You are on page 1of 5

Pangalan: APRIL MAE L.

DORMITORIO
Kurso, Taon, at Seksyon: BSED FILIPINO 2-E
Asignatura: FIL ED 208- DULANG FILIPINO

“WALANG SUGAT”
Ni Severino Reyes

Biglang dumating si Lucas at nagulat ang magkasintahang sina Julia at Tenyong.


Ibinalita ni Lucas na nadakip ang kanyang ama at napagbintangan itong isang tulisan.
Pinarusahan ito ng matindi na naging dahilan ng kanyang pagkamatay. Dahil dito,
minarapat nina Tenyong at Lucas na gumanti para sa namayapang ama. Tutol naman
sina Julia at Kapitana Putin sa naising ito ni Tenyong. Gayunman, walang nakapagpigil
sa paghihimagsik ni Tenyong.

Sa araw ng kanyang pag-alis sa kagustuhang maghiganti at lumaban ay binawian


ng buhay ang kanyang ina na si Kapitana Putin at nagkahiwalay sila ni Julia. Kalaunan
ay mayroong nanligaw na ibang lalaki kay Julia na nagngangalang Miguel. Ito naman ay
sinagot ni Julia at itinakda na ang kanilang kasal. Nagpadala ng liham si Julia kay Lucas
upang ipabatid kay Tenyong na siya ay ikakasal na. Nakiramay naman ang Heneral kay
tenyong kaya’t pinangakuan niya itong tutulungan sa paglutas ng kanyang suliranin kay
Julia.

Dumating ang araw ng kasal. Napilitan na si Julia na magpakasal kay Miguel.


Bago mag-umpisa ang seremonya ay dumating ang duguang si Tenyong. Nanghihina na
ito kaya naman tinawag na ang pari upang mangumpisal. Hiling ni Tenyong na ikasal
siya kay Julia bago bawian ng hininga. Pumayag naman si Miguel dahil mamamatay
naman na raw si Tenyong. Pero matapos ang seremonya, bumangon si Tenyong.
Nagpanggap lang pala itong napahamak, pero wala itong sugat. Naisahan niya ang
lahatl!
“KAHAPON, NGAYON AT BUKAS”
Ni Aurelio Tolentino

Si Asal Hayop (mapaglilong Taga-ilog) ay nasilaw sa kislap ng salapi na


nag-udyok sa kanya upang isuplong ang kanyang Inang Bayan (Filipinas) at ang
kanyang kapatid na si Taga-ilog (Katagalugan) ngunit siya’y nabigo. Napatay ni
Taga-ilog si Haring Bata (Haring Instik) at pinarusahan niya si Asal Hayop, sinunog niya
upang magsilbing halimbawa na hindi siya dapat pamarisan.

Dumating si Dilat na Bulag (Espanya) at kinaibigan si Inang Bayan at Taga-ilog.


Sila’y nagsumpaan ng katapatan sa pamamagitan ng pag-inom nila ngpinahalong
dugong nagbuhat sa kanilang mga ugat. Si Dalumpahay (mapaglilong Taga-ilog) ay
nagtaksil at sa pakana niya ay nasukol si Taga-ilog. Sinulsulan pa nito si Matanglawin
(Sakim at Mapagsamantalang Gobyernong Kastila sa Pilipinas) na panatilihing
nakagapos si Taga-ilog sa habang panahon. Namulubi si Inang Bayan dahil sa
pagmamahal sa anak. Ipinagkaloob niya ang kanyang salapi kay Matanglawin upang
makalaya si Taga-ilog. Pinalaya ni Matanglawin si Taga-ilog ngunit siya’y nagbabalak na
naman nang masama. Huhulihin niyang muli si Tagalog upang makahinging muli ng
salapi kay Inang Bayan. Nalinlang ni Taga-ilog si Matanglawin kaya hindi niya natupad
ang masama niyang balak.

Nasadlak sa libingan ni Dilat na Bulag si Inang Bayan sa tulong ni Halimaw.


Nabalitaang pinamumunuan ng kaluluwa ni Taga-ilog ang mga maghihimagsik.
Napagkasunduan nina Taga-ilog at Bagong Sibol (Amerika) na pagtulungan nila si Dilat
na Bulag. Lumabas sa libingan si Inang Bayan. Inilibing nang buhay sina DIlat na Bula,
Matanglawin, at Halimaw sa libingang hinukay sa utos ni Inang Bayan. Nagtagumpay
sina Taga-ilog at Bagong Sibol. Pinapaalahanan ni Inang Bayan si Bagong Sibol na
pakitunguhan silang mabuti sapagkat kapag silang mag-ina ay inapi ni Bagong Sibol ay
makabubuti pang lahat sila’y lipunin nang minsanan. Nayari ang bandila ni Inang Bayan.
Ipinabatid nit aga-ilog kay bagong Sibol ang paghahangad ng kalayaan ni Inang Bayan.

Napangarap ni Bagong Sibol na hinabol niya si Inang Bayan dahil sa kinuha niya
ang dala niyang agila at ipinukol sa isang maliit na batong may elektrisidad. Lumubog
sa libingan si Inang bayan. Pinagbantaan si Bagong Sibol ng mga kaluluwang
nangaroon. Pinagbalaan ni Kamatayan ng kasawian si Bagong Sibol kapag hindi niya
pinalaya si Inang Bayan. Maraming pagbabanta sina Inang Bayan, Taga-ilog, Walang
Tutol, atbp kung hindi nito ipagkaloob ang hinihinging kalayaan. Maraming mga batang
batang lalaki’t babae ang lumuhod kay Bagong Sibol na nag udyok sa kanya na
ipagkaloob ang minimithing kalayaan at umani ito ng mga papuri.
“ANAK NG DAGAT”
Ni Patricio Mariano

Noong panahon ng digmaang Pilipino-Amerikano, may isang taga-Tayabas na


may asawa’t anak ang naatasang tumungo sa San Isidro, Nueva Ecija upang kunin ang
nakolektang salapi para sa lalawigan ng Tayabas. Nanunton siya ng mga kabundukan at
mahihirap na daan upang maiwasan ang mga Amerikano hanggang sa narating niya
ang kanyang sadya. Hinirang siyang isang heneral ng hukbo nang dahil dito kaya’t hindi
siya nakauwi upang ipagbigay-alam sa kanyang asawa. Sinundan ng mag-ina ang lalaki
dulot ng labis na pag-alala sa pamamagitan ng pamamangka. Sa kasamaang palad,
sila’y naabutan ng malakas na bagyo at nasira ang bangka. Nalunod ang ina subalit
laking himala, nakaligtas ang batang babae.

Ang ikalawang yugto’y tungkol sa pagkatagpo ng mangingisda sa batang babae.


Maraming kabinataan ang nagkagusto sa dalaga at isa rito’y isang mamamahayag na
matikas na siyang kinagiliwan ng dalaga at ng kanyang ama-amahan hanggang sa
nagkaunawaan sila at nagmahalan. Nang matapos ang digmaan ay umuwi ang tunay na
ama ng dalaga sa Tayabas. Hinanap niya ang mag-ina hanggang sa mabalitaan niya
ang nangyari. Labindalawang taon na ang nakaraan sapul nang sila’y magkahiwalay
hanggang sa natagpuan niya ang kanyang anak. Pinuntahan niya at nagkakilala silang
mag-ama.

Iniuwi niya ang kanyang anak sa kanilang siyudad at dito nagsimula ang ikatlong
yugto. Hindi nagtagal at ipinagtapat ng kanyang ama ang pakikipagsundong makasal
siya sa anak ng isang kaibigang milyonaryo. Lumayas ang dalaga sa kanilang
pamamahay dahil ayaw ng kanyang ama na sumang-ayon sa kanyang kagustuhan at
ganoon din siya sa kanyang ama. Pagkatapos ng kaunting pagtatalong namagitan sa
kanyang ama at mangingisda, hinikayat ng mangingisda na hayaang pumili ang dalaga
ayon sa itintibok ng kanyang puso. At nakasal ang dalaga sa kanyang minamahal, ang
mamamahayag. Hindi naglaon at ang kanyang ama ay naghirap.
“SA PULA, SA PUTI”
Ni Francisco Soc. Rodrigo

Sa isang lalawigan kung saan ang pagsasabong kay kinahihiligan ng mga tao,
mayroong mag-asawa na nagngangalang si Kulas at Celing. Maaga pa lamang ay
nagtatalo na mag-asawa dahil sa paghingi ni Kulas kay Celing ng pera upang ipangtaya
sa sabong. Ito’y dahil sa kaniyang pagbibigay-interpretasyon ng kanyang
napanaginipan. Pag-alis nito patungong sabungan ay agad namang inutusan ni Celing
ang kanlang utusan na si Teban na pumusta sa kalabang manok ng kanyang asawa
upang makasigurado na hindi sila mawawalan ng pera kung isa sa kanila ay mananalo.

Sa muling pagkatalo ni Kulas ay napagpasiyahan nitong tumigil na, ngunit


kinumbinsi siya ng kaibigang si Castor na ipagpatuloy ang pagsasabong at tinuruan niya
itong mandaya. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nanalo ang manok ni Kulas
at kahit ganoon ay wala siyang naiuwing pera, kahit nandaya na ito ay natalo pa din
siya. Napagpasiyahan na lamang ni Celing na lutuin ang mga naiwang tinali bilang
pagdriwang sa tuluyang pagtigil na ni Kulas sa pagsasabong.
“SINO BA KAYO”
Ni Julian C. Balmaceda

Abala sa paglilinis sa bahay ang mag-asawang katulong na sina Maria at Juan dahil
paparating ang kanilang Doña Marcela. Napagkwentuhan nila ang tungkol sa muling
pag-aasawa ni Doña Marcela sa isa ring biyudong nagngangalang Señor Crispin de Sikuretat na
kanyang nakatagpo sa Iloilo noong panahon ng digmaan.

Nang dumating sa Maynila sina Doña Marcela at Señor Crispin ay humiwalay ang
kanilang landas. Tumungo kaagad si Señor Crispin sa kanyang kaibigang nagngangalang Ubaldo
upang humingi ng tulong tungkol sa babaeng taga-Maynila na nagbanta sa kaniyang buhay
nang hindi niya pinakasalan. Hiniling niya kay Ubaldo ang maging bantay niya sa babaeng ito na
ang pangalan ay Maria. Sa kabilang banda, sa pagdating ni Doña Marcela, inilihim nina Maria at
Juan sa Doña ang tungkol sa kanilang mag-asawa at isang anak sapagkat pinangakuan si Maria
ng kanyang Tiyo na pamamanahan siya kung hindi siya mag-aasawa. Kinumbinsi naman ni
Doña Marcela sina Juan at Maria na huwag ipagtapat kay Señor Crispin na siya ay may isang
anak na lalaki na ang pangalan ay Lukas. Si Señor Crispin pala ay may ipinaglilihim din kay
Doña Marcela. Siya rin pala ay may anak na ang pangalan ay Crispinita.

Umuwi si Señor Crispin sa tahanan ni Doña Marcela kasama si Ubaldo upang magbantay.
Nagkita sina Ubaldo at Maria sa at nakilala niya ang pangalan ng babae kaya’t dali-dali niya
itong binigyan ng limandaang piso upang huwag ituloy ang inaakala niyang balak nito na siyang
ikinagulat at ikinatuwa ni Maria kaya’t niyakap at hinalikan niya si Ubaldo. Sa di-inaasahang
panahon ay naaktohan ito ni Juan at sa pag-aakalang si Ubaldo ay si Señor Crispin ay kaagad
niyang isinumbong sa Doña ang nangyari na naging dahilan ng pagkagalit ng Doña.

Dumating si Crispinita nang mabalitaang nakarating na si Señor Crispin at nagbalitaan


ang mag-ama tungkol sa hiwalayan ng kanyang anak at ng kanyang kasintahang nagyaya sa
kaniyang magpakasal. Nakita ito ng Doña at ikinabigla kaya’t labis na naman ang kanyang galit.
Sa di inaasahang panahon ay dumating din ang anak ni Doña Marcela na si Lukas at ibinalita sa
ina ang malungkot na sinapit ng kanyang pag-ibig sa babaeng niyaya niyang magpakasal.

Nagkita-kita ang mag-ina at mag-ama na siyang ikinagulat ng lahat. Nagkagulo ang


lahat at tumigil nang magkakila-kilala. Naglantaran na rin ang mga katotohanan. Nalaman ni
Señor Crispin na magkaiba ang Mariang nagbabanta sa kanya at si Maria na asawa ni Juan.
Ipinagtapat din nina Juan at Maria ang tungkol sa tunay nilang relasyon at anak. Nabalitaan din
na namatay ang Tiyo ni Maria kaya’t ipinamana sa kanya ang lahat. Naging masaya ang lahat sa
pagkakalutas ng gulo. Nagtapos ang dula na ang lahat ng mag-asawa ay nagtatanong sa
nag-iisang si Ubaldo ng “Sino Ba Kayo?”

You might also like