You are on page 1of 9

Lagbo, Rechelle Ann P.

Dula at Nobela

BSED Filipino Sir Cabanez

Walang Sugat
Severino Reyes

a. Pinangyarihan ng Dula
 Sa panimula ng dula, ang tagpuan ay naganap sa bahay ni Julia na kung saan ay
naabutan ni Tenyong si Julia na nagbuburda ng panyo at lugar kung saan sila ay
nagsumpaan na silay ikakasal sa altar.
 Sa kuta ng mga katipunero na kung saan sumama si tenyong upang maghiganti
sa pagkamatay ng kanyang ama.
 Sa kulungan ang lugar kung saan pinagmamalupitan ng mga prayle ang mga
bilango kahit na mga nag-aagaw buhay. Dito namatay ang ama ni Tenyong
inaresto ito sakama ang ilang guardya sibil sa pag-aakalang sila ay nagrereblde.
 Sa simbahan sa araw ng kasal nina Julia at Miguel, bago mairaos ang
sesremonya, duamting si Lucas upang ibalita na nakita si Tenyong na nakaratay
at nag-aagaw-buhay. Dahil mukhang matutuluyan na nga si Tenyong pumayag na
rin si Miguel sa kakaibang kahilingan nito na makasal kay Julia. Nang matapos
ang seremonya ng kasal, ay biglang tumayo si Tenyong at ang lahat ay
napamanghang sumigaw ng “walang sugat!walang sugat!”.

b. Mga tauhan at Katangian

 Tenyong- isang lalaking mapagmahal sa kanyang kasintahan, pamilya, at sa


bayan
 Julia- ang babaeng pinakamamahal ni Tenyong
 Juana- ina ni Julia
 Lucas – kanang kamay at utusan ni Tenyong
 Miguel- ang lalaking ipinagkasundo kay Julia para pakasalan
 Tadeo ang ama ni Miguel na may lihim na pagtingin kay Juana
 Kapitan Inggo- ama ni Tenyong asawa ni Putin;namatay dahil sa kalupitan ng
mga kastila
 Kapitana Putin- ina ni Tenyong at asawa ni Inggo
 Marcelo- alkalde o punong bayan
 Heneral – malapit na kaibigan ni Tenyong
 Kura/prayle – ang paring nagkumpisal kay Tenyong. Mga sakim at mapagmalabis
 Medico –ang gumamot kay Tenyong
 Religioso 1 at Religioso 2- malulupit na prayle
 Monica – alila ni Julia

c. Pinapaksa ng Dula at mga Kahawig sa kasalukuyan

Pinapaksa ng dulang ito ay kawalan ng hustisyang tinatamasa ng mga Pilipino


noong panahon ng mga kastila, pagmamahalan sa gitna ng digmaan, sakripisyo,
pagkawalay, at kontradiksyon ng indibidwal sa pamilya.

d. Paglalarawan ng Dula sa Lipunan at Imahe sa nasa Pamahalaan

Ibinatay sa Panahon ng Rebolusyon ng 1896, ang dulang Walang sugat ay unang


naipalabas sa Teatro Libertad noong 1902. Tungkol ito sa kawalan ng hustisyang
tinatamasa ng mga Pilipino noong panahon ng mga Kastila.
Ito ay tumatalakay sa kalagayang panlipunan sa isang tiyak na panahon na
nagpapakita ng interaksyon ng pangunahing tauhan sa kanyang paligid sa lipunang
kanyang ginagalawan

e. Mensahe ng Dula
Nais ipabatid ng dulang ito ay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng paninindigan sa
iyong pasya o desisyon upang mahanap at ipaglaban ang hustisya. Gayundin ang
pagkakaroon ng paninindigan sa tunay na minamahal. Hahanap ng paraan upang sa huli
ay siya parin ay ang iyong makakatuluyan at makakasama habang buhay.

f. Buod ng Dula

Nagbuburda si Julia habang nakaharap kay Tenyong. Pagkatapos, biglang dumating ang
kaibigan nitong si Lucas. Nagbalita siya na nadakip ang kanyang ama.
Sabi niya napagkamalan itong tulisan. Napatay ang kanyang ama na si kapitan Inggo at
nais ni Tenyong na maghiganti kahit hindi ito gusto ng kasintahan na si Julia at kanyang
ina na si kapatana Puten.
Ngunit, ang dalawa ay walang nagawa. Nagkalayo sina Julia at Tenyong at dahil dito may
dumating naming mangliligaw si Julia, isang mayamang nagngangalang Miguel.
Sa paglaon ay itinakda ang kanilang kasal kaya si Julia ay nagpaalam na siya ay ikakasal
na. Ngunit, ang liham ay hindi na sagot ni Tenyong dahil biglang nagkaroon ng
labanan.ibinilin na lang ni Tenyong na dadalo siya sa araw ng kasal ni Julia. Inaka ni Julia
na patay na si Tenyong kaya labag man sa kanyang kalooban ay kailangan niyang
magpakasal kay Miguel. Sa araw na mismo ng kasal, dumating si Tenyong sa simbahan
na duguan na anyong mamamatay na. Pagkatapos nito ,pinatawag ang kura upang
makapangumppisal si Tenyong.

Ang huling kahilingan nito ay ikasal siiya kay Julia. Pumayag naman si Tadeo ang ama ni
Miguel at Juana ang ina ni Julia dahil mamamatay rin naman si Tenyong at makakasal
din ang kanyang anak. Subalit,bilang bumangon si Tenyong at nag sigawan ang lahat ng
“walang Sugat! Walang sugat” Nilinlang lang pala ni Tenyong ang lahat upang siya ay
makasal kay Julia.
Kahapon, Ngayon at Bukas
Aurelio Tolentino

a. Pinangyarihan ng Dula
 Sa isang bakuran na may saging at iba pang halaman
 Bahay ni haring bata
 Baranggay sa Pilipinas
 Gubat kung saan ang labanan
 Kahapon- armadong rebolusyon na pinamumunuan ni Tagailog
na pinalayas ni Haring bata
Ngayon- nabilanggo si Tagailog dahil ininsulto niya si Dilat na
Bulag ngunit nakaya niyang lumikas at may iniwan na bangkay
upang mapagkamalian bilang patay na Tagailog. Epektibo ito
upang upang lokohin ang kanyang mga kalaban at nakabuo
siya ng isang rebolusyon laban kay Matanglawin.
Bukas –dumating sa bagong sibol at si Malaynatin upang mag-
alok ng pagkakaibigan habang nakikidigma si Tagailog at ang
mga tauhan niya. Sa katotohanan mga taksil ang bagong
dating,gaya nila Haring Bata at Dilat na Bulag.

b. Mga Tauhan at Katangian

 Inang bayan (Pilipinas)


 Dilat na Bulag (Espanya)
 Bagong Sibol (Amerika)
 Masunurin (Babaeng Pilipina)
 Tagailog (Ang Katagalugan) kumakatawan sa Pilipinong
Rebolusyonaryo (rebeldeng tauhan
 Matanglawin (Gobyerno ng Kastila)
 MalayNatin ( Gobyerno ng Amerikano)
 AsalHayop ( Mapaglilong Tagalog)
 Dahumpalay ( Mapaglilong Tagalog)
 Haring Bata ( Haring Intsik)
 Halimaw ( Prayle)
 WalangTutol ( Lalaking Pilipino)
 Mga taong bayan, mga hukbong tagalog, hukbong intsik,
kapisanan ng Cruz Rjang babae, mga kawal na rebolusyonaryo,
mga batang lalaki’t babae, bandang musika ng Hukbong tagalog,
mga kaluluwa ng nangamatay sa labanan, ang Haring kamatayn,
Rehimiyemto ng Artiller, infanteria at ingeniena

c. Pinapaksa ng Dula
Ito ay isang protesta sa pamamalakad ng mga amerikano, isang
pagbabanta ng pag-aalsa, isang paghamon ng paglaban at ang tagumpay
sa huli ng mga manghihimagsik.

d. Paglalarawan ng Dula sa Lipunan


Ang dulang ito ay isinagawa laban sa mga bagong mananakop na
mga Amerikano. Ang dulang ito ay sumasalamin sa paghangad ng
kalayaan ng mga Pilipino. May isang pangyayari sa dula na kung saan
itinapon ang watawat ng amerika sa lupa at tinapak-tapakan hanggang
mapunit sabay sigaw ng ‘long live freedom! Long Live the Mother Land!”

e. Mensahe ng Dula
Ang kahapon, ngayon at bukas ay nagpapakita ng di pagsang-ayon ng
pagpapalawak ng kapangyarihan na pinamumunuan ng isang bansa sa
loob at labas ng kanyang teritoryo at naka-pokus ang tagumpay ni Inang
Bayan sa mga nangliliit sa kanya.
Ito ay isang protesta sa pamamalakad ng mga amerikano, isang
pagbabanta ng pag-aalsa, isang paghamon ng paglaban at ang tagumpay
sa huli ng mga manghihimagsik.

f. Buod ng Dula
Nasilaw sa kislap ng salapi ay isinuplong ni Asal hayop (Mapaglilong
Tagalog) ang kanyang inang bayan (Pilipinas) at ang kanyang kapatid na
si Tagailog (katagalugan). Napatay ni Tagailog si Haring Bata (haring
intsik). Pinarusahan ni Tagailog si Asal Hayop, sinunog siya upang
magsilbing halimbawa na hindi dapat pamarisan.
Dumating si Dilat na Bulag (Espanya). Kinaibigan niya sina Inang Bayan at
Tagailog. Sila’y nagsumpaan ng katapatan at bilang pagpapatibay sa
kanilang sumpaan ay ininom nila ang pinaghalong dugong nagbuhat sa
kanilang ugat.

Si Dahumpalaya (Mapaglilong Tagalog) ay nagtaksil at sa pakana niya


ay nasukol at napilit si tagalog. Si MatangLawin (Sakim at
mapagsamantalang Gobyerno ng kastila sa Pilipinas) ay sinulsulan pa ni
Dahumpalay na panatilihing nakagapos si Tagailog sa habang panahon.
Namulubi si Inang Bayan dahil sa pagmamahal sa anak.
Ipinagkaloob niya ang kanyang salapi kay MatangLawin upang
makalaya si Tagailog. Pinalaya ni Matanglawin si Tagilog ngunit siya
nagbabalak na naman ng masama. Huhulihin niyang muli si Tagailog
upang makahingi muli ng salapi kay Inang Bayan. Nalinlang ni Tagailog si
MatangLawin kaya hindi natupad ang masama niyang balak.

Naisadlak sa libingan ni Dilat na Bulag si Inang Bayan sa Tulong ni


Halimaw. Napabalitaan na pinamumunuan ng kaluluwa ni Tagilog ang
magsisipaghimagsik. Napagkasunduan nina Tagailog at Bagong Sibol
(Amerika) na pagtutulunagn nila si Dilat na Bulag. Lumabas sa libingan si
Inang Bayan. Inilibing nang buhay sina Dilat na Bulag,Matanglawin at
Halimaw sa libingang hinukay s autos ni Inang Bayan. Nagtagumpay sina
Tagailog at Bagong Sibol. Pinaalalahanan ni Inang Bayan si Bagong Sibol
na pakitunguhan silang mabuti sapagkat kapag silang magina ay inapi ni
Bagong Sibol ay makabubuti pang lahat sila’y lipunin nang minsanan.
Nayari ang bandila ni Inang Bayan. Ipinabatid ni tagailog kay Bagong
Sibol ang paghahangad ng kalayaan ni Inang Bayan.
Napangarap ni Bagong Sibol na hinabol niya si Inang Bayan dahil sa
kinuha niyon ang dala niyang agila at ipinukol sa isang maliit na batong
may elektrisidad. Lumubog sa libingan si Inang Bayan. Pinagbantaan si
Bagong Sibol ng mga kaluluwang nangaroon. Pinagbalaan ng kasawian ni
Kamatayan ni Bagong sibol kapag hindi niya pinalaya si Inang Bayan.

Dahil sa Anak
Julian Cruz Balmaceda
a. Pinangyarihan ng Dula
Ang ayos ng tanghalan ay loob ng isang bahay-mayaman. Mapagkikilalang ito’y bahay
sa una dahil sa mga kasangkapang gamit. Ipapalagayn din na ang namamahay ay may
ugaling kakahapunin, at mapaniwalain sa mg autos ng pananampalataya. Sa dakong
kaliwa ng nanonood ay naron ang silid ng may bahay. Sa dakong kanan ay may mga
bintanan, at sa dulong kanan ay isang pintong patungo sa isang panig ng looban ng
bahay. Pagkaangat ng tabing ay makikitang nagakaupo at nag-uusap ang mapinsalang si
Don Arkimedes at Don Cristobal
b. Tauhan at Katangian
a. Don Arkimedes- pinsan ni Don Cristobal na ama ni Manuel
b. Don Cristobal- pinsan ni Don Arkimedes
c. Manuel – anak ni Don Arkimedes
d. Rita- labandera at ang minamahal ni Manuel
e. Sidora- tiya ni Rita siya ang kumupkop sa kanya noong mamatay na ang kaniyang ina.
f. Tatlong batang lalaking sunod-sunod ang lalaki

c. Pinapaksa ng Dula
Ang dulang ito ay tungkol sa usaping Pamilya. Na kung saan ay labis ang pagtutol ng ama
na makatuluyan ang isang hinahamak nilang anak ng labandera.

d. Paglalarawan ng Dula sa Lipunan


Ang pangyayaring ibinubuhay ng dula ay mapapalagay na maaaring mangyari kahit saan
at kahit kalian sa panahong ito. Nakalulungkot lamang isipin na ang ibang tao ay
bumabase ayon sa estado ng buhay, ngunit sa kabilang banda may ilang pag—iisip parin
na ang nangingibaw na sundin ay kung ano ang tama at kung ang mas makabubuti.

e. Mensahe ng Dula
Ang pagmamalasakit, pag-aaruga at pagmamahal ng magulang ay hindi kailanman
mapapantayan ng anumang bagay sa mundo. Kahit nagkamali tayo ay patuloy parin nila
tayong tatanggapin dahil tayo’y mahal nila.

f. Buod ng Dula
Nabuntis ni Manuel si Rita na ang kanyang kasintahan na isa lamang anak ng isang
labandera. Kahit na si Rita ay nakapagtapos at may mabuting trabaho, hindi gusto ni
Don Arkimedes na magpakasal o magsama ang dalawa.
Si Manuel mas pinili niya na itakwil siya ng kanyang ama kaysa iwan niya ang kanyang
mahal na si Rita at ang kanilang magiging anak.
Nagkunwari siya o si Manuel na mas pipiliin niyang magpari kaysa pakasalan niya si Rita
at ito ay nalaman ng ama. Itoy nagalit dahil mapuputol na ang pangalan niya sa kanyang
anak na ligaw. Sa kalaunan ay pumayag din siyang magpakasal ang dalawa sa huli.

You might also like