You are on page 1of 10

WALANG SUGAT

Ni Severino Reyes
Severino Reyes
BUOD ng WALANG SUGAT
Magkasintahan sina Julia at Tenyong. Isang araw,
nabalitaan ni Tenyong na ang kaniyang ama na si Kapitan
Inggo ay dinakip ng Kastila. Ang matanda ay pinarusahan
hanggang sa mamatay. At ito ay dahil sa utos ng mga prayle.
Nagtatag si Tenyong ng isang hukbo. Sila’y naghahanda
noon sa pagsakay nang matanggap niya ang isang liham,
buhat kay Julia. Ito ay dala ni Lucas. Isinasaad sa sulat na ang
ina ni Tenyong , si Aling Putin ay binawian ng buhay noon ding
araw na umalis si Tenyong. Ang isa pang binalita ni Julia ay
ang nalalapit nilang kasal ni Miguel, anak ni Mang Tadeo. Si
Julia’y pinagkasundo kay Miguel. Humihingi ng tulong si
Julia kay Tenyong upang hindi matuloy ang kasal.
Naghinagpis si Tenyong nang dumating ang kanilang
heneral. Itinanong sa kanya ang dahulan ng kanilang
kalungkutan. Ipinagtapat ni Tenyong ang dalawang
kasawian niya sa buhay. Nahahabag na nakiramay
ang Heneral sa pagkamatay ng ina ng binate at
pinangakuan niya si Tenyong sa paglutas ng suliranin
nito kay Julia.
Inihanda na lahat para sa kasal nina Miguel at
Julia. Si Padre Teban ang magkakasal sa dalawa.
Sisimulan na ng pare ang seremonya ng walang anu-
ano’y pinasok ang sugatan at nag aagaw buhay na
si Tenyong, na sinasabing kasama ito ng Heneral,
hinihiling ng binata na bago siya mamatay ay
makasal muna siya kay Julia.
Sa simula ay ayaw pumayag ng ina ni Julia, ngunit siya ay
nagpaubaya rin, sapagka ilang sandal lamang ay malalgutan na
ng hininga si Tenyong.

Nang matapos ang kasal, ang heneral ay tumayo at nagsalita


ang Heneral.

“Magbangon ka, Kapitan Tenyong, ako’y nakatuapd na sa


aking pangako.
Nang makabangon si Tenyong, ang lahat ay nagsalita at
napasigaw sa kanilang nasaksihan. Napasigaw si Miguel ng
“Walang Sugat.

Nagsigawan ang lahat ng “Walang Sugat.”


Maraming Salamat!!

You might also like