You are on page 1of 17

DULA | PANAHON

NG OKUPASYON NG
MGA AMERIKANO
Inihanda nina;
Angelica Lumaban
Francisco Rivera
Bryan Rabe
Kaligirang Pangkasaysayan

Ang mga Pilipinong mapanghimagsik ay nagwagi


laban sa mga Kastila na sumakop sa atin nang higit
sa tatlong daang taon. Naiwagayway ang ating
bandila noong ika-12 ng Hunyo,tanda ng
pagkakaroon natin ng kalayaan.Nahirang si Hen.
Emilio Aguinaldo noong bilang unang pangulo ng
Republika ng Pilipinas, subalit ang kalagayang
ito’y naging panandalian lamang sapagkat biglang
lumusob ang mga Americano.
Patuloy na pumailanlang ang mga trma ng
nasyonalismo at pagmamahal sa bayan sa lahat
ng anyo ng akdang panliteratura sa panahon ng
pagdating ng mga Amerikano.

Sa dulang Pilipino higit na sumingaw and diwang


makabansa. Ang mga mandudulang Pilipino ay
nakaranas ng maaresto,mabilanggo at mabigyan ng
babala.

Ang mga anyo ng dula sa Panahon ng mga


Amerikano ay patungkol sa Sedisyoso o Dulang
Makabayan
Batas Sedisyon
 Hindi maaaring magsulat nang lantaran ni isang paraang
pahiwatig ng kahit na anong makapagpapaalab sa damdaming
makabayan laban sa mga Amerikano.
 Hindi sila maaaring magsula ng laban sa mga amerikano laban
sa kanilang pagmamalabis laban sa kanilang mga layunin na
hindi naman pawang sa kapakanang Pilipino.
Mga Dulang Naisulat
Noong Panahon Ng
Amerikano Ngunit
Pinatigil
Kahapon,Ngayon At Bukas
 Ito ay isinulat ni Aurelio Tolentino
 Mandudula,nobelista at orador sa wikang
Pampango,Espanyol at Tagalog bukod sa pagiging
katipunero.
 Kasama ni Tolention si Andres Bonifacio sa paghahanap ng
kanilang mga lihim na kuta sa kabundukan
 Bumuo siya ng samahan na JUNTA DE AMIGOS.
Mga Tauhan;
Kalayaan : ama ni Walangtutol.
Inangbayan : ang sumimbolo sa bayang Pilipinas. Dilat
na bulag : ang sumimbolo sa espanya.
Bagong Sibol : ang sumimbolo sa amerika.
Masunurin : ang babaeng pilipina.
Tagailog : bidang tauhan, na kumakatawan sa
Pilipinong rebolusyonaryo. (rebeldeng tauhan)
Matanglawin : ang gobyerno ng Espanya.
Malaynatin : ang gobyenor Ng Amerika.
Asalhayop : ang mapaglilong tagalog.
HaringBata : ang haring Intsik.
Walangtutol : ang Pilipinong pasibo, at anak ni Inang
Bayan.
Halimaw : ang Kastilang pari.
Ang kahapon ngayon at bukas ay nag-papakita di pagsang-ayon ng
pagpapalawak ng kapangyrihan na pinamumunuan ng isang bansa sa
loob at labas ng kanyang teritoryo at
Naka-pokus ang tagumpay ni InangBayan laban sa mga nangliliit sa
kanya. Kasma na dito si Asalhayop na nakipag-sabwatan kay Haringbata
upang ipagbigay alam na Sila Tagailog ay maybalak babakahin si
Haringbata. Ngunit ng siya ay pawing paalis na ay napigilan siya ni
Inangbayan at sinabing dakpin siya dahil ipinagbili ni Asalhayop ang
kanilang kalayaan. Sa kanilang narinig ay hinatulan nila si Asalhayop ng
kamatayan at nagpatuloy na sumalakay kay Haringbata. Nang sila'y
magsilusob ay mutikang mapatay ni haring bata si inag bayan kundi
dumating si tagailog at sinaksak siya; nabuwal at namatay si haringbata.
Nang namatay si haringbata ay may dumating sina Dilat na bulag at
matanglawin na nangnanais na silay iligtas sapgkat mayroong sakuna; di
lumaon sila'y na papayag at nag-sumpaan gamit ang kanilang dugo at
sabay nila itong ininom
Tanikalang Ginto
 Ito ay isinulat ni Juan Abad
 Isang matalinong manlilimbag mula sa Sampaloc,
Manila.Taong 1875 nang siya ay isilang.
 Ito ay tumatalakay sa usaping bayan at kalayaan
 Nag-umpisa ang dula sa isang monologo ng isa sa pangunahing tauhan
na si Liwanag. Si Liwanag ay nalilito sa kung ano ang gagawin :
pakasalan ang nag-iisang mahal na si K’ulayaw o ang pagtanaw ng utang
na loob sa kanyang amain na si Maimbot. Hindi nais ni Maimbot na
magpakasal si Liwanag kay K’ulayaw nais niyang makasama at
pagsilbihan siya ni Liwanag hanggang siya ay sumakabilang buhay
Inatasan niya si Nagtapon, ang kanyang alipin na bantayan at
pagbawalan ang pagkikita ng dalawa. Ginawa ni Maimbot ang lahat ng
kanyang makakaya upang hadlangan ang pag-iibigan ng dalawa.
Binigyan niya si Liwanag ng Tanikalang ginto at pinangakuan ng
marami pang kasaganahan sa buhay upang makuha ang hiling niyang
ampunin si Liwanag. Ang tanikalang ginto ang nagsilbing isang kontrata
na pinanghahawakan ni Maimbot kay Liwanag. Subalit nanaig ang
kagustuhan ni Liwanang na sumama at magpakasal kay K’ulayaw. Dahil
dito nauwi sa marahas na paraan ang pagpupumilit ni Maimbot. Sa
huli’y si Nagtapon din ang nakapatay sa sariling kapatid.
Walang Sugat
 Isinulat ni Severino Reyes
 Siya ay mas kilala sa katawagang “LOLA BASYANG”, ay itinuturing na Ama
ng Sarswela. Isa siyang mahusay na direktor at manunulat ng dula.
 Siya ang unang naging patnugot ng Liwayway.Sa edad na 41, siya’y
nagsimula na magsulat ng mga dula.
 Ang R.I.P ang una niyang naisulat na dula.
 Nagsimula ang Lola Basyang noong siya’y naging punong patnugot ng
liwayway.
 Naalala miya ang isang matandang babae na kapitbahay niya ng kaniyang kaibiga
sa Quiapo.Ang pangalan ng babae ay Gervacia Guzman de Zamora o mas kilalang
Tandang Basyang.
 Unang Yugto

 1. Nagburda ng mga panyolito si Julia. Darating si Teñong. Magkakayayaang
magpakasal ang dalawa.
 2. Darating si Lucas at ibabalitang dinakip ang ama ng binata. Magpapaalam ang
binata para sundan ang ama. Sasama si Julia at ang inang nitong si Juana.
 3. Maraming dumadalaw sa mga dinakip. Inaalipusta sila ng mga kura. Tinatawag
silang filibusterismo at mason. May hindi na makakain sa
dinanas na hirap. May namatay na.
 4. Naroon si Kapitana Puten, ang ina Teñong, na ibig Makita ang asawang
Kapitan Inggo bugbog na sa palo.
 5. Darating si Teñong. Hindi siya hahalik sa kamay ng kura. Kagagalitan ito ng ina.
Sinabi ng binatang “ang mga kamay na pumapatay sa kapwa ay hindi dapat
hagkan.”
 6. Isusumpa ni Teñong na papatay siya ng mga kura kapag namatay si Kap. Inggo
mamamatay nga ang matanda. Magyayaya si Teñong ng mga kasama na magsikuha ng
baril at gulok. Makikiusap si Julia na wag ituloy ni Teñong ang balak dahil nag-iisa na
ang ina ng binata. Sasalakayin pa rin nina Teñong ang mga kura.
Ikalawang Yugto

7. May manliligaw si Julia na Miguel ang pangalan. Mayaman.


Bugtong na anak.
8. Nag-usap na ang ina ni Julia at mga ama ni Miguel tungkol sa
pagpapakasal ng dalawa. Hindi alam ni Juana ang tungkol
kay Julia at Teñong. Magpapadala ang dalaga ng liham kay Teñong sa
tulong ni Lucas.
9. Si Teñong ay kapitan ng mga maghihimagsik. Walang takot sa
labanan. Matatagpuan din ni Lucas ang kuta nina Teñong.
Ibibgay ang sulat ng dalaga. Isinasaad doon ang araw ng kasal nila ni
Miguel.
10. Sasagutin sana ni teñong ang sulat ngunit nagkaroon ng
labanan. Maghahandang lumaban ang mga
Katipunero.
Ikatlong Yugto

11. Sinabi ni Lucas kay Julia kung bakit hindi natugunan ni Teñong ang kaniyang liham.
Nagbilin lamang ito na uuwi sa araw ng kasal.
12. Habang nanliligaw si Miguel kay Julia, si Teñong pa rin ang nasa isip ng dalaga. Ayaw
niyang makipag-usap sa manliligaw kahit kagalitan siya ng ina.
13. Si Tadeo na ama ni Miguel ay nanligaw naman kay Juana.
14. Kinabukasa’y ikakasal na si Julia kay Miguel. Nagpapatulong si Julia kay Lucas na
tumakas upang pumunta kay Teñong. Ngunit di alam ni Lucas kung nasaan na sina
Teñong kaya walang nalalabi kay Julia kundi ang magpakasal o magpatiwakal.
15. Pinayuhan ni Lucas si Julia na kapag itatanong na ng pari kung iniibig nito si Miguel ay
buong lakas nitong isigaw ang “Hindi po!” Ngunit tumutol ang dalaga dahil mamamatay
naman sa sama ng loob ang kanyang ina.
16. Sa simbahan, ikakasal na si Julia kay Miguel nang dumating si Teñong na sugatan, nasa
punto ng kamatayan. Ipinatawag ng Heneral ng mga Katipunero ang pari para
makapangumpisal si Teñong.
17. Pinakinggan ng kura ang kumpisal ni Teñong. May huling kahilingan ang binata--- na
sila ni Julia ay makasal bago siya mamatay. Galit man si Juana ay pumayag ito. Pumayag
din si Tadeo dahil sandali na lamang at puwede na uling ikasal si Julia at ang kaniyang
anak. Gayundin si Miguel.
18. Ikinasal sina Julia at Teñon. Babangon si Teñong mula sa pagkakahiga at … “Walang
sugat!” sigaw ni Miguel. At gayundin ang isisigaw ng lahat. Gawa- gawa lamang ng
Heneral at ni Teñong ang buong eksena.
Malaya
Ito ay isinulat ni Tomas Remigio
Ang Dula
Bunga ng mga kadahilanan ang hindi
naiwasan,nanlupaypay ang anyong ito ng
panitikan ng mga sumunod na taon.Nauso ang
bodabil sa stage shows at halos ay nawalan ng
pagkakataon ang pagtatanghal ng dula.Dumating
ang mga pelikulang galing sa Amerika at ganap na
narahuyo ang mga tao sa panonood ng mga ito sa
halip na dula.
BODABIL
 Ito ay kilala rin sa katawagang Vodavil,vaudeville o stage
play
 Ito ay tumutukoy sa mga teatrong pagtatanghal na nagtataglay
ng samu’t saring musikal at katatawanan na palabas,skit at
monolog, mga akrobatik.
 Ito ay binubuo ng kanta at sayaw, mahika at mga musikal na
pagtatanghal,skit at stand up comedy, chorus girls at mga
komedyante.

You might also like