Professional Documents
Culture Documents
NICK JOAQUIN
Si Nicomedes Márquez Joaquín, na kinikilala ng karamihan bilang Nick Joaquin, ay isang
Pilipinong manunulat, mananalaysay ng kasaysayan at mamamahayag at kilala sa pagsusulat ng
mga maikling kuwento at nobela sa wikang Inggles pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Dahil sa maraming karanasan noong panahon ng digmaan, ang paksa ng kanyang
mga tula ay iba-iba ukol sa makatotohanan at buhay na buhay kaya malapit sa karanasan ng
mga mambabasa. Kinikilala rin siyang Quijano de Manila bilang pangalang-panulat. Siya ay
ipinalalagay na isang higante sa larangan ng pagsusulat. Ang wika ng kanyang panulat ay
malambing at masining
1
Almanac for Manileños (Almanak para sa mga Taga-Maynila)
Cave and Shadows (Ang Yungib at mga Anino) (1983)
The Quartet of the Tiger Moon: Scenes from the People Power Apocalypse (Ang Apatang
Pangkat ng Tigreng Buwan: Mga Tagpo ng Apokalipsis ng Lakas Sambayanan) (1986)
Collected Verse (Nilikom na Panulaan (1987)
BIENVENIDO LUMBERA
Si Bienvenido Lumbera ay isang makata, tagapuna, dramatista, at iskolar ng Pilipinas na may maraming
napanalunan. Siya ay Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas at nakatanggap ng Gawad Ramon
Magsaysay para sa Pamamahayag, Panitikan at Malikhaing Komunikasyon. Nanalo siya ng maraming
gawad pampanitikan, kabilang ang mga Pambansang Gawad sa Aklat mula sa Pambansang Pundasyon sa
Aklat, at ang Gawad Pang-alaala kay Don Carlos Palanca para sa Panitikan.
Tula
Punang pampanitikan
Mga aklat-batayan
Paghahanda sa Pagtuturo
Panitikan ng Pilipinas: Isang Kasaysayan at Antolohiya
Muling Pagtutuklas: Mga Sanaysay sa Buhay at Kulturang Pilipino
2
Pagsusulat ng mga Pilipino: Panitikang Pilipino mula sa mga Rehiyon
Paano Magbasa ng Panitikang Filipino: Mga Babasahing Pangkolehiyo
Mga libreto
Kuwento ng Manuvu
Rama, Hari
Nasa Puso ang Amerika
Bayani
Noli Me Tangere
Hibik at Himagsik Nina Victoria aktaw
LOPE K. SANTOS
Si Lope K. Santos (Setyembre 25, 1879 – Mayo 1, 1963) ay isang tanyag na manunulat sa wikang Tagalog
noong kaniyang kapanahunan, sa simula ng ika-1900 dantaon.[1] Bukod sa pagiging manunulat, isa rin
siyang abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing na "Ama ng Pambansang Wika at Balarila" ng
Pilipinas.
Sa Larangan ng Panitikan
Ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig, Rizal - bilang Lope C. Santos - sa mag-asawang Ladislao Santos at
Victoria Canseco, na kapwa mga katutubo sa Rizal. Ngunit mas inibig na gamitin ni Santos ang titik na K
bilang kapalit ng C para sa kaniyang panggitnang pangalan, upang maipakita ang pagiging makabayan.
Nakamit niya ang pagkakaroon ng kadalubhasaan sa sining mula sa Colegio Filipino (Kolehiyo Pilipino),
matapos na makapag-aral sa Escuela Normal Superior de Maestros (Mataas na Paaralang Normal para sa
mga Guro) at sa Escuela de Derecho (Paaralan ng Batas). Naging dalubhasa siya sa larangan ng dupluhan,
isang paligsahan ng mga manunula na maihahambing sa larangan ng balagtasan. Noong 1900, nagsimula
siyang maglingkod bilang patnugot para sa mga lathalaing nasa wikang Tagalog, katulad ng Muling
Pagsilang at Sampaguita. Siya ang tagapagtatag ng babasahing Sampaguita. Sa pamamagitan ni Manuel
L. Quezon, naging punong-tagapangasiwa si Santos ng Surian ng Wikang Pambansa. [4] Kabilang sa mga
katawagang nagbibigay parangal kay Santos ang pagiging Paham ng Wika, Ama ng Balarilang Pilipino,
Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit mas kilala rin siya sa karaniwang palayaw na Mang Openg.
Mga gawa
3
Si Francisco Baltazar (Abril 2, 1788—Pebrero 20, 1862), mas kilala bilang Francisco Balagtas, ay
tinuturing bilang isa sa mga magagaling na Pilipinong manunula. Florante at Laura ang kanyang
pinakakilalang obra maestra.
Natuto siyang sumulat at bumigkas ng tula dahil kay Jose dela Cruz (Huseng Sisiw) na kinikilalang
pinakabantog na makata sa Tondo. Si Jose dela Cruz ay nagsilbing hamon kay Kiko para higit na
pagbutihin ang pagsulat ng tula. Anupa't kinalaunan ay higit na dinakila si Kikong sa larangan na
panulaan.
Taong 1835 nang manirahan si Kiko sa Pandacan, Maynila. Dito niya nakilala si Maria Asuncion Rivera.
Ang marilag na dalaga na nagsilbing inspirasyon ng makata. Siya ang tinawag na "Selya" at tinaguriang
M.A.R. ni Balagtas sa kanyang tulang Florante at Laura. Naging karibal niya si Mariano "Nanong" Capule
sa pagligaw kay Celia, isang taong ubod ng yaman at malakas sa pamahalaan. Dahil sa ginawa niya sa
pagligaw kay Celia, ipinakulong siya ni Nanong Capule para hindi na siya muling makita ni Celia. Habang
nasa kulungan siya, ipinakasal ni Nanong Capule si Selya kahit walang pag-ibig nadarama si Selya para
kay Nanong Capule. Doon sa kulungan, isinulat niya ang Florante at Laura para kay Selya. Noong 1838,
nakalaya na siya sa kulungan at pumunta na siya sa Udyong, Bataan. Doon, nagkaroon siya ng 11 anak
kay Juana Tiambeng.
Almanzor y Rosalina
Clara Belmori
Abdol y Miserena
Auredato y Astrone
Bayaseto at Dorsalica
Rodolfo at Rosamunda
Florante at Laura
Nudo Gordiano
Sa Pula sa Puti
Severino Reyes
Nagtapos siya ng Bachelor of Philosophy and Letters sa Unibersidad ng Santo Tomas. Kilala siya
bilang Ama ng Sarsuelang Tagalog. Sa kanyang pagsusulat ng mga kuwentong pambata, ginamit
niya ang sagisag na Lola Basyang.
Ang kanyang sarsuelang pinamagatang Walang Sugat na nasulat sa unang bahagi ng panahon ng
mga Amerikano ang itinuturing na kanyang obra maestro. Ito ay pumapaksa sa kapangyarihan
ng pag-ibig sa mga taong tunay na nagmamahalan.
4
Taong 1902 nang simulan niyang magsulat ng dula nang makita niyang ang Moro-moro at
komedyang itinatanghal ay walang buti at kapakinabangang idinudulot sa mga manunuod.
Sinikap ni Don Binoy (palayaw kay Severino Reyes) na mapaunlad ang dulang Tagalog. Naging
inspirasyon niya ang kanyang pagsisikap na patayin ang Moro-moro ang nakitang pagtanggap ng
mga manunuod ng sarsuela sa unang pagtatarighal ng sarsuelang Salamin ng Pag-ibig ni Roman
Reyes; Mga Karaniwang Ugali ni Ambrosio de Guzman; Damit ni San Dimas ni Roman Dimayuga;
Despues de Dios, El Dinero ni Hermogenes Ilagan. Dahil sa nakita ni Don Binoy na reaksiyon ng
mga manunuod sa pagtatanghal ng mga dulang nabanggit ay itinatag niya ang Gran Compana de
Zarsuela Tagala na siyang inaasahang magtataguyod sa pagtatanghalang mga sarsuela.
Pagkatapos nga ng pagtatanghal ng Walang Sugat ay sunud-sunod nang itinanghal ang Bagong
Fausto, Ang Kalupi, Ang Tatlong Bituin na sinundan pa ng iba. Naging dramaturgo ng dulang
Tagalog si Severino Reyes dahil sa pagbabagong bihis na ginawa niya sa dulang Tagalog. Nakuha
niyang palitan ng sarsuela ang Moro-moro na dating kinalokohan ng mga manunuod.
Akda
Walang Sugat
Huling Pati
Minda Mora
Mga Bihag ni Cupido
Mga Pusong Dakila
RIP isang sarsuelang sinulat ni Don Binoy upang tuyain ang Moro-moro sa pagkamatay nito.
Pascual H. Poblete
Si Pascual H. Poblete ay kinilalang mandudulang may maapoy na pagmamahal sa kalayaan ng
bayan. Ginamit niya ang kanyang panulat upang gisingin ang damdaming makabayan ng mga
Pilipino. Siya ay isinilang sa Naic, Cavite noong 17 Mayo 1858. Siya ay nagtapos ng Bachiller en
Artes sa Liceo de Manila.
Deogracias A. Rosario
Tondo, Maynila noong 17 October 1894. Inumpisahan niyang isulat noong 1915 ang Ang
Demokrasya. Noong 1917 naman niyang umpisahang isulat ang Taliba.
5
Naging Pangulo siya ng Samahang Ilaw at Panitik, Kalipunan ng mga Kuwentista at
Kalipunan ng mga Dalubhasa ng Akademya ng Wikang Tagalog. Siya ang kinilalang Ama
ng Maikling Kuwentong Tagalog. Ayon sa mga kritiko, siya ang nagbigay ng tiyak na anyo
sa maikling katha bilang isang uri ng kathang pampanitikan. Nakita sa kanyang mga akda
ang palatandaan ng paghihimagsik sa kinamulatang tradisyon ng maikling kuwento.
Karera
Naging manunulat siya ng "Ang Democracia" noong 1915 at nang kinalaunan ay
nagsulat din siya para sa Taliba, na naglulunsad ng buwanang patimpalak para sa
tula at maiikling kwento. Sa Taliba, tumaas ang kanyang posisyon bilang katulong ng
patnugot at sa huli, ay naging patnugot. Nagsulat din siya para sa Photo News,
Sampaguita at Lipang Kalabaw.
Kasama sina Cirio H. Panganiban, Amado V. Hernandez, Arsenio R. Afan at iba pa, si
Rosario ay isa sa mga pangunahing taga-ambag sa Liwayway.
Naging myembro rin si Rosario ng iba't ibang asosasyon ng mga manunulat. Kabilang
dito ay ang Kalipunan ng mga Kuwentista, Aklatang Bayan, Katipunan ng mga
Dalubhasa at ang Akademya ng Wikang Tagalog. Nagsilbi siya bilang pangulo ng Ilaw
at Panitik, na may mga prominenteng kasapi tulad nina T.E. Gener, Cirio H.
Panganiban, at Jose Corazon de Jesus.
Mga Ilang Akda
Dahil sa Pag-ibig
Ang Anak ng Kanyang Asawa
Ang Manika ni Takeo
Walang Panginoon
Dalawang Larawan
Ang Geisha
Bulaklak ng Inyong Panahon
Mga Rodolfo Valentino
Gumawa rin siya ng mga salin tulad ng:
Ang Puso ng Geisha
Ang Mapaghimagsik
Nagsulat din si Rosario ng mga titik sa Tagalog ng ilang mga awit na binuo nina Nicanor
Abelardo at Francisco Santiago. Kabilang sa mga kanta na ito ay ang “Mutya ng Pasig”,
“Dignity of Labor” (tagalog na bersyon), “Cancion Filipino”, “Sakali Man”, “Alma Mater
Commencement Exercise” at “The Piece of Night”.
6
Mga Gantimpala
Pinangalanan ni Teodoro A. Agoncillo ang kanyang akda na, “Mayroon Akong Isang
Ibon”, bilang isa sa pitong pinakamagandang maikling kwento na naisulat sa panahon ng
Amerikano, noong 1932. Isang taon matapos nito, siya ang idineklarang pinakamagaling
na manunulat ng maikling kwento para sa akda niyang “Aloha”.
Epifanio de los Santos
Isinilang siya sa bayan ng Malabon noong 7 Abril 1871. Kaisa-isang anak ng mayamang
hasyendero na si Escolastico de los Santos at Antonina Cristobal, isang kolehiyala na
mahusay tumugtog ng piyano at alpa. Pagkatapos tapusin ang kanyang mga unang taon
ng pagaaral sa ilalim ng isang pribadong guro na si Jose A. Flores, nagpatuloy siya ng
pag-aaral sa Ateneo de Manila. Maliban sa mga araling akademiko sa Ateneo, ay nag-
aral din siya ng musika at pagpipinta na nanguna sa mga gantimpala. Tinapos niya sa
Ateneo ang Bachiller en Artes ng may pinakamataas na parangal na summa cum laude
at pagkatapos ay kumuha ng Law sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nanguna siya sa
pagsusulit ng Ktt. Hukuman.
7
Isinilang si Hermogenes Hagan sa Bigaa, Bulacan. Nag-aral siya sa Ateneo de Manila.
Natuto siya ng musika sa kanyang ama na si Simplicio Ilagan, may-ari ng isang banda
ng musiko. Si Hermogenes Ilagan ang nagtatag ng Samahang Ilagan na nagtanghal ng
mga sarsuela sa iba't ibang lalawigan ng Luzon tulad ng Laguna, Bulacan, Nueva Ecija
at Tayabas (ngayon ay Quezon).
Mga sariling akda ni Ilagan ang itinanghal ng samahan gaya ng Dalawang Hangal,
Biyaya ng Pag-ibig, Despues de Dios, El Dinero, Dalagang Bukid at iba pa. Malaki ang
nagawa ni Ilagan upang ang sarsuela ay tanggapin ng madla at iwan ang panunood
ng Mora-moro.