You are on page 1of 2

Nobela ni Franco Vera Reyes, ang Bagong Kristo (1933) ay pumapaksa sa kabulukan ng lipunan, pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas,

at kutsabahan ng mga politiko at negosyanteng ibig manaig sa lipunan. Umiinog ang istorya sa buhay ni Armando Sandoval, na isang reporter, na napaibig
kay Corazon Apacible. Mula sa maykayang pamilya ang babae, na anak ni Senador Apacible. Nagsimula ang gusot nang matuklasan ni Armando na tumanggap ng suhol ang nasabing senador mula sa negosyanteng Amerikano. Ibig ng Amerikano ipuslit ang mga produkto niyang mulang Estados
Unidos tungong Filipinas. Ibinunyag ni Armando ang pangyayari at sumulat sa pahayagan. Nagkaroon ng imbestigasyon ngunit napawalang sala ang senador at ginawa pang hukom sa korte.

Napilitang magbitiw sa tungkulin si Armando, nagtatag ng kilusan, at ibinunsod ang Kongreso ng Pagsasarili. Lumaganap ang kilusan at nasindak ang pamahalaan. Sinampahan ng kasong sedisyon at rebelyon ang binata. Tumanggi naman si Hukom Apacible na hawakan ang kaso dahil nabatid
na niya ang halaga na maging mulát ang taumbayan sa korupsiyon, sa pagsalalay sa Estados Unidos, at sa kutsabahan ng mga politiko at negoyante. Samantala, magpapakasal sina Armando at Corazon bago hatulan si Armando ng apat na taong pagkakabilanggo.

Nobelang Pangkasaysayan

Ang Makata at Paraluman ay isang nobelang isinulat ng Pilipinong manunulat na si Franco Vera Reyes. Natapos noong 1926, inilathala lamang ito noong 11933 sa Benipayo Publication ng Maynila. Ang nobela ay nagsasabi sa kuwento ng isang lalaki na nagpakasal sa dalawang babae.

Si Rosauro ay isang tanyag na mamamahayag na umibig kay Floring, isang disenteng babae. Mahal na mahal nila ang isa't isa, ngunit kailangang pumunta si Rosauro sa Estados Unidos. Bago siya lumisan, nagawa nilang magpakasal.

Nagsimula ang salungatan nang makilala ni Rosauro si Edna Stewart, isang babaeng Amerikano na gagawin ang lahat para pakasalan siya nito. Natukso siya sa sitwasyon, kaya pinakasalan niya si Edna at sila ay nagsama. Makalipas ang ilang araw, bumalik sila sa Pilipinas. Nalaman ni Floring,
na nag-a-apply para sa internship sa La Concordia College, kung ano ang mangyayari. Si Edna ay hindi nagustuhan ng marami. Mag-isa siyang bumalik sa United States kung saan bigla siyang namatay sa isang aksidente. Samantala, si Rosauro ay nabulag at nangangailangan ng operasyon
upang maibalik ang kanyang paningin. Si Floring ay lihim na tumutulong sa paggastos ng operasyon at pagkatapos ay siya na ang nag-aalaga sa kanya.

Nobelang Maromansa

Ang librong Dugo sa Bukang-Liwayway ni Rogelio Sicat ay isa sa pinakamahusay na nobelang Pilipino na naisulat. Hango ito sa buhay ng may akda na may layuning muling isalaysay ang mundong kanyang kinamulatan.

Sa unang bahagi ng nobela, nagsimula ang kwento kay Tano, isang magsasaka na namatayan ng asawa matapos manganak nito sa anak nilang si Simon, na siya namang pangunahing tauhan. Labis namang dinamdam ni Tano ang pagkamatay ng kanyang asawa kaya’t
napagdesisyunan niyang manirahan na lamang sa bukid kasama ang anak.Pinag- aral ni Tano ang kanyang anak na si Simon dahil ayaw niyang gawin sa anak ang ginawa ng ibang magsasaka sa nayon na kapag natuto ng magbasa’t magsulat ay ayos na.

Sa ikalawang bahagi naman, nagbalik ang mag-ama sa nayon. Ngunit sa kasamaang- palad namatay si Tano dahil sa isang karamdaman. Si Simon naman ay nagpatuloy ng pag- aaral at kumayod. Sa muling pagbalik niya, nadatnan niya ang pagkasira ng mga puntod ng kanyang mga
magulang na noo’y nabili nan g mga Borja ang lupang kinatitirikan ng mga labi nito. Iniwan muli ni Simon ang nayon na may dalang galit at pangakong paghihiganti. Sa pagbabalik ni Simon, nakamit niya na ang kanyang minimithi sa buhay, ang paghihiganti. Kinalaban niya ang negosyo
ng mga Borja at kinalaban iyon. Per hindi lamang paghihiganti ang nasa isip niya, hindi niya pa rin nakalimutan ang nayon. Ipinagpatayo niya ito ng eskwelahan para sa mga magsasaka.

Sa huli, namatay si Simon matapos siyang walang awing barilin ni Borja sa dibdib. Sa kanyang pagkamatay, ang pangalang Simon ay hindi malilimutan ng mga tao sa nayon. Dahil si Simon, ay isang magbubukid na di nakalimot sa kanyang pinagmulan.

Nobelang Masining

Sa kabilang panig naman ng kwento’y muling sinasamahan ang dalawang pares na sina Nena’t Deogracias at sina Neneng at Narciso mula sa pagbisita ng mga taga lalawigan sa Maynila na ikinasaya ng dalawang dalaga’t dito binalita ang mangyayaring pag-iisang dibdib nina Nena’t
deogracias at ang kasal nila sa Bulacan, hanggang sa mga pagsubok sa relasyon nina Neneng at Narciso nang tumakas sila galling sa Misa de Gallo, at nang malaman ni Neneng ang pagbibisita ni Narciso kay Chayong sabay pagtanto sa mga maliliit na sinungaling ni Narciso.
Lumbay muli ang napupuna kay Chayong na sawi sa pag ibig hindi lamang kay Miguel kundi na rink ay Narciso, at ngayo’y may alaga pang sanggol. Natatapos ang kwento niya sa paglalayas mula sa malulupit na magulang, sa pagkahanap ng matutuluyan kina Pepe at Neneng, at sa
tuluyang pagkasawi nang ikasal na si Narciso. At ang kwento naman nila Neneng at Narciso’y mas-hihigit pa bilang trahedya nang ang kaguluha’y magsimula sa isang liham mula kay Isko na siyang isang munting taga-hanga na may pagtingin kay Neneng noong kasal pa ni Nena sa
Bulacan. Datapwat nakasal na ang dalawa’y di nagtagal bago magulo ni Isko sa pamamagitan ng mga liham at pagkulit sa kanila ang kanilang pagiging mag-asawa. Dahan-dahan na rin pumasok ang samu’t saring mga tanong at duda sa noong una’y masayang pag iisang dibdib. At
dahil sa liham na rin, nakalimutan lamang ni Neneng nang pumanaw si Pepe, umalis si Narciso dahil sa kanyang isipa’y hindi na tapat ang pag ibig ni Neneng sa kanya, na nagging sanhi na rin ng pagkasakit na malubha ni Neneng. Nang makumpleto na ang mga huling habilin at
nasabi na sa kaibigan ang mga lihim na tiray’y hindi na nagtagal bago pumanaw si Neneng, at nang malaman na ito ni Narciso na nais na sanang makipagbalikan kay Neneng, di rin nagtagal bago namatay na rin siya.

Nobelang Tauhan
Ang Noli Me Tangere ay isang nobelang inilatha ni Dr. Jose Rizal. Naisulat ito dahil sa adhikain o layunin ng manunulat na mabuksan ang kamalayan ng mga Pilipino sa totoong pamamalakad ng pamahalaan at simbahan.

Nobelang Layunin

Kuwento ng isang binatang amang si Lino Rivera at ng hindi niya matumbasang pag-ibig ng dalagang punonggurong si Bb. Loreto Sanchez dahil sa pagkilala niya ritong isang panginoong dapat sambahin habang siya naman ay isang hamak na hindi karapat-dapat.

Makikita sa nobela ang maaayos na pagkasunod-sunod ng mga pangyayari at angpagpapakilala sa mga tauhan.

Nang umagang iyon ng Mayo 21,1955 habang nakaupo sa isang kareta sa ilalim ng punong kawayan ay pinagmamasdan ni Lino ang kanyang bukid, bukid na hinuhulugan niya taun-taon. Balo na siya at naisip na ipamana niya ito sa kanyang anak na si Ernesto. Batid
niya na napakalaki ng utang na loob sa mga taong tumulong sa kanya (Padre Amando, Ms. Sachez at Koronel Roda). Naisip niya na anyong siya ay nakabayad tulungan si Koronel Roda na paibigin si Ms. Sachez kahit batid niyang huli ay may pagtingin sa kanya. Malapit
sa bukid ni Lino ang bahay nina Huli, mayuming dalaga na nililigawan ni Bidong. Ayaw ng mga magulang nito sa huli sa kadahilanang ito ay mahirap at sa masamang pagkakakilala rito. Samantala, si Padre Amamdo ay pinangunahan ang pagbuwag sa sistema ng
pakikisama sa sakahan o tenancy system. Maraming mga negosyate ang tumutol ditto at isa na rito si Don Tito.

Isang umagang patungo siya sa bahay ni Ms. Sachez ay kanyang nasalubong ang kanyang kaibigan si Albino, na katiwala ni Don Tito sa bakahan. Sinabi ni Albino na nais ni Don Tito na gawin siyang katiwala ng kanyang asyenda. Maruhat at pinuno ng mga bodyguard
ni Dr. Benigo Sityar, na anak nito. Tinutulan ito ni Lino dahil sa nalaman niyang isa si Don Tito sa mga tumututol sa mga balak ni Padre Amando.Sa kanyang pagdadalaw-dalaw sa anak na si Ernesto ay kanyang nahalata na may pagtingin din it okay Ms. Sachez. Naisip
niya na limutin na lamang ang pag-ibig niya rito dahil sa alangan siya rito. Humanap siya ng ibang mapag-uukulan at ito ay kanyang natamo kay Didang isang dayo sa Maruhat. Sa mismong araw ng kaarawan ni Ms. Sachez, natamo ni Lino ang kasagutan ni Didang.
Pagkatapos nito, ay dumalas ang dalaw ni Lino rito. At sa bawat pagdalaw ng una ay unti-unti naming naipagtatapat ang kanyang nakaraan. Tinanggap naman ito ni Lino ngunit ang babae na rin ang nagsabing binibigyan niya ito ng hanggang Agosto 20 upang magbago
ito ng pasya. Samantala, parang nagpipiyesta ang mga tao sa pnyahan nang palagdain sila ni Padre Amando sa kasunduan sa Pamumuwisan na simula ng pagbuwag ng tenancy system. Ang bagay na ito ay lubos na nakaligalig kay Don Tito. Sa minsang pagdalaw ni Lin
Nobelang Makabanghay okay Didang ay iniwanan niya si Bidong ng baril at sinabing maging handa. Pagbalik niya ay hindi niya ito dinatnan dahil ito pala ay nangharang ng bus ang nakuhang salapi ay ipinamigay sa mga dukha ng Maruhat. Hinangad ni Lino na ito ay pagtakpan.

Si Andoy ay alila sa bahay ni Don Segundo Montero. Ipinapiit si Andoy ng Donsa Hapones sa suplong na isa siyang gerilya. Nakatakas si Andoy at sumama siya sa mga gerilya. Natulog siya sa bahay ni Tata Matias sa kabundukan. Si Tata matias ang nagturo kay Andoy sa
panig ng dagat pasipiko na pinagtapunan ni pari Florentino sa kayamanan ni Simoun. Nasisid ni Andoy ang kayamanan ni Simoun sa tulong ng dalawa pang mga gerilya, sina Karyo at Martin. Si Karyo ay namatay nang makagat ng pating. Tinangka ni Martin na patayin si
Andoy upang masolo ang kayamanan ngunit siya ang napatay ni Andoy. Nataga ni Martin sa pisngi si Andoy at ang pilat na ito ang nagtago sa tunay niyang pagkatao. Siya ay nagpabalatkayong si Mando Plaridel. Ipinasiya ni Mando na magtatag ng isang pahayagan, ang
kampilan. Ang kaibigan niyang si Magat ang siyang namahala sa pahayagan. Bumili ng bahay sa Maynila si Mando at dito na nanirahang kasama si Tata Matias upang lubos na mapangalagaan ang Kampilan. Dahilan sa kulang siya sa karunungan, naisipan ni Mandong
maglibot sa daigdig at magpakadalubhasa sa karunungan. Bago umalis, kinausap ni Mando si Tata Pastor na amain niya at ang pinsan niyang si Puri. Walang kamalay-malay ang dalawa na siya ay si Andoy. Sinabi ni Mando na siya ay tutungo sa ibang bansa ngunit lagi
siyang susulat sa mga ito. Sa Paris nakatagpo ni Mando si Dolly Montero, anak nina Donya Julia at Don Segundo na mga Dati niyang amo noong panahon ng Hapon. Nagkalapit sila ni Dolly nang ipagtanggol niya ito sa isang dayuhang nagtangkang halayin ang dalaga.
Napaibig ni Mando si Dolly at nagpatuloy siya sa Amerika. Pagkagaling sa Amerika, umuwi si Mando sa Maynila.

Nasa Pilipinas na rin si Dolly at minsan ay inanyayahan nito si Mando na dumalo sa isa nilang handaan. Ipinakikilala ni Dolly sa mga panauhin si Mando na isa sa mga iyon ay ang Presidente. Nagkaroon ng masasakit na komentaryo ukol Sa kampilan at sinabi ni Mando na
ang pahagayan niya ay nagsabi lamang ng pawang katotohanan. Pinaratangan ng mga naroon na laban sa administrasyon ang Kampilan. Nalaman ni Mando na hindi na Si Tata Pastor ang katiwala ni Don Segundo. Ang mga magsasaka ay lalong naghirap. Isang Kapitan
Pugot ang ipinalit ng Don kay Tata Pastor. Nagdaos ng isang pulong ang mga magsasaka sa asyenda. Naging tagapagsalita pa si Mando, Si Tata Pastor at si Senador Maliwanag. Tapos na ang pulong at nasa Maynila na si Mando nang masunog ang asyenda.
Pinagbibintangan ang mga magsasaka at kabilang si Tata Pastor at nahuli at binintangan lider ng mga magsasaka. Lumuwas si Puri at ipinaalam kay Mando ang nangyari. Ginawa naman ni Mando ang kanyang makakaya at nakalaya ang mga nabilanggo. Samantala si
Puri ay hindi na pinabalik ni Mando sa lalawigan. Itinira niya sa isang dormitoryo ang dalaga at pinagpag-aral ito ng political Science sa U.P. Minsan ay dinalaw ni Mando si Puri sa tinitirahan. Noon tinanggap ni Puri ang pag-ibig sa Mando. Sa wakas ipinagtapat ni Mando
kina Tata Pastor at Puri na siya si Andoy na malayong kamag-anak. Hiniling niya kay Tata Pastor at Puri nasiya si Andoy na malayong kamag-anak. Hiniling niya kay Tata Pastor na makasal sila ni Puri. Minsan ay dumalo si Mando sa isang komperensiya para sa mga
Nobelang Pagbabago patnugot ng mga pahayagan . Nalaman ni Dolly na naroon siya kaya inanyayahan sa kanilang bahay. Nakilala ni Don Segundo si Mando at nagkapalitan sila ng masasakit na salita. Dito ipinagtapat ni Mando sa siya ay si Andoy na dating alila roon . Noong una ay ayaw
maniwala ni Dolly ngunit nang ulitin iyon ni Mando ay buong hinagpis na tumangis si Dolly. Sa tulong ng pahayagang Kampilan at ng himpilan ng radyong ipinatayo ni Mando, patuloy na tinuligsa ni Mando ang mga masasamang pinuno ng pamahalaan. Nalaman ni Mando
na si don Segundo pala ay puno ng mga smugglers. Hindi nagtigil si Mando hanggang sa maipabilanggo niya si Don Segundo.

You might also like