You are on page 1of 97

Buod ng

Fort Santiago

Hindi magkantututo si Danilo sa pagbibihis


para sa kangyang kasal sa umagang iyon.
Tinulungan siya ng kangyang inang balo at
ampon nitong si Dolores na lihim naming
umibig sa binata. Samantala, ang katipan ni
Danilong si Carmen ay palihim na
pinakipagkitaan ng itinuturing niyang
kaibigang si Roberto. May pagtingin si
Carmen sa bohemyong binata ngunit ginamit

nag isip at kay Danilo


nagpasyang pakasal sapagkat
batid niyang walang mabuting
kinabukasang maidudulut sa
kanya ang halaghag na si
Roberto.

Hindi natuloy ang nakatakdang kasal


sapagkat sa umaga ring iyon ay ibinalita sa
radio ang pagsiklab ng digmaang
kinasangkutan ng Pilipinas. Noon din ay
sinundo si Danilo ng kasamahan upang
maglingkod sa hukbo. Isa sa mga panauhing
naroon noon ay si kodoma, na nagpahiwatig
na ng pagtatangi kay Dolores ngunit
tinggihan nito. Dahil sa pagkakasalakay ng

hapones sa Pearl Harbor, dinakip ni Danilo


si Kodoma at ito naman ay walang tutol na
sumuko. Bago tuluyang umalis si Danilo,
isang kuwintas ang ipinabaon ni Dolores sa
kanya kalakip ang pangakong lagi niyang
idadalangin ang kaligtasan nito. Si kodoma
naman ay nag-iwan kay Dolores ng salitang
magkikita pa silang muli.

Dumaan ang mga araw ng pangamba at


lagging pag-aantabay ng mga balita buhat
sa larangan. Buhat sa manggagamot ng
mag-anak na si Dr. Luis, nabatid nilang
nagagapi ang hukbong Pilipino. Sa wakas,
bumagsak ang Bataan. Sa pag-urong nina
Danilo at Elias ay natimalasikan ang mga
mata ni Danilo sa kapirasong bakal
(shrapnel) na buhat sa isang bombang
bumagsak malapit sa kanila.

Palihim na inihatid ni Elias sa tahanan


ng ina nitong si Donya Ana ang nabulag
na si Danilo. Matiyagang ginamot ni Dr.
Luis ang Binatang sa pangungulila ay
malimit maghanap sa kangyang
kasintahang si Carmen na noon naman ay
lulong na lulong sa pagsasama-sama kay
Roberto sa mga kasayahan. Upang huwag

summer ang loob ni Danilo, si


Dolores na ang nagtakip sa
pagkukulang ni Carmen at minsan ay
binasahan pa niya sa Danilo ng liham
na umanoy galling kay Carmen.

inanyayahan ni Donya Ana si Carmen sa


Pag-alis ng piring kay Danilo. Dumating
naman itong kasama si Roberto. Sa
pagkakataong iyon, nagkunwari sa
Danilong hindi pa siya nakakakita kayat
napatunayan niya ang pagtataksil sa kanya
ng dalawa. Nagpupuyos ang damdaming
pinalayas ni Danilo ang dating katipan at
ang itinuring na kaibigan

Upang makaganti sa dinanas na


pagkapahiya, isinuplong ni Roberto si
Danilo kay kodoma na isa palang
mataas na pinuno sa hukbong
hapones. Sina Danilo at Elias ay
dinakip at pinahirapan nang gayon na
lamang sa Fort Santiago.

humingi ng tulong si Dolores kay kodoma


ngunit ang hiniging kapalit nito ay ang
pagtanggap ng dalaga sa kangyang pagibig. Pumayag si Dolores sa laki ng
hangad na mailigtas si Danilo, ngunit
nang matalos ni Donya Ana ang nagging
pasya nito ay hindi niya nilingon ang
kaligtasan ng sariling anak, bagkus niyaya

tumakas na silang dalawa patungong


lalawigan upang maiwasan ang
pagkahulog si Dolores sa kamay ni
Kodoma.

Nang matuklasan ni kodomang


natakasan siya ni Dolores ay binuo niya sa
sariling balikan si Danilo sa Fort Santiago
upang patayin. Pabalik na noon ang mga
Americano sa Pilipinas. Binomba na nila
ang Fort Santiago at sa galit ni Kodoma ay
si Roberto ang unang binaril. Naubusan
siya ng punlo kayat tumakas siya habang

tinutugis nina Danilong nasaklolohan


ng dumating mga gerilya.

nakaabot sa nayong kinalalagyan nina


Dolores ang tumakas na si Kodoma at
doon napaakyat sa kubong kinalalagyan
ng dalaga. Ito ang gitna ng panganib,
hindi nasiraan ng loob si Dolores.
Nagpiglas ito at nagkaroon naman si
Danilo ng pagkakataong barilin ang
buhong ng hapones.

Noon natuklasan ni Danilong


itinatangi niya si Dolores na malaon
nang nagkimkim ng pagmamahal sa
kanya.

Wakas

buod

Magmamani ni
Teofillo E. Sauco

ang pakikipagsapalaran ng mag-inang


pinaghiwalay ng tadhana
ngunitpagbubuklurin muli dahil sa pag-ibig
sa isang lalaki. Si Tentay (Vicenta Gomez)na
mula sa alta sosyedaday nabuntis ng
kaniyang kasintahang si Ventura Villaroman,
ngunit napilitang ipaampon ang kaniyang
sanggol sa solterong si Ingkong Pinong na
taga-Baliwag, Bulakan.Sisikaping palakihin
ni Ingkong Pinong ang bata, na sangol

,na sa paglipas ng panahon ay


magiging marikit na dalagang
tatawaging si Ninay
.

Pagtatanim at pagtitinda ng mani at


iba pang gulay ang ikinabubuhay ni
Ingkong Pinong, at balang araw ay
kakatuwangin niya si Ninay sa
pagtitinda ng mani. Hahangaan
naman si Ninay sa sipag nitot bait,
at pagnanasahan ng mga binata.
Ngunit walang makapangahas
makapanligaw sa

kaniya dahil sa pangingilag


kay Pinong, hanggang
makilala ni Ninay ang
binatang si Luis na tagaMaynila. Pinakyaw ni Luis
ang tindang mani ni Ninay,

hahabulin ang dalaga, at


pagkaraan ay yayayaing pakasal.
Subalit may isang balakid. May
isang babaeng kinakasama si
Luis, at iyon ay si Tentay na
dating mananayaw sa kabaret sa
Santa Ana. Matutuklasan ni
Tentay ang retratong kuha ni Luis

kay Ninay, at maghihinuha


si Tentay na anak niya ang
dalaga dahil kahawig na
kahawig niyaito.

Hahanapin ni Tentay ang


kinababaliwan ni Luis, at nang
matiyak kay Ingkong Pinong na
si Ninay ay anak nga niya,
kukumbinsihin ni Tentay ang
matanda na pumayag na sa
pagpapakasal ng
magkasintahan.

Lalayo si Tentay at papasok


sa kumbento upang mapalayo
kay Luis. Samantala,
hihimukin at paaaralinnaman
ni Luis si Ninay na pumasok sa
kolehiyo at nang makatapos
makapag-aral.

Makikilala ni Ninay si Tentay


sa loob ng kumbento, at
magtuturingang mag-ina,
subalit mananatili ang lihim
hanggat hindi nakakasal si
Ninay kay Luis.

Sa dakong huliy magkakasakit


nang malubha si Tentay na
nagtatago sa ngalang Madre
Victoria Fuentes. Mangungumpisal
siya sa pari, ngunit pinagtiyap
naman ng pagkakataong ang
nasabing pari ay siya pala niyang
dating kasintahang si Villaroman.

Matutuklasan din ni Padre


Villaroman na anak niya si Ninay
na ipinaampon sa matandang
Pinong, at ang babaeng
pakakasalan ni Luis. Ang
pangungumpisal ni Tentayang
sukdulan ngkuwento,

dahil doon mabubunyag ang


lahat ng lihim na kipkip ni Tentay
mulang pagdadalaga hanggang
pagigingbaylarinatungong
pagiging kabit ni Luishanggang
pagsisikap maging
madreparaituwid ang mga
pagkakamali

Luis at Ninay ang bagong


buhay at saganang
pagsasama. Aalagaan nila si
Ingkong Pinong, at ipasasaka
sa iba ang lupain nitong laan
sa pagtatanim ng mani

At magbabalik sina Ninay at


Luis sa Tiaong, Baliwag,
Bulakan upang magbigaygalang sa amang si Padre
Villaroman, at sariwain ang
nakaraang hindi na babalik sa
kanila kailan man.

wakas

Buod

Nena at Neneng
Ni: Valeriano H. Pena

Matalik na magkaibigan sina


Nena at Neneng. Silay kapwa
ulila sa magulag. Si Nenay
lumaki sa pag-aaruga ng
kangyang aleng si Aling Anday
at si Neneng naman ay lumaki

sa kandili ng kapatid na si
Pepe. Kapwa sila at iisa
lamang ang kanilang
pinapasukan. Si Nenay may
kasintahang nagngalang
Miguel. Dahil sa kahigpitan ni

Aling Anday, si Miguel ay hindi


nakadadalaw sa tahanan nina
Nena. Palihim kung magkita sina
Miguel at Nina. Ang pag-iibigan ng
dalawa ay hindi nalingid kay
Neneng. Kahit kaibigan niya si
Nena ay isinumbong din niya ito
kay

Aling Anday sapagkat


nalalaman niyang si Miguel ay
isang binatang bisyoso.
Nakagalitan si Nena ni Aing
Anday at pinagbawalang
makitungo kay Miguel.
Sinusulatan ni Nena si Miguel

at niyayang magtanan ngunit


itoy ipinagbawalang bahala
ng binate. Isang umagang
pumasok sina Nena at Neneng
ay nasalubong nila sina Miguel
at chayong na minagdamag sa

patapos ng isang patay. Umiwas si


Miguel at hindi na hinintay na
mag-abot sila sa daan ni Nena.
Nagalit si Nena at hindi rin niya
binate si chayong. Lumipas ang
maraming araw. Si Miguel ay

humingi ng kapatawaran kay Nena


ngunit hindi pinansin ni Nena.
Hindi nito sinagot ang maraming
sulat na ipinadala ng binate. Ang
hindi pagsagot ni Nena ay
ipinagkibit-balikat ni Miguel.

Nagpatuloy siya sa panliligaw kay


chayong na kasintahan ng kangyang
pinsang si Narciso. Isang araw ay
nakatanggap ng sulat buhat sa
lalawigan ang kangyang ale .
Isinasaad sa liham

na namatay na ang asawa nito.


Dali-daling umuwi ang mag-ale at
ipinabilin na lamang nila kay
Neneng ang kanilang bahay. Sa
kabilang dako naman ay may

nangyari pala kina Miguel at


Chayong. Silay nakalimot sa sarili.
Hindi nalingid kay Narciso ang
lahat kayat tinulungan niya ang
kasintahan sapagkat mahal na
mahal niya. Inamuki niya si Miguel
na panagutan ang nangyari

Kay chayong. Pumayag naman si


Miguel sa kahilingan ng pinsan
niyang si Narciso, at sila nga ni
Chayong ay nagtanan. Sa
ginawang pagtatanan ng dalawa
ay nagalit ang magulang ni

Chayong. Binawi si Chayong at


inihabla si Miguel na nagging
dahilan ng kangyang
pagkabilanggo ng labinlimang
buwan. Matuling lumipas ang mga
araw. Si Chayon ay nagsilang ng

Isang sanggol na lalaki. Sa


kahilingan na rin ng mga
magulang ng babae ay isinunod
ng bata kay Narciso at si Narciso
na rin ang nag-anak sa binyag. Si
Miguel ay nakikibalita na lamang

Tungkol kay Chayong at sa


kanilang anak. Hindi nagtagal at
siyay naratay sa banig ng
karamdaman. Hindi niya nakaya
ng kangyang mahinang katawan
ang mga hirap sa bilangguan.

Tanging si Narciso, ang kangyang


pinsan, ang dumalaw sa kanya sa
bilangguan at nagbabalita ng
tungkol kay Chayong at sa
kanilang anak. Hindi naglaon at
si Miguel ay namatay.

Sa kabilang dako naman, sa


lalawigan, sina Nena at
Deogracias ay nagkaunawaan. Si
Deogracias ay pamangkin ng
asawa ni Aling Anday. Kababata
ito ni Nena at nagkalayo lamang

ang dalawa nang si Nena ay


isama sa Maynila ng kangyang
ale. Nalalaman ni Aling Anday ang
pagkakaunawaan ng dalawa.
Hindi naman tumutol ang
matanda at sinabi niyag ilagay sa

ayos ang lahat sapagkat mahalay


na ang dalawa ay magkasama sa
iisang bubong gayong
nagkakaibigan. Binalak nani
Deogracias at Nena na silay
pakasal kaya isang araw ay
lumuwas sila sa Maynila upang

mamili ng mga kailangan para sa


kanilang kasal. Si Narciso ay
malimit na dumadalaw kay
Chayong at sa kangyang inaanak
sa binyag. Simula nang
magkaroon ng kaugnayan sina

Miguel at Chayong ay itinuturing


na niyang kapatid ang dating
kasintahan dahil sa pagtingin
niya sa pinsan. Isang hapong
nanggaling si Narciso kina
Chayong ay nabangga niya ang

isang babaeng nagmamadali sa


paglakad. Sumabog ang dala
nitong mga damit. Ang babae ay
si Neneng at siyay patungo kina
Chayong upang maghatid ng mga
patahi sa kanya. Si Neneng ang

modista ni Chayong sapul nang


magtanan sila ni Miguel.
Tinulungan ni Narciso si Neneng
sa pagdampot sa sumabog na
mga damit. Magalang siyang
humingi ng paumanhin sa dalaga

Sinabi naman ni Neneng na wala


siyang sukat alalahanin at sa
pagtatama ng kanilang mga
paningin ay may nadamang
kakaibang kaba ng dibdib si
Narciso. Gayon din naman pala

ang naramdaman ni Neneng.


Humingi ng pahintulot si Narciso sa
dalaga na nakadalaw sa tahanan
nito. Palibhasay maypag-ibig sa
isat-isa, hindi nagluwat at
nagkaunawaan ang dalawa.

Sina Nena at Deogracias ay


nakituloy sa bahay nina Neneng nang
silay lumuwas sa Maynila. Noon ay
magpapasko kaya sina Deogracias,
Nena at Neneng ay sumimba sa misa
sa medaling araw. Bago sila sumimba
ay

namasyal muna sila at sa


pamamasyal nila ay nasalubong
nila si Narciso. Sumama sa kanila
si Narciso at nang malaman ito ni
Pepe ay kinagalitan nang palihim
si Neneng. Inanyayahan nina

Deogracias at Nena sa kanilang


kasal sina Pepe at ang asawa nito
gayundin ang magkasintahang
Narciso at Neneng. Nangako ang
mga inaanyayahan na silay
dadalo sa kasal ng dalawa.

Dumalo nga sa kasal nina Nena at


Deogracias sina Neneng at ditto
nakilala ni Neneng ang isang may
edad na ring lalaking
nagangalang Isko. Nagkaroon ng
hangarin kay Nening si Isko.

Ipinagtapat ni Neneng sa
matandang binate na siyay may
kasintahan at tuloy ipinakilala si
Narciso. Kahit ano ang sabihin
nila kay Isko ay hindi ito
mapigiliw sa pagligaw kay
Neneng. Nang umuwi sa Maynila

sina Neneng ay nagbaon pa si


Isko ng mga pagkain. Kahit anong
pagtanggi ang gawin ni Neneng sa
mga pabaon ay lubhang mapilit si
Isko. Si Chayong naman ay
pinalayas ng mga magulang isang

gabing nagsusungit ang panahon.


Ang dahilan ng pagpapalayas ay
ang pagkakahiya ng kangyang ama
sa isang kamag-anak na
kadarating lamang mula
probinsiya. Itinanong ng naturang

Kamag-anak na kung nasaan ang


ama ng anak ni Chayong. Nagasawa na raw pala ang babae ay
hindi nila nabilataan.
Pinagbuhatan ng kamay ng ama si
Chayong at sa matinding galit ay

pinalayas kahit na nagsusungit ang


panahon. Lumuluhang inayos ni
Chayong ang mga dala-dalahan at
kipkip na sanggol ay sinasagasa ang
masamang panahon. Nakituloy si
Chayong kina Neneng na silay
lumagay sa

tahimik bumukod ng tirahan ang


dalawa matapos maidaos ang
isang simpleng kasalan. Isang
araw ay nakatanggap si Neneng
ng isang lihim ng pag-ibig kay
Isko. Balak ni Neneng na ipakita

Na ipakita ang sulat sa asawa


ngunit nakalimutan na niyang
gawin iyon dahil sa
pagpapasundong biglaan sa kanya
ng kangyang hipag. Ang kapatid
niyang si pepe ay inatake sa puso.

Sa katilituhan ni Neneng ay naisingit


niya ang liham sa salansalan ng mga
damit sa aparador. Tuluyan na niyang
nakalimutan ang pagbibigay ng sulat
kay Narciso dahil sa mga kaabalahan
sapagkat si Pepe ay namatay.

Isang gabing hindi makatulog si


Narciso ay marinig niyang
nagsasalita si Neneng.
Nananaginip ito ay naghinala si
Narciso sa asawa subalit hindi siya
nagpalahalata kay Neneng.

Mali ang hinala ni Narciso sa


asawa sapagkat napanaginipan ni
Neneng na dumating sa Nena
mula sa lalawigan at pinipilit
siyang isama nito. Sinabi niyang
huwag, huwag at narito ang
asawa ko na ang ibig niyang

sabihin ay ipagpaalam siya kay


Narciso. Ang paghihinala si Narciso
ay lumagpak ang sulat ni Isko mula
sa salansalan ng mga damit.
Humingi siya ng paliwanag kay
Neneng nang mabasa niya ang
liham. Ipinaliwanag ng babae na

Nakalimutan lamang niyang


ipabasa ang liham dahil sa
pagkamatay ni Pepe. Hindi
kumibo si Narciso ngunit hindi
siya naniniwala kay Neneng.
Sinabi ni Neneng kay Narciso na

gumawa ito ng sulat na


nagbabantang isasakdal ang
lalaki kapag hindi tumigil sa
ginagawang panggugulo sa
kanilang mag-asawa at kangyang
pipirmahan. Sinunod ni Narciso
ang mungkahi ng asawa.

Panatag na sana ang loob ni


Neneng ng isang hapon ay
dumating sa kanilang bahay si
Isko. Ang sulat palang ipinapadala
ng mag-asawang ay hindi
sumasakamay ni Isko sapagkat
nakaalis na ito patungong maynila

nang dumating ang sulat. Ang


nakatanggap ng liham ang katiwala
ng matandang binate. Siyay
lumuwas ng maynila upang hanapin
si Neneng at iluhog sa kangyang
pag-ibig. Ipinasiya niyang liligawan
niya si Neneng

kahit itoy may asawa na. para sa


kanya ay si Neneng lamang ang
babaeng maari niyang pag-ukulan
ng pag-ibig. Nang sandaling iyon
ay dumating si Isko na wala si
Narciso at nasa opisina. Kagigising

Kagigising lamang ni Neneng na


lubhang napagud sa mga Gawain
sa bahay. Sa kabiglaanan ni
Neneng ay napatuloy niya si Isko
nang itoy magpatao po. Nang
mapansin ng lalaki na nag-iisa si

Neneng ay iniluhog na ang


kangyang pag-ibig. Sinabi ni
Neneng na hindi niya maaaring
tanggapin ang pag-ibig ni isko
sapagkat siyay babaeng may
pananagutan na sa buhay.

Napansin ni Neneng ang


masamang tangka sa kanya ni Isko
kayat tumayo siya at pumasok sa
kuwarto upang kumuha ng
gunting na pagtatanggol sa sarili.
Susunod sana si Isko nang ngunit

nakita niyang dumarating si


Narciso. Sa takot ng buhong ay
lumundag sa bintana. Umiyak si
Neneng sa asawa. Hindi kumibo si
Narciso, wala siyang ipinakitang
anumang galit sa asawa.

Tahimik niyang hinagkan ang


asawa at mabilis na umalis. Hindi
siya humingi ng paliwanag kay
Neneng. Tuluyan nang nabuo ang
masamang hinala ni Narciso na si
Neneng ay taksil.

Hinintay ni Neneng ang pagbalik


ni Narciso. Pagkalipas ng mga
ilang araw at hindi bumabalik si
Narciso ay nagtungo si Neneng sa
lalawigan nina Nena. Inihabilin na
lamang niya sa kangyang hipag

ang kanilang bahay at mga


kagamitan. Nabatid niya mula kay
Nena na si Narciso ay naggaling
doon. Inihabilin nito Neneng kay
Nena at sinasabing siyay
madedestino sa malayong pook.

Simula noon si Neneng ay kina


Nena na nanirahan. Sa labis ng
pag-aalala sa asawa si Neneng ay
nagkasakit. Lumala ang kangyang
karamdaman at nang malapit na
siyang mamatay ay naghabilin siya
sa kaibigang si Nena. Ipinagbilin

Niya ang mga ibibigay sa kangyang


mga pamangkin, at ang mga
ibinigay naman niya sa kangyang
kaibigang si Nena. Ang kahulihulihan niyang ipinagbilin ay ang
pagsusuot sa kangyang daliri ng

singsing na ginamit sa kanilang


kasal ni Narciso. Sinabi rin niyang
ang sulat na ginawa niya na nasa
ilalim ng unan ay ibigay kay
Narciso sakaling itoy makikita
nila. Si Neneng ay binawian ng

buhay sa gitna ng kalungkutan at


pangungulila sa lumayong asawa.
Samantalang si Narciso naman sa
lalawigang pinatunguhan ay hindi
mapalagay. Palagi siyang balisa at
naaalala ang asawa. Kahit ano
ang gawing paglibang ng mga

kaibigan ay hindi rin mawaglit sa


isipan si Neneng hanggang sa siyas
magkasakit. Pinayuhan siya ng
manggagamot na lumipat siya ng
lugar sapagkat hindi siya hiyang sa
lalawigang pinaninirahan.
Ipinasiya ni Narciso na uuwi na

siya at patatawarin si Neneng sa


pagkakasala nito at ang gagawin
niyang parusa ay ang pananahimik
sapagkat higit na masakit na
parusa ang di pag-imik kaysa
paglait at pag-alimura. Tinungo ni

Narciso ang tahanan nina Nena


sapagkat inakala niyang doon
nannirahan si Neneng pagkaraang
siyay lumayo sa asawa.ibinigay
ni Nena kay Narciso ang liham ni
Neneng. Isinasaas sa liham na

walang katotohanan ang


ibinibintang ni Narciso sa asawa
at ayon kay Neneng, isang taong
malapit nang mamatay ay hindi na
magsisinungaling. Napaiyak si
Narciso nang mabasa ang sulat ng

asawa. Nagsisi siya sa


ginagawang pagpaparatang sa
asawang wala naman palang
pagkakasala. Hiniling niya kay
Nena na samahan sa libingan ni
Neneng. Si Narcisoy parang

nawala sa sarili sa labis na


kalungkutan. Nagmamadali siya sa
kasamaang-palad ay nadupilas siya
at nahulog sa hagdanan. Nalagutan
siya ng hininga noon din. Ang
bangkay ni Narciso ay inilagak sa
tabi ng puntos ni Neneng at simula

noon ang mag-asawang Nena


at Deogracias ang nag-asikaso
sa libingan nga mag-asawang
Neneng at Narciso.

wakas

You might also like