" sa Pilipinas na isang adaptasyon mula sa dula sa Europa na comedia de capa y
espada. Ang moro-moro, ay natatangi sapagkat walang ibang bansa na nakaisip at nakapagsagawa ng nasabing palabas
na katulad nang sa Pilipinas. Ang Pilipinas lamang ang nawili sa paggawa ng moro-moro na ang obrang ito ay tuluyan nang
itinuring na kasama sa buhay ng mga Pilipino sa halos dalawang siglo. Ang moro-moro ay pinaniniwalaang nag-ugat mula
sa sagupaan sa pagitan ng mga Kristiyano at Pilipinong Muslim. Ang makasaysayang laban na ito ay nagsimula noong ika-
16 na siglo nang ang mga Kristiyanong Malay, mga Pilipino sa Luzon at Visayas ay sumama sa pakikidigma ng mga
Kastila laban sa mga Pilipinong Muslim na nasa Timog ng Pilipinas.

Ang duplo ay isa tulang pandulaan noong unang panahon, ito ay sinasabing siyang humalili sa karagatan, ito ay paligsahan
sa husay sa pagbigkas na pangangatuwiran na patula. Ito ay ginaganap bilang paggunita sa namatay.

Ang karagatan at duplo ay isa sa mga itinuring anyo ng panitikan. Ito ay tinatawag na tulang padula sapagkat ang mga ito
ay nasususlat nang patula at ginagampanan ng mga tauhan. Ang karagatan at duplo ay tinatawag din dulang pantahanan
sapagkat  karaniwang idinaraos sa loob ng bahay o bakuran ng namatay. Ang karagatan ay isa sa uri ng ating panitikan
kabilang siya sa dulang panlibangan na ginagawa ng mga Pilipino noong panahon ng mga Kastila, ang karagatan ay batay
sa alamat ng isang dalaga na nahulog ang singsing  sa dagat batay sa hangaring makapili ng mapapangasawa. Ang duplo
ay isa rin sa ating panitikan sinasabing ito naman ang pumalit o humalili sa karagatan, paligsahan sa husay sa pagbigkas
ng pangangatuwiran na patula.

Panitikang Rebolusyonaryo at Sedisyoso


Sa ikalawang bahaging ito ng kasaysayang pampanitikan sa panahon ng pananakop ng Kastila, karamihan sa mga
panitikang nalikha ay may diwang rebolusyonaryo at nagbukas sa kamalayang Pilipino sa di-makataong pagtrato sa kanila
ng mga Kastila at nag-uudyok na kalabanin ang pamahalaan.

Dahil sa labis na pang-aalipin at pang-aalispusta at masidhing diskriminasyon ng mga Kastila sa mga Pilipino; nagsilunsad
ng mga kilusan ang iilang Pilipinong hindi na sumasang-ayon sa pamamalakad ng mga prayle at pamahalaang Kastila.
Nagsisulat ang mga Pilipino sa panahong ito ng mga panitikang nagrerebolusyon. Nalathala ang mga pahayagang
propagandista na pinangunahan ng La Solidaridad noong Pebrero 19, 1889 na naglalayong“matamo ang pagbabagong
kailangan ng bansang bilang tugon sa kalagayang panlipunan at pang-ekonomiya, maisiwalat ang malubhang kalagayan ng
bansa sa ilalim ng pamamalakat ng mga Kastila at upang pairalin ang kalayaan at demokrasya.”
Dahil sa mahigpit ang pamahalaan, nagsitago ang mga manunulat sa ilalim ng iba’t ibang sagisag-panulat upang
maprotektahan ng mga sarili laban sa mapang-alipustahang Kastila at upang patuloy na makasulat.
Ang pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na may sagisag-panulat na Laong Laan ay naging bahagi ng pahayagang
La Solidaridad; at ang may-akda ng mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na unang nalimbag at nalathala sa
Espanya at naging mitsa sa mga rebolusyonaryong Pilipino na mag-aklas laban sa mga Kastila. Sumulat din si Rizal ng
mga sanaysay gaya ng Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino at Sa Mga Kabataang Dalaga sa Malolos.
Ang mga bayaning sina Marcelo H. Del Pilar (na may sagisag-panulat na PLARIDEL), Graciano Lopez-Jaena, Antonio
Luna, Mariano Ponce, Pedro Serrano Laktaw, Emilio Jacinto, Apolinario Mabini, at marami pang iba ay nagsisulat din.
III. Gawain
Gawain 1: Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Ilagay ang iyong sagot sa nakalaang patlang o sa
sagutang papel.
1. Ano-ano ang mga dula bago dumating ang mga kastila sa Pilipinas? Ilahad ang mga ito t ang kanilang
katuturan.____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Ano ang kahalagahan ng mga dula bago dumating ang mga kastila sa Pilipinas sa dula sa kasalukuyan?
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
3. Bakit mahalaga ang dula sa buhay at pamumuhay ng bawat Pilipino?
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
4. Sa iyong palagay, bakit ang mga dula sa panahon ni Rizal ay halos patungkol sa pagmamalupit ang pag-aalsa?
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

IV. Pagtatasa

Gawain 2: Panuto: Magsagawa ng isang pagtatanghal na isang dula bago dumating ang mga kastila sa Pilipinas. Kuhanan
ito ng video maximum ng isang minuto. Ipasa ang ginawang video sa itinakdang araw at oras.

V. Sanggunian
Brainly.ph - https://brainly.ph/question/25651#readmore

Inihanda ni:

MAR R. MOTAS

College of Teacher Education


First Semester, A.Y. 2020-2021
MODYUL 7
Ang mga dula sa panahon ng amerikano
Anak ng Katipunan
Walang sugat
RIP
Sa bunganga ng pating
Kahapon, Ngayon at Bukas

Panimula

Ang modyul na ito ay patungkol sa pag-aaral ng mga dula sa panahon ng amerikano. Babalik-aralin ang dulang
namalasak sa panahong ito at tatalakayin ang naging ebolusyon mula bago dumating ang mga kastla, panahon ng kastila
at panahon ng amerikano. Ilalahad ang mga namayagpag na dula sa panahong ito at kung ano ang mga naiambag nila sa
dula ng Pilipinas. Tatalakayin ang dulang sa kasalukuyan ay malimit pa ring itanghal sa mga entabladong pansining.
Bibigyang halaga ang ito at susuriin sa pamamagitan ng komentaryo at pananaliksik.

Araw at Oras

I. Layunin

Pagkatapos aralin at unawain ang mga nilalaman ng modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:

1. Nakikilala ang dula sa panahon ng amerikano


2. Naipapaliwanag ang kaugnayan ng mga dula nong panahon ng amerikano sa pamumuhay ng mga Pilipino
3. Nasusuri ang mga dulang namalasak noong panahon ng amerikano
4. Nakikilala ang mga tauhan ng mga dula noong panahon ng amerikano

II. Lektyur

Dahil sa impluwensiyang pangteknolohiyang dala ng mga Amerikano, naimpluwensiyahan din ang panitikan sa bansa. Dula
ang naging pangunahing panitikan sa panahong ito. Dala nila ang mga bodabil na isang uri ng dula kung saan umaawit at
sumasayaw ang mga artista na nagbunga sa sarsuwela ng Pilipinas. Dahil sa dala rin ng mga Amerikano ang pelikula sa
bansa, ngunit nag-umpisa ito sa mga artistang gumagalaw lamang at nagsasalitang walang tinig (silent films); unti-unting
naisantabi pansamantala ang dulang panteatro sa bansa dahil sa nakahiligan na ng mga Pilipino ang panonood ng
pelikulang-tahimik.
Ang mga unang pelikulang ginawa sa bansa ay halos mga dokumentaryo ukol sa pagsabog ng mga bulkan at iba pang
kalamidad at ang iilang dokumentaryong bunga lamang ng pagka-ignorante ng mga Amerikano sa mga katutubong Pilipino.
Ang mga unang pormal na pelikula sa bansa ay ukol sa buhay ng bayaning si Rizal at ng kanyang dalawang nobela. Ang
pinakaunang pelikulang Hollywood na ginawa sa bansa ay ang pelikulang Zamboanga. Ito ang kauna-unahang Hollywood
film na may underwater scene. Ngunit ang pinakaunang pelikulang produksyon ng Pilipino ay sa pamumuno ni Jose
Nepumuceno hango sa dulang panteatrong Dalagang Bukid (dula ni Hermogenes Ilagan) na malateatro rin ang kinalabasan
Di naglaon, ninais na rin ng mga Pilipino na makawala sa kamay ng mga Amerikano. Ngunit hindi rin naging mabilis ang
pagkamit sa kalayaan.
Ang dula ay sadyang kinasangkapan ng mga manunulat na Pilipino upang ipahayag ang hangad na paglaya ng bayan at
makabayang pananaw. Ang kalayaang tinamasa sa kamay ng mga Amerikano ay alangang ihambing sa ipinalasap ng mga
Kastila. Gayunpaman, hindi rin nasiyahan ang mga manunulat.
Isa sa mga unang dulang itinanghal sa panahon ng mga Amerikano na umuusig sa mga Amerikano at sedisyoso ay ang
kay Juan K. Abad na itinanghal noong Mayo ng 1903 – ang Tanikalang Ginto. Inakyat ng mga alagad ng batas ang
Batangas habang itinatanghal ang dulang ito dito at dinakip ang may-akda. Ngunti napawalang sala rin sa tulong ng isang
mahusay na manananggol na Pilipino. Ang dulang Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio Tolentino ay tumuligsa rin sa
Amerikano. Ngunit pinakamatindi ang paghihimagsik ng dulang “Hindi Ako Patay” na hindi na nakilala ang may-akda dahil
sa ginamit nito ang pangalan ng kanyang may-bahay.
Anac Ning Katipunan (Anak ng Katipunan) ni Juan Crisostomo Soto
Walang Sugat ni Severino Reyes (buod)

Suliranin sa Kuwentong  “Walang Sugat” ni Severino Reyes

Ang suliranin sa kwentong “Walang Sugat” ni Severino Reyes  ay ang pagpatay sa ama ni Tenyong na naging dahilan
upang siya ay maghiganti at makipaglaban laban sa mga mapagsamantalang mga dayuhan.

Gayundin ang pagpapakasal ni Julia kay Miguel kahit ito ay labag sa kanyang kalooban dahil ang totoo at tunay niyang
minamahal ay si Tenyong.

Tagpuan

Ang tagpuan ng kwentong  “Walang Sugat” ni Severino Reyes  ay sa Guiginto, Bulacan na matatagpuan sa Pilipinas.
Nangyari rin ang kwento sa isang simbahan dito kung saan ikinagulat ng lahat ang plano ni Tenyong upang siya ang
makasal kay Julia.

Buod

Habang si Juli ay nagbuburda, nakaharap sa kanya si Tenyong nang biglang dumating ang kaibigan nitong si Lucaas. Ayon
kay Lucas, nadakip ang ama ni Tenyong na si Kapitan Inggo dahil sa napagkamalan itong isang tulisan. Kaya't ninais ni
Tenyong na ipaghiganti ito kahit tutol dito ang kanyang kasintahan na si Julia at ang kanyang ina na si Kapitana Puten.

Ngunit wala silang nagawa at itinuloy ni Tenyong ang kanyang planong paghihiganti. Ito ang naging dahilan ng pagkakalayo
nina Julia at Tenyong. Nang sila ay magkahiwalay, may dumating na isang mayamang manliligaw kay Julia na
nagngangalang Miguel. Sinagot ito ni Julia at nagpasyang sila ay magpakasal. Upang ipaalam kay Tenyong ang
mangyayaring kasal, nagpadala si Julia ng sulat kay Lucas, ngunit hindi ito nasagot ni Tenyong dahil may nangyayaring
labanan at ibinilin na lamang na dadalo na lamang siya sa araw ng kasal ni Julia.

Sa pag-aakalang ni Julia na patay na sa Tenyong, kahit labag sa kanyang kalooban ay pumayag na siyang magpakasal
kay Miguel. Sa mismong araw ng kanilang kasal, dumating si Tenyong sa simbahan na duguan at parang malapit ng
mamatay kaya pinatawag ang kura upang makapangumpisal ito.

Bilang huling kahilingan, sinabi ni Tenyong na gusto niyang makasal kay Julia, pumayag naman dito si Tadeo ang ama ni
Miguel at ang si Juana ang ina naman ni Julia dahil sa ooag-aakalang mamamatay na nga ito.

Ngunit nagulat ang lahat ng biglang bumangon si Tenyong at nagsigawan ang mga tao na "Walang sugat!". Nilinlang lang
pala ni Tenyong ang lahat ng tao sa loob ng simbahan upang siya ang makasal sa dating kasintahan na si Julia.
RIP ni Severino Reyes

Ang R.I.P na itinanghal ng ENTAMBLADO ay masasabing nakakaakit ng manonood. Ito’y isang satiriko ng transpormasyon
ng “theater arts” sa Pilipinas. May isang kumpanya na nag-eensayo para sa kanilang mga palabas ngunit bago pa man
matapos ang paggawa ng kanilang palabas bigla na lamang may bagong anyo ng pagtatanghal na sisikat. Upang
makapag-ipon ng pera, napipilitan sila makisabay sa agos ng panahon at sumunod sa kung ano ang uso. Simple lang
talaga ang kuwento ng dula na ito ngunit dahil sa iba’t ibang aspekto na pinagsama-sama, naging napakahusay ang
pagtatanghal ng ENTAMBLADO sa kanilang rendisyon ng R.I.P.

Ang aspekto ng dula na masasabing talagang nakapagdala ng tagumpay sa palabas ay yung pag-aarte ng mga
nagsisiganap. Maganda rin naman yung mga make-up, kasuotan, at kagamitan o props ngunit ang pag-aarte talaga ng mga
tauhan ang lumitaw. Ito ang mismong nagbigay sa manonood ng kasiyahan, katuwaan at aliw.

May mga iba’t ibang tauhan at iba’t ibang nagsisiganap. Mayroon may maliit lang na parte. Mayroon ding may malaki. Lahat
sila ay masasabi talagang nag-ensayo ng mabuti. Walang nakapagkalimot ng kanyang mga linya. Kung meron man, hindi
halata. Walang pangamba or pag-aalinlangan namamalas sa kanilang mga kilos. Kuhang-kuha talaga nila ang karakter o
personalidad ng mga tauhan kanilang ginaganap. Mahusay nila napararating ang mga ugali ng mga ito. Kung bata yung
karakter, ang pananalita at kilos ng aktor ay parang bata din. Kung matanda naman, ang aktor ay kuba, mabagal maglakad
at mahinahon magsalita. Kung Kastila, Espanyol ang wika na ginamit at pinagtitiyagaan din na may kasamang “accent” pa.
Sa lahat ng mga nagsiganap, ang talagang mga nakapagkuha ng atensyon ng mga manonood ay yung mga gumanap kay
Ichay, Colas, Toming, Uban/Menangge at Bociong. Si Toming at Uban/Menangge talaga ang lagi nagsisimula ng
halakhakan dahil sa kanilang mga aksyon at mga sinasabi. Sa video pa nga lang na ito, makikita na kung anong klaseng
karakter si Uban.

Ang parte nila bilang mga payaso o “clowns” ay naganap nila ng mabuti. Talagang nakakatawa sila. Si Toming nga ay isang
bakla. Kahit hindi man bakla ang aktor sa totoong buhay, mahusay niyang ginanap ang papel niya bilang baklang payaso.
Hindi man alam ni Toming na bakla siya sa simula, nakikita na ng manonood, dahil sa mahusay na pag-aarte, na bakla
talaga siya. Pati nga nung 10 minutong intermisyon, nakipaghalubilo sina Toming at Uban sa mga tagamasid at napatawa
nila ang mga ito.

Si Colas naman ay mayroon din namang dating sa mga manonood. Siya yung direktor ng palabas ng kumpanya. Lalaki
siyang tauhan ngunit ang gumanap sa kanya ay isang aktres o babae. Kahit babae yung nagsiganap bilang Colas,
naiparating naman niya sa mga manonood ang pagiging lalaki ng karakter niya at pinuno ng produksyon. May mga parte
din na napapatawa niya ang mga tagapagmasid lalo na sa mga oras na tinuturo niya ang mga aktor at aktres sa kanyang
palabas kung ano ang tamang pag-aarte upang maging perpekto ang bawat eksena. Hanggang sa huli, nakikita ang
pagiging lider niya sa paglilibing niya sa kanilang pelikula at pagsunod sa kaniya ng ibang mga tauhan.

Napakahusay din ang gumanap kay Bociong at Ichay. Nakuha talaga ng aktres ang pagiging “pre-Madonna” ni Ichay. Ang
galing niya umarte. Kapag nagsasalita ay parang kumakanta pa. Kapag lalakad lamang, grabe ang galaw pa ng baywang.
Ang galing rin niya sa pagganap ng pelikula sa dula. Silang dalawa ni Bociong ay kailangang gumanap bilang mga
kasintahan. May mga parte kung saan kailangan nilang hawakan ang isa’t isa. Gumagapang pa nga sila minsan. Si
Bociong nga walang damit. Si Ichay naman naka-shorts at tank top lang. Kung hindi sila magaling na aktor o aktres baka di
nila naganap ang mga eksenang ito ng mabuti.

Mahirap din naman kasi gawin ang mga ganitong klaseng eksena dahil sigurado hindi rin komportable para sa kanila. Hindi
naman nila ito ginagawa sa araw-araw na buhay. Nakakahiya din syempre kapag ganun klaseng eksena ang pinapakita sa
maraming manonood ngunit nakayanan nila. Naganap nila ang kanilang mga papel ng mabuti. Hindi nakikita sa kanilang
mga mukha na di sila komportable. Sa mga manonood, ang mga gumanap kay Ichay at Bociong ay parang sanay na sanay
sa kanilang ginagawa. Ang dali nilang napahalakhak at napatawa ang mga tagapagmasid sa kanilang  pag-aarte.

Konklusyon:
Sa kabuluhan, masasabing maganda talaga ang paggagawa ng ENTAMBLADO sa R.I.P.  Magaling ang naging
produksyon. Angkop ang mga kagamitan at kasuotan. Napakahusay din ng mga aktor at aktres. Maliit man lamang ang
produskyon, ito naman ay naging tagumpay. Dahil sa tamang pag-aayos at pagsasama-sama ng iba’t ibang elemento,
nakapagbuo din ng isang palabas na nakakaaliw at talagang masasabing singhalaga ng oras at pera ginastos para dito.

Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio Tolentino


Ang kahapon ngayon at bukas ni Aurelio Tolentino ay nag-papakita hindi pagsang-ayon ng pagpapalawak ng kapangyrihan
na pinamumunuan ng isang bansa sa loob at naka-pokus ang tagumpay ni Inang Bayan laban sa mga nangliit sa kanya.
Asal hayop na nakipag-sabwatan kay Haringbata upang ipagbigay alam na Sila Tagailog ay babakahin si Haringbata.

Ngunit ng siya ay pawing paalis na ay napigilan siya ni Inangbayan en dahil ipinagbili ni Asal hayop ang kanilang kalayaan.
Sa kanilang narinig ay hinatulan nila si Asalhayop ng kamatayan na sumalakay kay Haringbata. Nang sila'y magsilusob ay
mutikang mapatay ni haring bata si inag bayan kundi dumating si tagailog in sinaksak siya.Dilat na bulag at matanglawin na
nangnanais na silay iligtas sapgkat mayroong sakuna; di lumaon sila'y na papayag at nag-sumpaan gamit ang kanilang
dugo at sabay nila itong ininom.

III. Gawain
Gawain 1: Panuto: Basahin ang mga akda ng dulang namayagpag sa panahon ng amerikano. Limiin at suriin, basahin nang
may pang-unawa at namnamin ang ipinaparating nitong mensahe.

IV. Pagtatasa
Gawain 2: Panuto: Gumawa ng mga pagsusuri ayon sa kanilang kabisaan patungkol sa mga nabasang mga kilalang
akdang dula. Isulat ang pagsusuri sa malinis na papel

V. Sanggunian

Brainly.ph - https://brainly.ph/question/25651#readmore
Inihanda ni:

MAR R. MOTAS

College of Teacher Education


First Semester, A.Y. 2020-2021
MODYUL 8

Nobelang Pilipino
Katangian/katuturan
Kahalagahan
Uri ng nobela

Panimula

Ang modyul na ito ay patungkol sa pag-aaral ng mga nobela. Bibigyang katuturan ang nobela, mga katangian,
kahalagahan at mga uri nito. Ipapaliwanag ang iba’t-ibang uri ng nobela at tutukuyin kung ano-ano ang mga kahalagahan
nito. Pag-aaralan ang mga nobelang Pilipino na naging tanyag at susuriin ang mga to batay sa kahalagahan ng kuwento,
iskrip at mga tauhan.

Araw at Oras

I. Layunin

Pagkatapos aralin at unawain ang mga nilalaman ng modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang katuturan ng nobela
2. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng nobelang Pilipino sa nakaraan at sa kasalukuyang estado ng dula sa Pilipinas
3. Nakikilala ang mga uri ng nobela at ang kahalagahan nito

II. Lektyur

Ang NOBELA Isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad nga mga pangyayari na pinaghahabi sa isang
mahusay na pagbabalangkas na ang pagkakalabas ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na
pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-
kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.
Mahalaga ang mga nobelang naililimbag dahil sa nagbibigay ito ng mga leksyon, mga aral at mga katotohanan patungkol
sa buhay. Kapupulutan ng mga aral ang mga nobela at nagsisilbi rin itong panlipas oras at kasihayan sa atin sa tuwing
binabasa natin ang mga ito.

Nobela:

      Ang nobela ay isang mahabang likhang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayaring pinagkabit kabit sa
pamamagitan ng isang mahusay na balangkas na ang pangunahing layunin ay maipalabas ang hangarin ng kapwa bida at
katunggali nito sa isang malikhaing pagsasalaysay ng mga kawi kawil na pangyayari ayon sa pagkakasunod sunod at
pagkakaugnay ugnay nito. Ang bawat pangyayari ay may mahalagang papel na ginagampanan sa kabuuan ng nobela.  

Mga Katangian ng Nobela:


 malinaw at maayos ang pagkakasulat ng mga tagpo at kaisipan
 pumupuna sa lahat ng aspeto ng buhay
 malikhain at maguni - guni ang paglalahad
 pumupukaw sa damdamin ng mambabasa at kawili-wili
 isinasaalang - alang ang kaasalan
 maraming ligaw na tagpo at kaganapan
 ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari
 malinis at maayos ang pagkakasulat
 kaaya - aya
 maraming magagandang tagpo kung saan higit na nakikilala ang mga tauhan

Mga Uri ng Nobela:

Ang nobela ng kasaysayan ay uri ng nobela na nagbibigay - buhay sa mga nakalipas na pangyayari o mga nakalipas na.

Ang nobela ng pagbabago ay uri ng nobela na nagbibigay - diin sa mga pangyayaring nakapagpabago ng ating buhay at
sistema.
Ang nobela ng pag - ibig o romansa ay uri ng nobela na pumapaksa sa pag - ibig maging ito man ay pag - ibig sa Diyos, sa
bayan, at sa kapwa.

Ang nobela ng pangyayari ay uri ng nobela na nagbibigay - diin sa mga pangyayari sa nobela.

Ang nobelang panlipunan ay uri ng nobela na tumatalakay sa pang araw araw na buhay ng tao at ng mga taong nasa
paligid niya.

Ang nobela ng tauhan ay uri ng nobela na ang mga pangyayari ay umiikot sa pangunahing tauhan at iba pang tauhang may
kinalaman sa kanya.

Mga Bahagi ng Nobela:

Ang banghay ay ang pagkakasunod - sunod ng mga pangyayari sa nobela.

Ang damdamin ay ang nagbibigay - kulay sa mga pangyayari sa nobela.

Ang pamamaraan ay tumutukoy sa istilo ng pagkakasulat ng nobela.

Ang pananalita ay ang dayalogong ginamit sa nobela.

Ang pananaw ay ang panauhan na ginamit sa nobela. Ito ay may tatlong uri: una, ikalawa, at ikatlo. Ang unang
panauhan ay ginagamit kapag ang may - akda ay kabilang sa nobelang kanyang isinulat. Ang ikalawang panuhan ay
ginagamit kapag ang may - akda ang nakikipag - usap o ang nagsasalita sa nobela. Ang ikatlong panauhan ay batay sa
nakikita o obserbasyon ng may - akda.

Ang simbolismo ay ang nagbibigay ng mas malalim na pakahulugan sa tao, bagay, at pangyayari sa nobela.

Ang tagpuan ay ang lugar at panahon na pinanangyarihan  ng nobela.

Ang tauhan ay ang nagpapagalaw at nagbibigay - buhay sa nobela.

Ang tema ay ang paksang - diwa na binibigyang - diin sa nobela.

Mga Layunin ng Nobela:


 Gisingin ang diwa at damdamin ng mga mambabasa.
 Tawagin ang talino ng guni - guni.
 Magbigay - aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan.
 Magsilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan.
 Magbigay inspirasyon sa mga mambabasa.
 Pukawin ang kaalaman ng mga tao sa pagsulat ng nobela.

Mga Halimbawa ng Nobela:


 Gapo ni Lualhati Bautista
 Titser ni Liwayway A. Arceo
 El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal
 Ang Huling Timawa ni Servando delos Angeles
 Pusong Walang Pag - ibig ni Roman Reyes

III. Gawain
Gawain 1: Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Ilagay ang sagot sa nakalaang patlang bago ang bilang.
___________________________1. Ito ay ang pagkakasunod - sunod ng mga pangyayari sa nobela.

___________________________2. Ito ay ang nagbibigay - kulay sa mga pangyayari sa nobela.

___________________________3. Ito ay tumutukoy sa istilo ng pagkakasulat ng nobela.

___________________________4. Ito ay ang dayalogong ginamit sa nobela.

___________________________5. Ito ay uri ng nobela na nagbibigay - buhay sa mga nakalipas na pangyayari o mga
nakalipas na.

___________________________6. Ito ay uri ng nobela na nagbibigay - diin sa mga pangyayaring nakapagpabago ng ating
buhay at sistema.

___________________________7. Ito ay uri ng nobela na pumapaksa sa pag - ibig maging ito man ay pag - ibig sa Diyos,
sa bayan, at sa kapwa.

___________________________8. Ito ay ang nagbibigay ng mas malalim na pakahulugan sa tao, bagay, at pangyayari sa
nobela.

___________________________9. Iyo ay ang lugar at panahon na pinanangyarihan  ng nobela.

___________________________10. Ito ay ang nagpapagalaw at nagbibigay - buhay sa nobela.

IV. Pagtatasa

Gawain 2: Panuto: Nakagagawa ng poster ng slogan patungkol sa naging kasaysayan ng nobela sa Pilipinas. Iguhit ang
poster slogan sa puting kartolina at kulayan ito. Naririto ang sukatan sa pag-iskor ng ginawang poster-slogan.
Holistic rubric
DESKRIPSYON PUNTOS
1. May kaugnayan sa paksa, malinis ang 20
pagkakagawa, maganda ang kulay at maganda
ang slogan
2. May kaugnayan sa paksa, malinis ang 15
pagkakagawa, hindi masyadong maganda ang
kulay, maganda ang slogan
3. Malayo ang kaugnayan sa paksa, malinis ang 10
pagkakagawa, hindi maganda ang
pagkakakulay, maganda ang slogan

V. Sanggunian
brainly.ph/question/2093231

Inihanda ni:

MAR R. MOTAS

College of Teacher Education


First Semester, A.Y. 2020-2021
MODYUL 9
Nobela sa panahon ng kastila, amerikano at hapon
Tatlong Maria ni Jose Esperanza Cruz

Panimula

Ang modyul na ito ay patungkol sa pag-aaral ng mga nobela sa panahong bago dumating ang mga kastila,
panahon ng kastila, panahon ng amerikano at hapon. Tatalakayina ng naging ebolusyon ng nobela sa mga panahong ito
hanggang sa kasalukuyang panahon. Ihahalintulad ang kanya-kanya pagkakaiba at pagkakatulad. Bibigyang-halaga ang
mga nobelang nailimbag sa panahong ito na patuloy na isinasabuhay hanggang sa kasalukuyan.

Araw at Oras

I. Layunin

Pagkatapos aralin at unawain ang mga nilalaman ng modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang mga nobela sa panahon ng kastila, hapon at amerikano,
2. Nakikilala ang dulang “Tatlong Maria” ni Jose Esperanza Cruz
3. Nasusuri ang dulang “Tatlong Maria” ni Jose Esperanza Cruz

II. Lektyur

Sa pangkalahatan, ang Nobelang Pilipino o Nobela sa Pilipinas ay ang mga nobelang nalimbag sa Pilipinas na inakdaan ng


mga may-akdang Pilipino tungkol sa mga Pilipino at sa Pilipinas. Maaari itong nasusulat sa wikang Tagalog, wikang
Pilipino, o wikang Filipino, iba pang mga wika sa Pilipinas, at mga wikang dayuhan na katulad ng Ingles at Kastila.
Panahon ng Kastila
Ang Commission Permanente de Censura ang sumusuri ng mga akdang pampanitikan na nilalathala upang siguraduhin na
walang ano mang paglaban sa pamahalaang Kastila.
Mga uri ng nobela sa panahon ng Kastila:

 Nobelang panrelihiyon - nagbibigay diin sa kabutihang-asal


 Nobelang mapaghimagsik - nagbibigay diin sa kalayaan, reporma, pagbabago, at diwang nasyonalismo

Halimbawa ng Nobela noong panahon ng Kastila:

 Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal na tungkol sa paghihimagsik


 Doctrina Christiana (1593) ni Padre Juan de Placencia at Padre Domingo Nieva na tungkol sa relihiyon
 Urbana at Felisa ni Padre Modesto de Castro na tungkol sa kagandahang-asal at relihiyon
 Barlaan at Josaphat (1703) ni Padre Antonio de Borja na tungkol sa relihiyon
 Ninay ni Pedro Paterno (unang nobela)
 Ang Bandido sa Pilipinas ni Graciano Lopez-Jaena noong panahon ng propaganda na tungkol sa paghihimagsik at
pag – aaklas

Panahon ng Amerikano
Nahahati sa tatlong panahon ang kasaysayan ng nobela noong panahon ng Amerikano, ang Panahon ng AklatanBayan
(1900–1921), Panahon ng Ilaw at Panitik (1922–1934) at Panahon ng Malasariling Pamahalaan (1934–1942). Noong
Panahon ng Akalatan, naging maunlad ang nobela na tumatalakay sa mga paksain tungkol sa pag-ibig, paghihimagsik,
buhay lalawigan at karanasan. Inilalathala sa mga pahayagan ang mga nobela na payugtu-yugto o hinahati sa parte ang
nobela sa mga kabanata. Si Lope K. Santos, ama ng Balarilang Tagalog ang nagsimula ng ganitong paglalathala.
Halimbawa ng mga pahayagan:

 Ang Kapatid ng Bayan


 Muling Pagsilang
 Ang Kaliwanagan
Halimbawa ng nobela na nilathala sa pahayagan:

 Salawahang Pag-ibig ni Lope K. Santos


 Unang Bulaklak ni Valeriano Hernandez Peña na nilathala sa Ang Kaliwanagan
 Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez Peña na nilathala sa Ang Kapatid ng Bayan
 Mag-inang Mahirap ni Valeriano Hernandez Peña na nilathala sa Muling Pagsilang
 Sampaguitang Walang Bango (1918) ni Inigo Ed Regalado

Noong Panahon ng Ilaw at Panitik, hindi naging maunlad ang nobela at nahalina ang mga nobelista na
sumulat tula at maikling kuwento.
Halimbawa ng nobela sa pahanon na ito:

 Mutyang Itinapon ni Rosalia Aguinaldo


 Magmamani ni Teofilo Sanco

Noong panahon ng Malasariling Pamahalaan, bumaba ang urin ng nobela dahil sa pagkakahilig ng mga tao sa mga tula at
maikling kuwento at pagbabago ng panahon.

Panahon ng Hapon

1. Noong Panahon ng Hapon, hindi rin naging maunlad ang nobela dahil sa kakulangan sa materyales (papel) at
niliitan ang mga letra (sa Liwayway)

Halimbawa ng nobela sa panahong ito:

 Tatlong Maria - Jose Esperanza Cruz


 Sa Lundo ng Pangarap - Gervacio Santiago
 Lumubog ang Bitwin - Isidro Castillo
 Sa Pula, Sa Puti - Francisco Soc Rodrigo

Panahon ng Hapon
Noong Panahon ng Hapon, hindi rin naging maunlad ang nobela dahil sa kakulangan sa materyales (papel) at niliitan ang
mga letra
Halimbawa ng nobela sa panahong ito:
 Tatlong Maria - Jose Esperanza Cruz
 Sa Lundo ng Pangarap - Gervacio Santiago
 Lumubog ang Bitwin - Isidro Castillo
 Sa Pula, Sa Puti - Francisco Soc Rodrigo

JOSE ESPERANZA CRUZ


Kung sa radio drama ay may manunulat na nakilalang Jose Miranda Cruz,  sa komiks ay meron namang Jose Esperanza
Cruz na taga Baliuag, Bulacan. Isa siya sa ilang Bulakenyong natalaga bilang Editor in Chief  sa Liwayway Magazine. Ang
iba pa ay sina Catalino V. Flores (Pulilan) Jose Domingo Karasig (Malolos) at Bienvenido A. Ramos na hinawakan din ang
posisyong ito. Marami ring naging ambag na obra si Jose Esperanza Cruz sa panahon ng kanyang pagiging aktibong
manunulat sa panitikan at komiks. Karamihan dito ay nalathala sa Liwayway Magazine. Isa sa nobelang sinulat niya ang
“Villa Soliman” at co-author niya sa nobelang ito si Amado Yasona. Ilan sa mga nobela ni Jose Esperanza Cruz na naisalin
sa pelikula ay ang “Taong Demonyo” (1937), “Tatlong Maria” (1944) at ang “Siyam na Langit” (1962). Sa mga nabanggit
ang Tatlong Maria ang pinaka-memorable. 
Noong panahon nang Japanese occupation sa Pilipinas, nahinto pansamantala ang paggawa ng pelikula sa bansa. May
mga Japanese film na ini-introduced ang mga Hapon pero hindi ito tinangkilik ng mga Filipino. Dito nagsimulang mag-hire
ang Japanese propaganda office ng ilang local filmmakers para gumawa ng pelikulang magpo-promote sa Filipino-
Japanese friendship. Ang nobelang sinulat ni Jose Esperanza Cruz at serialized na lumalabas sa Liwayway Magazine ang
isa sa napiling isa-pelikula kung saan ang sumulat ng screenplay nito ay si Tsutomu Sawamura.  Sina Carmen Rosales,
Norma Blancaflor at Liwayway Arceo ang gumanap sa title role, katambal ang mga actor na sina Fernando Poe, Jose
Padilla Jr., at Ely Ramos. This was produced by Toho films and directed by Gerardo de Leon. This film was distributed by
Eiga Haikyusa. However, this was not a propaganda film, but a romance story of three sisters.  Isinalin din sa English
language ang nobelang Tatlong Maria ng Hapones na si Kin-Ichi Ishikawa. 

III. Gawain
Gawain 1: Panuto: Gumawa ng isang Timeline art patungkol sa ebolusyon ng nobela mula sa panahon ng kastila, hapon at
amerikano. Iguhit ito sa malinis na kartolina. Lagyan ang deskripsyon ng bawat panahon at mga larawan.

IV. Pagtatasa
Gawain 2: Panuto: Suriin ang nobelang “Tatlong Maria” ni Jose Esperanza Cruz. Ilagay ang kabisaan ng nobela, mga
tauhan, tagpuan, ang buod ang gintong-aral na mapupulot sa nobela. Isulat ang iyong pagsusuri sa malinis na papel

V. Sanggunian

Inihanda ni:

MAR R. MOTAS
College of Teacher Education
First Semester, A.Y. 2020-2021
MODYUL 10

Nobela sa panahon ng Republika


Mga ibong mandaragit
Luha ng buwaya ni Amado Hernandez

Panimula

Ang modyul na ito ay patungkol sa pag-aaral ng mga nobela sa panahon ng republika. Ipinaliliwanag dito ang mga
nobelang namayagpag sa panahon ng republika na patuloy na pinag-aaralan at isinasabuhay sa kasalukuyan. Ang
dalawang nobelang Mga Ibong Mandaragit at Luha ng Buwaya na isinulat ng batikang manunulat na si Amado V.
Hernandez na tinagurian ding “Ama ng Manggagawa” ay nagpasiklab sa puso ng mga Pilipino sa pagtataguyod ng ganap
na kalayaan sa lipunan sa buhay na ito. Ang mga akda niya ay sumasalamin sa pang-aapi ng mga taong nakatataas na
marapat lamang na masupil. Ihahalintulad ang mga nobelang ito sa mga pangyayari sa kasalukuyan at ang sakit ngayon ng
lipunan.

Araw at Oras

I. Layunin

Pagkatapos aralin at unawain ang mga nilalaman ng modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang mga nobela sa panahon ng republika
2. Nasusuri ang dulang “Mga Ibong Mandaragit” ni Amado Hernandez
3.Nasusuri ang dulang”Luha ng Buwaya” ni Amado Hernandez

II. Lektyur

Panahon ng Republika (1946–1972)


Noong panahon ng Ikatlong Repulika ng Pilipinas, walang pagbabago sa sistema ng pagsulat ng nobela at naging
tradisyunal. Tumatalakay ng mga paksain tungkol sa nasyonalismo, isyung panlipunan at naglalayong mang-
aliw ng mambabasa.
Halimbawa ng nobela sa panahon na ito

 Sa Mga Kuko ng Liwanag - Edgardo Reyes


 Binhi at Bunga - Lazaro Francisco
 Dekada 70 - Lualhati Bautista
 Luha ng Buwaya - Amado V. Hernandez
 Mga Ibong Mandaragit - Amado V. Hernandez
 Daluyong - Lazaro Francisco

Bagong Lipunan (1972-kasalukuyan)


Noong panahon ng batas militar hanggang kasalukuyan, tumatalakay ang mga nobela ng mga paksain tungkol sa reporma,
pag-ibig, ugaling Pilipino, pamilya, pangaraw-araw na pamumuhay. Nagbalik ang nobela sa romantisismo na nailalathala sa
Liwayway at nasa pamantayang pangkalakalan (commercial).
Halimbawa ng nobela sa panahong ito:

 Ginto ang Kayumangging Lupa - Dominador Mirasol


 Maling Pook, Maling Panahon, Dito, Ngayon  - Lualhati Bautista

Mga nobela sa Pilipinas


Mga kinathang nobela ng mga Pilipinong manunulat:
 Banaag at Sikat (1906) ni Lope K. Santos
 Kanal dela Reina ni Liwayway Arceo
 Kangkong 1896 ni Ceres Alabado
 Bata, Bata...Pa'no Ka Ginawa? (dekada 1980) ni Lualhati Bautista
 Nena at Neneng niValeriano Hernandez Peña
 Gapô (dekada 1980) ni Lualhati Bautista
 Mag-anak na Cruz ni Liwayway Arceo
 Titser ni Liwayway Arceo

Mga Ibong Mandaragit or Mga Ibong Mandaragit: Nobelang Sosyo-Politikal (Birds of Prey: Sosyo-Politikal


Novel) ay isang nobelang isinulat ng isang Pilipinong manunulat at aktibistang si Amado V. Hernandez noon 1969.
Isa itong obra maestro nan a napokus sa neocolonial na pamamalakad at pag-aalsa sa Pilipinas. Ang nobela ay
pumapatungkol sa naging buhay ng may-akda bilang isang guerilla noong panahong sinakop ng mga hapones ang
bansang Pilipinas mula 1942-1945.

BUOD NG MGA IBONG MANDARAGIT (1969)


Amando V. Hernandez
Si Andoy ay alila sa bahay ni Don Segundo Montero. Ipinapiit si Andoy ng Don sa Hapones sa suplong na isa siyang
gerilya. Nakatakas si Andoy at sumama siya sa mga gerilya. Natulog siya sa bahay ni Tata Matias sa kabundukan. Si Tata
matias ang nagturo kay Andoy sa panig ng dagat pasipiko na pinagtapunan ni pari Florentino sa kayamanan ni Simoun.
Nasisid ni Andoy ang kayamanan ni Simoun sa tulong ng dalawa pang mga gerilya, sina Karyo at Martin. Si Karyo ay
namatay nang makagat ng pating. Tinangka ni Martin na patayin si Andoy upang masolo ang kayamanan ngunit siya ang
napatay ni Andoy. Nataga ni Martin sa pisngi si Andoy at ang pilat na ito ang nagtago sa tunay niyang pagkatao. Siya ay
nagpabalatkayong si Mando Plaridel.
Ipinasiya ni Mando na magtatag ng isang pahayagan, ang kampilan. Ang kaibigan niyang si Magat ang siyang namahala sa
pahayagan. Bumili ng bahay sa Maynila si Mando at dito na nanirahang kasama si Tata Matias upang lubos na
mapangalagaan ang Kampilan. Dahilan sa kulang siya sa karunungan, naisipan ni Mandong maglibot sa daigdig at
magpakadalubhasa sa karunungan. Bago umalis, kinausap ni Mando si Tata Pastor na amain niya at ang pinsan niyang si
Puri. Walang kamalay-malay ang dalawa na siya ay si Andoy. Sinabi ni Mando na siya ay tutungo sa ibang bansa ngunit
lagi siyang susulat sa mga ito.
Sa Paris nakatagpo ni Mando si Dolly Montero, anak nina Donya Julia at Don Segundo na mga Dati niyang amo noong
panahon ng Hapon. Nagkalapit sila ni Dolly nang ipagtanggol niya ito sa isang dayuhang nagtangkang halayin ang dalaga.
Napaibig ni Mando si Dolly at nagpatuloy siya sa Amerika. Pagkagaling sa Amerika, umuwi si Mando sa Maynila.
Nasa Pilipinas na rin si Dolly at minsan ay inanyayahan nito si Mando na dumalo sa isa nilang handaan. Ipinakikilala ni
Dolly sa mga panauhin si Mando na isa sa mga iyon ay ang Presidente. Nagkaroon ng masasakit na komentaryo ukol Sa
kampilan at sinabi ni Mando na ang pahagayan niya ay nagsabi lamang ng pawang katotohanan. Pinaratangan ng mga
naroon na laban sa administrasyon ang Kampilan.
Nalaman ni Mando na hindi na Si Tata Pastor ang katiwala ni Don Segundo. Ang mga magsasaka ay lalong naghirap.
Isang Kapitan Pugot ang ipinalit ng Don kay Tata Pastor.
Nagdaos ng isang pulong ang mga magsasaka sa asyenda. Naging tagapagsalita pa si Mando, Si Tata Pastor at si
Senador Maliwanag. Tapos na ang pulong at nasa Maynila na si Mando nang masunog ang asyenda. Pinagbibintangan
ang mga magsasaka at kabilang si Tata Pastor at nahuli at binintangan lider ng mga magsasaka. Lumuwas si Puri at
ipinaalam kay Mando ang nangyari. Ginawa naman ni Mando ang kanyang makakaya at nakalaya ang mga nabilanggo.
Samantala si Puri ay hindi na pinabalik ni Mando sa lalawigan. Itinira niya sa isang dormitoryo ang dalaga at pinagpag-aral
ito ng political Science sa U.P.
Minsan ay dinalaw ni Mando si Puri sa tinitirahan. Noon tinanggap ni Puri ang pag-ibig sa Mando. Sa wakas ipinagtapat ni
Mando kina Tata Pastor at Puri na siya si Andoy na malayong kamag-anak. Hiniling niya kay Tata Pastor at Puri na siya si
Andoy na malayong kamag-anak. Hiniling niya kay Tata Pastor na makasal sila ni Puri.
Minsan ay dumalo si Mando sa isang komperensiya para sa mga patnugot ng mga pahayagan . Nalaman ni Dolly na
naroon siya kaya inanyayahan sa kanilang bahay. Nakilala ni Don Segundo si Mando at nagkapalitan sila ng masasakit na
salita. Dito ipinagtapat ni Mando sa siya ay si Andoy na dating alila roon . Noong una ay ayaw maniwala ni Dolly ngunit
nang ulitin iyon ni Mando ay buong hinagpis na tumangis si Dolly.
Sa tulong ng pahayagang Kampilan at ng himpilan ng radyong ipinatayo ni Mando, patuloy na tinuligsa ni Mando ang mga
masasamang pinuno ng pamahalaan. Nalaman ni Mando na si don Segundo pala ay puno ng mga smugglers. Hindi nagtigil
si Mando hanggang sa maipabilanggo niya si Don Segundo.
LUHA NG BUWAYA
Amado V. Hernandez
Ang Luha ng Buwaya ay isang nobelang isinulat ng Pilipinong si Amado V. Hernandez. Mayroon itong 53 mga kabanata, at
tungkol sa mga mahihirap na mga magsasaka na nagbuklud-buklod laban sa kagahamanan ng pamilya Grande.
Nobela ng pambansang alagad ng sining Amado V. Hernandez, ang Luha ng Buwaya (1962) ay tumatalakay sa
ginagawang panggigipit ng maykayang pamilya sa mga maralita at kung paano nagkaisa ang nasabing mga dukha upang
lutasin ang kanilang problema.
Inilahad sa nobela ang sistemang piyudal na kinakatawan nina Donya Leona at Don Severo Grande, na nag-aari ng
malalawak na lupain sa Sampilong. Ginamit ng mag-asawa ang kanilang salapi, impluwensiya, at kapangyarihan upang
paikutin at bulukin ang mga institusyong gaya ng hukuman, simbahan, at pamahalaan nang mapanatili ang kanilang
interes. Kalaban ng mag-asawa ang pangkat ng mga dukhang mula sa pook-maralita, na pinamumunuan ni Bandong. Si
Bandong ay isang guro na naging gabay ng mga tao sa makatwirang pagkilos laban sa mga pamamalakad ng mag-
asawang Grande. Nagbuo ng kooperatiba ang mga dukha sa pagnanais na makaraos sa kahirapan. Tumindi ang
tunggalian sa kuwento nang ipakulong si Bandong gayong wala naman siyang kasalanan, at sa halip ay naghasik ng lagim
ang mga tauhan ng mag-asawang Grande. Sa dakong huli ng nobela'y matutuklasan na ang lupaing kinatitirikan ng mga
bahay ng mga dukha ay hindi pag-aari ng mag-asawang Grande. Mauunawaan din sa wakas ng mga tao na sama-sama
lamang na pagkilos nila mababago ang bulok na sistemang piyudal sa lipunan.
Ang "luha ng buwaya" ay bulaklak ng dila na nangangahulugang "mapagbalatkayo" o "pagkukunwari."

III. Gawain
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na nobela at ibuod ang mga ito. Ilagay sa malinis na papel ang kanilang mga buod.

 Banaag at Sikat (1906) ni Lope K. Santos


 Kanal dela Reina ni Liwayway Arceo
 Kangkong 1896 ni Ceres Alabado
 Bata, Bata...Pa'no Ka Ginawa? (dekada 1980) ni Lualhati Bautista
 Nena at Neneng niValeriano Hernandez Peña
 Gapô (dekada 1980) ni Lualhati Bautista
 Mag-anak na Cruz ni Liwayway Arceo
 Titser ni Liwayway Arceo

IV. Pagtatasa
Gawain 2: Panuto: Suriin ang nobelang “Luha ng Buwaya” at “Ibong mandaragit” ni Amado V. Hernandez. Ilagay ang
kabisaan ng nobela, mga tauhan, tagpuan, ang buod ang gintong-aral na mapupulot sa nobela. Isulat ang iyong pagsusuri
sa malinis na papel

V. Sanggunian

Inihanda ni:

MAR R. MOTAS

You might also like